Every Beast Needs A Beauty-1

advertisement
------------------------------
TITLE: Every Beast Needs A Beauty
LENGTH: 572
DATE: Mar 07, 2014
VOTE COUNT: 4951
READ COUNT: 750500
COMMENT COUNT: 909
LANGUAGE: Filipino
AUTHOR: jonaxx
COMPLETED: 1
RATING: 3
MODIFY DATE: 2014-07-22 03:55:13
------------------------------
####################################
Every Beast Needs A Beauty
####################################
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
---------------------------------------------------------------------------------
This story contains bed scenes. Read at your own risk.
####################################
Simula
####################################
Simula
Bitbit ko ang lumang luggage ni mama na tanging naipamana niya sa akin. Pagkaalis ko ng bahay ay maghahanap ako ng trabaho. Hinanda ko na rin ang sarili ko sa hindi na pagbabalik doon sa bahay.
"Sunny, itong five hundred lang talaga ang mapapabaon ko sayo." Ani Auntie habang binubugahan ako ng sigarilyo.
"Salamat po, Auntie." Sabi ko habang tinatanggap ang pera na agad hinablot ng kanyang asawa.
"Ano 'to? Bakit mo binibigyan ang batang 'yan ng ganito ka laking halaga ng pera?" Pinasadahan ako ng tingin ni Uncle habang nilulukot ang five hundred na hinablot galing sa kamay ko.
Lumunok ako at napagtantong hindi para sa akin ang perang iyon. Ngayong umangal na si uncle ay malabong nang mapasa akin iyon.
"Auntie, salamat na lang po-"
"Umalis ka na nga lang, Sunny! Pabigat ka lang dito!" Sigaw ni uncle sa akin.
Nahihiya at naaawang tinitingnan ako ni Auntie habang yumuyuko ako. Kung normal na araw ito ay nasagot ko na si uncle. Kung normal na araw lang sana ito ay kakayanin kong lumaban kay uncle. Kaya lang hindi ito normal na araw. Ito ang araw na aalis ako sa bahay na kinalakihan ko. Narito ang mga alaala namin ni mama noon. Kahit na punong puno iyon ng mapapait na alaala ay hindi ko makakalimutan ang mga magaganda at simpleng alaala na hatid nito.
"Naku, Sunny! Pasensya ka na, ah?" Mangiyak ngiyak na sinabi ni Auntie. "Kung sana ay pwede kitang patirahin dito-"
"Mama! Paalisin niyo na ho si Sunny! Wala na naman po si Auntie. Marunong naman 'yan magtrabaho kaya wa'g niyo nang patagalin!" Sigaw ng pinsan kong si Patricia.
"Nako! Okay lang po, Auntie! May pera pa naman ako dito. Sige po. Alis na po ako!" Sabi ko.
Tumango si Auntie at inupos ang sigarilyo. "Mag ingat ka, Sunny." May bahid na pagsisisi sa kanyang boses.
Ngumiti ako, tumango, at tinalikuran ko siya. Humakbang ako sa medyo maputik na daanan namin. Tuwing umuulan kasi ay nagiging maputi ito. Kanina ay umulan kaya ganito ang daanan ngayon. Kitang kita ko ang bawat putik na dumidikit sa lumang sapatos ko. Lalabhan ko ito sa oras na makakakita na ako ng matutuluyan. Sa ngayon, pagkakasyahin ko muna ang isang libo ko sa paghahanap ng trabaho at matutuluyan.
Sumakay ako ng dyip para magtungo sa iilang mapag aaplyan ko ng trabaho. Nakita ko sa dyaryo iyong mga tindahang nangangailangan ng iba't-ibang trabaho.
Kumatok ako sa isang opisina. Ayon sa dyaryong nabasa ko, kailangan daw nila ng sekretarya. Sa kasamaang palad, hanggang sekretarya lang ang ma aapplyan ko. High school lang ang tinapos ko at tungkol sa computer nakahilig ang mga subjects ko noon. Ang pagiging sekretarya o kahit saleslady sa isang ticketing office ay tama lang sa aking pinag aralan.
Pinasadahan ako ng tingin ng security guard. Tinitigan niya ang maputik kong sapatos at ang damit kong inaayos ko agad ang mga gusot.
"Anong kailangan mo, miss?" Ngumisi siya sa akin.
Ibinalandra ko sa harap niya ang dyaryo. "Nakita ko po sa dyaryo na ito na kailangan niyo raw ng-"
Pinutol na ako ng babaeng naka mini skirt at may I.D sa ticketing office na iyon. Ngumunguya siya ng bubble gum at pinasadahan niya ako ng tingin. "Walang hiring dito, miss. Don ka na lang kaya sa club?"
"Ah? Pero sabi kasi dito sa-"
"Miss, ang sabi ko, wala nga. Kahapon nakakuha na kami ng isa kaya don ka na sa club! Sige na at madudumihan lang ang tiles namin dito!"
Padabog na sinarado ng babae ang pintuan ng ticketing office. Bumuntong hininga ako at tumingin sa aking sarili. Siguro ay huhugasan ko na lang muna itong sapatos ko at magpapalit lang ng mas pormal na damit.
Naghanap ako ng pampublikong CR. Tiniis ko ang baho sa loob para lang maging maayos ang aking sarili. Tinanggal ko ang aking t-shirt at nag palit ako ng blouse na hindi kumportable ngunit pormal. Pinalitan ko rin ang pantalon ko ng mas maayos at iyong walang putik.
Kung hindi ako makakahanap ng trabaho hanggang alas tres ng hapon ay mag hahanap na ako ng matutuluyan para mamayang gabi. Ngunit paano kung hindi ako makakahanap ng matutuluyan? Mag hahanap na ba ako ng parke? Sa Luneta? Saan ako matutulog?
Umiling ako at inisip na may isang libong piso ako. Makakahanap ako ng matutuluyan. Siguro naman ay may magpapatulog sa akin, isang apartment o isang Inn sa halagang 300 pesos o 500 pesos?
Nagpatuloy ako sa paghahanap ng trabaho. Sinubukan ko ang mga fast food chain na panay ang direkta sa akin sa isang malaking kumpanya. Pangatlong Jollibee ko na ito sa araw na ito. Manager ang palaging kumakausap sa akin habang tinuturo ang malaking building sa malayo.
"Miss, wala po kaming hiring dito ngayon. Ang mabuti pa, doon ka mag apply sa Del Fierro Group of Companies dahil mass hiring doon ngayon. May job fair pa nga!" Anang Manager.
Tinitigan ko ang rooftop ng napakalaking gusaling iyon sa malayo. Matayog iyon at pakiramdam ko ay hindi ako matatanggap doon.
"Tatanggap po ba sila ng High School graduate?"
"Aba, miss, high school graduate ang hanap nila!"
Napangiwi ako sa sinabi ng bading na manager. Hindi ko alam kong totoo ba iyon o binobola niya lang ako para makaalis na ako sa kanila. Ganunpaman ay tumango na lang ako. Wala na akong choice.
"Maraming salamat po." Sabi ko at napatingin ako sa mga kumakain ng malulutong na fried chicken.
Napalunok ako at napagtanto kong ala una na nga pala at wala pa akong almusal at tanghalian. Tumingala ako sa menu ng fast food chain na iyon para tingnan kung magkano iyong mga kinakain ng mga tao rito.
Sa huli ay nagdesisyon na lang akong umalis doon. Bumili ako ng Sky Flakes sa nagtitinda sa labas at nagsimulang maglakad sa building na sinasabi pa kanina ng mga Manager na nadadaanan ko.
Habang nag lalakad ay kumakain ako. At kahit kumakain ako ay kumakalam parin ang sikmura ko. Kaya 'to, Sunny! Mamaya, pag nagkaroon na ako ng trabaho ay kakain ako ng marami! Iyon ang pangako ko sa aking sarili.
Hindi pa nakakaabot sa building na iyon ay natoon na agad ang pansin ko sa isa pang fast food chain na nangangailangan ng daw ng crew. Kinuha ko ang papel na nakapaskil sa kanilang pintuan at dumiretso na sa loob. Humalimuyak ang amoy ng fried chicken sa loob. Mas lalong kumalam ang sikmura ko. Pinilit kong huwag sumilip sa mga plato ng mga kumakain doon at dumiretso na sa loob.
"Nandito po ba ang Manager niyo?" Tanong ko sa mukhang iritadong crew.
"Nasa loob." Aniya sabay turo sa isang pintuan na may nakalagay: Authorized Person Only.
Pumasok ako sa loob ng pintuang iyon at inilahad ko kaagad ang aking resume. Pinapanood ko ang Manager na nasa cellphone.
"S... Okay. Got it!" Anang lalaking manager.
Sumulyap siya sa akin ng dalawang beses at para siyang nakakita ng multo. Binaba niya agad ang kanyang cellphone.
"Anong maipaglilingkod ko sa'yo, miss?" Tanong niya.
Ibinalandra ko ang papel na nakapaskil kanina sa pintuan nila. "Nakita ko po ito sa labas."
Kinuha niya ang resume ko.
"Kasi... pang apat ko na 'tong fast food chain. May experience na po ako sa fast food-"
"Walang hiring dito." Aniya pagkatapos pasadahan ng tingin ang aking resume.
"Po? E, nakapaskil 'to sa labas?"
Hinablot niya ang papel na dala dala ko at pinunit iyon sa harapan ko. "Wala dito. Sa Del Fierro lang!" Aniya.
Tumango ako. "Okay po."
Tumalikod ako ngunit hindi ko napigilang umirap. Kitang kita na kailangan nila ng crew. Bigla na lang walang hiring? Ang malas ko naman talaga ngayong araw na ito! Alas dos na at ipinangako ko pa naman sa sarili ko na pag tungtong ng alas tres ay maghahanap na ako ng matutuluyan. Last shot na itong Del Fierro na ito. Pag hindi ako nakahanap ay bukas na lang ulit.
Tumingala ako sa napakalaking building sa harapan ko. May malaking paskil na Job Fair sa first floor. Maraming tao at pakiramdam ko dito na ako makakahanap ng trabaho!
Sumabog ang mahaba kong buhok dahil sa lakas ng ihip ng hangin. Binitiwan ko ang aking luggage para sikupin ang buhok ko bago ako naglakad papasok sa loob ng building. Chineck ng security guard ang bag ko ngunit hindi na ako mapakali dahil sa mga trabahong nag aantay sa akin sa loob.
"Etong I.D, miss o. Nandito ka para sa job fair?" Tanong ng guard.
"Opo!"
"Naku! Ba't ngayon ka lang? Ubusan na siguro ng trabaho ngayon?"
Namutla ako sa sinabi ng guard. Maaaring tama siya. Pinagmasdan ko ang mga umaalis at masasayang tao dahil nakakuha na ng trabaho.
"Oh my God! We're officemates!" Tili ng isang babaeng naka mini skirt sa naka corporate attire.
"Oo nga! I can't believe this! Dream job ko ito!" Anaman ng naka corporate attire na babae.
Napalunok ako at napatingin sa pintuan kung nasaan ang job fair. Nakikini-kinita ko na ang bawat cubicle kung saan may nagaganap na interview. Masyado akong out of place sa lugar na ito. Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili. Siguro ay ang trabahong para sa akin ay 'yong janitress? Hindi ko alam pero sa ngayon, wala akong pakealam. Magkaroon lang ako ng marangal na trabaho ay maayos na sa akin.
Tinulak ko ang pintuan at nakapasok na ako sa loob. Medyo maingay doon at pormal ang mga tao. Nilapitan ko ang isang babaeng may dalang papel na binibigay sa bawat nag aapply doon.
"May hiring pa po ba sa mga klerikal na trabaho?" Tanong ko.
Halos hindi niya ako tiningnan. "Wala na, miss e."
"Janitress po?" Sabay lunok ko.
Napalingon siya sa akin. Tinagilid niya ang ulo niya at sinuri akong mabuti.
"Anong pangalan mo?"
Napalunok ako sa biglaang tanong niya. "Sunshine Aragon, po."
Nanikmat ang babae at mabilis niyang tinawag ang naka long sleeve at may nakakatawang itim na ribbon na lalaki.
"Samuel!" Mariing sinabi ng babae.
Napatingin si Samuel sa akin. Napanood ko ang pagtigil ng kanyang tingin sa aking dibdib. Mabilis kong tinakpan ang kung ano mang tinitingnan niya sa aking dibdib. Imbes na mahiya siya ay nag angat siya ng isang nakakakilabot na tingin sa akin.
"Hindi ba may hiring sa maintenance? Nandito si Miss Sunshine Aragon. Ihatid mo siya sa maintenance department at tingnan mo kung saan siya mabuting ilagay roon."
"Sige po, ma'am." Ani Samuel.
Oo. Alam ko naman na talagang hindi ako para sa job fair na ito. Pinasadahan ko ng tingin ang bawat iniinterview'ng babae. Hindi na siguro kailangang iinterview ang mga janitress. Basta ba willing kang magtrabaho, maglinis ng CR at kung anu-ano pa, wala kang sakit, at wala kang sabit, ayos na iyon.
Natigilan ako nang tumigil si Samuel sa loob ng maintenance office na pinasukan namin. Nakita kong puro locker lang ang naroon at walang tao sa loob.
"Dito po ba ang maintenance office?" Tanong ko habang pinagmamasdan ako ng tingin ni Samuel.
Napatingin ako sa kanya at kitang kita ko kung nasaan ang kanyang mga mata. Sa dibdib ko nakatoon ito. Pinagpapawisan siya ng marami. Kitang kita ko sa kanyang noo ang pawis habang dinidilaan niya ang kanyang labi.
"Sir Samuel, dito ho ba?" Panira ko sa ginagawa niya.
Humakbang siya papalapit sa akin. At dahil kilalang kilala ko na ang mga ganitong galawa, alam ko na rin kung ano ang kahihinatnan. Kaya bago pa lang may mangyari ay sinipa ko na ang pinaka natatanging parte ng kanyang katawan dahilan kung bakit napasigaw siya sa sakit at napayuko siya.
Kinagat ko ang aking labi at tinulak ko ang mabigat na pintuan. Nakapasok ulit ako sa malaking hall kung nasaan ang job fair. Tumulo ang luha ko dulot nang kaunawaang wala akong mapupuntahan sa araw na ito. Iyon na ang huli. Bukas na lang ulit. Maghahanap na ako ng matutuluyan. At kung ano man ang naging kasalanan ko at bakit ganito ang mga parusa sa akin ay hindi ko na alam.
Mabilis ang takbo ko dahilan kung bakit naagaw ko ang atensyon ng halos lahat ng naroon sa buong hall. Pinigilan ako ng security guard.
"Manong, labas na po ako!" Pagmamakaawa ko habang niyayakap ang aking bagahe.
"Bakit ka tumatakbo? Anong problema mo? Nagnakaw ka ba?" Anang guard.
"Samuel!" Sigaw nung babae na siyang nagpakaba pa lalo sa akin.
"Hindi po!" Sagot ko sa guard.
May mga guard na dumating para palibutan ako. Nilingon ko ang pintuan kung nasaan lumalabas ang medyo umiika ikang si Samuel.
"Hindi po ako nagnakaw! Shit!" Mura ko.
"Bakit ka tumatakbo kung ganon?" Sigaw ng isa pang security guard sa akin habang tinututukan ng kung anong batuta ang bag ko.
Umiiling iling ako habang tinuturo ko si Samuel.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ng isang malamig na boses.
Isang boses na dahilan kung bakit natahimik ang nagkakagulong mga guard dahil sa nangyari sa akin. Narinig ko ang halakhak ng mga lalaki sa likod niya. Inayos ng lalaking nasa likod niya ang kanyang buhok habang tinitingnan ako. Ang isa naman ay pinaglalaruan ang kanyang labi.
"Mr. Del Fierro, pasensya na po sa kaguluhan." Anang babaeng tumawag kay Samuel kanina.
Tumango ang lalaking nasa harapan ko at pinasadahan niya ako ng tingin. Madilim ang kanyang ekspresyon ngunit hindi mo maipagkakaila na masyado siyang makisig para tumayo sa harap ko. Sumisigaw ng autoridad ang kanyang awra. Malinis ang kanyang mukha at ang tanging nagpapadilim dito ay ang kanyang kilay na nakakunot.
"Anong nangyayari dito, Samuel?" Anang lalaki. Hindi umalis ang kanyang titig sa akin.
"Sinipa ko siya dahil nakatingin siya sa dibdib ko." Pumikit ako sa sinabi ko.
Ako ang sasagot. Kesa mapagkamalan akong magnanakaw ay aaminin ko ang ginawa ko. Hindi ako nahihiya don.
Lumakas ang tawa ng mga lalaking nasa likod niya. Lumitaw rin ang ngiti sa mukha ng lalaking nasa harapan ko. Tinikom ko ang biglang nalaglag kong panga.
"Is that so?" Mapaglaro niyang tanong sa akin bago tumingin kay Samuel.
May kung anong binulong siya sa security guard at may tiningnan siya sa likod ko bago siya bumaling ulit sa akin.
"I heard you want to be a janitress, Miss Aragon?" Nag taas siya ng kilay.
Napatingin ako sa mga security guard na sinasamahan si Samuel kung saan. Kumalabog ang dibdib ko. Ito na ba? Ipapalit na ba ako sa Samuel na iyon?
"Opo!" Napangiti ako sa sagot ko.
Ngumuso siya na para bang nakakatawa ang reaksyon ko. "I'm sorry. Walang hiring ngayon." Aniya at nilagay sa basurahan ang pinaghirapan kong resume.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Rage!" Sigaw ng may isang may mahabang buhok na lalaki.
"Don't talk to me, Brandon." Mariing sinabi ni Mr. Del Fierro habang naglalakad palayo sa akin.
Tumatawa ang isang lalaki habang ang may mahabang buhok na lalaki naman ay tumitingin sa akin.
Umalis ang mga security guard na nakapaligid sa akin. Lumuhod ako sa harap ng basurahan. Binuksan ko iyon at nagsimula ako sa paghahanap ng resume ko. He's evil. So evil. Pu pwede namang ibigay na lang pabalik sa akin ang resume. Bakit kailangang itapon sa basurahan?
Hinawi ko ang buhok ko nang napagtanto ang katotohanang wala parin akong trabaho at matutuluyan hanggang ngayon. Alas kuwatro na ng hapon at ilang oras na lang ay didilim na. Mukhang magkakatotoo na yata talaga ang pinangangambahan kong pagtulog sa Luneta.
####################################
Kabanata 1
####################################
Warning: Medyo SPG
--------------------------------------
Kabanata 1
Rage
Kinalkal ko ang basurahan para maghanap sa aking resume. Mabilis ko naman itong nakita. Medyo nagusot kaya inayos ko ito. Tatayo na sana ako para makaalis na sa building na iyon. Oo, masakit ang nangyaring iyon pero wala na akong panahon para dibdibin ang lahat. Ang kailangan kong isipin ngayon ay kung saan ako makakatulog sa gabing iyon.
Nagulat ako nang may isang kamay akong nakita na nakalahad para sa akin. Hindi ko iyon tinanggap. Kusa akong tumayo at napatingin sa lalaking nakangiti sa harap ko. Maputi siya at pulang pula ang kanyang labi.
"Sorry sa inasal ng pinsan kong si Rage Del Fierro. I'm Logan." Lahad ulit niya ng kamay sa akin.
Tiningnan ko ang kamay niya at mabilis ko itong tinanggap.
"Sunny." Sagot ko. "Salamat, pero kailangan ko nang umalis."
Luminga linga ako sa paligid at nakita kong bumalik na sa dati ang eksena sa likod. Nawala nga lang si Samuel at iyong babaeng tumawag sa kanya kanina. Nakita ko si Mr. Rage Del Fierro na umiigting ang panga habang kausap ang mg security guard at isang mukhang importanteng tao. Nakapamaywang siya at tumatango sa kanila.
"Huwag ka munang umalis." Pigil nong lalaking may mahabang buhok.
Pamilyar siya sa akin. Hindi ko nga lang alam kung saan ko siya nakita pero namumukhaan ko siya. Nang humalukipkip ay napagtanto kong isa siyang modelo. Nakita ko na siya sa isang billboard sa EDSA noon. Tumitig ako sa kanyang mga matang may dayuhang kulay. Blue or green? Hindi ako makapag desisyon.
Kumunot ang noo ko sa lalaking iyon. "Kailangan ko pong maghanap ng matutuluyan at trabaho. Kung wala po dito, kung ganon, kailangan ko nang umalis." Sabi ko bago ko mapigilan ang sarili.
Ngumiti ang lalaking may mahabang buhok. "Tanggap ka na dito. What do you want? Be a janitress, clerk?"
"May options po ako?" Medyo nagulat ako sa sinabi niya.
Tinikom ng lalaking may mahabang buhok ang kanyang bibig at tumingin sa kanyang relo bago nagsalita ulit. "Janitress then. We need some janitress."
Huminga ako nang malalim. Legit ba ito? Totoo bang tanggap na ako? Bakit parang hindi? Napatingin ako sa kay Mr. Del Fierro. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko siya ang amo dito. Del Fierro Group of Companies nga naman ang kompanyang ito. Kung hindi siya ang amo, siya siguro ang may ari? Hindi ko alam.
"May pipirmahan po ba akong... uh, kontrata?" Kasi pakiramdam ko mas totoong tanggap ako sa trabaho pag ganon.
Alam ko namang mukhang tinanggap lang ako dito dahil sa awa at dahil sa nangyari sa akin kanina. Ganunpaman ay wala na akong pakealam kung paano ako natanggap. Ang importante sa akin ay natanggap ako, may trabaho ako, at mag aadvance ako kung pwede man para may ihulog ako sa one month advance na madalas ay patakaran sa mga apartment, dormitory o kahit anong pwede kong matuluyan sa mga susunod na buwan.
"Meron." Ngiti ng lalaking modelo. "Actually, you may start now. We need more janitress."
Siniko ni Logan ang modelo at medyo ngumiwi ang modelo sa kanya. Kumunot ang noo ko sa mga inaasta nila.
"Ma walang galang na po pero pwedeng bukas na lang ako magsimula?" Nahihiya kong tanong.
Nahihiya ako kaso sa sitwasyon ko ngayon, wala na akong magagawa.
"Bakit?" Kunot ang noo ng modelo sa akin.
"Kailangan ko kasing maghanap ng matitirhan." Sagot ko.
Nagkatinginan ang lalaking may mahabang buhok at si Logan. Ngayon hindi na ako sigurado kung totoo ba itong pinagsasabi nila. Mapagkakatiwalaan ba ang mga 'to? Pinasadahan ko ng tingin ang lalaking may mahabang buhok. Pareho sila nitong si Logan na naka longsleeve na nakatupi hanggang siko. Ano ba sila dito sa kompanya at bakit imbes na ang mga HR ay sila ang kumakausap sa akin?
"I'll talk to Rage. You can probably stay in his house."
Medyo ngumiwi si Logan sa sinabi ng lalaking may mahabang buhok.
"Ha? Po? Mawalang galang na naman pero sinong Rage po? Iyong may ari? Bakit po ako sa bahay nila titira?" Nalilito kong tanong.
"Eh kasi, Sunny, nangangailangan din siya ng janitress sa bahay nila. I mean... maid." Ani Logan sabay ngisi sa lalaking may mahabang buhok.
Nakita kong umayos sila sa pagkakatayo habang tumitingin sa likod ko. Kumunot ang noo ko sa dalawa kaya nilingon ko ang kung sino man ang nasa likod ko at nagulat ako nang naroon nga si Mr. Rage Del Fierro.
Rage?
"What's the problem here, Brandon?" Tawag niya sa lalaking may mahabang buhok.
"Rage, you told me she can start today right? Gusto niyang umalis para maghanap ng matutuluyan." Anang Brandon, iyong lalaking may mahabang buhok.
"Teka..." Pumikit ako dahil nagkabuhol buhol na ang utak ko. "Ang sabi mo kanina sa akin ay hindi ako tanggap. Ngayon, tanggap ako? Totoo ba ito?" Tanong ko sa kay Mr. Del Fierro.
Nag igting ang kanyang panga at tumingin siya sa akin gamit ang isang nakakakilabot na ekspresyon. "Ayaw mo?" Tumaas ang isa niyang kilay.
"Gusto." Diretso kong sinabi. "Masyado lang nakakapagtaka."
"Huwag kang mag taka, hindi ka espesyal. You are hired. If you want to stay, you may stay here in the office. Kailangan namin ng taga bantay rin dito bukod sa mga guards." Malamig niyang sinabi habang kinukuha ang isang papel galing sa isang babae at may pinirmahan.
Ngumiwi ako sa lahat ng sinabi niya.
"For free?" Tanong ko nang napagtantong nasagot nga pala non ang mga problema ko.
"Not for free. Serbisyo mo ang kailangan ko kaya kita pinapasilong sa building na ito. I want my office to be clean, all the time-"
"Rage, that's harsh. She can stay in your house-"
Pinutol agad ni Rage si Brandon. "Since when did you care about my employees, Brandon? Besides, my house is full."
"Full the fuck. You don't even have your own maid. You are alone in that big house!"
Napatingin si Mr. Del Fierro sa akin. Nag taas siya ng kilay na para bang inuutusan niya akong umalis. Mukha atang nasa maling lugar ako ngayon.
Sa totoo lang, wala akong pakealam kung ano ang mga isyus nila sa kanilang buhay. Ang gusto ko lang ay magkaroon ng trabaho at may masilungan. Ngayong may maibibigay sila sa akin na ganito ay mabuti na iyon para sa akin. Wala na akong pakealam kung bakit at paano mangyayari ang lahat, ang importante sa akin ay meron na.
Umalis ako sa kanilang harapan. Sinalubong ako ng isang babaeng naka corporate attire. Nagpakilala siya bilang si Mrs. Ching. Mataba at medyo matanda na si Mrs. Ching. Mas kumportable ako sa kanya kumpara kay Samuel.
"Nasa 15th floor ang Headquarters ng Maintenance department. Meron din sa first pero madalas ay mga lockers lang ang naroon." Ani Mrs Ching. "Inutusan ka ni Mr. Del Fierro na sa opisina ka niya magbantay, hindi ba?"
Tumango ako sa tanong ni Mrs. Ching.
"Walang headquarters doon at hindi ko alam kung saan ka matutulog don." Medyo nagtataka niyang tanong.
"Naku! Walang problema po sa akin kung saan ako matutulog. Sa sahig ko kahit saan." Sabi ko.
"We'll just wait for Mr. Del Fierro's order. Sa ngayon, sa Headquarters kita ibabase, doon sa 15th floor. Okay? 40th floor ng building ang opisina ni Mr Del Fierro. Usually, may guards bawat floor pero wala sa 40th kasi ayaw ni Mr. Del Fierro."
Tumango tango ako at napagtantong maraming ayaw si Mr. Del Fierro at isa ako sa mga ayaw niya.
Kung ayaw ng isang tao sayo, dapat ay umiwas ka na lang. Ayaw ko ng gulo at gulo lang ang maihahatid kung ipagpipilitan ko ang aking sarili sa mga taong ayaw ako kaya mas mabuti na rin sigurong umiwas na lang ako. Tutal ay hindi naman kami palaging mag uusap ni Mr. Del Fierro. Taga linis lang naman ako dito.
"Saan po yung lilinisan ko? Buong building po ba?" Tanong ko kahit na alam ko na ang sagot.
Umiling at tumawa si Mrs. Ching. "Hindi, hija. Mamamatay ka pag buong building ang lilinisan mo. May isang naka assign na maintenance sa bawat floor nito. Ibig sabihin ay kuwarenta kayong Maintenance crew namin. Iaassign kita sa..." Ngumuso siya habang tinitingnan ang papel sa kanyang kamay.
Pinapanood ko ang pagbabago ng numero sa loob ng elevator. Napalunok ako at napagtantong gutom parin talaga ako. Papaano ako makakakain nito kung magsisimula na ako ngayon? Siguro ay lalabas muna ako saglit at bibili ng kung anong pagkain. Naisip ko ang fried chicken kanina sa Jollibee. Mabuting desisyon kaya ang magwaldas ng isang daan para doon?
"Kailan po ba ang sweldo?" Tanong ko kay Mrs. Ching.
"15, 30 ang sweldo ng mga empleyado dito. Ah!" Aniya at umaliwalas ang kanyang mukha. "Sa 40th floor ka na lang. Since dito ka naman matutulog at madalas ay si Mr. Del Fierro ang huling umaalis bukod sa Financial Department, doon na lang kita iaassign." Ani Mrs. Ching.
Tumango ako. "Mga anong oras po ba umaalis si Mr. Del Fierro?"
"Mga Alas Diyes ang pinakamatagal. Kaya ibig sabihin, 10:30, aakyat ka na at maglilinis ka na sa 40th floor."
"Ganon? Hindi po ba pwedeng 10:10 ako aakyat?"
Napatingin si Mrs. Ching sa akin.
Ngumisi ako at nag peace sign. "Joke lang po. Sige po. 10:30." Sabi ko habang ginagala ang mata ko sa mga numero sa elevator.
Ipinakita ni Mrs. Ching sa akin ang opisina ni Mr. Del Fierro. Hindi niya sinabi sa akin na buong 40th floor pala ang opisina ni Mr. Del Fierro! Malawak iyon at salamin lang ang dingding! Kitang kita ko ang paglubog ng araw galing doon.
"Madalas, saka na umaalis ang mga maintenance crew pag wala na ring tao sa kanilang floor. Ikaw, hindi ka naman aalis kaya maayos lang siguro. Madalas ang huling umaalis dito ay si Mia. Siya 'yong assign sa Finance."
Tumatango tango lang ako habang tinitingnan ang isang halaman sa ibaba ng napakalaking abstract painting ng mukha ring halaman. Magkano kaya ang mga muwebles na ito? Siguro ay mapapakain ako nito ng mga dalawang buwan?
"Nag college ka ba, hija?" Tanong ni Mrs. Ching.
"Hindi po, ma'am. Muntikan na nga akng di makagraduate ng high school. Pero gusto ko po sanang mag college kaya lang wala pa akong pera."
Sinuri ako ni Mrs. Ching. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Hindi halata sayo. Kutis mayaman ka tsaka maganda." Umiling siya. "Narinig ko ang nangyari sa inyo kanina ni Samuel. Sorry don. Marami nang reklamo don kahit mga empleyado. Hayaan mo baka natanggal na iyon ni Mr. Del Fierro. Pero totoong maganda ka at nakakapagtaka na wala kang matirhan. Asan ba ang mga magulang mo?"
Ngumiti ako. "Salamat po. Maganda kasi si mama. Kakamatay lang po ni mama. Ta's matagal na rin hong patay ang papa ko."
Gumala pa ako sa opisina. Ayaw ko sanang pag usapan ang tungkol sa pamilya ko. Gusto ko munang magpakatatag sa ngayon. Ang maalala si mama at ang kanyang pagkamatay ay wala sa lugar. Malulungkot lang ako.
Mabuti na lang at tinantanan din naman ako ni Mrs. Ching sa mga tanong niya. Hinatid niya ako sa 15th floor at tama nga siya. Nakaalis na halos lahat ng maintenance. Ang natitira na lang doon ay isang babaeng mas matanda sa akin ng kaonti. Nanliliit ang kanyang mga mata sa akin habang inaayos niya ang kanyang buhok.
"Bago ka?" Tanong niya habang nilalagyan ng lipstick ang kanyang labi.
Tumango ako at tiningnan ang lounge. May sofa doon at napagtanto kong doon na rin siguro ako matutulog?
"Aling floor?" Tanong niya.
Pinagmamasdan ko kung paano niya sinusuklay ang buhok niya. Maganda siya. Medyo maputi at mahaba ang kanyang buhok. Hindi kasing haba ng sa akin pero mas makintab naman iyon at mas straight.
"40th." Sabi ko.
Nanlakit ang kanyang mga mata. "Kay Mr. Del Fierro?"
Tumango ako at nagulat sa kanyang reaksyon.
"Oh my God! Sobrang gwapo non at sobrang hot! Nakita mo na ba siya?" Tanong niya sa akin.
Tumango ulit ako at kinuha ang isang unipormeng kulay royal blue na mukhang magiging uniporme ko ngayon.
"Tapos? Sobrang gwapo niya diba? My gooood!" Nanggigigil siyang lumapit sa akin. "Pinangarap ko talaga na sa 40th floor ako ma assign! Tapos anong nangyari nong nagkita kayo?"
Napangiwi ako. Naiintindihan ko na gwapo nga si Mr. Del Fierro. Inaalala ko ang pagkakadepina ng kanyang mukha dahil sa kanyang panga at sa kanyang mga kilay. Matangos ang kanyang ilong at nipis ang kanyang labi. Tipikal na mayaman at successful. Pero aanhin ba ng mga tao ang gwapo ngunit masahol ang ugali? Iyon ang hindi ko maintindihan sa mga tao.
Umismid si Mia nang sinabi kong hindi ko nagustuhan ang ugali ni Mr. Del Fierro at mukhang ayaw niya rin sa akin. Pinaalis niya ako nang una kaming nagkita at tinapon niya sa basurahan ang aking resume.
"Alis lang ako. Umalis na daw si Ms. Mendez, okay na ang Finance! Hay salamat at makakauwi na ako!" Ani Mia at umalis na siya doon.
Habang wala si Mia ay naisipan kong lumabas ng building. Naka uniporme na ako at naisipang bumili na lang ng mga delata imbes na kumain nga sa Jollibee. Isang delata sa isang araw. Siguro naman ay mabubuhay ako nito? Mabuti na lang talaga at may libreng matutuluyan ako dito. Magtatagal kaya ito o maiisipan nilang masyado akong pabigat kasi doon ako natutulog? Sana ay hindi.
Bumili ako ng walong de lata at inisip na siguro ay kakain ako sa karindirya o fastfood minsan para hindi nakakaumay ang de lata. Medyo malayo layo pa ang 15 kaya dapat ay magtipid muna ako. Pagnakaipon na ako, siguro naman ay makakapag renta na ako ng isang space. Mas maganda kasi iyon dahil may sariling kama, may banyo, at may paglalagyan ng gamit. Sa building kasi, common lang yong banyo.
Pagkabalik ko galing sa grocery ay wala na roon ang bag ni Mia. Napagtanto kong umalis na siguro siya. Kumain muna ako at natulog. Tuwing nakakatulog ako ng mahimbing ay ginigising ko ang sarili ko dahil natatakot akong hindi ako magising ng 10:30. Wala akong cellphone kaya walang pang alarm.
Limang beses akong nakatulog at nagising hanggang sa nag 10:15 na. Naghilamos ako at nag ayos. Inayos ko ang aking damit at pumanhik na palabas para makapaglinis na sa 40th floor.
Tinali ko ang mahaba kong buhok at pinindot ang 40 sa elevator. Naghintay ako ng ilang sandali bago ako nakarating. Bumukas ang elevator at bumulagta sa akin ang medyo madilim ng opisina.
May double doors pa bago ako makapasok. Kinuha ko muna iyong mop bago ako pumasok at nagsimulang mamulot ng basura. Nakita ko roon ang iba't ibang punit na papel. Siguro ay pinunit ito ni Mr. Del Fierro kanina sa sobrang galit? Napangiti ako habang iniisip na galit na galit si Mr. Del Fierro. Bakit pa magagalit ang mga tao kung sobrang yaman na nila? Kung may pera ako, araw araw na akong nakangiti. Kahit na anong kamalasan ang bumagsak sa akin, hindi na matitibag ang ngiti ko dahil wala na akong problema sa pera.
Natigilan ako nang may napulot akong kakaiba. Tinukod ko ang mop sa sahig habang inaangat ko ang aking sarili habang tinitingnan ko ang napulot kong kulay pulang strings. Ilang sandali pa bago ko nalaman kong ano iyon.
"Panty?" Bulong ko sa aking sarili.
Luminga linga ako hanggang sa unti unti kong narinig ang mumunting ungol galing sa mesa ni Mr. Del Fierro.
Ano 'to?
Nanlalaki ang mga mata ko habang nakahawak ako sa mop. Kitang kita ko ang nakahubad na likod ni Mr. Del Fierro habang itinutulak ng pabalikbalik ang kanyang sarili sa isang babaeng nakahilig sa kanyang mesa.
Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang hubad na likod. Ang muscles ng kanyang likod ay sumasabay sa ritmo ng kanyang pagtulak sa babae. Nakatayo siya at nakahawak sa baywang ng babae habang ginagawa iyon.
Tinakpan ko ng kamay ko ang aking bibig. Umungol pa lalo ang babae habang pinupulupot niya ang kanyang binti sa likod ni Mr. Del Fierro. Tumingala si Mr. Del Fierro at nakita kong nag igting ang kanyang panga habang sumisigaw ang babae. Tumindig ang balahibo ko sa sigaw ng babae.
"Rage!"
Huminga ako ng malalim at unti unting umalis. Wrong time.
####################################
Kabanata 2
####################################
Kabanata 2
Stay Away
Alas dose na nang bumalik ako sa opisina ni Mr. Del Fierro. Walang bakas sa nangyari kanina na inisip kong baka guni guni ko lang ang nangyaring iyon. Wala na ang mga kalat at wala na ring tao. Nilinis ko na lang ang opisina ni Mr. Del Fierro ngunit hindi ko maiwasang magkaroon ng mga flashback tuwing nakikita ko ang lugar na pinangyarihan.
Sa gabing iyon ay halos hindi ako makatulog. Hindi ko makalimutan ang nakita ko doon. Hindi matanggal sa isip ko ang naging daing ng babae habang ginagawa niya iyon. Hindi ko matanggal sa isip ko iyong mga galaw nila.
Puyat na puyat ako kinaumagahan. Hindi parin natatanggal sa utak ko iyong nangyari pero kinailangan kong itabi iyon sa utak ko. Lumabas ako ng building para bumili ng kanin sa isang fastfood. Mahirap pala ang ganito, marami pala akong kailangan. Kailangan ko ng sarili kong plato, kutsara, tinidor, at baso. Mabuti na lang at may mga ganon rin dito sa Lounge kaya nanghiram muna ako.
Nag sidatingan na ang mga crew. Marami akong nakilala pero madalas sa kanila ay matatanda na pala. Nakilala ko si Mang Carding, si Aling Nenita, at marami pang iba. Halos lahat sa kanila ay pamilyado at may edad na. Mayroon din namang katulad ni Mia na ka edad ko lang pero mailap din sila.
"Bibilisan ko ang paglilinis ngayon. Binyag ng apo ko, e." Tumawa si Mang Carding.
Nagulat ako dahil alam kong matanda na si Mang Carding ngunit hindi ko inasahang may apo pala siya!
"May apo na po kayo? Hindi halata!" Nakangisi kong sinabi.
Nakikinig ang ibang mga crew sa amin. May isang kumukuha na ng mga gamit tulad ng mop, basurahan, at iba pa.
"Alam mo naman ang mga bata ngayon, Sunny." Buntong hininga ni Aling Nenita.
"Oo, e. Disisais pa lang 'yong anak ko, may anak na rin." Halakhak at iling ni Mang Carding. "Wala tayong magagawa, anak 'yan e."
Napalunok ako. Bata pa pala ang anak ni Mang Carding at may anak na rin ito. Sa hindi malamang kadahilanan ay naiisip ko tuloy ang nangyari kagabi. Pinilig ko ang ulo ko at nagsimula ng kumuha ng mop sa tabi ni Mia.
Half day lang pag Sabado. Lilinisin mo lang ng kaonti dahil wala na namang pumapasok kapag weekends. Ang tanging pumapasok na lang ay 'yong may mga importanteng gagawin at 'yong may mga hindi pa natatapos na mga gawain.
"Tapos na ako!" Sambit noong isang lalaking pinakamaagang nakarating.
Mabuti pa siya. Naglilinis siya ng mop at kinukuha ang plastic para mailagay na doon sa basurahan sa baba. Nag madali ako sa pagkuha ng gamit at iniisip na nandoon kaya si Mr. Del Fierro sa taas ngayon? Hindi ko alam.
Pabalik balik na dinilaan ni Mia ang kanyang labi pagkatapos mag lagay ng lipstick. Nakatingin siya sa akin na para bang may gusto siyang sabihin.
"Sunny..." Hinarap niya ako.
Napatingin ako sa kanya habang tinutulak ang cart kong may lamang mop at iyong mga supply para makapag linis na ako.
"May gagawin ka mamayang gabi?" Tanong niya.
Umiling ako. "Wala. Dito lang ako."
Ngumisi siya at mabilis siyang lumapit sa akin. "Kasi ganito... may part time job ako kada Friday at Saturday." Aniya. Para siyang batang excited sa sasabihing kwento.
Nagkasalubong ang kilay ko sa pagtataka. Kung ito ay patungkol sa pagbebenta ng laman ay aayaw na agad ako pero ang part time job na pagkakakitaan ng pera ay nakakapukaw ng kuryosidad. "Anong part time job 'yan?"
"Sa Marlboro." Aniya.
"Marlboro?" napangiwi ako sa brand ng sigarilyo ni Auntie.
"Oo. Mag bibenta tayo ng mga sigarilyo sa mga bar. Kasi pwede ka, e. Mahaba ang binti mo at tsaka makinis. Pwede ka doon! Kaya lang..." Sumimangot siya habang kinukuha na rin ang cart niya.
Sabay kaming lumabas sa lounge at naghintay kami na umakyat ang elevator.
"Ano? Ano bang gagawin?" Tanong ko.
"Magbibenta nga ng sigarilyo sa mga malalaking bar kung saan-saan. Isang grupo tayo niyan ng mga babae. Magsusuot tayo nong damit nila. Yung maiksi? Tapos magbibenta tayo sa high end bars. Ikaw lang ang maoofferan ko kasi alam mo na, matatanda na 'yong iba at kailangan ng medyo bata. Isang libo ang gabi non."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niyang pera. Hindi ako makapaniwala sa perang mahahakot ko para don! Kulang isang libo na lang ang pera ko ngayon at ang makakuha ulit ng isa pang libo ay nakakaengganyo para sa akin. Malayo pa ang 15 at doon lang ako makakakuha ng apat na libo kaya ang isang libo kada gabi ay sadyang nakakaakit.
"Oh? Edi sige!" Excited kong sinabi.
"Kaya lang baka hindi ka pwede kasi masyado kang bata. Ilang taon ka ba?"
Tumunog ang elevator at nagulat ako nang ang nasa loob roon ay si Mr. Del Fierro kasama ang mga pinsan niyang si Logan at Brandon. Nag uusap sila at naputol ito nang pumasok kami sa loob. Naestatwa si Mia kaya kinailangan ko pa siyang hilahin para makapasok na kami at makapunta na sa aming mga floor.
Nanlalaki ang mga mata ni Mia pagkasakay namin at pagkasarado ng elevator.
"Saan kayo mga miss?" Tanong ni Brandon sa likod namin.
Pareho kaming nasa harap ni Mia. Humakbang si Brandon sa harap namin at bahagyang tumabi si Mr Del Fierro.
"40th ako. Hindi ko alam kay Mia. Saan sayo?" Tanong ko.
"30th sa F-Finance." Nauutal niyang sambit.
Tumahimik ako at yumuko. Sa gilid ng mga mata ko ay kitang kita ko ang titig ni Mr. Del Fierro sa akin. Hindi ko naproseso agad ang kanyang suot. Hindi tulad kahapon na sobrang pormal niya, ngayon ay nakaitim na shorts siya at naka puting v neck na t shirt. Dinungaw ko ang kanyang sapatos na may malaking check sa gilid.
Tahimik lang kaming lima. Nanatili parin akong nakayuko at nanatili naman ang mga mata ni Mr. Del Fierro sa akin. Sa akin ba talaga? O baka naman nakatitig siya sa kay Mia na nasa gilid ko? Humalukipkip siya. Sa galaw niyang iyon ay unti unti ko siyang nilingon at nagulat ako nang sa akin nga nakatitig ang mabibigat niyang mga mata.
Halos tumigil ako sa pag hinga at mabilis akong yumuko ulit. Bakit siya nakatitig sa akin? May narinig akong halakhak sa likod at alam kong si Logan iyon dahil siya na lang ang nasa likod namin ni Mia.
Tumunog ang elevator at bumukas ito. May nakita akong Financial Dept. sa taas at nakuha kong dito na baba si Mia na hindi parin gumagalaw sa sobrang gulat. Ano bang ikinagugulat nito?
"Mi-" Sabay siko ko sa kanya.
Napatalon siya at mabilis na umalis doon. Ngumuso si Brandon sa inasta ni Mia. Kitang kita ko ang pula niyang mukha habang umaalis. Nanlaki ang mga mata ko nang napagtantong hindi ko nga pala siya nasagot.
"Mia! Twenty na ako! Pwede na ako don!" Sabi ko at tumango siya bago sumara ang pintuan ng elevator.
Mabilis pa ang pintig ng puso ko dahil sa huli kong sinabi kay Mia. Mukha ba akong bata sa paningin niya? Sa bagay, kakabente ko lang naman.
"Oh, twenty ka na, Sunny? Tanong ng nasa likod kong si Logan.
Nilingon ko siya at nginitian. "Opo, Sir. Kakatwenty ko lang."
"Wa'g mo na ako tawaging sir. I'm not your boss. Pinsan lang kami ni Rage." Aniya at nilingon niya si Mr. Del Fierro.
Tumango ako at nag iwas ng tingin kay Mr. Del Fierro. Hindi ko siya matingnan dahil naaalala ko iyong nangyari kagabi. Hindi ko talaga magawa. Hinigpitan ko ang kapit ko sa cart habang naghihintay sa 40th floor.
Napansin kong silang tatlo pala talaga ang naka sports attire. May dala pang malaking bag si Brandon na may malaking check din.
Tumingala ako at naghintay ulit. Iginala ko na lang ang paningin ko sa mga sulok ng elevator.
"I said I won't be here." Ani Brandon at humalukipkip.
"Come on, dude. Just until next week." Ani Logan sa likod ko.
"Aalis ako. May gig lang bukas kaya ako nandito." Ani Brandon.
Habang nag uusap sila ay batid ko ang mga titig ni Rage sa gilid ko. Kung hindi lang tumunog ang elevator at bumukas ang pintuan ay iisipin ko nang tulala siya sa akin. Nagulat ako nang una siyang lumabas. Mabilis at matigas ang bawat hakbang niya habang tinatapon ang bag sa sofa. Dumiretso siya sa kanyang table.
Tinulak ko ang cart at nag isip kung saan ako magsisimula. Pano nga ba ito? Nandito nga pala sila? Siguro ay magpupunas na lang ako ng bintana. Pinasadahan ko ng tingin ang malalaking salamin mula kisame hanggang sahig. Iyon nga siguro ang gagawin ko.
"Kainis ka naman. Ang arte mo." Ani Logan.
Humalakhak si Brandon. "Rage will be there, anyway. Don't be a baby, Logan."
Nag asaran ang dalawa. Mukha atang hindi masyadong nagsaalita si Mr. Del Fierro ah? Nilingon ko ang kanyang mesa at nakita kong nakatukod ang dalawa niyang kamay doon habang nakatayo siya at nakatingin sa akin. Bumagsak ang tingin niya nang naabutan ko siyang tumitingin. Pinagmasdan ko na lang ang hawak kong wiper at glass cleaner. Ano yon? Ba't siya nakatingin.
"Damn, Rage. Wala kang tubig sa fridge mo?" bagot na sinabi ni Brandon habang tinitingnan ang loob ng malaking ref ni Rage.
"Ano?" Sigaw ni Logan at lumapit sa ref na nakatayo sa malayong gilid.
"I forgot." Matigas na sinabi ni Mr. Del Fierro. "Ipapahatid ko na lang dito." Aniya at mabilis na nilagay ang telepono sa kanyang tainga.
Mr. Del Fierro. Kumuha ako ng matutungtungang stool at para makapagsimula na sa paglilinis ng salamin.
Mr. Del Fierro. Hindi bagay sa kanya ang tawaging ganon. Mukha namang hindi nagkakalayo ang edad naming dalawa. Kakutya-kutya na may sinasabi na siya sa stock market sa ganong edad. Ibang klase talaga pag ipinanganak kang mayaman. Wala nang problema sa trabaho at pera. Pero ang Rage... nababagay sa kanya. Bagay dahil mukha siyang laging galit.
Naiirita ako sa malaki at medyo maluwang kong pants. Baka mamaya pagkatungtong ko sa stool ay matalisod pa ako dahil dito.
Rage, huh.
"Rage, matagal pa ba iyan? Madedehydrate ako nito." Ani Brandon.
"Wait for me downstairs, then! I'm checking the database. Matatagalan pa ang tubig." Malamig na sinabi ni Rage habang may tinitingnan sa kanyang laptop.
Nakita niya na naman akong nakatingin sa kanya kaya tumingin ulit siya sa akin. Nag iwas agad ako ng tingin.
Natatawa na si Logan at parang may binubulong siya kay Brandon.
"Oh no, you don't-" Natatawang sinabi ni Brandon.
"Jesus, Brandon! Just get out of my office and drink your milk downstairs! Susunod ako in fifteen minutes!" Ani Rage.
Humahagikhik si Logan habang kinukuha ang kanyang bag at pinipindot ang elevator. Si Brandon ay tamad na naglalakad at nanunuya pa kay Rage.
"Go away!" Ani Rage habang nag tatype sa kanyang laptop.
"Whatever you say, cousin." Ani Brandon at sumunod na kay Logan sa elevator.
Nagtatawanan silang dalawa. Hindi maipagkakaila na magpinsan nga ang tato. May kakaibang pang dayuhang mga features sila sa mukha na hindi ko mailarawan. Kakaiba ang kulay ng mga mata ni Brandon, matangkad siya, malaki ang pangangatawan, matangos ang ilong at maganda ang ngiti. Si Logan naman ay may buhok na mukhang kahit anong gulo niya ay maganda parin ang kalalabasan, expressive ang kanyang mga mata lalo na pag ngumingiti. Halatang marami na siyang nabibihag na babae dahil doon. At syempre... si Rage...
"You were here last night?"
Napatalon ako sa tanong niya. Binaba ko ang wiper at nagkunwari akong hinuhugasan ito habang sinasagot siya.
"Opo. Naglinis." Mariin kong sinabi.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Nakita ko siyang sinarado ang kanyang laptop. May kinuha siya sa drawer at may kung anong sinulat sa papel.
Bumaba ako sa stool para linisan ang babang parte ng salamin. Mahirap palang linisin ang opisina niya kasi ang laki ng mga salamin.
"Don't lie to me, Sunny." Malamig niyang sinabi kaya napatingin ako sa kanya.
Nakatayo at nakahilig siya ngayon sa harap ng kanyang mesa. Nakahalukipkip siya at diretso ang tingin niya sa akin. Doon yong pinangyarihan mismo ng nangyari kagabi kasama 'yong... 'yong girlfriend niya!
Napakurap kurap ako nang naalala ko ulit iyon. Mas lalong nag dilim ang kanyang titig sa akin.
"You saw me." Aniya.
Nangangapa ako ng salita. Hindi niya naman ako nilingon kagabi, imposibleng nakita niya ako! Paano niya ako nakita? Hindi ko alam.
"Ang sabi ni Mrs. Ching, wala ng tao dito pagdating ng alas diyes kaya umakyat ako ng 10:15." Paliwanag ko.
Humakbang siya palapit sa sofa at pinulot niya ang kanyang bag.
Magaling, Sunny! Kakasimula mo pa lang ay mukhang matatanggal ka na ng lintek na Rage na 'yan sa trabaho! Magaling! Ngayon, itatapon na ako at maghahanap na ako ng dyaryong ilalatag ko sa Luneta para higaan mamayang gabi!
"H-Hindi ko naman sasabhin 'yung mga nakita ko, Sir. Wala po akong pakealam kung anong gagawin ninyo ng girlfriend niyo. Sa susunod po, alas onse na ako aakyat para makasigurado." Mabilis kong sinabi sa takot na balibagin niya ako sa trabahong ito.
"Stay away." Aniya. "Kagabi..." Lumunok siya. "Hindi ako makatulog dahil alam kong nakatingin ka habang ginagawa ko iyon sa kanya. Hindi ako makatulog sa kakaisip sayo. And she's not my girlfriend. I don't have a girlfriend, Sunny."
Shit! Nagkamali pa ako? Lagot na talaga ako nito! Baka kakasuhan niya ako ng libel dahil sa pagsasabi ng mga bagay na hindi naman pala totoo.
"Sorry po, hindi ko alam na hindi mo 'yon girlfriend, Sir. Hindi na po mauulit 'yong panonood ko. Hindi ko rin po talaga sasabihin sa iba." Sabi ko at nanginginig na ang buong sistema ko sa takot na mawalan ako ng trabaho!
Nanliit ang mga mata ni Rage at nag igting ang kanyang panga. Pumikit siya at huminga ng malalim. "Just stay the fuck away."
Nanlaki ang mga mata ko at pinanood ko siyang parang napapasong umaalis ng opisina niya. Hindi pa niya ako tinatanggal. Stay away, iyon lang ang naging bilin niya sa akin! Thank you, Lord!
####################################
Kabanata 3
####################################
Kabanata 3
Titig
Hindi matanggal sa akin ang takot na naramdaman ko kanina nang kinompronta ako ni Rage. Naaalala ko ang panggagalaiti niya sa inis dahil nakita ko siya sa gabing iyon. Kung pu pwede lang baguhin ang nangyari ay pipiliin ko na hindi ko iyon nakita dahil aside sa napapapikit ako tuwing naaalala ko iyon, may sekreto pa akong kailangang itago.
"Huy, Sunny!" Tawag ni Mia sa akin nang naabutan niya akong tulala sa Lounge.
Handa na ako sa part time na sinasabi niya. Naniniwala naman akong hindi ito pagbibenta ng laman dahil may ipinakita siyang mga pictures sa akin sa kanyang cellphone.
"Ready ka na ba? Mga dadalhin mo?" Tanong niya.
Kakarating niya lang. Alas singko na ng hapon at kanina pa ako handa para sa part time na iyon. Aniya'y madalas alas otso ang alis namin ng grupo patungo sa iba't ibang bar.
"Anong dadalhin? Akala ko ba may damit na don?" Sabi ko.
Naka simpleng t-shirt lang ako at short pants. Inasahan kong may damit na doon kaya hindi ko inisip na may dadalhin pa ako.
"Pumps? Make Up?" Nag taas ng kilay si Mia.
Nalaglag ang panga ko. "Wala ako ng mga ganon."
"Ano?" Malaking O ang bibig ni Mia.
Nakapamaywang siyang tinitigan ako. Goodbye, one thousand! Hindi ka ata mapapa sakin sa gabing ito. Siguro ay kailangan ko ng mamili ng pumps at make up nang sa ganon ay sa Biyernes, magkakaroon na ako.
"O sige, papahiramin kita!" Aniya at may kinalkal sa locker niya.
Umaliwalas ang pakiramdam ko sa sinabi niya.
"Sayang naman kasi ang slot pag hindi ka makakasali ngayon."
Tumayo ako at nilapitan siya. Kitang kita ko ang kulay gold na pumps niyang medyo may kalumaan na. Kailangan kong ilagay din ang pumps sa listahan ng kailangan kong bilhin. Basta ba maganda ang resulta ng gabing ito ay sisiguraduhin ko nang bibili ako ng isang ganyan.
"Naku, Mia, sorry ah? Hindi mo naman kailangang gawin ito pero kailangan ko 'yong pera. Di bale bibili ako ng ganto-"
"Wa'g mo ng alalahanin, Sunny. Medyo sira na 'yong takong niyan kaya mag ingat ka na lang. Huwag kang magtatalon." Aniya sabay lagay ng pumps sa paanan ko.
Sinubukan ko iyon. "Kailangan bang tumalon sa trabahong ito?"
Tumawa siya. "Hindi pero baka maisipan mong tumalon at sumayaw pag nakapunta ka na sa bar na mga pupuntahan natin."
Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Mia. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa isang bar. Siguro ang pinaka malapit lang sa 'bar' na napuntahan ko ay iyong mga inuman noon sa kanto doon sa maputik na lugar nina Auntie.
Sumunod lang ako kay Mia hanggang sa nakarating kami sa isang building. Ilang pintuan ang pinasok namin hanggang sa nakita ko ang logo ng sikat na brand ng sigarilyo. Pumasok kami sa loob at agad kong nakita ang iilang mga babae na nag mi-make upan at naka suot ng kulay pulang damit. Maiksi iyon, iyong tipong pag ka yuko mo ng kaonti ay makikita na ang panty mo. Hindi tuloy ako sigurado kung kaya ko ba ito. Pero tuwing naiisip ko na tatayo lang naman ako at magkakaroon na ako ng isang libo ay nabubuhayan ako. Wala ng arte arte, Sunny.
"Magandang gabi, ma'am. May kasama po ako ngayon." Hinila ako ni Mia.
Tiningala ako ng isang bading. 'Ma'am'. Dapat ko rin siyang tawaging ganon. "Magandang gabi, ma'am." Bati ko habang sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa.
"Ilang taon ka na? Nag disi otso ko na ba?" Tanong ng tumatayong bading.
"Twenty na po ako." Sabi ko.
"Ma'am, twenty na po siya. Nag tatrabaho na nga po ito sa Del Fierro. Kasama ko 'to. Janitress din." Ani Mia.
"O sige. May mga uniporme don, naka hanger. Kumuha ka ng sukat mo don at mag simula na kayong mag ayos. 7:30 ang alis natin. Siguraduhin niyong nakakain kayo."
Hinila agad ako ni Mia sa sulok kung saan may mga pulang unipormeng nakahanger. Medyo naibsan ang pangamba ko na baka scam itong pinasukan ko. Legit nga! May nakalagay na Marlboro sa damit na iyon!
Walang pakealamanan sa pagbibihis. Ang tanging lalaki doon ay si Ma'am na bading naman. Mabilis na hinubad ni Mia ang kanyang damit. Isang iglap lang ay naka bra at panty na lang siya.
"Bilisan mo, Sunny!" Saway niya sa akin dahil nahihiya pa akong mag hubad.
Tinitingnan tingnan ko ang mga babaeng naroon at hindi naman sila nanonood. Mas concerned pa sila sa lipstick at fake eyelashes na nilalagay nila sa kanilang mga mata. Naaalala ko tuloy ang pakiramdam ko nang nilagyan ni mama ng ganon ang mga mata ko noong prom. Pakiramdam ko noon ang ganda ganda ko na. Iyon nga lang, hindi naging maganda ang kinahinatnan ng prom dahil inaway ako ni Patricia, iyong pinsan ko.
Nang nakapagbihis na ako, panay ang baba ko sa palda ng maiksi at sobrang kapit na damit. Tinatampal ni Mia ang kamay ko tuwing ginagawa ko iyon.
"Tumigil ka, ah? Hayaan mo na 'yan. 'Yan ang nakakabenta sa atin. Tuwing maiksi 'yan, mas marami kang mabebenta." Aniya pagkatapos ay nilagyan ng mascara ang mga mata.
"Ha? Para naman tayong pok-pok nito."
Kumunot ang noo ni Mia na para bang nainsulto ko siya. "Sunny, marangal na trabaho itong pinasok mo! Pero ganyan talaga. Yan ang totoo. Ang mga bar na 'yan, punong puno ng lalaking mayayaman at nagwawaldas ng pera. Pwede silang bumili sa ibang tindahan ng sigarilyo pero pipilitin natin sila satin dahil magaganda tayo."
Yumuko ako dahil alam kong ganon nga ang totoo pero hindi lang ako kumportable sa mga iniisip ko. Siguro ay dapat isipin ko na nga lang iyong pera.
"'Yang mayayamag 'yan, naku! Konti lambing mo lang sa kanila, bibili na 'yan. 'Sir, do you smoke?'" Aniya sa malambing na boses.
Ngumiti ako sa sinabi niya.
"Want some cigars?" Kumindat siya sa akin. "Ganon lang 'yon, Sunny. At voila! May bumili na agad. Pag may bumiling isa, dadami ang bibili sayo kaya dapat ay mauna ka."
Pagkatapos niyang mag make up ako ako naman ang inartehan niya. Panay ang pangaral niya sa akin tungkol sa kung paano makakabenta ng sigarilyo sa mga bar. Kinwento niya rin sa akin na nagkakaroon daw ng tip pag nagugustuhan ka ng bumibili. Ibig sabihin, madalas doble ang makukuhang pera.
"Ang mga mayayamang 'yan, nag aaksaya lang ng pera kaya 'yong sobra, sayo na." Tawa ni Mia nang natapos na ang pag mi-make up niya sa akin.
Tumango ako at nilagay lahat sa utak ko 'yong mga pangaral niya sa akin.
Pumalakpak si ma'am at agad na kaming humilera sa harapan niya. Tama si Mia at medyo sira na nga itong pumps niya kaya hindi ako masyadong naggagalaw ng biglaan.
"Same instructions, same rules! Go!" Ani ma'am at mabilis na lumabas ang halos sampung babae kasali kami ni Mia.
Hindi ko alam kung ano ang instructions at rules dahil maiksi lang ang sinabi ni ma'am. Kinailangan ko pang mag tanong kay Mia at ang sabi niya ay wala naman daw akong hindi alam.
"Kailan ba ibibigay 'yong pera, Mia?" Tanong ko nang nag siksikan na kami sa van.
"Dito na sa van. Hanggang alas dos lang tayo, Sunny. Pagka alas dos, balik tayo dito tapos ibibigay na ang pera at pwede na tayong umuwi."
Tumango ako at sinuot ko na iyong bag na may lamang mga sigarilyo. Pinag aralan ko kung saan ilalagay ang pera doon sa bag.
"Okay, girls. Tatlumpung minuto tayo dito." Ani ma'am na nasa front seat pala nang tumigil ang van sa tapat ng isang square kung saan maraming tao at maingay ang music. "Hindi pa peak ng party dahil maaga pa kaya tatlumpong minuto, balik kayo agad dito."
Parang mga ibong pinakawalan sa hawla kami nang lumabas sa van. Mabilis na pumunta iyong mga kasama ko sa kaliwang banda ng square. Hinila naman ako ni Mia sa kanan.
"Mia, wala ka bang-"
"Sir, bili po kayo ng cigar?" Malambing na ngiti ni Mia sa isang matandang naninigarilyo.
Napalunok ako at napagtanto kong kailangan ko siyang gayahin. Nakatayo lang ako doon, naeestatwang pinapanood si Mia.
"Hi miss, nagbibenta ka ng sigarilyo?" May lalaking lumapit sa akin.
Medyo chinito siya at may kasamang ganon rin. Kasing edad ko at amoy mayaman. Tumango agad ako at ipinakita sa kanya ang mga sigarilyo.
"Isang tens." Ngumiti ang chinito sa akin.
Tumango agad ako at binigyan siya non. Sinigurado kong nakapagbayad siya. Susuklian ko na sana pero umiling siya.
"Keep the change." Malutong niyang sinabi.
Nanlaki ang mga mata ko. Ang kauna unahan kong tip!
Sumunod din ang mga kasama nong lalaki sa pagbili ng sigarilyo. Marami akong naibenta sa banda ron at dalawang tao ang nag tip sa akin. Hindi naman pala ganon ka sama ang trabahong ito. Siguro ay masyado ko lang iniisip na delikado ito dahil sa mga lasing at nambabastos na lalaki.
Malaki ang ngiti ko pagkapasok sa van pagkalipas ng trenta minutos. Tahimik lang ang ibang babae na para bang hindi nila kilala ang isa't isa. Naiisipan ko tuloy kung nagkakakilala ba ang mga ito.
"Mia, wala ka bang friends sa kanila?" Tanong ko nang nag alas dyes na at naka ilang bars na kami.
Umiling si Mia. "Crab Mentality." Paliwanag niya. "Ayaw nilang magkaroon ng friends. Minsan." Tinuro niya ang pinaka mestiza at pinaka matangkad sa amin. "Ayan si Alona. Kaibigan ko 'yan. Classmate kami niyang nong high school. Tapos naging buddy kami. Palagi kaming magkasama pero isang gabi lang, mas marami akong naibenta kumpara sa kanya ay nagalit agad sa akin."
Tumango ako habang tinitingnan ang nag reretouch na si Alona. Ang ganda ni Alona. Maganda si Mia pero mas natural na maganda si Alona. Naabutan niya akong nakatitig sa kanya kaya tinitigan niya agad ako pabalik. Ngumiti ako ngunit umismid lang siya sa akin. Bumaling ako kay Mia na hanggang ngayon ay nagsasalita pa.
"Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit, e, pareho lang naman iyon. Kahit pa lima lang ang naibenta mo buong gabi, isang libo parin naman ang ibibigay ni ma'am. Ewan ko ba? May malaking topak 'yang si Alona." Iling niya.
Napatingin siya sa labas at kuminang ang kanyang mga mata nang nakarating kami sa mas malaking square kung saan napakaraming bar. Kitang kita ko ang mga artipisyal na coconut tree sa bawat gutter bilang palamuti sa buong square. Retouch agad ang ginawa ng iba. Ganon din si Mia. Dahil wala akong make up ay tumunganga lang ako.
"Ito ang isa sa may mga pinaka mahal na bar sa buong lugar. Madalas alas dyes o alas onse tayo dinadala ni Ma'am dito dahil sa mga oras na 'yan hindi pa ganoong lasing ang mga tao at nakakabili pa ng maayos." Paliwanag ni Mia habang pinupulahan ulit ang kanyang labi.
Tumango ako at nilagyan niya rin ako ng lipstick tsaka tinampal sa kabilang pisngi.
"Sigurado akong marami kang tip dito. Bago at maganda." Kumindat siya sa akin at hinila niya na ako palabas ng van.
Pagkalabas namin ay napatunayan ko kaagad na tama si Mia. Mayayaman nga ang narito. Kasabay naming pumasok sa isang bar ang iilang artista. May artistang bumili sa akin at dumami agad ang tip ko.
"Sunny, don ka, dito ako? Isang oras pa lang naman. Tas after 5 minutes, kita ulit tayo dito. Lipat tayo sa kabilang bar."
Tumango ako at nagtungo na sa kabilang banda ng bar.
"Sir, do you smoke?" Sabi ko.
"Yup. Isang tens." Anang isang lalaki sa akin.
Ngumiti ako. Natigil siya sa mukha ko at sinuklian niya rin ang ngiti ko. "What's your name?"
"Sunny." Ngiti ko ulit.
Tumango siya. "Thank you, Sunny. Ganito ba talaga ang trabaho mo?" Aniya kahit na nahihirapan akong dinggin siya dahil sa maingay na music.
Nag taas siya ng kilay at kitang kita ko ang mga tattoo sa kanyang braso.
"First time ko pa po ito." Paliwanag ko.
Tumango siya. "That's why. Madalas kasi mas aggressive ang mga lumalapit na girls sa akin." Ngiti niya.
Pagkatapos ng limang minuto ay lumipat kami ni Mia sa kabilang bar na mas maraming tao at mukhang mas sosyal. Labing limang minuto daw ang time limit, ani Mia.
Mas naging agresibo ako para mas makabenta at mas madami ang tip. Napapa headbang ako sa lakas ng music ng buong bar at sa ingay ng mga tao sa dancefloor. Nasiko pa nga ako nang dumaan ako sa gilid kaya pinili kong dumaan sa mga table at sofa.
Sa isang table ay may nakita akong nag s-smoke kaya nilapitan ko kaagad iyon.
"Excuse me sir. Wanna buy a stick?" Ginaya ko ang sinabi ng isang kasama ko kanina.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko kung kaninong table ako napunta. May apat na lalaki ang naroon at may tatlong babae. Pinasadahan ni Brandon ng kanyang daliri ang kanyang mahabang buhok at tumingin sa akin.
"Sunny?" Nanlalaking mata ni Brandon.
"Good evening, Brandon." Ngiti ko sa kanya.
Napatingin siya kay Logan at kay Rage. Si Logan ay nakatingin sa akin habang hinahawakan ang kanyang labi, sinusuri ako.
"Nagtatrabaho ka sa gabi? Marlboro?" Tanong ni Brandon.
"Oo, e. Part time. Do you smoke?" Tanong ko.
"Tens, gold." Ani Brandon sabay abot sa akin ng sobra pa sa halaga ng sigarilyo.
Uminit ang pisngi ko. Okay lang makatanggap ng tip sa ibang tao pero ang makatanggap ng tip sa kakilala ay hindi ko maatim. Kumuha ako ng tamang sukli at binigay ko kay Brandon. Agad niyang hinawi iyon.
"Ipakilala mo naman ako sa kanya, Brandon. Co model?" Nag taas ng kilay ang isang lalaki sa kabilang sofa, ang pang apat sa kanilang tatlo.
"Uhm, no. She works for Rage." Paliwanag ni Brandon.
Napatingin ang lalaking nakanganga kay Rage. Nilingon ko si Rage na ngayon ay nag iiwas ng tingin at kinakausap ng isang sikat na modelo.
KInagat ko ang labi ko at inisip kung iyon kaya 'yong kasama niya sa office? Hindi ko kayang tingnan. Maiisip ko iyon lahat pag nakita ko silang dalawa.
"Janitress, Kid." Ani Logan habang abala ang kanyang kamay sa pag himas sa thighs ng babaeng katabi.
"Oh?" Napangiwi ang lalaki. "Too hot for a janitress. What's your name? Wala kasing nag iintroduce. Well, you can't expect Rage to introduce his employees."
"Sunny po." Ngiti ko.
"Cute name. Gold, tens, please?" Ngumiti siya. "I'm Kid."
Nag lahad si Kid ng kamay at kasama doon ang perang ipambibili niya ng sigarilyo. Tumango ako at tinanggap ang kanyang kamay. Hindi siya agad bumitiw. Tumitig pa siya at hinaplos niyang mabuti ang kamay ko.
"Kid." Masungit na sinabi ng mestizang babae sa kanyang tabi. "Sorry, Yna." Halakhak ni Kid at bumalik ulit sa kanyang pag upo, hindi parin ako tinatantanan sa tingin.
Sinuklian ko rin si Kid, ngunit hindi niya tinanggap. Gusto ko ng umalis dito pero ayaw kong maging bastos.
"Ikaw, Logan?" Tanong ko.
"Pass." Aniya habang sinusubuan na ng lemon nitong babaeng katabi niya.
Tumango ako at bumaling kay Rage. "Ikaw?" Kinagat ko ang labi ko.
Suminghap siya at kumuha ng pera sa kanyang wallet nang hindi ako tinitingnan. So... naninigarilyo siya.
"Tens, black." Umigting ang panga niya.
Mabilis kong kinuha ang gusto niya. Sumulyap ako sa morenang babaeng kasama. Kilala ko talaga ito. Model talaga ito, e. Iyong madalas sa TV at sa mga billboard. Sigurado ako don. Ang umaalon niyang buhok ay kumukulot dahil sa kanyang paglalaro at ang pulang labi ay nakanguso na para bang naiinip dahil may kausap na iba si Rage kahit sandali lang naman 'to.
Binigay ni Rage ang kanyang pera at nakita kong kulay yellow ito, iba sa madalas kong tinatanggap na kulay violet. Nangapa agad ako ng sukli. Sigurado akong hindi ito keep the change!
"Sukli po." Sabi ko sabay lahad ng pera sa kanyang harap.
"Keep the change." Malamig niyang sinabi.
May nagsasabi sa akin na mali na tanggapin ko ang tip na galing sa kanya pero weird naman kung hindi kaya tahimik ko iyong nilagay sa bag ko.
"Thanks." Sabi ko.
Tinapunan niya ako ng tingin. Kumalabog ang puso ko sa titig niya. Shit! Ang lakas naman! Pakiramdam ko ay naririnig niya na kinakabahan ako sa titig niya.
"Alis na ako." Sabi ko sa kanilang lahat pero hindi ko naalis ang tingin ko kay Rage.
Nagtaas siya ng kilay sa titig ko sa kanya.
"Rage..." tawag ng kanyang katabi. Hinawakan pa ng babae ang pisngi ni Rage para lang maiharap niya ulit si Rage sa kanya.
Tumugon si Rage doon kaya naglakad na ako palayo. Pero hindi ko maiwasan ang tumingin pabalik sa table nila. Kumalabog ang puso ko nang nakita ko ang unti unting pagbaling ni Rage sa akin, ang magandang kilay ay nakakunot.
Nag iwas agad ako ng tingin at mariing pumikit. Ano ba itong ginagawa ko? Dahan dahan ulit akong tumingin sa kanya at nakita kong hindi parin siya bumibitaw sa titig.
####################################
Kabanata 4
####################################
Kabanata 4
To Clean
Nang dumating ang ala una ay pagod na pagod na ako. Hindi pala biro ang ganitong trabaho. Kaya naman pala isang libo sa isang gabi ay dahil mapapagod ka ng husto. Ang sakit sakit na ng paa ko at pakiramdam ko ay mapuputol na ito.
Napabuntong hininga ako pagkatapos kong ibigay kay Ma'am ang benta ko. Maligaya si Ma'am dahil marami kaming na benta. Masaya rin ako dahil mas malaki pa sa isang libo ang kita ko sa tip. Nakakayaman pala ang trabahong ito.
"Ayos ka lang?" Ngiti ni Mia na parang hindi napapagod. Siguro ay sanay siya sa ganitong trabaho kaya hindi na nabibigla ang kanyang katawan.
