PAA Dalawang mag kaibigan habulan ng habulan. PAKO Nagtago si Pedro nakalitaw ang ulo. PAGONG Narito na si katuto may daladalang kubo. PALAKA May ulo walang buhok, may tiyan walang pusod. PANIKI Hindi naman bulag di makakita sa liwanag. KASOY Prinsesa naka upo sa tasa. JACKET Hindi tao hindi hayop ngunit nagbigay init sa katawang nilalamig. PAYONG Bahay ng kapre iisa ang haligi. BAHAGHARI Palda ni Santa Maria ang kulay ay iba-iba. PARI Kung malayo ay babae kung malapit ay lalaki. Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo. Pag maigsi ang kumot, matutong mamaluktot. Ang taong nagigipit sa patalim man ay kumakapit. Nasa tao ang gawa nasa diyos ang awa. Kung ano ang puno , siya ang bunga.