Abstrak tungkol sa “Paggamit ng mga estudyante sa social media” Ang layunin ng pananaliksik ay mabatid kung ano ang maganda at hindi magandang epekto na maidudulot sa mga estudyante itong social media. Ang sinabing pananaliksik ay sumasailalim sa qualitative research dahil sinabi dito kung ano ang kabataan nang dumating na ang social media sa kanilang buhay. Ang bilang ng mga respondante ay dalawampu’t siyam (29) na mga estudyanteng nalulong sa social media dito sa Ormoc City Senior Highschool. Ang lumabas na resulta ay may ilang estudyante ay magandang epekto ang social media sa kanilang buhay pero mas marami ang mga estudyanteng hindi magandang epekto ang social media sa kanilang buhay dahil sa addiction na hindi na nila mapigilang ang kanilang sarili kapag hindi sila nakakapag social media. Na ang social media daw ang kanilang kaligayahan kapag sila ay nalulungkot. Ang social media ang gabay nila sa kanilang pag aaral na kung saan kumukuha sila ng mga impormasyon sa internet, mga balita na hindi nila makikita sa telebisyon. Pero marami paring estudyante na hindi na nakatuon sa pag-aaral dahil nalulong na ang kanilang mata at isipan sa social media. -APLIM