Tumango ako at humikab. "Ayos lang. Higit dalawang libo ang kita ko. Makakahanap na siguro ako ng lugar kung saan ako titira nang sa ganon ay hindi na ako mag titiyaga sa Del Fierro Building."
Nag ngiting aso si Mia sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanyang titig.
"Kanina ko pa napapansin ang pagkakatulala mo." Aniya nang nagsimula na kaming maglakad para makapunta sa sakayan.
"Inaantok kasi ako." Sabi ko kahit na simula nong nagkatitigan kami ni Rage sa bar ay wala na ako sa aking sarili.
Marami akong iniisip at halos lahat ng iniisip na iyon ay mga bagay na alam kong dapat kong balewalain.
"Hmmm. Talaga lang ha?" Humalakhak si Mia.
Hindi na ako nagsalita. Pagod na ako at wala na akong masasabi pa kay Mia. Tutuksuhin lang niya ako. Paano ba kasi ay nang sinabi ko sa kanya kanina na nakita ko sina Rage, Brandon, at Logan ay napansin niya ang pamumula ng pisngi ko. Pinilit niya akong magsalita kung sino sa tatlo ang nagpapula sa pisngi ko. Panay naman ang deny ko na pula ang pisngi ko.
"Hay naku, Sunny." Tumigil siya sa paglalakad at hinarap niya ako.
Malamig na dahil madaling araw na. Gusto ko na lang makauwi at makatulog sa iniisip kong kumportableng couch ng Lounge. Kagabi ay nahirapan ako sa pag tulog dahil sa nakita kong nangyari sa opisina ni Rage. Ngayon naman, siguro ay makakatulog na ako ng husto dahil sa pagod. Hindi ko nga lang makalimutan kung paano siya tumitig.
Tumigil din ako kasabay niya. Pinag laruan ko ang daliri ko at hindi ako makatingin sa kanya.
"Alam mo, Sunny, mahirap magkagusto sa mayaman."
Ngumuso ako. "Hindi naman ako nagkakagusto, Mia. Eh, ikaw nga crush mo silang tatlo?"
Tumawa siya. "E kasi, gwapo. Pero 'yong tulad mong inosente tapos magkakagusto sa kanila? Naku hanggang pangarap lang 'yan. Alam mo kasi, 'yong sa TV at sa mga libro na mga maid na napapansin ng mga amo nila, hindi 'yon totoo sa totoong buhay. Sa totoong buhay, ang mga pinapansin lang ng mga mayayamang 'yan ay 'yong mga katulad din nila. Bulag sila sa mga katulad natin."
Alam ko iyon. Ang marinig na pangaralan ako ng ibang tao tungkol sa katotohanang iyan ay nakakairita. Buong buhay ko, dala dala ko ang pananaw na iyan. Iyan mismo ang natutunan ko sa buhay namin ni mama noong buhay pa siya.
"Gagawin ka lang pampalipa oras ng mga 'yan. 'Yon ay kung si-swertehen ka. Madalas iniisip nilang may sakit ka kaya di ka nila papatulan." Nagkibit balikat siya.
"Sakit?" Nagkasalubong ang kilay ko.
"Oo. Sakit." Kibit balikat ulit niya at nag simula siyang maglakad ulit. "Hanggang hanga na lang tayo. Kailangan na nating tanggapin na 'yong mga fairytale na 'yan, hanggang TV lang 'yan. Eto ang totoong buhay-"
"Alam ko na naman 'yon." Sabi ko nang nakarating na kami sa kanto.
Ang alam ko ay maghihiwalay na kaming dalawa. Sa kabila ako liliko para makarating na sa Del Fierro Building at siya naman ay sa may jeepney stop patungo.
"Alam na alam ko." Ulit ko.
Namuhay kami ni mama na kami lang dalawa sa isang bahay. Maagang namatay si papa. Halos hindi ko na nga siya maalala. Nasa limang taong gulang siguro ako nang namatay siya at lumipat kami sa isa pang bahay. Doon kami nanirahan hanggang sa tumungtong akong grade 9. Lumipat kami kina Auntie dahil binawi na iyong bahay kay mama. Alam kong hindi magtatagal ay mangyayari din iyong pambabawi dahil hindi naman talaga sa amin iyon. Pag aari iyon ng kaibigan ni mama. Mariin akong pumikit at nag desisyong ayaw ko nang balikan ang mga pangyayaring iyon. May mga pagkakamali si mama pero mabait siya at mahal na mahal ko siya.
Mabilis akong nakatulog sa gabing iyon. Pisikal at mental na pagod ang bumalot sa akin. Kinaumagahan ay nagdesisyon akong maghanap ng mauupahan. Kailangan ko pa ng konting panahon at iilang gig para makaipon ng sapat na pera para don at para sa mga gamit ko. Mabuti na lang at mabait si Mia. Aniya'y hindi niya naman daw gagamitin itong pumps niya kaya akin na lang.
Nang nag Lunes ay balik sa trabaho ang lahat. Madalas ko sa 40th floor at napagtanto kong hindi tulad sa ibang floor, mas hindi busy ang opisinang ito. Madalang ang mga tao at kung meron mang pumapasok ay para lang mag hatid ng mga papeles doon. Kaya siguro walang janitress dito dahil madalang din ang lilinisan.
Inisip ko tuloy kung dapat ba ay nandito ako o dapat sa Lounge na lang ako maghapon at antayin ko na lang na maka uwi si Rage bago umakyat.
"Uh, Rage..." Agad lumipad ang kamay ko sa aking bibig. "Este, sir... Okay lang po ba na nandito ako o don na lang ako sa Lounge mag hihintay?" Tanong ko habang pinaglalaruan ang mop, hindi ko siya matignan.
"You're the janitress of this floor. Hindi kita binabayaran para tumambay sa Lounge ninyo."
Napatingin ako sa kanya. Abala siya sa pagkukumpara ng dalawang papel. Medyo nairita ako sa sinabing 'binabayaran'. Parang naaalala ko lahat ng sinabi ni Mia kagabi at lahat ng mga iniisip ko.
"Okay po." Sabi ko at nag simulang mag mop malapit sa TV.
Tumunog ang elevator at napatingin ako sa isang babaeng matangkad, at may umaalong buhok pumasok sa double doors. Natigilan ako nang nakita kong galit ang babae habang sinusulong ang mesa ni Rage.
"Rage!" Sigaw niya sabay tapon ng kanyang purse sa mesa ni Rage.
Bored na tumingala si Rage sa babae.
Pinasadahan ko ang hugis ng binti niya at nanlaki ang mga mata ko nang naalala ko iyon. Ito 'yong babaeng kasama niya rito sa gabing nakita ko siya! Ibang babae 'to sa nakita ko kagabi!
"Ano 'tong sinasabi ni Kid na kasama mo si Kimberly last night?" Maarteng tanong ng babae.
Humilig si Rage sa kanyang swivel chair at nag taas ng isang kilay. Pinagsalikop niya ang kanyang mga daliri na para bang sinusuri niya ng mabuti ang babaeng kaharap.
"So what, Kara?"
Nalaglag ang panga ko. Hindi niya dinideny na may kasama siyang ibang babae! Hindi ko alam kung ano ang kwento nila pero nakakabuo ako ng conclusion na itong si Kimberly ay nagseselos sa kasama ni Rage na si Kara.
"So what? Really, Rage?" Singhal ni Kara.
"I told you I'm not the cuddle type." Kalmadong sinabi ni Rage sa harapan ng nanggagalaiting si Kara.
"But you were... you were... amazing that night!" Pumiyok ang boses ni Kara. "Imposibleng wala kang feelings sa akin!"
Humalakhak si Rage at nag angat ng tingin kay Kara. "You don't need feelings to be amazing in bed, Kara. You know me. Don't push it. Leave."
Humigop ng hangin si Kara bago niya dinampot ang kanyang purse at nagmartsa paalis ng opisina ni Rage. Ang tanging naging reaksyon lang ni Rage ay ang pag taas ng dalawang kilay at pag tingin ulit sa mga papel.
"Hindi mo ba siya hahabulin?" Tanong ko bago ko pa mapigilan.
Napatingin siya sa akin gamit ang mga matang nagtatanong kung siya ba ang kinakausap ko.
Sa titig niya pa lang ay natutunaw na ang binti ko. Masyadong mabigat ang mga titig niya. Dagdagan pa ng kilay niyang madilim at panga niyang perpekto, pakiramdam ko ay may nag materialize na international model sa harap ko. Kasalanan yata ang ganito ka gwapong lalaki.
"Give me one good reason why I should." Humilig ulit siya sa swivel chair niya at inikot niya iyong ng bahagya.
"Para mag apologize." Sabi ko. Shit! Dapat ay hindi ko na binuksan ang bibig ko! "Kasi... hindi yata kayo nagka intindihan. Akala niya kayo tapos ayaw mo pala."
Tumawa siya. "Alam niya 'yan. She's just obsessed with drama. Well, girls like drama. Simula akala mo game sila pero sa huli manunumbat kung bakit hindi seseryosohin. Bakit seseryosohin kung sa simula pa lang ay game na sila sa laro?" Iling niya.
Mas lalo kong di napigilan ang sarili ko. "Alam mo pala na ganon ang mangyayari, bakit mo pa siya pinaasa?"
"Whoa!" Umayos siya sa pag upo. "Hold it right there. You think I'm a jackass? Ang sabi ko, akala ko game siya nong una kasi iyon ang ipinakita niya."
Umiling ako at nag linis ulit. You are a jackass. Hindi mo ba alam iyon? Kahit sinong nanggagamit ng mga babae ay mga gago. Iyon ang alam ko. Kung bakit ako nanginginig sa titig niya ay hindi ko alam.
"Mahina ang mga babae pag gusto nila ang lalaki. Bumibigay sila kahit hindi dapat dahil lang sa gusto nila 'yong lalaki. Dapat alam mo 'yan. Huwag mong gamitin ang kaalamang 'yan laban sa mga babae." Sabi ko.
Hindi siya nagsalita. Suminghap siya at tumayo. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko ulit ang mabibigat niyang titig.
"You're talking too much. I'm not sure if I hired a janitress or a preacher." Nag igting ang panga niya.
Kinagat ko ang labi ko. Ramdam ko ang galit sa boses niya. Sunny, lagot ka!
"I'm sorry, sir." Sabi ko.
Tumagilid ang ulo niya. Nakakapanindig balahibong ngisi ang sumalubong sa akin. "Oh? May 'sir' na ngayon? Kanina wala."
Halos dumugo na ang labi ko sa kakakagat. Hindi pa ako nag iisang linggo ay nagkakasagutan na kami ni Rage. Hindi ito maganda.
"I hired you to clean. Hindi para magsalita, Sunny. You clean the damn area before I throw you outside this building!" Mariin niyang sinabi.
Hindi ko alam pero naiiyak ako. Kahit na marami akong natanggap na mas masasakit pa na salita sa sinabi niya at hindi ako napaiyak. Nagmartsa siya palabas ng opisina niya at naiwan akong mag isa doon. Bumuga ako ng hiningang kanina ko pa pala pinipigilan.
May lumandas na luha sa aking mga mata. Agad ko itong pinunasan. Siguro ay dala na rin ito ng pagod at halo halong emosyon simula nang umalis ako kina auntie. Sa kauna unahang pagkakataon simula nong umalis ako, ngayon ko lang naramdaman na mag isa lang talaga ako. At walang tutulong sa akin kundi ang sarili ko.
Nilinis ko ang buong opisina ni Rage ng walang reklamo. Umalis din ako doon sa takot na makabalik siya at mapagsabihan ulit ako, o baka mapatay ako, o mas malala ay mapatalsik ako sa trabaho.
Abala si Mia sa pag titext text niya sa Lounge nang naabutan ko siya doon. May iilang matandang lalaki na binibiro siya habang nakaupo siya sa sofa. Nang dumating ako ay nagpasya silang kumain ng tanghalian kaya umupo ako sa tabi ni Mia ng walang istorbo.
"O? Problema?" Ngumisi si Mia at sinikop niya ang buhok niya para ma ponytail.
"Nagkasagutan kami ni Sir Rage." Sabi ko.
"Ha? Paanong nagkasagutan?" Tanong niya habang kinakagat ang itim na band bago niya nilagay sa kanyang buhok.
Kinwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Syempre, hindi ko sinali 'yong parte na nahuli ko siya sa opisina niya isang beses. Iyong sagutan lang namin ang kinwento ko.
Humagalpak siya sa tawa. "Iba ka rin, girl. Kaya mo pang magsalita. Pag ako nasa harap ni Rage, siguro nakanganga lang ako sa pagkakamangha sa kanya. Alam mo 'yong panga? 'Yong leeg? 'Yong mata? 'Yong kilay? Grabe!" Habang sinasabi niya ang mga parte ng katawan ni Rage ay tinuturo niya rin ang parte ng katawan niya.
Ngumisi ako. "Kinakabahan lang ako. Hindi naman napapatunganga." Pag amin ko.
"Asus! Normal na 'yan! Sa dinami dami kong nakilalang naging janitress dito, ganon talaga ang reaksyon."
Ngumuso ako. "Baka tanggalin niya ako sa trabaho."
"Hay naku, wa'g ka na lang sigurong manghimasok? Gaya ng sabi ko, 'yang mga mayayamang 'yan, wala 'yang pakealam sa atin. Huwag ka ng magsalita dahil hindi rin naman nila 'yon diringgin. Ikaw pa ang magiging masama."
Tama si Mia. Kung bakit ako nanghihimasok sa buhay ni Rage ay hindi ko alam. Mabuti pa ay kwentahin ko na lang 'yong gagastusin ko sa make up, pumps, bed space, pagkain, at kung ilang libo pa ang kailangan ko para maka pag enrol sa isang maasahang paaralan. Siguro naman ay pwede akong mag kolehiyo? Kung magiging maganda ang kita ko sa pa gig-gig sa Marlboro ay pupwedeng iwan ko na lang ang trabahong ito at doon na lang ako mag focus nang sa ganon ay makapag aral naman ako.
Kaya naman ay sa sumunod na araw, linis lang ang inatupag ko. Hindi na ulit ako tumingin sa banda ni Rage at hindi naman siya nagsasalita. Ang tanging naririnig ko lang sa kanya ay mga tikhim habang naglilinis ako.
Nag pasalamat ako nang nagkaroon siya ng board meeting kaya makakatambay ako ng walang pangamba sa opisina niya. Ganon din ang ginawa ko sa sumunod pang mga araw. Mas nagiging madali pala ito pag hindi ka nagsasalita. Kung bakit ko binuksan ang bibig ko nong nakaraan ay hindi ko na maintindihan ngayon.
Naririnig ko ang bawat tiktak ng relo sa harap. Magtatanghalian na ako. Tapos ko na kasing nalinis ang bintana.
"Sunny..." Ani Rage.
"Po." maliit ang boses ko nang hinarap ko siya.
Kitang kita ko sa mga mata niya ang panunuri. Hindi ko alam kung para saan pero sinusuri niya akong mabuti. Tumititig siya sa mga mata ko na para bang may hinihintay sa akin.
"Paki..." Kumunot ang noo niya.
Tumingin ako sa ilalim ng mesa niya, baka sakaling may kalat at kailangan kong linisin.
"Paki tawagan ang cafeteria at pakisabi na dalawang order ng lunch ko." Aniya sabay turo sa telephone na nasa tabi niya.
Hindi ko alam kung bakit niya ako inuutusan kahit na pwede namang siya ang tumawag. May bisita pala siya, mas lalong kailangan na akong umalis dito. Baka si Kara o si Kimberly? Hindi na ako magtatanong. Basta 'yon na 'yon.
"Okay po." Sabi ko at dinampot ng walang pag aalinlangan ang telepono.
Napatingin ako sa kanya. Humilig siya sa kanyang swivel chair at pinanood niya ako.
"Uhm, good noon. Si Sunny 'to. Pinapasabi ni uhm, Sir Rage na dalawang order daw nong lunch niya ang ihatid dito sa opisina niya."
"Oh? Sige, sige. Salamat, Sunny. Paki sabi kay Sir within 10 minutes dadating na ang lunch niya."
"Okay, sige. Salamat!" Ngumiti ako at binaba ang telephone.
Bumaling ako kay Rage na nakatingin parin sa akin ngayon.
"Sir, within 10 minutes dadating na 'yong lunch mo." Sabi ko at umambang tatalikod na para umalis.
"Hey!" Biglaang sigaw niya sabay hawak sa braso ko.
Napatingin agad ako sa kamay niyang mahigpit ang hawak doon. Kinalas niya agad na para bang napaso siya sa balat ko.
"Mag... lu-lunch tayo." Maliit ang boses niya nang sinabi niya 'yon.
Kinailangan ko pang tumingin sa likod ko para icheck kung ako ba talaga ang kausap niya. Nang nakita kong walang ibang tao ay hindi parin ako makapaniwala. What?
####################################
Kabanata 5
####################################
Kabanata 5
Careful, Sunny
Sigurado akong nagkamali lang si Rage sa sinabi niya. Hindi pwedeng niyayaya niya akong mag lunch ngayon. Empleyado niya ako at walang dahilan na samahan niya ako sa pagkain maliban na lang kung may importante siyang sasabihin sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay nanlulubag siya ng loob dahil itatakwil niya ako ngayon sa trabaho.
"Sit." Utos niya sabay turo sa upuan ng six seater niyang dining table.
Tumugon ako sa kanyang utos. Tanaw sa gilid ang mga naglalakihang building sa labas. Lumunok ako nang umupo siya sa harap ko, nilalagay ang lunch galing sa cart. Hinubad niya kanina ang kanyang longsleeve kaya naka puting v-neck t-shirt na lang siya. Pinanood ko siyang nilalagay ang kutsara at tinidor sa ibabaw ng tissue.
"Uh," Ngumiwi ako, hinintay kong matapos siya sa kanyang ginagawa. "Tatanggalin mo ba ako?"
"Of course not." May lumitaw na ngiti sa kanyang labi.
Kumurba ang kanyang bibig dahil sa pagkakatuwa at hindi ko maiwasan ang pagtitig doon. Pinagsalikop niya ag kanyang mga daliri katulad at tiningnan niya akong mabuti.
"Masyado ba akong masama sa paningin mo?" Nagtaas siya ng kilay.
Gusto ko sana siyang sagutin kaya lang ay natatakot akong mapahamak na naman pag bubuksan ko ang bibig ko kaya nanahimik ako.
"Let's eat?" Aniya sabay tingin sa aming pinggan.
Tumango ako at pinulot ko ang tinidor. Ang laman ng pinggan ay steak, gulay, mais, at kanin. May pineapple juice sa tabi nito at may calamares naman sa harapan namin. Batid kong nanonood siya habang tinutusok ko ang gulay. Gusto ko talagang magtanong kung bakit niya ako sinama ngayon pero natatakot ako.
"So... uh, kumusta ang trabaho?" Kaswal niyang tanong.
Ngumiti ako at nag angat ng tingin. "Okay lang. Mabait ang mga crew. Lalo na si Mia."
"Mia's one of our youngest crew members. Mag dadalawang taon na siya dito." Aniya.
Tumango ako at napatingin sa kanya pagkatapos kong isubo ang gulay. Gutom ako pero hindi ko kayang kumain ng mabuti ngayong nandito siya sa harap ko at nanonood sa akin. "Mabait siya at tingin ko ay matalino." Sabi ko. "Tsaka tinulungan niya pa ako na makapasok don sa mga gig ng Marlboro Girls."
Binitiwan niya ang kanyang tinidor at kutsilyo para uminom ng pineapple juice. Pinanood ko siya at natagpuan niya ang mata ko.
"That's not a very nice job." Aniya.
"Wala akong choice. Kailangan ko ang pera." Sabi ko at nag kunwaring abala sa pag hahati ng steak.
"Well, you have a job here. The benefits are good."
Ngumuso ako. "Oo pero kailangan ko kasing lumipat. Siguro, bedspace o kahit ano. Ayaw kong samantalahin ang kabaitan ninyong patirahin ako dito-"
"You are rendering your services here, hindi naman kita pinapatira ng libre. If that would hurt your ego..." Matigas niyang sinabi.
Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin ngunit nang nakita kong medyo umiling siya at humugot ng hininga ay naramdaman ko kaagad na pinagsisihan niya ang sinabi niya sa akin.
"Gusto ko lang ng maayos na matitirhan. 'Yong may tamang CR at tamang kama." Nahihiya kong sinabi.
Ayaw kong i-point out ang kawalan ng ganon sa building pero paano ko ipapaliwanag sa kanya ang punto ko kung hindi ko iyon sasabihin?
"Oh, okay." Tumaas ang kanyang kilay at kumain ulit.
Nawalan na talaga ako ng ganang kumain. Pinilit ko na lang ang sarili kong ngumuya sa steak na nakahain. Ayaw kong isipin niyang sinasayang ko ang pera niya. Isa pa, hindi ako palaging nakakakain ng ganito, dapat ay sulitin ko ito.
"Salamat nga pala sa lunch." Sabi ko para gumaan naman ang hangin sa aming dalawa. "After one thousand years, nakakain na ulit ako ng ganitong pagkain." Tumawa pa ako.
Kumunot ang kanyang noo. "Bakit? Anong kinakain mo?"
"Sardinas lang madalas. Pag maraming pera, Century Tuna." Tawa ko ulit.
Natigilan siya. "Ano? Sardinas?" Parang hindi niya ako narinig.
Tumango ako.
"Are you kidding me, Sunshine Aragon?" Kunot ulit ng kanyang noo.
Umiling ako at nagulat sa galit sa kanyang boses.
"Hindi ba kita siniswelduhan ng maayos para kumain lang ng sardinas?"
"Hindi pa ako na s-swelduhan. Limang araw pa bago ang 15." Sabi ko na agad kong pinagsisihan.
Kung sana ay pwedeng umo-o na lang ako sa lahat ng kanyang sinabi nang sa ganon ay hindi na kami magtalo pa ay ginawa ko na sana.
"You can have your-"
Pinutol ko kaagad siya. "Hindi na. Okay lang ako. May pera ako dahil sa gig nong Sabado. Last week wala, kaya Sardinas lang."
Matalim ang titig niya sa akin at hindi ko alam kung saang banda ko siya ginalit.
"Pag binigay sa akin ng advance ang pera, baka di ko maipon ng maayos. Naghahanap pa naman ako ng matitirhan." Sabi ko.
Nagpatuloy ako sa pagkain at mukhang siya naman ang nawalan ng gana ngayon. Siguro ay ganon ka nakakadiri ang Sardinas kaya hindi niya na magawang kumain ngayon sa harap ko. Nilihis ko ang usapan nang sa ganon ay makalimutan niya.
"Uh, hindi ko alam na nakikipag lunch ka pala sa mga empleyado." Biro ko sa kanya.
Umangat ang kanyang labi. Halos magpasalamat ako sa lahat ng Santo at nakalimutan niya ang pandidiri sa Sardinas. "Nakikipag lunch naman talaga ako. Hindi nga lang palagi." Aniya.
Tumango ako at medyo nabigo. Akala ko ako lang. Syempre, maaaring naka lunch niya na ang mga taga ibang department? Baka nga pati si Mia?
"Nakapag lunch na kayo ng sabay ni Mia?" Tanong ko.
"Oo. Nakalunch ko na ng sabay 'yong halos lahat ng mga kahit saang department. Pero sabay sabay, hindi isa-isa."
"Ahh..." Dahan dahan akong tumango sa sinabi niya.
Halos maghuramentado ako sa hindi malamang kadadahilanan. Basta ang alam ko ay masaya ako dahil mukhang ako lang ang nasolo niya sa lunch!
"I... I just want to apologize to you."
Napatitig ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin ang kulay brown niyang mga mata. Ang itim sa gilid at sa gitna ng kanyang mata ay masyadong madilim dahilan kung bakit tumitingkad ang kulay brown na halo nito.
"Nagkasagutan tayo nong isang araw diba? I'm not saying that I agree with you pero I just want to apologize. Alam kong may nasabi akong hindi maganda."
"Wala 'yon. Dapat nga ay di ako nakealam. Buhay mo naman 'yan. Empleyado lang ako." Sabi ko.
Ngumuso siya at pinaglaruan niya ang kanyang naka kalahati ng juice. Mukhang may nasabi na naman akong hindi maganda. Kinagat ko kaagad ang labi ko para mapigilan ang pagdagdag ng salita. Sunny, masyado ka kasing maingay! Matatanggal ka nito!
"Hey, you're not eating your food." Aniya sa matigas na ingles.
Bumagsak ang paningin ko sa aking pinggan at nagsimula ulit akong kumain ng maliliit na parte. Alam kong dapat ay ubusin ko ito ng sa ganon ay wala akong maaksaya na pera niya.
Kumain ako hanggang sa nabusog ako. May natira pang iilang steak at kanin. Hiyang hiya tuloy ako dahil pinapanood niya pa ako.
"Sorry." Sabi ko nang pinunasan ko ng tissue ang aking bibig.
Nagtaas siya ng isang kilay. "Para san?"
"Hindi ko naubos 'yong pagkain na binigay mo. Baka isipin mong inaaksaya ko lang ang pera mo. Busog na busog na ako, pinilit ko lang kainin 'yong natirang gulay para hindi ka magalit dahil sa pag aaksaya ko ng pera."
Nalaglag ang panga niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko!
"Anong ginawa ko para isipin mong magagalit ako pag pinag aksayahan kita ng pera? That's just a damn steak! Anong pera ang maaaksaya ko diyan?" Dinig ko ang pagkakainsulto sa boses niya.
Hindi ko na alam kung saan ako mangangapa ng salita. Hindi ko siya maintindihan!
Pumikit ako at kailangan kong magpaliwanag sa kanya kahit alam kong mas mabuting itikom ko ang bibig ko. "Alam kong mayaman ka pero ayaw kong isipin mo na nag aaksaya ako ng pera mo. Na pinakain mo ako tapos di ko inubos-"
"I want you to eat with me. Hindi ko sinabing kailangan mong alalahanin ang perang ginastos ko para diyan. Damn it, girl! You're driving me fucking insane!"
Nalaglag ulit ang panga ko. Malutong ang bawat mura niya at pakiramdam ko ay panibagong away na naman ito sa aming dalawa. This is not good! Akala ko ay maayos na, pero binuksan ko ang bibig ko at heto na naman kami.
Ginulo niya ang kanyang buhok at suminghap siya.
"I just want you to eat. with. me. Okay?" Mas malinaw niyang sinabi na para bang hindi ko naiintindihan ang bawat salita niya.
"Alam ko po 'yon-"
"Fucking drop the 'po'. I want to be your friend, not your boss so drop that!"
Napalunok ako, nangapa ulit ng salita kahit na kumakalabog na ang puso ko. Hindi ko maintindihan. "Ginagamit ang po bilang respeto sa mga nakakatanda-"
"Hell yeah! Ang ibig sabihin ng limang taong gap ay nakakatanda." Tumawa siya at lumambing ang kanyang mga mata.
Ngumuso ako. "Nakakatanda parin 'yon."
Tumitig siya sa akin. Kahit nakanguso ay alam kong tinatago niya ang kanyang ngiti. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero may nagsasabi sa akin danger zone na itong nangyayari sa aming dalawa. Masama na ito. Mapanganib. Maaaring hindi sa kanya, kundi sa akin.
Gusto niyang maging kaibigan ako. Gusto ko rin iyon. Sa totoo lang, hindi ako sigurado kung gusto ko ba talaga siyang maging kaibigan o higit pa.
Hindi ito maganda. Kung may pagkakamali man na alam na alam ko ay ito iyon. Gaya ng sinabi ni Mia sa akin, hindi nagseseryoso ang mga lalaking katulad ni Rage sa mga babaeng katulad ko. Kung may balak man siya sa akin ay alam ko kung hanggang saan lang kami at hindi ko na hahayaan ang sarili kong mag ilusyon.
"Naku Sunny, diyan nagsisimula 'yan!" Umalingawngaw ang boses ni Mia sa buong Lounge.
Kahit na pinapanood kami ni Aling Nenita at Mang Carding ay wala parin silang alam sa pinag uusapan namin. Ang tanging nagagawa ko na lang ay patahimikin si Mia nang sa ganon ay hindi na nila malaman.
Hindi na ako nagsalita. Nag ligpit na lang ako ng gamit ko. Friends lang naman ang sinabi ni Rage at sigurado akong hanggang doon lang iyon. Ang mag ilusyon ng higit pa ay sobra na.
"Pero mag ingat ka. Gaya ng sabi ko... hindi sila nag seseryoso. Magiging pantawid gutom ka lang niyan. Makikita mo. Naaamoy niya siguro na wala ka pang karanasan." Bulong ni Mia sa akin.
Lumamig ang pisngi ko sa sinabi niya at medyo nairita ako. "Alam ko 'yon, Mia. Friends lang naman. Walang mangyayari kasi kaibigan lang."
HIndi ako sigurado kung naiirita ako sa kay Mia o naiirita ako dahil alam kong tama siya, kaibigan lang dapat. Kahit na alam ko sa sarili kong gusto ko pa ng higit don.
"Aalis din naman ako dito." Sabi ko nang di siya tinitingnan. "600 lang ang matrikula sa nakita kong paaralan, buwan buwan 'yan. Kaya kakausapin ko si Ma'am kung pwede bang palagi niya akong kunin sa Friday at Saturday nang sa ganon ay maiwan ko na 'tong trabahon ito at maka enrol na ako sa ngayong August."
Nag angat ako ng tingin kay Mia sa pag aakalang nakita niyang hindi ako interesado kay Rage ngunit mali ako. Nakita ko parin ang ngiting aso sa kanyang mukha na para bang alam niya kung ano ang tunay na sigaw ng sistema ko.
"Nag ka boyfriend ka na ba?" Tanong niya.
Umiling ako nang naaalala ko noon na inayawan ko halos lahat ng lalaking nagtangka dahil lang sa masyado pa akong naaapektuhan sa nangyari kay mama. Mali ang pagmamahal sa lalaking may asawa na at alam kong magkaiba kami ng sitwasyon pero nadala ko ang aral na ang mga lalaki, lalo na ang mga mayayaman ay hindi nakokontento sa isa.
"Isang kalabit lang sayo, hulog ka na kay Sir Rage, e." Kinalabit niya ako na siyang kinairita ko.
Hinawi ko kaagad ang kamay niya.
Humagalpak siya sa tawa. "Totoo no?" Pang iinis niya.
"Mia..."
"Totoo! Ewan ko kung ano ang gusto ni Sir sayo pero kung tama ako, delikado ka. Kailangan mo na ng boyfriend. Kung ayaw mong mahulog ng tuluyan sa halimaw na 'yan. Gwapo siya, pero siya 'yong tipong dapat tinatanaw mo lang sa malayo. Dahil pag masyado kang nakalapit, mapapaso ka."
Kitang kita ko ang kumpleto niyang ngipin sa pagtawa niya sa akin.
"Careful, Sunny." Kindat niya.
####################################
Kabanata 6
####################################
Kabanata 6
Not Good
Gusto kong isipin na paranoid lang si Mia at masyado lang siyang nadadala sa kanyang pananaw. Pero naiisip ko rin na bakit ko iisipin na paranoid si Mia kung ako mismo ay ganon rin ang pananaw. Gusto kong maniwala na mali ang iniisip ni Mia tungkol kay Rage pero naiirita lang ako sa sarili ko dahil umaasa ako kahit alam kong dapat ay hindi.
Mabuti na lang at sa sumunod na araw ay naging busy si Rage sa mga board meeting at kung anu-ano pa. Kung hindi siya pagod ay marami siyang kausap kaya naging mabilis ang mga araw sa akin.
"670 Pesos ang Semester." Sagot ng Cashier sa isang eskwelahang binisita ko nang nag Biyernes.
Pumuslit pa ako para lang makapunta dito at mabilis naman akong bumalik para hindi mag reklamo si Mrs. Ching sa kawalan ko. Mabuti na lang at nandun si Mia, pinagtatakpan ako nang sa ganon ay hindi mapagalitan.
"Naku, ganon po ba?"
Papauwi ako nang nag isip kung paano ko pagkakasyahin ang perang makukuha sa pagtitinda Biyernes at Sabado. Maghahanap ako ng bedspace sa halagang two thousand buwan-buwan, tapos 670 pesos ang Semester ko sa college, tapos pagkain at baon. Kung makaka kuha ako ng 6 thousand o 8 thousand buwan buwan galing sa pag titinda ay kasyang kasya na para sa lahat ng gagastusin.
Kung ganon, kailangan kong umalis sa Del Fierro. Isang buwan ang binigay ko sa aking sarili bago umalis. Mabibigo silang lahat sa gagawin ko dahil kaka hire lang nila sa akin. Pero alam kong hindi ito kawalan sa kanila dahil marami pa silang mahahanap na iba. Ang kakausapin ko na lang ngayon ay si Ma'am tapos ay maghahanap na ako ng matitirahan.
"Ano? Kamusta?" Salubong ni Mia pagkarating ko sa Lounge.
Nag susuklay siya sa kanyang buhok at kaka baba niya lang sa kanyang cellphone. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri.
"Kung papayag si Ma'am na regular akong magtatrabaho sa kanya every Friday at Saturday, mag eenrol na ako."
Nalaglag ang panga niya. "Aalis ka dito?"
Tumango ako.
"Eh, saan ka titira kung di ka magtatrabaho dito?"
"Ewan ko, Mia. Maghahanap pa ako ng matitirhan. Bedspace." Paliwanag ko sabay lagay ng sardinas sa pinggan para makakain na.
"Sige, tutulungan kita. Magtatanong ako sa boyfriend ko kung saan 'yong mura. Magkano ba ang budget mo?"
Napangiti ako sa narinig ko sa kanya. Nagdududa na ako noon na may boyfriend siya dahil palagi siyang nasa cellphone. Ngayon niya lang sinabi sa akin na meron nga.
"Two thousand." Sabi ko.
Ngumiwi siya. Siguro ay mahirap talagang makahanap ng ganong halaga. Mahirap kung masyadong magarbo ang gusto mo. Ang gusto ko ay simple lang naman, basta lang may matutuluyan.
"Sinong maghahanap ng matutuluyan?" Medyo galit na sinabi ng biglaang sumulpot na si Aling Nena.
Galing siyang CR ng lounge at halos masamid ako nang bigla siyang nagsalita. Ang akala ko ay kaming dalawa lang ni Mia sa Lounge. Gulat din si Mia at halos mamutla.
"Si Sunny po." Mabilis niyang sinabi.
Matalim ang tingin ni Aling Nenita kay Mia bago bumaling sa akin gamit ang kalmadong ekspresyon. "O, Sunny, ayaw mo na rito?"
Umiling ako. "Hindi naman sa ganon pero mas maganda naman po pag may sarili kang kwarto. Nahihiya po ako dito." Sambit ko.
Tumango si Aling Nenita at pinahid niya ang kanyang basang kamay sa kulay blue na pantalon, siyang uniporme namin. "O siya, iwan ko muna kayo." Bago lumabas.
Umirap sa kawalan si Mia nang nakalabas na ang matanda. May binubulong bulong pa siyang mga mura habang sumusubo ako ng kanin.
"Magkagalit kayo ni Aling Nenita?" Tanong ko.
Umiling siya. "Mama siya ng boyfriend ko." Nag iwas siya ng tingin sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko. "T-Talaga?"
"Oo. Siya ang dahilan kung bakit ako nakapasok dito. Akala niya na naman nag paplano kaming bumukod. Ayaw ko talagang umuwi sa bahay ng boyfriend ko dahil sa kanya pero ayaw naman ng boyfriend kong bumukod."
Napaka mature naman pala ng relasyon ni Mia. Nasa isang bubong na sila. Hindi ko maiwasang mamangha dahil hindi ko inakalang ganong lebel na pala sila ng kanyang boyfriend.
Dahan dahan, nakikilala ko ang mga tao sa paligid. Noong high school pa lang ako, halos wala akong kaibigan at siguro ay dahil doon, nasanay na akong mag isa. Si Patricia, ang pinsan ko, ang palaging naglalayo sa mga kinakaibigan ko sa akin. Masaya siya pag wala akong kaibigan at galit siya masaya ako. Kaya kahit masaya akong mag isa non ay pinilit kong mag mukhang malungkot. Iiyak ang araw na hindi niya ako maaasar. Siniraan niya ako sa tanging lalaking naging crush ko noong high school. Gusto ko siyang kamuhian pero hindi ko kayang kamuhian kami ni Auntie at paalisin niya kami sa bahay nila gayong wala na kaming matitirhan ni mama.
Nakalimutan ko na ang pakiramdam na may kaibigan. At ang marinig na nagtitiwala at nag shi-share si Mia sa mga detalye ng kanyang buhay sa akin ay nakakapanibago. Parang hindi na ako mag isa.
"Bata ka pa naman, Mia. Siguro ay tama ring huwag muna kayong bumukod." Sabi ko.
"Talaga! Twenty-three pa lang ako at kahit na sabihin ni Eric na bubukod kami ay magdadrama lang si Aling Nenita. Sa huli ay hindi rin kakayanin ni Eric na iwan ang nagdadrama niyang nanay." Umirap si Mia at napangiti ako. "Nga pala, bukas, pano 'yan? Alas otso ulit tayo tapos diba lilinisin mo pa ang opisina ni Sir Rage?"
Tumango ako. "Madalas alas dose na ako pumupunta sa opisina niya." Kinagat ko ang labi ko nang may naalala. "Kaya pwedeng bukas, alas dos. Pagkauwi natin galing gig, don pa ako maglilinis."
Tumango rin si Mia at nagpaalam na aalis na muna para makapag linis sa Finance Department.
Pinagplanuhan ko na ng maayos ang gagawin bukas kaya wala ng problema. Inisip ko na rin kung paano ko gagawin ang lahat ng ito sa loob ng isang buwan. Ang pag papaenrol, ang pagreresign, ang paghahanap ng matitirhan, at kung anu-ano pa. Kaya ko ito! Ang sabi ni mama noon, Edukasyon ang susi sa mga pangarap. Sarado pa ang pintuan ng kinabukasan ko at kailangan ko ng susi para mabuksan iyon. Ngayon, paghihirapan ko ang susi. Whatever it takes.
11:30PM nang nagising ako. Nasanay na ang body clock ko na gumising sa ganitong oras para makapag linis sa opisina ni Rage.
Humihikab pa ako nang tumigil ang elevator sa 40th floor at nakarating ako sa kanyang opisina. Hindi ko ikinagulat ang bukas na ilaw dahil ganon niya iniiwan ang opisina niya araw-araw. Ang ikinagulat ko ay nang nakita ko siyang kaharap ang kanyang laptop at nangalumbaba. Nang nagtama ang mga mata namin ay humilig siya sa kanyang swivel chair.
"Sorry, akala ko nakauwi ka na. Uh, babalik na lang ako." Sabay tulak ko sa cart.
"No, no... you can clean up. Malapit na rin naman akong matapos." Aniya.
Tumango ako at bumalik sa nilakaran ko kanina.
Kinuha ko ang walis para makapag walis muna bago ako mag ma-mop. Sumulyap ako sa kanya at natagpuan ko ang tingin niya. Bahagya akong natigilan. Kumunot ang noo ko at nagpatuloy sa pagwawalis kahit na may namumuong tigidig sa dibdib ko.
"I missed you today. Saan ka nagpunta?" Buntong hininga niya.
Napalitan ng kaba ang lutang kong pakiramdam. Paano niya nalaman na galing ako kung saan? May nagsumbong ba sa kanya? O alam niyang umalis ako?
"Uhm..." Nangapa ako ng salita. 15 na next week! Hindi pwedeng matanggal ako bigla ngayon! "Nung lunch break, umalis ako."
"Uh-huh. I mean, nitong mga nakaraang araw hindi na kita masyadong nakakausap. But... wait, umalis ka nong Lunch Break? Saan ka nagpunta? Hindi na kita nakakausap." Tumaas ang isang kilay niya at nakita kong gumalaw na naman ang panga niya.
Tumindig ang balahibo ko. Kinailangan ko pang haplusin ang braso ko para kumalma. Naka puting t-shirt siya at dogtag. Ang kanyang coat ay nasa likod ng swivel chair. Gustog gusto ko talaga ang puting t-shirt na 'yan. Siguro ay dahil kitang kita ang braso niya pag suot niya 'yan. That's my favorite shirt.
"Kasi po busy ka." Ngumiti ako para kumalma. "Paano kita makakausap? Pumunpunta lang naman ako dito para maglinis. Hindi para kausapin ka."
"Ouch. That hurts!" Humalakhak siya at pinagsalikop niya ang kanyang mga daliri.
"'Yon naman po ang totoo." Sabi ko habang nag wawalis. "Tsaka halos di ka nga tumitingin sa akin pag masyadong maraming tao dito."
"Well that's probably because I don't wanna be distracted. Work is work." Aniya.
Ngumuso ako. Oo nga naman. Istorbo lang ako.
"I mean..." Nagkasalubong ang kanyang kilay. Mukhang nahihirapan sa kanyang sasabihin.
Humalakhak ako at humilig sa upuan para panoorin siyang nahihirapan. "Ang mabuti pa po, mag trabaho ka na dyan nang makauwi ka na."
"Oh? Naiistorbo ba kita sa trabaho mo?"
Ngumisi pa ako lalo at umiling. "Hindi naman." Nag patuloy ako sa pagwawalis.
Nilalagay ko ang mga kalat na papel sa basurahan. Kaonti lang naman iyon kaya sunod ay kinuha ko na 'yong mop.
"Pakiramdam ko sobrang sama ko." Aniya sabay tayo.
"Bakit?" Kumunot ang noo ko.
"Naiirita ako pag nakikita kong hinahawakan ang mop na 'yan. It looks heavy. And you're too skinny for that thing." Aniya sabay lapit sa akin.
Nanigas na ako sa kinatatayuan ako. Nagbalik ang kabang nakakalutang. Sumasakit ang tiyan ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil sa kiliting nararamdaman.
Matangkad siya. Ngayon lang iyon napasok sa utak ko. Hindi nagugulo ang buhok niya dahil maiksi lang naman ito ngunit ngayong malapit na siya sa akin ay nakita kong may konting gulo doon. It looks cute. Napapangiti ako. Tumayo siya sa tabi ko. Ngayon ko lang din napansin na naka faded jeans siya. Mas lalo kong naging paborito ang kanyang suot.
Tinagilid ko ang ulo ko. "Kaya ko 'to. Mas mahirap pa dito ang mga ginawa ko non. Kaming mahihirap, sanay sa mahirap na gawain."
Parang wala siyang narinig nang kinuha niya ang mop sa akin. "Excuse me..." Ngisi niya sabay tulak nito sa paa ko.
Tumawa ako at umalis sa kinatatayuan ko. Siya na mismo ang nag mop sa sahig at hindi ako sigurado kung bakit tumatawa ako kahit na alam kong mali iyon.
"This is heavy for you." Aniya nang natapos niyang pasadahan ng mop ang hallway na tinayuan namin.
"Trabaho ko po 'to. Tsaka, kaya ko 'yan. Mag dadalawang linggo na ako dito." Sabi ko sabay kuha sa mop sa kamay niya ngunit malakas siya at hindi niya iyon binitiwan.
"I lift. Siguro ay dapat mag mop na lang ako imbes na pumuntang gym. Nakakatulong pa ako sayo." Tumawa siya at ang tunog ng tawa niya ay nagppalutang sa akin.
Shit! Hindi na maalis ang ngiti ko.
"Sit or stand somewhere else. Tatapusin ko 'to." Sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi pwedes, Sir! Trabaho ko 'yan!" Sabi ko sabay lapit sa kanya.
Sumimangot siya nang nakita niya ang mga footprints ko sa lugar kung saan kaka mop niya lang.
"Sorry." Sabi ko sabay abot ulit sa mop.
"Just sit, Sunny. Trabaho mo 'to pero habang nanonood ako, hindi ka mag mo-mop." Aniya.
"Ha? Eh, anong gagawin ko, Rage? Kung di ako mag mo-mop, edi wala akong nagawang trabaho?"
May ngiti sa kanyang labi habang nag mo-mop siya. Umupo ako sa sofa at nilagay ko ang binti ko sa arm rest nito nang sa ganon ay hindi ko maapakan ang tiles, kung saan siya patuloy na nag mo-mop.
"Mag uusap tayo." Aniya. "God I can't believe I said that." Humalakhak siya.
Tumaas ang isang kilay ko habang pinapanood siyang nag mo-mop. Sa sobrang playboy niya siguro ay hindi niya na kailangang kausapin ang mga babae. Sanay siyang ang babae ang gustong makipag usap sa kanya. Nakita ko kung paano niya itapon ng parang basura ang babaeng pinasaya niya nong nakaraan. Narinig ko rin mula sa kanya ang pananaw niya sa relasyon. Alam niyang alam ko iyon. At dapat alam niyang hindi niya ako mapapaikot. Pero... alam niya bang natutuwa ako sa kanya?
Shit! This is not good. Not. Good.
"Anong gusto mong pag usapan?" Tanong ko.
"Hmmm. Bakit ka nga pala umalis nong lunch break?" Tanong niya ulit.
"Ah! Uhmmm, pumunta ako sa isang University. Nag inquire lang."
Napatingin siya sa akin. "Mag aaral ka."
Tumango ako. "Inisip ko mag eenrol ako ngayong August nang sa pasukan ngayong September, makakapagsimula na ako."
Bumaling ulit siya sa kanyang pagmo-mop, ngayon ay madilim niya ang kanyang tingin. Kunot ag kanyang kilay, dahilan kung bakit hindi ko na matanggal ang tingin ko sa kanya. God! Ang gwapo niya lalo na pag galit!
Shit! Bakit nga pala siya galit?
"So... titigil ka sa pagtatrabaho?" Tanong niya.
Shit! Ito ang dahilan! Kinagat ko ang labi ko. Hindi parin siya sumusulyap sa akin.
"Hmmm, siguro. Hindi pa naman ako sigurado."
Anong nangyari sa Susi ang Edukasyon, Sunny? Hindi ka ba aalis dito dahil sa kanya? Lumipad na ba sa labas ang utak mo?
"Magandang desisyon ang pag aaral." Hindi ko makaligtaan ang tabang sa kanyang boses.
"Uhm, oo. Pero kung makaka afford ako." Nag aalangan kong sinabi. "Tsaka... maghahanap rin ako ng matitirhan. Hindi ako pwedeng mamalagi dito."
Tahimik siyang tumango.
Kinagat ko ulit ang labi ko. May masama ba akong sinabi? Bakit natahimik na siya ngayon.
Tumayo ako at nag desisyong kailangan ko ng kunin ang mop sa kanya. Pagkatayo ko ay nagsalita naman siya.
"Saan ka titira? Saan ka mag aaral?" Tanong niya.
"Hindi pa ako sigurado. Mag dedesisyon pa ako." Nalilito kong sinabi.
Naghintay pa ako sa maaari niyang sabihin ngunit nagulat ako nang nilagay niya ang mop sa cart at nag mura siya.
"Fuck. This ain't good." Iyon lang ang nakuha ko sa lahat ng mura niya.
Parang hinahabol ng aso niyang kinuha ang kanyang coat, tinabunan ang paborito kong t-shirt at bumaling sa akin.
"Turn off the lights, the aircon, and lock the doors. I'm going home." Aniya na nag paalala sa akin na empleyado niya lang ako at boss ko siya.
Tumango ako. Tinalikuran niya ako at mariin niyang pinindot ang arrow sa elevator pagkalabas niya sa double doors.
Na estatwa ako sa panonood sa kanyang pagmamadaling umalis. Bakit kaya? Siguro ay narealize niyang hindi dapat siya nag mo-mop at mali na ginawa niya iyon para sa kanyang empleyado.
Nang pumasok siya sa elevator ay hindi niya ako tiningnan. Saka niya lang ako tiningnan nang isang pulgada na lang ay sarado ang ang pintuan ng elevator. Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Ngumuso ako nang sarado na ang pintuan. Dapat ay tigilan ko 'to.
####################################
Kabanata 7
####################################
Kabanata 7
Invite
Sa mga huling sinabi niya, naramdaman ko ulit ang agwat ng mundo naming dalawa. Tama si Mia, kahit kailan ay hindi magiging magkapareho ang mundo naming dalawa. Matayog siya, mababa ako. Hibang na ako kung iisipin kong posible ang mga bagay na iyon dahil lang sa mga ipinapakita sa TV.
"Sunny," Nagulat ako nang napadpad si Mrs. Ching sa Lounge.
Madalas kasi siyang busy sa mga payroll ng mga crew at kung anu-ano pang mga bagay sa kanyang trabaho. Ang makita siya sa 15 floor ay nakakagulat. Mabilis na tumatayo ang mga nakaupo sa sofa sa takot na masabihan ni Mrs. Ching na walang ginagawa.
"Po?" Tumayo rin ako sa gulat na nandito siya.
"Ang sabi ng secretary ni Mr. Del Fierro maaga daw siya uuwi ngayon. Baka wala na siya by seven." Ngiti ni Mrs. Ching sabay ayos sa kanyang salamin.
Tumango ako.
Nilagpasan niya ako para kausapin ang isang lalaking crew din na ani Mia ay palaging nag li-leave nitong mga nakaraang araw. Sinundan ko siya ng tingin. Natigil lang ako nang sikuhin ako ni Mia.
"30 Minutes to seven. Ibig sabihin pwedeng alis tayo mamaya ng di ka na bumabalik sa taas. Unahin mo muna 'yong linis. Konti lang naman 'yong lilinisan don, diba?" Tumango ako at umupo siya sa sofa, walang takot kay Mrs. Ching. "Hintayin kita dito."
Nagpunta na kaagad ako sa locker para kunin ang mga gamit. Sinikop ko muna ang buhok ko para ma ponytail. Mag hihintay lang ako ng ilang minuto at makakaakyat na ako.
May parte sa akin na gusto ng umakyat para maabutan ko pa si Rage pero may parte rin sa aking ayaw na muna. Ayaw ko siyang makausap o makita man lang. Kahapon nang umalis siya, medyo tumabang ang pakiramdam ko.
Naisip ko na naisip niyang hindi tama ang makisalamuha sa akin. Nasa gitna ng awa at pandidiri ang nararamdaman niya. Alam niyang sardinas lang ang kinakain ko, mahirap ako, janitress lang ng kompanyang pag aari niya, naaawa siya sa kalagayan ko pero nandidiri din siya dahil sa parehong mga dahilan.
Masakit iyon sa ego.
Wala sa sarili akong umakyat sa floor ni Rage. Nang tumunog ang elevator ay saka lang ako nag angat ng tingin sa loob. Dim na naman ang lights at inisip ko tuloy na hindi naman ito dini-dim ni Rage kung aalis na siya. Pagkahawak ko sa door handle ng double doors ay tumagos agad ang tingin ko sa pintuan.
Not again.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Rage kasama ang isang mestizang babae na hindi ko pa nakikita kahit kailan. Hindi ito si Kara o si Kimberly! Iba na naman!
Nakaupo siya sa hita ni Rage at naghahalikan silang dalawa sa swivel chair. Ang kamay ni Rage ay nasa hita ng babae, hinahaplos niya ito ng pabalik balik at palalim ng palalim habang tumatagal.
Kumunot ang noo ko at hindi ko alam kung saan nanggaling ang galit sa sistema ko. Ang alam ko lang ay mali itong ginagawa ni Rage! Sa opisina siya nakikipag landian ng ganyan! Nawawala ang respeto ko sa kanya bilang boss ko at gusto ko na lang na tigilan nilang dalawa iyan! Gusti kong malaman nila na nandito ako! Gusto kong mang istorbo at kung ipapatapon niya man ako pagkatapos ng pang iistorbo ko ay tatanggapin ko iyon!
Padarag kong binitiwan ang double door handle ngunit hindi iyon lumikha ng ingay na makaka istorbo sa dalawa. Tinalikuran ko sila at hinila ko na lang ang cart. Limang beses kong pinindot ang button ng elevator sa pagkakainip at nakatalikod ako nang sumara ito dahil ayaw kong makita ulit sila.
"Parehong mga lugar ba?" Medyo matigas kong tanong kay Mia nang nag mi-make up na kami sa loob ng opisina.
"Siguro. 'Yon naman madalas ang route." Ani Mia habang nilalagyan ako ng eyeshadow.
Lipstick, eyeliner, at blush on pa lang ang make up na nabili ko. Nang tumigil si Mia sa paglalagay ng eyeshadow at tumayo na ako para lagyan ko ang sarili ko ng pink na lipstick.
Humalakhak siya sa gilid ko habang tinitingnan ko ang mukha ko sa salamin. Tiningnan ko siya sa salamin.
"Sa ating lahat, ikaw lang ang naglalagay ng pink lipstick. Pula lahat, e." Aniya.
Hinarap ko siya. "Mas komportable lang ako sa pink." Nag iwas ako ng tingin.
Wala akong sinabi sa kanya tungkol sa nakita ko sa opisina ni Rage. Siguro ay tama na na alam niyang playboy ang lalaking iyon. Hindi niya na kailangang marinig ang detalye sa akin.
"Sunny..." Nagulat ako nang biglang lumapit si Alona sa amin.
Umatras at humalukipkip si Mia pagkatapos ay tinitigang mabuti ang walang pakealam na si Alon. Tumayo siya sa tabi ko at nakita ko kaagad ang pagkakaiba ng height naming dalawa. Matangkad si Mia pero mas matangkad itong si Alona. At sa pagtabi niya sa akin ay nagmukha akong maliit na bata.
"Anong brand ng lipstick mo?" Tanong niya sabay tingin sa hawak kong lipstick. Kinuha niya iyon at ngumiti siya. "Thanks." Bago niya ako tinalikuran.
Umirap si Mia nang umalis si Alona. Ang sabi ni Mia ay madalas daw siyang tumitingin sa sales ng bawat isang member ng Marlboro Girls. Siguro ay nong huling pagbibenta, isa ako sa may pinakamalaking sales kaya siya biglaang naging interesado sa akin. Hindi naman ako tulad ni Mia na pumapatol sa mga tulad ni Alona kaya hindi naman siguro manganganib ang trabahong ito sa akin.
Halos masira ni Mia ang kanyang cellphone papunta pa lang kami sa mga bar. May pinipindot siyang pabalik balik sa kanyang screen at napapamura siya palagi.
"Ano ba 'yan, Mia?" tanong ko.
"Kainis. Tuwing Biyernes talaga ng gabi hindi nag rereply si Eric. Kung wala lang akong trabaho ngayon, hahanapin ko na siya. Ano kayang ginagawa ng lalaking iyon?"
"Baka trabaho?" Inosente kong sinabi.
"Alas singko pa ang out non. Dapat ay nasa bahay na siya ngayon."
"Baka natutulog dahil sa pagod?"
Nag angat siya ng tingin at hindi ko alam kung nag iisip ba siya o tingin niya ay nababaliw na ako sa mga simple kong ideya.
Tumigil ang sasakyan sa unang stop namin. Mabilis kaming umalis dahil sa maiksing oras na binigay ni Ma'am sa amin. Magkasama kami ni Mia pero mas mahina siya ngayon dahil na rin siguro sa problema sa kanyang boyfriend. Tingin ko naman ay tulog lang si Eric sa kanilang bahay kaya dapat ay di na siya mamroblema.
Mabilis akong nakabenta. Medyo nasanay na rin ako sa trabahong ito. Ilang ngiti lang at pasakay sa mga tanong nila ay makakabenta ka na. Madalas ay makakatawanan mo pa ang mga tao. May mga nakakakilala na rin sa akin.
"Ah! Sunny, you're here! Isang kaha?" Ngiti ng medyo matandang naalala kong bumili din sa akin nung unang gabi ko.
"Sure." Sabi ko at binigyan siya ng kanyang gusto.
Nilagay niya ang sigarilyo sa kanyang bibig at uminuwestra na sindihan ko iyon dahil wala siyang lighter. Tumango ako at sinindihan ko iyon gamit ng lighter namin.
"Sa'yo lang talaga ako bumibili. Nandito 'yong ilang girls kanina. Sabi ko kay Sunny lang ako bibili." Ngisi ng matanda.
"Oh? Salamat po! See you again next time!" Ngiti ko kahit hindi ko alam kung maganda ba iyon para sa trabaho ko o hindi.
Inisip ko kung si Alona 'yong natanggihan niya ay mas lalo lang mag iinit ang dugo non sa akin.
Luminga linga ako sa madilim at nakakahilong lights ng bar na iyon. Hinahanap ko si Mia dahil limang minuto na lang ay kailangan na naming umalis. Pinapaalalahanan ko rin ang sarili ko na dapat ay magdahan dahan ako sa paglalakad dahil hindi na maaasahan ang pumps ni Mia sa paa ko.
"Sunny!" Si Mia ang nakahanap sa akin.
Huminga ako ng malalim. "Mia! Akala ko mahihirapan ako sa paghahanap sayo!" Tinalunton ko ang kanyang kamay na nakahawak sa kamay ng isang lalaking medyo moreno at chinito na agad kong napagtantog si Eric, ang kanyang boyfriend. Kamukhang kamukha kasi siya ni Aling Nenita!
"Nagkita kami ni Eric sa labas. Hinihintay na kitang lumabas pero eto!" Aniya sabay lakad patungong labas ng bar.
"Hi!" Ngiti ko kay Eric na halos walang ekspresyon nang tumango sa akin.
"Eto si Sunny, 'yong sinasabi ko sayong kaibigan ko sa Del Fierro." Ani Mia kay Eric nang nakalabas na kami sa dagat ng mga tao sa loob.
Mali ako. Hindi pala siya natutulog.
"Ano nga ba ang ginagawa mo dito?" Medyo nagbago ang mukha ni Mia nang hinarap si Eric.
Nagpasya akong tumingin na lang sa iba pang bar at hintayin ang paglabas ng ilan naming kasamahan habang nag uusap ang dalawa. Kailangan ko rin palang bantayan ang oras para hindi kami mahuli sa pag alis.
"Napadaan lang ako galing sa trabaho. Nagkatuwaan kami nina Ronald kaya heto." Sabay kamot niya sa kanyang ulo.
"Ganon? Asan si Ronald?" Sabay linga ni Mia sa paligid.
"Ah! Pauwi na kami non nang nakita ko 'yong van niyo kaya sinabi ko sa kanya na umuwi na lang siya dahil hahanapin pa kita." Ngiti ni Eric.
Magkasing tangkad lang si Eric at Mia. Ang mestizang balat ni Mia ay kumikinang tuwing hinahawakan niya ang morenong kamay ni Eric. Makurba si Mia at hindi ko alam kung bakit tuwing iniisip ko si Eric ay nag iisip ako ng isang lalaking medyo may malaking pangangatawan. Ang Eric na nasa harapan ko ay medyo payat at tahimik.
"Ganon? O sige, sige, kailangan na naming umalis. Umuwi ka na rin at mag reply ka sa mga text ko. Akala ko naman anong nangyari sayo." Ani Mia.
Tumingin na ako sa kanilang dalawa dahil naramdaman kong aalis na kami. Nakita kong hinalikan ni Mia si Eric sa labi at nagpaalam.
"Uuwi na ako. Hintayin na lang kita sa bahay. Baka matulog na muna ako. Nakakapagod ang trabaho." Ani Eric.
Tumango si Mia. "Sige! Madaling araw pa ako. Ingat ka!" Ngiti ni Mia bago kumalas sa pagkakahawak kamay nila.
Masayang kinwento ni Mia sa akin ang pagkakakita niya sa kanyang boyfriend na si Eric sa gabing iyon. Nakinig lang ako at nagpasalamat na bumalik sa dati ang masayang disposisyon niya. Sana ay kaya ko ring maging ganon ka masayahin. Ang tanging nagagawa ko lang ay ang plastik na ngiti sa bawat customer na nag aabang.
Matumal ang tip sa maliliit na bars. Umabot ng alas dose na 400 pesos lang ang tip ko. Hindi na ako nagreklamo dahil alam kong hindi naman iyon kasali sa trabahong ito. Kumbaga, bonus na lang iyong tip. Ang isang libo naman talaga ang sweldong inaabangan ko dito.
Tumigil ang van sa harap ng malalaking bar. Isa doon ang bar kung saan nakita ko si Rage noong unang beses akong nagtrabaho. Kumalabog agad ang puso ko at hindi ako sigurado kung gusto ko ba siyang makita sa ngayon o hindi. Naaalala ko ang nakita kong pakikipag halikan niya sa mestizang babaeng iyon sa opisina niya.
"For sure nandito na naman si Mr. Del Fierro, Sunny!" Ngiting aso ni Mia.
Ngayon sana pala ay hindi na muna bumalik ang panunukso niya.
"Ikaw ang doon sa mga sofa, ako don malapit sa dancefloor at bar. Game?" Mas lalong lumaki ang ngisi ni Mia.
"Madaya ka. Alam mong nasa sofa siya kaya mo ako nilalagay don. Change naman tayo para ngayon."
"Tumatagingting na 500 pesos ang tip niya sayo non diba? Kailangan mo ng pera kaya dapat don ka sa kanya."
Ang ideyang naghihintay ako ng tip kay Rage ay hindi ko kaya. Dapat ay hindi niya ako bigyan ng tip ngayon. Kung bibigyan niya man ako ay ibabalik ko iyon sa kanya. Bago pa ako nakaangal kay Mia ay nawala na siya sa dagat ng mga taong nagsasayaw. May mabilis na lumapit sa akin para bumili. Binigyan ko naman agad bago naglakad patungo sa sofa.
Malayo pa lang ay naaaninag ko na sa dilim ang tumatawang mata ng pinsan ni Rage na si Logan. Ibang babae naman ang kanyang kasama ngayon. It runs in the blood. Kung playboy si Rage, ganon din ang lalaking ito. Wala si Brandon sa ngayon. Nakita kong tatlo lang sila sa kanilang sofa at kasama nila si Kid na ngayon ay wala ng katabing babae. Nakatalikod si Rage sa akin. Lumunok ako habang pinapanood ang babaeng kasama niya kanina sa opisina na bumubulong sa kanyang tenga ng kung ano. Humahalakhak ang babae at nilalaro niya ang tainga ni Rage gamit ang dulo ng kanyang mga buhok.
"Sunny! You came!" Umalingawngaw ang boses ni Kid nang nakita niya ako.
Shit! Lumingon agad si Logan sa akin. Si Rage ay parang walang narinig. Nagpatuloy sa pagbulong ang mestizang kasama niya sa kanyang tainga.
"I remember." Ngisi ko sa kanila nang tumayo ako sa gilid ng sofa ni Logan. "Gold and tens, right?" Nag taas ako ng kilay kay Kid.
Nagpakita ang ngiti sa kanyang labi. "That's my girl. Naaalala niya, Logan! Narinig mo?"
Tumawa si Logan at kinalas niya ang pagkakaakbay sa katabi niyang babae. "You're crazy, Kid."
Binigay ko kay Kid ang Gold Tens na sigarilyo. Kasabay ng pagkuha niya ay ang pagbibigay niya sa akin ng pera na alam kong tip na agad ang sukli. Nagtagal ang kamay niya sa kamay ko. Pinagpawisan tuloy ako ng malamig. Lumakas ang tawa ni Logan dahil sa ginawa ni Kid.
"Dude, you're dirty!" Ani Logan.
"Ano? I'm just amazed!" Titig na titig si Kid habang tinitignan ako.
Yumuko ako para kunin ang sukli ni Kid sa bulsa ng bag na suot ko. Alam kong tip na iyon pero hindi parin ako nag aassume na lahat ng sukli ay tip para sa lahat ng tao. Inabot ko sa kanya ang sukli at tinanggap niya ang kamay ko. Buong akala ko ay tatanggapin niya ang sukli ko pero imbes ay hinaplos niya lang ang kamay ko.
"You really a janitress? Sobrang lambot ng kamay mo." Ani Kid habang hinahaplos ang hinlalaki ko.
Hindi na kumportable 'to pero kailangan kong makisama. Customer siya at pamilyar din siya sa akin. Siguro ay para mawala ang kaba ko ay tumawa na lang ako at sumakay sa mga biro niya. "Oo. Hindi naman lahat ng janitress matigas na ang palad."
Kinagat ni Kid ang kanyang labi at pinasadahan ng palad ang kanyang buhok. Naririnig ko ang natutuwang halakhak ni Logan sa gilid ko. Bumaling ako sa kanya. "Cigar?"
Umiling siya. "Nope."
Tumango ako. Siguro ay hindi siya naninigarilyo? Sayang at wala si Brandon, wala akong mabibentahan. Nag angat ako ng tingin kay Rage na nakatitig sa akin habang binubulungan siya ng kung anu-ano ng mestizang kasama niya.
"Cigar?" Nag iwas ako ng tingin sa kanya.
"You can't remember my choice?" Ani Rage. "That's disappointing."
"Uh, black, tens." Sabi ko nang di tumitingin sa kanya.
Kinalas niya ang akbay niya sa babaeng katabi dahilan kung bakit napadaing iyong babae at muntik ng mahulog sa pagkakaupo.
"Rage!" Malambing na tawag ng babae at nakita kong ngumiwi siya dahil sa ginawa ni Rage.
Kinuha ni Rage ang kanyang wallet at nakita ko kaagad ang 500 na nilalabas niya.
"Do you have smaller bills, sir?" Tanong ko.
Humalakhak ulit si Logan, ngayon mas nanunuya. Hindi ko alam kung para kanino iyong halakhak niya.
"Damn, girl. Kahit pag bigkas mo ng salita, sobrang sexy." Umiling si Kid.
Napalingon ako sa kanya at ngumiti. "You're flattering me, Kid. Thank you." Sabi ko.
Kinagat kagat pa ulit ni Kid ang kanyang labi at may sinabi siya kay Logan. Bumaling ako kay Rage na mas lalong tumalim ang titig sa akin. "I don't have." Aniya.
Agad kong hinalughog ang bag ko at kumuha ng limang one hundred para ibigay sa kanya iyon. Kumunot ang kanyang noo nang nakita iyong mga binigay ko bago ko kinuha ang five hundred niya.
"Ayan." Sabi ko sabay kuha ng sukli sa one hundred na kinuha ko rin sa kamay niya.
"Are you insulting me?" Tumaas ang tono ni Rage.
Umiling ako. "Binibigyan lang po kita ng sukli."
"Whoa! Easy there, Rage." Ani Logan.
"Just give him the cigar, girl, and get lost." Matalim na sinabi ng mestiza.
Ngumuso ako at binigay ang sigarilyo ni Rage sa kanya. Nag igting ang kanyang panga sa ginawa ko pero bahala siya. I don't care! Tumaas ang kilay ko at tumanggi akong tumingin ulit sa kanyang mga mata. Hindi ko maatim na tumingin ulit. Mas lalo akong nagagalit sa kanya.
"Easy there, Phoebe." Ani Kid. "You're too mean."
"Binibigyan siya ng tip ni Rage, tumatanggi siya. Ungrateful..." Umirap ang mestizang tinawag ni Kid na Phoebe.
Nakita kong hinaplos ni Rage ang kanyang hita. Bumulong siya kay Phoebe dahilan kung bakit bumungisngis si Phoebe at nakalimutan na ulit ang presensya ko. Naiirita ako. Kinailangan ko pang kagatin ang labi ko sa sobrang pagkairita. Naiinis ako dahil gusto kong malaman kung ano ang binulong ni Rage sa kanya! Naiinis ako dahil kitang kita ko kung paano pabilog na hinahaplos ni Rage ang gilid ng hita ng babaeng nasa harapan ko. Naiirita ako dahil gusto ko ako 'yong nasa sofang iyan at hindi siya. Naiirita ako kasi nagagawa pang tumitig ni Rage sa akin habang bumubulong pabalik si Phoebe sa kanya!
"I will invite her, Kid. You don't have to tell me." Sabi ni Logan na siyang nagpalingon sa akin.
Tapos na ako dito kaya aalis na ako. Yumuko ako at umambang aalis na pero...
"Hey, Sunny!" Tawag ni Logan.
Lumingon ako sa kanya. Ang buong atensyon ni Logan at Kid ay nasa akin. "Yes? Need anything?" Tanong ko.
Ngumuso si Kid at nagpatuloy naman si Logan. "You free tomorrow? Birthday celebration ko kasi. I'll throw a party and my friends are invited. You're my friend so I'm inviting you." Ani Logan.
Nagulat ako sa bigla niyang pagyayaya. For sure, kasama si Rage sa party'ng iyon. Gusto ko ring sumama pero may parte sa aking umuurong. Hindi iyon para sa akin. Iba ang lebel ng mga taong ito sa akin at ang pilitin ang sarili kong lumebel sa kanila ay ang kasiraan ko rin.
"Tingnan ko. May trabaho kasi ako bukas." Sabi ko.
"The party starts at ten. Anong oras ba natatapos ang trabaho mo? Pwede namang humabol." Ani Logan.
"Uhm minsan one A.M or two. Hindi ako sigurado tsaka nahihiya ako. Ayokong ma out of place." Nahihiya ko siyang nginitian. "Happy birthday nga pala in advance!"
Umiling siya at sumimangot. "You can bring a friend or two. I won't take no for an answer. Hindi ka ma o-out of place, trust me."
Tumango ako. "Tingnan ko."
Habang nag iisip ako at lumalalim ang gabi ay bigla akong kinalabit at tinawag ni Mia galing sa likod.
"Last na ito for today. Uwi na tayo. Ang tagal mo. Tayo na?" Sabi ni Mia sa akin.
Tumango agad ako at lumingon kay Logan at Kid para magpaalam. Naramdaman ko kaagad ang kamay ni Mia sa likod ko nang siguro ay nakita niyang pinaglalaruan ni Rage ang kulot na buhok ni Phoebe sa gilid ni Logan habang tinititigan ako.
"Uh, alis na kami. Tingnan ko kung makakasama ba-"
"Why don't you bring Mia, then? Kayong dalawa?" Hindi tumigil si Logan.
Napatingin ako kay Mia na ngayon ay nagtataas ng kilay sa akin bilang pagtatanong kung ano ang ibig sabihin ni Logan sa sinabi niya. Bumuntong hininga ako at pakiramdam ko ay talo na ako.
"Ano 'yan, Sunny?" Tanong ni Mia.
"Birthday celebration ko bukas. Iniinvite ko kayo ni Sunny pero ayaw niyang sumama." Ani Logan.
"Oo nga naman, Sunny. Please? Pumunta ka para sakin?" Sabi ni Kid sabay ngisi sa akin.
Nakita ko ang pagkakagulat at pagkalaglag ng panga ni Mia sa sinabi ni Logan. Ngayon, sigurado na akong talo na talaga ako. Sasama itong si Mia at sasama na rin ako. Shit!
####################################
Kabanata 8
####################################
Kabanata 8
Mga Mundo
Interesado si Mia sa anyaya ni Logan sa amin. Siya na mismo ang kumuha ng address ng bahay na pupuntahan namin kahit na mukha siyang windang habang kinakausap si Logan.
"May boyfriend ka na Mia!" Paalala ko sa kanya nang nanginginig ang kamay niya habang binabasa iyong sinulatan ni Logan ng address.
"Oo, meron, pero hindi ibig sabihin na hindi na ako pwedeng pumunta sa party, Sunny. Ang saya kaya nito tsaka minsan lang tayo maimbitahan sa party'ng pang mayaman!"
Ngumiwi ako. "Kaya nga ayaw kong pumunta. Magmumukha tayong yaya don!" Sabi ko.
"Ano ka?" Napatingin siya sakin. "Hahayaan ko ba 'yon? Syempre hindi pwedeng mangyari satin 'yon! Tsaka hindi tayo magtatagal. Kung ala una tayo matapos bukas edi magbibihis tayo ng damit tapos diretso na tayo sa party."
Marami pa siyang sinabing plano tungkol sa party. Panay naman ang ngiwi ko dahil ayaw kong pumunta. Lahat ng alibi ay sinabi ko na sa kanya para lang hindi ako makapunta.
"Wala akong dress." Sabi ko.
"Ako meron." Aniya.
"Edi ikaw na lang ang pumunta." Irap ko.
"Papahiramin kita."
At lahat naman ng alibi ko ay nagawan niya ng paraan. Bukambibig niya ang tungkol sa party kinaumagahan. Nilibrehan niya pa ako ng lunch, Sabado ng tanghali para lang magpa good shot at makumbinsi akong sumama. Wala naman akong magagawa dahil masyado na siyang masaya para tanggihan ko.
Mas lalo niya lang akong nakumbinsi nang sa gabing iyon ay nadepressed ulit siya dahil hindi na naman daw umano nag rereply ang boyfriend niyang si Eric.
"Baka naman nanonood ng TV." Pag babakasakali ko.
"Ewan ko, naiinis na ako ah." Aniya sabay sulyap halos kada isang minuto sa kanyang cellphone.
Nakakasama kay Mia ang ganito. Nawawalan siya ng gana sa kanyang trabaho. Madalas sa gabing iyon ay pinapasa ko ang customer ko sa kanya para lang may mabenta siya. Nakasimangot siya halos buong gabi. Saka lang umaliwalas ang kanyang mukha nang nag alas onse at tumawag si Eric.
Hinayaan niya na naman ako sa loob ng malaking bar habang nasa labas siya at kinakausap ang boyfriend sa cellphone. Wala si Rage sa gabing ito. Malamang dahil may sarili silang party na nagaganap.
Marami akong naibenta at nang lumabas ako ng bar ay hindi parin natatapos sa pakikipag usap si Mia. Mas lalo lang sumimangot ang kanyang mukha.
