Uploaded by Dominic Buenaventura

PANANALIKSIK NA POTA

advertisement
KABANATA I
SULIRANIN AT KALIGIRAN
PANIMULA
Sa panahon ngayon,marami pa rin ang naguguluhan sa bagong Sistema ng
edukasyon,ang k-12 kurikulum. Ang k-12 kurikulum sa Pilipinas ay ang karagdagang
dalawang taon na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng high shool kung
nais nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy ng kolehiyo,o ang mas maging handa
para sa kolehiyo. Kapansin pansin ang mga nakapagtapos sa mga paaralang
nagpapatupad nito ng mga kadalasang nakakakuha ng mas marami at mas magandang
oportunidad hindi lang dito sa bansa kundi maging sa abroad dahil ang K-12 ay ang
kinikilalang International education standard na sinusunod ng halos lahat ng mga bansa.
Ang K-12 ay ang kinikilalang pandaigdigang pamantayan ng edukasyon na
sinusunod ng halos lahat ng mga maunlad at papaunlad pa lamang na mga bansa.
Nangangahulugan lamang ito na ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay napag-iwanan
na ngunit patuloy pa rin itong sumusugal upang agarang matugunan at bigyang
solusyon ang malala na kalagayan ng kalidad ng edukasyon sa bansa. Mataas ang bilang
ng mga pilipinong walang trabaho at isa sa mga dahilan nito ay ang hindi tugmang
kakayahan ng mga tao sa kanilang trabaho.Kung kaya ay nararapat lamang na
pagtugunan ng pansin ang pagpili ng strand bilang paghahanda sa kolehiyo.Nararapat
na ayon sa kagustuhan at kakayahan ng mag aaral ang pagpili ng kukuning strand
upang tiyak na magiging mataas ang interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral.Sa pagpili
ng strand o trak sa Senior High School (SHS),maraming salik na nakakapekto sa
desisyon ng mga mag-aaral.
Mataas ang bilang ng mga pilipinong walang trabaho at isa sa mga dahilan nito ay ang
hindi tugmang kakayahan ng tao sa kanilang trabaho kung kaya ay nararapat lamang na
pagtuunan ng pansin ang pagpili ng strand bilang paghahanda sa kolehiyo.Nararapat na
ayon sa kagustuhan at kakayahan ng mag-aaral ang pagpili ng kukuning strand upang
tiyak na maging mataas ang interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral at ito’y
makatutulong o konektado kursong kanilang kukunin pagdating sa kolehiyo o sa kurso
bago sila mag kolehiyo, masasabi nating mayroon na silang mga napagisip-isipang mga
gusto o interes sa isang kurso kaya sila nandiyan sa kanilang mga sariling strand mapa :
Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM), Accountancy, Business
Management(ABM), Humanities and Social Sciences (HUMSS) at General Academic
Strand (GAS)HUMSS,ST at STEM. Ang kanilangkinabukasan ay nakasalalay sa sa
kanilang napiling kurso sa kolehiyo at isa din ito sa mga bagay na makakabigay ng
malaiking impak, di lang sa buhay ng kanilang mgapamilya kundi kasali sa boung bansa.
Ngunit, minsan talagang mayroong mga mag-aaral na nalilito parin kung ano ba talaga
ang kanilang gustong kurso, at dahil maramiang nakakaapekto sa mag-aaral sa pag-pili
ng ninanais na kurso. Ang pananaliksik na napili ng grupo ay para sa mga mag-aaral sa
Senior High Schoolna nalilito parin sa kanilang mga desisyon na gaga&in pagdating sa
pagpili ng kurso nila para sa kolehiyo. Maraming mga negatibong epikto kapag ang
isang mag-aaral ay mapupunta sa kursong labag sa kanyang kalooban o hindi niya
masyadong tanggap, dahil ang kolehiyo ay tungkol sa kung gaano mo kamahal ang
iyong pinag-aaralan o kung gaano ka kadeterminado na tapusin ito.
Ang bisa ng impluwensya sa piling mag-aaral na nasa Academic track sa pagpili
ng strand sa Camarines Sur National High School ay walang katiyakan at
nangangailangan ng masuring pagsusuri kung kaya isinagawa ang pag-aaral na ito.Ang
pag-aaral na ito ay naglalayong suriin at siyasatin kung paano nakakaapekto ang
impluwensya sa pagpili ng strand ng mga mag-aaral na nasa Academic Track sa
Camarines Sur National High School.Kung saan may hangaring siyasatin at tukuyin ang
