1 II. PANIMULA Ayon kay Garcia (Nobyembre, 2016) sa kasalukuyan, kinakaharap ng ating bansa ang lumalaking bilang ng populasyon ng mga Pilipino. Humigit-kumulang labindalawang milyon na ang bilang ng mga Pilipino sa Pilipinas at araw-araw ay nadadagdagan pa ito ayon sa pag-aaral ng National Statistics Office (NSO). Dahil sa dumaraming kaso ng maagang pagbubuntis sa mga kabataang wala pa sa legal na edad, patuloy na bumibigat ang problema ng karamihan sa ating mga kababayan ukol sa paglobo ng populasyon na karaniwang nagiging dahilan hindi lamang ng kahirapan kundi maging ang nadaragdagang kaso sa bansa ng aborsyon. Ilang dekada nang usapin ang tungkol sa pagpapalegal ng aborsyon sa ating bansa. Hindi ito madali para sa mga Pilipino lalo pa’t tayo ay nasa isang Kristiyanong bansa. Bilang mga kristiyano, nangunguna na ang mga pari at Obispo sa pagtuligsa sa aborsyon dahil sa pagpapahalaga ng relihiyon sa buhay ng tao. A. PAGKILALA SA PAKSA Ang pagpapalaglag, pagpapaagas o aborsyon ay ang sinadyang pagtatanggal ng embryo o fetus sa loob ng matres, na nagsasanhi ng kamatayan nito. Pwede itong mangyari ng biglaan tulad ng kapag ang babae ay nakunan, o ng artipisyalsa pamamagitan ng kemikal, pagtistis at iba pa. Sa pangkalahatan, ang "pagpapalaglag" o abortion sa Ingles ay tinutukoy sa inuudyokang pagpapalaglag sa panahon ng pagbubuntis; sa medikal na pagtawag, tinatawag na nakunan ang babae kung ang pagpapalaglag ay nangyari bago ang ikadalawampung linggo ng pagbubuntis, kung saan ito ay tinuturing na hindi pa buhay. Maraming mga paraan para umudyok ng paglaglag sa 2 buong kasaysayan natin. Ang mga legal at moral na mga batayan nito ay usapin sa mga pagtatalo sa maraming mga bahagi ng mundo. (Wikipedia: Ang Malayang Ensiklopedya) B. SARILING PANANAW SA ISYU Sa panahon ngayon ang tanging iniintindi ng tao ay ang mamuhay silang masaya, matalino at ang paghahanap ng espirituwal na bagay na naaangkop sa sarili nilang kapakanan at balewala ang kapakanan ng iba. Hindi lang ito matatawag na isang pilosopiya dahil ito’y nagbibigay ng praktikal na epekto kundi sa iba’t ibang bagay din. Halimbawa, ang pananay ng tao sa materyal na bagay at ang ui ng pagkakakilala nila sa sarili at ang pagkakaunawa nila sa layunin ng buhay. Ito’y para sa kanila ay puro pagpapakasaya o pagpapasasa lamang na naging batayan na sa anumang mga katanungan at problema. Dito rin sa pilosopiyang ito nakabatay ang aborsyon na itinuturing ng mga tao na mayroong napakalayong epekto sa kanilang buhay batay sa iba’t ibang paniniwala sa buhay. Ang aborsyon ay ibinatay ayon sa layunin ng tao sa buhay at kung papaano masisiyahan ang isang babaeng gumagawa ng Aborsyon. III. MGA ARGUMENTO SA ISYU Ayon kay Villanueva (2011) ang mga argumento tungkol sa aborsyon ay tumatalakay sa kabuuan ng aborsyon at kung paano ito nakaapekto sa buhay ng mga mamamayan. Tinalakay ang pagiging biktima ng panggagahasa at pagbubuntis. Sapat ba itong dahilan upang kitilin ang buhay ng isang inosente? Napag-usapan din ang maaaring gawin kapag nakataya ang buhay ng ina sa pagbubuntis. Tama bang ipalaglag