"Oh, eh, bakit nga di ka nag rereply kung nanonood ka lang naman pala ng TV. Naiinis ako sa'yo, Eric!" Iritadong sinabi niya.
Tumayo lang ako sa gilid niya at pinapanood ang mga taong nag lalabas pasok sa bar na iyon. May mga medyo lasing ng artista na lumabas doon. Nakita ko ang mga usiserong mga mata habang pinapanood ang isang VJ sa popular na Music Channel na binubuhat ng isang lalaking commercial model na kasama naman ng isa pang lalaking TV host. Nakainom na ako ng alak. Sa bahay nina Auntie noon ay exposed ako sa mga bagay na ganyan. Kahit ayaw ni mama at ayaw ko rin ay madalas akong nakakainom ng kahit isang baso bawat gabi. Kung tumutulong ka sa isang eatery na nag se-serve ng alak ay hindi talaga iyon maiiwasan. Kahit sugal ay alam ko.
"Hindi ako clingy! Sinasabi ko lang na hindi ka naman ganito noon-" Mas lalong tumaas ang boses ni Mia.
Umiling ako habang pinapanood siyang galit. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Wala akong alam sa mga relasyon. Alam kong dapat ay hayaan na lang ni Mia na magpahinga si Eric. Isa pa, nagtatrabaho si Mia kaya dapat iyon na lang ang isipin niya. Pero anong alam ko? Wala pa akong karanasan sa mga ganyan kaya wala akong karapatang mag bigay ng advice.
"Tara na nga!" Ani Mia sabay hatak sa akin.
Hindi ko alam kung nagkaayos ba sila ni Eric o ano pero hindi na ulit niya binanggit ang pangyayaring iyon buong gabi.
"Oh my God! Magbihis na tayo!" Ani Mia sabay nagmadali sa loob ng opisina ni Ma'am para makapag bihis na kami.
Hindi ko na natanggihan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay pinipilit niya lang maging masaya kaya heto at sasamahan ko siya.
"Etong sayo." Sabay pakita niya sa isang puti, simple, at magandang dress. "Bihis ka na at magbibihis na rin ako."
Sinuot ko iyon. Maiksi ang damit. Halos kasing iksi ng uniporme namin sa Marlboro. Gayunpaman ay nagustuhan ko ito. Pakiramdam ko ay para akong anghel sa suot kong ito. Nagpakita si Mia sa kanyang itim na damit.
"Shit, Sunny, ang ganda mo! Para kang anghel!" Aniya sabay pabirong hila sa buhok ko.
Ngumiti ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin.
Nag ayos si Mia at pinilit ko ring ayusan ang sarili ko. Sinuklay ko ang mahabang buhok ko. Hindi ito sobrang itim. Hindi ako nagkukulay pero natural na kulay brown ang buhok ko. Hindi rin ito sobrang straight tulad ng kay Mia, kulot ito sa baba, umaalon bawat layer. Sinubukan kong mag lagay ng mascara sa pilik mata kong makapal. Dinampian ko rin ng pink lipstick ang manipis kong labi. Hindi kasi ako kumportable sa pula.
Pagkatapos mag make up ni Mia ay tiningnan niya muna ang mukha ko bago nag desisyong umalis.
Pahirapan pala papunta sa village ng party. Kinailangan naming mag taxi. Napaisip ko tuloy kung paano kami uuwi. Umuurong na ang tiyan ko pero hindi ko kayang biguin ang masayang si Mia kaya hindi na rin ako nagsalita.
Parehong nanlalaki ang mga mata namin nang tumigil kami sa isang napakalaking bahay na may modernong disenyo at umaalingawngaw na music pambar. Nagsusuka ng tao ang bahay, sa veranda, sa natatanaw naming garden, at kahit sa labas mismo ng gate. Sobrang dami ng naka park na SUV at kung anu-ano pang magagarbong sasakyan. Mas lalo lang umatras ang tiyan ko.
"Mia, masyado tayong out of place." Sambit ko.
"Ito ang gusto ko!!!" Sigaw niya sabay labas ng taxi.
Mukhang hindi ko na yata siya mapipigilan.
Nang nakalapit kami sa gate ay hinarangan agad kami ng dalawang bouncer at isang security guard. Napatingin si Mia sa akin. Naisip ko tuloy na baka hindi kami makakapasok. Baka pakitang tao lang ni Logan ang pag imbita sa amin at inisip niyang hindi naman kami dadalo dahil alam namin dapat kung saan kami lumugar.
"Pangalan?" Tanong ng security guard habang tinitingnan ang mahabang listahan ng guest list.
"Miranda Concepcion at Sunshine Aragon." Ani Mia.
Dalawang beses kaming tiningnan ng guard bago siya tumango. Uminuwestra niya ang loob at nagtatalon agad si Mia sa saya.
Umiling ako lalo na nang nakita ko ang iilang mga ulo na tumingin sa amin. May nakita akong iilang artista sa garden pa lang nila.
"Hi!" Bati ni Mia sa lahat ng nakakasalubong.
Hindi niya naman napapansin lahat ng pag ngiwi nila sa kanya. Umiling ako at gusto ko siyang pigilan pero alam kong hindi siya titigil kahit anong gawin ko.
Malaking kulay dark brown na pintuan ang nakabukas para mag dala sa amin sa loob. Dim ang lights at sumasayaw ang disco lights sa buong bahay. May mga pagkain, inumin, at kung anu-ano pa sa mahabang table sa living room pa lang. Maingay ang loob dahil sa beat ng foreign music at dahil sa tawanan ng conyong naroon.
"Sunny!" Sabay tawa ni Mia sa akin habang binibigyan ako ng kulay blue na inumin. "Ang saya!" Nag he headbang siya kasabay sa music.
Pinapanood ko naman bawat tingin ng tao sa amin. Naisip ko tuloy kung may karatula ba sa mga noo namin na mahirap kami o ganon lang talaga ka cheap ang mga mukha naming dalawa para sa mga taong ito.
"Hanapin natin si Logan para bumati!" Ani Mia sabay hatak ulit sa akin palayo doon.
Tinahak pa namin ang gitna ng mga nagsasayaw na mga tao. Bago kami nakarating sa sofa na kinauupuan ni Logan ay nakatatlong inom na siya ng mga inuming ipinapasyal ng mga waiter o iyong napupulot niya sa bawat table.
"Happy birthday, Sir Logan!" Sigaw ni Mia sa nakangiting si Logan.
Naka itim na t-shirt si Logan at kaliwa't kanan ang kanyang babae. Tumayo siya para harapin si Mia.
"Thank you!" Kindat niya sabay beso kay Mia.
Tumili si Mia sa ginawa ni Logan. Lumaki ang ngisi ni Logan kaya nakita ko ang dalawang magkabilang dimple sa kanyang pisngi. Bumaling siya sa akin at halos nakayuko ako nang binati ko siya.
"Happy birthday!" Sabi ko.
"Oh? Wa'g kayong mahiya ah? May pagkain diyan at drinks! Have fun! Nandito si Rage at Kid somewhere." Aniya sabay linga.
"Ay nako! Hindi kami mahihiya!" Halakhak ni Mia habang patuloy na nag hi-headbang sa lumalakas na music.
Tumawa si Logan at biglang may tinawag na waiter.
Hiyang hiya ako nang hinatidan kami ng iilang finger foods at drinks. Mas lalo akong nahiya nang nakita ko ang mga mukha ng babaeng pinaghihintay ni Logan sa sofa.
"Ang bait bait mo pala!" Ani Mia nang naka tatlong baso ulit siya ng parehong cocktail drink.
Hindi ko alam kung nagbabaliw baliwan ba siya o talagang natamaan na siya. Kailangan ko siyang bantayan.
"Of course, ladies." Kindat ni Logan sabay tingin ulit sa paligid. "Papatayin ako ni Kid pag di niya kayo nakita tonight. Come with me, please?" Ani Logan sabay lakad sa gitna ng mga taong bumabati sa kanya ng happy birthday.
May isa pang hinipuan niya sa pwet. Kinindatan niya rin ang babaeng iyon bago siya nagpatuloy sa paglalakad. Okay lang naman siguro basta hindi ako ang nahipuan? Err...
"Sunny!" Umalingawngaw ang sigaw ni Kid nang nakalabas kami sa bahay at napunta kami sa pool side.
Naka kulay itim din siyang t-shirt at naabutan ko siyang may kausap na babae. Bumaling siya agad sa akin at nakita ko sa kanyang mga mata na may tama na siya. Magaling, Sunny!
"Hi Kid!" Ngiti ko sa kanya.
Tumigil kami sa paglalakad nang lumapit si Kid. Hindi mapakali si Mia at pakiramdam ko ay gusto niyang bumalik sa loob para sumayaw. Panay ang tingin niya sa loob ng bahay.
"Whoa! You're so hot, girl." Sabay pasada ng tingin ni Kid sa akin mula ulo hanggang paa.
"Easy, Kid." Halakhak ni Logan. "Siguro ay dapat ko ring sabihin sa may ari ng bahay na nandito sila?" Nagtaas ng kilay si Logan at pinasadahan ng tingin ang pool.
May ari nitong malaking bahay? Hindi ba si Logan ang may ari ng bahay na ito?
"Ah! There he is!" Ani Logan sabay lahad ng kamay sa pool.
Sabay kaming lumingon ni Kid sa pool at nakita ko ang umaahong si Rage doon. May babaeng nagbigay agad sa kanya ng puting tuwalya. Tinanggap niya agad ito pagkatapos ay tinanguan iyong babae. Nakita ko ang mga malagkit na titig ng ibang babae sa kanyang katawan. Kahit medyo madilim ay kitang kita ko ang kabuuan ng kanyang katawan. Nag iwas ako ng tingin. Masakit tingnan dahil alam kong pag tatagalan ko ay hindi ko na iyon malulubayan.
Umubo ako at nag angat ako ng tingin kay Mia na laglag ang panga habang tinitingnan si Rage.
"Sunny, ganda ng katawan ni Sir." Bulong niya sabay nguso kay Rage.
Hindi ko na siya tiningnan. Nang naramdaman kong gumalaw si Logan at binati si Rage ay kumalabog na kaagad ang puso ko. Lumingon ako sa kanya at nakita kong nag bihis na siya ng itim na sleeveless. Nakapatong ang tuwalya sa kanyang malapad na balikat. Basa pa ang kanyang buhok at tumutulo pa ang tubig sa kanyang katawan.
"Andito si Sunny at Mia. I just thought that you should know." Ani Logan kay Rage.
Hindi man lang ako tiningnan ni Rage. Tumango lang siya kay Logan at, "I'll change. Enjoy the party." At mabilis niya kaming nilagpasan.
"Yeah, dude, I'm gonna surely enjoy this one." Hagikhik ni Kid sabay inom ng beer.
Nagkibit balikat si Logan sa akin. "Enjoy! Saan niyo gusto? Sa pool, garden, dancefloor or what?"
"Dancefloor!" Sigaw ni Mia sabay turo sa loob.
Tumawa si Logan, "Well then..."
Hindi na nagpapigil si Mia. Nagmamadali siyang pumasok sa loob at iniwan niya kami ni Kid doon sa labas. Si Logan ay mahinahong pumasok rin sa loob kasunod ni Mia. Tingin ko ay babalik siya sa mga babaeng iniwan niya sa loob. Ngayon ay naiwan ako dito kasama ang medyo lasing na si Kid. Bumaling ako sa kanya at binigyan niya ako ng isang bote ng beer.
"Do you drink?" Tanong niya habang umiinom ulit sa bote niya.
"Medyo?" Sabi ko sabay kuha sa beer.
Ngumisi siya.
Ang medyo magulong buhok ni Kid ay nagpapatingkad sa kanyang maamong mukha. Pula ang kanyang labi at matangos ang kanyang ilong. Madalas niyang dinidilaan ang kanyang lowerlip dahilan kung bakit medyo nagiging uncomfortable ako na kasama siya. Mahilig din siyang manghaplos. Pinaglalaruan niya ang ribbon ng dress ko habang nag uusap kaming dalawa.
"Gusto mo bang umupo?" Tanong niya.
"Uh, pwede." Sabi ko sabay tingin sa paligid para mag hanap ng upuan.
"Kid?" May dalawang babaeng lumapit sa amin. Ang isa ay nakatingin na ng masama sa akin. Tumigil ang tingin niya sa baba. "Who's the girl?" Umismid ang babaeng may mahaba at straight na buhok.
Tumatawa naman ang kasama niya habang tinitingnan ako.
"Girls, this is Sunny." Ngisi ni Kid.
"He's probably too drunk to see." Bulong ng babae sa tabi niya.
Kumunot ang noo ko at naramdaman kong kailangan kong pumunta sa CR para icheck ang sarili ko kung may problema ba sa mukha ko.
Bigla akong inakbayan ni Kid.
"Oh you're probably just jealous, Laine."
Humugot ng malalim na hininga ang babaeng nasa harapan ko. Naasiwa ako sa kamay ni Kid sa baywang ko pero mas naasiwa ako sa ekspresyon ng babaeng nasa harap ko. "Excuse me, Kid. Hindi ako magseselos sa mga babaeng ganito ka cheap!" Sabay tingin ng babae sa akin.
Kinagat ko ang labi ko. Kailangan kong pigilan ang sarili ko. Ayokong magalit sa harap ng mga tao. Nakakahiya na nagpunta ako dito. Ang makaakit ng atensyon ay mas lalong lulugmok sa akin sa kahihiyan.
"Ikaw ang cheap! Look who's talking!" Tawa ni Kid sabay lapit pa sa katawan ko sa kanya.
Ugh! Ayaw ko ng ganito! Napatingin ako sa kamay ni Kid na naglalaro sa baywang ko. Narinig ko ang malutong na sampal na tumama kay Kid galing sa babaeng kausap. Binitiwan ako ni Kid dahilan ng pagkaka out balance ko.
"Laine, sumusobra ka na! Find another guy to stalk! Will you stop ruining my night!?" Sigaw ni Kid.
Mabilis ang pangyayari! Una ay medyo nakakatayo pa ako pero ilang sandali ay tumama na ang pwet ko sa sahig dahil bumigay ang takong ng pumps na suot ko. Napamura ako sabay inda sa pwet kong sobrang sakit!
"Oh shit!" Sigaw ni Kid sabay alalay sa akin.
Umalingawngaw ang tawa ng babae. "See? Ang cheap cheap niya! Malayo pa lang ay kita ko ng galing ukay ukay ang pumps niya! Sira sira na at mukhang ilang paa na ang nagdaan diyan!"
Bago ko pa matanggap ang kamay niya ay may mga kamay ng humawak sa magkabilang baywang ko at siya na mismo ang nagtayo sa akin.
Amoy na amoy ko ang halimuyak ng bodywash at malinis na amoy ng shaving cream sa likod ko. Tumingin ako sa pumps kong nasira. Kinagat ko ang labi ko at kinuha ang takong na naputol.
"Rage!" Sabi ng babae. "Bakit mo hinahayaan na imbitahan si Kid na mag imbita ng mga-"
"Shut up, Laine!" Nagulat ako sa boses ni Rage sa likod ko.
Tumayo siya agad sa harapan ko na para bang itinatago niya ako sa babaeng umaatake sa akin.
"Sumusobra ka na, Laine!" Sigaw ni Kid sa babae.
"Kid!" Sigaw ni Rage sa katabing si Kid. "Ayusin niyo ang gusot niyo ni Laine."
"Dude, wala kaming gusot. She's just insecure!" Paliwanag ni Kid.
Parang walang narinig si Rage nang tinalikuran niya si Kid at hinarap niya ako. Tulala ako at pinanood ko lang siya sa pag higit niya sa akin palayo sa kanilang lahat.
"Dapat ay di ka na nagpunta dito. This is not a good place for you." Aniya.
Kinagat ko ang labi ko habang pinaglalaruan ang naputol na takong sa aking kamay. Alam ko. Tama siya. Dapat ay wala ako dito. Kung ano ang pumasok sa utak ko at pumayag akong pumunta kami dito ni Mia ay hindi ko na mahanap.
I will never fit in. Hindi ito ang mundo ko. Kanya ito. At may mga mundong hindi talaga kailanman maglalapit.
####################################
Kabanata 9
####################################
Kabanata 9
Awa
Iritado ako sa lahat. Sa pagsulpot ni Rage, sa babaeng nang mamaliit sa akin, sa lahat ng mga nakatingin sa akin ngayon. Nakakahiya.
"Bitiwan mo ako." Nabuo ko pa ang mga salitang iyan sa gitna ng paghatak niya sa akin.
Parang wala siyang narinig nang hinatak niya ako papasok sa loob ng bahay. Nakita ko na sinundan kami ng tingin ni Logan habang naka upo siya sa sofa. Natigil lang si Rage sa paglalakad nang may humarang na babae sa amin.
"Rage, sino 'yang kasama mo?" Napangiwi ang babae sa akin.
Itinago ko ang takong sa likod ko. Inayos ko rin ang tayo ko pero nakita niya parin na nasira ang pumps ko. Amoy sigarilyo na sa loob ng living room ng bahay. Hindi lang iyon, abala pa ang mga tao sa pagsasayaw at masasabi kong mas grabe pa ang nangyayari dito kumpara sa nangyayari sa mga bar.
"Just my employee, Lea." Ani Rage.
Humigpit ang hawak niya sa pulso ko. Napatingin ako sa pagngiwi ni Lea sa akin. Just. My. Employee. Tama naman. Napalunok ako.
"Your employee? Anong ginagawa ng empleyado mo dito?" Nagtaas ng kilay ang babae habang nilalaro niya ang strap ng kanyang damit.
Isa ba ito sa mga babae ni Rage? Baka naistorbo ko silang dalawa.
"This is the janitress, Rage, right?" Biglang sawsaw ng isa pang babae.
Nagulat ako nang nakita ko si Kara. Nakita ko na siya noon sa opisina ni Rage. Hindi lang iyong nasa mesa siya pero pati na rin nang sinugod niya si Rage para sumbatan. Maganda siya. Makinis, medyo morena, matangkad, at maporma. Kinagat niya ang labi niya habang nakatingin kay Rage. Ang pula niyang dress ay nagpapakita ng balat sa dibdib.
"Janitress?" Natatawang sinabi ng katabi niyang si Lea. "Gagawin mo sigurong maid, I bet?"
Mas humigpit ang hawak ni Rage sa akin.
"Why are you holding her dirty hand, Rage? Anong meron?" Kumunot ang noo ni Kara.
Mabilis kong kinalas ang kamay ko sa pagkakahawak ni Rage. Tama na. Ayoko nang makarinig ng pangmamaliit galing sa mga taong ito. At madudungisan lang si Rage pag patuloy niya akong tutulungan.
Humakbang ako para hanapin si Mia sa dagat ng mga nagsasayaw. Batid kong paika-ika ako dahil sa sirang pumps. Kinailangan ko pang abutin ang pumps para matanggal ko. Pwede namang mag paa na lang kesa sa magsuot ng sira.
Narinig ko ang malutong na mura ni Rage habang binabawi ang kamay ko. Hindi ko pa natatanggal ang pumps ay hinigit niya na ako pabalik.
"Rage, bitiwan mo ako!" Iritado kong sinabi.
"We still need to find your friend." Aniya.
"Ako ang maghahanap sa kanya, hindi tayo." Sabi ko.
Nakatingin pa ang dalawang babae sa amin. Hindi lang iyon. Batid ko rin na nakatingin na rin halos lahat ng kaibigan niyang nandoon. Nakakahiya at alam kong nahihiya na rin si Rage sa presensya ko dito. Empleyado niya ako kaya pakiramdam niya ay responsibilidad niya ako ngayon. Isa pa, bumababa ang tingin ng mga kaibigan niya habang tinitingnan kaming dalawang mag kasama. Hinihila ko siya sa putik.
"Sira ang sapatos mo." Ani Rage.
Humalakhak si Lea. "We'll it looks old. Parang galing pa sa kanyang ninuno. It's not even fashionable."
Napatingin ako sa sapatos na pinahiram sa akin ng mabait na si Mia. Pinahiram lang ni Mia ito sa akin at nagpapasalamat ako sa kanya. Nakaipon ako dahil sa sapatos na 'to kaya naiinis ako kasi nilalait nila ito.
"Wala akong pakealam kung fashionable 'yong sapatos ko o hindi. Ang importante sakin ay manahimik ka na lang nang di kita mapakain ng sapatos ko." Hamon ko.
Pula na ang nakikita ko sa aking mga mata. Ang makita ang nanunuya nilang mga ekspresyon at natatawa nilang mga labi ay mas lalong nagpapaalab sa galit ko.
Nalaglag ang panga ni Lea sa sinabi ko. Napatingin siya kay Kara na ngayon ay nakatitig kay Rage. Wala akong pakealam kung anong iniisip ni Rage ngayon. Kung ihagis niya ako sa labas dahil binastos ko ang bisita niya, edi mabuti. Sana isama niya rin si Mia sa paghagis niya para sabay na kaming umuwi!
"Hindi lang cheap, palengkera pa!" Tawa ni Lea.
"Lea, stop it!" Sigaw ni Rage at bumaling siya sakin.
Matalim ko siyang tinitigan. Naghahanda na ako sa maaari niyang isigaw sa akin ngunit nagulat ako nang pumungay ang kanyang mga mata.
"Rage, next time i-filter mong mabuti ang mga empleyado mo nang hindi ka-"
Natigil si Lea sa kanyang pagsasalita nang bigla akong sinikop ni Rage mula sa pagkakatayo ko. Shit!
"Bitiwan mo ako! Kaya kong lumabas sa bahay na 'to ng mag isa! Bitiwan mo ako!"
Shit! I'm fired! Tanggal na ako panigurado at magkakapasa pa dahil paniguradong itatapon niya ako sa labas. Sana lang ay di ako tumama sa mga bato. Patay ako sa Marlboro Girls pag nagka peklat ako!
Nagsimula siyang maglakad. Hindi niya ako binibitiwan at nasa gitna na ako ng galit at pag iyak. Diretso ang tingin niya at gumagalaw galaw ako sa bisig niya nang sa ganon ay mahulog ako ngunit masyadong mahigpit ang hawak niya sa akin.
"Stop moving." Mariin niyang sinabi.
"Please, please, sir Rage, bitiwan mo ako." Pagmamakaawa ko nang narealize na mukhang hindi niya talaga ako bibitiwan. Takot akong magkapeklat. Ang pag gi-gig gabi gabi ang pinagplanuhan kong bubuhay sa akin habang nag aaral ako kaya kailangan ko 'to.
Napatingin siya sa akin at bumuntong hininga. "Ibababa kita mamaya. Just stop moving for now."
Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya o ano pero wala akong nagawa kundi ang magtiwala. Nagulat na lang ako nang nakita ko na sa baba ang mga nagsasayaw sa dancefloor. Nakita ko si Mia sa gitna ng dancefloor na parang baliw na nagsasayaw. Tumingin ako pabalik kay Rage at nakita kong palapit kami sa chandelier sa taas. Umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay!
Walang tao roon pero naririnig ko parin ang ingay sa baba. Hindi ko alam kung bakit niya ako dinala doon pero hindi na ako umangal.
"Ibaba mo na ako." Sabi ko ngunit parang wala siyang narinig.
Gamit ang kamay niyang nakahawak sa binti ko ay binuksan niya ang pintuan ng isang maliwanag na kwarto. Nagulat ako nang nakita ko ang laman ng kwartong iyon. Puno iyon ng mga equipments na madalas ay makikita mo sa isang gym. May treadmill kami sa bahay namin noon ni mama kaya alam kong mukhang gym ito sa parte ng bahay ni Rage. Iilang equipment ang nakalatag sa gilid.
Binaba niya ako sa ring ng boxing. Umamba akong tatayo pero hindi ko nagawa dahil lumuhod siya at hinubad niya ang sira kong pumps. Ngayong naliwanagan na ang pumps na iyon ay nakita ko na halos mag fade na ang kulay nito. Wala na iyon sa magandang kundisyon. Hindi ko alam kung bakit pinipilit ko parin iyong suotin kahit na hindi na pala non kaya ang isa pang gabi.
Kinagat ko ang labi ko habang pinapanood ko ang pagtabi niya ng pumps sa gilid ng ring. Umayos ako sa pag upo nang tumayo siya ngunit naramdaman ko sa likod at ulo ko ang lubid na nakapalibot sa boxing ring na iyon.
"Hello, I need... slippers." Ani Rage at napatingin siya sa akin.
Ngumuso ako at mabilis na tumayo. Hindi niya na tinapos ang pagsasalita niya sa kanyang cellphone at nagmura na siya.
"Binaba kita sa ring para hindi madumihan ang paa mo." Aniya sabay turo sa ring.
Napatingin ako sa mga paa kong naka apak sa sahig ng gym niya. Hindi naman marumi ang sahig. Naka apak na ako ng mas marumi pa nito.
"Baka nakalimutan mong janitress ako? Sanay ako sa marumi." Sabi ko.
Narinig ko ang malalim niyang paghinga. "Gusto kong nakaupo ka sa ring, Sunny."
Sinubukan kong kunin ang pumps ko nang bigla niya akong pinigilan. Sinipa niya ng marahan ang pumps nang sa ganon ay hindi ko iyon makuha. Napatingin ako sa kanya gamit ang nakakunot kong noo.
"You're not wearing that again. Sira na ang sapatos na 'yan."
Nag igting ang panga ko. "Hindi ko susuotin 'yan. Dadalhin ko 'yan bago lumabas."
Tinitigan niya ako. Tinitigan ko rin siya pabalik. Bumuntong hininga ulit siya at sinandal niya ang dalawang kamay niya sa sahig ng ring. Kinulong niya ang baywang ko sa braso niya. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makayuko. Lumebel ang titig namin nang bahagya siyang yumuko.
"Umupo ka sa ring." Aniya.
"Uuwi na ako." Sagot ko.
Tumagilid ang ulo niya. Nangatog ang binti ko sa bigat ng kanyang mga matang kulay brown at sa nagkakasalubong niyang kilay. "Uuwi ka rin. Umupo ka muna sa ring."
Nag iwas ako ng tingin ngunit hindi ko siya sinunod. Narinig ko ulit ang singhap niya at hinawakan niya ang magkabilang baywang ko. Kumalabog ang dibdib ko sa ginawa niya.
"Fucking dress." Mura niya at sa isang galawan lang ay napaupo niya ulit ako sa ring.
Pumasa ere ang paa ko at nag alab ulit ang galit ko sa kanya. Ang galit ko sa lahat ng tao sa labas at ang galit ko sa mga babae niya, lahat ng iyon ay nagising dahil sa mura niya.
"Anong problema niyo sa suot ko? Anong problema niyo sa sapatos ko? Kung makapag salita kayo akala niyo Diyos kayo! Oo na't mayaman kayo pero hindi niyo pag aari ang mundo!"
Pinapanood niya ako habang nagpapaulan ako ng sermon. Naiirita ako. Nangingilid ang luha ko sa aking mga mata. Naaalala ko kung paano niya sinabing hindi ako nababagay sa party na ito. Naaalala ko kung paano niya ako tawaging empleyado. Oo alam kong totoo iyon pero medyo masakit pala. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang sakit. Saka ko na aalamin iyon pag nakaalis na ako sa mga titig niya!
"Alam kong hindi ako bagay dito! Ang cheap kong damit at sapatos, pati ang cheap kong pagmumukha ay hindi bagay sa inyo. Mukha akong maid, alam ko! Alam ko, okay? Hindi mo na kailangang sabihin paulit ulit! Kaya nga sana ay pinalayas mo na lang ako, edi mas madali pa!? Bakit mo pa kasi ako dinala dito, ha, Sir?" Sigaw ko sa kanya habang pinupunasan ang mapangahas na luhang lumandas sa aking pisngi.
Agad kong pinagsisihan ang biglaan kong pagsigaw. Patay ako kay Rage! Next week na ang 15 at baka mamaya ay mag desisyon siyang tanggalin ako sa trabaho bago mag sweldo. Pero mabilis ding naglaho ang takot ko. Napalitan iyon ng pagkamuhi.
May kumatok sa pintuan ng gym. Hindi niya na nilingon ang pintuan at agad niya ng sinigawan. "Ilagay mo lang dyan. Ako na ang kukuha." Aniya nang di ako nilulubayan ng titig.
Hindi siya gumalaw. Nakatitig parin siya sa akin habang kinakalma ko ang sarili ko.
"Sira na ang sapatos mo." Aniya.
"Alam ko. Di ako tanga. Shit!" Tinakpan ko kaagad ang bibig ko. Dapat ay pigilan ko na ang pagsasalita sa kanya sa ganong tonada. Mali iyon. Boss ko siya.
"Kailangan mo ng tsinelas." Aniya at nag jog patungo sa pintuan.
Bahagya niyang binuksan ang pintuan at may kinuha sa sahig. Sinarado niya ulit iyon. Nagkaroon ako ng oras para punasan ang luha ko bago siya nakabalik. Pinapanood niya ang paghikbi ko at nilapag niya ang isang kulay itim na tsinelas.
"Sorry, malaki. Akin 'yan. Wala akong gamit pambabae dito." Aniya.
Nakatitig ako sa tsinelas sa baba. Gusto ko na lang umalis siya at nang makaalis na ako dito ng tahimik. Ayokong makipag usap sa kanya. Naiinsulto ako. Parang pag nag aangat ako ng tingin sa kanya ay naaalala ko ang agwat naming dalawa. Hindi ko alam kung anong nakakainis doon.
Tumango ako at bumaba bigla para suotin ang tsinelas na nasa sahig. HInawakan niya ang kamay ko habang tumatalon ako pababa sa sahig. Napatingin ako sa kanya ngunit agad niya rin iyong kinalas at nagkamot siya ng ulo.
Alam ko. Alam kong hindi niya dapat ako hinahawakan. Gaya ng sabi ng mga babae, janitress lang ako. At pag janitress ka, kaibigan mo ang dumi. At si Rage ay makintab na muwebles, hindi dapat dinudumihan.
"You need a jacket." Aniya at agad siyang nag martsa sa isang locker sa gilid.
May kinuha siyang kulay pulang jacket doon. Malaki rin iyon at alam kong sa kanya iyon. Nakita ko ang salitang "Portugal" sa likod ng jacket. Nang bumalik siya sa akin ay agad niyang isinuot iyon sa likod ko.
"Isuot mo ang kamay mo dito." Aniya sabay tulong sa akin para ipasok ang kamay ko sa jacket.
"Alam kong pangit ang damit ko pero di mo na kailangang mag aksaya ng jacket para lang matabunan 'to. Kaya kong maglakad ng ganito lang ang damit." Sabi ko.
"Hindi ko kayang maglakad ka ng ganyan ang damit. Wear it, Sunny." Utos niya.
Nangilid ulit ang luha ko habang sinusuot ang jacket niya. Ganon ba talaga ka nakakahiya ang ka cheapan ng damit na suot ko? Nang sinuot ko iyon ay maganda at kumportable naman ang pakiramdam ko. Siguro iba lang talaga ang taste pag mayaman.
"Okay." Yumuko ako at lumandas ulit ang luha sa aking mga mata.
Shit! Tama na, Sunny!
"Uwi na ako." Sabi ko.
"Hahanapin ko muna si Mia." Sagot niya.
Hindi ako makatingin sa kanya. Sa sahig lang nakatuon ang mga mata ko ngunit alam kong nakatitig siya sa akin.
"Sasama ako para diretso na ang uwi namin. Baka lasing siya." Nanghihina kong sinabi.
"Ihahatid ko kayo." Aniya.
Nag angat ako ng tingin sa kanya. Imposible. Kami? Ihahatid? "M-May pera naman akong pantaxi. Kaya kong umuwi sa Del Fierro Building kahit naglalakad. Si Mia 'yong kailangan kong itaxi. Papagalitan ako ng boyfriend niya pag di ko siya maiuuwi." Sabi ko.
"Ihahatid ko kayo." Ulit niya.
Siguro ay naawa na siya ng sobra sa akin kaya niya ito ginagawa. Nakakainis na ganon ang pakiramdam niya sa akin. Awa ang nararamdaman niya sa akin. Ayokong kaawaan ako. Pero wala na akog lakas na makipagtalo sa kanya. Gusto ko na lang maka uwi kami ni Mia. Gusto ko na lang makaalis sa lugar na ito. Pagod na ako sa mga mapanghusgang tao. Pagod na ako sa panlalait. Pagod na ako sa awa pero kaya kong gamitin ang awa para matapos na ang araw na ito.
Tumango ako. "Hahanapin ko si Mia." Nanghihina kong sambit.
####################################
Kabanata 10
####################################
Kabanata 10
Angel
Pinapanood niya lang ako habang tinitingnan ko ang mga nagsasayaw sa dancefloor. Kung sana ay tulungan niya na lang akong mahanap si Mia ay maaayos na ang lahat ng ito. Wala yata siyang planong tumulong dahil nakatingin lang siya sa akin.
Tatakpan ko sana ng palad ko ang aking labi ngunit napagtanto kong masyadong malaki pala itong pinasuot niyang jacket sa akin kaya naamoy ko ang bango ng cuffs nito. Humikab ako at gusto ko kaagad magpasalamat sa kanya sa jacket na pinasuot. Nilalamig ako kanina pero hindi ko lang iniinda, at ngayong may jacket na, nawala na ang lamig na naramdaman ko.
"Wait here. Kunin ko si Mia sa gitna." Sabi niya nang namataan namin si Mia na nagsasayaw na parang baliw sa gitna.
Hindi na ako nakaangal. Tumayo na lang ako doon. Batid ko ang mga titig ng mga tao kanina. Hindi ko alam kung natatakot ba silang punahin na magkasama kami ni Rage o ano pero kita sa mga mata nila ang hindi pag sang ayon sa pagsama niya sa akin.
"Sunny! Andito ka lang pala!" Maligayang bati ni Kid sa akin.
Pinilit kong ngumiti.
Kung may tama siya kanina ay alam kong lasing na siya ngayon. Halos hindi na siya makatingin sa akin ng maayos at masyado ng magulo ang kanyang buhok.
"I'm sorry kanina. Laine's just nosy." Kibit balikat niya.
Naaamoy ko sa hininga niya ang alak. Tumango ako at nagdasal na sana ay makabalik na si Rage. Pakiramdam ko ay maayos ako pag kasama ko siya.
Napawi ang ngiting gumuhit sa kanyang mukha nang pinasadahan ako ng tingin. "Saan ka pupunta? Uuwi ka na? Let me drive you home!" Aniya.
"Ah! Wa'g na. Kaya kong umuwi mag isa." Sagot ko.
"No way! Ang babaeng tulad mo ay hindi pwedeng umuwing mag isa sa ganitong oras!" Deklara niya.
Umiling ako. "Hindi talaga, Kid. Kasama ko naman ang kaibigan ko-" Bago ko pa madugtungan ay narinig ko kaagad ang tawa ni Mia sa likod ko.
"Kid." Ani Rage.
Nilingon ko sila at nakita kong hinihila ni Rage si Mia patungo sa akin. Hindi lang ako ang hinila niya ngayong gabi. Pinilig ko ang ulo ko at iniwas ko ang isipan ko sa ganon.
"Rage! Sorry kanina, si Laine kasi." Paliwanag ni Kid.
"Ba't ka sakin nag so-sorry? Kay Sunny dapat." Sabay tingin ni Rage sa akin.
Napatingin din si Kid sa akin. "Kaya nga para mapatawad niya ako, ihahatid ko siya!" Ngisi niya.
Umiling na agad ako sa sinabi ni Kid. Hindi ko alam kung bakit lubos ang pag ayaw ko sa offer niya. Totoong makaka save ako pag hinatid niya ako pero kaya kong mag sunog ng pera para lang makauwi kami ni Mia na kami lang.
"Nah, you're too drunk, Kid. I'll take them home." Sabi ni Rage sabay tingin kay Mia na ngayon ay halos wala ng malay sa sobrang kalasingan.
Hinawakan ko ang braso niya nang muntik na siyang natumba. Nakangisi siya at marami siyang sinasabing hindi ko makuha.
"I'm not drunk, Rage." Sabi ni Kid.
"You are. Sige na. Kailangan ko na silang iuwi. If you want to drive them home next time, make sure you're sober." Matigas na sinabi ni Rage.
"I'm sober!" Ani Kid.
Parang walang narinig si Rage nang tingnan niya ako. "Lika na." Aniya.
Wala akong naging panahon para umangal. Kung hindi ako susunod kay Rage ay si Kid ang maghahatid sa akin. Sinubukang maglakad ni Mia'ng mag isa. Kaya niya naman ngunit kailangan niya ng tulong para maituwid ang kanyang paa.
"Mga lalaki talaga, sa umpisa lang magaling! Pag nakuha ka na..." Ngumiwi si Mia at nagkaron pa siya ng pagsabog na hand gestures. "Boom! Wala na. Tapos na! Laos ka na! Next please?" Halakhak niyang tunog baboy.
"Mia, nakakahiya, lasing ka na!" Bulong ko, sinusundan parin namin si Rage.
Ni hindi na kami nakapag paalam kay Logan. Paano kami magpapaalam kung wala naman siya sa sofang inuupuan niya kanina.
Pinatunog ni Rage ang kanyang car alarm. Halos mapaatras ako nang nakita ko ang isang itim at malaking sasakyan na umilaw kasabay ng pagpapatunog dito. Pinigilan ko si Mia sa paglalakad patungo doon. Hinayaan kong buksan ni Rage ang pinto sa likod ng kanyang sasakyan bago ko siya kinausap.
"Pwede tayong mag tawag ng taxi." Suggestion ko.
"Bakit tayo magtatawag ng taxi?" Tanong niya.
Nilingon ko ang mga sasakyan sa gilid at nakita kong medyo mamahalin nga ang mga sasakyan ng mga kaibigan nila ni Logan. Mamahalin din ang sa kanya kaya umuurong lalo ang tiyan ko.
"M-May mga kaibigan ka sa loob, iiwan mo sila para ihatid kami? Kaya naman naming umuwi-"
"Sunny, grasya na 'to! Aayaw ka pa?" Tumawa ng malakas si Mia.
Napangiwi ako sa kanya. Gusto ko si Mia pero ayaw ko pala siyang malasing. Masyadong matabil ang dila niya sa gabing ito.
"Mia, dito ka sa likod. Are you gonna puke or what?"
Nanlaki ang mga mata ni Mia nang sinabi iyon ni Rage. Umiling agad siya at mabilis na tumakbo patungo sa pintuan na binuksan ni Rage. Mabilis din siyang pumasok doon nang nakangisi.
"Wa'g ka ng pa hard-to-get, Sunny! Makaka save pa tayo kasi hinatid tayo ni Sir!" Halakhak niya ulit.
Sinarado niya ang pintuan ng kanyang sasakyan. Nakita kong nag angat ang kanyang labi habang tinitingnan ako. Ang ilaw galing sa poste na nakapalibot sa parking lot nila ay nagpatingkad sa kulay brown niyang mga mata.
"How about you?" Tumaas ang isa niyang kilay nang pinag buksan niya ako sa front seat.
Tumango na lang ako at hindi na umangal. Pakiramdam ko ay pag ipipilit ko pa na kami na lang ang uuwi ay masyado na akong nagpapaimportante at ayaw ko ng ganon.
Mabilis akong sumakay sa kanyang sasakyan. Pinanood ko siya sa pagsarado ng pintuan ko. Pinanood ko rin siya nang umikot siya para sumakay sa kanyang sasakyan. Nilapag ko na lang ang sirang sapatos ko sa sahig ng kanyang sasakyan.
Nang sumakay siya at nagkunwari akong tumitingin sa likod para makita kung maayos ba si Mia. Nakangisi siya at nakapikit habang nakasandal sa upuan.
"Kainis!" Ani Mia.
Napatingin ako kay Rage. Nakita kong tiningnan niya si Mia sa kanyang rearview mirror bago hinawakan ang manibela. Napatingin ako sa kanyang braso. Sumulyap siya sa akin kaya agad akong nag iwas ng tingin.
"Ang mga lalaki talaga, diba Sunny?" Sabi ulit ni Mia. "Mga walangya talaga sila!"
Pinaandar ni Rage ang kanyang sasakyan. May babaeng kumaway pa sa sasakyan niya. Feeling ko tinatawag siya.
"Baka may importanteng sasabihin 'yong kumaway." Sabi ko.
Umiling na lang siya at nagpatuloy sa pagdadrive. O baka naman isa iyon sa mga babae niya. Tumingin na lang ako sa labas. Hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili niyang ihatid kami kesa sa don sa party. Maraming babae don at mas masisiyahan siya don.
"Pagkatapos kang gamitin, kunin, di ka na papansinin!" Pagpapatuloy ni Mia sa likod.
"Shh, Mia. Tama na. Pauwi na tayo." Sambit ko.
"Hindi ba, Sir Rage?" Ani Mia kay Rage. "Ganon kayo, e. Pagkatapos niyong gamitin, goodbye!"
Ngumuso ako at naisip na ganon nga si Rage. Hindi nagkamali si Mia sa sinabi niya!
"That's a give and take relationship, Mia. Ginamit kami ng mga babae, gagamitin din namin ang mga babae. All is fair." Ani Rage kaya napatingin ako sa kanya.
"Hmm!" Ani Mia at hindi na ulit nagsalita.
Napatingin ulit ako sa likod at nakita kong tulog na si Mia ng nakangiti. Patay ako kay Eric nito pag nakita niyang umuwi si Mia na lasing. Alam naman kaya ni Eric na nagpunta kami ng party? Paano kung hindi? Ugh!
"Alam mo kung saan ang bahay nila?" Tanong ni Rage sa akin.
Umiling ako. "Ang alam ko lang ay kina Aling Nenita siya tumitira." Sabi ko.
Tumango si Rage at niliko niya agad ang kanyang sasakyan. "Alam ko kung saan 'yon."
Mabuti naman pala kung ganon. Hindi na namin kailangang gisingin si Mia para magtanong. Hinayaan ko lang na matulog si Mia nang sa ganon ay pag nakarating na kami ay mahimasmasan na siya.
Tahimik kami sa loob ng sasakyan ni Rage. Halos may marinig na akong mga insekto kung saan saan dahil sa katahimikan naming dalawa.
"I'm sorry for what happened." Basag niya sa katahimikan.
Hindi ko alam kung bakit siya nag sosorry o para saan. Ang dapat na magsorry ay ako. "Sorry dahil nagpunta pa kami."
Narinig ko na naman ang malakas niyang buntong hininga. "Invited kayo." Aniya.
Tumango ako. "Sineryoso namin."
Sumulyap siya sa akin. "What do you mean?"
Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Hindi 'yon seryosong imbitasyon ni Logan. Siguro respeto na lang niya 'yon sa amin kaya niya kami ininvite-"
"Bakit ganyan ka mag isip?" Medyo iritado niyang sinabi.
Hindi ako nagsalita. Hindi ko kailanman maipapaliwanag sa kanya ng maayos ang iniisip ko. Hindi niya iyon mararamdaman dahil wala siya sa katayuan ko.
"He treats you as his friends kaya kayo inimbita." Ani Rage.
Isipin niya na kung ano ang gusto niyang isipin pero alam ko sa sarili ko na hindi ganon iyon. Mabait si Logan kaya niya kami inimbita. Ang mga kaibigan niya ay iyong mga mayayaman, hindi kami.
"That's my house. Iniimbitahan ko rin kayo." Aniya.
"Oo." Sabi ko nang hindi na kami magtalo.
Humalukipkip ako at nakita ko ang pag galaw ng kanyang panga. Para bang galit na galit siya, hindi ko malaman.
Tinigil niya ang sasakyan sa harap ng isang gate na kulay green. Nilingon ko na kaagad si Mia para gisingin siya. Kumalabog ang pintuan ni Rage kaya napatingin ako sa kanya habang kinakatok ang madilim na bahay nina Aling Nenita sa harapan.
"Mia! Nasa bahay niyo na tayo!" Sabi ko sabay tampal sa kanyang binti.
Gumalaw siya at unti-unti niyang dinilat ang kanyang mga mata. Kasabay ng pagdilat ay nakita ko si Eric sa pintuan ng bahay. Maliwanag na ang loob at nakita kong medyo naalimpungatan din si Aling Nenita. Nakangiti si Aling Nenita kay Rage habang si Eric naman ay kinukusot ang mga mata. Siguro ay sinabi na ni Rage kung anong nangyari kaya ginabi ng ganito si Mia.
Biglang lumabas si Mia ng parang walang nangyari sa sasakyan ni Rage. Nagawa niya pang ayusin ang kanyang damit habang matuwid na naglalakad papasok sa gate.
Lumabas din ako para marinig ang pinag usapan. Nakita kong napatingin si Rage kay Mia. Sinalubong ni Eric si Mia sa pintuan at si Aling Nenita ay panay ang bati kay Rage ng magandang gabi. Dalawang beses pa niya ako tiningnan pabalik, siguro ay hindi makapaniwala na sakay din ako sa sasakyan ni Rage.
"Andito ka pala, Sunny!" Gulat na sinabi ni Aling Nenita.
"Opo. Uuwi na rin." Sagot ko.
Tumango si Aling Nenita at napatingin ulit kay Rage.
"Sige na po. Pasensya sa abala. Ihahatid ko na si Sunny." Ani Rage at naglakad pabalik sa sasakyan.
"Ay naku Sir! Walang anuman! Nakakahiya nga! Pasensya kay Miranda. Namerwisyo pa." Ani Aling Nenita.
Umiling si Rage. "Okay lang, Aling Nenita. Party naman 'yon." Ani Rage at umupo na sa tabi ko.
Sinarado ko na ang pintuan ko. Pinanood niya si Aling Nenita sa kanyang rearview mirror nang pinaandar niya na ang kanyang sasakyan. Binalot ulit kami ng matinding katahimikan. Mas mabuti pa nong nandito si Mia, may ingay pa galing sa kanyang paghinga. Ngayong kaming dalawa na lang, wala na.
Sinandal ko ang ulo ko sa salamin. Inaantok na ako. Gusto ko ng matulog pero ayaw kong ma perwisyo si Rage. Kailangan ko pang magpasalamat sa paghatid niya sa amin ni Mia.
Nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng Del Fierro Building ay sinalubong agad siya ng security guard. Binaba niya ang kanyang salamin para kausapin ang guard.
"Hinahatid ko si Sunny."
Nag hand salute ang guard sa kanya sabay tingin sa akin. "Okay po."
Binuksan ko kaagad ang pintuan. Nagulat ako nang kasabay ng pagbukas ko ay ang pagsarado niya ng kanyang pintuan. Nakita ko siyang hinagis ang kanyang susi sa guard at bumaling sa akin.
"Ihahatid kita." Aniya.
Tumango ako. "Nandito na tayo." Iniisip na baka nakalimutan niyang sa building na ito ako natutulog.
"Sa 15th floor, I mean." Aniya.
Dahan-dahan akong tumango. Gusto kong umangal. Gusto kong sabihin sa kanya na kaya kong mag isa pero may kung ano sa sistema kong sumasang ayon sa kanya.
Dinampot ko ang sapatos ni Mia at nagsimula ng naglakad patungong elevator. Sumunod siya sa akin. Kumalabog ang puso ko. Lalo na nang nakapasok kami sa malaking elevator at kaming dalawa lang ang tao. Malayo ang agwat naming dalawa sa loob. Siya pa mismo ang pumindot ng 15 at agad akong natamaan na dapat ay hindi niya na ako hinatid.
"Hindi mo naman ako kailangang ihatid sa 15th floor." Sabi ko sabay tingin sa numero sa taas.
"I want to talk to you." Aniya.
Napatingin ako sa kanya sa sobrang gulat. Hindi siya tumingin pabalik sa akin. Nanatili ang kanyang paningin sa pintuan. Hinihintay ang pagbukas nito. Hindi ako bumitiw hanggang bumukas ang pintuan. Ano ang pag uusapan namin?
Una siyang pumasok sa 15th floor. Sinalubong namin ang locker room ng mga crew. Isang liko ay ay mga materyales panlinis malapit doon ang Lounge kung saan mayroong kulay pulang sofa, ang tinutulugan ko. Hindi pa nakapatay ang ilaw sa common CR sa unahan at nahiya kaagad ako don. Pinatay ko ang ilaw sa loob bago ako bumaling kay Rage. Umupo si Rage sa sofa at napatingin siya roon na para bang ito ang unang pagkakataong nakita niya iyon.
"Dito ka natutulog?" Tanong niya habang hinahaplos ang sofa.
Tumango ako.
Humilig siya sa sofa at pumikit. Hinawakan niya ang gitna ng kanyang mga mata na para bang masakit ang ulo niya.
Nakatayo lang ako doon at narealize kong dala dala ko parin pala ang pumps ni Mia. Nilapag ko ang pumps kong iyon sa mesa sa harap ni Rage. Napatingin siya sa ginawa ko at nakita ko kaagad ang galit sa kanyang mga mata habang tinitingnan niya ang pumps.
Tumayo ako ng maayos at naalala ko kaagad ang nangyari kanina dahil sa galit na nakita ko sa kanyang mga mata. Galit siya dahil mumurahin at pangit ang pumps na suot ko!
"Anong pag uusapan natin?" Biglang lumamig ang boses ko.
Bumaling siya sa akin. Tinitigan niya lang ako habang medyo iritado akong tumitingin pabalik sa kanya.
"Kung tungkol ito sa pumps kong mumurahin, sa mga bisita ninyong nabastos ko, at sa damit kong sobrang pangit na hindi mo kayang tingnan, sorry, okay? Sorry!" Matabang kong sinabi.
"Yeah, we'll talk about this." Aniya at umupo ng maayos.
Sinasabi ko na nga ba! Ito nga ang gusto niyang pag usapan!
Umupo ako sa kaharap niyang sofa. Namumuo ang galit sa sistema ko. Hindi ko alam kung bakit at paano ako naaattract sa kanya kahit na masama ang ugali niya!
"Sorry, okay? Sorry!" Sabi ko. "Sorry, Sir!" Tumaas ang tono ng boses ko.
"Bakit ka nagsosorry?" Nalukot ang kanyang mukha. "Your pumps are old, baka mabalian ka dahil diyan. The visitors were rude. Ako ang dapat mag sorry. And damn your dress makes you look ten times hotter, that's why I hate it."
Nag iwas ako ng tingin. Parang hinahabol ng aso ang puso ko ngayon at pakiramdam ko ay kapag titingnan ko siya ay malalaman niyang kabadong kabado ako ngayon.
"Sunny..." Malambing niyang sinabi.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko siyang pinaglalaruan ang nakadikit niyang mga palad at ang ulo niya'y pabalik balik sa pagyuko na para bang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.
"We're friends, alright?" Aniya.
"Empleyado mo lang ako."
Nakita kong natigil siya sa pagyuko. Tinitigan niya ako. Hindi ko siya kayang tingnan pabalik kaya nanatili ang tingin ko sa mga locker sa gilid.
"Damn, girl, we're friends, okay?" Ulit niya. "Oo na't empleyado kita pero magkaibigan tayo. And hell, I'll tell the girls that you're just my employee coz I don't want them to start watching you."
Inirap ko ang luhang nagbabadya. Hindi ko siya maintindihan at hindi ako sigurado kung maiintindihan ko pa ba siya kahit kailan. "Oo nga! Sabihin mo na empleyado mo lang ako dahil hindi tayo pwede! Kahit kaibigan!" Kinagat ko ang labi ko at nahiya agad sa sinabi ko. Shit, Sunny! Shit lang talaga!
Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo. Hindi ko parin siya magawang tingnan. Kung aalis siya ay mabuti at nang makatulog na ako kahit alam ko sa sarili kong hindi ako makakatulog sa kakaisip sa mga nangyari ngayong gabi.
Nagulat ako nang lumuhod siya sa paanan ko. Hindi ko na nagawang mag matigas. Napatingin na ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang pag aalala sa kanyang mga mata. Ang mabilis na pintig ng aking puso ay napalitan ng mas malakas at mas mahina, halos pinipiga.
"I'll be your friend, Sunny. Lilimitahan ko ang sarili ko at hanggang doon lang ako. Because I'm afraid that I like you more than I should. At natatakot akong masasaktan lang kita. An angel like you deserved heaven, not hell with me."
Nanlaki ang mga mata ko. Naabutan ko siyang nakatingin sa labi ko. Napatingin din ako sa labi niya. Nahalikan na ako noon pero hindi ko na maalala kung ano ang pakiramdam non. Nang dumampi ang labi ni Jason sa akin ay mabilis lang iyon at dahil iyon tinulak siya ng mga classmate ko sa akin.
"FUCKING SHIT!" Sigaw ni Rage at mabilis siyang tumayo na parang napapaso. Lumabas na parang hinahabol.
Iniwan niya ako doong nakatingin sa pintuan at bigo.
####################################
Kabanata 11
####################################
Kabanata 11
Hindi Nakokontento
Kinaumagahan ay agad akong nag desisyon na bumili ng pumps. Sinuyod ko ang bawat tiangge para lang makahanap ng mura, matibay, at maganda. Inubos ko ang oras ko sa paghahanap. Nagkaroon din ako ng pagkakataong kumain sa isang fast food chain. Masaya parin kahit na mag isa.
Nagulat na lang ako nang nakauwi ako sa Building kasama ang bagong sapatos at ang iilang mga papel galing sa paghahanap ko ng matutuluyan ay naabutan ko si Mia sa sofa ko, tulala.
"Mia?" Sabi ko habang nilalapag ang sapatos ko.
Napatalon siya at napaupo ng maayos pagkakita sa akin. Agad niyang kinuha ang supot na dala ko para tingnan ang sapatos na nabili.
"Anong ginagawa mo dito?" Usisa ko habang tinatabihan siya sa sofa.
"Nag away kami ni Eric." Ani Mia at tiningnan ang kulay cream kong pumps.
Nakalimutan kong hindi ko nga pala siya nasabihan na naputol ko ang takong ng pumps niya. Kailangan ko pa siyang bayaran para don.
"Ang ganda nitong nabili mo." Aniya, winawala ang usapan kay Eric.
Kumunot ang noo ko. "Natalisod kasi ako kagabi kaya nasira 'yong pumps mo. Gusto mo 'yan? Sayo na 'yan bilang kabayaran."
Umiling agad siya. "Alam mo, Sunny, kung di ka dumating ay nilagay ko na sa basurahan 'yong pumps na 'yon kaya wa'g ka ng mag alala. Sa'yo na 'to at hindi mo na kailangang bayaran 'yon sakin."
Napangiti na lang ako sa kabaitang ipinakita niya. Napuna ko na medyo malaki ang eyebags niya. Hindi ako sigurado kung dahil ba matagal kaming natulog o dahil umiyak siya. Siguro ay malaki ang problema nila ni Eric ngayon? Syempre, umuwi siyang lasing kagabi kaya malamang galit si Eric sa kanya.
"Salamat..." Ilang sandali ko pa siyang tinitigan. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. "Okay ka lang? Anong nangyari at bakit kayo nag away ni Eric?"
May kinuha siyang supot sa maliit na mesa sa harap ko. Nakita ko ang logo ng Jollibee doon at nakita ko rin ang pagkaing nasa loob.
"Kumain tayo. Nagdala ako ng pagkain. Medyo malamig na. Kanina pa ako dito, e."
Mas lalo akong kinabahan dahil hindi niya agad ako sinasagot. "Mia, okay ka lang? Okay lang kayo?"
Pumikit siya. "Okay lang ako, Sunny." Tsaka dumilat at hinilamos ang kanyang mga palad. "Madalas naman kaming mag away. Ngayon lang talaga ako nag karoon ng mapupuntahan." Ngumiti siya sa akin. "Mas mabuti palang may takbuhan ka. Kasi pag don lang ako sa bahay baka mas lalong lumala ang away namin."
Inalok niya ulit ako ng pagkain. Inisip kong ayaw niyang pag usapan ang tungkol doon kaya umupo na lang ako sa tabi niya habang dinadampot ang fries sa harapan.
"Sorry kagabi." Aniya. "Gusto ko lang namang mag saya. Alam mo na... bata pa naman ako at mas magandang nagsasaya habang bata ka, diba?"
Ngumisi ako. "Oo nga. Sorry din kasi di ko masyadong na enjoy 'yong party."
"Saan ka nga pala galing? Nagulat na lang ako hinihila na ako ni Sir Rage. Wala na akong maalala kagabi. Sabi ni Aling Nenita, hinatid niyo raw ako."
Tumango ako. "Hinatid ka namin kagabi." Iyon lang ang tanging nasabi ko.
Nag ngiting aso na naman si Mia. Mas maganda pala siya pag walang make up. Kumikinang ang kanyang mukha at mas lalo kong nakikita ang tangos ng kanyang ilong. "Tas? Hinatid ka rin niya dito?"
Tumango ako at umirap. "Oo. Wa'g kang mag isip ng kung ano, Mia. Hinatid niya lang ako."
"Kailangan mo ng cellphone, my God! Hindi ko inakalang may taong walang cellphone sa mga panahon ngayon pero nang nakilala kita, doon ko narealize na meron pala talaga!" Nagtawanan na lang kami.
Inubos namin ang oras namin sa pagkain at pagtatawanan. Nanghinayang agad ako dahil walang TV dito. Maganda sanang magkaroon ng palabas habang umuupo sa sofa kasama si Mia. Hindi ko na matandaan kung paano magkaroon ng kaibigan. Noong nag aaral pa ako, nagkaroon ako ng kaibigan pero hindi sila nagtatagal. Laging inaaway ni Patricia ang lumalapit sa akin.
"Magkano ba ang pinaka murang cellphone ngayon?" Tanong ko.
Ipinakita niya sa akin ang kanyang touch screen na cellphone. Mura daw iyon kumpara sa mga uso ngayong touch screen. Inisip kong hindi ko naman kailangan ng magarbo. Bibili siguro ako pero iyong hindi touch screen. Kahit na naeengganyo ako don dahil nakakapag picture iyon. Mas maganda sana kung may camera pero mas uunahin ko ang mga kailangan ko.
Umabot kami ng alas nuwebe ng gabi sa pagkukwentuhan. Marami akong na diskubre kay Mia at isa na doon ang unang pagkakakilala nila ni Eric. Classmate pala sila noong high school. Gusto sana ni Mia na mag aral ng college kaso ulila na rin siya, tulad ko. Walang susuporta sa kanya kaya hindi niya nagawa. Ilang trabaho na rin ang napasukan niya, mas magaganda pa sa trabaho sa Del Fierro pero mas pinili niyang magtagal dito dahil maayos daw makitungo ang management at maraming benefits.
"Kaya ikaw, kung bibitiwan mo 'to, sayang talaga. Pero kung ako ang nasa katayuan mo, siguro bibitiwan ko parin ito para sa pag aaral." Aniya.
"Bakit ikaw? Ba't di ka mag aral? Bata ka pa naman, a? Mag college ka rin, sabay sakin! Mag ka-classmate tayo tapos mura lang ang tuition don sa nahanap kong school."
Umiling siya at ngumisi. "Mas gusto ni Eric na magtrabaho. Nag iipon kami para saming kasal."
Hindi na ako nakaimik. Ganon ka mature ang lebel ng pag iisip ni Mia. Ganon na kalawak ang pang unawa niya sa buhay at naisip niya ng mag settle down. Siguro ay talagang mahal nila ang isa't-isa kaya kaya niyang isuko ang kanyang mga pangarap para mabuhay kasama si Eric.
Naglakbay ang isipan ko kay Rage. Inisip ko 'yong nangyari kagabi. Naisip ko 'yong mga mata niyang nakatingin saking labi. Hindi ko alam kung bakit tumindig ang balahibo ko. Napapikit ako at napapilig sa ulo nang naisip ko kung paano umawang din ang kanyang labi habang tinititigan niya ang aking labi.
"Huy! Lukaret! Okay ka lang?" Tawa ni Mia.
Uminit ang pisngi ko nang bumaling ako sa kanya. "Oo n-naman!"
"Ba't parang kinikilig ka? Kinikilig ka sa pag iipon ko para sa kasal namin ni Eric? Eh baka nakakalimutan mong nag away kami kaya ako nandito."
Ayaw niya paring pag usapan ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Eric kaya hinayaan ko siyang mag salita hanggang sa nag desisyon siyang kailangan niya ng umuwi.
Pagkauwi ni Mia ay mag isa na naman ako sa Lounge. Humiga na lang ako at pinilit kong pumikit para makatulog ngunit walang silbi dahil naglalaro sa aking isipan ang nangyari kagabi. Imposible, diba? Imposible.
Sa lahat ng tao, ako dapat ang nakakaalam nito.
Ang akala ni mama noon ay hinding hindi na ulit siya iibig kailanman pagkatapos kay papa. Nang namatay si papa, bata pa lang ako. Bigong bigo ako noon pero mas bigo si mama. Kay papa ko namana ang halos lahat ng features ng mukha ko, kay mama ko naman nakuha ang maputing kutis. Araw-araw simula nung pagkawala ni papa, walang araw na hindi ako niyayakap ni mama. Naaalala niya sa akin si papa. Kaya naman ay nang lumipas ang ilang taon at nakahanap siya ng lalaking magmamahal sa kanya ay laking tuwa ko noon.
Sa wakas, hindi na malulungkot si mama! Noong una ay hindi ko pa matanggap na ipagpapalit niya si papa pero nang nakita ko kung paano kumislap ang mga mata niya ay unti unti ko rin iyong naintindihan.
Iniwan namin ang bahay namin noon dahil bawat sulok non ay nagpapaalala sa amin kay papa at sa mga hinagpis ni mama nang nawala siya. Lumipat kami sa mas maayos na bahay. Hindi ko nakilala ang inibig ni mama na lalaki. Hindi dahil ayaw niya o ayaw ko, kundi dahil alam niyang may parte parin sa akin na hindi sumasang ayon dahil mahal na mahal ko si papa.
Isang beses ko lang siyang nakita at sa natatanging araw na iyon nalaman ko na ang lalaking inibig ni mama ay may asawa na. Nakita ko kung paano sinampal ng kanyang asawa si mama. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Ang alam ko lang ay madalas na mag travel 'yong lalaki dahil sa kanyang business. Alam ko ring mayaman ang lalaki at siya na mismo ang nagbigay kay mama nong bahay na tinirhan namin. Hindi ko lubos maisip na hinayaan lang ni mama na maging kabit lang siya nong lalaki. Hindi ko nakaya nang inamin niya sa aking alam niyang may asawa ang lalaki. Hindi ko nakaya nang inamin niya sa aking kabit siya.
Hinangaan ko si mama sa buong buhay ko dahil siya ang naging katuwang ko ngunit nahiya ako sa ginawa niyang iyon. Nagkaroon ako ng simpatya para sa pamilyang pinagtaksilan nilang dalawa nong lalaki. Inaway ko siya ng husto. Huli na nang nalaman kong may sakit siya. Huli na nang nalaman kong malala na. At huli na nang humingi ako ng tawad sa kanya...
Huli na nang naisip kong may kasalanan din ang lalaki. Ginamit niya ang mapusok na puso ni mama para lang magkasala. Sinisisi ko si mama noong buhay pa siya dahil alam ko kung ano ang tama at ano ang mali. Pero nung nawala siya, pakiramdam ko ako na 'yong mali, pakiramdam ko kasalanan na ng mundo, pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat.
Marami akong natutunan at isa doon ang: Hindi nakukuntento ang mga lalaki sa iisang babae.
Sa sumunod na linggo ay naging abala ako sa trabaho at sa paghahanap na rin ng matutuluyan. Ngayong nakuha ko na ang sahod ko ay mas lalo kong nakikinita ang liwanag sa pag aaral ko.
Nagpa schedule ako doon sa school para maka take ako ng entrance exam. May nahanap rin akong bedspace. Walo daw kami sa iisang room at two thousand pesos ang bedspace. May CR sa loob ng room at syempre, may maayos na kama. Mabuti na iyon para sa akin!
Nagmamadali ako pabalik sa Del Fierro Building. May 30 minutes ako para makabalik doon bago mag ala una kaya halos tumatakbo na ako pasakay ng jeep. Pati ang paglalakad sa kanto ay ginawa kong marathon.
Natigil lang ako nang nahagip ng aking paningin ang isang pamilyar na mukha sa kabilang kalsada. Nakita kong tumatawid sa pedestrian lane ang isang medyo payat at pamilyar na lalaki na may ka holding hands na isang maputi at kulot na babae.
"Imposible. Nagkakamali ako." Bulong ko sa aking sarili at nagpatuloy sa paglalakad.
Natigil ulit ako at literal kong nilakihan ang mga mata ko para makita ng mabuti ang mukha ng lalaki. Nang ngumiti siya ay nakuha ko kaagad na si Eric iyon. Si Eric ang may ka holding hands!
"Imposible!" Bulong ko sa sarili ko.
Namutla ako nang nakita kong humilig sa kanyang dibdib ang babae at hinaplos niya ang braso nong babae habang naglalakad sila sa kabila.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Luminga linga ako nang tumapat ako sa pedestrian lane. Tiningnan kong mabuti ang galaw ng mga jeep at bus bago ako tumawid. Kailangan ko siyang mahuli sa akto at nang mapagsabihan! Kahit na hindi niya na ako maalala o makilala ay kailangan ko parin siyang pagsabihan!
Pagkarating ko sa kabilang lane ay sumakay na sila ng jeep! Shit! Laglag ang panga ko habang tinitingnan kong paalis na ang jeep.
Tulala ako pabalik sa Del Fierro Building.
Gulong gulo ang utak ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Mia. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Lalong lalo na nang nakita kong masaya siya sa araw na iyon! Malaki ang kanyang ngisi at sinalubong niya pa ako pagkarating ko sa building!
"Bilisan mo! Hinahanap ka ni Mrs Ching!" Sabay ngiting aso niya.
Late ako. At kung papagalitan ako ni Mrs. Ching ay pakiramdam ko lalabas lang sa kabilang tainga ko ang lahat ng sermon niya. Masyado pa akong nagulat sa nangyari. Tinitigan ko lang siya kaya pumalakpak siya sa mukha ko.
"Bilis na, Sunny! Tulala ka pa diyan!" Sabay tulak niya sa akin sa elevator.
Bumaliktad ang sikmura ko habang iniisip ko kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko sa kanya. Kailan ko ba sasabihin sa kanya?
Kumaway siya nang papasara na ang elevator. Malaki ang ngisi niya at tingin ko ay nag kaayos na sila ni Eric. Magtatanong ba ako kung nag kaayos na sila? At paano kung nagkaayos na sila? May puso ba talaga ako para biguin siya?
Kinagat ko ang labi ko habang kaharap si Mrs. Ching na seryosong nakatingin sa akin.
"Saan ka galing, Sunny? Nagpaalam ka ba?" Nanliit ang kanyang maliit na mata.
"Lunch break po. May chineck lang ako don sa University kaya... ano... tas na traffic ako kaya medyo na-late."
"Hindi ka naman madalas nagkakamali pero nagulat lang ako ngayon. Kakagaling lang ni Mr. Del Fierro sa business trip niya kaya naghanap agad siya ng janitress para maglinis sa opisina. Ngayon ka pa na late? Wrong timing."
Tumango ako. Kaya naman pala hindi ko siya nakita nitong mga nakaraang araw. Abala siya sa business trip. "Sorry po. Pupunta na agad ako ngayon don. Ngayon din po." Sabi ko at walang pag aalinlangang tinulak ang cart palabas ng Lounge at patungong elevator.
Hindi ko parin maalis sa aking isip ang nakita ko kanina. Si Eric, may ibang babae. Mas lalo lang humigpit ang paniniwala ko na talagang hindi nakukuntento ang lalaki sa isa. Tama si Mia. Pagkatapos ng mga lalaki sa isang babae ay wala ng challenge. Kailangan nila ulit ng mga bagay na may challenge, iyong may laro, iyong mapapatunayan nila ulit sa sarili nila na panalo sila, kaya hayan at naghahanap ng iba. Tulad ng boyfriend noon ni mama, tulad ni Eric... at ngayon...
Tumunog ang elevator. Nag angat agad ako ng tingin sa salamin ng double doors. Nakita ko kaagad ang opisina ni Rage sa loob. Nakaupo siya sa kanyang swivel chair at may kinakausap na babaeng ngumingiti sa kanya. Nang nakita ako ni Rage ay napawi ang ngiting nag laro sa kanyang labi at agad siyang humilig sa likod ng kanyang swivel chair.
Tanaw ko ang mga mata niyang matatalim na tumititig sa akin. Nagkasalubong ang kanyang mga kilay at pinasadahan niya ng palad ang kanyang bagong gupit na buhok. Shit! Hindi ko maalis ang titig ko sa mga mata niyang matalim at sumasagad sa buto ang titig. Para bang nakikita niya kahit ang mga pinaka malalim kong sekreto.
I am attracted to him. Iyan ang pinaka malalim kong sekreto. Malalim dahil hindi iyon dapat kinikilalang pakiramdam. Ang dapat don ay tinatago. Ang dapat don ay hindi pinapansin. Pero sa bawat titig niyang diretso sa akin ay naghahabol din ang puso kong parang baliw kung makatibok. Hindi ito maganda. Talagang hindi.
Dahil si Rage... hindi rin siya nakokontento sa isa.
####################################
Kabanata 12
####################################
Kabanata 12
Date Him
Tuluyan akong pumasok sa opisina. Nakita ko kaagad sa sofa na naka number 4 na upo si Logan, pinapanood ako. Sa gilid niya ay si Kid na pagkakita sa akin ay agad lumapit.
Uminit ang pisngi ko. Ngayong naka uniporme ako ng pang janitress at nagtutulak ng cart na kulay yellow ay mas lalong naisigaw ang agwat ko sa kanilang lahat. Si Kid ay naka kulay sky blue na polo shirt, si Logan ay naka kulay grey na v-neck, at si Rage ay naka longsleeve na nakatupi hanggang siko.
"Thanks, Tam. You may go." Ani Rage sa babaeng kausap.
"Hi Sunny!" Panimula ni Kid habang nilalapitan ang cart ko.
Hindi ako makatingin sa kanya. Nag simula na lang akong mag walis sa sahig. "Hello po!"
"You busy?" Tanong ni Kid.
"Obviously, Kid." Iritadong sinabi ni Rage galing sa kanyang table.
Hindi ako nag angat ng tingin. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Ito ang nag papaalala sa akin kung saan talaga ako nababagay. Sampal ng katotohanan. Kung bakit ako nangangarap nitong mga nakaraang araw na sana ay iba na lang ang aking buhay ay hindi ko na alam iyon.
"Sungit mo, Rage. I'm entertaining her para naman maging masaya siya sa kanyang trabaho." Ani Kid habang lumalapit sa akin, sinusundan ang pag wawalis ko.
"You're disturbing her, Kid." Ani Rage.
"Ang mabuti pa, tulungan mo siya, Kid. You want to impress the girl, help her." Ani Logan sa may sofa.
"I know what to do, Logan. Wa'g mo akong turuan." Masungit na sinabi ni Kid habang kinukuha ang iisa pang walis galing sa cart.
Mas lalong uminit ang pisngi ko. Ayaw ko ng ganito. Nahihiya ako. Para akong sinasampal ng paulit ulit! "Wa'g na, Kid. Kaya kong mag isa."
"No, I'll help you Sunny. Mas mabuti mas mabilis matapos ang trabaho." Ani Kid sabay walis.
"Stop that, Kid." Mariing sambit ni Rage galing sa upuan.
Nagkibit balikat si Kid kay Rage. "What's your prob? I'm helping out! Hindi ako nanghihingi ng sahod sayo." Hagikhik niya.
"This is not funny. Leave the girl alone." Ani Rage sa tonong mas mariin.
"Okay lang naman kay Sunny na nandito ako. Hindi ba, Sunny?" Bumaling si Kid sa akin.
Humugot ako ng malalim na hininga. "Oo. Pero, wa'g ka ng magwalis. Trabaho ko 'to. Nakakahiya sa'yo." Sabi ko.
"I want to help you, Sunny. Para mas mabilis kang matapos."
"Let her, Sun. I'm sure pagbibigyan ni Rage si Kid?" Natatawang sinabi ni Logan habang nakatitig siya kay Rage.
Bumaling ako kay Rage at pinanood ko ang matalim niyang titig kay Logan. Alam kong ayaw niyang tumulong sa akin ang kanyang kaibigan. Alam kong ayaw niyang pagtrabahuin si Kid pero mapilit siya. Hindi ko na sinagad ang trabaho dahil nahihiya akong pag may iba pa akong lilinisan ay tutulong ulit siya.
Pinanood ko kung paano namuo ang pawis sa noo ni Kid habang nag wawalis. Hindi ko mapigilang mapangiti.
"Dito ba ilalagay ang basura?" Tanong niya habang dinadala ang dustpan sabay turo sa basurahan ng cart.
Tumango ako at ngumiti.
"Ba't ka ngumingisi? May dumi ba ako sa mukha?" Nag taas ng kilay si Kid at hinaplos niya ang kanyang mukha.
Mas lalo lang akong napangisi. Umiling na lang ako bilang sagot.
