Nagmamadali si Anna Ako nga pala si Anna, may nobyo ako si Christian. Kahit di kami kasal ay nagsasama na kami ng halos tatlong taon. Sa tagal ng pagsasama namin bigla ko nalang naramdaman na hindi ko na siya mahal. Parang may kulang, pakiramdam ko kahit binibigay niya na ang lahat ng gusto ko ay hindi pa rin sapat. Gusto ko ng maginhawang buhay. Nagsasawa na ko, paulit ulit nalang ang nangyayari sa araw-araw. Nais kong umunlad sa madaling paraan Gusto ko yung mga bagay na meron ang mga kaibigan ko, at kung maari lamang ay higit pa. kaya napag pasyahan ko na mag tungong Japan upang doon ay magtrabaho dahil doon ay malaki ang kita. Pumayag naman si Christian kung yun daw ang makakapagpasaya sa akin. Basta raw mangako ako na hindi ko siya kakalimutan at lagi kaming magtatawagan. Nang makarating ako sa Japan ay may nakilala akong mayaman na Hapon. Lahat ng hilingin ko sa kanya ay agad nyang binibigay. Hanggang sa naging magkarelasyon na kami at nakalimutan ko na si Christian.makalipas ang dalawang taon, nakalimutan ko na ang pangako ko sa kanya. Isang araw nagulat na lamang ako ng biglang sumulpot si Christian sa bahay na inuupahan naming dalawa ni Misuki. Bigla niya akong niyakap at humarap siya ng may luha sa kanyang mga mata. Miss na miss niya na raw ako, bakit daw hindi ko na s’ya kinokontak, nawala raw ba ang “cellphone ko” yan ang ilan sa marami niyang tanong Anna: “Christian, patawarin mo ako. Kaya lang ay may iba na akong mahal at maginhawa na ang buhay ko. Maghanap ka nalang siguro ng ibang babae na mamahalin mo. Ayoko na ng buhay na meron tayong dalawa. Kaya sana maintindihan mo.” Christian:” maintindihan? Bakit naman biglang ganito na lang? balewala ba sa”yo lahat ng pinagsamahan natin? Anna naman, hindi ko kaya na mawala ka. Kaya ko namang ibigay sa’yo lahat ng gusto mo. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon. Maghahanap ako ng trabaho ditto kung dito mo gustong tumira. Basta huwag mo lang akong iiwan.” Anna: “pasensya kana talaga Christian pero masaya na ako ngayon sa kung ano man ang meron ako ngayon. Kung maaari sana ay umalis kana at baka madatnan ka pa ni Misuki. ( Lumabas ng bahay si Christian na nanlulumo. Hindi niya matanggap ang mga nalaman niya mula kay Anna ). ( Ng umalis si Christian ay hindi malaman ni Anna kung bakit bigla na lamang siyang nanghinayang sa mga binitiwan niyang mga salita kay Christian) Anna: “tama ba talaga ang desisyon ko? Masaya ba talaga ako ngayon sa piling ni Misuki? Sa paghahangad ko ng karangyaan nakalimutan ko na kung ano nga ba talaga ang nakakapagpasaya sa akin. ( Samantala si Christian ay nakapaghanap na ng trabaho at nakilala niya si Lizet. Ang babae na tumulong sa kanya na makalimutan ang kanyang nakaraan kay Anna. Mabait si Lizet kaya naman madaling nahulog ang loob ni Christian sa kanya. Para kay Christian ito na ang babaeng papakasalan niya. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay bigla siyang pinatawag ng gwardya ng kompanya na kanyang pinapasukan dahil may naghahanap raw sa kanya. Pag labas niya sa kompanya ay nakita niya si Anna na malayo sa Anna na huling nakita niya na maganda at sopistikada. Ang Anna na kaharap niya ngayon ay may namumugtong mata at mapayat ). Anna: patawarin mo ako Christian ngayon ko lamang napagtanto na mahal pa rin pala kita at ikaw ang tunay na makapagpapasaya sa akin. Nakipaghiwalay na ako kay Misuki dahil mas mahal kita. Christian: pero Anna huli na ang lahat meron na akong nobya at malapit na kaming ikasal. Tinatapos lamang namin ang aming kontrata at uuwi na kami ng Pilipinas. Anna: pero papaano na ako? Mahal pa rin kita maniwala ka. Pwede pa naman nating ibalik ang nakaraandiba? Yung nakaraan na masaya tayong dalawa. Christian: pasensya kana Anna pero mahal? kung talagang mahal mo ako hindi mo sana ako iniwan. Hindi mo sana ako ipinagpalit sa kung sino man. Nakuntento ka sana sa mga bagay na kaya ko lamang ibigay. Pero hindi eh, mas mahal mo kasi ang sarili mo. Naging Masaya ako sa piling mo pero ang saya at pagmamahal na naramdaman ko noonpara sa’yo ay pinalitan mo ng pighati. Hindi mo na maitatama ang isang pagkakamali sa isa pang pagkakamali. Mahal ko si Lizet at papakasalan ko na siya. ( Pag-iyak na lamang ang naitugon ni Anna).