Uploaded by sakuranokokoro55

150840782-MGA-PAGBABAGO-SA-TRADISYON-SA-PATAY-NG-MGA-ILOKANO-SA-PAGPASOK-NG-IKA-21-DANTAON

advertisement
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Diliman, Quezon City
MGA PAGBABAGO SA TRADISYON SA PATAY NG MGA ILOKANO
SA PAGPASOK NG IKA-21 DANTAON
Ni:
Frauline C. Tadle
BA Political Science
Isang Papel sa Pananaliksik na Ipinasa kay
Dr. Jimmuel C. Naval
Bilang Bahaging Katuparan
sa kursong Filipino 40
Oktubre 2012
PASASALAMAT
Ang pagsasakatuparan ng papel na ito ay naging pmatagumapay dahil sa mga taong
walang sawa na nagbigay ng kanilang suporta at kaalaman mula sa simula hanggang katapusan:
Sa Maykapal na nagbigay sa mananaliksik ng ibayong lakas, kaalaman at pasensya nang
sa gayon ay matapos ang papel na ito sa kabila ng kaliwa't kanang gawain at pagsusulit;
Sa Unibersidad ng Pilipinas na patuloy na humuhubog sa aming mga kakayahan bilang
mga mananaliksik at bilang mabuting mamamayan sa pamamagitan ng kanyang prinsipyo't
paniniwala;
Sa kanyang propesor na si Dr. Jimmuel Naval na lubos na tumulong, gabay at naging
bukas sa aming mga pagkukulang at katanungan upang higit na maging matagumpay ang papel
na ito;
Sa pamilya ng mananaliksik sa bagaman ay nasa malayong lugar ay patuloy na naniwala
sa kakayahan nitong matapos nang matiwasay ang bawat hamon na dumating sa kanyang buhay;
Sa Sampaguita Dorm Manager na si Gng. Teresita Ngayan at mga Ilokanong residente
nito na sa pamamagitan ng kanilang suporta at kaalaman hinggil sa paksa ng pananaliksik ay
tumulong sa pagtatapos nito;
Sa mga kamag-aral, lalo na ang mga miyembro ng Pangkat 2 sa kanilang suporta at
pagbibigay kasiyaha't tulong sa isa't isa sa gitna ng mga hamong ibinigay sa ating ng semestre.
Isa kayo sa mga dahilan ng makabuluhan at masaya kong buhay sa unang bahagi ng
Akademikong Taon 2012-2013.
F.C.T.
Para kay Jenah Santos
isang mabuting kaibigan
salamat sa pagbibigay ng ideya ukol sa pag-aaral na ito
at sa lahat ng tulong mo
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pahinang Pamagat
Pasasalamat
Dedikasyon
Talaan ng mga Nilalaman
Kabanata I: Panimula
A. Introduksyon
B. Layunin
C. Metodolohiya
D. Saklaw at Limitasyon
E. Kahalagahan ng Pag-aaral
Kabanata II: Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Kabanata III: Diskusyon
A. Tradisyon sa Patay ng mga Ilokano bago ang ika-21 dantaon
1. Mula pagkamatay hanggang burol
2. Paghahatid hanggang sa paglilibing
3. Matapos ang paglilibing
B. Tradisyon sa patay ng mga Ilokano sa pagpasok ng ika-21 dantaon
1. Mula pagkamatay hanggan burol
2. Paghahatid hanggang sa paglilibing
3. Matapos ang paglilibing
C. Pagbabagong dala ng ika-21 dantaon sa tradisyon sa patay ng mga Ilokano
1. Mula pakamatay hanggang burol
2. Paghahatid hanggang sa paglilibing
3. Matapos ang paglilibing
Kabanata IV: Koklusyon
Mga Sanggunian
Apendiks
KABANATA I
PANIMULA
A. Introduksyon
Kuripot – ito ang pangunahing pang-uri na pumapasok sa isipan ng ninuman kung
tatanungin sila ng tungkol sa mga Ilokano. Isang bagay na dulot ng hindi pagkaka-unawa sa
kanila ng marami. Tinuturing ang mga Ilokano bilang isa sa mga pangunahing pangkat etniko sa