"Kung ganon, anong nginingisi ngisi mo dyan? Is there something wrong, Sun?" Humakbang siya palapit sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako naging handa sa kanyang paglapit. Nahihiya ako sa kanyang pagtulong at mas lalo akong nahihiya ngayong nagiging friendly siya sa akin. Alam ko noong party pa lang na mahilig siyang dumikit sa akin. Pero inakala kong dahil lang iyon sa alak. Ngayon ay nararamdaman kong talagang pursigido siyang magpapansin at hindi ko mapigilang mapangiti. Batid ko ang agwat naming dalawa pero ang makitang may naghihirap para lang mapansin ka ay nakakataba ng puso.
"Wala po." Natatawa kong sinabi at napaatras nang masyado na siyang malapit.
Tinagilid niya ang kanyang ulo para suriin ang mukha ko. Uminit ang pisngi ko.
Narinig ko kaagad ang kalabog sa table ni Rage. Sabay kaming napatingin sa kanya. Padarag siyang umupo sa swivel chair habang hinuhubad ang kanyang long sleeve. Naka puting v neck t-shirt at nagpakita ang kanyang dogtag. My favorite shirt.
"What's wrong, Rage?" Nilapag ni Logan ang kanyang iniinom na juice sa table.
"Just about the numbers." Aniya sabay turo sa mga papel sa harapan.
Bumaling ulit si Kid sa akin na parang hindi kami naistorbo. Hindi ko maalis ang titig ko sa mukha ni Rage. Nakapangalumbaba siya at ang kanyang daliri ay naglalaro sa kanyang labi.
"May gagawin ka mamayang gabi?" Tanong ni Kid sa akin kaya napabaling ako sa kanya.
"Uhm, Thursday kaya wala." Sagot ko.
Tumango si Kid at ngumisi sa akin. "Pwedeng makuha ang number mo?"
Ngumuso ako at yumuko. Napaalala niya sa akin na wala nga pala akong cellphone. Isang bagay na dapat ay mayroon ako. Uunahin ko na lang muna ang matutuluyan ko. Tutal ay next next week, aalis na ako sa Del Fierro.
"Wala akong cellphone." Amin ko.
"What?" Napatingin siya kay Logan. "Wala siyang cellphone!" Aniya nang di makapaniwala.
"Dapat may cellphone ka, Sunny." Ani Logan.
"Bibili din ako." Nahihiya kong sinabi.
"Oh, well, hindi ko kailangan ng cellphone para ma invite ka for dinner mamayang gabi?"
"What the hell, Kid?" Singit ni Rage.
"What, dude? Si Sunny ang niyayaya ko. Hindi ikaw. Get a life." Ngiwi ni Kid at bumaling ulit sa akin.
"You're not allowed to date my employees." Ani Rage.
"You're employees are not your property, Rage. I'm allowed." Tumawa si Kid na para bang nagbibiro si Rage.
"Uh, Tama si Sir, Kid. Hindi ata pwede. Hindi magandang tingnan." Sabi ko.
"Bakit naman hindi magandang tingnan? What's wrong with a simple dinner?" Kumunot ang noo ni Kid sa akin.
"Why not sa bahay na lang ni Rage, Kid? Mas maganda ang group date. I'll bring some of my friends. Sunny can bring her friend Mia."
Lumiwanag ang mukha ni Kid sa sinabi ni Logan. "Good idea!" Bumaling siya sa akin. "Pero, dapat next time, dinner sa labas."
Narinig ko ang mga mabibigat na buntong hininga ni Rage sa gilid. Gusto kong tumanggi dahil nahihiya ako pero may parte sa aking gustong makita pa lalo si Rage mamayang gabi. Hindi ko gaanong na appreciate ang bahay niya nong una akong nagpunta dahil sa party at ngayong walang party ay siguro, mas makikita ko ito ng maayos.
"What do you think, Sunny?" Nagtaas ng kilay si Kid sa akin.
Dahan dahan akong tumango.
Gumuhit ang gulat sa mukha ni Kid na para bang di makapaniwalang pumayag ako. "Really?"
Tumango ulit ako kaya mas lalo siyang ngumisi.
"Sunny..." Ani Rage pero natabunan na ang boses niya sa isang malaking "YES!" galing kay Kid.
Tumatawa na lang si Logan sa naging reaksyon ni Kid. Hindi ko rin mapigilan ang pag ngiti. Tinulak ko na lang ang cart palabas ng opisina. Sinulyapan ko ang mukha ni Rage habang nakaupo siya sa swivel chair at nakapangalumbabang tinitingnan ang masayang masayang si Kid.
Napatingin ako kay Kid na ngayon ay mapupungay ang mga matang tinitingnan ako. Ngumiti ako at kumaway siya. Tinapunan siya ng unan ni Logan at nagtawanan ulit ang dalawa.
Hindi ko napawi ang ngiti ko habang pababa ng 15th floor. Hindi ako mapakali at hindi ko alam kung bakit. Naaalala ko ang galit na mukha ni Rage ay mas lalo akong napapangisi. Kinagat ko ang labi ko. Kung ano man iyong iniiwasan kong bitag ay pakiramdam ko tuluyan ko ng naapakan.
Tumunog ang elevator sa kabila, halos kasabay ng paglabas ko. Tinulak ko ang cart habang iniisip pa rin ang lahat ng nangyari kanina.
Walang tao sa corridor. Siguro ay naglilinis ang lahat sa kani kanilang floor. Itutulak ko na sana ang pintuan papasok sa Lounge nang biglang hinila ang kamay ko at ibinaon sa dingding. Napapikit ako sa gulat. Nang dumilat ako ay nalaglag ang panga ko nang nakita ko si Rage na hinahabol ang hininga.
"You can't date my friend, Sunny." Mariin niyang sinabi.
Tinikom ko ang bibig ko at agad kong binawi ang kamay kong ibinaon niya sa dingding. "Bakit?"
Nagulat siya sa tanong ko. Kung akala niyang papayag na lang ako sa gusto niya dahil boss ko siya ay nagkakamali siya. Kailangan ko ng paliwanag. Kailangan ko ng rason. Lumunok siya. "You're my employee."
Umiling ako. "Oo. Hindi pwede 'yong mayaman at mahirap sa'yo, diba? Friendly date lang naman 'yon." Medyo iritado kong sinabi.
"Wala akong pake kung mayaman o mahirap ang mga tao. Ang gusto ko ay walang date na mangyayari."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Bakit nga?" Hamon ko sa kanya.
Hindi siya agad nagsalita. Dumistansya siya sa akin. Napatingin ako sa dibdib niyang may kumikinang na dogtag.
"Sabi mo magkaibigan tayo, Rage." Dahan dahan kong sinabi habang nakataas ang kilay. "Ang magkakaibigan, sinusuportahan ang isa't-isa. Kung gusto kong pagbigyan si Kid, suportahan mo ako."
Pabalik balik na bumukas ang kanyang bibig na para bang may sasabihin siya pero pinipigilan niya ang sarili niya. Pinanood ko siyang ginulo ang kanyang bagong gupit na buhok habang nag iiwas ng tingin.
"Bakit ayaw mo'ng i-date ko siya?" Tanong ko ulit.
Kumalabog ang puso ko. Alam ko. Alam ko, Sunny. Kung ano man iyong iniiwasan ko noon ay ipinagkakanulo ko na ang sarili ko ngayon. Ano ngayon kung magkagusto nga ako sa isang tulad niya? Ano ngayon kung lokohin niya ako? Ano ngayon kung gago siya?
Yumuko siya at lumebel sa akin ang kanyang labi. Binasa ko ang labi ko at mas lalong kumalampag ang puso ko. Pulang pula ang kanyang labi at inisip ko kung anong pakiramdam pag nahalikan ko siya. Anong pakiramdam pag naglapat ang labi namin. Tumagilid ang ulo niya at para akong nalasing sa ginawa niya. Nawawala ang paningin ko. Nilapit niya pa ang mukha niya sa akin. Ilang pulgada na lang ay mahahalikan ko na siya nang biglang tumunog ang cellphone.
"OH MY GOD!" Sigaw ni Mia ang umalingawngaw sa buong lugar.
Napatingin kami ni Rage pareho sa kanya. Mas lalo akong kinabahan. Inisip ko kung ano ang iisipin ni Mia. Inisip ko ang iisipin niya kay Rage.
Hindi man lang lumayo si Rage sa akin. Nang bumaling siya ay ganon parin kalapit ang mukha niya sa akin. Matalim na ang kanyang mga mata. Sa labi niya ako nakatingin nang binanggit niya ito...
"Date him, then." Hamon niya.
"Okay." Sagot ko sa kanya.
Umigting ang panga niya bago niya itinulak ang dingding para makaalis sa kinatatayuan niya. Halos mapaluhod ako sa kinatatayuan ko. Dinaluhan agad ako ni Mia gamit ang kanyang gulat at nakikiusyusong mga mata.
"ANONG KABABALAGHAN IYON?" Sigaw niya sa akin.
Marami ang nag laro sa utak ko. Nag agawan ang nangyari kanina at ang issue tungkol kay Eric na kanina ko lang din nakita.
Hinawakan ko ang braso niya bilang suporta at walang imik kong hinila ang cart papasok ng Lounge habang pinapaulanan niya ako ng mga tanong tungkol kay Rage.
"Oh my God, Sunny? Nag kiss kayo?!" Sigaw niya sa loob.
Walang tao doon ngunit kailangan ko paring mag ingat. Agad ko siyang pinatahimik. Umupo ako sa sofa at siya naman ay sa sobrang gulat ay hindi magawang umupo. Humalukipkip siya sa harap ko.
"Anong nangyari?" Tanong niya.
Nag angat ako ng tingin sa kanya, hindi ako sigurado kung alin ang uunahin kong ipaliwanag. Nang sa wakas ay nag desisyon akong ipaliwanag sa kanya ang tungkol kay Rage dahil iyon naman ang itinatanong niya ay napaupo na siya sa tabi ko.
Kinwento ko sa kanya ng buo ang paniniwala ko, ang nangyari kay mama noon, at ang nangyari sa amin ni Rage. Alam niya na ang halos lahat ng nangyari tungkol sa akin ngayon. Napagtagpi tagpi niya na rin kung bakit sanay na ako sa manlolokong lalaki.
Lumaki ang ngisi niya nang natahimik kami. "Pupunta tayo mamaya?" Aniya.
Tingin ko ay hindi magandang ideya na lumipas ito nang hindi ko nasasabi ang nakita ko kanina. "Mia..."
"Pupunta tayo?" Lumaki ang ngiti niya.
Pinanood ko muna ang masiyahin niyang mukha. Nang nakita niyang seryoso parin ako ay napawi ang ngiti niya. "Mia, kanina nung pauwi ako galing school, tingin ko nakita ko si Eric."
"Saan?" Kumunot ang noo niya.
"Malapit lang dito. Sa sakayan ng jeep. May kasama siyang babae." Agad kong tinikom ang bibig ko.
Umiling si Mia na para bang sigurado siya sa kanyang sasabihin. "Baka kamukha niya lang. Imposible, nasa trabaho siya. Saturday at Sunday ang day off niya."
Gusto kong manindigan na si Eric nga iyon. Pero natatakot akong makasira ng relasyon ng walang katibayan. Tumango na lang ako kay Mia. Ngumisi ulit siya na parang walang narinig tungkol sakin.
"Mamaya?" Tanong niya.
Hindi ako makapaniwala na matatag ang tiwala ni Mia kay Eric. Hindi ako makapaniwala na hindi niya inisip man lang ang sinabi ko.
"Oo, mamaya." Sabi ko.
Pumalakpak siya sa excitement.
Kalaunan ay nalaman ko rin kung bakit kampanteng kampante siya. Nagkaayos sila ni Eric. Pinaulanan siya ng bulaklak at mga regalo. Siguradong sigurado siya na hindi magsisinungaling si Eric sa kanya.
"Alam mo kasi, Sunny, narealize ko, kailangan mo lang talagang mag tiwala. Kung mahal ka ng tao, mahal ka talaga nila." Ani Mia.
Hindi ako sumang ayon. Hindi rin ako umiling. Hinayaan ko siya. Ngunit natatakot ako sa mangyayari. Natatakot ako para sa kanya. Nakita ko na kung paano mawarak ang mga babae. At ayaw kong mangyari iyon sa kaibigan kong ito.
Makahulugan siyang tumitig sa akin at ngumisi.
"Sir Rage Del Fierro, makikita ko mamayang gabi ang gagawin mo. Humanda ka." Mas lalong lumaki ang ngisi niya na para bang may masama siyang balak.
####################################
Kabanata 13
####################################
Kabanata 13
Fall
Bumabagabag sa akin ang lahat ng nangyari sa araw na iyon. Una ay iyong tungkol kay Eric, sunod naman ay iyong tungkol kay Kid, at pang huli ay iyong kay Rage.
Tama kaya ang desisyon kong ito? Tama kaya na pupunta ako kina Rage para sa dinner na sinasabi ni Kid? Wala ng oras sa pag iisip. Ilang minuto na lang ay bababa na si Mia para makapag ayos na at makababa na kami sa building. Susunduin daw kami ni Kid. Maagang umuwi si Rage kaya kanina ko pa natapos ang paglilinis sa kanyang opisina.
Kinuha ko kaagad ang jacket na pinahiram niya sa akin nong birthday ni Logan. Kailangan ko itong isoli sa kanya. Mukhang mamahalin at nahihiya na nga ako dahil medyo matagal nang naibalik ko ito. Pahirapan kasi sa paglalaba dito sa Lounge. Nahihiya akong gumamit ng tubig. Minsan lang ako nakakapag laba kaya halos ubusan ng damit ang nangyayari sa akin araw-araw.
Mabuti na lang at may natitira pa akong damit. Naka maong na pants ako at isang simpleng puting sleeveless. Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang excited na mukha ni Mia.
"Magbibihis lang ako." Aniya.
Tumango ako at pinanood ko siyang magbihis.
Hindi ko mapigilan ang paglipad ng utak ko sa lahat ng mga sinabi ni Rage kanina. "Date him, then..." Bakit kahit paano ko ideny ay naiisip kong nagseselos siya? Bakit para akong kinikiliti tuwing naiisip kong nagseselos siya.
"Sunny, baka itakbo na kita sa mental?"
Napatingin ako kay Mia na ngayon ay nakapagbihis na ng shorts at kulay pulang spaghetti strap.
"Ngumingiti ka ng mag isa diyan." Halakhak niya.
Pinilig ko ang ulo ko at tumayo na agad galing sa pagkakaupo. "Tayo na." Sabay kuha ko sa jacket at tsinelas na kay Rage din.
"Hmm. Nag iiwas ng topic." Halakhak niya. "Dapat ay nag shorts ka. Ipakita mo 'yong legs mo!"
Umiling na lang ako sa mga iniisip ni Mia. Marami siyang naiisip at lahat ng iyon ay tungkol sa pagkakagusto ni Rage sa akin.
"Akala ko ba ayaw mo ng mga mayayaman kasi nanggagamit sila?" Nagtaas ako ng kilay pagkatapos niya akong ipagkanulo sa kay Rage habang nasa elevator kami.
Bumukas ang elevator at sabay kaming lumabas doon. Nagtungo kami sa double doors na pintuan ng building para maghintay sa pag labas ni Kid.
"Well," Kibit balikat niya. "Nakakakilig parin pala kahit papano."
Umiling na lang ako at hindi ko siya maintindihan. May mga prinsipyo siyang mabilis mabali. At natatakot akong ganon din iyon para sa akin. "Sobrang aga pa para sabihin 'yan."
Kasi paano kung iba ang habol niya sa akin? Paano kung iyon lang ang habol niya sa akin? Hindi natin alam. Ang sarap magpatianod sa nararamdaman mo pero masakit naman sa huli.
"Oo nga naman. Mag iisang buwan pa lang kayong magkakilala, diba?" Aniya at nag ngiting aso ulit.
Hindi na ako nagsalita. May pumaradang itim na Vios sa harapan namin. Bumaba ang salamin at nakita kong si Kid ang nasa loob. Tinuro agad ni Mia ang front seat habang sumasakay siya sa likod. Napatunganga pa ako bago ko binuksan ang pintuan ng front seat para makasakay.
"Nice." Bulong ni Logan sabay ngiti sa akin.
Nginitian ko rin siya. Pinaandar niya ang kanyang sasakyan. Si Mia ay marami agad naisip na topic habang papunta kami doon.
"Nakakahiya talaga 'to pero hindi namin matanggihan ang offer mo, Kid." Ani Mia sa tonong mukha namang hindi nahihiya.
"No problem. I actually want to do this for the next few weeks." Ani Kid sabay sulyap sa akin.
Narinig ko ang sipol ni Mia. Uminit ang pisngi ko at nag iwas ng tingin kay Kid.
"By the way, sabi mo wala kang cellphone?" Ani Kid kaya napabaling ulit ako sa kanya.
"Uhm, oo, pero bibili rin ako. Kailangan ko non." Sabi ko.
"I have a spare phone. You can use it." Aniya sabay kuha sa dashboard nong nakalapag doon na cellphone. Maliit na Samsung touchscreen ang nilagay niya sa kamay ko.
"Naku! Wa'g na. Hindi ko 'to matatanggap." Mabilis kong sinabi.
"Bakit? Walang gumagamit niyan kaya naisip kong ipapahiram ko sa'yo." Ani Kid.
"Tanggapin mo na, Sunny. Stone age pa 'yong pinanggalingan mo kaya wala kang cellphone." Sambit ni Mia sa likod.
"Hindi talaga, Kid. Hindi ko 'to matatanggap." Sabi ko ulit. "Bibili naman ako. I promise bibili ako next week."
Kumunot ang noo ni Kid. "Makaka save ka, Sunny. Hindi mo na kailangang bumili ng cellphone kaya iipon mo na lang ang pera mo."
"Nakakahiya 'to. Ayaw kong isipin mong-"
Pinutol ako ni Kid. "Alam ko. Kaya nga sinabi kong pinapahiram kita. Pagnakaipon ka na at nakakuha ng cellphone mo, pwede mo rin namang isoli. Although, you don't need to do that. Pwedeng sayo na 'yan kung gusto mo."
"Sunny, hiram lang naman..." Dagdag ni Mia.
Pinagtulungan ako ng dalawa. Nilagay ko ang cellphone na pinahiram ni Kid sa ibabaw ng jacket ni Rage. Mukhang wala akong choice. Pero hindi ko talaga 'to kayang tanggapin. Kung sana ay pwede ko 'tong iwan dito sa kanyang sasakyan nang sa ganon ay hindi ko 'to matanggap ay gagawin ko na.
Bumukas ang malaking gate ng bahay ni Rage. Hindi ko man lang nakita kung sinong nagbukas ng gate. Automatic ba ito?
Nakita ko kung gaano ka lawak ang garden at ang garahe. May apat na saradong garahe at isang bukas. Sa loob ay may sasakyang may kumikinang na Prado sa likod. Nandito siya sa bahay nila.
Noong una akong nakarating dito ay maraming nakapark na sasakyan sa garden. Ngayon ay bukod sa nasa loob ng garahe ay may isang malaking SUV pa na tingin ko ay kay Logan naman dahil sa plate number nitong sumisigaw na LOGAN. Pinark ni Kid ang kanyang sasakyan sa tabi nong kay Logan.
"Let's go?" Sabi ni Kid.
Tumango ako at binuksan ko kaagad ang pintuan. Lumilinga linga pa si Mia sa buong garden. Siguro ay tulad ko, ngayon lang niya nakita ang garden na ito ng walang maraming nakaparadang sasakyan.
"Anong gusto mong kainin, Sunny? I can cook." Ngumiti si Kid.
Nagulat ako sa sinabi niya. Wala sa itsura niya na nagluluto siya. Ang mga mata niya ay ngumingiti habang naghihintay sa sasabihin ko. "Kahit ano. Ano bang kaya mo?" Tanong ko.
"Ouch! You're insulting me!" Tawa ni Kid. "Kahit ano. I can cook anything you want me to cook."
Humalakhak si Mia. "Wow! Pasta?"
"Yup, kaya ko ang pasta." Ani Kid sabay tingin kay Mia.
Ngumiti ako. "Sige, pasta."
Ngumuso siya. "That's for dinner? Well, okay. Ako na bahala sa iba pang dish." Kindat niya.
Mas lalo akong nahiya. Hindi ko alam na ipagluluto pala kami ni Kid. Impressed ako dahil nagluluto pala siya pero nahihiya ako dahil ipagluluto niya pa kami. Naisip ko tuloy kung may katulong ba si Rage sa kanilang bahay? Sa laki nito ay imposibleng wala. Naaalala ko nang kinailangan niya ng tsinelas ay napahiram niya agad ako. May inutusan siya non kaya malamang ay may katulong nga siya.
Mas namangha ako sa bahay ni Rage nang pumasok kami. Kulay dark brown at cream ang kumbinasyon ng kulay sa buong bahay. Marami din ang glass tulad na lang ng malaking glass door sa living room palabas doon sa may pool. Dark brown ang carpet. Sobrang liwanag dahil sa mga ilaw. Hindi tulad ng una kong pagpunta dito, umaalingawngaw ngayon ang stereo nila ng mga instrumental music.
Tumambad agad sa akin si Logan na naka sleeveless na mukhang gutay gutay habang nag bi-billiard sa may malaking living room. May kasama siyang dalawang makikinis na babae na parehong mukhang mabait, elegante, at anak mayaman.
"Jackie, good shot! You're amazing!" Naabutan namin siyang pinupuri iyong mahinhing nakapasok ng billiard ball.
"Logan!" Sabi ni Kid sabay high five sa kaibigan.
"Uyy! Nandito na pala kayo! Bilisan mo, I'm hungry." Ani Logan sabay tingin sa akin at ngisi.
"Katerina, Jackie!" Nag beso si Kid sa dalawang kasama ni Logan.
"Give me thirty minutes in the kitchen." Tawa ni Kid.
Luminga linga ako sa buong bahay para hanapin sana si Rage. Asan kaya siya? Nandito ang sasakyan niya kaya malamang nandito siya.
"May cook naman na dumating ngayon. Tumulong ka na lang." Ani Logan.
"Where's your cousin?" Tanong ni Kid na nakakunot ang noo.
Bumaling agad ako sa kanila dahil ako mismo ay gustong malaman ang sagot. "Upstairs." Sagot ni Logan.
Maingay na napabuntong hininga si Jackie, ang isa sa mga babae. "Please convince him to come, Kid. Can you?"
Nagkatinginan kami ni Mia. Ngumiti si Mia sa akin. Napatalon ako nang biglang nagsalita si Kid.
"Oh, my bad. These are my friends. Si Mia tsaka si Sunny." Ani Kid.
Nginitian ko ang dalawang babae ngunit hindi man lang lumingon si Jackie sa akin. Naglahad ng kamay si Katerina sa akin at kay Mia kaya tinanggap namin iyon.
"Ito naman si Jackie at Katerina." Ani Kid.
Hindi talaga tumitingin si Jackie sa akin. Binalewala ko na lang din. Sumulyap lang siya nang sinabi ni Mia na uupo na lang muna daw siya sa sofa habang si Kid naman ay nagpaalam papuntang kitchen.
"Thirty minutes then we can talk. Can you wait, Sunny?" Nagtaas ng kilay si Kid sa akin.
"Syempre." Sabi ko sabay upo sa sofa.
Hindi ko makausap si Mia dahil kunot na ang kanyang noo habang hinaharap ang kanyang cellphone. Pinanood ko na lang sina Logan na ngayon ay patuloy parin sa paglalaro. Tiningnan ko ang hagdanang nasa gilid. Kung nasa taas si Rage, pwede ko ba siyang puntahan? Isosoli ko lang sa kanya itong jacket at tsinelas. Kung hindi ko siya makita ay alam ko naman kung saan 'yong gym sa bahay niya, doon ko na lang ito ilalagay.
"Mia..." Sambit ko dahil hindi parin nawawala ang paningin niya sa kanyang cellphone.
"Hmm?"
"Dito ka lang muna ah? Aakyat lang ako. Isosoli ko 'to kay Rage." Sabi ko.
Nag angat siya ng tingin sa akin. "Okay." at ngumisi.
Umiling ako. "Wa'g kang dirty minded. Isosoli ko lang 'to. Baka kasi di na 'yon bumaba."
Tumango si Mia. Binuksan niya ang bibig niya para magsalita ngunit di ko na siya hinayaan pa. Mabilis na akong nagtungo sa hagdanan at umakyat ng dahan dahan, nagdadasal na sana ay hindi ako makita nina Logan, Jackie, at Katerina na umaakyat dito.
Nang sa wakas ay nasa ikalawang palapag na ako ay hinalughog ko kaagad ang corridor. Hindi ko naman pwedeng buksan ang mga pintuan ng kwarto kaya ang tanging nagawa ko ay ang titigan ang mga ito.
"Asan kaya 'yon..." Bulong ko sa aking sarili.
Napagod ako sa paulit ulit kong paglalakad sa mga kwartong hindi ko naman pwedeng buksan. Suminghap ako at tumigil sa pintuan ng kanyang gym. Dito ko na lang talaga ilalagay.
Pinihit ko ang door handle ng pintuan. Narinig ko kaagad ang kalabog ng punching bag. May tao! Dahan dahan ang pag bukas ko. Nagtatago pa ako sa pintuan habang pinapanood ko si Rage na sinusuntok iyon pabalik balik.
Naka topless siya kaya kitang kita ko rin ang pawis sa kanyang katawan. Bawat galaw niya ay mas nadedepina ang kanyang muscles. Nanlalaki ang mga mata ko habang pinapanood ko siyang ganon. Kita ko rin ang puting bandage sa kanyang kamay na tumatama sa kulay itim na punching bag sa gilid lang ng boxing ring.
Mahigpit ang hawak ko sa tsinelas at jacket pero hindi ko alam kung paano ko iyon nabitiwan. Lumikha ng maingay na tunog kaya naman napalingon agad si Rage sa banda ko. Tumigil siya at hinihingal habang tinitingnan ang kalahati ng aking katawang nagtatago sa pintuan.
Kinagat ko ang labi ko at pinulot ko na lang iyong jacket at tsinelas. Uminit ang pisngi ko sa pangyayari. Wala na akong kawala. Kailangan ko nang magpakita.
Dalawang beses akong humakbang, tama lang para makita niya ako ng buo. Hinaplos niya ang kanyang kamao pagkatapos ay kinuha ang tuwalya sa gilid.
"Uhm..." Panimula ko. "Isosoli ko lang 'yong jacket mo tsaka tsinelas."
Hindi siya umimik. Yumuko lang siya at kinuha niya ang tubig sa gilid ng boxing ring. Uminom siya don at umupo sa may hagdanan ng boxing ring. Nakatingin siya sa akin. Kumalabog ang puso ko. Ayaw ko talaga ng tinitingnan niya lang ako nang di siya nagsasalita.
Kumunot ang noo ko.
"Kung ayaw mo akong kausapin, iiwan ko na lang dito 'yong jacket at tsinelas mo." Sabi ko sabay tungo sa isang table na medyo malapit sa kanya.
Nakita ko ang malademonyong ngiti na naglaro sa kanyang labi. Mas lalo lang akong nairita.
Stop smirking! Grrr! Hindi ko siya mabasa! Hindi ko alam kung ano ang laman ng kokote niya!
"I thought you'll date Kid?" Nagtaas siya ng kilay sa akin.
Pinaglaruan niya ang lalagyan ng kanyang tubig.
"Ipagluluto niya ako kasi gusto ko ng pasta. Ang bait niya." Ngisi ko.
Nagbago agad ang ekspresyon sa kanyang mukha.
"Salamat sa pagpapahiram nito. Bababa na ako." Sabi ko.
"Wait up!" Aniya. "Kakarating niyo lang diba? Matagal maluto 'yong pasta unless nagpatulong siya sa cook ko. He's probably scared it would taste bad." Sabay kalas sa bandage ng kanyang kamao.
"Sinasabi mong nagpatulong siya sa cook mo? Na hindi siya masarap magluto?" Medyo iritado kong sinabi.
Napatingin siya sa akin.
"Ikaw ang hindi marunong magluto. Kailangan mo pa ng cook para lang makakain." Inis ko ulit na sinabi.
Tumawa siya. "You wanna bet?"
Kumulo ang dugo ko sa kanya. Naiirita ako dahil sa tono ng boses niya. Naghahamon siya at hindi ko alam kung bakit ganyan!
Tumayo siya. Kahit na hindi naman kami ganon ka lapit ay napaatras ako. Hindi ko kayang mapalapit sa kanya habang ganyan ang suot niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"No, thanks. Abala ako kay Kid." Tinalikuran ko kaagad siya dahil sa pagkakairita ko. Hindi ko siya ma ispeling at ayaw ko na rin siyang intindihin.
"You'll fall for me after tonight. Hindi mo makikita si Kid kahit na kayo ang magkasama." Aniya na mas lalong ikinagalit ko.
Binalingan ko siya at nakita ko kung gaano rin siya ka iritado. Nakangiti siya ngunit pula ang kanyang mga mata dahil sa inis. Nag igting ang panga niya ngunit hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Sige! Let's bet! Sigurado akong mananalo ako!" Talo na ako. Alam ko 'yon. "Dahil hinding hindi ako mahuhulog sa womanizer na tulad mo!"
Umangat ang gilid ng kanyang mga labi. "Nahuhulog ka na. Alam mo 'yan. At dapat malaman mong hindi 'yan maganda."
Shit? Halos tumakbo ako palabas ng kanyang gym. Oo! Shit! Alam kong hindi 'to maganda!
####################################
Kabanata 14
####################################
Kabanata 14
Billiard
Hindi ko siya maintindihan. Gusto niyang lumayo ako sa kanya pero siya na mismo ang nagbibigay sa akin ng motibo para lumapit. Ang hirap hirap niyang basahin dahil sobrang misteryoso ng kanyang mga kilos.
Hindi ko alam kung saan siya nakakuha ng ideya na nahuhulog na ako sa kanya. Nakikita ba iyon sa mukha ko? Sa kilos ko? Hindi ko alam. Ang gusto ko na lang ngayon ay ang iwasan siya dahil naiirita ako sa pagiging misteryoso niya.
"Oh? Namumutla ka?" Nag taas ng kilay si Mia nang nakababa na ako.
"Ah, wala 'to." Sambit ko at umupo na sa tabi niya doon sa sofa.
"Asan si Sir Rage, nahanap mo?" Tanong niya.
Tumango ako at lumunok. Napagtanto kong dalawang linggo na lang ay aalis na rin naman ako sa Del Fierro kaya di ko na siya makikita. Magiging maayos din ako!
"Saan? Ba't di bumababa?" Tanong ni Mia.
"Ayon, nag ji-gym." Sagot ko naman habang kinukuha sa bulsa ko ang cellphone na binigay ni Kid.
Binuksan ko iyon at nagreklamo agad dahil walang sim. Kailangan ko palang bumili ng sim. May cellphone ako noon pero sa sobrang galit ni Patricia sa akin ay hinulog niya iyon sa kanal. Hindi na ulit ako naka afford ng cellphone at hindi ko na rin nakita ang dahilan para gamitin iyon.
"Di siya bababa?" Nagtaas ng kilay si Mia sa akin.
Nagkibit balikat ako pagkat di ko naman alam. Pinanood niya ako habang tinitingnan ang laman ng cellphone ni Kid. May mga games na naka install doon kaya nilibang ko ang sarili ko sa paglalaro. Si Mia naman ay nagkibit balikat at 'yong cellphone niya na rin ang kanyang hinarap.
"Hi!" Nagulantang ako nang biglang sumulpot si Kid sa aking likod ilang minuto ang nakalipas.
"Oh, tapos na?" Pinilit kong ngumisi.
Kumindat siya sa akin. "Yup? Punta na tayo sa garden? Sinet up ko don ang table."
"How sweet naman." Hagikhik ni Mia habang tumatayo.
Sumabay din ako sa pagtayo. Lalo na nang narinig ko na si Logan at ang dalawang babaeng kasama na nagsalita.
"Thank God! Gutom na ako!" Ani Logan sabay ngisi.
"I did not cook for you, dude." Tawa ni Kid.
"So you mean to say I can't eat your food?" Ani Logan. "Ideya ko 'to. Back off, Kid."
Tumawa si Kid. "Kidding Logan. Where the hell is Rage?" Sabay kaming nag angat ng tingin sa hagdanan at nakita naming nagmamadaling bumaba si Rage doon. Ngayon ay naka grey tight t-shirt siya at itim na shorts. Nag iwas agad ako ng tingin. Shit! Ang gwapo niya kahit nasa bahay lang.
"Akala namin di ka na bababa." Ani Kid sabay high five kay Rage.
"Nalibang ako sa taas." Ani Rage sabay pasada ng palad sa buhok niyang basa pa. Siguro ay naligo muna siya bago bumaba.
Dumaan siya sa tabi ko at nakumpirma ko kaagad ang pag ligo niya dahil sa naamoy kong mamahaling bodywash. Ngumuso ako at tumingin sa aking mga paa.
"Good evening, Rage!" Maligayang bati ni Jackie sabay beso kay Rage.
Nakita ko ang kamay niyang dumausdos sa baywang ng humahagikhik na si Jackie. Naabutan niya akong nakatitig doon at may ngising nag laro sa kanyang labi.
Shit!
"Kain na tayo?" anyaya ni Kid sabay hawak din sa baywang ko.
Hindi ako kumportable pero hinayaan ko siya. Nilingon ko si Kid at ngumiti ako sabay tango. Narinig ko ang ubo ni Mia sa likod ko.
"Tara na! Gutom na rin ako!" Ani Mia at naglakad na kami patungong garden.
Kaharap namin ang isang billiard table at ang swimming pool sa na set up na dining table sa labas. Hindi tulad nong una kong pagpunta dito ay walang tao doon. Hindi ko maimagine na si Rage lang ang nakatira dito. Malaki ang kanilang bahay at ang alam ko ay mag isa siya. Sabihin na nating may katulong siya pero hindi ba nakakaumay ang mag isa? Well, siguro may mga babaeng palagi rin dito. Inisip ko tuloy kung ilang beses na siyang nagdala ng babae dito.
Hinila ni Kid ang upuan ko at pinaupo niya ako sa tabi niya.
Umupo si Rage sa harap ko. Si Mia ay nasa gitna, excited sa pagkain. Katabi ni Rage si Jackie. Si Logan ay kaharap naman si Katerina.
Maingay ang mga babae sa pagpupuri kay Kid sa kanyang luto.
"It looks delicious, Kid. Saan mo natutunang gumawa ng lasagna?" Ani Katerina.
"Hobby." Ani Kid sabay sulyap sa akin.
"How about you, Rage? Nagluluto ka ba?" Tanong ni Katerina kay Rage.
"Are you kidding me, Kat? Of course! He's damn pretty good in the kitchen." Makahulugang ngumisi si Jackie kay Rage.
Nag iwas ng tingin si Rage at alam ko kaagad kung ano ang ibig sabihin ni Jackie sa sinabi niya. Gumapang ang galit sa sistema ko.
"Let's eat?" Anyaya ni Logan.
Nagsimula na kaming kumain. Inentertain ako ni Kid sa paglalagay ng pagkain sa aking pinggan. Hilaw ang mga ngisi ko, hindi pa napapawi ang galit sa sistema.
"Marunong ka bang mag luto, Sunny?" Tanong ni Logan sa akin.
Ngumunguya ako ng menudo kaya tumango ako sa tanong niya.
Tumango rin siya sa akin. "That's good. Gusto ko ng mga babaeng marunong mag luto." Ngiti niya sa akin.
"What do you mean by that, Logan?" Lingon ni Kid sa kanya.
Ngumisi pa lalo si Logan. "Easy, sinabi ko lang iyon."
Uminit ang pisngi ko sa pag angal ni Kid. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ngunit tingin ko ay hindi kaya ni Mia na manahimik sa isang tabi.
"Pag mag be-bedspace ka na, pwede ka ng magluto ng sarili mong ulam." Ani Mia sa akin.
"Bed space?" Kumunot ang noo ni Logan. "May plano kang mag rent ng place?"
"Bed space lang." Nahihiya kong sinabi.
"Actually, may plano siyang umalis sa Del Fierro." Ani Mia.
Nilingon ko kaagad si Mia at sinenyasan ko siyang tumahimik. Nag pout na lang siya at hindi man lang nagsisi sa kanyang ginawa.
"And you'll allow it, Rage?" Tanong ni Logan.
"Bakit ka aalis don?" Ani Kid sa akin.
"It's her decision." Kibit balikat ni Rage.
"Rage, how's your business?" Biglaang tanong ni Jackie kay Rage. Nagpasalamat din ako sa pakikisali niya dahil naalis ang usapan doon.
Gayunpaman ay hindi ako tinigilan ni Kid. Habang nag uusap silang lahat sa hapag ay nilapit niya ang ulo niya sa akin para bumulong.
"What are your plans? Saan ka magtatrabaho?"
Uminom ako ng juice bago siya sinagot. "Marlboro girls. May plano kasi akong mag aral."
"Oh, that's good! A good plan." Namangha si Kid sa akin kaya napangiti ako sa kanya.
"Kid..." Mariing sinabi ni Rage habang nilalapag ang iniinom na tubig.
Napatingin ako sa kanya. Diretso ang tingin niya kay Kid.
"Pagkatapos nating kumain, let's play pool?" Hamon ni Rage.
Tumawa si Kid. "Pwedeng kayo na lang ni Logan, Rage. I want to spend quality time with Sunny here." sabay angat niya sa mukha ko at ngisi.
Hindi ako sanay sa mga paghaplos niya sa akin ngunit di ako umangal.
"Are you scared, Kid?" Nagtaas ng kilay si Rage at tumindig ang balahibo ko sa tanong niya.
Nilingon agad siya ni Kid nang nakakunot ang noo. Kitang kita ko ang tangos ng ilong ni Kid sa kinauupuan ko. At alam ko kung ano ang ginagawa ni Rage. Gusto niyang mawala ang atensyon ko kay Kid. Gusto niyang mang istorbo sa amin.
Humalakhak si Mia. Napatingin ako sa kanya at may bingkas siyang palihim. 'May plano ako' sabay kindat niya. Umiling agad ako sa kanya.
"You know I'm not, Rage." Mariing sinabi ni Kid.
"Sige na, Kid. Hindi marunong mag billiard si Sunny. Turuan mo naman siya, oh."
Holy shit! Diyan nagkakamali si Mia! Marunong akong mag billiard! Kailangan ko bang mag panggap na hindi? Malamang!
Lumiwanag ang mukha ni Kid nang narealize ang sinabi ni Mia. Agad siyang pumayag kay Rage. Nakita kong napatingin si Rage kay Mia at medyo galit siya. Hindi man lang siya tiningnan ni Mia pabalik.
Umiling ako sa iniisip na plano ni Mia. Kung ano man iyon ay dapat tigilan niya na iyon! Nagtatakot ako sa plano niya! Ang plano ko ay ang hindi pansinin si Rage sa ngayon. Ayaw kong dagdagan ang pag iisip niyang may gusto nga ako sa kanya.
Pagkatapos naming kumain ay agad na nilatag ni Rage ang mga bola sa billiard table. Naka upo parin si Logan, Mia, at Katerina sa dining table habang pinapanood kami.
Si Jackie ay nasa tabi ni Rage. Kinakausap niya si Rage kung may pagkakataon. Sumasagot din si Rage ngunit mas pinagkaabalahan niya ang mga bola.
Nasa nasa gilid ako ni Kid dahil kinakausap niya naman ako tungkol sa kahulugan ng iba't-ibang bola ng billiard. Ipinakita niya rin sa akin kung paano mag pose para makatira sa isang billiard table.
"Mamaya, tuturuan kita kung paano 'to." Ani Kid.
Tumango ako at nagkunwaring masaya sa plano niya. Kita ko sa gilid ng aking mga mata ang titig ni Rage sa akin.
"Go Kid and Sunny! Talunin niyo sila!" Cheer ni Mia sa likod.
Nilingon ko siya at wala siyang ginawa kundi ngumiti na lang doon.
"Let's start." Ani Rage sabay lapit kay Kid.
Mabilis na nagsimula ang laban. Si Kid ang unang tumira at walang pawis niyang naipasok ang unang dalawang bola. Nang nasa ikatlo na siya ay na-scratch kaya si Rage ang pumalit. Ngumisi si Rage at tumingin sa akin. Tinaas ko ang kilay ko. Tingnan natin kung hanggang saan ang abilidad mong ipinagmamalaki.
Hindi siya napahiya. Nangulelat ng husto si Kid dahil nang pagkakataon na ni Rage ay hindi niya na ulit pinatira si Kid. Nanalo siya!
"What the fuck?" Ani Kid nang nakapasok ang huling bola.
Maangas na nag taas ng kilay si Rage habang tinutuko ang taco, ang isang kamay ay nakapamaywang. Kumapit si Jackie sa kanyang braso. "Ang galing mo, Rage!" Malambing niyang sinabi.
"Okay lang yan, Kid." Sabi ko sabay haplos sa likod ni Kid.
Medyo nakakunot ang noo ni Kid nang tumingin siya sa akin. "You're not impressed." Iling niya.
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Let's try again, Rage!" Ani Kid at agad na ibinalik ang mga bola sa table.
"As you wish." Sarkastikong sinabi ni Rage at kumalas sa kapit ni Jackie sa kanyang braso.
Walang duda, isa nga si Jackie sa kanyang mga babae. Nakita ko ang matalim na tingin ni Jackie sa akin habang naglalaro sila sa pangalawang beses. Humalukipkip na lang ako at tumutok sa laban.
Mas naging mainit ang laban. Dalawang beses tumira si Kid bago siya nagkamali. Si Rage din ay ganon. Mas lumabas ang techniques nila at mas naging seryoso. Ngunit sa huli ay si Rage parin ang nanalo. Tumatawa si Rage nang nakitang na frustrate si Kid sa pagkatalo niya, pangalawang beses.
Tumawa si Logan. "You can't bet a beast."
"I can beat Rage, Logan! I'm just distracted." Ani KId sabay sulyap sa akin.
"Oh? Mas distracted ako." Nagtaas ng kilay si Rage kay Kid.
Napatingin ako sa kanya at nakita kong sumulyap siya sa akin.
"We both have distractions, Rage pero mas distracted lang talaga ako. I'm not like you." Ngumisi si Kid sa akin.
"Okay lang 'yan, Kid. I'm sure magaling ka. Maswerte lang siguro siya ngayon." Ngisi ko kay Kid.
Umiling si Kid. "I don't think so. Maswerte ako ngayon, I'm sure. Can I teach you how to play this instead?"
Nagulat ako sa gusto niya.
"You don't want a game three, Kid?" Hamon ni Rage.
"Nah, Rage. Pansinin mo na lang si Jackie. I'll teach Sunny this time." Sabay bigay ni Kid sa akin ng taco.
"Sir Rage, beer?" Singit ni Mia sa table.
"No thanks." Ani Rage habang hinihila na siya ni Jackie.
"Don na tayo sa table, Rage. Let's talk." Malambing niyang sinabi.
Kinalas ni Rage ang kamay ni Jackie na nakapulupot sa kanya at nagulat ako nang hindi siya sumunod. "No, Jackie. I'm gonna watch here." Aniya sabay tingin sa akin.
Hinayaan siya ni Kid. Syempre dahil wala namang alam si Kid sa kanyang binabalak. Pero habang hawak ko ang taco ay kumakalabog ang puso ko. Nanonood siya sa akin. Bawat galaw ay sinisigurado niyang nakikita niya ng husto. Nakaismid si Jackie sa kanyang tabi habang siya ay nakahalukipkip naman doon.
"Bend." Utos ni Kid.
Tumango ako at tumugon sa kanyang utos. Nasa likod ko siya at nasa harap naman ng table si Rage, nanonood habang yumuyuko ako sa table para asintahin ang puting bola.
"That's wrong. I'll teach you." Ani Kid sabay yuko din sa likod ko.
Naramdaman ko ang dibdib niya sa likod ko at ang hita niya sa hita ko sa likod. Uminit ang pisngi ko lalo na nang hinawakan niya na ang kamay ko at tinutok niya ang daliri ko para maayos ang pag asinta sa puting bola.
"Good job." Aniya sa tainga ko.
Kinagat ko ang labi ko at nag angat ng tingin sa kay Rage na nag igting ang panga sa kinatatayuan niya.
"You're doing it wrong, Kid." Sambit ni Rage.
Napatayo ako ng maayos dahil lumapit siya sa amin. Umatras din si Kid ng bahagya.
"Kaya ka pala laging natatalo." Ani Rage.
"Hindi kaya ako laging natatalo." Hilaw na sinabi ni Kid.
Pareho na silang nasa likod ko. Hindi ako makatingin ng diretso kay Rage kaya sa mukha ako ni Kid tumitig.
"Let me teach her." Ani Rage. "Tabi."
Shit! Anong ginagawa niya? Kitang kita ko ang pag kaka offend ni Kid sa sinabi niya! Magkaibigan silang dalawa at hindi ko lubos maisip kung bakit ginagawa ito ni Rage kay Kid! Ang sama niya! Sobrang sama!
"Bend over, Sunny." Utos ni Rage.
Naghuramentado ang buong sistema ko nang naramdaman kong tumayo siya sa likod ko. Nanginig ang kamay ko habang hinahawakan ang taco. Agad niyang tinabunan ang daliri ko ng kanya para hindi yon manginig.
"You're shaking." Bulong niya na halos hindi ko marinig.
Kumalabog ang sistema ko. Gusto ko na lang tumakbo ngunit ayaw kong may mahalata sila sa kinikilos ko.
"A lot." Bulong ulit niya nang humaplos ang kanyang likod sa aking likod.
"Turuan mo na lang ako." Halos manginig ang boses ko.
Narinig ko ang kaonting halakhak niya sa tainga ko. Tumatama ang hininga niya doon dahilan kung bakit mas lalo akong kinikilabutan. "Shoot. I know you know how to do this, Sunny. You know the stance."
Ano? Mas lalo lang akong nawawala sa aking sarili. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ngunit wala na akong pakealam sa ngayon.
Kinagat ko ang labi ko. "Alam mo naman pala, bakit mo ako tinuturuan?" Mas mahina kong binulong.
"I don't like watching someone else hold your hand." Mariin niyang sinabi dahilan kung bakit tinutok ko ng mabuti ang taco sa puting bola at agad kong tinamaan iyon. Tatlo ang pumasok. Mabilis akong tumayo.
Pumalakpak si Kid ngunit hindi maalis sa kanyang mukha ang galit sa ginawa ni Rage. Lumayo agad ako kay Rage at nagkatitigan kami. Nagtaas siya ng kilay sa akin.
He's so unfair.
####################################
Kabanata 15
####################################
Kabanata 15
Really Bad
Tumigil ako sa paglalaro. Ibinigay ko kay Kid ang taco at maligaya naman niyang tinanggap iyon. Kahit na umangal si Rage sa ginawa ko ay mas nangibabaw ang determinasyon ni KId na manalo kay Rage.
Umupo ako sa tabi ni Mia. Naka ngiting aso siyang pinapanood ako sa gilid ng aking mga mata. Hindi naman ako makatingin sa kanya dahil naka pirmi ang titig ko sa kay Rage na tuwing nakaka score ay sumusulyap at ngumingisi sa akin.
Yabang!
"Kid!" Sigaw ni Mia sa seryosong tumitirang si Kid.
Nilingon siya ni Kid pagkatapos tumira at naka score. "Bilisan mo na diyan, mas mabilis kang matapos, mas makakapag usap kayo ni Sunny."
Ngumuso agad si Rage sa narinig kay Mia.
Sumang ayon si Kid kay Mia, dahilan kung bakit mas lalong lumaki ang ngisi ni Mia pabalik sa akin. Umiling ako sa kanya ngunit wala na yata talagang makakapigil sa bibig niya.
Nakita kong hinaplos ni Jackie ang braso ni Rage. May binulong siya sa tainga ni Rage pagkatapos ay ngumisi. Hindi man lang natinag ang ekspresyon nI Rage. Imbes ay nanatili ang titig niya sa billiard table, nag coconcentrate sa susunod na tira.
"Damn, I suck!" Iling ni Kid pagkatapos ng huling laro.
Lumapit siya sa akin at tingin ko ay nawala na ang pagkakaoffend niya kanina kay Rage.
"Yeah, dude, you suck a lot." Hagikhik ni Logan sabay tayo.
Sumama si Katerina sa kanya. Ang dalawang ito ay parang may kanilang mundo. Mabilis silang lumapit sa billiard table para agawin iyon kay Rage. Hindi naman umangal si Rage. Nag madali pa nga siyang lumapit sa table. Nakasunod naman sa kanya si Jackie.
Hindi na ako naging komportable. Lalo na nang nagkausap na kami doon sa table.
"Rage, ihatid mo na siguro si Jackie sa kanila. Mukhang inaantok na." Puna ni Kid kay Jackie sa tabi ni Rage.
Naluluha ang mga mata niya sa antok. Kanina pa niya kinakausap si Rage ngunit walang ginagawa si Rage kundi tumango at panoorin ang galaw ko. Ito ang dahilan kung bakit mas lalo lang akong kinakabahan. Sana naman ay huwag nang sumingit si Mia. Mabuti na lang at nalibang din siya sa pag titext, siguro ay nag titext sila ni Eric.
"Ihahatid siya ni Logan." Sagot ni Rage.
Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong hindi niya ako tinatantanan sa titig. Obvious siya masyadong makatitig at tingin ko ay malalaman na ni Kid na may kung ano sa aming dalawa pag di siya tumigil.
"Ihatid mo na lang kaya ako, Rage? Matagal pa 'yang si Logan at Kat." Ani Jackie.
"You can wait for them, Jack. Si Logan ang nagdala sa'yo dito, siya ang maghahatid sayo pauwi." Mariing sinabi ni Rage at nag iwas ng tingin sa akin.
Pinanood niya si Logan at Katerina sa billiard table. Nagulat ako nang humagalpak sa tawa si Kid.
"Sorry, Jackie." Sa gitna ng tawa ni Kid ay nagawa niya pang kausapin si Jackie.
Nag pout si Jackie at mas lalo kong naaninag ang pula niyang labi. Maganda siya. Well, sa lahat naman ng nakikita kong kumakapit kay Rage may common denominator silang lahat. At iyon ay ang pagiging maganda.
"I know... When will you ever change, Rage?" Matabang na sinabi ni Jackie kay Rage.
Napatingin si Rage sa kanya, nakakunot ang kanyang noo. Tumawa ng hilaw si Jackie at tumingin naman kay Kid.
"He was never the gentleman type. Siguro 'yan ang dahilan kung bakit maraming nagkakandarapa sa kanya. Bad boy attracts good girls." Iling ni Kid.
"What are you talking about, Kid?" Nagtaas ng kilay si Rage kay Kid.
"Wala." Ani Kid.
Nagkatinginan kami ni Kid. Hindi ko mapigilang sumang ayon sa kanya. Lumiwanag ang mata niya nang nakita niya siguro sa mga mata ko na nagkakasundo kami sa sinabi niyang iyon.
Humikab si Mia sa gilid ko. "Hinahanap na ako ni Eric. Uwi na tayo, Sunny?"
Nagulat ako at nagyaya siyang umuwi. Tumango agad ako ngunit nang nakita kong ngumisi siya ay alam ko agad na parte ito ng plano niya.
"Sinong maghahatid sa inyo?" Tanong ni Rage.
"Tanong pa ba 'yan. Syempre ako, Rage." Ani Kid sabay tayo.
Tumayo na rin ako nang tumayo si Mia. Nakita ko sa mga mata ni Rage ang pagkakairita sa sagot ni Kid. Wala namang masama sa sagot ni Kid. Talagang iritado lang si Rage sa kung anu anong bagay.
"Kasi gentleman si Kid." Ngisi ni Mia.
Nakita kong nag igting ang panga ni Rage. Hindi malaman kung kanino ibabaling ang atensyon kay Mia ba o kay Kid.
"Of course. At your service!" Kumindat si Kid sa akin.
Hindi ko mapigilan ang ngiting naglaro sa labi ko. Hindi ko alam kung natutuwa ba ako sa galit na ipinapakita ni Rage o sa pagkakagentleman ni Kid.
"Bumili na rin siguro tayo ng sim along the way para naman makapag text na si Sunny sa atin." Ani Mia.
"May cellphone ka na, Sunny?" Bumaling si Rage sa akin.
"Dude, I gave her my spare phone. Nice?" Halakhak ni Kid sabay tapik sa likod ni Rage.
Halos marinig ko ang tawa ni Mia sa gilid ko. "Magpaalam na tayo." Hindi niya mapigilan ang ngiti sa kanyang labi. "Logan, Katerina, alis na kami!"
"Logan, ihahatid ko na sila. Rage, thanks for tonight!" Ani Kid.
Ngumiti at kumaway na lang ako kay Logan at Katerina. Si Jackie ay abala sa pagsasabi ng kung anu ano kay Rage at si Rage naman ay abala sa paninitig ng matalim sa akin. Hindi ko na sila kinawayan. Sumunod na lang ako kay Kid at kay Mia.
Inantok ako sa byahe. Late na nga pala at kailangan ko nang matulog ng maaga para makabawi para sa pag du-duty ko ng gabi bukas. Bumili kami ng sim, pagkatapos ay hinatid si Mia. Nahuhulog na ang mga mata ko nang nagpark si Kid sa tapat ng building. Napatalon na lang ako nang dumapo ang kamay niya sa hita ko. Mabilis lang iyon pero natauhan agad ako.
"Thanks for today." Aniya sabay haplos sa mukha ko.
"Uh, salamat din." Sabi ko. "Uhm, itong cellphone ibabalik ko rin."
"Hindi mo na kailangang ibalik 'yan." Ngiti niya.
Mabait si Kid, hindi ko iyon ipagkakaila. Ngunit may mga panahon na hindi ako nagiging kumportable sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.
Binuksan ko ang pintuan at lumabas na agad ako. Binaba niya ang salamin at kumaway siya sa akin.
"Next date?" Nagtaas siya ng kilay.
Tumango ako, pumapayag sa pag anyaya niya. Hindi ko siya matanggihan.
Nang dumating ang Biyernes ay naging abala ulit ako sa pag poproseso ng mga papeles. Ginawan ako ng schedule sa Sabado ng exam at sa Lunes ay Pwede na akong mag enrol. Dalawang linggo na lang at sisimulan na ang pasukan sa September kaya kinailangan ko na ring gumawa ng resignation letter. Ipapasa ko na ito kay Mrs Ching at ilalagay ko lahat ng kailangan nilang malaman tungkol sa pag alis ko.
Bago pa lang ako dito at hindi ko maipagkakailang maganda makitungo ang management. Talagang matayog lang ang pangarap ko para tumigil na lang dito.
Iyon ang naging laman ng utak ko buong gabi ng pag du-duty kasama si Mia. Tuwing nakikita ko rin nga si Mia ay naaalala ko ang nakitang si Eric noong isang araw. Lagi kong binabantayan ang ekspresyon niya tuwing nagkikita kami sa umaga, kung maayos ba siya o mukhang may problema. So far, wala naman siyang problema kaya inisip ko baka hindi nga si Eric ang nakita ko noong isang araw.
"Okay, 1 hour dito." Sabi ni Ma'am nang nakarating kami sa parehong square kung saan namin madalas makita sina Rage.
Nasanay na ako sa trabahong ito kaya hindi ako nahihirapan sa pag bibenta. Papasok pa lang sa bar ay may nabentahan na agad akong lalaki. Si Mia naman ang dumiretso sa loob.
Kumalabog ang puso ko. Iniisip ko kasing nandito na naman sa loob si Rage. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko. Hindi maaaring ganito ang pakiramdam ko palagi pag naiisip ko siya. Naiinis ako sa kayabangan niya at gusto kong mapahiya siya.
"Cigar, sir?" Tanong ko sa isang pamilyar na lalaking bumibili sa akin.
"Ah, thank God you're here!" Aniya.
Binigyan ko siya ng madalas niyang binibiling sigarilyo at nagtungo ang mga mata ko sa sofa na madalas inuupuan nina Rage, Logan, at Kid. Bumagsak ang dibdib ko nang nakitang walang naka upo doon.
"Thanks!" Sabi nong lalaki at nanigarilyo na palayo sa akin.
Tumunganga pa ako don, hindi matanggap na walang tao doon sa sofa. Ngunit nang nakita ko na ito ng maayos ay nagulat ako nang may nakatalikod na nakaupo doon. Nakita ko ang naka pulang t-shirt na si Rage, nakaupo sa sofa, mag isa.
Lutang ang pakiramdam ko habang unti unting humahakbang doon. Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung uurong ba ako o dadaanan siya.
Nakita ko ang table niyang may dalawang bote ng beer. Ang isa ay puno pa, ang isa naman ay ubos na. Mag isa siya ngayong gabi. Nakapag tataka. Asan kaya ang mga kaibigan niya? Asan ang mga girls?
"Uh, Uhmm.." Nanuyo ang lalamunan ko kaya di ako diretsong nakapag salita.
Bumaling siya sa akin at umupo ng maayos. Normal lang ang ekspresyon niya. Hindi siya nagulat o kahit ano. "Tens, black." Aniya.
Tumango ako at agad kong kinuha sa bag ko ang kailangan niya.
Sa kaba ko ay halos hindi ko makapa ng maayos ang sigarilyong kailangan niya. Nilagay ko sa tainga ko ang takas na buhok ko. Namuo ang pawis sa aking noo bago ko nakapa ang sigarilyo.
Nag angat ako ng tingin at nakita kong nakangisi siya. Para bang natutuwa siya kasi natataranta ako. Pinilit kong magalit at mag suplada.
"Relax." Ani Rage.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Asan si Kid at Logan?" Tanong ko.
Nagtaas siya ng kilay at nagsalin ng beer sa kanyang baso bago uminom. "You have a cellphone. Why don't you ask Kid? My cousin's busy with school."
Tumango ako. Naaalala kong hindi ko pa nagagamit ang cellphone dahil naging abala ako sa school kaninang umaga.
Binigay ko sa kanya ang sigarilyo. Tinanggap niya at nilapag sa table. Hindi pa siya kumukuha ng pera. Imbes ay pumangalumbaba siya at nanood sa akin.
"Asan ang girls mo?" Nag iwas ako ng tingin.
Ngumuso siya at kinilabutan ako. I find him real cute. Shit! "What girls?" Tanong niya.
"Kara, Kimberly, Jackie..." And so on?
"Bakit? May kailangan ka sa kanila?" Nag taas siya ng kilay sa pagtataka.
"Wala. Nevermind. Naisip ko lang ba't ka mag isa."
"Coz I don't want anyone to disturb me. Maayos na ba 'yan na rason?"
Hindi ako umimik.
Nakita kong kinuha niya ang kanyang wallet. Agad ko siyang sinabihan na sana ay exact amount na lang ang ibigay niya ngunit tulad ng mga nakaraan ay ganon parin ang bayad niya. Sinuklian ko siya ng tama ngunit iniwan niya sa ere ang kamay ko, hindi niya tinanggap. Ugh!
"Please, Rage." Sabi ko sabay pakita sa kanya ng pera.
"That's my tip." Aniya sabay iling nang nakita ang kamay ko. "Can you sit, please?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung susundin ko ba siya o hindi pero nagulat ako sa sarili ko nang sinunod ko nga ang inutos niya. Umupo ako sa kabilang sofa. Umiling agad siya.
"Beside me." Aniya.
Kumunot ang noo ko. Madaya talaga siya. Nang sinabi niya sa akin na mahuhulog ako sa kanya at dapat akong mag ingat, nag iingat naman ako pero siya mismo ang dahilan kung bakit ako naghuhuramentado.
"Anong gusto mo?" Tanong ko nang hindi lumalapit sa kanya.
Siya na mismo ang lumapit sa sofa ko. Kumalabog ang puso ko. Shit! Ano na itong nararamdaman ko tuwing nandiyan siya? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
"I just wanna talk to you. Bakit ang suplada mo nitong nakaraang mga araw sa akin?" Kumunot ang noo niya.
Halos gumuhit ang ngisi sa labi ko kahit na pinilit kong mainis. "Di talaga kita maintindihan."
Tumingala siya at pabulong na nagmura bago bumaling ulit sa akin. What's his problem? Hindi ko alam. At tingin ko ay talagang hindi ko maintindihan kahit kailan.
"Umalis ka kaninang lunch break. May lunch date kayo ni Kid?" Tanong niya.
Bakit siya nangengealam? Hindi totoo ang iniisip niya pero bakit kailangan kong mag explain. Last time I checked, boss ko lang siya, hindi boyfriend.
Nakita niyang wala akong planong magsalita. "Ngayong may cellphone ka na, you're a text away. Are you texting each other?"
Nalaglag ang panga ko sa panibagong tanong niya. Nakita ko ang halu halong ekspresyong hindi ko maintindihan sa mukha niya. Hindi ko malaman kung takot, galit, at pagkainis ba iyong ipinapakita niya.
"Come on, Sunny. Answer me." Frustrated niyang sinabi. "This is my time with you. I don't wanna be on the graveyard shift of your sched but I will settle for that right now. I want you to talk to me. And I'll get what I want."
"Sir..." Nilakasan ko ang boses ko sa katagang iyon dahil gusto kong maalala niya na boss ko siya. "Hindi ko alam na kailangan ko palang sabihin sa'yo ang mga ginagawa ko araw-araw." Iritado kong sinabi.
Kinagat niya ang labi niya at napabuntong hininga siya. "Ngayon alam mo na."
Nagulat ako kaya napatayo ako doon. Nakita kong nagulat din siya sa pag tayo ko.
"Hindi kita maintindihan! Ewan ko sayo!" Sigaw ko sa kanya, walang pakealam sa mga nagsasayaw na nakakarinig sa galit na boses ko.
Nanatili ang titig niya sa akin. "I like you. I want you. Bad... Really bad. But I can't have you. I shouldn't. That's why." Aniya sabay tayo at hila sa akin palabas ng bar na iyon.
"Rage! Bitiwan mo ako!" Sigaw ko sa kanya nang nakalabas na kami sa dagat ng mga tao ng bar na iyon.
Kinailangan ko pang hilahin ang kamay ko para matanggal iyon sa mga kamay niyang nakahawak sa akin. Kitang kita ko ang mga taong napapatingin sa amin. Inaagaw niya ang atensyon ng mga tao! Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko dahil sa init na naramdaman doon! Nakakahiya.
Tumigil siya sa gilid ng kanyang sasakyan at hinarap niya ako. Nakita ko ang galit sa kanyang mga mata.
"Damn it! I want to just put you in my car and drive you home right now! But I can't and I shouldn't!"
Nanlaki ang mga mata ko. Sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko ay napahawak na ako sa dibdib ko. Nanginginig ang kamay ko.
####################################
Kabanata 16
####################################
Kabanata 16
Hindi Nakokontento
Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Rage. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas para gawin iyon kahit na kinakabahan ako at nanghihina sa harap niya. Wala siyang karapatang gawin iyon! Dahil hinding hindi ko siya kailanman maiintindihan. Hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa kanya patungo sa akin. Ayokong isipin na dahil iyon sa estado ng aking buhay pero iyon lang ang tangi kong nahihinuha.
Hindi niya na ako sinundan nang umalis ako. Siguro ay nalaman niya rin ang pagkakamali ng mga sinabi niya sa akin.
Nang datnan ako ni Mia ay nagmadali na kaming umalis doon. Lumipas ang ilang araw at nagpasalamat ako dahil madalas akong itext ni Kid. Nakakalimutan ko ang pangyayaring iyon. Mas naiirita lang ako sa kanya dahil sa opisina ay madalas halos hindi niya ako tingnan.
"Good morning, Rage!" Umalingawngaw ang boses ni Kid sa loob ng opisina habang nag lilinis ako.
Nasa loob rin ang ibang head ng mga offices at kanina pa sila nag uusap tungkol sa isang inverstor na ayaw papasukin ni Rage pero di umano'y makakatulong sa kompanya.
Nag angat ako ng tingin kay Kid at nakita kong may dala siyang flowers. Napatingin siya sa akin at ngumisi na agad siya. Uminit ang pisngi ko ngunit binisita ng mga mata ko si Rage na ngayon ay pumangalumbaba at inaayos ang papel na binabasa niya.
"Anong kailangan mo, Kid?" Malamig niyang sambit.
"Ah! You know why I'm here. Pahiram kay Sunny saglit?" Nagtaas ng kilay si Kid.
Napatingin ang iilang mga malalaking empleyado ng kompanya sa akin. May nakita akong nag bulung bulungan. Agad akong nahiya. Ano kaya ang iniisip nila? Ang isang tulad kong makikipag date sa isang mayamang taong tulad ni Kid ay halatang hindi maari para sa isang tulad ko.
"My employee is working, Kid." Ani Rage.
"Para naman tayong di magkaibigan." Ani Kid sabay ismid kay Rage.
Hindi na nagsalita si Rage. Umiling na lang siya at hindi na ulit pinigilan si KId. Sinalubong ako ni Kid sa pamamagitan ng pag hawak sa aking siko.
"Flowers for you." Aniya sabay pasada ng ngiti.
Napangiti rin ako. Maganda ang mga bulaklak na napili niya pero hindi ko mapigilan ang aking sarili. "Kid, nasa trabaho ako. Baka magalit si Sir Rage."
Umiling agad si Kid. "Sinabi ko sayo kahapon na pupuntahan kita diba?"
"Akala ko after work." Sabi ko.
Ngumisi siya. "It's okay, Sunny. Magkaibigan kami ni Rage. At kung magagalit siya sayo, I can always offer you another job. Mas maganda pa dito at mas malaki ang sweldo. Ang nagpipigil lang sa akin na gawin iyon ay ang pagkakaibigan namin ni Rage. I don't want him to lose an employee, but you see, I can do that. Kakausapin ko lang siya in time."
Nagulat ako sa seryosong tono ng boses ni Kid. Seryoso ba siya don sa sinabi niya? Hindi ko matatanggap ang trabahong inaalok niya sa akin, kung ano man iyon, dahil aalis na rin naman ako dito para sa pag aaral ko.
Sumulyap ako kay Rage ngunit nakatingin lang siya sa kanyang papel na parang wala siyang pakealam kung sumama man ako o hindi.
Nilingon ko ang cart ko at inisip kong kailangan ko muna 'tong ibalik sa lounge. Pinigilan ako ni Kid sa pagtulak non.
"Tatawagan ko ang Maintenance, ipapakuha ko 'yan." Ani Kid.
"P-Pero..."
"Walang pero-pero, Sunny. Come on, please?" Nag puppy eyes si Kid.
Hindi ko maiwasang ngumiti. Sumulyap ulit ako kay Rage ngunit nakikipag usap na siya ngayon sa isa pang Head of Office kaya dumiretso na ako sa labas.
Nagmadali ako sa pagbibihis. Wala si Mia sa Lounge kaya itetext ko na lang siya na sumama muna ako saglit kay Kid. Tumunog ang cellphone ko habang nasa elevator ako at nabasa ko ang message ni Kid para sa akin.
Kid:
Nasa parking lot ako. Kita tayo dito.
Nilapag ko ang mga bulaklak na binigay niya doon sa table ng Lounge bago ako umalis. Nahirapan ako sa pagpili ng maisosoot. Ang ending ay nag suot ako ng isang itim na dress na hiniram ko noong isang araw kay Mia. Hindi na daw kasya kay Mia kaya binigay niya sa akin pero gusto kong isipin na hiniram ko lang ito.
Nakita ko kaagad ang Vios ni Kid. Nakahilig siya sa pintuan at laglag pangang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng mukha sa kanyang sindak na ekspresyon.
"Sorry, wala akong ibang damit." Panimula ko.
"Are you kidding me? You look so hot!" Aniya.
Mas lalong nag init ang mukha ko. Hindi matanggal ang mata niya sa akin nang pinapasok niya ako sa kanyang sasakyan. Kahit nong nag drive siya patungo sa isang restaurant ay hindi parin niya maiwasan ang pagsulyap.
"You look nervous. Don't be." Aniya.
"Hindi. Uh, kinakabahan lang ako kasi tingin ko galit si Sir Rage." Sabi ko.
"Nah, di galit 'yon. Ganon talaga siya." Aniya nang niliko ang kanyang sasakyan papasok sa parking lot ng isang mukhang mamahaling restaurant.
Pakiramdam ko ay sobrang out of place ko na agad. Nahihiya tuloy akong bumaba at pumasok don.
"Ganon siya?" Tanong ko.
"Yup. He's kinda moody at times. Kahit nong college kami ganon na siya."
Tumango ako at hindi na nagsalita. Ayokong isipin niya na interesado ako kay Rage.
"Let's go." Bumaba siya at inabangan niya akong lumabas sa kanyang sasakyan.
Pagkalabas ko ay naramdaman ko kaagad ang kanyang kamay sa aking baywang. Marahang haplos ang kanyang ginawa habang naglalakad kami papasok.
"I like your hair like that." Aniya.
Tinali ko ang buhok ko sa gilid at mas nadepina ang kulot nitong tips. "Thank you." Sagot ko.
Pagkapasok namin sa restaurant ay may nakita na agad akong nakatingin sa amin. Naghihintay sila na tingnan sila pabalik ni Kid. Nang nakita sila ni Kid ay tumango lang si Kid sa kanila. Nakita ko ang mga mata nilang nanunuri sa akin. Siguro ay may mali na naman sa suot ko.
Halos glass ang buong restaurant na ito. Malaking hotel at casino ang nasa taas non at alam kong mayayaman lang ang madalas na napapadpad doon. Medyo hindi ako komportable sa red carpet na nakabalot sa sahig ng buong restaurant at sa naglalakihang chandelier sa taas. Masyadong mamahalin ang lugar na ito at natatakot akong may mabasag o madumihan ako.
"What do you wanna eat?" Tanong ni Kid nang naupo na kami sa aming table.
Binigyan agad kami ng menu ng waiter. Umorder agad siya ng para sa kanya ngunit hinintay niya ang order ko. Nagtaas siya ng kilay. Binaba ko ang menu nang nakita ko kung gaano kamahal ang mga pagkain don.
"Kid, uhm... Hindi ko alam kasi kung anong ioorder ko." Sabi ko.
"Make it two, okay?" Ani Kid sa waiter.
Nakita ko kung magkano ang order niya at mas lalo lang akong nagsisi. Dapat ay umorder ako ng kahit anong medyo affordable naman. Ang hayaan siyang umorder para sa akin ay mali.
"Nahihiya ka ba? It's okay, Sunny." Ani Kid.
"Masyado kasing mahal. Uh, hindi ako sanay."
"Masanay ka na! This is just our first date. Dadami pa 'to." Wika ni Kid pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay kong nasa table.
Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. Kasabay non ang paglalagay ng waiter nong wine sa wine glass ko at sa wine glass niya. Kinuha niya iyong sa kanya at iminuwestra din ang wine glass ko. Kinuha ko rin ito at nagpatianod sa gusto niyang mangyari.
"Cheers." Kindat niya.
Ngumiti ako at ginaya ang madalas kong napapanood sa TV saka uminom.
"You are so pretty, Sunny." Ani Kid, nakatitig.
"Uh, thank you." Sagot ko at nilapag ang wine glass.
"Napag isipan mo na ba ang sinabi ko? Why don't you resign? Hindi talaga bagay sayo ang trabaho mo." Panimula niya.
"Mag reresign din naman ako. Mag aaral ako."
Tumango siya. "At saan ka titira?"
"Uh, maghahanap ako."
"You know, I have a condo, Sunny. Marami. Pwede kitang patirahin sa isa-"
Umiling ako at pinutol ko na agad siya. "Kid, kaya kong maghanap ng matitirhan. A-Ayoko ng ganon."
Tumango siya. "I know you won't accept. Halos di mo nga tanggapin ang cellphone na bigay ko. I just want to offer. Kung di ka matahimik ay pwede mo akong bayaran ng rent." Aniya.
"Mahal masyado pag condo."
"The rent will be for two thousand pesos. What do you think?"
Umiling ako kahit na alam kong magandang offer iyon. Ayokong magkaroon ng utang na loob pa ulit sa kanya. "Nakakahiya sayo."
Tumawa siya. "Come on, Sunny. Huwag ka ng mahiya."
Nagtalo kami tungkol don hanggang sa dumating ang pagkain. Hindi ko mapigilan ang tawa ko dahil masyado na siyang makulit kahit na halatang hindi talaga ako bibigay.
"Sasabihin ko kay Rage. Magpapatulong ako sa kanya na kumbinsihin kang lumipat don." Humalukipkip siya.
Natigilan ako sa pagtawa. Not Rage, please.
Nalukot ang kanyang noo nang nakita ang aking ekspresyon. "Talagang natatakot ka kay Rage, huh?"
Huminga ako ng malalim. "Uh, hindi naman sa ganon."
"Hmm. Don't worry about him. Sa oras na umalis ka sa company niya, wala na siyang pinanghahawakan sayo." Ani Kid. "Teka, malupit ba siya sayo?"
Umiling agad ako. "Hindi."
"Talaga? He's moody. Malupit siya minsan. Though his a big playboy, he's also harsh."
"Alam ko." Sagot ko nang naalala ko kung paano niya pinaalis si Kara sa kanyang opisina.
"May pinagmanahan." Tumawa si Kid at tumingin sa pagkain niya.
Napatitig ako sa kanya. May pinagmanahan? Sa parents ba ni Rage? Malupit din ba ang parents ni Rage? Buhay pa ba sila? At asan sila?
Habang kumakain kami ay naisipan kong magtanong tungkol don.
