HA “HALAMANAN SA BHS KANLURANG PALALE” Isinagawa ang unang pagpupulong ukol sa gardening/ paghahalaman ay noong ika-6 ng Abril, 2018. Napagusapan sa pulong kung anong plano ang gagawin at kung anong disenyo ng halamanan ang angkop sa BHS Kanlurang Palale kung saan ay limitado at sementado ang lugar. Nagsagawa ng research ukol sa halamanan at nakakita kami ng iba’t ibang disenyo. Mula dito ay napagkasunduan namin ang pinaka-praktikal na disenyo sapagkat kulang sa budget. Ang paggamit ng kawayan at pagdadala ng plastic bottle ng coke o Wilkins para taniman ang pinakamatipid na pamamaraan para sa limitadong lugar ng BHS Kanlurang Palale. Ang unang atag o paghahalaman ay isinagawa noong ika-14 ng Abril, 2018. Halos lahat ng Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholar mula sa iba’t ibang Barangay at Kagawad for Health ng Brgy. Ilayang Palale ay dumating at nakiisa sa paghahalaman. Ang kabuuang gastos sa aming halamanan ay nagkakahalagang 1,230 pesos. Ang unang punlaan sa mga plastic bottle at kawayan sa harapan ng BHS. Si Tita Digna, ang Health Aide ng BHS Kanlurang Palale ang araw araw na nangangalaga sa mga tanim sa pamamagitan ng pagdidilig, at paglilinis ng paligid. Ang unang pagbisita ay naganap noong ika-27 ng Abril 2018 at dito ay nakita ng mga hurado na kulang pa ang aming tanim na halamang gulay, prutas at halamang gamot. Ang unang disenyo ng halamanan sa harapan ng BHS Kanlurang Palale. Ang feedback na ito mula sa judges ay pinag-usapan muli sa sumunod na BHW meeting. Napagdesisyunan sa meeting na sa ika-18 ng Mayo, 2018 ay magkaroon muli ng atag para madagdagan ang mga tanim na gulay, prutas at halamang gamot. Lahat ng BHW ay nakarating at nakiisa sa nasabing atag. Nagdesisyon din na mag-expand at hiramin ang lupang karatig ng Health Center. Dahil sa marami ang namatay mula noong unang pagtatanim, nagdagdag muli ng mga punla, pinaganda ang kondisyon ng lupa sa karatig na lote, at nagdagdag ng gapangan ng halaman. At mula sa mga donasyon na mga retasong plywood, nakapaglagay na din ng mga labels sa halamanan. BHWs in action. Ang masayang pagtatanim, pagpupunla at paglalagay ng gapangan ng gulay. Ang masayang pag-aatag ng mga BHWsa halamanan. Ang paglalagare ng mga retaso ng plywood para sa labels. Ang ikalawang pagbisita ay noong ika-24 ng Mayo, 2018 kung saan kinakitaan ng paglago ang mga halaman, ang ilang mga gulay ay namunga at ang ilan naman ay maari ng putihin kagaya ng petchay. Ang ikatlong pagbisita ay isasagawa sa Hulyo 2, 2018. Ngunit bago pa man ang nasabing pagbisita, ang kamatis, sili, talong ay namunga na at naputi na kasama ang mga petchay, mustasa, talbos ng kamote at iba pa. Ang harvest ng kamatis at petchay ngayong Hunyo. May kasabihan nga po tayo na, “kapag may tiyaga, may nilaga”. Bagaman at hindi maganda ang sitwasyon ng lupa at sementado ang paligid ng Health Center ay napagtagumpayan namin ang pagkakaroon ng halamanan sa pagtutulungan at pagtitiyaga ng mga Barangay Health workers, Barangay Nutrition Scholars, Barangay Health Midwife, Health Aide at Sangguniang Barangay. Maraming salamat sa programa na ito na nagbigay inspirasyon sa maraming mamamayang nasasakupan ng BHS Kanlurang Palale na magtanim at kumain ng masustansyang gulay, prutas at gumamit ng halamang gamot. Ito ay magpapatuloy kahit tapos na ang programa. PREPARED BY: Rosario A. Saberola, RM MIDWIFE II/ BHS KANLURANG PALALE