ang bata para sa kapakanan ng ina? Ang aborsyon kahit ano pang dahilan ay mali at kasalanan pa rin ngunit walang hindi napapatawad ang Diyos. Maraming pagpapalitan ng kuro-kuro patungkolsa 3 isyung ito. Mayroong sinasabi ang bibliya tungkol sa aborsiyon. Ang aborsyon ay isa sa mga mahahalagang isyu na dapat bigyang pansin. Dapat ba ito o hindi? A. BUOD NG MGA ARGUMENTO Hindi partikular na tinukoy sa Bibliya ang isyu ng aborsyon. Gayun pa man, napakaraming mga talata sa Bibliya ang malinaw na nagpapakita kung ano ang pananaw ng Diyos tungkol sa aborsyon. Sinasabi sa atin ng Jeremias 1:5 na kilala na tayo ng Diyos sa simula pa at Siya ang humuhugis sa atin sa tiyan ng ating ina. Ipinahayagi naman ng Mga Awit 139:13-16 ang aktibong pagkilos ng Diyos sa paglikha at paghugis sa kaanyuan ng bata sa tiyan ng kanyang ina. Sa Exodo 21:22-25 naman ay ipinahayag ang hatol na kamatayan sa sinumang magiging dahilan ng kamatayan ng sanggol na nasa tiyan pa lamang ng kanyang ina. Ito ay malinaw na nagtuturo na itinuturing ng Diyos ang sanggol sa tiyan ng ina na gaya sa isang matanda na mayroon ng sapat na pag-iisip. Para sa mga Kristiyano, ang pagpapalaglag ay hindi maituturing ng karapatan ng ina upang mamili. Ito ay patungkol sa buhay o kamatayan ng isang tao na ginawa ayon sa wangis ng Diyos (Genesis 1:26-27; 9:6). B. MGA IMPORASYONG SUMUSUPORTA SA ARGUMENTO Ayon kay Panopio (2013) sa ngayon sa ating bansa, marami na din batas ang nagbabawal sa di-makatao at makatarungang paraang ito. Ipinapasa na din sa ngayon ang RH Bill na kung saan nilalayon ang mag-asawa na gumamit ng mga paraang contraceptive o family planning ngunit ito pa din pinag-aaralan at pinagtatalunan sa senado sa ngayon sa pagitan ng mga tagapagpasa nito at ng simbahang katoliko. Ating tandaan, ang abortion o aborsyon ay hindi makatarungan at makataong paraan upang masolusyunan ang problema na isang tao may dinadala sa 4 sinapupunan. Ang tanging paraan ay tanggapin ito ng maluwag sa puso, maging ito man ay bunga ng intensyon o hindi inaasahan. Dapat nga ay ipagpasalamat mo ito sa Maykapal sapag pinagkatiwalaan at ipinagkalooban ka niya ng isang regalo. Sabi nga nila "Babies are always a blessing", sapagkat sila ay mga Anghel na nagdadala ng mga ngiti at lunas sa kalungkutan sa loob ng isang tahanan. Sa mga walang puso na mga kalalakihan naman na nakabuntis o nabuntis ang ang kanilang partner o mahal sa buhay na siya pang nag-uudyok na ipalaglag ang bata, sana naman panindigan mo yung mga pangako o kataga mo na "Wag ka mag-alala o Akong bahala". Kung tunay kang lalaki at kung mahal mo talaga yung partner mo, panagutan mo ang responsibilidad at sa halip palakasin mo ang loob ng iyong partner at iyong suportahan. IV. KONKLUSYON Ang Aborsyon ay malinaw na inilalahad na isang kondisyon sa an gating antas ng medisina ay dapat isaalang-alang. Mayroong dalawang katuwiran ito. una, na nag aborsyon ay malinaw na isang abnormalidad ng pagbubuntis kung saan nakasalalay o nasa mapanganib ang buhay ng ina at ng sanggol kung hindi naagapan. Pangalawa, ang midwife ay kailangang nakaantabay