"Buhay pa ba ang parents ni Rage?" Kunwari hindi ako masyadong interesado.
"Yeah. Si tito at tita. Madalas nga lang sa ibang bansa. That's why Rage handles the company. Pag nandito si tito, madalas si Rage naman ang nag ta-travel para makatakas sa responsibilidad."
Tumango ako. "Hindi niya ba sinasama ang girlfriend niya?"
Halos mailuwa ni Kid ang kanyang kinakain sa tanong ko. "Girlfriend? Sino o alin don?" Humagalpak siya sa tawa.
Tama ako. Papalit palit nga ng babae si Rage. At ang mangarap na sana ay ako na lang ay mali dahil ang lalaking tulad niya ay hindi nakokontento sa isa.
"Hindi pa ba siya nagkakagirlfriend kahit kailan?"
Kumunot ang noo ni Kid at bahagyang nag isip. Parang tatango na iiling pero sa huli ay umiling siya. "Hindi pa. I've never seen him go crazy over a girl."
Hindi na ulit ako nagtanong tungkol kay Rage lalo na nang nagkwento na siya tungkol sa kompanya ng kanyang pamilya at sa maaari kong maging trabaho pag lumipat ako don.
"Pero kung gusto mong mag aral, mas maayos din. Mas malaki ang magiging posisyon mo sa kompanya. Anong kurso ang gusto mong kunin?" Tanong ni Kid.
"Accounting sana." Sagot ko.
Tumango siya. "That's good. Really good. You should continue-"
Natigil siya nang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon sa maliit kong bag at agad akong nag apologize sa pang iistorbo ng tumatawag na si Mia.
Ano kayang problema ng babaeng ito?
"Hello, Mia?" Panimula ko.
Parang piniga ang puso ko nang narinig ko ang hagulhol ni Mia sa kabilang linya. Nanlaki ang mga mata ko at parang alam ko na kaagad kung ano ang problema niya.
"Sunny, nakita ko si Eric! May kasamang ibang babae..." Humikbi siya nang humikbi at wala akong ginawa kundi ang makinig.
"Asan ka?" Tanong ko at sumulyap sa labas, papalubog pa lang ang araw.
"Nasa Lounge." Aniya. "Sorry... Hindi ko gustong mang istorbo." At pinutol niya agad ang linya.
Nanlamig ang mukha ko. Kumunot ang noo ni Kid sa nakitang ekspresyon sa akin. Lumunok ako at hindi ko mahanap ang tamang salita. Ayokong umalis dahil masyadong bastos iyon para kay Kid pero kailangan ako ni Mia.
"You okay?"
"Uhm... Kid... Kailangan kong bumalik ng building. May problema ang kaibigan kong si Mia."
"Oh?" Napatingin siya sa mga pagkain namin. "Can you finish a meal for me first, Sunny? Anong nangyari kay Mia?"
Ayaw kong sabihin kay Kid. Kaya sinabi ko na lang na may problema lang kaya kailangan kong umalis. Tinext ko rin si Mia na diyan lang siya sa Lounge at babalik na ako ngayon din.
Masyado na akong na bagabag sa nangyari kay Mia. Marami akong inisip na gagawin niya. In love na in love siya kay Eric. Paano kaya niya nakita si Eric na may kasamang iba? At ano ang ginawa niya? Walang ibang laman ang isip ko kundi si Mia kaya kinailangan ko nang umuwi.
Naintidindihan ako ni Kid kaya hinatid niya rin ako sa building pagkatapos naming kumain. Mabilis akong umalis ng sasakyan niya at hinarap ko kaagad siya.
"I'm sorry, Kid. Babawi ako next time." Sabi ko.
"It's okay. Kung ano man ang problema ni Mia, it must be very important. She needs you and I understand, Sunny."
Pinaglaruan niya ang susi sa kanyang sasakyan at umambang sasama pa sa akin pataas. Ayaw kong makita niyang namomroblema si Mia at alam kong ayaw din ng kaibigan kong makita siya nito kaya tinanggihan ko ang alok niyang ihatid pa ako.
"Thank you so much, Kid. Itetext na lang kita mamaya. Sorry talaga." Sabi ko at napatingin na sa elevator na papabukas sa harap ko.
"It's okay, Sunny." Ngumiti si Kid at mabilisang hinalikan ang aking labi.
Nanlaki ang mga mata ko nang naramdaman kong lumapat ang kanyang malambot na labi sa aking labi at ang kanyang kamay ay humaplos sa baywang ko. Lalo na nang nakita ko ang madilim na mukha ni Rage sa kakabukas lang na elevator. SHIT!
####################################
Kabanata 17
####################################
Kabanata 17
Kiss
Kinabahan agad ako nang nakita ko ang titig ni Rage sa akin. Nag iwas ako ng tingin kay Kid at hindi niya namalayan na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. Binati niya lang si Rage. Sa kaba ko ay nagmadali na ako sa elevator.
"Done for today, Rage? Uuwi ka na?" Narinig kong maligayang tanong ni Kid nang nakapasok na ako sa elevator.
Pareho silang dalawang nakatingin sa akin. Si Kid ay nakangiti habang si Rage naman ay nakabusangot. Bago pa nakasagot si Rage kay Kid ay sumarado na ang pintuan ng elevator.
Hindi ako makapag concentrate sa kahit ano. Marami akong iniisip. Tulad na lang ng kiss ni Kid, titig ni Rage, at ang hagulhol ni Mia. Ngunit nang nakapasok ako sa Lounge at narinig ko kaagad ang pag tangis ni Mia ay napalitan na agad ang mga iniisip ko sa problema niya.
Nagmamascara si Mia kahit na nag lilinis kami ng building kaya kitang kita ko kung paano nalusaw iyon sa baba ng mga mata niya. Itim ang luha niya dahil don at namumugto ang mga mata niya.
Mabilis ko siyang dinaluhan. Kandong niya ang unan na binili ko noon para dito. Pinunasan niya ang kanyang pisngi at mas lalo lang kumalat ng kanyang mascara.
"Anong nangyari?" Tanong ko kahit na alam ko na.
Tumayo ako para kumuha ng tissue sa locker at mabilis ko agad siyang dinaluhan. Pinunasan ko ang pisngi niya para mawala ang luha at mascara ngunit mas lalo lang yata siyang nahabag.
"Tinalikuran ko lahat, Sunny!" Panimula niya. "Kasi mahal niya ako at mahal ko rin siya. Sumama ako sa kanya!" Humagulhol ulit siya.
Nakakatakot palang ipaikot ang mundo mo sa isang lalaki. May posibilidad na sa isang iglap lang ay guguho ang mundo mo sa mga kamay nila.
Inayos ko ang takas na buhok niya. Hinayaan ko siyang magsalita.
"Dapat naniwala agad ako sa'yo, e! May duda na ako pero hindi ako naniniwala kasi mahal ko siya..." Lumiit ang boses niya sa kanyang rason. "Sunny." Napatingin siya sa akin. "Kumulo ang dugo ko nong nakita ko 'yong babae kaya agad ko siyang sinugod! Nagalit si Eric sa akin at nagbanta pa siyang iiwan niya ako! Tangina niya!" Humagulhol ulit siya.
Hindi ko mapigilan ang galit at tabang na akong naramdaman para sa kaibigan ko. Wala akong magawa para sa kanya.
"Tangina niya talaga." Ani Mia habang pinupunasan ng tissue ang kanyang pisngi. "Kinaya kong umiwas sa mga ganon pero siya? Kung mahal niya ako bakit may mahal siyang iba? Tangina!"
Tinanggap ko lahat ng mura na sinabi ni Mia. Dininig ko ang lahat ng iyon ng walang imik. Humiga siya at tumigil na sa pagluha pero madalas paring nagmumura. Ngumuso ako at hinaplos ang buhok niya.
Ilang sandali kaming nanatiling ganon. Nagsalita lang ako nang naisip kong hindi pa siya kumakain ng hapunan. Siguro ay lalabas muna ako para makabili ng haponan niya. Nakita kong pumipikit ang kanyang mga mata. Gusto kong magtanong kung dito ba siya matutulog pero tingin ko ay nasagot niya na 'yon. Paano siya matutulog sa kanila kung nandon si Eric?
"Mia..." Sambit ko ngunit narinig ko ang muntik daing niya at alam kong tulog na siya.
Tumayo ako at nagdesisyong lalabas na lang muna para bumili ng pagkain para kay Mia. Busog ako dahil sa date namin ni Kid pero alam kong di pa kumakain si Mia kaya uunahin ko siya.
Nilagyan ko muna siya ng kumot bago ako lumabas. Kinuha ko na lang ang cardigan ko. Hindi pa pala ako nakakapag bihis. Bumaba ako ng building at inisip agad kung saan ang pinaka malapit na fastfood para mabilhan ko si Mia ng pagkain.
Pagkalabas ko ng building ay niyakap ko kaagad ang sarili ko dahil sa sobrang lamig. Nagulat ako nang nakita ko ang malaking sasakyan ni Rage sa tapat na nakapark. Kahit wala naman talaga akong nakikitang tao sa loob ay nahihiya akong lumabas. Nahihiya ako dahil pakiramdam ko ay nasa loob siya.
"Where are you going?" Narinig ko ang boses ni Rage sa gilid.
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko siyang kausap ng security guard. Naka puting v-neck t shirt siya at ragged pants. Nakalukot ng kaonti ang puting tshirt niya at nakita ko ang kanyang itim na belt. Shit! Why is he so hot?
"Uhm, bibili ng pagkain." Medyo malamig kong sagot. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa siya sinasagot.
"Dressed like that?" Tanong niya at tinaas ang kilay.
Natigilan ako sa paglalakad. Matalim ko siyang tinitigan. Ano ang ibig niyang sabihin? Ano ang problema niya sa suot ko? Bakit ba galit sila sa mga gamit ko? Masyado ba itong cheap para sa kanila na ang makitang sinusoot ito ng isang tao ay masakit sa mata?
Suminghap siya at agad na lumapit sa akin. Sinenyasan niya lang ang security guard na aalis na siya at pumunta na agad siya sa akin.
"Come on." Aniya at nilagpasan niya ako.
Tumunog ang kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pintuan at hinintay niya ang paglapit ko. Tiningnan ko lang siya.
"Kaya kong mag lakad." Galit kong sinabi. Medyo nainsulto sa tanong niya.
"Alam ko. Pero may sasakyan ako kaya di mo na kailangang mag lakad." Maarte niyang sinabi.
"Kaya kong mag isa." Palusot ko.
"Alam ko rin. Pero di mo kailangang mag isa kasi nandito ako." Nakita ko kung paano niya kinagat ang kanyang labi pagkatapos sabihin iyon.
Hindi ko talaga siya maintindihan. Ayoko siyang intindihin pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Humalukipkip siya at hinintay akong lumapit.
"Do I need to drag you, woman?" Nagtaas siya ng kilay.
Umirap ako at nagmartsa patungo sa kanyang sasakyan. Hindi ko alam kung bakit ang saya ko pero gusto kong ipakita sa kanya na naiirita ako.
Sinarado niya agad ang pintuan. Bakit pa kasi nandito pa siya? Bakit di pa siya umuwi sa kanila?
Tumunog ang kanyang sasakyan. Tumitig siya sa akin habang nilalagay ni la-lock niya ang kanyang seatbelt.
"Fasten your seatbelts." Malamig niyang sinabi.
"Hindi mo naman ako kailangang ihatid. Nandyan lang naman sa kanto-"
"Just fasten your seatbelts, Sunny." Aniya.
Padabog kong kinuha ang seatbelt ng kanyang sasakyan at sinunod ko ang gusto niya. Kung gusto mo ikaw na ang mag fasten? Kairita 'to!
Pinaandar niya ang sasakyan. Kita ko na agad ang malaking logo ng Jollibee sa itaas. Hindi niya naman ako kailangang ihatid.
"Hindi ba kayo nag dinner ni Kid?" Tanong niya.
"Nag dinner na ako. Si Mia ang bibilhan ko ng pagkain. Nasa taas pa ng building." Mahinahon kong sagot.
Sumulyap lang siya ng isang beses bago niya diniretso ang sasakyan sa fastfood.
Tumigil ang sasakyan para sa linya sa drive thru. Medyo mahaba iyon kaya natagalan kami sa linya. Habang naghihintay ay tahimik kaming dalawa. Marami akong tanong sa kanya pero walang kayang lumabas sa bibig ko.
"Do you like Kid?" Tanong niyang bumasag sa katahimikan namin.
Nilingon ko siya at nakita kong tamad niyang pinaandar ng konti ang sasakyan para makalinya ng maayos. "Mabuting kaibigan si Kid." Sagot ko.
"Tsss. You sound like a very experienced heartbreaker. Do you like him? Yes or No, Sunny. No flowery words."
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
"Siguro. Nagpahalik ka, diba?" Narinig ko ang galit sa kanyang boses.
"Hindi ko naman 'yon sinadya. Nagulat lang ako kasi hinila niya ako. That's all. At bakit? Ano 'yon sayo?" Medyo matabang kong tanong.
"I just wanna ask." Nag iwas siya ng tingin sa akin at tamad ulit na pinaandar ang sasakyan para umusad sa linya. "And you didn't answer my question."
"Oh, e, syempre, okay siya sakin. Mabait siya." Sagot ko.
"He's an asshole." Maliit ang boses niya nang sinabi niya ito.
"And you're not?" Medyo nagpalpitate ang kilay ko sa irita sa kanya.
"Well, I am. At least I'm not pretending to be a prince charming. What you see is what you get, Sunshine." Napatingin siya sa akin.
Nagkatinginan kaming dalawa. Malalim ang kanyang mga mata at hindi ko talaga alam kung bakit kahit simpleng titig niya lang ay may nararamdaman akong kakaiba. Oo at inamin ko na noon pa na gusto ko siya. Attracted ako sa kanya. Pero hindi ko mapigilan ang magtanong sa aking sarili kung bakit? Bakit ako naaattract sa taong dapat kong iwasan?
At kung tama ako ay naghuhugas kamay na siya ngayon pa lang. Naghuhugas kamay siya sa akin. Sinasabi niya sa akin na pag nahulog ako sa kanya ay masasaktan lang ako. Para pag totoong nahulog nga ako sa kanya at manunumbat ako ay may isusumbat din siya sa akin. Na alam ko na noon kung anong klaseng tao siya, at wala akong karapatang manumbat dahil alam ko na 'yon pero sumubok parin ako. I know this game too well. My mother played it and she lost. Now she's lost forever. I can't be just another loser.
Kumatok sa kanyang sasakyan ang babae sa drive thru. Nang binaba niya ang kanyang salamin ay nakita ko kaagad kung paano kumislap ang mga mata ng babae habang kinukuha ang order niya.
"Fried chicken meal." Sabi ko habang kinukuha ang wallet ko para sa pera.
Bago ko pa nabuksan ay binigay na ni Rage ang card niya sa babae. Kumunot ang noo ko.
"Bayad ko." Sabi ko sabay bigay sa kanya ng pera.
"Keep that." Aniya.
"Kaya kong mag bayad." Sabi ko ulit nang pinaandar niya ang sasakyan at iniwan sa ere ang nagpapantasyang babae.
"Alam ko. Kaya ko rin. Just keep it." Iritado niyang sinabi.
Bullshit! Bakit lagi niyang sinasagot ang mga ganito? Hindi ko siya maintindihan. Tinigil niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng drive thru habang naghihintay kami sa order. Humilig siya sa kanyang upuan at pumikit. Hindi ko mawari kung inaantok ba siya o tulog na talaga.
Nakita kong gumalaw ang kanyang Adam's apple. Tinitigan ko rin ang kanyang jawline na masyadong naka depina. Kumalabog ang dibdib ko. Shit... Napatalon na lang ako nang nakita kong winagayway ng lalaki ang order namin.
Hindi gumalaw si Rage kaya tinanggal ko ang seat belt ko para abutin ang supot na may lamang pagkain.
"Thank you!" Sabi ko sabay ngiti sa lalaki.
Narinig ko ang hininga ni Rage sa tainga ko. Napalingon ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko nang isang pulgada na lang ang layo ng mga ilong naming dalawa. Sobrang lapit namin na naghuramentado na ng husto ang puso ko.
Napaawang ang kanyang bibig ngunit agad niya rin itong sinarado. Nag iwas siya ng tingin sa akin at tinagilid niya ang kanyang ulo.
Uminit ang pisngi ko. Nahiya ako dahil pakiramdam ko ay ayaw na ayaw niya sa akin kaya kahit na nakalahad na ako sa mukha niya, hindi parin niya ako magawang halikan.
"Sit properly. You kissed Kid. I can't kiss you." Nag iwas ulit siya ng tingin.
####################################
Kabanata 18
####################################
Kabanata 18
No Alcohol
Ibig niya bang sabihin ay gusto niya sanang halikan ako kaso hinalikan ako ni Kid? Wala akong ibang maisip kundi iyon. Ayaw kong mag assume pero iyon ang nararamdaman ko.
Tahimik kami sa byahe pauwi. Saka lang siya nagsalita ulit nang natagalan kami sa traffic. Ikinagulat ko rin ang naging tanong niya.
"Siya ba ang first kiss mo?" Tanong niyang bigla.
"Uhm..." umiling ako.
Dalawang beses siyang sumulyap sa akin at kumunot pa lalo ang noo niya. "Sino ang first kiss mo?"
"Nong highschool. Tinulak ako ng mga kaklase ko kaya ayon, aksidente." Pinanood ko ang mga mata niyang nakapirmi sa kalsada.
"Anong pangalan nung first kiss mo?"
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. "Bakit kailangan mong malaman?"
"Nevermind." Sambit niya at nag iwas ng tingin sa kalsada.
Hindi na ako nakapagsalita. Tahimik na rin siya hanggang sa bumaba ako sa labas ng building. Nilingon ko siya para magpasalamat ngunit hindi man lang siya tumingin sa akin.
Naalala ko ulit ang sinabi niya kanina. Hahalikan niya ba ako pag di ako hinalikan kanina ni Kid? Halos wala akong maramdaman nang dumampi ang labi ni Kid sa labi ko. Hinawakan ko ang labi ko at naalala ko ang labi ni Rage. Shit! Siguro ay dapat ko nang tigilan ang kung ano mang pagpapantasya ko kay Rage. Hindi tama ang magpantasya sa kanya ng ganito.
Pinakain ko si Mia. Narinig ko ulit ang pabalik balik na mura niya para kay Eric. Hinayaan ko na lang siya. Wala akong masabi kundi ang kalimutan niya na lang si Eric. Iyan ang mahirap sa nagmamahal, e. Niloko ka na nga, mahirap paring kalimutan.
"Anong plano mo, Mia?" Tanong ko nang humiga ulit siya sa sofa.
Hinila ko ang isang mas maliit na sofa at nilagyan ko ng kumot. Alam kong dito na siya matutulog ngayon. At maaaring hindi lang sa gabing ito.
"Maghahanap ako ng bedspace. Sabay na lang kaya tayong maghanap?" Lumingon siya sa akin.
Awang awa ako sa namumugto niyang mga mata. "Sige." Sagot ko.
At hindi kalaunan ay umidlip na siya. Tumingala ako sa madilim na kisame. Naalala ko ulit si Rage at iyong mga sinabi niya. Kung ako ba sasabihin ko sa kanya na hindi ko siya kayang halikan dahil nakita ko na siyang humalik sa ibang babae, pagbibigyan niya ba ako? I doubt that.
Naiirita ako kay Rage ngunit mas naiiirita ako sa iniisip ko. Naiirita ako dahil naiinis ako sa pang hahalik niya sa ibang babae. Naiirita ako dahil kaya niyang alugin ang ulo ko sa isang salita lang ngunit hindi ko kayang pasukin ang mundo niya.
Kinabukasan ay naging abala ako sa pag aasikaso sa resignation letter ko. Kakatapos ko lang mag exam at kampante ako sa mga naging sagot ko. Sigurado akong pasado ako don kaya nag pasa na ako ng resignation letter nang sa ganon ay sa susunod na linggo ay makakaalis na ako dito. Kaka isang buwan ko lang at nahihiya ako kay Mrs. Ching.
"Sigurado ka ba talaga dito, Sunny? Naging maganda ang performance mo. Walang reklamo si Mr. Del Fierro sa'yo."
Tumango ako kay Mrs. Ching. "Opo. Mas importante sa akin ang pag aaral."
Tumango na rin siya na para bang naiintindihan niya ang sagot ko kahit simple lang iyong naging rason.
Pagkapasok ko ulit sa Lounge nong hapon ay nadatnan ko na naman si Mia na umiiyak at hinahagkan ang isang malaking bag. Tumakbo ako para daluhan siya. Sa di malamang kadahilanan, naalala ko si mama sa kanya. Naaalala ko kung paano na wasak si mama don sa lalaking ginawa siyang kabit.
Galit ako kay mama dahil hinayaan niya ang sarili niyang maging ganon pero hindi ko parin maiwasang makisimpatya.
Niyakap ko kaagad si Mia kahit hindi ko alam kung ano ang nangyayari.
"Walangyang Aling Nenita!" Sigaw ni Mia.
"Shhh... Shh..." Pinapatahimik ko siya dahil may iilang crew doon at ayaw kong may sabihin silang masama tungkol kay Mia.
"Siya pa ang nagdala ng damit ko! Sinabihan pa niya akong malandi! Na ako raw naman ang unang nangaliwa! Walangya talaga! Tangina ninyo po!" Sigaw niya ulit.
Nalikot ang mukha ko sa pagtahan sa kanya. "Mia..." Hindi ko siya mapatahimik. Gusto kong palabasin niya ang nararamdaman niya ngunit gusto ko iyong kaming dalawa na lang muna.
"Kunsintidor! Bwisit! Mahal na mahal ko ang anak niya! Alam kong mukha akong malandi pero tangina si Eric lang ang nilalandi ko!" Pumiyok ang boses niya.
Piniga ang puso ko. Nag alab ang munting galit na naramdaman ko para kay Eric at Aling Nenita. Alam kong dapat ay hindi ako manghimasok ngunit hindi ko lang talaga maatim na nasaktan na nga si Mia ay nakaya pa nilang ilugmok siya sa putikan.
Ganon ang naging takbo ng aking araw. Tinawag ako ni Mrs Ching para sabihin sa akin na aalis na raw si Rage kaya pwede na akong maglinis. Iniwan ko ang tulalang si Mia sa Lounge. Nagdadalawang isip pa ako sa takot na baka kung ano ang gawin niya lalo na't mag isa na lang siya doon. Sana naman ay wala siyang masamang gagawin sa kanyang sarili.
Kumalabog ang dibdib ko nang nasa loob ako ng elevator. Alam kong maaaring wala na si Rage doon, or worst, nandoon siya pero may kasamang iba.
Tumunog iyong pintuan ng elevator at nakita ko kaagad ang pamilyar na double doors na salamin. Dim ang lights at alam ko kaagad na nandoon pa si Rage. Shit! Paano na 'to? Liliko ako at babalik sa elevator o papasukin ko?
Bago pa ako nakapag desisyon ay nagtama ang paningin naming dalawa. Nakahilig siya sa kanyang swivel chair, naka gray na t shirt, ay may dog tag sa dibdib. Pinagsalikop niya ang kanyang mga daliri. Umayos siya sa pag upo nang nakita akong papasok.
"Uh, babalik na lang ako mamaya." Sabi ko.
"No. You can clean the office now." Aniya.
Hindi na ako nakipag talo. Sinunod ko na lang ang sinabi niya. Tumingin ako sa sahig at napansin kong walang kalat doon hindi tulad noong mga nakaraang araw. Halos wala akong mahagilap na alikabok. Ngumuso ako at kinuha iyong mop para mag mop na lang sa sahig.
Tumayo siya at humakbang. Naghuramentado ang sistema ko habang nag mo-mop sa sahig. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang kanyang pamumulsa at paghilig sa kanyang mesa.
"It's clean. Pinalinis ko na kay Tonyo."
Napatingin ako kay Rage. Nakita ko ang blankong ekspresyon ng kanyang mukha.
"Bakit? Kaya ko namang mag linis." Nakapamaywang ako nang hinarap ko siya.
"I know. You just don't need to clean all the trash-"
"Trabaho ko naman 'yon." Sabi ko.
Humalukipkip siya. "Well, you're resigning anyway."
"May dalawang linggo pa ako." Panindigan ko.
Nagkibit balikat siya at ngumisi.
Nangatog ang binti ko sa pagngisi niya. Shit! Ano ba naman ito? Para hindi ako lalo kabahan ay kinunot ko ang noo ko. Bago pa ako makapagsalita ay narinig ko na ang elevator na tumunog.
Nilingon ko iyon para tingnan kung sino ang pumasok ngunit nagulat ako nang nakita ang pulang labi ni Mia. Bihis na bihis siya sa kanyang itim na bandage skirt at cropped top.
"Tutulungan na sana kitang mag linis." Aniya at nilingon si Rage. "Good evening, Sir. Sorry kung bigla akong pumasok. May gusto lang kasi akong sabihin kay Sunny.
Nagulat ako. "Ano?" Nagkabalikan na ba sila ni Eric?
"Alis tayo! Party tayo! Bukas trabaho na naman sa Marlboro! Please?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Ha? Saan?"
"Don lang sa cheap na mga bar. Ililibre kita. Tapos ka na bang mag linis?" Sinuyod ni Mia ang buong opisina.
"Why don't you party alone, Mia?" Tanong ni Rage nang di binibitiwan ang pagtitig sa akin.
Mas lalo kong nilakihan ang mga mata ko at inilingan si Rage. Ayokong may tumutol kay Mia ngayon. Bigla na lang siyang sumigla pagkatapos ng todo todong pag iyak niya, sigurado akong hindi iyon magandang pangitain.
"Sige, Mia. Ibababa ko lang 'tong cart tsaka mag bibihis." Sabi ko.
Ngumiwi si Rage sa akin at hinarap niya si Mia. "Bakit mo sinasama si Sunny?"
Napatingin si Mia kay Rage. "Bakit hindi ko siya isasama?"
"She's young, Mia, for God's sake."
Ngumiwi si Mia kay Rage. "Bente na siya at pwedeng pwede na siya sa bar, Sir. Bakit hindi pwede?"
Nagulat ako dahil naging masyado siyang straightforward kay Rage. Nakikipag usap naman siya kay Rage ngunit hindi ganito na parang inaaway niya na ito.
Hindi makasagot si Rage kaya inunahan siya ni Mia. "Kung gusto mo, sumama ka para masamahan mo siya... Daddy Rage..." Humalakhak si Mia at mabilis niya akong hinila palayo don.
Hindi ako makapaniwalang sinabi niya iyon kay Rage! Hindi ko alam kung tatawa ba ako o matatakot para kay Mia. Humahalakhak naman si Mia sa glid ko habang hinihila niya ako doon palabas.
"Okay, fine. I'll go with you two." Narinig kong sinabi ni Rage bago kami pumasok sa elevator.
Humagalpak si Mia sa loob. Hindi ko alam kung healthy pa ba siya o nababaliw na. Normal kaya siya o hindi na? Pinapanood ko lang siya habang nagbibihis ako. Panay ang salita niya at hindi ako makapaniwalang natigil siya sa pag iyak niya.
"Kita mo ang mukha ni Rage? Mukha siyang nagmamaktol na ama!" Tumawa si Mia.
"Mia... tumigil ka nga." Sabi ko at pinanood ko siyang tumawa ng malakas.
Umiling ako at halos maisip ko na talagang baliw na siya.
Tsaka lang nag sink in sa aking utak na kasama si Rage nang bumaba na kami sa building. Nakita ko siyang nakahilig ulit sa kanyang sasakyan habang pinapanood kaming lumalabas sa building. Sumimangot ulit siya nang nahagip niya kami sa tingin.
Muntik halakhak ang narinig ko galing kay Mia. Nilingon ko siya ngunit pinagtaasan niya lang ako ng kilay.
Bumagsak ang paningin ni Rage sa suot ko nang nakalapit na kami. Napatingin din ako sa suot kong bandage skirt na itim at sleeveless top na pinahiram ni Mia sa akin.
"Get in the car." Ani Rage at agad binuksan ang pintuan sa harap pagkatapos ay sa likod.
Iminuwestra niya sa akin ang front seat kaya sinunod ko siya. Umikot siya para pumasok. Pinaandar niya agad ang sasakyan.
"Rage, sa-"
Pinutol agad ni Rage si Mia. "Hindi kayo pupunta sa mga mumurahing bar, Mia."
"Pero di namin afford yong mga mahal, Sir Rage. Gusto ko lang namang magsaya. Pwede na don sa mura." Hindi ko alam kung bakit natatawa si Mia.
"You go my way. You're inside my car." Aniya.
"Tama si Mia, Rage. Don na lang kami sa mga mura." Sabi ko.
Sumulyap siya sa akin at pumungay ang mga mata niya. Akala ko papayag siya ngunit, "No."
Panay ang paligo namin sa kanya ni Mia ng request na sa mga murang bar lang kami ngunit hindi siya nakikinig. Hanggang sa lumabas na kami sa sasakyan niya at sumunod na kami don sa napili niyang bar na hindi pa namin napupuntahan sa Marlboro Girls ay panay parin ang kumbinsi ko sa kanyang sa mura na lang. Hindi na nagpatuloy si Mia sa pangungumbinsi dahil naaliw na siya sa paligid.
"Ang daming gwapo. Ang daming artista!" Tumawa si Mia at luminga linga sa mga tao sa labas ng bar.
Alam kong masaya dahil nakakalimutan niya ang problema niya pero inaaalala ko ang kahihiyan kay Rage. Nakita ko kung paano niya tinanguan ang bouncer. Nakapasok kami dahil sa simpleng tango niya.
"Cool!" Sabi ni Mia habang tinitingnan ang mga neon straw ng mga taong umiinom don.
"Mia..." Sabi ko at naaalala kung paano siya nalalasing. Nawawala siya sa kanyang sarili kaya dapat ay bantayan ko siya.
"Ang KJ mo naman, Sunny! Mag enjoy na lang tayo!" Aniya at agad kumuha ng dalawang colorless na liquior sa tray ng waiter. Binigay niya ang isa sa akin. "Para sa mga lalaking nangangaliwa, sana mamatay silang lahat!" Binangga niya ang kanyang baso sa akin at nilagok niya iyon ng walang kahirap hirap.
Dahan dahan kong nilagok ang vodka sa gitna ng mga nagsasayaw na tao.
Pagkatapos kong uminom ay naramdaman ko kaagad ang kamay ni Rage sa aking siko.
"Doon tayo." Sabay turo niya sa isa sa mga pinaka maganda at pinakamalaking sofa.
Tumango ako at hinila si Mia.
"Ano ba 'yan! Gusto kong sumayaw! Hindi umupo!" Galit na sambit ni Mia.
"Mia, sumama na lang tayo!" Bulong ko kahit alam kong di niya iyon maririnig dahil sa ingay sa loob ng bar.
Sumunod ako kay Rage. Marami siyang tinatanguan sa dancefloor. Inisip ko kaagad paano kung may babaeng lumapit sa kanya dito? Kinagat ko ang labi ko habang tinitingnan siya. Nagulat ako nang nilingon niya ako at napatingin siya kaagad sa labi ko. Nagtaas siya ng kilay.
"We'll sit here." Aniya.
Tumango ako sabay upo sa sofa na iminuwestra niya.
"Ugh! Wala dito ang masaya! Nasa dancefloor!" Sigaw ni Mia habang nag hiheadbang kasabay sa music ng buong bar.
"WOOO!" Sigaw ng mga tao nang may umakyat na sikat na DJ sa taas at nag iba ang tunog ng trance music.
"Shit! First time ko sa first class na bar bilang guest! Gusto kong lubos lubosin!" Sigaw ni Mia at kumuha pa ulit ng dalawang shot ng vodka sa tray ng waiter.
Buong akala ko ay ibibigay niya ang isa sa akin ngunit nagulat ako nang nilagok niya ang dalawa ng walang kahirap hirap.
"WOHOOO!" Sigaw niya sabay taas ng isa niyang kamay.
"MIA!" Sigaw ko sa pag aalala.
"Let her go, Sunny." Ani Rage.
Bumaling ako sa kanya at nadatnan ko siyang naka number 4 ang upo sa kabilang sofa. Naglalapag ang waiter ng beer sa harap niya at gatas naman sa tapat ko.
"Rage, baka mapano siya." Sabi ko at napangiwi sa milkshake sa harap ko.
"Pinabantayan ko siya sa bouncer. Don't worry about her."
Tumitig ako sa kanya at hinayaan kong mag sink in ang salita niya sa akin.
"No alcohol for you, young lady." Aniya at tinulak palapit sa akin ang milk shake.
WHAT? Bago pa ako makapag react ay biglang bumalik si Mia para hilahin ako.
"May gwapo don sa dancefloor! Halika! Sumama ka sakin!" Aniya at napapatayo na ako sa paghila niya.
"Mia, leave her alone." Medyo iritadong sinabi ni Rage.
Ngumiwi si Mia at nakita ko sa mga mata niya ang kawalan ng focus. "Single siya. Single ako. Dapat mag enjoy. Maghahanap kami ng lalaking matino. Hindi 'yong tulad ninyong mga womanizer."
####################################
Kabanata 19
####################################
Kabanata 19
Lips
Hinigit niya ako patungo sa dancefloor. Siksikan ang mga tao at kung hindi ka sasabay sa kanilang pagsasayaw ay mahihilo ka. Ni hindi ko na namalayan kung saan nakuha ni MIa 'yong vodka na bigla niyang binigay sa akin habang naroon kami sa gitna.
Nilagok niya ng walang kahirap hirap iyong kanya at nagtatalon na sa pagsasayaw. Sumasayaw ang buhok niya kasabay sa pag galaw niya. May nakita akong lalaking sumasayaw sa kanyang likod. Ngumisi si Mia at hinarap iyong lalaking mestizo ngunit hindi mapag kakatiwalaan.
Hindi matitino ang mga lalaki sa bar ngunit gusto kong gumaan ang pakiramdam ni Mia kahit saglit lang. Alam kong nasasaktan parin siya at ito ang paraan para makalimot siya pansamantala.
Humakbang ako at narealize kong nakulong na ako sa dancefloor ng nagsasayawang mga tao. May nakita akong babaeng inangat ng kanyang mga kaibigan. Medyo lasing na sila at nagkakatuwaan na. Natawa ako sa tawanan nila habang nagsasayaw sa buong dancefloor. Namangha ako nang tumayo ang babae sa balikat nong mga lalaking umangat sa kanya. Hindi ko mapigilan ang pag tili. Ang galing!
Ilang sandali ang nakalipas ay sumasayaw na rin ako kasama ng mga tao doon. Ang galing! Kahit na alam ko na malayo ang agwat ko sa kanila ay sa isang iglap lang dito sa dancefloor, nakakalimutan ko iyon. Parang hindi si Sunshine Aragon, isang janitress, ang kasayaw nila dito.
Lumingon ako sa gilid at nagulat ako nong nandon na si Rage, nakatayo at nakasimangot sa akin habang nagsasayaw ako. Medyo nahiya ako sa pagsasayaw ko. Gusto kong tumigil pero bakit ko iyon gagawin? Dahil lang ba sa kanya?
"Balik tayo sa sofa." Utos niya.
Kumunot ang noo ko at mas nagpursigi akong sumayaw.
"Sunny..." Tawag niya.
Umiling ako. "Ikaw na lang muna, Rage." Umikot ako at hinawi ko ang buhok ko sa pagsasayaw.
"This is not a good place-"
Naputol siya nong inirapan ko siya at iniwan sa kinatatayuan niya.
Sumayaw ulit ako sa mas gitnang parte ng dancefloor. Nakikita ko si Mia mula rito, kasayaw niya iyong lalaking humila sa kanya kanina at mukhang nag uusap sila habang ginagawa iyon.
Halos mapatalon ako nang may naramdaman ako sa likod ko. Unti-unti ko itong nilingon para tingnan kong sino at nang nakita ko ang pamilyar niyang damit at katawan ay halos manigas ako sa dancefloor. Si Rage ay sumasayaw sa likod ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! Kung sasayaw ba ako kasabay niya o titigil na lang?
"You won't join me? I'll join you." Bulong niya.
Tumigil ako sa pagsasayaw at nilingon ko siya. Tumigil din siya at nag taas siya ng kilay sa akin.
"Hindi kita maintindihan." Sambit ko sa gitna ng maingay na music.
Hindi siya natinag sa sinabi ko. Halos hindi niya iyon inintindi. Tumayo lang siya sa harapan ko at humalukipkip.
Umirap na lang ulit ako at aalis na sana doon sa harapan niya para sumayaw kung saan pero hinila niya ang braso ko.
"Gusto kong sumayaw at hindi ako makasayaw pag ikaw ang kasama ko!" Walang preno kong sinabi.
"At makakasayaw ka pag ibang tao?" Nagtaas siya ng kilay.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang pinasadahan ng palad ang kanyang buhok ay nagsimula siyang sumayaw sa harapan ko. Halos mapamura ako nang iginala ko ang paningin ko mula sa kanyang mga paa pataas sa kanyang ulo. He's freaking hot.
May nakita akong kamay ng isang babaeng dumantay sa kanyang dibdib. Ang pulang nailpolish nong babae ay umilaw sa gitna ng madilim na dancefloor. Halos itulak ako nong matangkad at mestizang babaeng lumapit para lang maisayaw si Rage ngunit hinawakan ni Rage ang aking kamay.
"Sorry, I'm taken." Aniya sa babaeng mabilis na tumingin sa akin.
"Rage Del Fierro? Taken?" Nagtaas ng kilay ang babae kay Rage na parang naghahamon.
Hinila niya ako kaya bahagya kong natulak ang babae. Iritado akong tinitigan ng babae. Imbes na siya ang pagtuonan ko ng pansin ay nawala ako sa aking sarili nang naramdaman ko ang kamay ni Rage na dumantay sa aking baywang.
"Yup. Taken. Big time." At bumaling si Rage sa akin.
Napatingala ako sa kanya. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Natatakot akong nararamdaman niya ang kalabog ng puso ko sa sobrang lapit namin.
"Whatever!" Anang babae at biglang umalis dala ng kahihiyan.
Kinagat ko ang labi ko nang binitiwan ako ni Rage.
"Balik na tayo sa sofa." Aniya.
Umiling ako at nagulat sa aking desisyon. "Sasayaw ako." Sabi ko at nagsimula na naman akong sumayaw at nagpatianod sa music ng buong bar.
Ilang mura ang narinig ko mula sa kanya bago niya ako sinabayan. Uminit ang pisngi ko. Nang luminga ako sa paligid ay pansin ko ang iilang mata ng mga tao na nakatingin sa amin. Siguro ay kilala nila si Rage kaya curious sila kung sino ako.
Hinawakan niya ang aking baba at inangat iyon sa kanyang mga mata.
"I want your attention, Sunny." Aniya.
Nag iwas parin ako ng tingin. Hindi ko siya kayang tingnan habang nagsasayaw kaming dalawa. Parang nakakapaso.
Hinawakan niya ang kamay ko at tinungtong niya iyon sa kanyang balikat kaya hindi ko napigilan ang pag tingala ulit.
"Hindi talaga kita maintindihan."
Kumunot ag kanyang noo. "Aling parte ang hindi mo maintindihan?"
"Hindi ko alam kung gusto mo ako o gusto mo lang akong tuksuhin. At pag natutukso ako lagi mo akong pinipigilan."
Ngumisi siya.
Tumindig ang balahibo ko sa pag angat ng kanyang labi ngunit nagpatuloy ako. "Hindi ko alam kung ano talaga ang gusto mong mangyari." Iling ko.
"I want you to stay away but I don't want you far. I'm probably fucked. Real fucked." Bulong niya sa tainga ko.
"You curse too much. Wala akong maintindihan." Halos nalalasing ako sa mga salita niya kahit na totoong hindi ko parin makuha ang gusto niyang iparating.
Inilapit niya pa ang katawan niya sa akin. Ramdam ko na ang init ng kanyang dibdib. Bumaba ang isang kamay ko sa kanyang braso. Shit! Napatingin siya sa kamay kong namamahinga doon.
"I can't like you. No. And you can't like me back." Iling niya pareho kaming natigil na sa pagsasayaw. "But Damn it, I like you. No. I'm drawn." Nilagay niya ang takas kong buhok sa aking tainga.
Parang lutang ang pakiramdam ko.
Ngumuso ako sa kawalan ng salita.
"I'm so stubborn." Aniya at hinaplos niya ang labi ko.
Para akong kinukuryente sa bawat haplos niya.
"I just wanna taste." Bulong niya at inilapit niya ang kanyang labi sa aking labi.
Naestatwa ako sa gitna ng dancefloor. Naramdaman ko ang init ng kanyang palad sa aking pisngi nang lumapat ang kanyang labi sa akin. Malambot at matamis ang kanyang halik. Dilat na dilat ako nang ginawa niya iyon at kitang kita ko kung paano siya hirap na pumikit. Saglit lang ang halik niya, halos hindi ko namalayan. Agad niyang inilayo ang kanyang mukha sa akin. Pumungay ang kanyang mga mata at nag mura.
Nakaawang ang bibig ko dahil sa halik niya. Gusto ko pa. At hiyang hiya ako dahil ganon ang nararamdaman ko. Tinikom ko ang bibig ko. Hindi ko alam kung paano ko nakumbinsi ang sarili kong sampalin siya.
Napahawak ako sa kamay kong dumapo sa kanyang mukha. Hindi niya ako agad nilingon dahil sa naging sampal ko. Napahawak rin siya sa kanyang pisngi na pulang pula ngayon.
Hindi ko siya sinampal dahil binastos niya ako. Sinampal ko siya dahil natatakot akong sa ginawa niyang iyon, mahuhulog na ako ng husto sa mga bitag ng isang tulad niyang womanizer.
Nagmartsa ako pabalik sa sofa nang hindi siya tinitingnan pabalik. Nakita ko ang iilang inumin sa table na agad kong nilagok ng sunod sunod. Ilang sandali ay napunta rin si Rage doon, namumutla at pinapanood ako.
Hindi kami nagsalitang dalawa. Umupo siya sa tabi ko doon sa sofa at mabilis akong lumipat sa kabila. Nagtaas siya ng kilay sa akin.
"You must've hated me too much. Sinampal mo ako ng ganon ka lakas tapos nong hinalikan ka ni Kid, hindi mo man lang siya sinuntok." Suminghap siya.
Napatingin ako sa kanya.
"Well, right now? Fuck my reasons. I'm gonna get you. From now on, you won't be touched by anyone. Except me."
Umiling ako at bumagsak ang mga mata ko sa mesa.
Naramdaman ko ang pag alon ng paligid. Nasobrahan ko ba ang pag inom ng alak? Pumikit ako bago nagsalita.
"Uwi na tayo. Hanapin ko lang si Mia." Sabi ko at sinubukang tumayo ngunit kinailangn pang daluhan ako ni Rage para makatayo ng maayos.
Suminghap siya. "The angel is stubborn. Ang sabi ko may milkshake dyan. Damn girl. Stay here. I'll look for Mia."
Tumango ako at sinunod siya. Nagkahalo halo na ang nasa isip ko. Hindi ko halos matandaan ang sinbi ni Rage kanina. 'I'm gonna get you.'? Ano ang ibig niyang sabihin?
Nakapikit na ako at nakahilig sa sofa nang may bigla akong naramdamang umupo sa tabi ko. Noong una ay akala ko si Rage kaya kinausap ko na kaagad.
"Asan na si Mia?" Tanong ko at dumilat.
Nakita kong may dalawang lalaki na sa tabi ko at ngumingisi sa akin. Ginapangan agad ako ng kaba. Luminga ako kahit na nahihilo pa para hanapin si Rage ngunit hindi ko siya mahanap kung saan saan! Umuwi na ba siya?
"What's your name, pretty?" Hinaplos ng lalaki ang aking pisngi.
"A-Asan si Rage?" Napatanong ako.
Bumagsak ang mata ko sa kamay ng isang lalaking humawak naman sa aking braso. Nagtawanan sila at halos sumabog na ang puso ko sa kaba.
"What's your name?" Nagtaas ng kilay ang lalaking nakahawak sa aking braso. Medyo matanda na siya at maitim. May magkabilang dimples na lumilitaw sa bawat ngisi niya.
Nagulat ako nang bigla siyang napatayo dulot ng pagkwelyo sa kanya ng isa pang lalaki sa likod ng sofa. Narinig ko ang sigaw ni Mia sa likod at naramdaman ko kaagad na safe na ako.
Tumayo ang lalaking nasa tabi ko nang biglang humandusay ang kanyang kasama sa sahig. Sumigaw ang nasa kabilang table at may iilang babaeng lumapit kay Rage. Dumalo si Mia sa akin at kitang kita ko kung paano tinulak si Rage nong lalaking nasa likod niya. Sinuntok pabalik ni Rage iyong lalaki kaya humandusay siya.
"RAGE!" Sigaw ko nang nakitang bumabangon ang lalaking una niyang sinuntok at nasuntok rin siya sa kanyang panga!
"Oh my God!" Kasabay ang sigaw ni Mia sa mga sigaw ng babaeng nasa likod.
May lumpait na tatlong bouncer pagkatapos nasuntok ni Rage pabalik ang lalaking naka isa sa kanya. Hinawakan ng dalawang bouncer iyong dalawang lalaki at ang isang bouncer ay lumapit kay Rage na ngayon ay hinahawakan ang kanyang panga. May sinabi si Rage sa mga bouncer bago niya kami binalingan.
Gulat na gulat ako at pakiramdam ko ay nawala ang epekto ng alak sa aking sistema dahil sa nangyari. Si Mia sa glid ko ay nagulat din ngunit sabog parin dahil sa kalasingan.
"Shit! Ang galing niyang makipaglaban!" Sigaw ni Mia na namamangha at umi ekis ekis ang paglalakad patungo sa kay Rage.
Tumayo lang ako doon at hinintay na dumating si Rage sa amin. Natagalan siya dahil may iilang kaibigan siyang nakasalamuha. May iilang babaeng concerned sa kanyang nasuntok na panga. Ngunit nang bumaling siya sa akin ay parang piniga ang aking puso. Hindi ko alam kung bakit pero ganon ang naramdaman ko.
Lumapit siya sa akin at kumalabog ang dibdib ko. Hindi parin magkanda ugaga si Mia sa nangyari. Panay ang talak niya tungkol sa galing ni Rage makipagsuntukan. Malamang dahil may boxing ring siya sa kanyang bahay!
"Sir Rage, hero! Ang galing mo!" Sigaw ni Mia at sinabayan pa ng kanyang tili.
"Let's go." Malamig na utas ni Rage at hinawakan niya ang braso ko.
"Ang galing talaga!" Sambit ni Mia habang naglalakad palabas. "Pero bakit mo nga pala 'yon sinuntok ang mga lalaki?" Medyo naguluhan si Mia habang naglalakad ng pa ekis ekis palabas ng bar.
"Like I said, Sunny, no one can touch you. Natikman ko ang labi mo at idedeklara kong akin ang teritoryong ito. I don't give a shit if I break along the way." Bulong niya.
Hanggang ngayon, hindi ko parin siya maintindihan. Ngunit hindi ko alam kung kelan pa ako natutong sumaya sa mga salitang hindi ko naman maintindihan.
####################################
Kabanata 20
####################################
Kabanata 20
Kisses
Hindi ako mapakali pagkarating namin sa kotse ni Rage. Kinausap niya muli ang bouncer pagkatapos naming ilagay si Mia sa likod ng kanyang sasakyan. Naalala ko non na nailagay din namin si Mia doon noong birthday ni Logan.
Hinintay ko siyang matapos. Tumatango na siya sa sinabi ng bouncer at bumaling sa akin. Halos mapatalon ako nang tinitigan niya ako habang nakikinig sa binubulong ng bouncer. Umupo ako ng maayos sa front seat at bahagya kong sinara ang pintuan.
"Hmmmm. Tangina mga lalaki." Bulung bulong ni Mia sa likod ng sasakyan ni Rage.
Nakatulog siya nang mapaupo doon kanina. Ngayon kung anu ano na naman ang sinasabi niya.
Naglakad na si Rage patungo sa sasakyan. Sinarado ko ng tuluyan ang pintuan at hinintay kong makapasok siya. Nang pumasok siya ay nag iigting ang kanyang panga habang inaayos ang kanyang seatbelt. Hinawakan niya ang manibela at huminga siya ng malalim.
"Uhmm, pareho kaming sa building na. Di uuwi si Mia sa kanila." Sabi ko.
"Sa bahay kayo matulog." Aniya.
"H-Ha?" Nagulat ako sa bigla niyang idineklara. "M-Maayos naman kami don sa building."
"It's for your safety. And besides, wala kayong bed don sa building. Mas mabuting doon kayo sa bahay ko. I have unused bedrooms." at pinaandar niya ang kanyang sasakyan.
Umiling ako at nangapa ng salita. "Salamat pero nakakahiya-"
Ngumuso si Rage habang nag mamaneho. "Mas safe, Sunny. Mas uunahin mo pa ba ang hiya mo?" Sumulyap siya sa akin at hindi ko nakaligtaan ang kanyang labi.
Uminit ang pisngi ko at napatingin sa kalsadang umiilaw sa street lights at iba't ibang ilaw galing sa ibang sasakyan. Fine.
Hindi na ako umimik dahil alam kong iyong gusto niya ang masusunod. Ayaw ko sana dahil pagkatapos ng nangyaring pananampal ko kanina at ang lahat ng mga sinabi niya, hindi ko alam kung kaya ko bang matulog ng tahimik sa kanilang bahay.
Pinarada ni Rage ang sasakyan sa tapat ng double doors nila. Agad dumalo ang mukhang guard doon sa bahay nila. Naisip ko tuloy kung ito ba iyong inutusan niya noon para kumuha ng tsinelas para sa akin.
"Saan siya ilalagay, Sir?" Tanong ng guard habang inaalalayan ang half awake lang na si Mia.
Nasa gilid niya ako at inaayos ko ang damit niyang maiksi.
"Sa dulong bedroom na lang." Ani Rage.
Sumunod ako sa guard. Naramdaman kong ganon din si Rage. Tulog na si Mia sa mga bising ng guard. Umakyat kami sa magarbong hagdanan nila at nakita ko ulit ang iilang pintuan bago ang gym. Alin kaya doon ang kwarto ni Rage? Alin doon ang sa kanyang mga magulang? At kanino ang ibang kwartong naroon?
Tumigil ang guard sa huling pintuan at binuksan niya agad iyon. Nang binuksan niya ang mga ilaw ay namangha agad ako sa ganda nito. Kulay ivory ang dingding, maging ang ilaw ay ganon din. May sariling tukador, kabinet, lampshade, at CR ang kwarto. Nilapag ko ang bag ko sa mesa at agad kong pinuntahan si Mia sa kama. Nilagyan ko kaagad siya ng kumot. Malalim na ang kanyang tulog at tingin ko'y bukas pa talaga siya magigising.
Tumango si Rage sa guard. Sumulyap ang guard sa akin ng isang beses bago siya lumabas doon sa kwarto. Umupo ako sa kama at pinagmasdan ko ang pag alis ng guard.
Naka halukipkip si Rage, ang isang siko ay nakatukod sa braso at ang mga kamay ay pinaglalaruan ang lowerlip.
"Thanks." Bumagsak ang tingin ko sa aking mga paa.
Hiyang hiya ako dahil nagpapakita siya ng kabaitan pagkatapos ko siyang ginawan ng masama.
"May toiletries dito. If you need anything, just call me."
Umiling ako. "Okay lang. Makikitulog lang kami. Ayokong maka istorbo."
Narinig ko ang singhap niya. "You are my guests." Aniya. "Feel free."
Tumango ako at hindi na nakipagtalo pa. Humakbang siya palabas ng kwarto at sinarado na ang pinto. Ilang sandali pa bago ako kumilos sa kinuupuan ko. Alas onse pa ng gabi at natatakot akong hindi ako makakatulog ng maayos dahil sa nangyari.
Inaliw ko ang sarili ko sa pagligo na lang muna doon sa CR. Mukhang mamahalin kahit toiletries ng kanilang guestroom. Naisip ko tuloy kung tunay bang guestroom ito o baka naman kwarto ito ng girlfriend o isa sa mga babae niya.
Dilat na dilat ako sa kakaisip sa mga sinabi niya at hindi ko alam kung bakit umaasa ako kahit na alam kong imposible iyon. He dated too many girls. Hindi ko makalimutan ang imaheng tumatak sa aking isipan noong una akong tumungtong sa kanyang opisina. Pumikit ako at pinilit ko ang sarili kong matulog.
Nakaidlip ako. Nang dumilat ako ay madilim parin at mahimbing parin ang tulog ni Mia sa tabi ko. Nanuyo ang lalamunan ko, epekto siguro ng alak kagabi. Inuuhaw ako. Dinungaw ko ang aking cellphone at nakita ko ang iilang mensahe doon at ang oras na rin ngayon. Alas singko ng madaling araw. Binuksan ko ang message galing kay Kid.
Kid:
Wala ka daw sa building? Where are you?
Kid:
Sunny, I'm worried.
Mabilis akong nag type ng reply. Sinabi kong nasa kina Rage kami natulog ni Mia dahil sa kalasingan niya. Bumangon na rin ako at dahil sa pangangailangan ko ng tubig. Inisip kong maaaring tulog pa si Rage ngayon. Alas otso o alas nuwebe siyang dumadating sa opisina kaya imposibleng gising siya ng ganitong oras.
Humikab ako at inayos ko ang damit ko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri.
Tahimik akong humakbang sa takot na may magising ako pag nag ingay ako. Papalapit na ako sa hagdanan nang napansin kong may ilaw sa loob ng gym at may naririnig akong ingay doon.
Isang hakbang ko pa lang palapit sa pintuan ay alam ko na agad na sumusuntok na naman si Rage sa kanyang punching bag. Sumilip ako sa pintuan. Bahagya ko itong tinulak para mas makita siyang sumusuntok sa punching bag. Bawat pawis ay lumilipad sa ere. At sa bawat suntok ay kumikinang ang kakisigan niya. Naka gray sleeveless shirt siya at kulay royal blue na jersey shorts.
Pagkatapos ng isang pamatay niyang suntok ay hinawakan niya ang gumagalaw na punching bag at agad na tumingin sa banda ko. Halos matuyo lalo ang lalamunan ko nang nagtama ang paningin namin.
Hinawakan niya ang kamay niya at kinalas ang bandage sa kanyang kamao. Hinahabol niya pa ang kanyang hininga nang humakbang siya palapit sa akin. Naaninag ko ang kanyang pisnging may konting pasa na ngayon ko lang naalala. Nasuntok nga pala siya kahapon!
"Good morning!" Ngumiti siya.
Hindi na ako nag tago sa likod ng pintuan. Nagpakita na ako sa kanya. Tumigil siya sa harap ko.
"Uhm, iinom lang sana ako ng tubig." Palusot ko.
Tumango siya. Nag angat ako ng tingin at mas lalo kong nakita ang pasa sa gwapo niyang mukha. Hindi ko matanggap iyon. Kahit na sobrang liit lang nito ay naiinis ako sa sarili ko dahil ako ang nagdulot sa kanya non.
"May... hot compress ka ba o ano?" Tanong ko.
"Para san?" Tanong niya pabalik.
Tinuro ko ang gilid ng kanyang labi. "May pasa ka."
"I'm fine." Aniya.
"Mas mabilis 'yan mawala pag may hot compress."
Tumango siya. "Don't worry about it."
Humalukipkip ako at tinitigan ko siya. "Gusto ko lang makatulong. Tinulungan mo ako kaya tutulungan din kita."
Humakbang siya patungo sa boxing ring at umupo siya sa maliit na hagdanan.
"Hindi kita siningil sa tulong na binigay ko, Sunny. Bakit iniisip mo lagi na may kapalit ang lahat sa mundong ito?"
Nagulat ako sa tanong niya. "Ganon ako pinalaki ng mama ko. Alam kong ang bawat saya ay may kapalit na pagdurusa. Give and take. Give what you take and take what you give."
Umangat ang gilid ng kanyang labi at nagkibit balikat siya. "You don't always answer a favor with a favor. Sometimes, a kiss would do."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Humagalpak naman siya sa tawa nang nakita ang reaksyon ko! Uminit ang pisngi ko sa hiya at inis! Bakit niya ako tinatawanan?
"You look so damn cute when you blush." Tawa niya.
Humalukipkip ako at pinanood ko siyang namamatay sa kakatawa. Kainis! Nakakahiya!
"Wa'g mo akong bolahin." Sabi ko.
Humagalpak parin siya kaya mas lalo lang akong nairita.
"Ilang babae na kaya ang nasabihan mo ng ganyan?" Iginala ko ang paningin ko sa kanyang gym. "Siguro dito rin yung lugar? O baka sa mga kwarto dito sa bahay mo. O baka rin sa kwarto mo mismo."
Tumigil siya sa pagtawa. Ang tawa niya ay naging ngisi na lang hanggang sa kinagat niya na lang ang kanyang labi. Tumitingin siya sa akin at umiling. "Hindi ako nagdadala ng babae sa kwarto ko."
Ako naman ang natawa ngayon. "Oo nga naman. Sa opisina lang, diba?"
Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Hindi ko sila dinadala sa office. Sila ang nagdadala ng sarili nila sa aking office, Sunny."
"Excuses." Iling ko.
"Why are you so grumpy these past few days? Parang galit na galit ka sakin? Like I did something wrong..."
"Nakakairita ka lang." Sambit ko at nag iwas ng tingin.
"Whatever that is, it's working really well on me."
Nagkatinginan kami. Ayan na naman siya sa mga salitang hindi ako sigurado kung ano ang ibig sabihin. Hindi ako sigurado kung bakit niya sinasabi ito.
"So let's talk about you, Sunshine. Narinig ko ulila ka na. I'm curious. Sino ang kasama mo noong nawala ang mga magulang mo?"
Nagulat ako sa biglaang pag change topic niya. Tinanggap ko iyon at humakbang palapit sa kanya.
"Yung Auntie ko. Medyo masama ang ugali ng uncle ko tsaka yung anak nila kaya di rin ako nagtagal. Ba't ka nagtatanong? One of your strategies?"
Humalakhak ulit siya at tinitigan niya ako.
"I'm just curious, girl. Don't shut me out." Matigas na ingles niyang sinabi.
Umirap ako at humalukipkip. I won't fall for this. Nagmartsa ako palabas ngunit narinig ko na ang tawa niya.
"You keep on doing that to me, I'm really gonna fall hard. Damn girl."
Whatever, Rage! Padabog kong sinarado ang pintuan ng kanyang gym. Nanatili ang galit kong mukha ngunit nang nakalapit ako sa hagdanan ay hindi ko napigilan ang pag ngiti. Oh no!
Nagmadali ako sa pagbaba at pag inom ng tubig sa kanilang ref. Tahimik ang buong bahay, syempre dahil madaling araw pa lang. Narinig kong kumalabog ang pintuan ng gym pagkatapos kong lumagok ng isang basong tubig. Narinig ko rin ang mga yapak ni Rage na pababa sa hagdanan. Kumalabog agad ang puso ko.
Halos nangingisi siya at nakataas ang kanyang kilay nang tiningnan akong nilalapag ang baso sa kitchen sink. Nakapagbihis na siya ng puting v-neck t-shirt at isa pang jersey shorts. Hindi ko na naman matanggal sa kanya ang paningin ko. Paborito ko talaga ang puting v-neck. Naisip ko tuloy na baka marami siyang ganitong t-shirt.
"What do you want for breakfast Ms Grumpy?" Halakhak niya.
"Sa building na kami kakain, Rage. Pag ka gising ni Mia, agad kaming aalis."
"Oh no you won't. You'll eat here. Sasabay din kayo sa akin patungo sa opisina."
"Wa'g na. Okay lang naman kami." Sagot ko.
Kumuha na siya ng pan at ilang egg galing sa malaking refrigirator nila. May nakita rin akong iilang prutas at wheat breat na mukhang i-to-toast niya.
"No, Sunny. Mas maraming pabor mas maraming kiss." Tumawa ulit siya.
Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. "Iyan lang ba talaga ang laman ng utak mo? Hindi ko alam na uhaw ka sa halik? Ang dami mo ng nahalikan!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Tinungtong niya ang pan sa isang kakaibang stove at nilagyan niya agad ng oil na para bang araw-araw niya itong ginagawa ng walang kahirap hirap.
"I was never a sucker for kisses, Sunny. Ngayon lang." Sumulyap siya sa akin gamit ang seryoso niyang mukha.
Totoo ba ito o bola lang? He's a playboy, a womanizer, syempre hindi ito totoo. Pero nakakapanlinlang.
####################################
Kabanata 21
####################################
Kabanata 21
Power Trip
Hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggal sa aking isipan ang mga sinabi ni Rage. Umuwi kami ni Mia sa building para makapag bihis at makapagtrabaho na. Wala kaming imikan ni Rage nang nagising na si Mia at ngising aso lang si Mia sa mga panahong iyon.
Siniko niya ako nang nakarating na kami sa Lounge.
"Anyare sa inyo?" Halakhak niya.
"Ano?" Nagbubulag bulagan kong tanong.
"Ni Sir Rage! Alam kong may something. Nararamdaman ko ang tensyon." Tumawa ulit siya.
Inilingan ko na lang siya at mabilis na akong naligo at nag bihis sa common CR. Nagmadali ako dahil sa pagtawag sa akin ni Mrs. Ching. Mabilis akong nakarating sa opisina niya at ang paksa ng pag uusap namin ang nag paalala sa akin sa dapat kong gawin mamayang lunch break.
"Sunny, approved na ang resignation mo." Malungkot na sambit ni Mrs Ching habang tinatanggal ang kanyang salamin.
Tumango ako.
"Ayaw ko man pero mabuti yung desisyon mong mag aral. Sa 15 ang effectivity." Aniya.
Tumango ulit ako. "Pasensya na po talaga. Ayaw ko sanang umalis pero importante sa kin ito." Sambit ko.
Tumango rin siya at tinanggal ang kanyang salamin bago kinusot ang kanyang mga mata. "Alam ko. Maghahanap na rin kami ng replacement. Magtatanong pa ulit ako kay Mr. Del Fierro kung gusto niya ba ng janitress sa floor niya."
Pagkatapos naming mag usap ay pinlano ko na agad kung ano ang gagawin ko mamayang lunch break. Kukunin ko na ang result ng exam ko sa school at magpapaenrol na. Bago iyon, uunahin ko muna ang paglilinis sa opisina ni Rage. Sa elevator pa lang ay hindi na ako mapakali. Parang may kung ano sa tiyan ko tuwing naaalala ko si Rage.
Tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang floor na ako. Tinulak ko ang cart at pumasok sa loob. Nakita ko kaagad ang malapad na likod ni Rage. Nakatalikod siya sa akin, nakaharap sa malaking salamin kung saan over looking ang buong syudad. Sabay kami kanina at naka coat siya patungong building pero ngayon ay hinubad niya iyon kaya puting t shirt lang at blue jeans ang suot.
Tinulak ko ang double doors at agad akong napatingin sa sumigaw sa aking pangalan.
"Sunny!" Sigaw ni Kid at mabilis akong nilapitan.
"Kid!" Gulat kong sinabi.
Pinadausdos niya ang kanyang kamay sa aking baywang at narinig ko kaagad ang halakhak ng halos hindi ko makilalang lalaki sa sofa. Naka number 4 na upo si Brandon, malinis at maiksi na ang kanyang buhok. Hindi ko siya nakilala dahil sanay akong mahaba iyon, hanggang balikat.
"Kayo na ba, Kid?" Tanong ni Brandon. "Hi Sunny! Long time no see!"
Ngumiti ako kay Brandon at medyo hindi naging komportable sa paghawak ni Kid sa aking baywang.
Lumingon si Rage sa akin at nakita kong may hawak siyang baso na may lamang kulay brown na liquior at ice. Umiling agad ako kay Brandon.
"Well, kung sasagutin ako ni Sunny." Lumingon si Kid sa akin at kinindatan niya ako.
Tumawa si Brandon. "Finally? After 5 crying years, you'll have a new girl!"
"I'm choosy, Brandon. That's why. I'm not like you." Ani Kid.
Padarag na nilapag ni Rage ang kanyang baso sa kanyang mesa. Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang pag igting ng kanyang panga. Kumalabog ang dibdib ko.
"She's not yours, Kid." Mariing sinabi ni Rage.
Sabay na lumingon si Kid at Brandon sa kay Rage.
"What? She's yours because she's your employee?" Nagtaas ng kilay si Kid kay Rage. "Come on. Aalis din siya dito." Mayabang na sinabi ni Kid sabay tingin kay Brandon.
Nagtaas ng kilay si Brandon. "Oh?"
"Yup. Babalik si Sunny sa school. Actually kung papayag siya, pwede siyang mag stay sa condo ko." Ngumiti ulit si Kid.
"Are you fucking kidding me, Kid?" Matalim na sinabi ni Rage. "She's not going to stay with you. She's not yours for fucks sake."
Nakita kong nalaglag ang panga ni Brandon. Sa gulat ni Kid ay hindi rin siya makapagsalita. "And she's not yours too, Rage. She owns herself. What's wrong with you dude?" Tanong ni Brandon sa pinsan niya.
Kabadong kabado na ako at hindi ko alam kung paano ko nagawang sumingit sa kanila.
"Uh, okay lang ako, Kid. Nakahanap na ako ng bed space." Sabi ko sa medyo nakasimangot na si Kid.
"Why are you in Rage house last night, by the way, Sunny?" Tanong ni Kid.
Kumalabog lalo ang puso ko. Kahit wala namang nangyari pero nang nakita ko ang mukha ni Brandon nang tanungin iyon ni Kid sa akin ay pinagpawisan ako ng malamig.
Narinig ko ang mga yapak ni Rage palapit sa amin. Tumitig ako kay Kid para masiguradong masagot ko siya ng maayos sa tanong niya.
"Uh, lasing si Mia tapos di ko siya pwedeng ihatid sa bahay nila kaya nag offer si Rage na sa kanila kami matulog." Paliwanag ko.
"Bakit ka nagpapaliwanag? He's not your boyfriend, Sunny. So what, Kid?"
Napatingin ang galit na si Kid kay Rage. "Oh no, no, no! Don't tell me..."
Binitiwan ako ni Kid at agad siyang umatras. Tumayo si Brandon at nilapitan niya agad si Rage. May binubong siya rito at mukhang seryoso ang usapan nila.
Umiling agad ako kay Kid. Alam ko ang naiisip niya at nagkakamali siya don. Iniisip niyang may nangyayari sa amin ni Rage na hindi niya alam.
"Rage, you are not going to ruin the friendship!" Ibang accent ang lumabas sa bibig ni Brandon nang tinulak niya si Rage palayo sa akin.
Nakatunganga parin si Kid sa gilid ko. Hindi ko maalis ang titig ko sa kanya sa pag aalala kong may maisip siyang masama sa amin ni Rage.
"If there's anything I'm going to ruin here, Brandon, it's Kid's chances. Gusto ko lang malaman niyo na I'm pursuing Sunny."
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin ako sa seryosong si Rage. Tinutulak parin siya ni Brandon dahil nagpupumilit siyang lumapit kay Kid.
Napaatras ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa gitna nila. Tumawa si Rage sa galit ni Kid sa kanya.
"Walang personalan, Kid, pero may the best man win." Ngumisi si Rage at tumingin sa akin.
"You're sick, Rage!" Galit na utas ni Kid sa kanya. "Gago ka! Alam mong gusto ko siya at ngayon sumasawsaw ka? You're the biggest jerk I know. You can't do this to me. You can't do this to Sunny!"
Nakikita ko sa harap ko kung paano unti unting nababasag ang kanilang pagkakaibigan. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ni Rage at sinabi niya iyon sa harap ni Kid. Hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko para kay Kid. Maaawa? Bakit ako maaawa? Siguro ay simpatya. Unti unting nagkakalamat ang pagkakaibigan nila ni Rage dahil lang sa akin. Ni wala akong ginawa!
Lumipad ang kamao ni Kid sa pisngi ni Rage at narinig ko ang malutong na mura ni Rage nang napaatras siya.
"Oh fuck no, Kid! Nag Mi-mix martial arts yan!" Sigaw ni Brandon at tinulak niya si Kid palayo kay Rage.
Hinawakan ni Rage ang kanyang dumudugong bibig. Ni hindi pa nga naghihilom ang pasa ay may panibagong pasa na naman siyang natamo. Ngunit habang dumudugo iyon ay humahalakhak lang siya. Tumindig ang balahibo ko.
"You're a fucking beast! Mind your hoes, Rage! Stay away from Sunny!" Sigaw ni Kid habang inusubukang kumawala sa mga kamay ni Brandon.
"Shut up, Kid!"
"I just can't shut up here! Kung gusto niyang mag laro, maglaro siya sa teritoryo niya! Huwag niya akong isali! Stupid!" Sigaw ni Kid.
Hindi na agresibo si Rage ngayon. Hinawakan niya lang ang kanyang labing dumudugo at kumukuha ng tissue. Relaxed siyang naglalakad sa opisina niya habang ako ay tulala sa mga nangyayari. Shit!
"Sunny, can you please mend my lips?" Malambing na sinabi ni Rage habang kinukuha ang tissue.
"Putang ina mo, Rage! Nananadya ka! Fuck!" Kumawala si Kid sa pagkakahawak ni Brandon.
Nanginginig ang kamay ko at natatakot ako na gusto kong sundin si Rage ngunit ayaw kong mawasak ng husto si Kid. Nilingon ko si Rage at sinimangutan ko siya. Gago! He's a beast and I can't take it. Ganito siya makitungo sa kanyang kaibigan? Ni hindi niya pinahalagahan ang pagkakaibigan nila. Ni hindi siya nag isip na maaari niyang masaktan si Kid sa ginawa niya. Inisip kong kompetisyon lang ba ito sa kanya? Na parte ito ng ego trip niya? Na gusto niyang angkinin ang lahat, kahit iyong mga pag aari sana ng kaibigan niya. He's cruel. This is so cruel.
"Sunny!" Sigaw ni Kid sa akin. "Come with me..." At mabilis siyang naglakad patungo sa double doors.
Lumingon si Brandon kay Rage at sinenyasan niya ito. Tumitig lang si Rage sa akin at hinintay niya ang magiging reaksyon ko. I won't give you what you want, Rage. You're too cruel for me.
"Come on!" Sigaw ni Kid sa akin.
Tumango ako at mabilis akong tumakbo patungo sa kanya. Hindi ko alam kung saan kami patungo pero ayaw ko lang doon kay Rage. Nilingon ko si Rage nang nasa elevator na kami ni Kid at nakita kong pumikit siya ng mariin at yumuko. Linapitan siya ni Brandon at sumarado na ang pintuan ng elevator.
Kumalabog ang elevator dahil sa hampas ni Kid doon. Nagmura siya ng malutong bago tumingin sa akin.
"Anong nangyari? May something ba sa inyo ni Rage? Anong ginawa niya sayo? Bakit bigla siyang naging vocal, damn it, I've never seen him this vocal before. But he's a big jerk!"
Umiling ako. "Walang nangyari."
Suminghap si Kid at nagmura pa ulit. "Hindi ko alam kung anong trip niya pero naiirita ako sa kanya. He's a damn jerk. He toys with girls. Do you wanna be with that kind of man, Sunny?"
Halos ganon rin ang tanong ng konsensya ko. Umiling ako at yumuko.
"Good. I know you're better than that. Don't trust him. He'll ruin you. Bad." Aniya.
Hindi na ako makatango. Hindi rin ako makapagsalita. Alam kong kahibangan kung bigyan ko siya ng rason na boss ko si Rage kaya kailangan kong sumunod.
"Can you resign today?" Tanong ni Kid at napatingin siya sa akin.
Umiling ako. "Sa 15 pa effective ang resignation ko."
"Then leave. Huwag ka ng bumalik bukas! God I can't imagine you working for him!" Suminghap siya at natulala nang nakababa na kami.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Kid. Hindi naman ako natatakot kay Rage. Naiinis lang ako sa ginawa niya kay Kid. He's too harsh on him.
Tumunog ang cellphone ko at kinuha ko iyon sa bulsa ko. Tiningnan ko ang mensaheng galing sa hindi naka register na number.
Unknown Number:
I'm sorry. Can you go back please? I got carried away.
Shit! Sino ito? Kumalabog ang puso ko. Kahit na nagtatanong ako kung sino iyon ay alam ko sa sarili ko kung kanino talaga galing ang mensahe.
"Sinong nag text?" Tanong ni Kid nang pareho kaming nakatayo sa ground floor ng building.
Ngayong nandito na kami ay hindi ko alam kung bakit ako sumama sa kanya. Inalala ko na dapat ay magalit ako kay Rage ngunit sa kasamaang palad ay lumipad iyong galit sa labas ng pintuan.
"Si Mia. Hinahanap ako." Sabi ko at hindi ako makahanap ng rason kung bakit pinagtatakpan ko si Rage sa kanya.
Gusto kong mag tanong kay Rage kung ano ba ang pakulo niya? Obviously, power trip ito. Kahit na alam ko ay binabalewala ko iyon. Shit! What's wrong with me?
Lumayo ako ng bahagya para makapag type ng reply sa Unknown Number na iyon.
Ako:
Huwag kang mag powertrip sa kaibigan mo. Ang sama mo.
