Ang Aking Talaarawan By: Maricris C. Cadampog Sa kaunting panahon na aking pag-aaral sa Filipino, mas marami akong natututunan na siyang nagpalawak sa aking kaalaman. Mas naiintindihan ko pa ang ibang kultura, mga kaugalian at kagawian nila, na di lang ako nakakaalam, kundi maging sila. Isa sa aking natutunan ay ang pagtalakay namin sa kahalagahan ng wika sa lipunan na kung saan ito ang siyang pundasyon sa ating pakikipag-komunikasyon. Nakikilala ang kultura na kinabibilangan ng tao o grupo sa pamamagitan ng paggamit ng wika nila kung kayat sa pagkakakilanlan mo sa wika ng iba, mas namulat tayo sa kanilang kultura. At sa pamamagitan ng pananaliksik namin tungkol sa kahalagahan ng wika, ito pa ang nagging daan upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga kultura at kagawi-an ng iba na siya pang daan upang ang lahat ay magkaintindihan at magkaunawaan na maaaring daan pa sa kaayapaan. Ang wika na magkakaiba, sa lugar, pulo o maging bansa ay tinatawag na diyalekto. Ngunit sa pagkakaiba nito dapat may isang wika na kilalanin upang ang lahat ay magkaintindihan at magkaunawaan. Ang wika na ito na ayon sa aming pag-aaral ay tinawag lingua franca na siya ay ang “Filipino”. Ayon sa iba, mas maganda kung marami kang alam na wika para mas mintindihan at kumonekta ng iba, na para naman sa akin ay tama naman sila. Ngunit mas kaaya-aya kung mas lilinangin mo ang wika ng iyong bansa sapagkat ayon Dr. Jose Rizal “ Ang hindi raw magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda”.