Pilipinas. Nananahan sila mula Rehiyon I, II, III at CAR. Ang kanilang katangian, pag-uugali at
kultura ay dulot marahil ng topograpiya na kanilang tahanan, liban pa ang epekto ng kasaysayan.
Sa kabila ng mapaghamong kapaliiran, isa pa rin ang mga Ilokano sa may kinamayamang
kaugalian at tradisyon sa ating bansa.
Kilala ang mga Ilokano sa pagtatanim ng mga tabako na may mataas na halaga sa
pangdaigdigang merkado. Ang iba pa sa kanilang mga kabuhayan ay ang pangingisda at
pagtatanim ng iba pang halaman gaya ng palay at mais. Laganap din ang pag-aalaga ng mga
hayop na ginagamit na pang-komersyal o pansariling konsampsyon. Dadgdag pagkakakiitaan din
ang paggawa ng mga palayok, damit at pananahi1.
Bilang bahagi ng lahing Pilipino na may mayamang kultura ng mito at alamat, ang mga
Ilokano ay mayroon ring samu't saring mga kwento na kanilang ginagamit upang bigyang
paliwanag ang mga bagay at pangyayaring hindi nila maunawaan mula sa kanilang kapaligiran.
Ito ay hindi bago sa mga Pilipino bagkus ay isang pamana mula sa ating mga ninuno. Sa
paniniwalang may mga hindi nakikitan nilalang na nananahan sa kanilang kapaligiran, ibayong
pag-iingat ang kanilang ginagawa. Gumagamit sila ng mga ritwal nang sa gayon ay manatiling
mapayapa ang kalooban ng mga nilalang ito. Ang mga paniniwalang ito ay makikita sa iba't
ibang okasyon sa kanilang buhay at nagbabago lamang sa pagdaan ng panahon.
Isa sa mga pinakamahalagang pangyayari sa mga Ilokano ay ang pagkamatay ng isang
mahal sa buhay. Labis-labis ang kanilang pagbibigay respeto
sa kanilang mga yumao na
nagbigay daan sa napakaraming kaugaliang bumabalot dito. Mula sa pagkamatay, burol,
paghahatid sa libingan, palilibing at matapos niyon, hindi mabilang ang kanilang mga gawain
nan sa gayon ay matiwasay ang paglisan ng kaluluwa at hindi rin sila gambalian nito. Ganoon pa
man, ang pagpasok ng mga bagong pag-uugali dulot ng teknolohiya at urbanisasyon ay
nagkaroon ng epekto sa mga kaugaliang ito.
Ang papel na ito ay ukol sa pag-aaral sa mga pagbabagong dala ng ika-21 dantaon na
nagbigay daan sa globalisasyon at teknolohiya sa tradisyon sa patay ng mga Ilokano. Hinati ito
sa mga sumusunod na bahagi:
a. Mula sa pagkamatay hanggang burol;
b. Paghahatid hanggang paglilibing at
c. Matapos ang paglilibing.
Ito ay bahaging katpuran ng mga pangangailangan sa kursong Filipino 40 sa unang
semestre ng Akademikong Taon 2012-2013 at inaasahang magiging tulong sa ma susunod pang
pag-aaral ukol sa mga kaugnay na paksa.
B. Layunin
Ang papel na ito ay naglalayong bigyang kasagutan ang mga sumusunod nakatanungan:
1. Malaman ang mga kaugalian ng mga Ilokano sa patay bago ang ika-21 dantaon sa mga
oras ng :
a. Mula sa pagkamatay hanggang burol;
b. Paghahatid hanggang paglilibing at
c. Matapos ang paglilibing.
2. Alamin ang mga ang mga kaugalian ng mga Ilokano sa patay sa pagpasok ang ika-21
dantaon sa mga oras ng :
a. Mula sa pagkamatay hanggang burol;
b. Paghahatid hanggang paglilibing at
c. Matapos ang paglilibing?
3. Matukoy ang mga pakakaiba ng mga pagkakaiba ng mga kaugalian ng mga Ilokano sa