Hindi na lumipas ang isang minuto ay nakapag reply na agad siya.
Unknown Number:
Hindi ako nag po-powertrip. I just want to be fair. Kung vocal siya, vocal din ako. No need to keep secrets. This is my first time and I don't want to keep it to myself.
Nag angat ako ng tingin sa nakatitig na si Kid. Suminghap siya at inakbayan niya ako.
"Kumain muna tayo sa labas." Aniya. "I'm sure hindi ka niya tatanggalin sa trabaho."
Napatingin ako sa kamay ni Kid nang nagpatianod ako sa pag lalakad niya. Unti unti itong bumababa sa aking braso at pabalikbalik doon. Nag angat ako ng tingin sa kanya nang nakalabas na kami sa building.
"Kid, sorry, kailangan kong samahan si Mia mamaya." Sabi ko dahil hindi na komportable.
Natigil siya at napatingin sa akin at kumunot ang kanyang noo. Alam kong hindi siya papayag pero bakit ako magpapadala sa kanya? Brandon's right. I own myself. Ako ang magdedesisyon para sa aking sarili. Hindi ang ibang tao.
####################################
Kabanata 22
####################################
Warning: SPG
-----------------------------------------------
Kabanata 22
Good Girl
Na guilty ako sa ginawa ko kay Kid. Lalo na nang tinext niya ako na susunduin niya ako mamayang gabi pero tinanggihan ko na agad siya. Kailangan ko siyang tanggihan dahil may trabaho pa ako mamaya bilang Marlboro Girl. Naintindihan niya naman iyon pero may halong tabang ang kanyang reply.
Kid:
Ok Sunny. See you tomorrow. I know you deserve better.
Hindi na ako nakapagreply. Alam kong ang tinutukoy niya ay 'yong kay Rage. Hindi ko sinasabi na gusto ko si Rage pero nararamdaman niya iyon base sa reaksyon ko kanina.
Tumikhim si Mia nang pumasok sa loob ng Lounge. Dalawang beses niya na akong nadatnan na nakatunganga sa sofa at hinihintay siya. Wala akong nagawa buong araw at natatakot akong malaman 'yon ni Mrs. Ching. Kaya lang, wala akong magagawa. Hindi kaya ng sikmura ko ang umakyat sa 40th floor nang naroon parin si Rage.
"Hanep ka rin, ah?" Tawa ni Mia. "Okay lang kahit dito ka lang buong araw."
Umismid ako at natulala. Kinwento ko na sa kanya ang nangyari kanina. Hindi ko kasi maitago dahil sa nakabusangot kong mukha.
"Sa bagay, patay na patay yung may ari sayo."
Nginiwian ko siya. "Hindi ko alam na naniniwala ka sa bola niya. Akala ko ba kilala mo na ang mga mayayaman at ganong klaseng lalaki?"
Tumabi si Mia sa akin sa sofa. Ngumisi siya at pumangalumbaba. Sa gitna ng makapal na make up ay pag tinititigan mo siya, kitang kita parin ang kanyang malalim na eyebags. Alam kong hindi parin siya mabuti dahil kay Eric. Hindi ko maisip na ganito ang mga epekto ng lalaki sa babae. Ginagawa nilang mahina ang babae at ayaw ko ng ganon.
"May mga bagay na kahit duda kang hindi totoo ay umaasa kang sana ay maging totoo." Aniya.
Tinitigan ko siya. Umiling din ako pagkatapos ng ilang sandali. Nag iwas ako ng tingin.
"No. Hindi ko kayang umasa sa wala. Sana tigilan niya na 'to. Walang mangyayari dito." Sabi ko kahit na alam kong kabaliktaran ang sigaw ng aking sistema.
"Well, may point ka. Tsaka, nagtitiwala naman ako sayo. May paninindigan ka at marami kang pinag daanang ganito. Nawalan na ako ng tiwala sa mga lalake pero maganda paring makita na nangyayari sa iba ang mga gusto mong paniwalaan." Tinapik niya ang balikat ko bago tumayo. "Bihis na tayo. We have a long night."
Ilang sandali ko pa siyang sinundan ng tingin bago ko naisipang mag bihis na rin. Dumiretso na ako sa locker para kunin ang shorts at t shirt ko na madalas kong sinusuot patungo sa building kung saan kami magbibihis ng dress namin para sa gabing iyon.
Kumain muna kami sa labas bago dumiretso sa building para makapag bihis at makapag make up. Iba ang dress namin ngayon. Kulay dark blue at mas maiksi kumpara doon sa ibang sinusuot namin.
"May event ngayon sa isang bar na pupuntahan kaya mas maganda kung ibang dress ang susuotin."
Tumango kaming lahat at nagpatuloy sa pag mi-make up.
Nasasanay na ako. Marunong na akong maglagay ng kaonting cream at mag enhance ng kilay sa mukha. Pero pagdating sa eyeshadow ay si Mia parin ang gumagawa sa akin.
Tinampal ni Ma'am ang aking legs pagkatapos akong make upan ni Mia. Nagulat ako sa ginawa niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Day, ang bongga ng benta mo! Grabe! Ikaw na ang top!" Malaki ang ngisi niya.
Napatingin ako sa mga mata ng mga kasama kong agad tumutok sa akin. Ngumiwi si Alona nang narinig niya iyon at may ibinulong siya doon sa katabi niyang nag mi-make up.
Nagtinginan kami ni Mia. Umiling si Mia sa akin bilang tanda na hindi magandang sinabi iyon ni Ma'am sa harap ng lahat. Maraming magagalit sa akin. Alam ko iyon. At ilang sandali lang pagkatapos ay napatunayan ko iyon.
"Opps, sorry!" Sabi ni Alona nang nahagip ng kanyang siko ang aking bag na may lamang iilang make up.
Napatingin ako ng matalim kay Alona. Pinagtaasan niya ako ng kilay habang pumapasok sa van. Yumuko ako at kinuha ko iyong mga make up kong nahulog at nilagay ng isa-isa sa bag sa tulong ni Mia.
"May araw din sa akin ang bruhang 'yon. Hayaan mo na." Ani Mia.
Kaya halos buong gabi ay impyerno ang dinanas ko, hindi lang galing kay Alona kundi pati na rin sa iba kong kasama. Laking pasalamat ko tuloy at si Mia ang buddy ko.
Isang oras kami sa event. Nakakapagod dahil sobrang daming tao at sobrang dami ring benta.
"Miss, 1 pack of red." Anang isang foreigner sa akin ngunit nakatitig siya sa aking hita.
Dapat ay sanay na ako sa mga ganitong sitwasyon kaya lang ay hindi ko talaga mahanap sa sarili ko ang mambalewala.
Sumunod ako kay Mia pagkalabas namin. Naabutan ko ang mga kasamahan kong malaki ang ngisi. Inirapan pa ako ni Alona habang naririnig ko ang kanyang pagmamalaki sa tip ng isang artista sa kanya.
"Good for her. Sana ay tumigil na siya sa pangungumpara." Ani Mia at dumiretso na kami sa van para makalipat sa susunod na venue.
Kumalabog ang puso ko nang narealize kung saan ang susunod na venue. Patungo na kami sa mga bar kung saan madalas sina Rage. Malaki ang ngisi ni Mia nang nakita akong tulala sa isang tabi.
"Test those principles." Sambit niya nang bumaba na kami sa van para sa mga bar na iyon.
Mabilis na nagtungo si Mia sa loob ng bar. Huli ako dahil sa kaba. Nakita ko siyang dumiretso doon sa may mga foreigners na madalas niyang nabibentahan. Dumiretso naman ako sa may mga sofa. Habang papalapit ako ay mas lalong nagiging lutang ang aking pakiramdam. Lalo na nang nakita ko ang magkabilang dimples ni Logan habang ang mga kamay ay nasa baywang ng dalawang babaeng katabi sa sofa.
"Shit..." Sabi ko nang narealize nga nandito nga si Rage.
Naka talikod siya sa akin at wala siyang kasamang babae. Si Brandon sa kabilang sofa, may kasama ring isang babae ngunit kumpara kay Logan ay mas kaswal silang dalawa at medyo may kalayuan sa isa't isa.
Umaliwalas ang mukha ni Logan nang nakita niya ako. Lumaki ang kanyang ngisi dahilan kung bakit napatingin rin si Brandon sa akin. Umiling si Brandon at sinapak si Logan. Unti-unting lumingon si Rage. Nagtama ang paningin namin at nakita ko kung paano siya umupo ng maayos.
"Uhm... Same orders?" Tanong ko nang nakalapit sa sofa nila.
Tumayo ako sa gitna ng sofa ni Brandon at Rage. Kinukuha ko na ang sigarilyong natatandaan kong gusto nila.
"Yes, please, Sunny." hindi nilubayan ni Brandon ng titig si Rage.
Inabot ko kay Brandon ang gusto niyang sigarilyo at inabot niya rin sa akin ang perang kasing laki ng madalas na ibinibigay ni Rage sa akin.
"You should rest for tonight, Sunny. Sorry sa nangyari kanina sa opisina ni Rage." Ani Brandon habang nilalagay sa labi ang isang stick ng sigarilyo.
Tumango ako. "Okay lang."
Kinuha ko ang sigarilyong gusto ni Rage at inilahad ko sa kanya.
"Sana ay nandun ako!" Ani Logan. "So saan kayo pumunta ni Kid pagkatapos nung nangyari, Sunny? Sinagot mo na ba siya?"
"Close you god forsaken mouth, Logan."
Ngumiwi si Logan kay Brandon. Inabot ko kay Rage ang sigarilyo. Nag angat siya ng tingin sa akin at ngumuso. Nakita kong nawawala na ang pasa niya kahapon. Tingin ko ay hindi naman siya nagkapasa sa ginawa ni Kid. Dumugo lang ng kaonti. And the rest of his face is perfect!
Kinuha ni Rage ang sigarilyo at nilapag niya iyon sa table bago ako binigyan ng malaking halaga.
"Keep the change." Aniya.
Hindi ako nakipagtalo at tumingin ulit ako kay Logan. "Sinagot? Hindi naman siya nanliligaw?"
Tumawa si Logan. "Bullshit. Imposible."
"Bumalik siya sa building." Ani Rage.
Napatingin ako sa kanya at nakita ko seryoso niyang mga titig sa akin. Piercing eyes. Hindi ko alam kung may ginawa ba akong masama at bakit niya ako tinititigan ng ganito.
"I saw the CCTV." Aniya.
"Dream on, Rage. An angel won't fall in love with a beast. So cut the crap." Turo ni Brandon kay Rage bago sumimsim sa kanyang gin.
"We'll, tingin ko naman the beast can't fall in love with the angel." Halakhak ng morenang babaeng kasama ni Brandon.
Napatingin ako sa kanya at inirapan niya ako. Yumuko ako at bahagyang umatras. Time's up, Sunny. Kailangan ng umalis.
"Aray!" Sigaw ng isang babae sa likod ko nang naapakan ko ang kanyang paa sa pag atras ko.
"Sorry!" Sabi ko agad at naaninag ko ang isang mestizang babae.
Naka kulay itim siyang dress at kitang kita ang kanyang cleavage.
"Great!" Bulong ni Logan kung saan.
"Sorry I'm late, Rage." Anang babae at agad na umupo sa tabi ng sofa ni Rage.
Napatingin ako sa dalawa. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Rage nang nakita ang babaeng tumabi sa kanya.
"Why are you here, Ezra?"
"I'm here because we'll hang out. May masama ba don?" Natatawa ang babae habang pinapaintindi si Rage.
Naramdaman ko ang titig ni Brandon sa akin. I probably looked ridiculous. Pumihit ako para umalis na ngunit hindi ko mapigilan ang pag tingin sa kamay ng babaeng namahinga sa hita ni Rage. Agad niya itong inalis doon.
"What's wrong?" Tanong ng babae.
Siguro ay isa ito sa kanyang mga babae. Naiirita ako. Naiirita ako sa sarili ko dahil galit ako. Galit ako dahil akala ko mag isa lang siya dahil sa wakas ay may natitipuhan na siya! Iyon naman pala... hindi! Na late lang 'yong flavor of the night niya! At ako? Wala. Shit!
"Ezra, go home." Mariing sabi ni Rage.
"Oh come on! You always say that! In the end, nangyayari parin. Come on, Rage."
Oh shit. Tumigil na ako sa pagtitig lalo na nang nag tama ang paningin namin ni Rage. Nakita ko ang pamumutla niya at hindi ko na sinundan ang kanyang mga ekspresyon. Nagmartsa na ako palayo doon nang di nagpapaalam.
Ang sama sama ng pakiramdam ko. Kumakalabog at sumasakit ang puso ko. Pakiramdam ko ay tinutusok ito ng isang libong karayom. Sumisikip at parang may hangin na dumadaan bawat galaw ko.
Mabilis akong pumunta sa CR para mag ayos. Ito ang pinaka less crowded sa mga CR nitong bar dahil malayo sa dancefloor at mga sofa. Mabilis kong tinulak ang pintuan, kasabay noon ang marahas na pag hila sa akin doon sa loob.
Nilingon ko kung sino ang nanghila at nakita kong si Rage iyon. Agad kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko.
"Ba't mo ako sinundan?" Sabi ko.
"You look hurt." Aniya.
Kumunot ang noo ko. "Bumalik ka na don! Hindi kita kailangan dito!" Nanginig ang boses ko.
Humakbang siya palapit sa akin. Umtras naman ako hanggang sa napasandal na ako sa sink ng comfort room.
"You're jealous." Aniya.
"You're a jerk." Sagot ko.
Nakita kong nag angat ang labi niya at mas lalo pa siyang lumapit sa akin. "Hindi ko inimbita si Ezra dito. She's just nosy as hell." Aniya at nilagay niya ang kanyang kamay sa magkabilang tile ng sink.
"Wala akong pakealam. Wala akong pake kung anong gawin niyo." Sabi ko at nag iwas ng tingin.
Humalakhak siya. "God damn it... I know you're jealous. You really are damn jealous."
Nakita kong nag flex ang muscles ng kanyang braso. Ayokong panoorin iyon kaya tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata.
"Manloloko ka at womanizer. Hindi kita gusto." Sabi ko.
"Gusto kita." Aniya.
"Tsss. Ilang babae na ang sinabihan mo ng ganyan?"
"Wala pa." Seryoso niyang sinabi at tumingin siya sa aking labi.
"Gasgas na 'yan. Lagi mo sigurong sinasabing 'wala pa'. Tsss." Naghuramentado na ang puso ko.
Tumunog ang pintuan ng isang cubicle at lumabas ang isang mahinhing babae doon. Nang nakita niya kami ni Rage sa sink ay nahihiya siyang lumabas doon
Humalakhak si Rage sa tainga ko pagkalabas nong babae. "I don't know how to convince you. I'm a jerk but I'm not a liar. I wish you knew me more. I want you to know me more..."
Kinilabutan ang buong pagkatao ko sa sinabi niya.
"But I don't want you to leave..." Tikhim niya.
Nalasing ako sa bawat bulong niya. Halos pumilipit ako sa huling paghinga niya dahil sa kiliting naramdaman sa tainga. Nagkatinginan kami. Bumagsak ang kanyang mga mata sa aking mga mata. At hindi ko alam kung bakit namumuo ang bara sa lalamunan ko.
Kinagat niya ang kanyang labi.
"I have never been this scared to tastes someone's lips." Marahang bulong niya.
Inisip kong baka may pumasok at madatnan kaming ganito. Pero bago ko pa mabuo ang mga paraan para matigil kaming dalawa ay hinalikan niya na ng marahan ang aking labi. Dilat na dilat ako habang siya ay nakapikit at nakakunot ang noo. Sa bawat paglapat ng kanyang labi sa aking labi ay parang gusto kong umupo sa sink at maging mas kumportable. Nang naramdaman kong lumalim ang kanyang halik ay pumikit na ako at nawala sa aking sarili.
Nang hinawakan niya ang magkabilang baywang ko at pinaupo ako sa sink ay hindi ko na napigilan ang pag pulupot ng aking braso sa kanyang leeg. Shit!
"I know why I'm scared now." Tumigil siya sa paghalik at tinitigan niya ako.
Nakaawang pa ang labi ko dahil sa hang over sa kanyang halik. Nanghihina ako. Ni hindi ko siya maitulak.
"This is something forbidden. And I don't want to sin... more than I have planned."
"Bakit ako hindi pwede? Kasi mahirap ako? Kasi hindi ako tulad ng mga babae mong madalas na hinahalikan?-"
Nilagay niya ang index finger niya sa aking labi kaya natigil ako sa pagsasalita. Tumingala siya at pumikit.
"You don't get any of the shits, Sunny."
"I don't get anything dahil hindi mo naman pinapaliwanag. Para kang puzzle na kailangan kong isolve palagi! Ayaw ko sayo dahil ang hirap mo at alam kong ang mga tulad mo ay hindi nagbabago-"
Natigil ako sa pagsasalita nang hinalikan niya ulit ako. Binuhat niya ako galing sa sink at sinipa niya ang pintuan ng isang cubicle. Shit!
Sinarado niya ang pintuan at nilapag niya ako sa flusher.
"Clean." Ani Rage pagkatapos pasadahan ng tingin ang buong cubicle. "But still... not the right place."
Kinagat ko ang labi ko at sinarado ko ang aking mga binti.
"I want to replace your jealous face with something else." Bulong niya at hinalikan niya ako sa tainga.
Napapikit ako at napatingala. Hindi pa ako nahahalikan ng ganito pero ang pinaparamdam niyang kurente sa akin, ang masasabi ko lang ay ang galing niya dito. Ni hindi ko namalayan na na unhook niya ang aking bra nang hindi iyon hinahawakan.
"Your dress is so tiny. I don't like it." Bulong niya habang unti unting ginagapang ang kamay sa aking dibdib.
Sa bawat paghaplos niya ay mas lalo akong kinokuryente. Bumibilis na ang paghinga ko at tumitingala na ako sa pagkawala sa aking sarili.
Ang isang kamay niya ay bumaba sa aking hita. Patuloy siya sa paghalik sa akin sa leeg habang ginagawa niya iyon. Ang nakadikit kong binti ay parang unti unting bumibigay at nanghihina. Isang hawi niya lang sa maiksi kong skirt ay naramdaman ko na agad siya sa gitna.
"I really hate your dress. I don't want you to be this accessible. Unless it's me."
Bahagya ko siyang tinulak. "Hindi mo ako pag aari-" Pinatigil niya ako sa pamamagitan ng paghalik.
Nawala na ako sa aking sarili nang patuloy niyang hinahaplos ang gitna. Tumigil siya sa paghalik sa leeg at naramdaman ko na lang ang mabilis niyang hininga sa aking tainga.
"I wanna replace your jealous face with a tired face, Sunny." Bulong niya.
Halos mapaliyad na ako sa ginagawa niya sa akin. May kung anong namumuo sa akin at natatakot akong pakawalan iyon.
"Fucking shit!" Bulong niya.
Uminit ang pisngi ko. Nahihiya ako pero wala akong lakas para ipatigil siya. Isang hawi niya lang sa pumapagitna sa kanyang haplos at sa akin ay may kung anong sumabog sa akin. Nawala ako sa aking sarili ay narinig ko sa tainga ko ang tikhim ng kanyang ngisi.
"Good girl. Now, you're definitely mine."
####################################
Kabanata 23
####################################
Kabanata 23
Gago
Pagod na pagod ako pero pinilit kong dumilat at bumaba sa flusher. Mainit ang pisngi ko at hindi ko alam kung magbabago pa ba ito. Inayos ko ang sarili ko. Hindi ako makatingin ng diretso kay Rage. Siya naman ay hinahanap ang mga mata ko.
"A-Alis na ako." Utas ko at agad inayos ang skirt kong medyo na lukot.
"Yeah, let's go." Aniya at hinawakan niya ang kamay ko.
Kinagat ko ang labi ko at mabilis akong sumunod sa kanya palabas ng cubicle. Mabuti na lang at walang tao doon kaya hindi kami nahirapan na makalabas.
Nang sinalubong na ulit namin ang madilim at maingay na labas ay kinalas ko ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak. Napalingon siya sa akin. Hindi parin ako makatingin sa kanya.
"Is this your last bar? Ihahatid na kita."
Umiling ako. "Okay lang. Kasama ko naman si Mia."
Tumigil siya at tumitig sa akin. Unti unti akong nag angat ng tingin sa kanya. Nang makita ko ang malalim niyang mga mata ay mas lalo lang nag huramentado ang sistema ko. Shit!
Kumikirot din ang puso ko. Kumikirot iyon dahil sa takot at sa pagtatraydor sa sariling mga desisyon. Binali ko ang sarili kong mga prinsipyo. Sinubukan ko ang mga bagay na noon ko pa dapat iniwasan. Kinain ko ang lahat ng aking mga salita. Anong mukha ang maihaharap ko kay Mia?
"Ihahatid ko kayo ni Mia." Ani Rage.
Umiling ako. "OKay lang talaga, Rage." At nilagpasan siya.
Alam kong walang alam si Brandon at Logan pero nahihiya ako sa kanila kaya iniwasan ko ang sofa nila. Dumaan ako sa dancefloor. Diretso ang lakad ko. Ni hindi ko nilingon kung nandoon pa ba si Rage o wala na.
Nang nakalabas na ako sa bar ay nakita ko na agad ang van namin sa malayo. Naroon na sa labas si Mia at nag ti-text sa kanyang cellphone. Siguro ay hinahanap niya na ako.
"Sunny." Sambit ni Rage.
Sumunod siya. Iritado ko siyang hinarap.
"Pupunta pa kami sa office para magbihis. Okay lang. May van naman. Kaya na namin."
Umawang ang kanyang bibig sa gulat ng pagkakairita ko. "Susundan ko 'yong van at ihahatiod ko kayo pagkatapos." Aniya.
"Tsss." Umirap ako at tinalikuran siya.
Hindi talaga siya titigil. Hindi siya titigil sa akin. Hindi niya ako titigilan hanggang sa makuha niya ang gusto niya mula sa akin. Alam kong nangangarap lang akong seryoso siya. Pangarap ko lang iyon at ayokong makulong sa pangarap na iyon at masaktan sa huli.
Habang naglalakad ako palapit sa van ay naaalala ko ang ginawa ni Rage sa cubicle ng CR na iyon. Nakakahiya! Sobrang nakakahiya! Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. "Akala ko saan ka na! Ang tagal mo ah?" Ani Mia at mabilis siyang pumasok sa van.
Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya. Dulot siguro ng guilt na hindi ko masabi sa kanya ang nangyari sa loob. Nakakahiya. Kumunot ang kanyang noo nang tinitigan niya ako at pakiramdam ko agad ay may alam siya sa ginawa ko!
"Natagalan ako sa table nina Rage." Pasimple kong sinabi.
"Kumpleto na?" Sigaw ni Ma'am at mabilis na sinarado ang pintuan ng van.
Puno ng bulung bulungan at hiyawan ang ibang girls at may sariling mundo naman kami ni Mia dito.
"Natagalan? Anong nangyari? May development ba?" Tanong niya.
Umiling ako. "May kasama siyang ibang babae."
"Ano? Na naman?" Umirap si Mia at umiling.
"Oo. Hindi ko kilala. Bago na naman." Hindi ako makatingin sa kanya habang sinasabi ko ito.
Humalukipkip siya at parang nawalan ng gana. "Ay grabe. Lintik 'yang Del Fierro na 'yan. Sana minura mo! Tsk! Nawawalan na ako ng pag asa sa mga lalaki!" Umirap siya.
Tahimik kaming bumyahe hanggang sa nakarating na kami sa building. Mabilis kaming pumasok. Pagod na pagod ako at hindi ko alam kung bakit. Tiningnan ko ang skirt ng damit ko at naalala ko ang ginawa ni Rage kanina. Nag init ang pisngi ko.
"Okay ka lang?" Tanong ni Mia nang narealize na hindi ako nakikinig sa kanyang mga kinikwento.
"Okay lang." Sabi ko at kinuha ang cellphone ko.
Nakita kong may iilang mensahe doon galing kay Kid. Binasa ko iyon lahat at medyo natagalan ako sa pag proseso.
Kid:
Free ka tomorrow?
Kid:
I miss you.
Kid:
Are you done for tonight?
"Sinong nag text?" Dumungaw si Mia sa cellphone ko.
Nanuyo ang lalamunan ko nang nag angat ako ng tingin sa kanya. "Tingin ko ay kailangan ko ng isoli 'tong cellphone kay Kid."
"Bakit naman?" Tanong niya.
Nagbihis ako at hindi ko siya sinagot. Tiningnan niya lang ako habang nag bibihis din siya. Nanliit ang mga mata niya sa akin.
"Kanya 'to, e. Bibili na ako ng bago." Sagot ko.
Naramdaman kong hindi niya tinanggap ang aking sagot pero hinayaan niya akong manahimik.
Pagkatapos binigay sa amin ang pera para sa gabing iyon at pagkatapos naming mag bihis ay lumabas na kami ng building.
"Nga pala, nakahanap ako ng bed space. Gusto mo tayong dalawa ang tumuloy doon?"
Napatingin ako sa kanya. "Mura ba?"
"Oo naman. Ano?"
Tumango ako. "Mabuti pa nga."
Habang nag uusap kami palabas ng building ay may biglang tumawag sa akin galing sa likod. Nilingon ko kaagad ang pamilyar na boses at nagtatatawanang mga kasama namin sa Marlboro.
"Sunny..." Si Alona.
Tumigil kami ni Mia at hinarap siya. Sumabog ang buhok ko sa ihip ng hangin. Malaki ang ngiti niya.
"Talo kita ngayong gabi." Nagtaas siya ng kilay.
Nagkbit balikat ako dahil wala naman akong pakealam kung sino ang mas maraming sales. Ngumiwi siya sa naging reaksyon ko at humalukipkip. "Hindi naman tataas ang sweldo ko pag marami ang bumili sakin." Sambit ko.
Napalitan ng simangot ang kanyang ngiti. "Ang gusto ko lang ay lumiit ng kaonti ang malaki mong ulo." Umirap siya. Sasagutin ko na sana siya ngunit hinila ako ni Mia.
Medyo nairita pa nga ako sa kanyang paghila. Nang itinuro niya sa akin kung anong nakita niya ay nanlaki ang mga mata ko. Si Rage Del Fierro ay nag hihintay sa tapat, nakahalukipkip at pinapanood kaming natitigilan para mag usap.
"Ito ba ang nangyari sa loob ng bar?" Pabulong na tanong ni Mia.
"Kaninong boyfriend 'yan? Mukhang may hinihintay." Narinig kong sambit sa likod.
"Ang gwapo!" Tuloy tuloy na ang usapan nila tungkol sa lalaking may malalim na mga mata, nakakaakit na panga at matangos na ilong, naghihintay sa harap naming lahat.
Shit. Pag lumapit ako sa kanya ay mas lalo lang maiinggit si Alona at ang iba naming kasamahan. Mas lalo akong pag iinitan sa Marlboro Girls. Ayokong mangyari iyon. Ito ang pagkakakitaan ko habang nag aaral ako at pag mas naging masama ang sitwasyon ay baka lang mahirapan ako.
"Tayo na, Mia." Sabi ko at hinila si Mia patungo sa kalsada.
Nag pumiglas pa si Mia. Balak yatang maki sakay kay Rage ngunit ilang sandali ay nag patianod na siya.
"Oo nga pala. May ibang kasamang babae 'yon kanina. Hayaan na lang natin." Ani Mia.
Ngunit imbes na hinayaan niya kaming makalayo ay sinundan pa niya kami. Nag jog siya patungo sa amin at tinawag niya pa ako.
"Sunny, tinatawag ka niya." Bulong ni Mia sa akin pero hindi ko pinansin.
"Sunny... Hey... Wait up... Sunny!" Palapit ng palapit ang kanyang boses.
Kung sana ay wala akong hinihilang si Mia ay kanina pa ako kumaripas ng takbo. Pero dahil may kasama akong pabigat ay hindi ko na nakayanan. Hinila ni Rage ang aking braso para humarap ako sa kanya. Agad kong iginala ang aking mga mata sa paligid. Hindi ko siya matingnan.
Tumili ng bahagya si Mia at tinakpan ang kanyang labi. Nilingon ko siya at kitang kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi na para bang kinikilig sa nangyayari. Hindi ko malaman kung pro-Rage ba siya o anti-Rage dahil biglang nag iba ang kanyang mukha.
"Umalis ka na, Rage. Doon ka na sa kasama mo." Ani Mia at bahagyang umatras.
Sumulyap lang si Rage kay Mia at bumaling ulit sa akin. "Iniiwasan mo ako." Deklara niya.
"Kaya naming umuwi. Hindi mo na kami kailangang ihatid."
"Oo nga!" Sambit ni Mia. "'Yong kasama mo na lang ang ihatid mo!"
Iritadong sumulyap si Rage kay Mia bago bumaling ulit sa akin. "Come on, Sunny. Ihahatid ko kayo."
"Tayo na, Sunny!" Singit ulit ni Mia at lumayo sa amin para makasunod ako sa kanya.
Ngunit imbes na sumunod ako ay hinigit ni Rage ang aking pulso at ikinulong niya ang pisngi ko sa kanyang mga palad. Gumala ang mga mata ko. Nakakasilaw ang mukha niya para sa akin at pag tiningnan ko siya ay pakiramdam ko masasaktan lang ako.
"Nasaktan ba kita kanina?" Bulong niyang desperado.
Mabilis kong nakaya ang silaw at tinitigan ko ang kanyang mga mata. Mabilis ang pintig ng aking puso at natatakot akong naririnig niya ito sa sobrang lapit naming dalawa. Palipat lipat ang tingin niya sa aking dalawang mata.
"I'm sorry. Wrong place but I really want to hold you right then and there. I'm so sorry." Bulong niya.
Kinagat ko ang labi ko at bumagsak ang mga mata ko. Nararamdaman ko ang pagkakagiba ng bawat prinsipyong humulma sa buong pagkatao ko. Nakakatakot. Parang may pinoprotektahan ako at iyong pomoprotektang dingding ay nagibang bigla dahil sa kanya.
"And I'm also sorry for Ezra. She's just an old friend. I lost my appetite for other girls the day I kissed you. Kaya hayaan mo akong ihatid ka ngayon."
Naririnig ko sa likod ko ang bulung bulungan ng mga kasama ko sa Marlboro Girls. Naririnig ko kung paano sila namangha kay Rage.
"Sunny?" Tawag ni Mia. "Hayaan mo na 'yang gagong 'yan!" Sigaw niya.
Ngumuso si Rage at hinintay ang sagot ko. Unti unti akong tumango at pumikit. Ihahatid lang naman diba? Ihahatid.
Bumuntong hininga siya. "Fuck, yes. 'Tong gagong 'to ay baliw sa'yo, Sunny. Di ko alam paano at kelan pero binabaliw mo ako. Let's go."
Hinigit niya ako patungo sa kanyang sasakyan. Dinig na dinig ko ang sigaw ni Mia.
"ANO? SASAMA TAYO?" At mabilis siyang sumunod doon.
Yes. Nawalan na ako prinsipyo. Nanghihina na ako. Hindi ko matanggap iyon. Hindi ko maamin iyon. Natatakot ako.
####################################
Kabanata 24
####################################
Kabanata 24
Roses
Tahimik kaming sumama kay Rage. Tahimik din siyang nag drive patungo sa building. Naririnig ko ang buntong hininga niya at minsan ay akala ko magsasalita siya pero hindi naman.
Nang tumigil ang sasakyan ay mabilis kong kinalas ang seat belt. Narinig ko ulit ang pag hinga niya ng malalim...
"Sunny, kailangan niyo ba ng kama sa Lounge?"
Nagulat ako sa tanong niya. Narinig ko ang singhap ni Mia sa likod. Paalis na siya ngunit natigilan din sa tanong ni Rage.
"Ay oo! Ang sakit na ng likod namin sa kakatulog sa sofa-"
Matalim kong tinitigan ang natatawang si Mia at tumahimik siya. "Hindi na kailangan. Tsaka, aalis din kami ni Mia don next week. Mag aaral na ako, remember?"
Napaawang ang bibig niya at tumango siya. "Right!"
"Alis na kami. Salamat sa pag hatid." Sabi ko at lumabas na.
Tumango siya at ngumuso.
Sinarado ko ang pintuan ng kanyang sasakyan. Si Mia ay panay na ang ngisi sa akin. Alam ko kung ano ang iniisip niya. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya pero hindi ko kayang sabihin sa kanya iyong nangyari sa CR.
"Ano ba kasing nangyari?" Hinawakan ni Mia ang braso ko habang papasok kami sa buong building.
"Wala nga..." Sabi ko at nagkunwaring naiirita.
"Eh! Kung nakita mo yung mukha niya, parang kahit anong gusto mo ay susundin niya."
Umiling ako at dumiretso na sa loob ng building. Kinwento ko ang sinabi ni Rage bago kami pumasok sa sasakyan pero hindi ko parin maikwento kay Mia ang nangyari sa CR. Mas lalo lang lumaki ang ngisi ni Mia.
"Anong plano mo?"
Madilim na dahil patay na ang mga ilaw. Nasa kabilang sofa siya at ramdam ko na ang antok niya sa kanyang boses. Habang ako naman ay dilat na dilat parin at nakatingala sa madilim na kisame.
"Isosoli ko kay Kid 'yong cellphone bukas." Sabi ko.
"Ibig sabihin pinipili mo si Rage?" Gulat na tanong niya.
Suminghap ako. "Isosoli ko ang cellphone kay Kid dahil kanya 'yon. Mia, imposibleng magseseryoso si Rage sa akin. Kung ano man 'yong nararamdaman niya sa akin para ngayon lang 'yon. Hindi natin alam kung magtatagal ba 'yon."
"Nahulaan ko na talaga na 'yan ang sasabihin mo!" Tumawa siya. "Ikaw, Sunny. Nasayo ang desisyon."
Ilang sandali lang ay nakatulog na agad ang pagod na si Mia. Natagalan pa bago ako nakatulog. Inisip ko ang mga mata ni Rage at ang pakiramdam ko kanina. Natatakot ako sa mangyayari. Natatakot akong 'yon lang ang habol niya sa akin. Ang sabi ni mama, ang mga demonyo daw ay hindi nagpapakita bilang pangit at halimaw, madalas silang nagpapanggap na maamo at nakakabighani. Paano kung bitag itong pinaparamdam niya sa akin? Just to get to me?
But I'm falling. Hard.
Tumulo ang luha ko. Hindi ko inaasahan 'to. I used to be a very smart girl. Akala ko kahit kailan hindi ako magkakaganito. Akala ko non nahihibang lang si mama sa pag ibig sa isang lalaking may asawa na. Pero ano 'to ngayon at bakit ako naman ang mukhang nahihibang?
Hindi ako halos makatulog kaya madaling araw ay nilinisan ko ang office ni Rage. Nagulat din ako dahil nakapag text si Kid ng madaling araw. Sinamantala ko iyon para magyaya sa kanyang makipagkita.
Ako:
Good morning, Kid. Pwede ba tayong magkita? 8AM, breakfast?
Mabilis siyang tumawag sa akin at dinig na dinig kong kakagising niya pa lang dahil sa napapaos niyang boses.
"Sunny, sure! Good morning by the way!" Humalakhak siya.
Ngumiti ako habang pinipindot ang number 15 sa elevator. "Thanks. See you then."
Pagkarating ko sa Lounge ay nakita kong naroon na si Mang Carding at iilan pang crew. Maingat silang dumadaan sa sofa dahil sa tulog na si Mia.
"Oh, Sunny, tapos ka ng maglinis?" Tanong ni Mang Carding sa akin.
Tumango ako at nilagay ang cart sa tabi. "Maglilinis din siguro ako mamaya pag naka alis na si Sir Rage."
"Ang sipag mo naman." Kumunot ang kanyang noo. "Hindi ba may trabaho kayo kagabi?"
"Opo. Maaga kasi akong nagising. Babawi na lang siguro ako ng tulog mamaya." Sabi ko.
Tumango siya at nagpatuloy na sa kanyang gawain.
Pinasadahan ko ng tingin si Mia bago ako pumuntang CR para makaligo at makapag bihis na rin. Maaga din akong umalis ng building. Naisipan kong ititext ko na lang si Kid na nandoon na ako sa Fastfood na gusto kong tagpuan namin nang mailibre ko siya sa lahat ng nagawa niya para sa akin.
Nagkape muna ako doon at nagmasid sa mga taong lumalabas pasok sa buong fastfood. Nang nag 7:45 na ng umaga ay nakita ko na kaagad ang pamilyar na sasakyan ni Kid sa labas. Nginitian ko siya nang nagtama ang aming tingin. Naka Ray-ban siya at tinanggal niya ito para makita ako ng maayos saka siya ngumiti.
Naglakad siya papasok sa loob ng fastfood at tumigil sa table ko. Binati niya ulit ako ng magandang umaga bago umupo.
"Free ka na today? Walang trabaho?" Tanong niya.
Ngumuso ako. "Meron sa umaga."
Kumunot ang kanyang noo. "Buti nakatakas ka? Hindi ka ba papagalitan ni Rage." Halos napangiwi siya nang binanggit niya ang pangalan ni Rage. "You should leave that building, Sunny. Hindi maganda ang maidudulot sa'yo ng kompanya niya at syempre, lalong lalo na siya."
Tumango ako. Naiintindihan ko kung saan nanggagaling si Kid sa mga sinasabi niya. "Malapit na rin naman akong umalis. Malapit na kasi ang pasukan."
"Nakahanap ka na ba ng bed space?" Nag aalala niyang tanong.
Tumango ako. "Magkasama kami ni Mia don."
"Mabuti naman. I know you're smart, Sunny. You won't fall for the beast's trap." Humalukipkip siya.
Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ako makatingin sa mga mata niya. Iniba ko na lang ang usapan.
"Nga pala, ililibre kita ngayon. Anong gusto mo?" Ngisi ko.
"What? No! I can't let a girl pay for me!" Natatawa niyang sinabi.
"Please, Kid! Kulang pa nga 'yan sa pagpapasalamat ko sa'yo!" Sabi ko. "Please, please."
Natatawa siya at pinasadahan niya ng kanyang palad ang kanyang buhok.
"Please?"
"O sige. Kahit ano basta burger." Humilig siya sa kanyang kinauupuan.
"Thank you!" Sabay tayo ko at punta sa counter.
Umorder ako ng pang breakfast ko at 'yong burger na gusto ni KId. Pagkabalik ko ay para siyang batang tuwang tuwa sa dala kong pagkain.
Kumain muna kami at nag kwentuhan tungkol sa school at sa kursong kinuha ko. Nag offer pa siya na pag natapos ako sa pag aaral ko ay pwedeng pwede akong mag trabaho sa kompanya nila. Tinawanan ko lang iyon dahil ilang taon pa 'yon mula ngayon.
"Are you free later tonight?" Tanong ni Kid nang bigla kaming natahimik.
"Uhm... May trabaho kasi ako."
Ngumuso siya. "Oo nga pala. Sorry. Then, I can't see you. How about tomorrow?"
Nag angat ako ng tingin sa kanya. Kung noon ay lagi siyang kasama nina Rage at Logan sa bar, ngayon ay hindi na dahil sa naging bangayan nila sa akin. It's stupid. Bakit sila mag aaway dahil sa akin? "I'm sorry, Kid."
"Sorry for what?"
"Dahil nag away kayo ni Rage dahil sa akin." Sabi ko at pinaglalaruan ang cellphone sa table. Dahan dahan kong tinanggal ang likod non at balak ko sanang kunin na ang sim.
"Don't worry about that. He's a jackass. Mabuti na lang at hindi ka nag papabola sa kanya."
Nag angat ang tingin ko sa kanya. Kinagat ko ang labi ko at naaalala ko si Mia at kung paano siya naniniwala na hindi talaga ako magkakagusto kay Rage.
"Kid, isosoli ko sana 'tong cellphone."
Nagtaas ng kilay si Kid. "Bakit? May cellphone ka na?"
Umiling ako. "Bibili ako this week ng cellphone."
Umiling din siya. "Kung ganon, habang wala kang cellphone, di mo muna 'yan isosoli."
Nagtalo kaming dalawa tungkol sa pagsoli ko sa kanyang cellphone. Gustong gusto ko na talaga 'yon isoli. Tinanggal ko na ang sim at nilapag sa harap niya ang cellphone ngunit panay ang iling niya sa akin.
"Sunny, you are hurting my feelings. Ano ngayon kung isosoli mo 'yan sa akin pag may cellphone ka ng pampalit?"
"Pero kasi... bibili din naman ako. Tsaka... ang dami mong naitulong sa akin."
Umiling ulit siya. "Walang anuman 'yun. In case you didn't notice, I like you and I'm willing to do anything just for you. Remember that. Kung sasagutin mo ako ngayon ay ititira kita sa condo ko. You can bring Mia if you want."
Ngumiti ako. "Nababaliw ka na, Kid."
"I'm serious." Natatawa niyang sinabi. "I'm just waiting for you, Sunny. Rage can't do that for you."
Nagulat ako sa dinugtong niya. Hindi ako nagsalita ngunit wala sa sarili niya ulit na dinugtungan iyon.
"Hindi sa sinisiraan ko si Rage pero kung alam mo 'yong lifestyle niya, then you would know."
Tumango ako. "Alam ko."
"He's damn afraid of committment and I'm sorry for the girls who're in love with him. Kahit si Ezra ay hindi 'yan mapaamo."
Nagulat ako sa binanggit niyang pangalan. "Ezra?"
"Ezra. 'Yong kababata niyang VJ ng isang malaking music company? Don't you know her? VJ Ezra?"
Umiling ako pero naalala ko 'yong mestizang babae na nakasama niya sa bar. Medyo pamilyar nga sa akin ang babaeng iyon. Siguro ay nakita ko na nga siya sa TV.
"No one can tame a beast like him, Sunny. And it's sad. Kaya nga mas lalo akong nairita nang sinabi niyang gusto ka rin niya. Gusto? Really? Gustong maging ano, past time?"
Nanuyo ang lalamunan ko. Iyon din ang tingin ko. Tama si Kid. Pero hindi ko talaga maipagkakaila na may parte sa aking umaasa parin na sana nga... dahil natatakot akong mahulog mag isa. Shit!
Tumango ako at hindi na nagsalita.
"I know you're smart. Hindi ko alam kung paano siya dumiskarte but I hope you won't fall for him."
Ang mga salita ni Kid ang patuloy na tumutunog sa aking tainga kahit nong hinatid niya na ako sa building. Nagpasalamat ako sa oras at sa kanyang paghatid. Next time, isosoli ko na talaga ang cellphone. Kumaway siya at pinanood ko siyang umalis. Nang malayo na ang kanyang sasakyan ay nabasa ko 'yong message niya na kakarating lang.
Kid:
Date? Tomorrow?
"You were with me last night and you're with him early this morning? Really, woman?"
Halos mapatalon ako nang umalingawngaw ang boses ni Rage sa likod ko. Mabilis ko siyang binalingan. Nakatayo siya doon at naka maroon na t-shirt. Ang mas ikinagulat ko pa ay ang hinahawakan niyang bouquet ng puting mga rosas sa kanyang kamay.
"Isosoli ko sana 'yong cellphone niya." Paliwanag ko at itinago 'yong cellphone ni Kid sa bulsa ko.
"Just throw it. Papalitan ko 'yan ng mas maganda."
Kumunot ang noo ko. "Hindi na kailangan. Bibili din ako ng akin kaya ko gustong isoli 'to."
"Ayokong may gamit siya sa gamit mo. It's better if you throw it away. Ngayon, bibili ako ng cellphone. Just throw that trash away."
"Ang sama mo. Kay Kid ito. Dapat isoli ko sa kanya at hindi basta bastang itatapon lang-"
"Ba't di mo na soli? Sabi mo isosoli mo dapat 'yan? Ba't di natuloy?" Naiirita niyang tanong.
"Kasi ayaw niya." Paliwanag ko.
Pinagtitinginan kami ng mga security guard ng building. Mabuti na lang at Sabado. Hindi tulad ng weekdays ay wala masyadong tao ngayon.
"Fuck it." Sabay tingin niya sa kanyang dalang bouquet.
Nakita kong pumula ang kanyang pisngi at nag fi-flex ang kanyang muscles habang hinahawakan ng mabuti iyong mga rosas.
"Sasalubungin sana kita ng roses pero sinalubong mo ako ng selos! Just... what the hell..." Nag iwas siya ng tingin sa akin.
Shit. Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang roses na dala niya.
####################################
Kabanata 25
####################################
Kabanata 25
Date
Buong araw na nakaaligid si Rage sa akin. Kung mayroon mang hindi nakakaalam sa ginagawa niyang pag pupursigi sa akin ay paniguradong alam na nila iyon ngayon. Nang umakyat pa lang ako ng building kasama niya na may dala dalang rosas ay nakumpirma na nila. At nang nagpadala siya ng lunch para sa amin ni Mia sa lounge ay halos mahiya ang mga maintenance.
"Uhm, excuse me, sir." Umubo-ubo pa si Mrs. Ching nang nadatnan si Rage sa sofa, nakaupo din.
Kanina niya pa pinupuna ang iilang pagkukulang sa Lounge. Kasama na doon ang kama para daw matulugan ng mga crew na agad namang diniscourage ni Mia dahil daw nag po-promote iyon ng pagiging tamad habang nasa trabaho.
Nagtaas ng kilay si Rage kay Mrs Ching. Halos hindi ako maturo ni Mrs. Ching sa pagkakaintimidate niya kay Rage.
"Mag papa meeting sana ako saglit sa crew para sa dadating na event ngayong Friday."
"Okay." Tumango si Rage.
Tinuro ulit ako ni Mrs Ching. "Kasama po kasi dapat si Sunny."
Tumikhim si Rage at napatingin kay Mrs. Ching.
Baliw. Pumula ng parang kamatis ang pisngi ni Mrs. Ching sa titig ni Rage. Hindi ko malaman kung nahihiya, natatakot, o naiintimidate ba siya.
"Opo. Andyan na." Sabi ko at tumayo na dahil si Mia ay nasa likod na ni Mrs. Ching.
"Ibabalik ko rin po agad si Sunny. Mga limang minuto lang ito."
Tumango si Rage at tumingin sa akin.
Kumunot ang noo ko. Nagulat ako sa hindi maalis niyang mga titig. Ako na lang mismo ang nag iwas ng tingin at sumunod kay Mrs. Ching patungo sa kanyang opisina.
"Grabe, Sunny! Grabe! Kita mo 'yong mga binili niya para sa'yo? Shit!" Panay ang talak ni Mia habang sumusunod kami kay Mrs. Ching sa opisina niya.
Nang nakapasok kami ay nakita kong naroon na nga ang iilang crew at kami na lang ang hinihintay. Umupo kami ni Mia sa harap. May nakita na agad ako sa laptop ni Mrs Ching. Tungkol ito sa event na mangyayari sa Friday. Hindi ko pa alam kung ano 'yon pero ang alam ko ay celebration 'yon para sa lahat ng stock holders at investors na na close nila sa loob ng ilang buwan.
Itong negosyo kasi nila ay 'yong leading company na gumagawa ng iron, metals, at kung anu ano pa, sa buong Pilipinas. Nag aangkat din sila sa ibang bansa. Madalas 'yong mga branches nila ay nasa probinsya. At ang Del Fierro Building ay mistulang business center para sa mga foreign investors at iba pang stock holders nila.
"Kasama po ba sa dadalo sina Mr. and Mrs. Del Fierro?" Tanong ni Mang Carding kay Mrs. Ching.
"Hindi po. Si Rage lang sa ngayon. Hindi pa nakakauwi galing ibang bansa sina Mr. and Mrs."
Tumango si Mang Carding.
"All the more na kailangan nating maging maayos ang event na ito para kay Mr. Del Fierro." Ani Mrs. Ching. "Tapos ko nang nakausap ang crew ng kitchen kaya sila na ang bahala sa pagkain at pag se-serve. Kayo ang hinuli ko dahil konti lang naman ang kailangan galing sa inyo. Abangan niyo lang 'yong taga kitchen para incase may aksidente, malilinis kaagad. Foreigners madalas ang investors dito kaya medyo partikular sila sa service."
Nakinig kami sa mga plano ni Mrs Ching patungkol sa gaganapin ngayong Friday. Mabilis lang ito dahil hindi naman gaanong mabigat ang magiging trabaho namin. Iyon nga lang, bawal ang maging malamya.
Pagkatapos ng pag uusap ay bumalik na ako sa Lounge at nagulat ako na nandoon parin si Rage.
Pinagmasdan niya ako habang naglalakad papasok doon kasama si Mia. Hindi ko talaga alam kung paano siya papakisamahan. Ano ba kasi ang ginagawa niya dito? Wala ba siyang ibang gagawin bukod sa tumambay dito?
"Are... Are you busy this afternoon?" Tanong niya sa akin.
"Hindi siya busy, Sir." Natatawang sinabi ni Mia.
Nilingon ko si Mia. Siya pa talaga ang sumagot para sa akin.
"May trabaho ako mamayang gabi." Paliwanag ko kay Rage. "Kailangan kong mag pahinga."
Narinig ko ang maliliit niyang mura bago nagpatuloy.
"Makakapagpahinga ka naman. I promise you'll be home before 5pm."
Narinig ko ang tawa ni Mia sa likod at nanahimik na siya. Suminghap ako at humalukipkip. Pinapanood ni Rage ang galaw ko na para bang natatakot siyang tanggihan ko ulit siya.
"Bakit? Saan tayo?" Tanong ko.
"Uhm... Mall?" Parang hindi siya sigurado sa sinasabi niya. "Movie."
Tumango ako at nag iwas ng tingin. "Magbibihis lang ako."
Narinig ko ang singhap niya sa sinabi ko. Umiling si Mia nang nag tama ang paningin namin. Binalewala ko na lang siya at kinuha ang isang simpleng t-shirt. Hindi ko alam kung ano ang susuotin ko pag kasama si Rage pero wala naman akong magagawa dahil limitado lang ang mga damit ko. Kinuha ko rin 'yong shorts. Pansamantala kong iniingatan na hindi ko masyadong magamit ang mga pants ko dahil irereserba ko iyon para sa school.
Pagkatapos kong mag bihis ay naabutan ko na si Mia na kumakain na naman sa pagkaing dala ni Rage doon. Sinuklay ko ang buhok ko malapit sa locker at ramdam na ramdam ko ang titig ni Rage sa akin.
"Maganda 'yong mga showing ngayon, Sunny. Teka... Kelan ka huling naka panood ng sine?" Nilingon ako ni Mia.
"Nong buhay pa si mama." Sambit ko at hinayaan ang buhok kong umalon sa aking likod.
Tumango si Mia at bumaling ulit siya kay Rage at ngumisi.
"Gumawa kayo ng bagong mga alaala."
Umiling ako kay Mia. Tumawa na lang siya at nagulat ako sa pag tayo ni Rage. Nakapamulsa siya at naghihintay na sa akin. "Let's go?"
Tumango ako kay Rage. Bumagsak ang tingin niya sa suot ko at nagkamot siya ng ulo.
"Yeah. I can handle another brawl." Bulong niyang hindi ko masyadong nakuha.
Bumaba agad kami ng building. Patungo pa lang kami sa kanyang sasakyan ay nakareceive na ako ng iilang message galing kay Kid.
Kid:
So I guess you're not free tomorrow? Di ka nag rereply, e. Then are you free tonight?
"Get in." Narinig kong sinabi ni Rage sa likod ko. Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan.
"Thanks." Sabi ko at pumasok na sa loob ng kanyang sasakyan.
Kumunot ang noo niya at tiningnan niya ang cellphone ko. Hindi niya pa sinasarado ang kanyang sasakyan. Tumingala ako sa kanya habang nakalagay ang kamay sa pintuan at sa itaas ng kanyang kotse.
Itinago ko ang cellphone ko dahil napansin ko ang tingin niyang dumadapo don.
"You're going out tonight? Hindi ba may trabaho ka?"
"Oo. Magtatrabaho ako. Bakit?"
"I'll be meeting the investors tonight so I'm busy." Kinagat niya ang kanyang labi at nag iwas ng tingin bago wala sa sariling sinarado ang pintuan.
Inayos ko ang seatbelt ko at pinanood ko siyang pumasok sa loob. Kinagat niya ang kanyang labi habang nag aayos ng seatbelt at nagmura ulit.
"Saan tayo?" Tanong ko nang pinanood siyang nag drive na palabas ng parking lot.
"Movie. May palabas ka bang gustong panoorin?"
"Hindi ako updated sa mga palabas. Pero gusto ko 'yong action." Sabi ko.
"Alright, then we'll watch that."
Tumagilid ako para mapanood ko siyang mag drive. Bahagya siyang lumingon sa akin at tumikhim.
"Alright, I can't stand it. You're wearing something super tight. I won't enjoy this. Everyone will stare at you and I won't be comfortable."
Tiningnan ko ang damit ko. 'Yong shorts lang naman ang masyadong maiksi dahil matagal na iyon. High school pa lang ako nang binili ko iyon at hindi ko naman iyon kayang itapon dahil isa 'yon sa mga maayos pang damit ko. Hindi naman ako tumaba pero naaalala ko na nong binili ni mama 'to ay medyo loose pa siya sa akin at ngayon ay sobrang fit na.
"Okay lang naman ang damit ko. Komportable naman ako."
"I'm not. Okay?" Bumaling siya sa akin.
Sumimagot ako at umirap siya.
"Don't get me wrong. You look so good. Too damn good actually. And I want you for my eyes only."
"Ilang beses na akong nagsuot ng ganitong damit, Rage. Ganito ang nasa trabaho sa sa Marlboro. Atsaka... hindi ko alam na pag aari mo pala ako." Nagtaas ako ng kilay para sana pahiyain siya.
Ngumuso siya at pinaharurot ang sasakyan papasok sa dapat ay slow down na carpark ng isang mall. "Well, now you know." Aniya at lumabas.
Nanlaki ang mga mata ko. Nagmadali ako sa pagkalas ng seatbelt ko at nakita ko siyang nakaabang na sa aking pintuan. Sumimangot ako at agad na lumabas sa sasakyan. Gusto kong malaman niya na hindi ako natutuwa kahit na naghuhuramentado na ang buong sistema ko.
"Sige na. Pagbigyan mo na ako. Hindi ako araw araw nakikipag date, Sunny. And I don't wanna ruin this."
"Pano masisira ng damit ko ang date natin?" Uminit ang pisngi ko nang narealize kong umamin ako na date iyon.
"Gusto mo bang masagot 'yang tanong mo o agapan na lang natin ang problema ng pagkasira?" Nagtaas siya ng kilay sa akin.
"Sinisira mo ang date natin dahil sa kababawan mo." Inirapan ko siya at mabilis ng naglakad patungong mall.
Sumunod siya sa akin. Humalukipkip ako at hinawi ko ang buhok ko. Nakikita ko ang tingin ng bawat nakakasalubong namin. Kung hindi sa akin nakatingin ay sa taong nasa likod ko naman.
"You're killing me, woman!" Singhap ni Rage sa likod ko.
"You're killing yourself!" Sabi ko.
"Ansabe mo?" Sabi niya. "You're ruining our date. I just want to buy you a jacket, come on."
Hindi ko maitago ang pagkakamangha ko sa buong mall. Refreshing iyon para sa akin. Ilang buwan na rin kasi akong hindi nakakatungtong sa ganito kalaking mall para lang mamasyal. Hinarap ko siya ng nakahalukipkip at sinigurado kong galit ang mukha ko. Naabutan ko ang frustrated niyang mukha. Parang pinipiga ang puso ko. He can't be frustrated just because of my clothes!
"Whatever, Rage. Di ka naman ganito noon." Sabi ko ng pabulong.
"Thank you. Well, that's because ayokong makealam sa'yo noon." Aniya at biglang hinigit ang kamay ko.
Nag iwas siya ng tingin sa akin. Nalaglag ang panga ko sa ginawa niya. Hinintay kong mag salita siya ngunit wala siyang ginawa kundi manghila at maglakad patungo sa pagbibilhan niya ng jacket.
"This is all cheesy but I don't wanna lose you here." Paliwanag niya.
Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Halos mapapikit ako sa nararamdamang pagkalabog ng naghuhuramentadong puso.
Alam ko kung anong klaseng lalaki siya. I want to give him a chance but I'm scared. Hindi ako ganon ka tapang pagdating sa pag ibig. Dahil nakita ko na kung paano nawasak ang mga tao sa paligid ko. I've seen them fight and die for this. Ayokong ganon ang kahahangtungan ko. May mga pangarap ako sa buhay at distraction lang sa mga pangarap ko ang pag ibig na 'to.
Pero sa ngayon... gusto ko lang talagang maramdaman. Kahit na alam kong panandalian lang ito... kahit na alam kong imposible ito... na imposible talagang mapaibig ang isang tulad niya... na imposibleng hindi niya ako iwan balang araw... gusto ko paring maramdaman kahit saglit. Ano ang pakiramdam na gusto ka ng taong gusto mo?
Dahan dahan kong ginapang ang mga daliri ko sa gitna ng mga daliri niya. Bumagal ang kanyang paglalakad at nilingon niya ako. Mahigpit kong pinagsalikop ang aming mga daliri.
####################################
Kabanata 26
####################################
Kabanata 26
Gold Digger
Masarap kasama si Rage kahit na madalas kong ipinapakita sa kanya na naiirita ako. Sa loob ng sinehan ay nag ooffer siya sa akin ng pop corn at lagi ko siyang tinatanggihan dahil mas gusto kong manood na lang.
"Open..." Bulong niya habang nilalahad ang isang pop corn sa bibig ko.
Kumunot ang noo ko at binalingan ko siya. "Ang kulit mo."
Humalakhak siya. "Ang sungit mo."
Tinitigan ko siya sa gitna ng dilim. Kahit na madilim ay kitang kita parin kung gano gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at kung paano tumawa ang kanyang mga mata.
"I don't normally do dates." Bulong niya.
Ngumiwi ako. "Imposible. What makes me so special..."
"I think you deserve the places. I think you deserve more." Mas mahinahong bulong niya.
Hindi na ako makapag concentrate sa pinapanood namin. Iyan mismo ang nakakatakot sa mga tulad niya. Dahil alam mong playboy siya, hindi mo na alam kung alin ang totoo at alin ang hindi. It's safer to think that his words are full of lies but you're heart won't mind the danger. Mas gugustuhin mong maniwala na totoo 'yon.
"At matagal na panahon na nong huli akong nanligaw... But it wasn't like this... this is different."
Nanatili ang titig ko sa kanya. Liligawan niya ako? Hindi ko lubos ma isip na si Rage Del Fierro ay manliligaw sa akin. Oo na't dinalhan niya ako ng mga bulaklak noon at lumalabas kami tulad nito pero hindi ko alam na lalabas 'yon sa kanyang bibig.
Wala akong nasabi sa kanya hanggang sa natapos ang palabas. Masyado akong natatakot sa maaaring lumabas sa bibig ko. Umaasa ako sa kanya pero takot na takot parin ako.
Ang alam ko ay wala siya mamayang gabi dahil sa business meeting. Ganunpaman ay hindi ko alam kung saan ko napulot ang energy ko na magbihis para sa gabing iyon. Kumakanta pa ako habang nag susuklay ng buhok kaya panay ang puna ni Mia sa akin.
"May in love..." Parinig niya.
Binalewala ko siya dahil kanina pa siya nanunuya ng ganon. Nagpatuloy ako sa pagsusuklay hanggang sa may nangalabit sa akin. Nilingon ko ang isa sa pinaka petite sa Marlboro Girls. Hindi ko maaalala ang kanyang pangalan pero pamilyar ako sa mukha.
"Boyfriend mo 'yong kahapon?" Ngiti niya sabay hawi sa kanyang bangs.
Umiling na ako ngunit ang maingay na si Mia ang sumagot para sa akin. "Masugid na manliligaw. Ang haba ng hair, no?"
Nilingon ako ng iilang Marlboro Girls na nag mi-make up at may ilang nakiusyuso. Tinanong ako kung sa bar ko ba daw na kilala si Rage o ano. Sinagot kong sa trabaho. Nagulat sila dahil boss ko siya at parang hindi sila naniniwala na nanliligaw ang boss sa empleyado.
"Let her be infatuated. Bukas makalawa, iiyak na 'yan. Nothing lasts. Lalo na pag ganyan. We all know that, we're not dumb. But she probably is..." Sambit ni Alona sa kabilang salamin.
Dinilaan niya ang kanyang labi habang tinitigan ako pabalik sa salamin. Yumuko na lang ako at nagligpit ng gamit. Ayokong marinig... ayokong marinig ang mga katotohanang sinabi niya!
Naging normal na gabi iyon hanggang sa nakarating ako sa bar na madalas tinatambayan ni Rage. Sa madalas na sofa'ng inuupuan nila ay nagulat ako dahil sobrang daming tao doon. Mga babae at lalaking pare parehong sopistikada at mukhang may sinasabi sa buhay. Nakaupo sila doon mga mahigit labing limang tao. Ang iba sa kanila ay nakatayo na dahil hindi na sila mag kasya.
Wala talaga si Rage. Tumikhim ako at lumapit sa kanila.
Nang inisip ko ng ibang grupo ito ay nagulat ako dahil nakita ko si Brandon, Logan, at Kid doon. Napalunok ako at inisa isang tiningnan ang mga kasama nilang nagtatawanan.
"One pack of black, please." Matigas na ingles ang sumalubong sa akin.
Halos mapatalon ako sa nagsalita. Akala ko si Rgae, iyon pala isa lang sa mga kaibigan nila.
"Sure." Sabi ko.
"Nessa, may Marlboro Girl dito. Black?" Tanong ng isa pang kasama nila sabay tingin sa mga sigarilyong dala ko.
"Yes, please." Sabi ng isang matangkad, morena, at magandang babae. Naka puti siyang dress at ang bawat gamit niya ay sumisigaw ng karangyaan.
"Bilis, Ness. I don't want her to eavesdrop. May importante akong sasabihin!" Biglaang sinabi ng isang babaeng hindi ko naman makita.
Sa sobrang dami nila ay hindi parin ako nakikita ni Logan, Brandon, o ni Kid. Panay ang linga ni Kid pero masyadong matatangkad ang mga lalaking nakatayo kaya nasa likod lang nila ako.
"I said, faster Marlboro Girl! Shoo!"
Halos mapatalon ako sa nagsalita. Uminit ang pisngi ko sa hiya. Tumingin ang iilang mga kaibigan nilang lalaki sa akin ng nakangisi.
"Bilis daw miss. You need to go." Anang isang matangkad, payat, at half foreigner.
"Marlboro Girl?" Narinig ko ang boses ni Kid.
Nagtama agad ang paningin namin. Tumayo siya at agad na humakbang patungo sa akin. Mas lalo lang akong nahiya nang napawi ang ngiti ni Brandon at Logan nang sa wakas ay nakita nila ako. Nakakahiya. Habang tinitingnan ko ang mga mukha ng mga kaibigan nilang halos naiiirita sa akin dahil lang sa presensya ko ay mas lalo ko lang naramdaman ang agwat naming lahat.
"Sunny!" Lumaki ang ngisi ni Kid ngunit agad ding napawi nang may biglang humawak sa baywang ko.
"Buti naabutan kita." Hinihingal at napapaos na bulong ni Rage sa aking tainga.
Naramdaman ko ang hininga niya sa tainga ko kaya nilingon ko kaagad siya. Naaninag ko ang malalim niyang mga mata. Ngumuso siya sa akin at may isang maliit na box siyang ipinakita.
"Rage? Kala ko di ka makakasama?" Narinig ko ang sigaw ni Brandon sa gitna ng ingay.
"Tsss. What a scene." May narinig akong sumambit nito.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaibigan niyang halos mandiri sa nakikita. Nararamdaman kong gusto nilang umangal. Ang tanging pumipigil sa kanila ay si Rage.
"Hindi nga ako makakasama. I just came here for her, Brandon."
"Shit." Narinig kong sinabi ni Brandon tsaka siya umiling.
"Introduce mo naman kami, Rage." Medyo nahihiyang sinabi ng lalaking kaibigan ni Rage.
Lahat sila ay nakatingin na sa akin. Alam kong ang tanging pumipigil sa kanila para pagsalitaan ako ng masama ay ang respeto nila kay Rage.
Hinawakan ni Rage ang kamay ko at nilagay niya doon ang box. "That's my gift."
"Ano 'to?"
"What the fuck? Anong meron, Brandon?" Narinig kong sinabi ni Kid sabay turo sa amin.
Kinagat ko ang labi ko at yumuko na lang ako. Tumikhim si Rage at inakbayan agad ako.
"This is Sunny Aragon. Sorry sa istorbo sa party niyo. I just came here to find her. Buti na lang nakita ko siya. Excuse us?" Intimidating ang naging tono ni Rage sa sinabi niya.
Halos walang sumagot sa kanila. May nakita akong tumango. Ang tanging nakabasag sa katahimikan ay si Kid.
"FUCK YOU, DUDE!" Sigaw niya at sumugod ngunit agad namang nahawakan ni Logan at Brandon.
Hinawakan ni Rage ang kamay ko at nilagay niya ako sa likod niya.
"You are powertripping again, huh? Fuck you! Binilhan mo ng iPhone, really? iPhone para makuha mo ang loob?" Nanggagalaiti si Kid.
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin ako sa box na binigay ni Rage. Ngayon ko lang nakita na iPhone nga iyon. Oh my God!
"Easy there, Kid. Hindi ko alam na nandito ka." Ani Rage.
"Rage, no offense but she's so cheap." Sabi nong morenang bumili ng sigarilyo kanina.
Nalaglag ang panga ko at nag angat ako ng tingin sa mga matang nanonood sa akin na para bang isa akong hayop na walang matitirhan. Shit!
"Easy right there, Ness. I've never hit a girl before." Mariing sambit ni Rage.
Agad sumimangot iyong babae at humalukipkip.
"We're just saving you're ass, dude. She can be a gold digger." Sabi ng katabi nong babae.
"Anong sabi mo-" Bago pa natapos sa pagsigaw si Kid ay mabilis na sinuntok ni Rage ang lalaking nagsalita.
Malulutong na mura at nakakabinging tilian ang nangyari. Nakita ko na ang mga lumalapit na bouncer. Pinalibutan ng mga kaibigan niya iyong lalaki. Maging si Brandon ay tumulong sa kanila at panay ang mura niya kay Rage. Si Logan ay nanatiling nakahawak kay Kid.
"Wa'g na wa'g kang magsalita ng ganyan sa harap ko, Jess, or you're going to experience hell." Turo ni Rage sa lalaking nasuntok.
Pumikit ako at parang may bumagsak sa sistema ko. Pinipiga ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Nangingilid ang luha ko ngunit ayokong umiyak dito.
Bumaling si Rage kay Kid. "You fell for the wrong girl, Kid." Iyon ang sinabi niya bago niya ako hinigit palabas ng bar.
Nagpatianod ako sa kanya palabas ng bar. Pero habang naglalakad ako kasama siya ay panay ang tulo ng luha ko. Hindi ko naisip na sa sobrang daming issues ko sa aking sarili ay hindi ko na nakita kung ano ang iniisip ng ibang tao kay Rage at sa akin. Na iniisip nila na pineperahan ko siya. Iniisip nila na ginagamit ko siya. Na nandidiri sila sa akin dahil hindi ako tulad nilang mayaman. Hamak lang ako at hindi ko maintindihan kung ano ang ginagawa ni Rage sa buhay niya at bakit niya ako kinakasama.
Nilingon ako ni Rage nang sa wakas ay nakalabas kami. Bagsak ang paningin ko sa lupa at ramdam ko ang bawak patak ng luhang lumandas sa aking pisngi. Panay ang punas ko ngunit sadyang masakit ang katotohanan.
"Sunny..."
Suminghap siya at hinigit ulit ako. Patungo na siyang parking lot ngayon. Panay ang punas ko sa aking luha, iniingatan sa kabilang kamay ko ang isang mamahaling bagay na ibibigay niya sa akin at hindi ko matatanggap.
May iilang mga taong nakatingin sa amin. Nakikita ko rin ang van ng Marlboro Girls sa malayo.
Humikbi ako at pinatunog ni Rage ang kanyang Prado. Hinila niya ang pintuan at uminuwestra niya sa akin ang loob nito ngunit ang tangi kong nagawa ay ang sapilitang pag bawi sa kamay ko.
"Sunny..." Nagbabanta ngunit mahinahon niyang sinabi.
Umiling ako habang patuloy ang pagluha.
"Sunny, I'm sorry." Aniya ngunit hindi parin ako pinapakawalan.
Sumakit ang pulso ko dahil pilit ko itong kinakalas. Umiling ako at hindi ako makapagsalita. Hindi niya kasalanan. Talagang may narealize lang ako. Na kahit anong gawin ko, hindi ako pwede sa kanya. Na hanggang pangarap ko lang talaga siya. Hindi ako kailanman matatanggap ng kanyang mga kaibigan at habang nandito ako ay magpapatuloy siya sa pagsira sa mga relasyon niya sa kanila at ayokong mangyari iyon... Habang tumatagal ay mas lalong dumadami ang nasasagasaan namin. Ayokong masaktan si Kid dahil naging mabait siya sa akin pero nasaktan ko na siya at nasira ko na rin sila ni Rage.
"Sunny, don't do this..." aniya habang hinihila ko parin ang kamay ko.
"Rage..." nanginginig ang boses ko. "Bitiwan mo ako."
Nalaglag ang panga niya at napatingin siya sa kanyang kamay. Parang password ang naging salita ko sa kanya. Pinakawalan niya ako. Nag angat ako ng tingin sa kanya habang pinupunasan ang luha ko. Sa kauna unahang pagkakataon ay nakita ko siyang takot. Lumunok siya at pinagmamasdan akong mabuti na para bang maaari akong sumabog anytime.
Humikbi ako at tinalikuran ko siya. Alam kong lumalim na ang damdamin ko para sa kanya pero bago pa man ito mag ugat ng tuluyan ay gusto kong tapusin na lang 'to ngayon. Walang kahahantungan 'to. Masyado akong maraming issues at hindi ko na kaya.
"Oh God, no, Sunny!" Aniya at agad na hinawakan ang braso ko.
Ang isang braso niya ay dahan dahang pinulupot sa aking katawan. Binitiwan niya ang aking braso at niyakap niya ako galing sa likod. Ang mukha niya ay nasa balikat ko at halos marinig ko ang mumunting mura niya sa tainga ko.
"Hindi kita kayang suwayin pero hindi rin kita kayang pagbigyan. Don't leave, please. Don't leave. It's my friends... Their just... like that. I promise they won't do that again to you. I promise you won't have to deal with them again."
"Rage, pakawalan mo ako." Utos ko.
"No. Shit. No!" Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. "Fucking shit! Sunny, nagsisimula pa lang ta'yo pero I... I can't do this. I can't... let you... I can't let you do this. Fuck. I think I'm going crazy." Aniya at agad akong hinarap.
Ang mga mata ko ay nanatili sa dibdib niya. Hindi ko kayang makita ang kanyang mukha. Pakiramdam ko ay pag nakita ko siyang nagmamakaawa ay pagbibigyan ko siya agad agad.
"Ito ang gusto mo nong una diba, stay away? Then I'm going to stay away right now. Hindi ako mabuti para sa'yo tulad ng sinasabi mo at hindi ka rin mabuti para sa akin-"
Agad niyang nilagay ang kanyang index finger sa aking labi. Natigil ako sa pagsasalita.
"Hush it, Sunshine. Hush." Inangat niya ang baba ko ngunit umiling lang ako, ayokong mag angat ng tingin sa kanya.
Inulit niya ulit hanggang sa nagtagpo ang mga mata namin. Piniha ang puso ko nang nakita ko kung paano matakot ang malalim niyang mga mata.
"I think I'm in love with you." Pumikit siya at nagmura.
####################################
Kabanata 27
####################################
Kabanata 27
Brave and Weak
Pagkarinig ko sa sinabi niya ay nanghina ako. Bumagsak ang mga kamay at balikat ko. Hindi ko kayang umalis.
Hindi kapani paniwala. May parte sa akin na nagsasabing hindi iyan totoo. Na playboy lang siya at gusto niya lang akong mabihag kaya niya sinasabi 'yan. Ayokong maniwala. Pero ang maliit na parte sa akin ang nasusunod. Iyong parteng pwede... pwedeng mahal niya ako.
Tulala ako sa kanyang sasakyan habang nag dadrive siya patungo sa building. Nang nakita kami ni Mia kanina ay sinenyasan ko na lang siyang magkita na lang kami doon. Nakuha niya kaagad at siguro'y siya na rin ang nagpaliwanag kay Ma'am para sa akin. Kailangan kong magpasalamat sa kanya mamaya.
"Sorry..." Tikhim ni Rage habang hinihinto ang sasakyan dahil sa pag pula ng traffic light.
Hindi ako kumibo. Nanatili akong tulala.
"Sorry..." Ulit niya. "Hindi ko sinasadya. Hindi ko dapat sinabi 'yon. It's too fast for you. I'm sorry, Sunny. It's true pero alam kong iniisip mo na hindi dahil masyadong mabilis."
Suminghap ako at binalingan siya. Hindi ako nagsalita. Nakita kong naghihintay siya sa sasabihin ko ngunit wala akong masabi kundi ang punahin ang box na ibinigay niya kanina.