sa panahon ng pagbubuntis. Kung ang midwife ay gumagawa ng aborsyon na mag-isa, siya ay posibleng mapaghinalaan na kasabwat sa pagsasagawa nito at maaring siya’y makulong dahil dito. Samakatuwid, ang aborsyon ay isang kaso na ang isang babe ay namimili. Kung ang lipunan ay mahigpit sa mga babaeng nabuntis na walang maituturing na asawa, ito ay isang malaking epekto ng kanyang gagawing desisyon. Maraming pagkakataon na ang aborsyon ay naganap sa kadahilanan ng hindi inaasahang pagbubuntis kung ito’y resulta ng panggagahasa o pagpapabaya. 5 Ngunit ang epekto ng aborsyon ay matindi. Ito’y nangangahulugan ng pisikal at sikolohikal na pagkasira. Sa kabila nito, maraming kaso rin kahit walang aborsyon ang kapakanan ng kalusugan ng babae sa pagbubuntis ay naapektuhan. Sa ganitong uri ng kaso, ang paggawa ng konsiderasyon ay nakabatay sa isang balanseng kalagayan at ang pagpili ay nasa babae at ang kanyang doctor. Matapos mapag-alaman ang iba’t ibang bahagi ng aborsyon, nabigyan ng konklusyon na ang pag-aaral na ito na tungkol sa aborsyon ay hindi tama ayon sa ating moralidad. Ang aborsyon ay pumipigil ng isang sanggol na mabuhay na normal at ang buhay na ito ay hindi nanggagaling sa atin kung saan ito’y galing sa Panginoong Diyos at wala tayong karapatang kumitil nito. Maraming pagtatalo tungkol sa aborsyon at ito’y isa raw paraan para maibsan ang mga problema, ngunit hindi ito ang tunay na kalutasan at hindi dapat na ito’y piliin. Wala ring katiyakan ang isang ina na gumawa nito kung talagang siya ay malayo s kapahamakan dahil ang sadyang aborsyon ay mapanganib. Ito ay tinatawag na mapanganib na solusyon. Ang pagpipili ay kailangang balance at kailangang ito’y naayon sa mga iba’t ibang dating sa ating bansa, moralida at pagtanggap. Bilang rekomendasyon, ang mga sumusunod ay: 1. Ang masusing pag-aaral ng batas tungkol sa aborsyon ay kailangang gawin. Ang aborsyon ay illegal at mayroong hindi naitalang mga kaso nito at ang buhay ng mga babaeng gumawa nito ay mapanganib. Ang mga lisensyang gumawa nito maliban sa mga kasong pinapayagan ng batas ay maaring mabawian sila ng lisensya. 2. Ang mga kabataan ay kailangang mapag-aralan lalo na sa kapusukan. Ang aksidenteng pagbubuntis ay isang resulta o dahilan kung bakit dudulog sila sa aborsyon. 6 3. Maraming pagsusuri ang isinagawa tungkol ditto lalo na sa bilang ng aborsyon na ginanap dito sa Pilipinas. Ang pag-aaral na ito ay masusi sa dahilan na maaring kaso ang hindi naiulat at hindi naitala at ito’y nangangahulugan na walng katotohanang maipakita kung anong pagtitimbang ang gagawin ng nasa pamahalaan tungkol dito. 7 V. SANGGUNIAN 1. Garcia, Douglas Jr. Aborsiyon, Lunas at Mga Batas. Quezon City: Rex Bookstore Inc., 2016, pp. 34-36 2. Villanueva, Richel N. Epekto ng Aborsiyon. Metro Manila: Wiley and Sons, 2011. p. 204. 3. Wikipedia: Ang Malayang Ensikplodeya, 2016, August 27. Retrieved February 7, 2017 from https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagpapalaglag 4. Panopio, Isabel S. The abortion Controversy. Metro Manila: Metro Manila Press, 2013. 8 POSISYONG PAPEL ABORSYON