patay sa pagitan ng yaong nakatira sa o malapit sa lunsod at yaong malayo sa
lungsod.
4. Masuri at malaman ang maaaring naging epekto ng teknolohiya at urbanisasyon sa
tradisyon sa patay ng mga Ilokano.
C. Metodolohiya
Upang maisakatuparan ang papel na ito, pangunahing ginawa ng mananaliksik ay ang
paghahanap ng mga impormasyon hinggil sa mga Ilokano. Karamihan sa mga impormasyon ay
nakuha mula sa mga aklat na pinangangalagaan ng Seksyong Filipiniana ng Bulwagang
Gonzales, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.
Nagsagawa rin ng sarbey ang mananaliksik sa ma Ilokanong residente ng Sampaguita
Residence Hall bilang daan upang makuha ang mga impormasyong kailangan sa mga tradisyon
sa patay ng mga Ilokano sa kasalukuyang dantaon. Ilang pagpanayam rin ang ginawa upang higit
na makakuha ng primeryang impormasyon.
Mula sa mga impormasyon nakalap, kasama na rin ang mga impormasyong nakuha mula
sa internet, sinipi ng mananaliksik ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bahagi ng tradisyon
ng mga Ilokano bago at sa ika-21 dantaon. Sinuri ito at inalisa ito upang makuha ng
mananaliksik ang mga kasagutan bilang tugon sa mga layuning itinala para sa pag-aaral na ito.
Sa mga kasagutang ito nagawang mahugot ang mga konklusyon ng mananaliksik.
Isinangguni rin ng mananaliksik ang kanyang bawat hakbangin at papel sa propesor niya
sa kursong Fil 40 na si Dr. Jimmuel Naval upang masiguradong ang bawat gawin ay may
mabuting maidudulot sa pagsasagawa ngg mga pag-aaral na ito na maaaring makatulong sa mga
susunod pang pananaliksik sa mga kaugnay na paksa.
D. Saklaw at Limitasyon
Sakop ng pag-aaral na ito ang mga kaugaliang naitala ni F. Landa Jocano sa etnograpiya
na kanyang ginawa at initalhala noong 1982 at ang mga kasagutan ng mga Ilokanong residente
ng Samapaguita Residence Hall. Ang pinag-aralan lamang ay ang tungkol sa tradisyon sa patay
ng mga Ilokano bago at sa kasalukuyang ika-21 dantaon. Hinati ang pag-aaral sa
a. Mula sa pagkamatay hanggang burol;
b. Paghahatid hanggang paglilibing at
c. Matapos ang paglilibing.
Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang kabuuan ng mga Ilokano. Nangangahulugan na ang
konklusyong makukuha ng mananaliksik ay hindi ibig sabihing kumakatawan sa lahat ng mga
Ilokano sa buong bansa. Ang mga analisis at pagtatala na ginawa (Dr. Jocano at ng mananaliksik)
ay mula sa punto de bista ng mga hindi natibong Ilokano kaya't nalimitihan ang pang-unawa sa
kabuuan ng kanilang mga tradisyon at paniniwala.
E. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito na naglalayong malaman ang pagkakaiba ng mga kaugalian ng mga
Ilokano sa patay bago at sa kasalukuyang ika-21 dantaon. Ang ika-21 dantaon ay ang takdang
panahon ng mabilis na pag-usbong at pag-unlad ng teknolohiya sa buong mundo. Gayundin ang
nangyayari sa ating kapaligiran na naaapektuhan naman ng proseso ng modernisasyon. Bawat
proseso ay may kaniya-kaniyang epekto sa kultura ng sinumang tao sa buong mundo.
Saksi ang kasaysayan sa mga pagbabagong nagaganap sa ating buhay sa pagdaan ng