"Hindi ko 'to tatanggapin." Sabi ko sabay lagay sa box doon sa gilid ng aking upuan.
"Alam kong di mo 'yan tatanggapin."
"Hindi ako gold digger, Rage."
"I know, Sunny. Hindi ka nanghingi. I've been with you for a while now and I'm sure you're not like that. Just please take the damn phone. Di ko maatim na ginagamit mo 'yong kay Kid."
"Nasasaktan lang ang ego mo dahil ginagamit ko 'to. Ego trip-"
"Yes! Alright? Nasasaktan ang ego ko!" Iritado niyang sinabi. "Nasasaktan ang ego ko kasi kaya kong bigyan ka ng cellphone pero nag titiis ka sa cellphone ng taong 'yon. Sunny, aasa siya sa'yo. You should return that phone."
Tumahimik na lang ako. Inabala ko ang sarili ko sa panonood ng mga sasakyan sa labas. Tama siya. Pero hindi ko parin maiwasan. Natatakot parin ako. Pakiramdam ko ay masasaktan lang ako sa huli. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko may mali sa lahat ng ito at hindi ko lang malaman kung saang parte. Pero nahuhulog na ako sa kanya. At ang pagdududang ito ay hindi na makakapagpatayo ulit sa akin.
Nang kinuha ko na ang sweldo para sa gabing iyon at sa wakas ay nakausap na si Mia, pagod na pagod na ako. Naghihintay si Rage sa labas at panay pa ang tanong ni Mia tungkol sa nangyari.
"Sinaktan ka na naman ba niya? Simula ata nong pinatulan mo 'yang si Sir Rage, palagi ka ng umiiyak!" Ani Mia palabas kami ng building.
Suminghap na lang ako at nanghihinang naglalakad. Niyayakap ko ang sarili ko dahil sa pinaghalong ginaw ng aircon at ng malalim na gabi. Mabuti na lang at may dala akong jacket.
Natahimik lang si Mia nang nakita niya si Rage sa labas. Naghihintay siya sa amin at pinapanood niya ako habang papalapit sa kanya. Kinalas niya ang kanyang pagkakahalukipkip at tumayo ng maayos.
Hindi ako makatingin sa kanya kaya hinawakan niya ang baba ko para magtagpo ang aming mga mata.
"Alam kong di ka rin papayag kung sabihin kong sa bahay na kayo magpalipas ng gabi. Pero sana pumayag ka kung sabihin kong sa Lounge niyo ako matulog."
Tsaka pa lang ako napatingin sa kanya nang sabihin niya iyon. Nagkasalubong ang kilay ko. Si Rage Del Fierro? Matutulog sa sofa?
"Wala kaming kama don para sayo." Sabi ko.
"Dalawa lang ang sofa. Don't tell me chupi muna ako?" Utas ni Mia.
"Please, Sunny." Hinaplos niya ang pisngi ko. Hindi ko mapigilan ang pag pikit sa marahan niyang haplos.
Alam kong kahit hindi ako pumayag ay gagawin niya parin ang gusto niya. Hindi ko alam kung saan siya pu-pwesto sa Lounge pero nang nakarating na kami doon ay agad siyang umupo sa sofa na madalas kong tinutulugan.
"You seriously need a bed here." Aniya habang abala kami ni Mia sa pag aayos ng mga gamit.
"Hindi na kailangan, Sir. Next week, aalis na kami ni Sunny dito. May bed space na kaming nakuha."
Hindi na nagsalita si Rage. Pumasok si Mia sa banyo pagkatapos kong mag hilamos. Naka pajama na ako at puting spaghetti strap na siyang madalas kong pinapantulog. Kinuha ko na ang kumot at tiningnan ang sofa na inuupuan ni Rage.
Naka puting white v-neck tshirt na siya at nilalagay niya sa gilid ang coat na suot niya kanina. Nakita ko ring itinabi niya ang kanyang sapatos humilig siya sa sofa.
Bitbit ang kumot ay dahan dahan akong lumapit doon sa sofa. Pinagmasdan niya ako. Ngumuso siya nang nakalapit na ako ng husto. Nilagay niya ang unan ko sa kanyang hita.
"Dito ka matulog." Sabay tapik niya doon.
Umiling ako. "Mahihirapan ka. Pwede namang diyan ka na lang tapos sa sahig ako."
Umiling din siya. "No. I want you to sleep here with me." Sabay tapik niya ulit sa unan.
Tumikhim ako at umupo sa sofa. Tiningnan ko ang unan na tinapik niya ulit para imuwestra sa aking doon na ako humiga. Kinuha ko ang unan. Nagulat siya sa ginawa ko.
"Ilagay mo na lang 'tong unan sa likod o sa ulo mo. Di ko na kailangan ng unan." Sambit ko.
Ngumuso siya. "Will you be comfortable?"
Tumango ako at binigay ulit sa kanya ang unan.
Nakita ko kung paano niya iyon nilagay sa kanyang batok at kung paano siya bumuntong hininga dahil sa ginhawang nadama niya. Umangat ang labi ko. Hindi ko mapigilan ang mapangisi. Siguro ay masyado siyang napagod ngayong araw na 'to. Kakagaling niya sa meeting ay dumiretso na agad siya sa bar para lang puntahan ako.
Dahan dahan akong humiga sa kanyang hita. He stiffened. Naramdaman ko kung paano ko ninakaw ang ginhawang nadama niya kanina dahil sa paghiga kong iyon.
Tumingala ako. Nakita kong nakadungaw siya sa akin. Ilang sandali pa bago ko naramdaman na guminhawa ulit ang kanyang katawan. Pagod siyang ngumiti sa akin. Ilang sandali ay kinagat niya na ang kanyang lower lip. Tumikhim siya at nagsalita.
"Pwede bang sa bahay ka na lang matulog gabi-gabi? This bothers me all the time."
"Hindi ako don nakatira." Sabi ko.
"Well, ako doon ako nakatira." Nagtaas siya ng kilay.
"Ikaw ang doon nakatira. Ako hindi. Kaya bakit ako doon titira?"
Ngumisi siya. "Because I'm courting you."
Ngumuso ako para magpigil ng ngiti. "Ganyan ba ang sinasabi mo sa lahat ng babaeng nililigawan mo?"
Sumimangot siya at dahan dahang hinaplos ang buhok ko. "I don't do courtship, Sunny."
"Sinabi mo sakin sa sine na may niligawan ka na non."
"That was my first and it was very very different." Aniya.
"Basta niligawan, pareho lang 'yon." Sambit ko.
"I didn't offer her to stay in our house, Sunny. Tsaka that was high school. We just make out a lot and that's all. No feelings involved."
"Bakit mo siya niligawan kung wala ka palang feelings?" Napapikit ako nang hinawi niya ang buhok malapit sa aking noo.
"Kasi teenager pa lang ako at tingin ko ganon dapat."
May kaonting selos akong naramdaman para sa babaeng una niyang niligawan. Kahit na nilinaw niyang walang involved na feelings ay pakiramdam ko imposible.
Hindi na ulit kami nag usap tungkol sa pag alis ko. Ang tanging pumipigil sa akin na umalis ay ang nararamdaman ko para sa kanya. Nakakapanghina iyon at parang nawawala ako sa aking sarili. I lack better judgement these past few days but I don't mind. Lalo na pag naaabutan ko si Rage na nanonood sa akin sa gitna ng busy niyang opisina. Halos mabitiwan ko ang mop tuwing nakikita ko siyang nakatitig sa akin.
Shit!
Ngumingisi lang siya at umiiling saka tinitingnan ang kanyang mga papel. Nalalapit na iyong event nila ngayong Biyernes kaya mas lalo siyang nagiging busy. Ang tanging mga panahon lang na nagkikita kami ay tuwing gabi, minsan sa Lounge niya ako pinupuntahan, minsan naman sa opisina ko siya naaabutan.
"Leave the cart there, Sunny." Aniya habang hinahawakan ang batok.
So far, itong araw na 'to ang pinaka busy niya. Hindi ko napansin kung nakakain ba siya kaninang lunch pero may naghatid ng pagkain sa akin sa Lounge.
"Okay ka lang?" Tanong ko.
Nakaupo siya sa kanyang swivel chair at minamasahe ang kanyang batok.
"I will be if you sit here." Sabay tapik niya sa kanyang hita.
Kumalabog ang dibdib ko. Halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko. Nakita ko na noon kung ano ang kaya niyang gawin sa loob ng opisina niya. Napalunok ako at halos napatalon siya sa kanyang kinauupuan.
"Nevermind. You can sit there." sabay muwestra sa sofa.
Siguro ay nakita niya kung paano ako nagulat sa alok niya. Tumikhim ako at dahan dahang naglakad patungo sa kanya. Nag angat siya ng tingin sa akin na para bang milagro iyong pag lapit ko doon.
Dahan dahan akong umupo sa kanyang hita. Narinig ko ang kanyang pag buntong hininga. Inilapit niya agad ang kanyang katawan sa aking likod.
"Ayos ka na ba?" Nilingon ko siya at agad kong naramdaman ang pagpulupot ng mainit niyang bisig sa aking katawan.
Shit! Halos mapapikit ako lalo na nang huminga siya sa aking tainga.
"Very fine now. I'm just tired." Aniya sa aking leeg.
"Kumain ka na ba ng dinner?" Halos manginig ang boses ko sa pagtatanong.
"Hindi pa. I'm nervous." Aniya.
Tumaas ang kilay ko at sinubukan ko ulit na lumingon sa kanya. "Bakit? Para bukas?"
"Uh-huh..."
"Wow! Rage Del Fierro, nininerbyos?"
Ngumiti siya. "Well because if I close the deals, I can have my precious vacation. Kailangan kong gawin ang lahat para makapag bakasyon."
May kung anong mga mananap na nagwala sa loob ng tiyan ko. Kinailangan ko pang huminga ng malalim para mapakalma iyon pero parang mas lalo lang atang lumala.
"Kaya mo 'yan. Saan mo ba balak mag bakasyon?" Tanong ko.
"I don't know. Kung saan mo gusto?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "H-Hindi ako pwede. Magsisimula na 'yong pasukan next week. Mag aaral ako." Sabi ko.
"Well, sa school niyo ako magbabakasyon?" Humalakhak siya.
"Nagbibiro ka ba? Dapat ay pumangibang bansa ka o mag beach para ma enjoy mo 'yong vacation mo."
"No... I asked for this vacation so I can be with you, Sunny."
"Binibiro mo ba talaga ako? Imposible." Sabi ko.
"Yeah right. Akala ko din imposible akong magka ganito."
Huminga ulit ako ng malalim. Masyadong mabilis ang hataw ng puso ko at pakiramdam ko ay ramdam niya dahil sa lapit naming dalawa.
"Okay, I'm sorry. Am I freaking you out? Am I too fast?" He stiffened again.
Humalakhak ako. "Nope. Pero sorry, hindi talaga ako makakapag bakasyon." Kahit na gusto ko. Nakakaengganyo.
Nilingon ko siya at nakita kong nakatingin siya sa akin. Hinigpitan niya pa lalo ang kanyang pagkakayakap sa akin. Napatingin ako sa basa at mapupula niyang labi. "At di mo pa ako sinasagot. I'll wait till you say yes before I'll kiss you again so stop staring."
Ngumiti ako.
My mind is clouded. I lost my wisdom and judgement. Nawala ko ang lahat ng prinsipyo ko sa kanya. At natatakot akong wala na akong pakealam kung matalo man o manalo ako sa pagsusugal ko sa kanya. He's making me brave and weak at the same time.
Hindi ko matanggal ang ngiti sa aking labi araw-araw na naroon ako. Kahit na pagkagising ko ay may naka plaster paring ngiti sa aking labi.
"Hoy, hija! Dalawang araw na 'to dito! Hindi mo ba 'to nakikita?" Sabi ni Mia pagkagising ko.
May nilapag siyang sulat na agad kong nakuhang galing sa unibersidad na inenrol-an ko. Mabilis akong bumangon at binuksan ang sulat. Nakita ko ang break down ng expenses para sa semester na iyon at ang pag welcome nila sa akin.
"Di ka na excited sa pag aaral." Sabi ni Mia habang nagsusuklay ng buhok.
"Excited no." Sabi ko sabay tupi sa sulat at tabi nito.
Nag angat ako ng tingin sa kanya. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay at nginitian. Tumunganga ako hanggang sa narealize kong abala na pala ang lahat dahil ngayon ang event. Nag madali ako sa CR para makaligo at makapagbihis. Sinuot ko ang kulay royal blue kong uniporme na hanggang ngayon ay malaki parin para sa akin. Inayos ko ang sintas ng sapatos ko at sinikop na ang buhok para gawing pony tail.
"Big day ng Rage mo?" Sabi ni Mia sabay halukipkip at hintay sa akin.
Abala ang lahat sa pag punta sa kani kanilang floor. Pagkatapos maglinis sa floor nila ay bababa na kami para doon naman sa event maglinis. Panay ang talak ni Aling Nenita dahil late 'yong iba at mapapagalitan daw kami ni Mrs. Ching. Umiirap lang si Mia tuwing naririnig niya ang nanay ni Eric na nagmumura. Iniisip ko tuloy kung magkakaayos pa ba sila.
"Oo. Baba na tayo?" Ani Mia nang nakitang tapos na ako.
Tumango ako at humugot ng malalim na hininga. Tinulak ko ang cart ko at sabay na kaming bumaba ni Mia.
####################################
Kabanata 28
####################################
Kabanata 28
Cook For Me
Maraming tao ang naaninag ko sa buong hall. Pare parehong naka coat and tie ang mga lalaki at corporate attire o di kayay magarbong dress naman ang mga babae. Nanliliit ako sa pagiging abala nila sa pakikipag batian at pag po-pose sa mga naglalakihang camera.
Nasa gilid lang kami, naghihintay ng kalat galing sa mga pagkaing inihanda.
Punong puno ang hall ng puting round tables kung saan doon naka upo at nakikihalubilo ang mga taong ito.
May biglang dumating na mukhang bigating mga tao dahil sa mga body guard. Iilang bigating tao din ang bumati sa kanila. Usong uso dito ang attache case at body guards. Napapalunok ako tuwing may nakikitang pumapasok sa pintuan.
"Ayy!" Tili ng isang nasa mid-40s na babae nang nabasag ang kanyang baso.
"Sunny!" Sigaw ni Aling Nenita sa akin nang nakitang sa akin banda iyon.
Mabilis akong kumuha ng mop at nagtungo doon. Kumalampag ang puso ko sa kaba at lumulutang ang paa ko habang naglalakad sa dagat ng mga bigating taong ito.
"Janitress, salamat." Sabi ng babae habang nagmo-mop ako sa kanyang gilid.
Nginitian ko siya. Ngumiti siya pabalik ngunit nawala din ang tingin niya sa akin nang may lumapit sa kanya.
"Abangan niyo ang presentation ni Rage. He'll make his father proud, I'm sure. He'll close the deal." Sabi nong lalaking kausap niya.
"That's for sure. Rage never failed his father."
Sumusulyap ako sa kanila habang nag mo-mop ako doon. Pinipiga ang puso ko sa mga narinig na papuri kay Rage. Mas lalo ko lang naisip 'yong agwat naming dalawa sa estado ng buhay.
"Kaya nga nirereto ko talaga siya sa anak ko." Tumawa iyong babae kanina.
Natigilan ako sa pag mo-mop dahil sa pakikinig. "Well, your daughter is a fine lady. Rage will need a fine lady. He won't deserve anyone less."
Napalunok ako at inisip kung ano ang iisipin ng mga taong ito kung malalaman nilang nililigawan ako ni Rage ngayon. Ako na isang hamak lang na janitress.
"Excuse me, tapos ka ng mag mop? You're stinky. Pwedeng sa gilid ka na lang?" Sabi ng isang mas batang babae sa likod ko.
Hindi ko na tiningnan ang mukha nong babae. Umalis na agad ako sa kahihiyan at sa pagkakainis. Pakiramdam ko ay pag natingnan ko siya ay baka mapagsalitaan ko lang siya ng masama.
Kumalampag ulit ang puso ko nang nakalabas na sa hall. Mabilis ang hininga ko at humilig na ako sa dingding.
"Oh, anyare?" Lumabas din si Mia. Siguro ay kanina niya pa ako pinapanood at sinundan niya ako hanggang dito?
"W-Wala." Nanginginig kong sagot.
"Namumutla ka ah?"
Umayos ako sa pagkakatayo at inayos ko rin ang sarili ko. Kumain naman ako ng mabuti at hindi pa naman ako pagod pero masama ang pakiramdam ko.
"Okay lang ako, Mia." Sabi ko.
"Mia!" Sigaw ni Aling Nenita.
Umirap si Mia at mabilis na nag tungo sa loob.
Suminghap ako at yumuko. Ilang beses pa akong huminga ng malalim para mas maging maayos ang aking pakiramdam. Nilingon ko ang pintuang salamin na patungo sa hagdanan ng first floor at agad kong inayos ang buhok ko gamit ang repleksyon non.
"Narinig kong may pinopormahan daw si Rage na isang maid or something." Dinig kong sinabi ng kaedad kong babae na naka silver dress at heels.
Tumawa ang kanyang katabi na nakapulang dress naman. "Well, probably his past time. You know Rage, di 'yon magseseryoso. Siguro virgin pa 'yong maid kaya niya pinag didiskitahan."
Nalaglag ang panga ko. Pumasok na sila sa loob at halos di na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Iilang mga tao pa ang pumasok bago ako kinalabit ni Mrs. Ching.
"Sunny!? May problema ka ba? Tulungan mo si Mia doon sa loob, may natapong appetizer." Aniya.
Tumango ako at mas lalo lang kinabahan.
Kay Rage ang event na ito kaya natural na pag usapan siya ng mga taong nandito. Namataan ko kaagad si Mia na naglilinis ng mga scallops at kung anu-ano pa sa sahig nang binuksan ko ang pintuan. Mabilis akong dumalo sa kanya at tumulong sa paglilinis.
Sa kalagitnaan ng pag wawalis at pag mo-mop namin ay biglang nagsimula ang event. Umupo ang mga tao kaya mas lalo kaming nagdahan dahan sa mga ginagawa namin. Pinakilala ang mga foreign investors sa presidential table na nasa harap. Limang foreigners na iba't iba ang nationality, may dalawang Japanese, Swiss, American, at British sa table.
"Sunny, mop na tayo. Dali!" Utas ni Mia.
Tumayo kami para makapag mop na. Tumagaktak ang pawis ko habang ginagawa iyon. Nang narinig ko ang pag welcome kay Rage ay halos mabitiwan ko ang mop.
Nag click ang lahat ng mga camera nang tumungtong siya sa stage. Masakit sa matang makita siyang naroon at ako nandito, naglilinis. Isang beses akong nag angat ng tingin at halos mahulog ang puso ko nang nakitang naka itim na suit siya at naka lagay ang dalawang kamay sa stand.
Kinilabutan ako nang narinig ko ang matigas niyang ingles. Hindi ko kaya 'to. Alam ko na naman noon ang agwat ng estado ng aming buhay pero ngayon lang ako nasampal non. Hindi talaga ako pwede. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip ni Rage at bakit ako ang nagustuhan niya.
Mabilis akong umalis doon at lumabas. Humilig ulit ako sa pintuan at huminga ng malalim.
"Uy, gagita, anong nangyayari sa'yo? Kanina ka pa, ah?" Humilig din si Mia sa dingding, katabi ko.
Ngumunguya siya ng bubble gum at pinapanood ang ekspresyon ko.
"Hindi ko siya kayang panoorin." Sabi ko.
"Bakit? Wala kang tiwala sa kanya? Feeling mo papalpak siya?"
Sinimangutan ko si Mia. "Hindi. Hindi siya papalpak."
"Kung ganon, bakit?"
Iyon ang tanong na hindi ko masagot. May mga bagay na nararamdaman ko pero hindi ko alam. Umaliwalas ang mukha ni Mia na para bang may nakukuha siya sa mga kilos ko.
Narinig naming pumalakpak ang mga tao sa loob. Pumikit ako at sinulyapan naman ni Mia ang pintuan.
"Mukhang impressed ang mga tao. Ikaw lang ang hindi impressed." Aniya. "Hayaan mo na 'yong mga nagsasalita ng masama sa'yo."
Dumilat ako at napatingin sa kanya. "Alam mong may nagsasalita ng masama sakin?"
Kinagat niya ang labi niya at huminga ng malalim. "Sunny, hindi ako bulag at lalong hindi ako bingi. Naririnig ko ang mga tao at ang usap usapan ay may maid na kinahuhumalingan si Rage." Umiling siya. "Gusto kong pagsalitaan sila ng masama pero ayoko namang magkagulo."
Tumango ako. Akala ko ay nagkataon lang na narinig ko iyong mga masasamang salita kanina, iyon naman pala, usap usapan iyon ng lahat.
"Oh? Anong ginagawa niyo diyan sa labas?" Biglang sambit ng kakalabas lang na si Aling Nenita.
Nag ngising aso siya sa akin at ang kulot niyang buhok ay kanyang nilalagay sa likod ng tainga. Humalukipkip si Mia at umirap sa kawalan, nag iingat na hindi iyon makikita ni Aling Nenita.
"Dapat sa loob kayo. Lalo ka na, Sunny." Ngisi niya sabay tapik sa balikat ko. "Ma co-close na naman ni Mr. Del Fierro ang deal. Yayaman ka na." Tumawa siya at tumango sa akin.
Imbes na ngumisi ay napangiwi ako. Hindi niya iyon napansin dahil panay na ang pilit niya sa aking pumasok sa loob.
"Basta, pumasok na kayo. Makikita niyo. Ang galing niya." Aniya sabay tungo sa CR.
Nangilid ang luha ko. Hindi ko napapansin na iyon ang tingin ng mga tao sa paligid ko. Hindi lang iyong mga kaibigan ni Rage ang nag iisip ng ganon. Maging ang mga taong ito ay ganito kung mag isip at hindi ko iyon kaya. Nilingon ko si Mia at naka perfect O ang aking bibig habang nasa gilid na ng aking mga mata ang aking luha.
"Ang bruhang iyon! Ano ngayon kung ma co-close ni Rage 'yong deal? Si Rage lang ang yayaman!" Ania sabay tingin kay Aling Nenita na pumapasok na ngayon sa CR.
Lumandas ang luha sa aking pisngi at agad ko itong pinunasan. Hindi na ako nagpaalam kay Mia. Alam kong manginginig lang ang boses ko at hihikbi lang ako pag nagsalita pa.
"Sunny?" Sigaw ni Mia at narinig ko kaagad ang kanyang mga yapak na patungo sa akin.
Hindi ako nagsalita. Gusto kong pigilan siya ngunit hindi ko magawa dahil tuloy tuloy ang aking pag luha. Nag madali ako sa elevator at agad naman siyang nakapasok. Namumutla siya at alalang alala sa kinikilos ko.
"A-Anong nangyari? Okay ka lang ba? Hayaan mo na 'yong matandag 'yon! Tinatawag na 'yon ng mga uod sa hukay!" Ani Mia ngunit imbes na huminahon ay humikbi na lang ako.
Agad niya akong niyakap. Nilagay niya ang ulo ko sa kanyang balikat at agad akong nagpasalamat sa Panginoon na dumating si Mia sa buhay ko. Hindi ka talaga hinahayaan ng langit na mabuhay mag isa. Kahit na walang wala ako sa pera ay may kaibigan naman akong maaasahan.
"Shhh... Tahan na..." Ani Mia habang hinahaplos ang aking pisngi.
Tumunog ang elevator at dinala kami nito sa Lounge. Nagpupunas ako ng luha pagkapasok doon habang si Mia ay abala sa pagkuha ng tubig at tissue para sa akin. Umupo ako sa sofa at niyakap ko ang mga tuhod ko, titig sa kawalan.
"Tubig." Ani Mia sabay bigay sa akin ng isang baso ng tubig at tissue.
Uminom ako galing sa tubig at inilapag ko iyon sa kanyang mesa.
"Okay. Hindi ko alam kung ano ang nasa isipan mo pero kailangan mong magpahinga. At sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari mamaya. Sasabihin ko kay Mrs Ching na sumama ang pakiramdam mo kaya excused ka muna."
Kinagat ko ang aking labi at tumango. Ilang sandali pa siyang tumitig sa akin. Wala akong sinabi at hindi rin siya nag tanong. Huminga siya ng malalim at nagpasyang umalis na. "So kailangan kong bumaba para malaman 'to ni Mrs. Ching. Dito ka lang. Wa'g na wa'g kang aalis." Sabi niya.
Tumango ako at suminghap. Dahan dahan siyang umalis doon. Inisip ko iyong mga nangyari sa akin noon bago ko nakilala si Rage. Marami. Halos puro kamalasan. At hindi ko makuha kung bakit ngayon ay nagawa pa akong paulanan ng swerte dahil sa pagmamahal ni Rage sa akin. Sa sobrang swerte ko ay hindi na ako makapaniwala na totoo ito.
"There you are!" Umalingawngaw ang salita ni Rage sa Lounge.
Halos mapatalon ako nang nakita ko siyang niluluwangan niya ang kanyang neck tie at nakalahad ang kanyang kamay. Ang coat ay nasa braso niya. Malaki ang ngiti niya at alam ko kaagad na na close nga niya lahat ng deals.
"Hi!" Ngumiti ako.
Pinagmasdan kong mabuti kung paano gumalaw ang kanyang panga, kung paano siya mag lakad, kung paano lumalalim ang kanyang mga mata dahil sa kanyang kilay, at kung gaano ka tangos ang kanyang ilong. He's just so handsome and manly. Ito mismo ang dahilan kung bakit ako nahumaling. My dreams are now hazy just because of the lust I'm feeling for him. This is not good. Really not good.
"Kumusta?" Tanong ko.
"Great! Ba't ka nandito? I thought you're gonna watch?" Nag taas siya ng kilay sa akin at umupo siya sa tabi ko.
Pinanood ko ang paglalapit ng aking mga paa at mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa aking tuhod.
"Sumama ang pakiramdam ko." Sabi ko.
Mabilis na dumapo ang kanyang kamay sa aking noo. Humalakhak ako at pinanood ko kung paano niya dinungaw ang kanyang relo.
"Wala ka namang lagnat. You're probably just hungry." Sabi niya. "Gusto mo kumain sa labas? O dito lang?"
Tinitigan ko lang siya. Nagtaas ulit siya ng kilay sa pagtataka.
"Magbibihis lang ako. Wa'g na tayong lumabas. Diba sabi mo magaling kang mag luto? Cook for me, Rage."
Napaawang ang kanyang bibig. Luminga siya sa paligid. "Where?" Nagtataka niyang tanong.
"Sa bahay niyo."
####################################
Kabanata 29
####################################
Warning: SPG
-----
Kabanata 29
Akin Ka
Titig na titig ako sa kanya habang nag da-drive siya patungong bahay nila. Nang nagbihis ako kanina sa Lounge, buong akala ko ay di na kami matutuloy dahil magiging abala na siya sa pakikihalubilo niya sa mga bisita. Nagulat na lang ako nang tumawag siya na naghihintay siya sa akin sa parking lot.
Bawat kurba ng kanyang mukha, tangos ng ilong, lalim ng mga mata, pilikmata, at kilay ay sinasaulo ko. I want to memorize every bit of him. Ngumiti siya nang naramdaman ang titig ko. Gumapang ang kamay niya sa kamay ko at mahigpit niya itong hinawakan.
"I'm so happy." Iling niya.
Ngumiti rin ako. "I'm happy for you."
Sumulyap siya sa akin at ngumuso. "Anong gusto mong lutuin ko?"
"Hmmm, kahit ano. 'Yong specialty mo." Sagot ko.
"Alright." Niliko niya iyon sa pamilyar na village kung saan naroon ang kanilang bahay.
Buong byahe ay nakatitig ako sa kanya. Halos hindi ko matingnan ang kahit anong direksyon dahil natatakot akong mawala siya sa aking paningin.
Papalubog na ang araw nang dumating kami sa kanilang bahay. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan niya dahil sa success sa kanyang trabaho. I'm happy for him, really. He's in his rightful place. Pinaghihirapan niya ang kanyang tagumpay.
"You're weird. Bakit ka tumititig sa akin. Are finally in love with me?" Nagtaas siya ng kilay.
Tumawa na lang ako at sumunod sa kanya papasok ng kanilang bahay.
"Come on, Sunny. I know you like me." Kumindat siya.
Hindi ko talaga mapigilang matawa. Hindi mo talaga maaalis sa kanya ang kanyang kumpyansa sa sarili. Naaalala ko kung paano siya kasigurado na gusto ko siya noon ngunit naaalala ko rin kung gaano siya ka takot nang sinubukan kong iwan siya.
"Over confident." Sabi ko.
"I'm not." Umiling siya at lumapit sa akin habang hinahaplos ko ang likod ng kanilang sofa.
Kumalabog ang puso ko. Hinaplos ng kanyang daliri ang aking labi. Hindi kaya ng pag atras ko ang pigilan ang pag lapit niya sa akin. Inilapit niya ang kanyang labi sa aking tainga. Halos malagutan ako ng hininga.
"I know you're attracted. You're just damn scared to fall." Humalakhak siya at lumayo ng konti sa akin. "Stay here. Magluluto lang muna ako."
Sana nga. I wish I was just scared. But no. I'm not just scared, I'm terrified.
Hindi ko kayang mag hintay sa kanya sa sala habang siya ay nagluluto. Pagka diretso niya sa kusina ay sumunod din ako ilang sandali. Nilingon niya ako nang naramdaman niyang pumasok ako doon.
"No, Sunny. Hindi ako makakapag concentrate nito." Panunuya niya.
Humalakhak ako. "Gusto kong manood."
Nanliit ang kanyang mga mata sa akin habang abala siya sa paglalagay ng cooking pan sa stove.
Naka white v-neck t-shirt na lang siya ngayon. Umakyat ako sa high chair ng kanyang counter at pumangalumbaba habang pinapanood ko siyang kumukuha ng mga ingredients ng lulutuin niya.
"I swear, baka di 'to masarap. Mas iisipin ko kung anong iniisip mo dyan kesa sa susunod kong ilalagay."
Nagtaas ako ng kilay. "Baka excuse mo lang 'yan kasi di ka naman talaga marunong mag luto?"
Nagtaas din siya ng kilay sa akin at natigilan. Halos tumakbo ako nang nakitang patungo ulit siya sa akin pagkatapos ilapag lahat ng ingredients sa kabilang counter.
"Oh yeah?" Naghahamon niyang sinabi.
Nagsimula na akong tumawa para kalimutan ang kaba ko. Halos dumikit na iyong binti ko sa mga binti ng high chair na inuupuan ko.
"You like hurting my ego so much." Bulong niya nang nakalapit na sa akin.
Humilig ako sa counter nang sa ganon ay malayo sa kanya ng konti. Nahihilo na ako sa lapit niya sa akin at natatakot akong bumigay ang puso ko pag ganito.
Humalukipkip siya at tinitigan akong mabuti. "There. Umiiwas ka na naman." Simangot niya.
Nagulat ako sa bilis niyang bumasa ng kilos ko. Tumitig lang ako sa kanya at hinintay ko siyang magsalita ulit.
"Wait and see." Kindat niya at dumiretso na kaagad doon sa paglulutuan niya.
Wala akong ginawa kundi ang manood sa kanyang likod na panay ang flex tuwing humihiwa ng karne at kung anu-ano pang spices. Walang kahirap hirap niyang hinalo ito sa pan at sa bawat ginagawa niya ay sumusulyap siya sa akin.
Nang nilagay niya ang karne sa loob ng oven pagkatapos ay bumaling sa akin ay nagtaas na siya ng kilay. Pinupunasan niya ang kanyang kamay at lumapit ulit sa counter kung nasaan ako.
"I noticed..." Aniya. "You like me wearing this shirt."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
Ngumiti siya sa reaksyon ko. "Bakit mo nasabi?"
"Tumatagal ang titig mo sa katawan ko pag ito ang suot ko." Nagkibit balikat siya.
Tumingin ako sa kanyang katawan. Hindi ko nga alam kung bakit paborito ko ang damit na iyan. Halos lahat ng damit niya naman ay didikit sa kanyang katawan pero itong partikular na puting v-neck ang gusto ko.
"I bought twenty of these. Mas madalas kong sinusuot."
Parang may pumipiga sa puso ko nang narinig ko iyon. Nakangisi siya nang nag angat ako ng tingin. "Bakit?"
"Kasi gusto mo. Hindi ba?" Nag evil smile siya.
Tumango ako ng dahan-dahan at bumagsak ulit ang tingin ko sa kanyang katawan. Nilagay niya ang kanyang kamay sa aking baba para iangat iyon at nagkatitigan ulit kami.
"My Sunny likes tight shirts for me..." Ngumisi siya hinaplos ang aking mukha.
Kinagat ko ang aking labi at dinama ang kanyang haplos. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinalikan ko ito. Nang nag angat ulit ako ng tingin sa kanya ay nalalasing na ako sa sobrang lapit niya. Sinubukan kong tumayo para lang maabot ang labi niya, para lang mahalikan ang labi niya. Hinila ko ang damit niya patungo sa akin ngunit hinawakan niya ang kamay ko at tinutulak niya ako pabalik.
"Say you're falling for me first." Bulong niya.
Nanginig ang kamay ko. I'm falling for you, Rage. Hard. Kaya lang natatakot akong magpatuloy. Natatakot akong masaktan. Pag ako ang naiwan, walang matitira sa akin. Si Rage, maaaring laro lang ito para sa kanya, marami pa siyang oportunidad, hindi ako ang buhay niya.
Hindi ko masabi ang gusto niyang marinig. Ilang sandali pa bago siya nagsalita ulit.
"Come on, say you're falling hard." Mas mahinahon niyang sinabi habang nilalagay ang iilang hibla ng buhok sa likod ng aking tainga.
Tumunog ang oven pagkatapos ng ilang sandali. Halos makahinga ako ng malalim. Hindi ko masabi sabi ang gusto niyang marinig. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang sabihin iyon sa kanya ngayon. Huminga rin siya ng malalim at humakbang patungo doon sa oven. Kinuha niya ang steak na niluto at naamoy ko kaagad ang nakakatakam na amoy nito.
Umayos ako sa aking pagkakaupo. Tahimik niya itong nilagay sa isang puting pinggan. Sinamahan niya iyon ng kung anu-anong pampaganda. Kumuha siya ng dalawa pang plato at bumaling siya sa akin.
"Dito na lang tayo kumain." Sabi ko sa kinauupuan ko.
"How romantic..." Sarkastiko niyang sinabi. "Doon tayo sa veranda."
"No, please, Rage." Halos nagmamakaawa kong sinabi.
Kumunot ang kanyang noo. Nagtataka siguro kung bakit ayaw ko.
"Gutom na kasi ako. Dito na lang tayo." Sambit ko.
"Alright." Aniya sabay lapag ng pinggan sa aking harapan.
Hindi na ako makatingin sa kanya nang nilapag niya rin ang mga baso at binuhusan ng mukhang mamahaling sparkling juice. NIlagay niya ang kanyang niluto sa gitna at sinamahan niya pa ng vegetable salad sa gilid. Nag lagay din siya ng konting kanin at umupo na siya sa tapat ko.
"Let's eat?" Aniya at nilagyan niya ang pinggan ko nong nakakatakam na niluto niya. "Roasted Skirt Steak."
"Mukhang masarap." Sabi ko.
"Try it!"
Tumango ako at pinulot agad ang aking tinidor para tumikim. Pinanood niya ako habang sinusubo ang kanyang niluto. Nginuya ko iyong mabuti at hindi na ako nagtaka na ang isang tulad niyang successful at gwapo ay nakakagawa ng ganito ka sarap na bagay.
"Ang sarap!"
Humalakhak siya. "Proved you wrong, huh?"
"Well, at least nakapag concentrate ka naman kahit nandito ako."
"Kung alam mo lang." Sabi niya habang hinahaplos ang gilid ng labi ko dahil sa sauce na naiwan doon. "Kain na tayo!" Aniya dahil natigilan ako sa ginawa niya.
Kumain kaming dalawa. Hindi ko mapigilan ang panonood sa kanya habang kumakain. Kung sana ay hindi lang siya playboy, kung sana ay hindi lang siya mayaman, kung sana ay simple lang ang buhay niya tulad ko, noon pa sana ako sumugal.
"You're staring at me again." Aniya nang di ako tinitingnan.
"Hindi naman." Sabi ko at nag iwas ng tingin.
Naramdaman ko agad ang titig niya sa akin kaya bumaling ulit ako sa kanya.
Tumayo siya para kumuha ng tubig sa ref. Lumapit siya sa akin at nagbuhos siya ng tubig sa aking baso. Pinanood ko ang ginagawa niya habang nakatayo siya sa gilid ko. Sumulyap siya sa akin at nagtaas siya ng kilay.
"Stop staring." Aniya.
Ngumiti ako. "I'm not staring."
Nilapag niya ang pitsel ng tubig sa gilid ng baso ko. Nakapamaywang ang isa niyang kamay at tumagilid ang kanyang ulo.
"Really, woman? Because I caught you staring at me a thousand times today."
Kinagat ko ang labi ko at nag iwas ng tingin sa kanyang katawan. Buong akala ko ay tatantanan niya na ako pero nang naramdaman ko ang kanyang bisig na pumupulupot sa aking baywang ay tumindig ang mga balahibo ko. Shit!
"Rage..." Sabi ko para pigilan siya sa paghigpit ng yakap.
"Yes, Sunny?" Malambing niyang bulong.
Hinuli niya ang kamay ko habang nakayakap siya sa akin. Ramdam na ramdam ko na ang mainit niyang katawan sa aking likod. Nawawala ako sa aking sarili sa bawat pag haplos ng kanyang braso sa aking dibdib. Nilingon ko siya sa likod ko. Sobrang lapit ng kanyang ilong sa akin. Sobrang lapit ng kanyang labi sa akin. Umangat ako ng konti para maramdaman ang labi niya ngunit lumayo siya at humalakhak.
"No kissing. Sagutin mo muna ako."
Halos pumiglas ako. Gusto ko siyang halikan. Ito ang tanging paraan ko.
"I'm falling, Rage." Marahan kong sinabi, sabik sa kanyang halik.
Humaplos pa ulit ng isang beses ang kanyang braso sa aking dibdib at isang pamilyar na pakiramdam ang umawit sa aking sistema.
"Ano 'yon, Sunny?" Malambing niyang sinabi.
Shit! "Sabi ko, na iinlove na ako sa'yo." Sabi ko at nilingon ulit siya para sa aking halik na hindi niya binibigay.
"Akin ka ba?" Tanong niya at naramdaman kong umangat ako galing sa high chair na inuupuan ko.
Halos mapatili ako nang binuhat niya ako sa kanyang bisig.
"Akin ka ba?" Ulit niya.
"Oo..." Sabi ko at pinulupot ko ang braso ko sa kanyang leeg para mahalikan ang kanyang labi.
Hinahalikan niya ako pabalik habang dahan dahan siyang humahakbang patungo sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Gustong gusto ko nang pigilan ang kanyang paglalakad. Nang hinalikan ko siya pabalik ay halos matalisod siya sa red carpet ng second floor nila. Napamura siya habang napatukod sa dingding ng isang kwarto.
"Stop kissing back. You're shocking the hell outta me." Pumikit ang isang mata niya, inda sa masakit niyang kamay.
Tumawa na lang ako at hinalikan ko ulit siya. Langit para sa akin ang bawat halik ng malambot niyang labi. Nakakalasing at nakakawala sa sarili. "Bakit di ka tumitigil?" Tanong ko.
"Not until we get inside my room." Aniya.
Kumunot ang noo ko. "Akala ko ba wala kang dinadalang babae sa kwarto mo?"
Tumikhim siya at dumungaw sa akin saka ako hinalikan ulit. Was that a lie? Nagsinungaling ba siya sa akin nang sinabi niya iyon?
Pinihit niya ang door handle ng isang pintuan at agad kong naaninag ang kulay puting bedroom. Malaki iyon at sobrang tahimik. May bukas na veranda sa gilid, tanging puting kurtina na hinihipan ng hangin ang tumatakip nito. Nilapag niya ako sa kanyang king size bed na kulay itim. Pinanood ko siyang sinarado ang veranda. Naramdaman ko kaagad ang lamig ng kanyang kwarto pagkatapos niyang gawin iyon.
Iginala ko ang paningin ko sa loob. Nakita ko ang isang abstract painting na tanging palamuti sa harap, malaking flatscreen TV, ref, malaking closet, sofa, lamp, coffee table, bookshelf at bathroom.
Nilingon ako nI Rage at napansin kong ang mga mata niya ay nasa balikat ko. Nilingon ko ang balikat ko at nakita kong ang strap ng aking damit ay nahulog na sa aking braso. Agad ko itong inayos ngunit ibinalik niya iyon sa dati.
"No." Aniya.
Kinagat ko ang labi ko dahil mabilis siyang nakarating sa kama.
"It's okay to show some skin. Pag tayong dalawa lang." Aniya sabay halik sa tainga ko, pababa.
Pumikit ako at nakipagtalo sa aking sarili. Nang bumaba na ang kanyang halik sa aking leeg ay nawala na ako sa sarili ko. Ang tanging inisip ko lang ay ang kanyang labi.
Rage is a bad, bad boy but his kisses are too good.
"Are you mine?" Tanong niya habang hinahaplos ng kanyang palad ang aking dibdib.
Halos mapadaing ako sa ginawa niya. Lalo na nang hinawi niya ang aking damit para lang maramdaman ang aking dibdib. Hindi ko na mapigilan ang pag tawag sa kanyang pangalan. I want this. Ito ang hinihintay ko noon pa man. Gustong gusto kong gawin niya ito sa akin.
"Yes."
"Talaga bang akin ka mula ngayon?" Tanong niya ulit habang mabilis na hinahaplos ang aking dibdib.
Halos dumugo ang labi ko sa pagkagat ko nito. May kung anong namumuo sa akin at hindi ko iyon malaman. Hinalikan niya ako ng marahan at nanunuya. Nakakairita. Gusto ko pa ng mas matindi pero hindi niya ibinibigay sa akin.
"Rage..." Padaing kong sinabi. Nagmamakaawa na sana ay higitan pa niya.
"Talaga bang akin ka, Sunny? Hindi ka na ba matatakot?" Tanong niya.
Halos mapamura ako sa pagkakairita sa kanyang ginagawa.
"OO!" Sigaw ko sa kanya.
Humalakhak siya at malalim akong hinalikan ng isang beses. "My girl is very frustrated right now."
Idiniin ko ang sarili ko sa kanya at nang naramdaman kong gumapang ang kamay niya sa hita ko ay mabilis kong nakuha ang kanina ko pa inaabot. Niyakap ko siyang mabuti habang unti unti kong nararamdaman ang bawat alon ng langit na pangalawang beses niya ng naibigay sa akin.
"Holy shit." Aniya at agad gumapang ang kanyang kamay sa gitna ng hita ko.
Dahan dahan akong dumilat at nakita ko ang nakaawang niyang bibig. Nakatitig siya sa akin, gulat na gulat sa nangyari. Uminit ang pisngi ko.
"You came and now you're so wet."
Huminga ako ng malalim at tumigil sa pag galaw. Naramdaman ko ang haplos ng kanyang daliri sa akin at halos bumalik ulit ako sa nangyari kanina. Umiling siya at kinuha niya ang kanyang daliri doon at hinalikan niya ito.
Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang ginawa. Mas lalo lang nag init ang aking pisngi at halos mapaatras ako doon sa kama. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Basta ang alam ko ay hiyang hiya ako sa ginawa ko. Hiyang hiya ako dahil hinalikan niya ang daliri niya. Shit!
Hinawakan niya ang braso ko at lumapit siya sa akin.
"I freaking love you." Bulong niyang nagpalasing ulit sa akin.
Siniil niya ako ng halik. Pumikit ako nang naramdaman ko kung paano niya hinaplos ulit ang aking dibdib. Ni hindi ko namalayan na tinanggal niya na ang mga damit ko. Tanging underwear ko na lang ang natira. Sa bawat pag lalim ng kanyang halik ay mas lalo akong nawawala sa aking sarili. Hinila ko ang kanyang t-shirt.
"You want this off?" Tanong niya.
"Uh-huh." Sagot ko.
"You want your favorite shirt off now?"
Tumango ulit ako at pinanood ko kung paano niya mabilis na tinanggal iyon. Bawat muscle ng kanyang katawan ay nag flex para matanggal iyon. Hinaplos ko ang kanyang dibdib. Nasa taas ko na siya at hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanyang katawan. Pababa ang haplos ko hanggang sa nakarating ako sa kanyang belt. Sinubukan kong tanggalin ito.
Narinig ko siyang nagmura habang ginagawa ko iyong pag tanggal.
"Look, the innocent angel wants to remove my pants too." Bulong niya at tinulungan niya ako sa pagtanggal ng kanyang sinturon.
Nanlaki ang mga mata ko nang tinanngal niya iyon pati ang kanyang boxers. Itinapon niya iyon sa gilid ng kanyang kama. May kung anong gumapang sa sistema ko. Inangat niya agad ang baba ko para mag tama ang aming mga mata.
Hinalikan niya ako ng mararahang halik habang ang kamay niya ay gumagapang pababa sa akin. Hindi ko mapigilan ang gumalaw kasabay ng pag galaw ng kanyang nanunuyang daliri.
Halos makalmot ko ang kanyang likod habang ginagawa niya ang mararahan at patuloy na pag haplos doon.
"Rage... Gusto... ko..." Shit! Hindi ko alam kung bakit ko ito nasasabi.
"What, Sunny?"
"Please?" Sabi ko habang pinupulupot ang kanyang leeg.
Hinawi niya pababa ang aking panty at halos mamatay na ako sa pananabik sa ginagawa niyang pag dadahan-dahan.
"Please, Rage..." Sabi ko.
"Shhh... I'm taking your virginity here. Don't be in a hurry. This is gonna hurt like hell. You're just so fucking turned on. I'm turned on too but let me take it slow."
Tumango ako, malugod na pumapayag sa kahit anong gusto niyang mangyari.
Dahan dahan niyang binaba ang panty ko. Nang nasa tuhod ko na iyon ay dahan dahan din siyang bumaba sa paghalik.
Pinanood ko siya at nakita ko kung paano siya pumikit habang dinadama ang paghalik sa aking tiyan, pababa sa aking pusod, at pababa doon. Shit!
Halos mapaliyad ako nang dumating siya doon at naramdaman ko ang galaw ng kanyang labi. Bawat hinga niya ay malamig at mainit para sa akin at mas lalo lang akong nawawala sa aking sarili.
"Rage..." Hindi ko na makilala ang sarili kong boses.
"Yes, Sunny?"
"Please..." Sabi ko ulit sa pagmamakaawang paabutin niya na ako sa kung anong gusto ko. Para bang nasa sa kanya ang desisyong iyon.
Isang haplos lang ulit ng kanyang labi ay nasa bingit na ako ng gusto ko. Tumigil siya kaya dinilat ko ang aking mga mata. Hinalikan niya ang aking dibdib, pataas sa aking leeg at naramdaman kong dahan dahan niyang ipinasok ang kanya sa akin. Naghintay ako sa sakit ngunit naramdaman ko na lang iyong kanina ko pang hinihingi sa kanya. Napadaing ako sa kanyang pangalan at nawala ulit sa aking sarili.
####################################
Kabanata 30
####################################
Warning: SPG
------------
Kabanata 30
Iniwan
Pagkatapos ay naramdaman ko naman 'yong sakit na kanina ko pa pinaghandaan. Hindi siya gumalaw. Pumikit ako ng mariin habang unti unting nawawala 'yong sayang naramdaman ko kanina.
"I'm sorry." Aniya sabay halik sa aking noo.
Hindi siya gumalaw. Patuloy siya sa paghalik sa noo ko. Patuloy naman ako sa pag pikit.
"I'm really sorry." Aniya.
Tumango ako at gumalag ng konti.
"Don't move." aniya.
Umiling ako at inabot siya para mahalikan. I want him to move. Sa halik kong iyon ay nakuha niya ang nais kong maiparating.
"Are you sure?"
Tumango na lang ako at hinayaan siyang dahan dahang gumalaw.
Kailan ba dapat ibinibigay 'yon ng mga babae? Sapat bang dahilan na mahal mo 'yong tao? O dapat din ba mahal ka nila pabalik? Ngunit hanggang saan ba talaga ang pagmamahal? Nag tatagal ba talaga ito? Hindi ko alam. Dahil wala akong karapatang mag tanong ngayon nito.
Napamura si Rage nang inilabas niya ang kanya at hinayaan iyon sa tiyan ko. Kahit na may aircon ay bahagya akong pinagpawisan sa ginawa namin. Mabilis kong sinarado ang binti ko dahil sa kahihiyang naramdaman. Napansin niya ito habang kumukuha ng wet wipes.
"Don't move yet." Aniya.
Tumango ako at hinintay siyang makabalik para punasan iyong nasa tiyan ko. Marahan ang pagpunas niya at bawat haplos niya ay nag sisindi sa kung ano mang nararamdaman ko para sa kanya. Nagpunta siya sa bathroom pagkatapos ay sa ref. May kinuha siya doon bago bumalik sa akin. Binalot ko na ang sarili ko ng comforter pagkabalik niya.
Hinalikan niya ako sa noo ng isang beses at humiga siya sa tabi ko. Nakita ko ang isang box na dala niya.
"Masakit ba?" Habang binubuksan niya ang box.
Tumango ako at tiningnan kung ano 'yong nasa loob. Nakita kong may mga chocolates doon. Kumuha siya ng isang heart shape at sinubo sa akin.
"I'm sorry." Ulit niya.
Kumagat ako ng konti doon at tiningnan siyang kinain iyon ng buo.
"Sorry din. Walang condom dito sa kwarto ko. I told you I don't bring girls here. Don't worry, safe 'yong ginawa ko."
Tumango ulit ako. Tinabi niya 'yong box at tinitigan niya ako.
"Sunny? Say something. Sobrang nasaktan ba kita?"
Nangilid ang luha ko sa aking mga mata. Sinubukan kong ngumiti at nagtagumpay naman ako. "Hindi. Masaya lang ako."
Ngumuso siya at hinawakan ang kamay ko tsaka hinalikan. "Rest. Mag uusap tayo bukas." Aniya.
Tumango ako at pumikit. Nilabanan ko ang pagod ko. Kinailangan ko ang lakas ko para hindi maidlip ng kahit konti. Nakalagay ang kamay ni Rage sa aking ulo kaya kinabahan ako sa aking plano. Nang narinig ko na ang kanyang tuloy tuloy niyang paghinga ay nakuha kong tulog na siya. Pumikit ako ng mariin at nag dasal na sana ay hindi ako maiyak.
Unti unti akong bumangon at pinulot sa sahig ang mga damit kong nag kalat. Mabilis ko itong sinoot habang tinitingnan siyang payapang nakaidlip sa kanyang kama. Nilagay ko ang cellphone sa gilid ng lamp niya. Iniwan ko ang cellphone ni Kid sa aking locker at makikiusap ako kay Mia na siya na lang ang magbigay non kay Kid. Samantalang ang cellphone namang 'to ay iiwan ko kay Rage, dahil kanya naman talaga 'to.
Nangilid ang luha ko nang tiningnan siya sa huling beses.
This man took my virginity. I willingly gave it to him because I'm in love with him. Hindi ako sigurado kung totoo ngang mahal niya ako o pinaglalaruan niya ako. Ang tanging sigurado ako ay hindi ako nababagay sa mundo niya. Mahal ko siya pero may mga bagay na bawal sa buhay ko. Nawawala ako sa mga prinsipyo ko, nakakalimutan ko ang mga pangarap ko, at sa oras na mag desisyon siyang hindi niya ako mahal, natatakot akong maiiwan akong walang magagawa.
Naglakad na ako palabas sa kanilang bahay. Nag paalam din ako sa guard na lalabas ako doon at hindi naman ako pinigilan.
Napatalon si Mia nang pumasok ako sa building.
"Hay Dios Mio naman! Tang shit! Akala ko naman kay Rage ka na matutulog-"
Natigil siya sa kanyang alburoto nang nakitang nagmamadali akong nagliligpit ng gamit.
"Oh? Anong nangyari? Lipat ka na sa bahay nila?" Lumapit siya sa akin habang mabilis kong nilalagay ang mga damit ko sa aking malaking bag.
Marahas niya akong hinarap sa kanya pagkatapos ng ilang sandaling pananahimik ko. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang nakita ang pag luha ko.
"Anong nangyari? Sinaktan ka niya? Anong problema?"
Umiling ako. "Aalis na ako."
"Ha? Bakit?" Tanong niya. "Sinaktan ka ba? Sunny, sinaktan ka ba?" Niyugyog niya ako.
"Gusto kong lumayo sa kanya. Hindi niya ako sinaktan, Mia. Gusto ko lang lumayo. Natatakot akong masaktan."
Hinawi ko ang kamay niya at ipinagpatuloy ko ang pag iimpake.
"Saan ka pupunta ngayon? 'Yong trabaho? Nagpaalam ka ba sa kanya?"
"Next week naman 'yong effectivity ng resignation ko. Don na ako sa sinasabi mong bed space. Please, pag nag tanong siya wa'g mong sabihin?"
Ngumiwi si Mia at tinulungan niya akong mag impake. "Hindi kita maintindihan. Hindi ka nag paalam? Bigla ka lang umalis? Hindi ka niya pinigilan?"
Dumami ang ang tanong niya. Panay ang punas ko sa aking luha. Kailangan kong mag pakatatag.
"Tulog siya nong iniwan ko siya."
Nalaglag ang panga niya at parang mas lalong dumami iyong tanong niya pero hindi niya itinuloy.
"Sabihin mo na lang sakin saan 'yong bedspace nang mapuntahan ko." Sabi ko.
Umiling siya. "Ihahatid kita." Sinikop niya ang buhok niya para matali at agad dumampot ng jacket.
Pababa kami ng building ay pinaulanan niya ako ng tanong sa elevator.
"Bakit di mo siya kinausap? Bakit di ka nagpaalam?"
"Hindi rin naman niya 'yon maiintindihan."
"Iniwan mo siya kasi natatakot kang masaktan?" Iritadong tanong ni Mia.
"Iniwan ko siya dahil hindi ako ang para sa kanya. Hindi ako sigurado kung gusto niya ba talaga ako o ginagamit lang. Ngayong... ngayong nakuha niya na ang gusto niya, siguro naman ay titigil na siya."
"NAKUHA NIYA NA ANG GUSTO NIYA? A-Ano 'yon? Anong gusto niya?"
Nangilid ulit ang luha ko at kinagat ko na lang ang labi ko. Hinintay kong makababa ang elevator.
Hinawakan ni Mia ang magkabilang balikat ko at niyugyog niya iyon.
"Ano 'yong gusto niya?"
Iritado ako dahil alam kong alam niya kung ano 'yon pero kinailangan pa niya ng salita galing sa akin. "'Yong virginity ko, okay? 'Yon! Nakuha niya na! Kanya na 'yon. Tapos na siya sa akin. Iiwan niya rin ako!" Sigaw ko.
"Ano? Pano kung hindi? P-Pano kung gusto ka talaga niya? Sunny naman, wa'g tanga!"
"Kahit na gusto niya ako, Mia, hindi ako bagay sa buhay niya. Hindi ako matatanggap ng mga tao! Hindi ako tanggap ng mga kaibigan niya! At paano kung nandito ang kanyang mga magulang? Mas lalong hindi ako matatanggap ng mga 'yon kaya malabo talaga! Uunahan ko na 'yong mga mangyayari dahil ayokong masaktan ng husto!" Sabi ko.
Tumunog ang elevator at mabilis na akong naglakad palabas.
"So? Siya ang sasaktan mo kung ganon?" Ani Mia.
Humikbi ako at luminga sa labas ng building para makahanap ng jeep o kahit ano para masakyan patungo sa kung saan.
"Bwisit namang buhay 'to oh!" Sabi ni Mia at pinara ang isang jeep. "Ihahatid na kita. Anong magagawa ko para sa'yo?"
Pumasok kami sa loob ng jeep. Panay ang tingin ng mga tao sa akin dahil sa luhaan kong mukha. Ang ingay pa ni Mia sa loob kaya hindi ko na lang pinatulan ang mga tanong niya nang sa ganon ay matahimik siya.
"Huy, Sunny, kanina pa kita tinatanong! Anong gagawin ko?" Tanong niya nang may iilang pasaherong bumaba galing sa jeep.
"Pag takpan mo na lang ako kay Rage. Siguro ay maghahanap 'yon-"
"Shit at talagang maghahanap 'yon! Iniwan mong tulog, e. Di ka nag paalam."
"Mia..." Suminghap ako. "Kung sakaling mag hanap siya sabihin mo umalis na ako."
"Tapos tatanungin niya ako, saan?" Ani Mia.
"Sabihin mo di mo alam." Sabi ko.
"Shit naman. O sige, sige. Bahala ka nga! Tigas ng ulo mo. Baka sakali lang naman na-"
"Ayokong umasa. Ayokong masaktan. Titigil na 'yon. Nakuha niya na, e." pumiyok ang boses ko.
Inasahan ko ang mura ni Mia ngunit ang tanging narinig ko sa kanya ay ang pagtahan sa akin pagkatapos niya akong akbayan at yakapin.
Inihatid niya ako sa isang bahay na hindi kalayuan sa building. Malaking bahay iyon. Malinis at concrete. Ang alam ko ay 2000 ang babayaran ng bawat bed spacer dito at sa isang room may walong kasya. Malayong kamag anak ni Mia ang may ari kaya niya alam ito.
"Auntie, ito po 'yong kinikwento ko sa'yong kaibigan kong si Sunny. Dito na po siya tutuloy ngayong gabi." Pakiusap niya sa kanyang auntie'ng naninigarilyo. "Sunny, Eto si Auntie Letty."
Naalala ko kaagad ang Auntie kong naninigarilyo din sa amin. Maiksi at kulot ang buhok nitong auntie ni Mia at hindi ko maipagkakailang makinis din siya kahit na medyo may katandaan na.
"Lilipat na ngayon? E, ikaw?" Tanong ng kanyang auntie sabay buga usok ng sigarilyo sa gilid.
"Next week siguro. Doon muna ako sa building." Ani Mia.
"Buti naman at iniwan mo na 'yong lintik at payatot mong boyfriend." Anang Auntie ni Mia.
Umiling si Mia at tumingin sa akin. "Saan niyo po siya ipapatuloy? Aling kwarto? Mukhang marami po kayong bedspacers ngayon, a?"
"Oo, madalas e, estudyante. Doon na lang siya sa katlong palapag. Sa gilid na room. Pang walo din 'yon. May apat na double deck pero wala pang bedspacer kasi lumipat 'yong dalawa sa baba dahil kilala nila 'yong kasama nila don. Makakahanap din ako ng room mates niyo. Doon na lang muna kayo." Ani Auntie sabay tango sa akin.
Tumango ako at tumingin kay Mia.
"Tara! Ihahatid ko na si Sunny, Auntie. Bukas na lang 'yong bayad. One month advance at one month deposit, diba?"
"Oo. Sige sige. Hatid mo don, Mia." Ani Auntie sabay turo sa hagdanan.
Maganda at malinis ang buong bahay ng auntie ni Mia. Hindi gaanong malaki iyong room at tama lang iyon para sa walong tao. Nang humiga ako sa baba ng double deck ay napansin ko kaagad na nakakalungkot dito dahil ako lang mag isa.
"Mia, lipat ka na kaagad dito. Nakakalungkot mag isa." Sabi ko habang pinapanood siyang nilalapag ang gamit ko sa mesa.
"Oo. Ipapatapon na ako ni Sir Rage bukas pag sasabihin ko sa kanyang di ko alam kung nasaan ka kaya malamang ay lilipat na talaga ako dito."
Umismid ako at tiningnan ko na lang ang mga daliri ko. Humalukipkip siya at tumikhim sa aking harapan. "Sunny, tutulungan kita, okay? Hindi ko pinagtatanggol si Sir Rage dahil ako mismo, hindi ko siya lubos na kilala pero paano nga kung totoo siya, diba?"
Umiling ako. "Mabilis. Hindi maaaring totoo 'yon."
Umiling din siya. "Basta. Sige. Malalaman din naman natin 'yan. Sana lang ay wa'g mong pagsisisihan 'to." Aniya.
Tumango ako at humiga sa baba ng double deck.
Dinungaw niya na lang ako. Tumingin din ako sa kanya.
"Sorry kasi ginising kita. Salamat din dahil hinatid mo ako dito." Sabi ko.
"Oo. Ta's bukas anong gagawin mo? Itetext na lang kita-"
"Iniwan ko ang phone ko kina Rage."
"Ano?" Suminghap si Mia.
"Bibili din ako ng phone bukas. Sulat mo na lang number mo. Ititext din kita kaagad pag nakakuha na ako ng phone."
"O sige, sige. Ako na lang din ang magsasabi kay Mrs. Ching na umalis ka na. Sige, sige. Magpahinga ka na nga..." Ilang sandali pang nag titigan kami bago siya tumalikod at umalis.
Huminga ako ng malalim at pumikit. Kahit pagod na pagod ako ay hindi ko parin magawang makatulog. Ang tanging naiisip ko ay si Rage, ang kanyang mga mata, at kung paano niya ako hinalikan.
####################################
Kabanata 31
####################################
Kabanata 31
Sinaktan
Madaling araw pa lang ay umalis na ako kina Auntie Letty. Naisip ko si mama at gusto ko lang siyang makausap ngayon. Alam kong hindi na siya sasagot at ang tanging magagawa ko ay kausapin siya. Kontento na ako sa pakikinig niya. Kontento na akong maramdaman na nandyan siya.
Nilagyan ko ng tatlong rosas ang lapida ni mama at papa. Nag sindi ako ng kandila para sa kanilang dalawa at nag squat doon sa bermuda ng sementeryo.
Ngayong nandito na ako ay hindi na ako makapag salita. Tumitig lang ako sa kanilang dalawa at inisip ko kung ano ang sasabihin nila kung buhay pa sila dito. Bumunot bunot ako ng damo habang naghihintay ng tamang oras sa pagsasalita. Tumitig ako sa lapida ni mama at wala sa sarili kong sinabi ang mga problema ko.
"Ma, ilang beses kitang sinumbatan non na hindi maganda ang umibig sa taong ganon. Mayaman at makapangyarihan. Mas lalo kitang sinumbatan nong nalaman kong may asawa pala 'yong inibig mo."
Nangilid ang luha ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil at least, wala namang asawa si Rage. Kaya lang babaero naman...
"Sorry." Nanginig ang boses ko. "Alam ko na 'yong feeling na alam mo kung ano 'yong tama. Alam mo na mali ang ginagawa mo pero ginagawa mo parin kasi mahal mo 'yong tao."
Humikbi ako at pinunasan ang maiinit kong luha. Pinagdikit ko ang binti ko. Hindi parin napapawi iyong pisikal na sakit na naramdaman ko nang isinuko ko kay Rage ang sarili ko. Mawawala pa kaya 'to? Or will be be forever reminded of that bittersweet night?
"Wala akong karapatang sumbatan ka, nag mahal ka lang naman."
Napangiwi ako sa sinabi ko. My mom is the other woman. Hindi ko lubos ma isip na ngayon ay ginagawan ko siya ng rason para 'don. Hinaplos ko ang lapida ni papa. Kung sana ay hindi siya namatay, sana ay nakilala ko pa siya ng husto at sana ay naalagaan niya si mama.
Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo na. Mahaba habang araw ito. Mabuti na lang at gumaan ang loob ko ngayong naiyak ko lahat ng nararamdaman ko para kagabi.
Tiningnan ko ang pag sikat ng araw bago ako umalis. Hudyat iyon ng mga bagong araw. Kakalimutan ko na lahat ng nangyari. Kakalimutan ko na si Rage. Kakalimutan ko kahit mahirap. Kailangan kong mag isip para sa aking kinabukasan. Walang mangyayari sa akin kung pipirmi ako at aasa sa isang tao. Kailangan kong umasa sa sarili ko.
"Sa Lunes na po talaga 'yong pasukan?" Tanong ko se registrar ng school.
Tumango siya sa akin nang hindi man lang ako tinitingnan.
Dinungaw ko ang schedule ko na loaded. Paniguradong magiging abala ako ngayon sa school. Tinupi ko ang schedule ko at nilagay sa bag para basahin naman iyong mga librong dapat kong bilhin. Ang bibilhin ko ngayong araw na 'to ay 'yong mga mura. Kailangan kong mag tipid dahil hindi na libre ang titirhan ko at hindi pa ako nakapag duty sa Marlboro Girls kagabi.
Bumusina ang isang malaki at puting sasakyan sa likod ko at halos mapatalon ako nang nakita kong katulad iyon ng sasakyan ni Rage! Namutla ako at na estatwa.
"Miss! Tabi!" Sigaw ng isang batang driver na siyang nagpabalik sa ulirat ko.
Mabilis akong tumakbo sa tabi ng kalsada. Nakasimangot siyang tiningnan ako.
"Sorry." Sambit ko at sinundan ko siya ng tingin.
Kabadong kabado ako habang nanatili din ang kanyang titig sa repleksyon ng kanyang salamin. Shit! Akala ko si Rage.
Umupo ako sa isang bench at huminga ng malalim para mapakalma ang sarili. Iginala ko ang paningin ko sa malaking unibersidad na ito. Punong puno iyon ng mga kaka graduate lang ng highschool na mga bata at grupo grupo sila kung makapag lakad. Lumunok ako at nainggit sa mga buhay nilang walang problema. Siguro ay ang mga magulang pa nila ang nag tu-tuition sa kanila at hindi sila namomroblema sa pamasahe.
Nagtungo ako sa kanilang canteen para kumain. Papunta doon ay panay ang tingala ko sa isang malaking tore na may tatlong letre na sumisimbolo sa initials ng school na ito.
Simula ngayong Lunes, mag aaral na ako dito. Sana ay makatagpo ako ng mga taong mapagkakatiwalaan. Ang sabi pa naman sa handbook ay required ang isang estudyanteng sumali sa isang club.
Pagkatapos ko doon sa school ay mabilis na akong nagtungo sa mall nang sa ganon ay makahanap ng mumurahing cellphone. Walang mura doon kaya napadpad na ako sa mga tianggi. Hindi ko naman kailangan ng cellphone na tulad nong pinahiram ni Rage sa akin. Kahit na gusto ko rin naman ng cellphone na nakakapag picture pero kuntento na ako sa isang made in China na cellphone.
Umupo na lang muna ako sa isang parke para kopyahin ang cellphone number ni Mia sa bago kong cellphone. Huminga ako ng malalim at nag type ng text.
Ako:
Mia, Sunny 'to. Sa building na tayo magkikita mamaya para sa MG?
Suminghap ako at tumingin sa paligid. Nababasa ng konti ang likod ko sa tubig na galing sa fountain. Iginala ko ang mga mata ko sa mga batang nag lalaro at sa mga magulang kasama nila.
Tumunog ng basag at pagkalakas lakas ng cellphone ko dahil sa pagtawag ni Mia. Mabilis ko itong sinagot.
"Hello?" Sabi ko. "Napatawag ka?"
"NAPATAWAG? Sunny, si Rage mo nag wala kanina sa office! Dios ko! Kung nakita mo lang siya!"
Halos matigil ako sa paghinga. Pumikit ako at hindi nagsalita.
"Asan ka?" Tanong niya. "Shit! Alam mo 'yon? Alas sais ng umaga nagtungo siya agad sa Lounge para hanapin ka. Nong una maayos pa siya, sinabi niya sa akin na nakita daw ba kita kasi nakalimutan mo 'yong cellphone mo sa bahay niya."
Nanlaki ang mga mata ko. "Anong sabi mo?"
"Syempre, sinabi ko sa kanya na nandon ka kagabi at kinuha mo 'yong gamit mo! Sinabi kong umalis ka at di ko alam kung nasan ka!"
Nalaglag ang panga ko. I'm unable to speak.
"Hindi siya naniwala! Hindi niya ako tinantanan. Tinanong niya kung saan 'yong bedspace na nakita natin pero winala ko siya. Syempre di kita nilaglag. Pumunta siya agad sa apartment na sinabi ko at bumalik din nang nalamang wala ka don. Sunny, hindi ko alam pero... bigong bigo siya."
"T-Tatawagan na lang kita mamaya." Sabi ko nang hindi ko kaya ang pagpipiga sa dibdib ko.
Ito ang ayaw ko, e. Buo 'yong desisyon ko kagabi pero ngayon, parang natutunaw na naman ako. Kailangan kong magpakatatag. Hindi pwedeng tulad ni mama ay magiging mahina ako dito.
Kahit na hindi ko nakita si Rage ay nag fa-flash sa aking mga mata 'yong mga ginawa niya base sa sinabi ni Mia sa akin. Pinilig ko ang ulo ko at tumayo na doon sa fountain. Kailangan kong mawala 'to sa utak ko. Kailangan kong mag trabaho, magbasa nitong mga bagong biling libro ko, kailangan ko ng diversion.
Umuwi ako kina Auntie Letty at doon na lng kumain. Nagkulong ako sa kwarto at inabala ko ang sarili ko sa paglalagay ng mga gamit pang eskwelahan sa bag na binili ko doon sa tiangge. Kailangan ko rin ng uniporme pero anila'y may isang buwan pang palugit bago magka uniporme lahat ng estudyante.
Inilista ko 'yong mga budget galing sa renta, tuition, uniporme, libro, pamasahe, at pagkain. Kulang pa ito para sa buwan ngayon dahil tinipid ko ang mga tip at ginawa kong emergency money. Galing din doon ang pinambili ko sa cellphone.
"Shit! Ewan ko! Pakiramdam ko pinapasundan niya ako or something." Kakarating lang si Mia sa building.
Nakabihis na ako at make up na lang ang kulang.
"Hindi siya ganon ka OA, Mia. Paranoid ka lang." Sabi ko.
"Eh, hindi mo nakita kanina, Sunny! I'm pretty sure pinapasundan niya ako! At mas lalong sigurado akong nandon siya mamaya sa bar!"
Nilingon ko si Mia at pinanood ko kung paano niya walang hiya hiyang hinubad ang kanyang damit para maisuot iyong kulay pulang damit namin. "Palit tayo. Ako sa dancefloor, ikaw sa mga table."
Umiling si Mia at tumango. "Ewan ko talaga sa'yo. Ba't mo ba iniiwasan? Nahihirapan 'yong tao."
Umismid ako at nanahimik dahil nilagyan niya ako ng eye shadow. Tiningnan ko ang aking mukha sa salamin at inayos ko ang buhok ko. Masyado na itong mahaba at ang kulot nitong dulo ay mas lalong kumukulot dahil don. Binasa ko ang aking labi at halos matikman ko galing doon ang halik ni Rage. Pumikit ako ng mariin.
"Binasag niya 'yong abstract painting sa opisina niya." Ani Mia.
Nilingon ko kaagad siya. Umirap siya sa akin at pumasok na sa van.
Pumasok din ako doon at agad kinabahan. Hindi ako makapaniwala na ganon ang naging reaksyon ni Rage sa pag alis ko. Hindi ako makapaniwala na magwawala siya ng ganon. Inisip kong binibiro lang ako ni Mia o ini-exagge niya iyong mga nangyari pero kung totoo nga iyon, ano ang ibig sabihin non? Paano niya magugustuhan ng tunay ang isang tulad ko?
Sa buong pag bibenta ko ay nanatili sa utak ko si Rage. Panay ang ngiti ko sa mga customer na lumalapit para bumili. Maayos ang bentahan. Kung noon ay excited ako na mapadpad sa mga high end na bar, ngayon ay kabado na ako dahil baka nandoon nga si Rage.
"So? Palit tayo, huh?" Sarkastikong sinabi ni Mia nang nakarating na kami sa bar na madalas pinupuntahan ni Rage.
"Please, Mia." Sabi ko.
"Sige." Aniya.
Tiningnan ko siya habang humahakbang patungo sa mga table. Nandyan kaya talaga si Rage? Nilingon ko naman ngayon ang dancefloor kung saan dapat doon ako pero bago pa ako makaalis sa kinatatayuan ko ay mabilis kong narinig ang tili ng mga babae sa mga table.
Nakita kong lumingon si Mia sa akin at napangiwi siya. Nag taas ako ng kilay at habang tumatagal ay nawawala iyong mga taong nakaharang sa paningin ko doon sa mga table dahil nagkaroon ng away sa banda ron.
Kitang kita ko mula rito si Rage na natatawa at si Kid na nakahawak sa kanyang labi. Si Brandon at Logan ay parehong umaawat kay Rage. Kita ko kung paano itinulak ni Rage si Logan at pinagbantaan. Umirap si Logan at kinausap si Rage ngunit hindi siya gumalaw. Nakita kong lumapit ang isang pamilyar na babae kay Rage. Kilala ko ang babaeng ito. Siya iyong VJ na naipakilala na sa akin ni Rage. Hinawakan nong babae ang braso ni Rage at hinawi naman agad ni Rage ang kamay nong babae. Umirap ang babae at nag walk out doon. Itinuro ni Rage si Kid at kahit maingay ang music ay dinig na dinig ko ang salita niya.
