Uploaded by Russiel Dagohoy

Ang Pagsulat ng Talumpati

advertisement
Ang Pagsulat ng Talumpati
Plataporma sa isang malaking pagtitipon.
Halimbawa: State of the Nation Address o SONA
Ang talumapati ay isang PORMAL na nagpapahayag na binibigkas sa harap ng
manonood o tagapakinig. Pormal dahil ito ay pinaghahandaan, gumagamit ng piling wika, at
may tiyak na layunin.
Ang proseso ng pagsulat ng talumpati ay maaring hatiin sa tatlong yugto:
Ang PAGHAHANDA, PANANALIKSIK, at PAGSULAT ng TALUMPATI.
1.PAGHAHANDA
1. Layunin ng Okasyon- Mahalagang alamin ng tagapagtalumpati ang layunin ng pagdaraos
ng okasyon. Maaring ito ay upang magbigay ng inspirasyon sa mga estudyante, mapaliwanag
tungkol sa isang isyu sa isang komunidad, magkuwentotungkol sa isang karansan para para may
matutuhan ang mga tagapakinig, at iba pa.
2. Layunin ng Tagapagtalumpati- Bukod sa layunin ng okasyon, dapat din tiyakin ng
tagapagtalumpati sa kaniyang sarili. Kung iisa lang siyang magsalita, maaring ang layunin ng
okasyon ay siya na rin niyang maging layunin. Kung siya ang pangunahing tagapagsalita , dapat
tiyakin ang na maisentro niya ang kaniyang yalumpati sa tema.
3. MANOOD- Ang manood ay hindi lamang tagpakinig. Pangunahing salik din sila sa nilalaman
at estilo ng talumpati. Kung marami naman manonood, malamang kailangan maikli lang ang
talumpati at lahukan ng maraming kwento at biro upang makuha ang atensiyon ng isang
malaking grupo. Ngunit sa madami ng manonod, kailangan din alamin ang mga ilang bagay
tungkol sa katangian nila, ang kanilang pinag-aralan, ekonomikong estado,edad,kasarian, o
kulturang pinagmulan.
4. Tagpuan ng Talumpati- Tumutukoy ito sa lugar, sa kagamitan, sa oras, at sa daloy ng
programang kapapalooban ng talumpati. Bago ang mismong pagtatalumpati, mahalagang dapat
makita o mausisa man lamang ang kondisyon ng lugar, kung nasa loob o labas, nasa entablado o
nasa lupa, mainit o malamig ba ang lugar. Kailangan din tignan o tanungin kung may kagamitan
tulad ng Projector, Kompyuter, Audio Player, Blakbord at iba pang kailangan sa presentasyon.
Sa pamamagitan nito, magiging malayang tagapagsalita sa kabuuang daloy ng ng okasyon at sa
tiyak ng tungkulin at lugar niya sa daloy na ito.
Download