panahon. Kaakibat ng pagdaloy ay ang pag-iiba ng ating mga mga tradisyon at paniniwala.
Mahalagang pag-aralan ang ma pagbabagong ito. Sa pamamagitan ng ganitongpagsasaliksik ay
nababatid natin kung gaano na ba kalalim o katindi ang epekto ng proseso ng modernisasyon sa
ating kultura. Batid na ng lahat ang epekto nito sa maliliit na gropu ng pangkat etniko ngunit
hindi pa sa malalaki o mayoryang grupo.
Hindi maaaring makaligtas ang mga Ilokano sa mga pagbabagong ito. Katulad ng iba
pang mamamayan ng bansa, hindi imposibleng malaking bahagi ng kanilang mga kaugalian ang
naapektuhan na ng urbanisasyon. Dapat na matukoy ang mga kaugaliang unti-unti nang
nawawala nang sa gayon ay magkaroon pa tayo ng pagkakataong maitala ito sa ating kasaysayan
at hindi tuluyang maglaho. Sa pamamagitan nito, maipapakita pa natin sa ating mga kabataan sa
ma darating na panahon kung gaano kayaman ang ating kultura mula noon hanggang ngayon.
KABANATA II
REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang ika-21 dantaon ay ang panahon ng mabilis na pag-inog ng Rebolusyong Digital.
Naging matulin ang pag-unlad ng teknolohiya at higit pa itong naging aksesibol sa mga tao.
Dahil dito, higit na nagkaroon ng ugnayan ang mga tao, ssaan panig man ng mundo. Ang mga
teknolohiyang ito ay isa rin sa mga dahilan ng mabilis na proseso ng urbanisasyon. Sa prosesong
ito, naging batayan ng mga mamamayan ang pamumuhay ng mga taga-lungsod bilang ideyal na
uri ng pamumuhay. Sa kabilang banda, ang pamumuhay ng mga mamamayan sa mga rural na
lugar angg isa sa mga higit na naapektuhan ng mga pagbabagong ito.
Upang makasabay sa bilis ng pamumuhay sa lungsod, pinili ng mga bagong henerasyon
na isantabi ang kanilang nakagisnang mga kaugalian at tradisyon at piliin ang mga mula sa
urbanong lungsod. Sa etnograpiyang isinulat ni F. Landa Jocano na inilathala noong 1982,
kapansin-pansin na ang mga pagbabagong ito. Iniwan ng ilang mga Ilokano ang ang kinalakhan
nilang pamamaraan ng pamumuhay at ipinalit ang paraang laganap sa lungsod. Ilang halimbawa
nito ay ang paggamit ng mga magsasaka ng inorganikong pataba sa halip na ang tradisyunal na
pataba.2
Samantala, sa isang pag-aaral na ginawa ng ilang mga eksperto mula sa Institute of
Technology ng Mariano Marcos State University, napag-alaman nilang may ilang mga bahagi ng
tradisyon ang nanatiling buhay. Sa kabila ng modernisasyon, natuklasan nilang ilan pa rin sa mga
nakaugalian ng mga Ilokano, lalo na yaong mg anakatira malayo sa sentro o bayan. Ang bayang
pinag-aralan nila ay ang Batac3. Ang pagpapanatili ng mga kaugaliang ito ay isang daan na
tinahak ng mga mamamayan upang mapanatili ang ugnayan ng mga kasapi ng mag-anak at ang
pagglang sa nakatatanda. Ganoon pa man, may ilang mga kaugalian ng natuklasan nilang
maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan at kaligtasan kaya't unti-unting nangamatay ang
mga ito.
Ang tao ang bumubuhay sa kultura. Kung wala ang taong nagsasagawa nito ay unti-unti
rin intong namamatay. Kung may mga pagbabago nang naitala bago pa man ang ika- 21 dantaon,