mga impluwensiyang nakakaapekto sa pagpili ng strand ng mga mag-aaral na nasa
ilalim ng Academic Track, suriin at alamin kung gaano lubos na nakakaapekto ang mga
impluwensyang ito sa pagpili ng mga mag-aaral ng strand na kanilang kukunin, at
magbigay impormasyon hinggil sa kung ano ang nakakaimpluwensiya sa mga mag-aaral
ng HUMSS, STEM, ABM, at GAS upang kunin ang kanilang strand na kanilang
kinabibilangan.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag aaral na ito ay naglalayong alamin ang antas ng bisa ng impluwensya sa
piling mag-aaral na nasa Academic Track sa pagpili ng Strand sa nasa ila labing isang
baitang sa Camarines Sur National High School.
1. Ano ang nakaimpluwensya sa mga sumusunod na mag-aaral sa pagpili ng strand:
a.STEM
b.HUMSS
c.ABM
d.GAS
2. Ano ang antas ng impluwensya sa pagpili ng strand ng mga mag-aaral sa pagpili ng
mga mag-aaral ng Academic Track mula sa:
a.Magulang
b.Kaibigan
c.Personal
3. Ano ang balangkas ng gawain na isinasagawa bilang gabay sa pagpili ng strand sa
Academic Track?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Kapag nakamit ang inaasahang resulta ng pananaliksik, makatutulong ito sa mga
sumusunod:
Mga Mag-aaral- maaaring makakuha ang mga mag-aaral ng pananaw ng iba’t-ibang
estudyante tungkol sa kanilang sitwasyon at paano nila hinaharap ang sitwasyon.
Mabibigyan din sila ng basehan sa kung paano sila dapat mamili ng strand na kanilang
kukunin sa academic track.
Mga Magulang- mabubuksan ang kanilang mga mata at mamumulat sa reyalidad upang
malaman kung is aba ang mga magulang sa nagbibigay impluwensiya o pinipilit ng magaaral sa pagpili ng strand. At upang mapagtanto ang mga epekto nito at kung paano
nakakaapekto sa kinabukasan at sa edukasyon ng mga mag-aaral.
Mga Guro- ito’y makatutulong sa mga guro upang makakuha o malaman ang kaisipan
ng mga mag-aaral at upang magsilbing gabay sa mga guro upang gabayan ang mga
estudyante sa pagtutugma ng strand sa gusting kunin na kurso pag kolehiyo.
Mga Mananaliksik- ang resulta na makukuha mula sa pagsusuri na ito ay maaaring
magamit sa mga darating pang pananaliksik at magsisilbing gabay at pagpapahusay pa
sa isasagawang pag-aaral.
Saklaw at Limitasyon
Upang makamit ang inaasahang kakalabasan ng pananaliksik, may mga tiyak na
saklaw at limitasyon ang tinukoy. Nakatuon lamang ang pananaliksik na ito sa antas ng
bisa ng impluwensya sa mga piling mag-aaral na nasa Academic Track sa pagpili ng
strand sa Camarines Sur National High School. Ang pag-aaral na ito ay magaganap sa
loob ng Camarines Sur National High School, Naga City na kung saan ang mga magaaral na nasa ika labing isang baitang ang kalahok galling sa strand na STEM, HUMSS,
ABM, at GAS.Isasagawa ang pag-aaral sa loob ng school year 2019-2020 at lahat ng
malilikom na datos ay gagamitin lamang para sa pananaliksik na ito.
Depinisyon ng mga termino

Strand- ay tumutukoy sa mga sangkap na nakapailalim sa mga track.
Mayroong strand mula sa akademik track Science, Technology,
Engineering and Mathematics (STEM) Accountancy, Business
Management (ABM) Humanities and Social Sciences (HUMSS) at General
Academic Strand (GAS)

Track- ay tumutukoy at ipinapatupad sa bagong kurikulum, o kilala bilang
K to 12 Curriculum. Mayroong apat na track: Academic Track, Arts and
Design track, Sports Track, Technical-Vocational Livelihood Track(TVL)

Camarines Sur National Highschool
Penafrancia ave.Naga City
ANTAS NG BISA NG IMPULWENSIYA SA MGA PILING MAG-AARAL NG ACADEMIC
TRACK SA PAGPILI NG STRAND SA CAMARINES SUR NATIONAL HIGH SCHOOL T/P
2019-2020
Dominic Buenaventura
Alexander Benito
Cyril Urbano
Royayae Sta.Rosa
Marie France Yanila
Kurt Borja
October 10, 2019
11 HUMSS 4
Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) Accountancy, Business Management (ABM)
Humanities and Social Sciences (HUMSS) at General Academic Strand (GAS)
Download