paano pa kaya sa kasalukuyan? Isang malaking hamon ang malaman ang lalim ng pagbabagong
naidulot na modernisasyon at teknolohiya sa ating mga tradisyo't kaugalian, gaya na lamang ng
tradisyon ng mga Ilokano sa patay.
KABANATA III
DISKUSYON
A. Tradisyon sa patay ng mga Ilokano bago an ika-21 dantaon
1. Mula pagkamatay hanggang burol
Intinuturing ng mga Ilokanoa ng kamatayan bilang natural na bahagi ng buhay ng isang
tao. Ang gasat o tadhana ng tinutukoy nilang dahilan sa likod na ito at isang kaganapang hindi
nila maaaring pigilan. Isinasaisip na lamang ng mga Ilokano na ito ay mangyayari rin
kaninuman. Dahil dito madali nilang natatanggap ang kamatayan ng mahal sa buhay kahit na
masakit4.
Ilan sa kanilang mga paniniwala ukol sa pagkamatay ay ang pagkakaugnay nito sa mga
supernatural na mga elemento gaya ng mga espiritu, aswang at mga mangkukulam. Dahil dito,
una muna nilang isinasangguni ang karamdaman sa mga albularyo na may kaaalaman ukol sa
mga espiritu at paggamot gamit ang mga herbal na mga halaman. May mga pangitain rin ang
mga Ilokano kung may malapit nang yumao sa kanilang mga mahal sa buhay. Ilan dito ay ang
hindi normal na pagkilos ng mga insekto, pag-aligidd ng isang itim na paru-paro sa gbi o kung
may eklips.5 May ilan naman na naniniwalang kapag nanaginip ka na nakawala ng ng sumbrero
o kaya'y bagang ay masamang pangitain. 6
Kung nalalapit na ang kamatayan, nagsisimula nang magdasal ng 'Hesus, Maria y Joseph'
ang isang matandang babae malapit na tainga hanggang sa ito ay malagutan ng hininga. 7 Ito ay
isinasagawa upang masiguradong mapatatawaad ag tatanggapin ng Diyos ang kaluluwa sa langit.
May iilan ding naglalayag ng niyog s ailalim ng higaan upang marinig na mga nabubuhayang
pagtatalo sa pagitan ng dimonyo at anghel. 8 Sa masidhing pagbuhos ng luha ng mga malalapit
ng kamag-anak nalalaman ng mga kapit-bahay ang kinasapitan ng kanilang kanayon. Pormal
nang ipinahahayag ang pagyao sa pamamagitan ng atong o ang pagsusunog ng isang pirasong
kahoy sa tapat ng bahay ng namatayan. Ang usok nito ay nagsasabi kung ang kaluluwa ay
pupunta sa langit.
MGA SANGGUNIAN
1
Jocano, F. Landa. The Ilocanos: An Ethnography of Family and Community Life in the Ilocos
Region. Quezon City: Asian Center, 1982.
2
Jocano, F. Landa. The Ilocanos: An Ethnography of Family and Community Life in the Ilocos
Region. Quezon City: Asian Center, 1982.
Amano, Teresita, et. al. “Wedding, Pregnancy Child Bearing, and Burial Beliefs and
Practices”. Ladaoan: The Ilokos and the Ilokanos. Comp. The Exectuive Committee. Manila:
Casa Linda, 1977. 95-100.
3
4
Jocano, 174-175.
5
Jocano, 176.
6
Anima, Nid. Childbirth and Burial Practices among Philippine Tribes (Quezon City: Omar
Publication, 1978).
Amano, Teresa, et. al. “Wedding, Pregnancy, Child Bearing, And Burial Beliefs and Practices”.
Ladaoan: The Ilokos and The Ilokanos. Ed. The Executive Committee (Manila, Casa Linda,
1977). 97.
7
8 Jocano, 176.
Download
Random flashcards
State Flags

50 Cards Education

Countries of Europe

44 Cards Education

Art History

20 Cards StudyJedi

Sign language alphabet

26 Cards StudyJedi

Create flashcards