"Hindi ko siya sinaktan. Mag ingat ka sa pananalita mo." Ani Rage.
Nakita kong namataan ni Brandon si Mia doon. Mabilis niyang nilapitan si Mia. Lumingon si Rage kay Mia at agad nilang pinagkaguluhan ang kaibigan ko. Si Kid naman ay pinagtutulakan ang mga tao sa dancefloor para makaalis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Natatakot akong pumunta sa dancefloor dahil baka makasalubong ko si Kid ngunit hindi naman pwedeng manatili ako dito.
Nanlaki ang mga mata ko nang namataan ako ni Logan sa kinatatayuan ko. Isang salita niya lang ay agad na nag tama ang paningin namin ni Rage. Gulat na gulat siya nang nakita niya ako. Walang pag aalinlangan akong tumakbo galing doon.
Nang nakalabas ako sa bar ay tumatakbo parin ako kahit na hinahabol ko na ang hininga ko. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Kid na nakahawak sa kanyang sugat, humaharang sa tinatakbuhan ko. Kung hindi ko siya nakita ng mas maaga ay pareho na sana kaming nadapa ngayon. Mabuti na lang at natigil ko ng konti. Iyon nga lang, nakita niya naman ako at sobrang lapit naming dalawa.
"Sunny?" Kumunot ang kanyang noo.
Hinawakan niya kaagad ang aking braso at pinagmasdan niya ang aking mukha na para bang may sakit ako.
"Bakit ka nandito?" Tanong niya.
"Get your hands off her." Umalingawngaw ang boses ni Rage sa likod ko.
Tumindig ang balahibo ko at humataw na naman sa kaba ang aking dibdib. Hinigit ako ni Kid sa kanyang gilid.
"Are you crazy, Rage? Hindi mo ba nakita? Tumakbo siya galing sayo. Ayaw ka niyang makausap! Bakit mo pinipilit? Kung iniwan ka niya, edi ayaw na niya-"
Unti unti akong nag angat ng tingin kay Rage at nadatnan ko ang buong atensyon niya sa akin. Umigting ang kanyang panga. Mabilis pa ang akyat baba ng kanyang dibdib dahil sa paghingal.
"I said, hands fucking off or I'm gonna punch you again, Kid." Malamig niyang sinabi nang hindi inaalis sa akin ang tingin. Para bang pag inalis niya iyon ay makakawala ulit ako.
####################################
Kabanata 32
####################################
Kabanata 32
Nababaliw Ka Na?
"Sumusobra ka na, a!" Susugod na sana si Kid ngunit hinawakan ko ang kanyang braso.
Nakita ko ang titig ni Rage na dumapo naman ngayon sa kamay kong nakahawak sa braso ni Kid. Mabilis kong binitiwan ang braso niya. Nilingon niya ako sa pagtataka.
"Kid, sorry." Sabi ko at yumuko.
Siguro nga ay tama si Mia. Dapat ay kinausap ko na lang si Rage. Dapat ay hindi ako umalis ng ganon. Nagpadalos dalos ako. Inisip kong hindi niya ako hahanapin dahil nakuha niya na ang gusto niya sa akin. May parte sa aking nangarap na sana nga ay mag hanap siya pero mas malaki ang parteng may alam na hindi niya ito gagawin. Now, I was wrong. Hinanap niya nga ako at heto siya ngayon.
My decision is still the same. Hindi ko kayang pagbigyan ang sarili ko. Hindi nababago ng reaksyon niya ang pananaw ko. May mga takot akong mas malakas pa sa nararamdaman ko para sa kanya. Those fears are deep-rooted and I can't change my system.
"Sunny? Ano?" Tanong ni Kid.
Nag angat ako ng tingin sa kanyang nagugulat na mukha siyag disappointed sa akin. May humila sa kanya galing sa likuran. Nakita ko si Mia doon. Hinawi niya ang kamay ni Mia at nakatingin parin siya sa akin.
"Sunny!" Ani Kid ngunit hinigit ulit siya ni Mia.
"Hayaan na natin ang dalawa." Ani Mia.
"Fuck you! Wa'g mo akong pangunahan!" Sigaw ni Kid kay Mia, nakatingin parin sa akin gamit ang disappointed na mukha. "Sasama ka ulit sa kanya. Anong meron sa inyong dalawa? I thought you were smart?"
"Sabing tayo na, e!" Sigaw ni Mia saka sinapak si Kid sa mukha.
Napahawak si Kid sa mukha niya at nakita kong pumula ito. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin kay Mia. Gulat na gulat ako sa ginawa ng aking kaibigan. Nag taas lang ng kilay si Mia at humalukipkip na nakatingin kay Kid.
"Bigay mo sakin 'yong kita mo ngayon, Sunny." Ani Mia.
"H-Huh?" Gulat kong tanong.
Mabilis siyang lumapit sa akin at kinuha niya ang sling bag ng balikat ko. "Sakin mo na lang kunin ang sweldo mo ngayong gabi. Ako na bahala."
Hindi nakapagsalita si Kid. Tiningnan niya lang si Mia. Umirap si Mia at agad na hinigit si Kid palayo doon. Ni hindi na nakapagsalita si Kid. Nakita ko na lang na binawi niya ang kamay niya kay Mia nang nasa malayo na sila. Nag talo pa ang dalawa.
Halos makalimutan ko si Rage sa harap ko habang tinitingnan ang dalawang nagtalo. Nang humakbang siya palapit sa akin ay napatingin ulit ako sa kanya. Agad akong kinilabutan. May kung ano sa tiyan kong nanggugulo. Hindi ko alam kung paano ko nakayang paalisin si Kid gayong mukhang di ko rin naman pala kayang mag isa kaming dalawa.
Umihip ang hangin sa parking lot ng buong square. Maraming tao at hindi ko alam kung may nakakakilala ba kay Rage sa bawat dumadaan o wala. Basta ang alam ko ay wala siyang nakikita kundi ako.
Mahirap tumitig sa kanyang mga mata. Masyadong tagos ang paningin niya at natatakot akong pag tiningnan ko siya ng diretso ay malalaman niya kung ano talaga ang nararamdaman ko.
"Sinubukan mo bang lumayo?" Tanong niya.
"Lumayo talaga ako." Tiningnan ko ang kamay ko. "Wala lang talaga akong mapuntahang malayo kasi wala naman akong mauuwian."
Dahil kung sana meron ay nagpakalayo na ako ng mabuti.
"Wow! You actually have the guts to tell me about your plan. Now I'll make sure you're not out of my sight."
Pagod ko siyang tiningnan. "Ano pa ba ang kailangan mo sa akin?"
Nalaglag ang panga niya sa tanong ko. Binigay ko na ang lahat. Binigay ko iyon para tigilan niya na ako. That was his goal. Hindi ko alam na hindi pala sapat sa kanya ang isang beses.
Suminghap siya at pumikit. "N-Nasaktan ba kita?" Dumilat siya at nakita ko ang pag amo ng kanyang mga mata.
Parang pinipiga ang puso ko habang tinitingnan siyang nagpapakumbaba. Guys like him dominate. Hindi ako sanay na ganito siya.
Litong lito siya at nangapa ng salita. "Hindi mo ba 'yon nagustuhan? Was that involuntary? Napilitan ka lang ba?" Namutla siya at napatingin sa akin.
Nanuyo ang lalamunan ko sa mga tanong niya. "Rage, hindi ito tungkol don." Sabi ko.
"Then why did you leave? Nong umalis tayo sa building maayos ka pa! Pagkatapos natin 'yon ginawa... masyado ba akong mabilis?" Lumapit siya sa akin at mas lalo kong naaninag ang kanyang naluluhang mga mata.
ANO? Halos mapaatras ako. Nanlaki ang mga mata ko at malinaw kong nakita iyong pangingilid ng kanyang luha. Hindi siya makatingin sa akin. Pabalik balik na gustong humawak ng kanyang kamay sa akin pero palagi niya iyong pinipigilan.
"Nasaktan ba kita? Nasaktan kita, diba? Shall I take it slow? Sinagot mo na ako tapos masyado bang diretso? Sunny, I'll take it slow-"
"Rage..." Sabi ko at bumagsak ang kanyang mga kamay sa kanyang tagiliran. Sumuko siya sa pagsusubok na hawakan ako. "Hindi mo ako sinaktan, okay?"
Nakatingin siya sa malayo at tumango siya. Gusto kong tumingin siya sa akin ngunit hindi ko siya pipilitin. Tanaw ko ang kanyang bagang na panay ang pag kuyom.
"Iyon ang pag papaalam ko sa'yo."
"Bullshit! Binigay mo sakin ang virginity mo para mag paalam? Who does that?" Sumulyap siya sa akin at nag mura ng isang beses.
"Kasi 'yon ang gusto mo, diba? 'Yon ang habol mo?" Nanginig ang boses ko sa mga sinabi ko dahil iyon ang totoo ngunit umaasa akong hindi.
"How the fuck did you know? Hindi mo alam 'yon!" Nakita kong nagbabadya na talaga ang mga luha niya habang sinisigawan ako. "Wa'g kang mag desisyon para sa akin! You always do that-"
Agad ko siyang pinutol. "Pwede ba, Rage..." Nanikip ang dibdib ko. "Wa'g mo na akong lokohin. Tama na please?" Halos mag makaawa na ang tono ng aking boses.
Natigilan siya sa sinabi ko. Sana ay mahabag siya.
"Alam kong kita mo 'yon. Wala akong pera. Pobre ako at imposibleng mabaliw ka sa akin ng ganon! Pinangarap ko, oo, pero alam kong hindi 'yon magkakatotoo. Pwede ba, please, kung niloloko mo lang naman ako, pwedeng tama na? Ayoko na." Nanghihina kong sinabi. "Lokohin mo na lang 'yong may masasandalan. 'Yong may matitira pagkatapos. Dahil ako, pag umibig at umasa ako sa'yo, wala nang matitira sa akin. Ayokong masira pa ang sira ko ng buhay dahil lang sa'yo. Pwede? Hindi naman siguro ako lang 'yong virgin na maghahabol sa'yo, e, marami pa diyan. Wa'g na ako kasi, tang ina, kumakapit na lang ako sa dulo ng bangin para mabuhay-"
Mabilis niya akong niyakap. Tinulak ko siya. Nanginig ang aking balikat sa pag iyak. Tinulak ko siya ngunit sa lakas niya ay halos hindi siya matinag.
"Please, let me go." Sabi ko.
Hinampas ko ang kanyang dibdib ngunit ayaw niyang gumalaw. Nanghina ako sa kanyang bisig.
"Pinangarap mong mabaliw ako sa'yo? Guess what, your dreams came true, Sunny. The moment you stepped into my office."
Tinulak ko ulit siya. Mabilis ang hataw ng puso ko. Gusto kong maniwala pero nanghihina na ako. 'Yan ang hirap sa mga katulad niya, hindi ko alam kung alin ang bola at alin ang totoo. At mas gusto kong isipin na hindi 'yon totoo. I won't fall for another lie again.
Namutla siya nang hinarap niya ako. Hindi ko siya matingnan. Natatakot akong pag nakita ko ang mga mata niyang puno ng emosyon ay hindi ko na mapigilan.
"Rage, hindi ako naglalaro dito. Sinasabi ko sa'yo ang totoo pero seryoso akong gusto ko ng itigil 'to. Desisyon ko ito. Sana ay respetuhin mo." Sabi ko.
"This isn't your decision alone. The moment you let me in, may pananagutan ka na sa akin, Sunny."
Nagulat ako sa sinabi niya at tinapunan ko siya ng tingin. Desperado siyang nag eexplain sa akin.
"Sinabi mo sa aking akin ka! Pinaasa mo ako! Sinabi mo 'yon at pinanghahawakan ko 'yon ngayon-"
"Rage? Nababaliw ka na ba?-"
Pinutol niya rin ako at humakbang siya palapit sa akin habang ako ay umaatras. "Well, yes, I know I sound so pathetic. But I want you to realize what you've done to me!" Aniya at hinaplos niya ang aking pisngi.
Halos mapapikit ako at mapahilig sa mainit niyang kamay. Imbes na gawin ko iyon ay lumingon ako sa kabila para maiwasan ko ang haplos niya.
"Your insecurities are hurting me, Sunny."
"Nakapag desisyon na ako, Rage. Sinabi ko na sa'yo kung bakit ganito. I'm sorry pero talagang buo ang desisyon ko."
"You decide to leave me. And I'll decide to stick with you. Buo rin ang desisyon ko Sunny."
"Respect my decision-" Iritado kong sinabi.
"Well, respect my decision too!" Aniya.
Umiling ako at tinalikuran siya. Mabilis akong naglakad palayo at mabilis din niya akong sinundan.
"Sunny!" Aniya.
"Umalis ka na. Uuwi na ako." Sabi ko.
Hindi ko siya makausap ng matino. Siguro ay lasing siya. Hindi ko naman makita sa kanyang mukha na lasing siya pero 'yon lang talaga ang tangi kong maiisip.
Hinawakan niya ang braso ko at agad kong hinawi ang kamay niya.
"Sunny!" Sigaw niya.
Mas binilisan ko na lang ang paglalakad ko hanggang sa isang iglap ay pumaere ako. Mabilis niya akong sinikop galing sa aking pagkakatayo. Pumiglas ako at halos kalmutin ko siya para lang makawala.
"Bitiwan mo ako, Rage!" Sigaw ko.
"Oo. Mamaya. Sa sasakyan." Sabi niya.
Panay ang sapak ko sa mukha niya. Nakakailag pa siya at diretso ang lakad niya. Amoy na amoy ko ang pabango niya at halos mapunit ko ang t-shirt niya. Pinag titinginan kami ng mga tao.
"Bitiwan mo ako!" Sigaw ko ulit nang nakalapit na ako sa kanyang sasakyan.
Pinatunog niya ito at umilaw ang kulay blue nitong lights. Sinalampak niya ako sa front seat at may ginawa siya sa seatbelt. Padabog niyang sinarado ang kanyang sasakyan at tumakbo siya para makarating sa driver's seat habang ako ay nagpupumiglas at sinusubukang kalasin ang di makalas na seatbelt.
"Rage!" Sigaw ko ulit nang nakapasok siya.
Matalim niya akong tinitigan.
"Iuuwi kita! I'm not going to rape you! Stop acting like you're in distress!" Iritado niyang sinabi.
"Ayoko na sabi!" Sigaw ko sa kanya.
"Damn it, little girl. You are so childish and insecure. I have to do something about that." Wala sa sarili niyang sinabi habang nagdadrive palayo doon sa lugar.
"Oh My God, Rage! Nababaliw ka na? Ang sabi ko, ayoko na!" Frustrated kong sinabi.
Matalim niya akong sinusulyapan. "Oo. Narinig ko. Pero gusto din kita. I'm sure you heard me too."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi niya ako naiintindihan.
####################################
Kabanata 33
####################################
Kabanata 33
Obsessed
"Rage, ibaba mo na ako." Paulit ulit ko 'tong sinabi habang nag dadrive siya sa highway.
"Saan ka tumitira? Don kita ibababa." Aniya.
"Dito lang ako." Wala sa sarili kong sinabi.
"Pag di mo sasabihin sa akin, sa bahay kita dadalhin."
Napatingin ako sa kanya. Lumingon din siya sa akin. Suminghap ako at sinabi ko sa kanya ang address. Pagod na pagod na ako.
Niliko niya ang kanyang sasakyan patungo doon sa address na sinabi ko at mabagal niya itong pinatakbo.
"Sunny, come on. Alam kong marami kang insecurities. Alam ko kung ano ang iniisip mo tungkol sa akin and I understand that. I'm a jackass for using girls like that at hindi ko alam kung paano kita papaniwalain, just give me my chance." Marahan niyang sinabi.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang pakiramdam na mabuhay kasama si mama noong iniwan siya ng lalaking iyon. Unang subok niyang suicide ay ang pag inom ng maraming pills, pangalawa ay ang pag lalaslas. Hindi ko na maalala ang sinabi ng mga doktor pero tingin ko ay malaking factor iyon kaya siya nagkasakit. She's broken. At hindi ko maintindihan kung bakit ganon. Ang tanging sinabi ni Auntie ay dahil na inlove lang talaga siya don sa lalaking iyon. Inisip kong mali ang mag mahal. Nakakapanghina iyon. And I detest the day I met Rage... because he made me fall. Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko na. Gusto ko siya ngunit ayokong mabaliw.
Hindi ako sumagot sa kanya. Narinig ko ang pabalik balik niyang pag singhap.
"Sunny... Please, talk to me. Sabihin mo sa akin kung-"
"Gusto ko lang talagang umuwi, Rage." Sambit ko.
"Hindi kita masisisi kung masyado kang judgemental sa akin pero can't your feelings handle a little risk? Ang sabi mo sa akin, gusto mo ako..." Tumigil siya.
Sumulyap ako sa kanya at nakita ko ang kanyang mga matang umaasa.
"Bakit hindi mo magawang sumugal kahit konti?"
Pumikit ako ng mariin. Ayaw ko sanang sabihin sa kanya 'to pero ito lang ang tanging paraan para mapaintindi ko siya. "Rage... na inlove ang mama ko sa isang kasadong lalaki." Sabi ko.
Hindi siya umimik. Nanatili ang kanyang mga mata sa kalsada at nakita ko kung paano niya hinawakan ng mahigpit ang manibela ng kanyang sasakyan.
"He's rich and powerful, just like you. Ginawa siyang kabit nong lalaki at mahal na mahal niya kaya hindi niya maiwan-iwan. Nong iniwan na siya nong lalaki dahil nakahanap na siya ng ibang babae ay nag suicide attempt siya, nagkasakit, dahilan kung bakit kinailangan naming ibenta ang bahay namin at kung bakit naghirap ako."
Suminghap ulit siya nang di ako tinitingnan.
"Nakita ko kung paano nahusgahan si mama at tinawag siyang kabit, pokpok at kung anu-ano pang masasakit na salita galing sa wife nong lalaking 'yon. Alam kong may kasalanan si mama pero, shit, mama ko siya at nagmahal lang siya." Pumiyok ang boses ko.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng apartment ni Auntie Letty. Payapa na dahil malalim na naman ang gabi.
Humilig siya sa kanyang upuan. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa mga sinasabi kong ito. Siguro ay narealize niyang suko na talaga ako sa aming dalawa. Sana ay sumuko na siya.
Hindi siya sumagot. Marahan kong kinapa ang aking seatbelt. Pumikit lang siya doon at hinayaan akong gawin iyon. He's finally setting me free.
"Sunny, I'm in love with you." Aniya nang nakapikit parin.
Natigilan ako ng ilang sandali. Binitiwan ko ang aking seatbelt at binuksan ko ang pintuan. This is goodbye.
"I don't like you enough to take the risk." Walang awa kong sambit kahit na pinipiga na ang puso ko.
Lumabas ako ng kanyang sasakyan at dumiretso na ako sa loob ng apartment. Sobrang sikip ng dibdib ko dahil sa nangyari ngunit hindi ko mailabas ang aking luha.
Dumungaw ako sa labas at nakita kong naroon parin ang sasakyan ni Rage. Aalis din siguro siya. Siguro ay nag iisip 'yon na wala na talaga. Humiga na lang ako sa kama at sinubukan kong matulog.
Ilang oras lang ang tulog ko. Pagkagising ko kinaumagahan ay agad ko nang inayos ang aking bag para sa unang araw ng pasukan bukas. Magkukulong lang ako sa kwarto ngayon at magtitext kay Mia para magpaumanhin kay Ma'am sa nangyaring pagkawala ko kagabi.
Kumalam ang sikmura ko nang nag alas diyes. Ang alam ko ay nagluluto si Auntie Letty ng ulam at kanin tapos ay ibinibenta sa bedspacers. Siguro ay doon na lang ako bibili sa kanya ngayon. May maliit na tanggapan na mukhang canteen sa unang palapag ng bahay, doon siya madalas nag bibenta kaya bumaba na ako.
Inayos ko ang aking malaking puting t-shirt at ang maiksing tattered shorts na suot ko para sa tamad na araw na 'to. Nasa hagdan pa lang ako pababa ay kita ko na ang nakasandal na si Rage sa isang upuan. Naka kulay grey na t-shirt siya at may dogtag na nakasabit sa kanyang leeg. Anong ginagawa niya dito? Umayos siya sa pag upo nang nakita akong pababa.
Nilingon agad ako ng mga kumakain sa mga upuan, kadalasan ay mga estudyante. Panay ang tingin nila sa akin at nag bubulung-bulungan. Tapos ay kay Rage naman at pasikretong naghahagikhikan.
Yumuko ako at bumaling kay Auntie Letty na ngayon ay ngiting asong nag aayos ng mga pagkain.
"A-Anong pagkain, Auntie?" Tanong ko habang binubuksan ang mga inihanda niya sa mesa.
"Hindi mo na kailangang bumili. Bukod sa bumili siya sa labas ay bumili din siya ng pagkain dito para daw sa'yo. Hindi pwede 'yong boyfriend mo sa taas, a?" Nagtaas ng kilay si Auntie.
Gusto kong mag tanga tangahan pero alam ko kung sino ang tinutukoy niya.
"Hindi ko po siya boyfriend." Sabi ko.
Napatingin si Auntie sa likod ko. Ayoko sanang lumingon doon ngunit narinig ko ang mga yapak niya.
"Uh, may... pagkain ako dito. Kakain ka na? I...iwan ko ba diyan o... dadalhin mo sa taas?"
Nilingon ko siya at halos hindi siya makatingin sa akin. Napansin kong bloodshot ang kanyang mga mata.
"Kaya ko namang bumili ng pagkain ko, Rage. Akala ko ba napag usapan na natin 'to?" Tanong ko.
"Uhm, binilhan kita. Baka sakaling... gutom ka na." Napakamot siya sa kanyang ulo. "Walang kakain niyan pag di mo kakainin. Sayang naman."
"Ibigay mo na lang 'yan sa mga streetkids na madadaanan mo mamaya." Sabi ko.
Kinagat niya ang kanyang labi at tumango.
"Asus, Sunny!" Biglang sigaw ni Auntie Letty. "Diyos ko naman, dai! Kunin mo na 'yong binibigay nong tao!" Aniya.
"Kaya ko pong bumili-"
"Alam ko pero nagmamagandang loob na nga! Asus 'tong batang 'to. Ganyan ka pala?" Napangiwi si Auntie Letty.
Nilingon ko si Rage at nadatnan ko ang ngiti niya kay Auntie Letty. Agad iyong napawi nang nalamang nakatingin na ako sa kanya.
"Sige, dito na lang muna ako." Aniya.
Kumunot ang noo ko nang nakitang bumalik siya sa pagkakaupo doon sa mesa. "Anong gagawin mo dito?"
"Wala akong trabaho, e." Aniya.
Tumikhim ako at pumikit. Okay. Nilingon ko ulit si Auntie Letty at pinilit kong bumili ng pagkain galing sa kanya ngunit hindi niya ako pinabili kaya napilitan akong umakyat na lang at kainin ang natitira kong sardinas sa bag.
Nagulat ako nang may nag text sa akin na isang hindi ko kilalang number. Si Auntie Letty at Mia pa lang ang nabibigyan ko nitong number ko. Sino naman 'to?
Unknown Number:
Anong kakainin mo dyan? At least wear pajamas when you go out.
Mariin akong pumikit. Si Rage 'to. At siguradong si Auntie Letty ang nag bigay ng numero ko. Hindi ko na nireplyan. Ayokong patulan.
Nagkulong ako sa kwarto maghapon. Ayoko nang lumabas dahil paniguradong nandoon na naman si Rage. Hindi na rin naman siya nag text ulit. Siguro ay naintindihan niya ang ibig sabihin ng hindi ko pagrereply.
Napatalon ako nang tumunog ang cellphone ko dahil sa alarm umaga ng Lunes. Ito ang unang araw ng pasukan at paniguradong magiging abala na ako sa wakas. Bumangon ako ng madaling araw at wala sa sarili kong dinungaw ang bintana para i-check kung nandoon pa ba ang kanyang sasakyan. Wala na.
Natulala ako ng ilang sandali bago tumayo para maligo. Kailangan ko nang tigilan ang pag iisip non. Marami akong dapat gawin sa school at iyon ang dapat na inaatupag ko.
Dahan dahan akong bumaba sa hagdan at halos makita ko na si Rage na nakaupo ulit sa inuupuan niyang mesa doon. Pinilig ko ang ulo ko at dumiretso kay Auntie Letty para kumuha ng kanin at ulam.
Napangiwi agad siya nang nakita ako. Inabot ko ang bayad ko sa kanya at hindi niya agad binigay ang sukli.
"Hmmp, Sunny, 'yong masugid mong manliligaw nagtagal dito kagabi! Ang yaman pala non. Anyare sa inyo?" Usisa niya.
"Hindi ko po manliligaw 'yon." Pagtatama ko.
"Deny ka pa e inamin nong lalaking nanliligaw siya sa'yo!"
Huminga ako ng malalim at kinuha ko na lang ang sukli ko kay Auntie Letty. Kumain ako ng tahimik sa iisang mesa at maaga akong pumanhik sa eskwelahan. Siksikan sa jeep kahit maaga pa dahil sa pasukan.
Pagkarating ko ng school ay bumaha agad ng mga estudyante. Kadalasan ay kasing edad ko pero marami din sa kanila ang mas bata. Dumiretso na ako sa classroom ko para sa araw na iyon at halos nanginig ang tuhod ko nang sa dagat ng mga tao ay nakita ko si Rage na nakasandal sa railings ng unang classroom ko para sa araw na iyon.
Bagong gupit ang kanyang buhok. Mas malinis iyon ngayon. Naka dark blue na pantalon siya at puting v-neck t-shirt. Nang nagkatagpo ang aming mga mata ay agad syang umayos sa pagkakatayo.
Iniwasan ko siya at dumiretso na lang agad ako sa loob ng classroom.
"May gwapo sa labas." Sabi nong isang babaeng maganda at mas bata sa akin.
"Oo nga, e." Dagdag naman nong chinita.
Umupo ako sa huling arm chair at naghintay na lang ng professor habang naririnig ang talak ng mga kaklase ko tungkol sa "gwapo" sa labas. May mga ngayon lang nagkakilala at agad talagang pinag usapan 'yong "gwapo".
Hindi dumating ang aming professor. Nanghinayang ako kasi excited pa naman akong mag aral. Pagkalabas ko don ay narinig ko kaagad ang hagikhikan ng mga babae. Hindi ko na nilingon si Rage, agad na akong tumulak patungo sa susunod kong classroom. Ang sabi sa schedule ko ay sa isang AVR daw ako pupunta. Dumiretso ako doon at nagulat ako dahil marami nang tao sa loob. Dalawang oras ang klase na 'to at malaki ang ngisi ko nang napagtantong mukhang dadating ang professor.
"Sino 'yang gwapo?" May narinig na naman ako sa nakasalubong ko.
Pinilig ko ang ulo ko at hinayaan na iyong sitwasyon. Dumiretso ako sa loob. at naghanap ng upuan.
Panay parin ang usapan nila tungkol sa gwapo. Ayaw ko sanang makinig ngunit narinig ko ang sinabi nong isang babae na kumausap di umano sa gwapong iyon.
"Tinanong ko siya kung nag aaral ba siya pero sinagot niya ako sa matigas na ingles: 'No, I'm here for someone.'" Sinamahan niya iyon ng tili.
"'Yong braso niya, kita mo? Grabe, he's so hot! Parang foreign actor o model na nag materialize sa buong school! Grabe!"
I know right.
Umiling ako at binuksan iyong notebook ko para mag scribble.
"Andyan na si Prof." Sabi ng isang bading at may makulay na buhok na estudyante. Nag madali siya sa pag upo.
Pumasok sa loob ang medyo bata at may pulang pulang pisngi na professor namin sa isang major subject ng accounting. Nakangiti pa siyang nilingon ang pintuan at agad kong nahinuha na si Rage ang tinitingnan niya sa labas.
Napa facepalm na lang ako at hinintay siyang magsalita.
Binigyan niya lang kami ng mga assignments pagkatapos naming mag introduce sa isa't-isa. Excited na lumabas ang mga kaklase ko.
"'Yong gwapo nasa labas pa!" Sabi nung isa.
Naisip kong manatili na lang muna sa loob ng AVR. Sa dami namin ay maiisip na ni Rage na nawala niya na ako. 'Yon nga! Tapos tuluyan niya na akong lulubayan.
Hinintay kong maubos ang tao sa AVR. Maging ang prof namin ay umalis na. Hanggang sa wala na akong narinig na ingay sa labas, ibig sabihin ay nakaalis na ang mga estudyante.
Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang text ni Rage.
Rage:
I lost you :( Asan ka na? Lunch?
Napahawak ako sa dibdib ko. Shit! Bakit ganito?
Ako:
Wa'g mo na akong sundan.
Hindi na siya nag reply. Tulala ako sa kinauupuan ko hanggang sa ilang sandali ay napag desisyunan ko nang umalis doon. Siguro naman ay nawala na siya sa labas.
Unti unti akong lumabas sa AVR at unang pag apak ko pa lang sa labas ay narinig ko ang buntong hininga ng nag iisang lalaki sa gilid ng pintuan. Naka sabit ang kanyang daliri sa bulsa na para bang nag mo-model para sa isang clothing line. Tinagilid niya ang kanyang ulo at lumalim ang kanyang mata.
Ngumisi siya. "I'll stay where you left me." at kumindat.
Pumikit ako at tinalikuran siya. Hinigit niya ulit ako kaya nagkatinginan kami. "Tigil-"
"I'll buy your lunch or I'll cook for you. I'll be fetch you everyday. I'll be with you twenty four seven. I'll wear your favorite shirt all the damn time. I'm obsessed with you, Sunny. Fucking obsessed."
####################################
Kabanata 34
####################################
Kabanata 34
Dugo
Nagmumukha siyang college guy habang tumatagal. Dalawang linggo na ako sa school at panay parin ang sunod niya sa akin. Tinitigan ko siya habang lumilinga linga sa paligid para hanapin ko. Nag CR ako pagkatapos ng klase, sumunod siya pero nag CR din sa male CR kaya nauna akong lumabas at natakasan ko siya. Alam niya ang mga schedule ko, memorize na niya iyon sa ngayon. Pero walang susunod na klase kaya hindi niya alam ngayon kung saan ako hahanapin.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya. Inisip kong hindi siya tatagal ng isang linggo. Hindi ko siya pinapansin at binabalewala ko rin ang kanyang mga offer. I thought he would stop.
"Ihahatid lang naman kita. I swear to God, di kita kakausapin. If I'll piss you, di kita kakausapin, Sunny! Hatid lang!" 'Yan ang laging linya niya tuwing gusto niyang maihatid ako.
Hindi ako pumapayag. Hindi sa hindi ako naniniwala pero umasa akong tumigil na siya. Na mapagod na siya. Sana mapagod na siya. Dahil napapagod na akong tanggihan siya palagi... lalo na pag kinukurot ang puso ko sa paghahalong awa at pag mamahal.
"Pinagluto kita. I... I don't know what's your favorite food yet..." Nag aalinlangan niyang sinabi.
Tumabang ang pakiramdam ko nang naisip kong hindi pa kami gaanong magkakilala. Ni hindi niya alam kung ano ang paborito kong pagkain. At wala naman talaga akong partikular na paborito. Mahilig lang ako sa matatamis at 'yon lang naman.
"Bibili na ako ng lunch. Di mo na ako kailangang ipagluto." Linya ko araw-araw tuwing may dala siyang pagkain o kahit minsang binibilihan niya ako.
Dahil sa Del Fierro Building, inisip ko noon na sobrang mature niya na at ang hirap niyang abutin. Pero ngayong kasama ko siya sa school palagi, naisip kong hindi nga talaga kalayuan ang edad namin. Bata pa talaga siya para mamahala ng kompanya.
"Sunshine Aragon!" Tawag ng isang kaklase kong may malaking glasses.
Tumango ako at nilapag ang mga libro ko sa kanyang table.
Mas kuntento akong magtrabahong mag isa. Pero dahil kailangan isang grupo kami para sa isang minor ay kinailangan kong makipag kita sa kanila.
Nilingon niya ang likod ko at nang hindi nahanap ang hinahanap ay kumunot ang kanyang noo.
"Oh, asan na 'yong kaibigan mo?" Tanong niya at ngumisi.
"Ewan ko. Umalis." Sabi ko at binuklat ang mga libro sa harapan para makuha na iyong pinag hirapan kong write-up para sa subject na ito. Kailangan niya rawng i-consolidate bago kami mag reporting bukas kaya heto kami at nag uusap usap.
"Ang hirap naman nito, Angelica." Sabi nong isang maputing chinita na kasama din namin.
Nakita ko ang makapal na libro namin sa Accounting. Nag rereview siya para sa quiz namin mamaya. Nakapag review na ako kagabi kaya hindi ko na kailangang mag sunog ng kilay ngayon.
"Unahin muna natin 'tong sa Sociology, Jane. Mamaya na 'yang Accounting!" Iritadong sinabi ng kaklase kong kumukuha sa write-up ko.
"Mamaya na 'to. Bukas pa 'yan!" Sabat nong Jane.
Nagtalo pa sila tungkol don. Nagulat na lang ako nang kumaway bigla ang babaeng nasa harap ko. May kinawayan siya sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si Rage na nakakunot ang noo habang kinakawayan ni Angelica.
Nag iwas agad ako ng tingin at pumikit. Shit! Wala na.
"I lost you..." Salubong ni Rage sa akin.
Hindi ko siya tiningnan. Natahimik ang mga kagrupo ko sa pag dating niya. Tumayo siya sa gilid ko at dinig ko ang mabigat niyang paghinga.
"Nag aaral ka ba dito?" Tanong ni Angelica.
Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nakita ko kaagad kung paano niya nilagay ang kanyang takas na buhok sa likod ng kanyang tainga. Attracted siya kay Rage. Halos lahat naman ng kaklase ko. Tiningnan ko si Rage at nakita ko ang kanyang ngisi. Kuminang ang kanyang earring habang nakapamaywang at hinahabol parin ang kanyang hininga.
"Hindi."
Tumango si Angelica. "Akala namin Accounting Student ka. Saang school ka? Or graduate?"
Bumalik ulit ang tingin ko kay Rage. Sinabi niya ang isang mamahalin at prestihyosong school at binanggit pa niyang graduate na siya.
Nakita ko kung paano kumurba ang ngiti sa mga labi nina Angelica at ng iba pang kasamahan ko. Bumagsak ang tingin ko sa mga papel at lumunok na lang.
"May alam ka ba sa Accounting?" Singit ni Jane.
"A lil." Matigas na ingles ni Rage na nag pahagikhik sa kanila.
Sinubukan kong mag basa ng kung ano sa mga libro pero walang pumasok sa aking utak.
"Patulong? Baka may alam ka dito?" Sabay abot ni Jane sa kanyang notebook.
Hindi nakuntento ay nilapitan niya pa si Rage hanggang sa dinumog na siya ng mga kaklase ko. Tumawa lang siya at nilapag ang notebook sa table. Tinuruan niya ang mga kaklase ko kung paano gawin ang pinoproblema ni Jane. Hindi ko nakita ang mga sagot niya kaya hindi ko nasigurado kung tama ba o hindi pero sa mukha nina Angelica ay parang naliwanagan sila.
"Ang galing!" Sabi ni Jane. "Pwede makahingi ng number? In case na kailangan ko ng tulong?"
Parang tumigil sa pag tibok ang aking puso. Unti unti akong nairita at batid kong wala akong karapatan para don.
"Sure! Kailangan ko rin talagang mang hingi." Sambit ni Rage na siyang nagpasarado sa aking libro.
Tumayo agad ako at kinuha ang mga libro kong nakalapag sa mesa. Huminga ako ng malalim.
"Angelica, text mo lang ako pag may kailangan ka. Okay na naman 'yang write up ko. May kopya na rin ako. I consolidate mo na lang para ready tayo bukas." Sambit ko.
"O sige, sige, Sunshine."
"Sunny..." Pagtatama ko at agad na akong umalis doon nang hindi namamalayan ang pagkakairita ng ilan kong kaklase.
Panay ang tanggi ko unang linggo pa lang ng pasukan. Hindi ko siya boyfriend. Hindi ko rin makumpirma kung mag kaibigan man kami. At kontrobersyal naman kung sasabihin kong stranger siya. Kaya wala akong masabing matino.
"Sunny!" Narinig kong tawag ni Rage nang medyo nakalayo na ako. Siguro ay natagalan siya sa pagkuha ng mga numero ng mga kaklase ko.
Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko. Kung titigil na siya dahil makakahanap na siya ng iba sa mga kaklase ko ay malugod ko iyong tatanggapin. Kailangan di ako magpahiwatig ng kung ano mang pagkakainis para hindi na siya umasa sa akin.
"Ano?" Tanong ko at sinubukang maging mahinahon.
"Iniiwan mo na naman ako."
"Gutom ako. Kakain lang sa cafeteria." Sambit ko.
"Then we'll go together. Bakit ba palagi kang nag wo-walk out?" Nagtaas ng kilay si Rage.
"Hindi ako nag wa-walk out, Rage. Umalis lang ako kasi nagugutom ako." Kailangan kong ayusin ang tono ko nang sa ganon ay maintindihan niyang di ako nagseselos o ano.
"Oo, pero magkasama tayo kaya dapat hinintay mo na lang ako." Wika ni Rage.
"Hindi tayo magkasama." Hindi ko magawang pigilan ito sa bibig ko. "Rage, di kita pinipilit dito. Malaya kang nakakagalaw. Hindi ka obliged na sumama sa akin kung saan-saan-"
Tumingala siya at pumikit. Kinurot ang puso ko. Naubusan na yata siya ng mga salita para suyuin ako. Palagi ko itong linya tuwing nanunumbat siya sa pang iiwan ko. Hindi ko na siya magawang tingnan at kinakabahan na ako.
"You're a very different girl." Aniya.
Humalukipkip ako sa sinabi niya at hinintay kong dagdagan niya iyon.
"So hard to predict. Lahat ng numero sa stock market, kaya kong i-predict, Sunny. Lahat ng galaw ng mga babae, kaya kong hulaan, pero ikaw? Kahit rason mo, hindi ko makuha."
Kinagat ko ang labi ko. Tama ang prediction niya sa akin noon. Nong sinabi niyang nahuhulog na ako sa kanya noon, tama siya.
"Give me your phone." Aniya.
Nagulat ako. "Bakit?"
"Just give me your damn phone." Naglahad siya ng kamay.
Hindi ko kinukuha ang cellphone ko. Suminghap siya.
"Of course, you won't give me the damned phone. Here." Aniya sabay kuha ng kanyang iPhone at lahad sa akin.
"Anong gagawin ko diyan?" Tanong ko.
"Kinuha ko ang numbers ng mga kaklase mo para mahanap kita in case ma wala ka sa paningin ko. They got this number too..." Nag iwas siya ng tingin at nag mura. "I can't believe I'm doing this cheesy shit..."
"Ano?" Kumunot ang noo ko at mas lalo kong hinagkan ang aking libro.
"You know? Couples used to... exchange phones just to make sure their partners aren't cheating so..." Nagtaas siya ng kilay sa akin.
Nalaglag ang panga ko. "Cheating? Walang mag chi-cheat sa atin kasi di naman tayo couples, Rage." Tinalikuran ko siya kahit na punong puno ng paghuhuramentado ang aking puso.
Naaalala ko ang mga mata niyang confident na humarap sa akin pagkatapos sinuggest iyong sinabi niya.
"Sunny!" Tawag niyang nagbabanta dahil sa pagtalikod ko.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at sinundan niya ako sa loob ng cafeteria. Kinwento ko lahat ng ito kay Mia para sana makakuha ng advice kung paano niya ako lulubayan pero puro mura lang ang natanggap ko galing sa kanya.
"Sunny, bwisit ka naman oh! Kawawa naman si Sir! Miss na miss na namin siya dito ta's ikaw para kang timang na tinataboy siya?" Bulong niyang mariin habang minimake up-an ako.
"Mia, anong gusto mong gawin ko? Tanggapin ulit siya? Mia, ni hindi ko alam kung mahal niya ako."
Dumilat ako at nakita ko ang kanyang mapupulang labi at smoky eyes na dumudungaw sa akin.
"Wala tayong basehan sa pagmamahal, Sunny. Hindi natin malalaman kung kelan natin mahal ang isang tao o hanggang kelan natin sila mamahalin. Ang importante lang talaga dito ay kung mahal mo siya ngayon. May nararamdaman ka para sa kanya ngayon." Tikhim niya.
Tinitigan ko siyang mabuti. Narinig ko ba talaga iyon galing sa kanya? Hindi ako makapaniwala. Pinaglaruan niya ang eyeshadow.
"Tara na nga!" Aniya sabay hila sa akin.
Inayos ko ang buhok ko at pakiramdam ko ay kayang kaya ko na ang trabahong ito. Walang wala lang ito para sa akin. Siguro ay dahil medyo matagal tagal na rin ako dito at nakuha ko na kung paano i-handle ang crab mentality ng mga kasamahan ko at paano sabayan ang mga tao sa bar.
Ang hanggang ngayon ay hindi ko parin kayang pakisamahan ay iyong mga lasing.
Alas dose na ng gabi at nasa mamahaling mga bar na kami. Nakita ko iyong iilang customers na nagkakatuwaan sa bar kaya agad kong nilapitan.
"Cigars, sir?"
Tumango iyong madalas kong customer at kumuha agad ng pera sa kanyang wallet para bumili ng madalas niyang binibili.
Ganon din ang ibang kasama niya. Ngunit nang lumapit ako sa tatlong bagong kasama nila na medyo lasing na ay kinilabutan agad ako. Alam ko ang tingin ng mga lalaking masyado ng lasing para maayos na pakitunguhan. Aalis na sana ako kaso hinila ako nong isa.
"Easy, Mar." Sambit nong binentahan ko ng yosi kanina.
Napatingin ako sa mamula mula niyang kamay na nakahawak sa braso ko. Inaantok na ang kanyang mga mata at nakangisi na siya. Ang lalaking ito ay nasa mid-30s siguro ang edad, ganon rin ang mga kasama niya. Nagtatawanan pa 'yong iba sa ibang topic ngunit nakita ko ang kabadong mukha nong lalaking binentahan ko kanina ng yosi.
"Mar, bitiwan mo 'yong Marlboro Girl." Sabi niya ulit.
"Ang kinis mo naman, hija. Taga san ka? Gusto mo ako ang maghatid sa'yo?" Tanong nong lalaking nakahawak.
Panay na ang piglas ko. "Sir, marami pa po akong gagawin. Aalis na ako." Sabi ko.
Hinigit niya pa lalo ako. Halos mapatalon ako nang naramdaman kong may humaplos sa aking hita. Lumamig ang aking mukha at nilingon ko ang isa pang lasing na kasamahan nila. "Anong pangalan mo?" Aniya sabay pabalik balik na haplos sa aking hita.
Hindi ko na nakayanan. Marahas kong sinipa ang kanyang kamay at binawi ko ang aking braso sa lalaking nakahawk non. Tumayo sila para mahigit ako. Hindi nila ako pinakawalan. Sumigaw ako ngunit sa ingay ng bar ay tanging ang malapit na table lang ang nakakarinig.
"Mar!" Sigaw ng lalaki.
Nagtayuan na ang kanilang mga kasamahan para pigilan sila. Bago pa man nila nahawakan ang mga lasing na kasama ay nakita ko nang humandusay sa sahig iyong lalaking humipo sa akin. Basag ang iilang bote ng mga alak sa kanilang table dahil sa lakas ng impact. Binitiwan ako nong lalaking may hawak sa aking braso at inatake niya kung sino man iyong sumuntok.
"Walang hiya ka!" Sigaw niya sabay subok ng suntok.
Nilingon ko sila at nakita kong si Rage ang nandoon. Tumakbo agad ako nang nakita ko si Mia sa likod niya at sinisenyasan akong pumunta sa kanya.
Nilingon ko si Rage at nag isip agad ako na mag tawag ng bouncer. Tatlong lalaki ang nag tulong tulong sa pag atake kay Rage. Nagsisigawan na ang mga customers at ang mga kasama nong lalaki ay nag sitawagan na ng mga bouncers.
Humandusay sa sahig ang isang lalaki dahil sa suntok ni Rage. Nakita kong dumugo ang ilong nong lalaki at ang isa naman ay dumugo ang bibig at tumama sa mesa, dahilan kung bakit natumba iyon at mas lalong dumami ang basag.
"RAGE!" Sigaw ko nang nakitang may hawak na swiss knife ang lalaking nasa likod niya.
Sa sigaw ko ay agad na nilingon ni Rage ang lalaking nasa likod ngunit huli na ang lahat! Nakita kong dumugo ang ibabang dibdib ni Rage bago niya nasuntok ang lalaki. Kitang kita 'yong dugo sa kanyang puting v-neck t-shirt.
Parang tumigil ang panahon sa akin. Kumalabog ang dibdib ko.
"Sunny! May dugo sa dibdib ni Rage!" Sigaw ni Mia.
Dumating ang mga bouncers para pigilan ang away. Si Rage lang ang hindi nila nilapitan. Lahat ng mga basagulerong lasing ang kanilang inaresto. Isang lalaki ang dumalo kay Rage para magtanong at tingnan ang kanyang dibdib. Ngunit imbes na magsalita siya ay luminga linga siya sa paligid. Nakapagpahinga lang ang kanyang mga mata nang nakita niya ako.
####################################
Kabanata 35
####################################
Kabanata 35
Beast
Naestatwa ako habang tinitingnan si Rage na duguan at dinadaluhan ng iba't-ibang medic galing sa labas. May kausap ang ibang bouncer at nagkakagulo dahil sa pagpapaalis ng mga nanggulo.
Nilapitan ako 'nong customer kanina, kaibigan nang nambastos at kinausap ngunit walang pumasok sa utak ko kundi ang duguang si Rage. Nakita ko kung paano siya umiling sa dumalo sa kanya. Ngumiwi ang babaeng mukhang medic at nakipag usap sa isang bouncer na para bang isinusumbong si Rage.
Natauhan lang ako sa nang hinablot ni Mia ang bag ko. Binalingan ko siya at tinapunan niya ako ng irap.
"Ano? Daluhan mo na! Oh my God! Ako na ang kukuha ng TF mo tonight. Tsaka ako na rin mag re-remit." Singhal ni Mia.
Tinikom ko ang bibig ko at binalingan ulit si Rage na nakataas ang t-shirt habang nilalagyan ng bulak nong babae. May kausap at ka high five siyang kakilala. Parang wala lang sa kanya.
Nanginig ang binti ko nang nagsimulang humakbang palapit kay Rage. Hindi ko alam kung nanginginig ba ito dahil sa natitirang takot dulot ng nangyari kanina? Hindi ko alam. Nanlamig ang mukha ko kahit na mukhang wala lang iyon para kay Rage. Pero habang tinitingnan ko ang dugo sa kanyang dibdib ay napupuno ako ng tabang at guilt.
Binalingan niya ako at nakita niya ang pagkagulat niya sa distansya naming dalawa. May sinabi siya sa babaeng gumagamot sa sugat. Umismid ang babae at tumigil sa pag gamot. Nilagyan nong babae ng bandage ngunit tinanggihan ni Rage.
Mas lalong dumami ang lumapit sa kanyang kakilala. Maraming nag alala, kadalasan ay babae. May mga nakita akong tumawag sa kani kanilang cellphone para siguro ibalita ang nangyari. Nakita kong dumudugo at namamaga ang sugat niya sa abs na agad niya namang tinakpan ng t-shirt.
"Ayos ka lang?" Tanong niya at agad niya akong hinarap.
Hindi ko maintindihan kung bakit siya nag tatanong non sa akin kahit na siya dapat ang tanungin ng ganon.
"Hindi ka nagpagamot. Dumudugo pa 'yong sugat." Sabi ko.
"Wala 'to. Just a little cut." Aniya.
Hindi matanggal ang tingin ko sa kanyang t-shirt na duguan. Lumunok ako at sa gitna non ay bumalik ang maingay na music ng bar na parang walang nangyari kanina. May umaaligid paring bouncer sa kanya at iilang mukhang kaibigan.
"Rage, you should get checked." Anang babaeng lumapit sa kanya.
Umiling si Rage at hindi natanggal ang tingin niya sa akin. "Nah. I can fix myself."
"Rage, tama, dapat gamutin 'yan." Dagdag ko, hindi inalala ang kausap niyang babae.
"Tingin ko dapat ihatid na muna kita. I want you out of here, Sunny." Malamig niyang sinabi.
Gusto kong umangal pero dahil sa panginginig na naramdaman ko ay sumunod ako sa sinabi niya. Lalo na nang nag simula na siyang maglakad pagkatapos mag paalam sa kanyang mga kaibigan.
Lutang ang pakiramdam ko habang naglalakad at nasa likod siya. Nang nasa pintuan na kami palabas ng bar ay linapitan ulit siya ng security.
"Sir, mag fa-file kayo ng case?" Tanong ng security.
"I-coconsult ko muna ang lawyers ko. Paki kuha na lang 'nong mga pangalan ng..." Tumigil siya at tumingin sa kanyang tiyan. Nakita ko ang pag ngiwi niya bago nag patuloy. "Ng mga lalaking iyon."
Masakit 'yong sugat niya. Malalim iyon. Alam ko. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang magpagamot kanina.
"Sige, sige." Sabi nong security at may sinabi agad sa kanyang cellphone.
Nagpatuloy sa pag lalakad si Rage. Pinanood ko lang siyang naglalakad patungo sa kanyang sasakyan. Tumigil siyang bahagya nang siguro'y naramdaman na wala na ako sa likod niya. Nilingon niya ako at umambang babalikan ako pero hindi ko siya hinayaang gawin iyon. Ako na mismo ang naglakad patungo sa kanya.
"Magpagamot ka." Sabi ko nang nakalapit ako.
Huminga siya ng malalim at bumaling sa kanyang sasakyan. Pinatunog niya ito at binuksan ang pintuan para sa akin. Hindi muna ako pumasok. Tumunganga ako sa kanya habang nakahawak siya sa pinto.
"Ang sabi ko magpagamot ka."
"I'm okay, Sunny." Tamad niyang sinabi.
"Dumudugo ang sugat mo." Sabi ko. "Punta tayo ng ospital."
Umiling siya. "Ihahatid kita sa inyo. Duguan ako. Hindi ko kayang makipag patayan sa isang doktor o nurse na maaaring tumitig sayo."
Kinagat ko ang labi ko. Seryoso ang pagkakasabi niya nito kaya nalusaw ang kung ano mang pagpipigil na nararamdaman ko.
"Baliw ka na ba? Iniisip mo lahat ng tao nagkakagusto sakin, hindi naman." Ngumiwi ako. "Kailangan mong magpagamot. Wa'g mo akong bolahin."
"Well, you're not the one on the sidelines, Sunny. Ako 'yong nakakakita sa mga naninitig sa'yo. But I'm not stupid to just punch them. I understand that you're hot and they're just attracted. Pero ang humawak sayo, at bumastos sayo, ibang usapan na 'yon. At ngayong sariwa pa sakin ang nangyari kanina, baka kahit 'yong tumitig sa'yo mabugbog ko na. So just please get in the car and I'll drive you home."
Humalukipkip ako. "Gagamutin kita. Bibili ako ng first aid." Kailangan kong gumawa ng kahit ano.
"You're just guilty. You don't really care." Nag iwas siya ng tingin.
The hell. Alam niyang gusto ko siya ngunit iniiwasan ko lang siya sa takot ko. Bakit niya iisiping wala akong pake sa kanya? Pinaramdam ko ba sa kanya na wala akong pake? Kinagat ko ang labi ko nang napagtanto kong oo nga pala, pinaramdam ko sa kanya iyon.
Mabilis akong sumakay sa kanyang sasakyan. Tumunganga siya sa akin sa gulat sa ginawa ko.
"Ano? Bibili tayo ng first aid. Kahit Betadine, bandage, tsaka bulak lang. Please, Rage." Sabi ko.
Pumikit siya at padabog na sinarado ang pintuan ng kanyang sasakyan. Kulay blue ang ilaw ang tumanglaw sa buong sasakyan hanggang sa pumasok siya at sinarado ulit ang pintuan.
Nakita ko ulit ang kanyang pag ngiwi dahil sa kanyang sugat. Tiningnan kong masyado nang makalat ang dugo sa kanyang t-shirt.
"You don't need to buy me meds. Sa bahay na tayo, Sunny." Aniya at nakita ko ang kaba sa kanyang ekspresyon habang pinipihit ang manibela ng sasakyan.
"Okay." Sabi ko.
Nakita kong bumulong siya ng iilang mga mura bago pinaharurot ang sasakyan. Hindi ko alam kung bakit ganon ang reaksyon niya pero hinayaan ko siya. Uuwi rin ako. Hindi ko alam kung maihahatid ba ako ni Rage o ipapahatid niya na lang ako sa kanyang tauhan. Nag aaalala ako sa dugong nawala sa kanya, kailangan niyang mag pahinga.
Sabay kaming lumabas ng sasakyan. Sinalubong agad kami nong tinutukoy kong tauhan niyang may malaking katawaan at nasa mid thirties ang edad.
Lumipad sa ere ang kamay ni Rage para warningan iyong tauhan na huwag mag salita. Sumunod ako kay Rage, syempre nag aalala iyon dahil sa duguang damit ni Rage.
Nilingon ko si manong at kinausap. "Napa away siya sa bar kaya ganon. Hindi nagpagamot kaya mas lalong dumugo." Sabi ko.
Tumango si manong na naka itim na polo short at faded jeans. Mabilis akong hinigit ni Rage. "Don't talk to him." Aniya.
Kumunot ang noo ko at nagpatianod sa kanyang pag higit. Naaninag ko kaagad sa loob ang liwanag ng kanilang bahay. May kung anong naglalaro sa tiyan ko habang pinapanood ang buong bahay. Para bang alam ng buong sistema ko na may mga alaala ako dito sa bahay na ito. Bawat sulok ay nagpapaalala sa akin sa aming dalawa.
Hinigit niya rin ako paakyat sa hagdan. Sumunod naman ako.
"Sa gym, may first aid. Kukuha lang ako ng damit ko at kailangan mo ring mag palit." Aniya at iminuwestra ang gym.
Tumango ako at pumasok doon.
Nakita ko kaagad ang mga equipment sa loob at ang boxing ring. Umupo ako sa hagdan ng boxing ring habang naghihintay kay Rage. Hindi nagtagal ay pumasok ulit siya, ngayon at wala ng pang itaas na damit. Kitang kita ko ang sugat niya ngunit nag iwas ako ng tingin dahil sa kakisigan niya. Simula yata ng gabing iyon ay naging kahinaan ko na ito.
Nilapag niya sa harap ko ang first aid kit. Kinuha ko kaagad ang bulak.
Umupo siya sa isang upuan sa tapat ko at pinanood niya ako habang inaayos ko ang bulak.
"I can fix myself but I won't mind if you fix me." Aniya.
Hindi ako nag angat ng tingin sa kanya. Inayos ko ang bulak at dahan dahan kong pinunasan ang kanyang sugat.
Tumingala siya sa ginawa ko. Inisip ko tuloy na mahapdi iyon sa part niya. Hindi ko alam kung makakatulong ba ang betadine dahil medyo malalim ang cut ng sugat at kaingan na lang mag apply ng pressure para tumigil ito sa pag dugo. Sinasabi ko na nga ba, sana sa ospital na kami nag punta!
"Rage, malalim ang sugat mo." Sabi ko.
"I know. Nararamdaman ko." Sabi niya at medyo pagod na ngumiti sa akin.
Holy shit. Bakit sa ngiti niyang iyon ay nakuha niya na agad ang loob ko? Para siyang batang nangangailangan ng kalinga. At parang gusto mong ikaw ang magbigay nito sa kanya.
"Ba't di sa ospital na lang?" Tanong ko habang nilalagyan ng betadine ang bulak.
"Alam mo na ang sagot diyan." Mariin niyang sinabi. "This is why I hated you working like that."
"Hindi iyon ang first time kong mabastos. Rage, naiintindihan ko ang trabahong ito. Pero ito pa lang 'yong nakikita kong mapagkakakitaan ko habang nag aaral ako."
"I know... Kung sana ay papayag kang i-hire ko na lang as my personal cook or something, dodoblehin ko pa 'yong sweldo mo-"
Kumunot ang noo ko. Tumawa siya at agad ininda ang hapdi sa ginagawa kong pag gamit. Hindi ko alam kung nadiinan ko ba ang sugat niya o nasaktan siya dahil sa pagtawa niya.
"Easy, woman. Masakit 'yan. I'm not a freaking monster. Nakakaramdam din ako ng sakit."
"You're a beast." Sabi ko habang tinitingnan ang sugat niyang ayaw matigil sa pag dugo.
"I wish I was the beast here... Because you are definitely a beauty." Napapawi ang kanyang ngiti habang sinasabi niya iyon.
Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa hangaang sa tuluyan nang nawala ang kanyang ngiti.
"You're the beast, Sunny. A very beautiful beast." Iling niya.
Diniin ko nang marahan ang bulak sa kanyang sugat. Natahimik ako habang nilalagyan iyon ng medical tape. Alam kong hindi iyon kaya. Dapat ay bandage na ang ilagay ko pero gusto ko sanang malagyan ulit iyon ng betadine mamaya kaya ito muna.
"I'm not the beast, Rage." Seryoso kong sinabi at nag angat na sa kanya ng tingin.
Ngumisi siya. "You are. Change your clothes now..." Tumayo siya at nakita ko kung paano gumalaw ang bawat muscles niya sa dibdib.
Damn he's hot. Hindi ko alam kung titig ba ako sa abs, triceps, at dibdib niya o mag iiwas ng tingin. Nag wo-work out siya at sanay siya sa Mixed Martial Arts at boxing kaya hindi kagulat gulat na ganyan kaganda ang kanyang katawan pero ang magkaroon ng ganyan ka gwapong mukha ang ganito kagandang katawan ay illegal para sa akin.
"Dito ka matulog. You can sleep in my room." Aniya.
Umiling ako. "Pwede na ako sa couch."
Ngumuso siya, nagpipigil ng ngiti. "I'm quite surprised na pumapayag ka. Akala ko sasampalin mo ako kanina nong kinaladkad kita papasok dito."
"Rage, may kasalanan ako. Sa ibang kwarto na lang ako. Hindi ako pwedeng sa kwarto mo." Sabi ko.
"Hindi naman ako matutulog sa kwarto ko. Sa guest room ako, ikaw na don." Aniya.
Aangal pa sana ako ngunit tinapunan niya na ako ng puting t-shirt niya at naglakad na siya patungo sa bathroom yata ng gym.
Nang binuksan niya ang pintuan ng kanyang kwarto ay nagulat ako! Nag bago ang buong kwarto. Kung dati ay kulay puti ang kulay ng dingding nito, ngayon ay kulay dark brown na. Nag iba ang itsura ng kama at naisip ko kaagad kung nasaan na iyong dating kama niya. Pati ang mga furnitures ay nag iba na rin.
Naglakad ako sa gilid ng kama. Pinagmasdan ko ang veranda, tanging hindi nagalaw sa buong kwarto.
"Just... call me when you need something. Nasa kabilang room lang ako. Kumpleto sa toiletries dito. May pagkain na rin sa coffee table." Aniya.
"Nag... iiba ka pala ng design sa kwarto buwan buwan?" Nilingon ko siya.
Nakita ko ang kanyang seryosong titig.
"Binago ko 'yong buong design nong iniwan mo ako mag isa dito."
Nagsisi agad ako kung bakit pa ako nakealam. Nangapa ako ng dahilan. Nangapa ako ng mga alaala sa gabing iyon.
"Hindi ako ang unang babaeng dinala mo dito." Sabi ko.
"Hindi ako nagdadala ng babae sa kwarto ko." Aniya.
"'Nong gabing iyon, sinabi ko sayo na akala ko hindi ka nagdadala ng babae dito. Wala kang naisagot kundi tikhim. Alam kong tama ako." Sabi ko.
"Wala akong maisagot kasi ayokong matakot ka. Ayokong matakot ka sa pag iisip na ikaw ang unang babaeng dinala ko dito. And I'm serious about that. I think you're very, very doubtful. Hindi naman kita masisisi. You have the right to doubt me. But I don't wanna look like I'm so darn obsessed with you that time."
Nag iwas ako ng tingin.
"Pero ngayon, oo, inaamin ko na. Obsess ako sayo. I want you back. For good. Binago ko lahat sa kwartong ito kasi hindi ako makatulog habang iniisip ko kung paano 'yong bawat ekspresyon mo nong nandito tayo."
Nanuyo ang lalamunan ko. Narinig ko ang isa pang mura niya bago pinutol ang pagsasalita.
"Just... just rest Sunny." Aniya gamit ang malamig na boses at tinalikuran ako.
####################################
Kabanata 36
####################################
Warning: SPG
------
Kabanata 36
Good Boy
Pinagmasdan ko kung paano niya ako tinalikuran. Kinukurot ang puso ko habang lumalayo siya. Pumikit ako at hinayaan ang sarili sa kung ano man ang gusto nitong gawin.
"Rage..." Tawag ko.
Nasa pintuan na siya nang tinawag ko siya. Nakabukas na iyon at natigil lang siya sa pag alis nang tinawag ko. Nilingon niya ako.
"Hindi ko iyon sinabi sa'yo para ma guilty ka, Sunny." Aniya.
Umiling ako. "I'm sorry." Paos ang pag kakasabi ko nito.
Hindi siya kumibo. Nagpatuloy siya sa kanyang pag sarado sa pintuan hanggang sa tuluyan na siyang makaalis.
Tumunganga ako sa kinatatayuan ko. Namanhid ang buong katawan ko dahil sa pangyayari. Pumikit ako at umupo sa kama.
Walang kasiguraduhan ang takbo ng mundo. Kahit anong pigil mo para lang maging maayos ang mga bagay bagay, hindi ka parin makakasiguro sa kahit ano. Pilitin ko man ang buhay na maayos at normal para sa sarili ko, hindi ko parin malimot limot si Rage. Inisip ko kung anong gagawin ko kung di niya ako hinabol.
Pinulupot ko ang kumot sa aking katawan. Suot suot ko ang isa sa mga t shirt niya at ang kanyang boxers pagkatapos kong maligo. Humiga ako sa kanyang unan at pinilit kong matulog ngunit walang pumasok sa isip ko kundi siya at ang kanyang mga matang bigong bigo.
Ilang sandali pa ang pamimilit ko sa aking sarili sa pagtulog ngunit walang dumalaw sa akin na antok. Bumangon ako at inapak agad ang mga paa ko sa malamig na sahig sa kanyang kwarto. Nagpasya akong bumaba sa pagbabakasakaling dalawin na ng antok. May pasok ako bukas. Kailangan ko pang gumising ng maaga para don. Madaling araw na ngunit dilat na dilat parin ako. Hindi yata iyon maganda.
"You're... going out?" Umalingawngaw ang boses ni Rage sa sala pagkababa ko sa hagdan.
Bumaba ako dahil nakita kong sa baba lang may ilaw. Naka dim ang ilaw sa ikalawang palapag. Ang sala at sa kusina ay maliwanag. Nilingon ko siya at nakita kong may hawal siyang baso na may alak sa loob. Shirtless siya at may bandage sa kanyang dibdib.
"Hindi. Bumaba lang ako." Nag iwas ako ng tingin.
Nilapag niya ang iniinom na alak sa mesa at tumingin sa akin.
"Kung gusto mong umalis, ihahatid kita. Don't sneak out again, please. Natrauma na ako."
Nanlaki ang mga mata ko. Nagtagpo ang paningin namin. "H-Hindi talaga ako aalis. Di lang talaga ako makatulog." Sabi ko sabay laro sa t shirt na pinahiram niya sa akin.
"Can't sleep too. Masakit pa 'yong sugat." Aniya.
Tumango ako. "Pain reliever?"
"Uminom na ako." Aniya at tinitigan ako.
Mas na depina ang kanyang perpektong panga habang hinihintay ang pagsasalita ko. Halos luminga ang mga mata ko. Hindi ko siya kayang tingnan pabalik pag mabigat ang kanyang titig sa akin. Tagos hanggang kaluluwa kung makatingin siya at natatakot akong malaman niyang mahal na mahal ko siya. I love him and my decisions were stupid, I know. Hindi ko alam kung may katotohanan ba 'yong feelings niya sa akin pero wala na akong pakealam sa ngayon. Totoo man iyong sa kanya o hindi, ang importante sa akin ay totoo 'tong nararamdaman ko.
Tumango ako at natameme sa kanyang paninitig.
"Babalik ka sa kwarto o you need something?" Nag taas siya ng kilay nang sumulyap ako.
Wala akong maisip na dahilan sa pagbaba ko. "Gusto ko lang uminom ng tubig."
"I have a fridge inside my room. May tubig don." Aniya.
"Sa'yo naman ang ref mo. Ayokong isipin mong nananamantala ako. Marunong naman akong kumuha ng tubig sa kusina."
Tumikhim siya at yumuko. "Hindi ka nananamantala. Do you really think that I care if you touch my things? Hinayaan kita sa kwarto ko. I don't care if you touch anything."
Sa tabi niya ay may pitcher ng tubig. Kinuha niya agad iyon at nagsalin siya sa isang basong nasa mesa at inilahad niya sa akin.
Tinanggap ko ang basong binigay niya. Nahawakan ko ang kanyang kamay kaya nagtama agad ang mga mata naming dalawa.
"Salamat." Sabi ko at sumimsim sa tubig na binigay niya.
Sumalampak siya sa sofa at agad namang dumaing dahil sa sakit sa kanyang dibdib. Nilingon ko siya at nakita kong nakapikit ang isang mata niya sa sakit ngunit nakangisi naman.
"Damn, di ko talaga namamalayan. Kanina pa 'to." Aniya.
Nakita kong may dugong bumahid sa maliit na bandage na nilagay ko. He's bleeding again. Kinagat ko ang labi ko at agad siyang tinabihan.
"Kailangan natin ng mas malaking bandage, Rage. O di kaya magpa ospital ka na. Hindi ako nurse. Mas maganda kung sa ospital." Sabi ko.
"Bukas habang nasa school ka, pupunta ako sa ospital." Aniya.
Ngumuso ako. "Kailangan talaga natin ng bandage."
Luminga ako at naghanap ng bandage sa paligid. Siguro ay inayos niya rin ang sugat kanina dahil may nakita akong first aid kit sa mesa. Kinuha ko iyon at nakakita ako ng kulay brown na bandage.
"Ang tigas ng ulo mo." Sabi ko sabay marahang kinuha iyong medical tape sa kanyang dibdib.
Naging abala ako sa pag aayos ng kanyang sugat sa sofa. Tahimik lang siya at ang tanging naririnig ko ay ang kanyang hininga.
"Hindi ako nurse. Hindi ako marunong nito. Hindi kita magagamot. Sana sa nurse ka na lang magpagamot." Sabi ko habang pinupunasan ng bulak ang kanyang sugat.
"Di bale na ang mamatay basta ikaw 'yong gumamot sa sugat ko."
Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko ang mapupungay niyang mga mata at medyo magulo niyang buhok. Nakangisi siya at nakatingin sa akin na para bang sobrang nahuhumaling siya sa lapit ko sa kanya.
Gusto kong manapak ngunit ayokong masaktan siya lalo. Inirapan ko na lang siya ngunit hindi ko mapigilan ang pag ngiti. Minsan masungit, minsan pilyo, minsan seryoso.
Tinaas niya ang baba ko. Agad kong hinawi ang kanyang kamay. Tumawa siya sa ginawa ko.
"You're smiling. You find me cute." Aniya.
"You're not cute." Sabi ko sabay ikot sa bandage sa kanyang dibdib.
Inangat niya ang kanyang dibdib para maikot ko iyon sa kanyang likod. Nag angat ulit ako ng tingin at nakita ko kung paano niya pabalik balik na kinagat ang kanyang labi habang tinititigan ako.
Tumindig ang balahibo ko ngunit binalewala ko ang pakiramdam na iyon. Nagpatuloy ako sa pag ikot ng bandage sa kanyang dibdib kahit na nanginginig ang kamay ko. Hinaplos niya ang buhok ko. Hindi ako matahimik. Naghuramentado ang buong sistema ko.
"Sunny, please, tanggapin mo ulit ako." Seryoso niyang sinabi habang hinapalos ang buhok ko.
Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko siya kayang tingnan ng diretso.
"Please. What I'd give to make you fall for me so hard, you'll never think of leaving."
Pinipiga ang puso ko habang naririnig sa kanya iyon. Isang ikot pa ay pinigilan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang seryoso niyang mukha. Seryoso ngunit pagod. He's so damn attractive. Hindi ko alam kung legal ba ang maging kasing gwapo kay Adonis. He's God's gift to women. Ano kaya ang nakita niya sa akin at bakit sa lahat ng babae ay ako lang ang sinusuyo niya ng ganito.
"Bakit ako, Rage?" Tanong ko.
Umayos siya sa kanyang pagkakaupo. Tinignan niya akong mabuti na para bang alam niya kung ano ang susunod kong sasabihin.
"Bakit hindi ikaw?" Tanong niya pabalik habang hinahawakan ang magkabilang pisngi ko.
"I'm not rich. Hindi ako tulad mo. Marami akong issues-"
"It would be my pleasure to give you my world. To make you forget about your issues. Sunny, just let me in your life again."
"I don't want your world, Rage." Mariin kong sinabi. Hindi ko kailanman pinangarap na maging kami para lang makuha ko ang mundo niya.
"I want your world." Pabulong niyang sinabi. "So bad."
Kinagat ko ang labi ko at naramdaman ko kaagad ang labi niyang marahan na humalik sa akin.
"Tanggapin mo ulit ako, please. Tanggapin mo ulit ako." Bulong niya sa labi ko.
Wala pa siyang ginagawa ay nagwawala na ang buong sistema ko. Bawat turnilyo ay nahulog sa kani kanilang mga butas. It was the end of my principles. I knew it. He's the end of my principles. Lahat ng pangaral ko kay mama noon ay kinain ko ngayon.
"I'll be a good boy. I'll be a very good boy." Malambing niyang sinabi na para bang makukumbinsi ako nito.
Hinawakan niya ang baywang ko. Hinaplos niya iyon ng pabalik balik. Nagising halos lahat ng hibla ng katawan ko.
Hinanap ko ang kanyang labi at marahan ko itong hinalikan. Pumikit siya at kitang kita ko ang kanyang buntong hininga. Tumigil ako sa paghalik. Dumilat siya at gulat na tumingin sa akin.
"I love you. I'm in love with you." Umiling siya.
Ngumiti ako at hinalikan ko ulit siya. Bawat halik niya ay mababaw. Ang malambot niyang labi ay nambibitin sa akin. Naramdaman ko ang pagpipigil niya. Tumigil ako at tumingin sa kanya.
"I'm in love with you, Sunshine Aragon. That doesn't mean I want you naked right now." Kumunot ang kanyang noo.
Ngumuso ako. "I want you naked right now."
Nanlaki ang mga mata niya. Lahat ng pagpipigil ay nawala sa kanyang ekspresyon. Mabilis niya akong sinikop sa sofa at inangat.
"Damn girl. We'll just sleep for tonight. Pinaghirapan ko ang mabalik ka sakin. I don't want to wake up without you." Aniya.
Ngumuso ako pagkatapos ay may kinalabit para mag dim na rin ang lights sa buong sala.
Pinulupot ko ang aking braso sa kanyang leeg. Sa gitna ng dilim ay naaaninag ko parin ang ngiti sa kanyang mga mata. Kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung ano 'tong napasukan ko pero nawalan na ako ng pakealam kung masaktan man ako o hindi. Masasaktan ako kung iiwan ko siya, kung susugal naman ako ay maaaring masaktan din kaya wala akong kawala.
Sinubukan kong abutin ang kanyang labi habang binubuhat niya ako paakyat ng hagdanan. Panay ang mura niya dahil sa gulat.
"Sunny, don't turn me on too much. I don't like it." Aniya.
Umiling ako at tumawa nang nakita ko ang bigo niyang ekspresyon. Tinitigan ko siya at hindi ko mapigilang mapailing. "I'm falling for you, Rage. I'm really falling for you." Inamin ko iyon sa kanya at sa sarili ko. Dahil ngayon, sa wakas, ay hindi ko na pipigilan ang sarili ko. Hahayaan ko na ang sarili kong mahulog. Hindi na ako magkukunwari. I love him now. Bahala na ang bukas.
"Oh shit..." Aniya at tinitigan ako.
Kinagat ko ang labi ko at dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Sinalubong niya ng halik ang aking labi. Tumindig ang balahibo ko.
Tumigil siya sa pag akyat sa hagdan. Ilang palapag na lang ay makakaakyat na kami ngunit masyado akong nahumaling sa kanyang malalambot na labi. Napapikit ako nang naramdaman kong lumalalim ang halik niya sa akin.
"Don't you dare leave me again. You know I won't stop chasing." Bulong niya habang hinahalikan ako.
"Hmmm..."
"Holy sh..." Nilapag niya ako sa hagdanan at lasing na lasing parin ako sa kanyang halik.
Bumaba siya ng isang palapag at hinalikan niya ulit ako, ngayon mas malalim at mas nakakabitin. Iginala ko ang aking kamay sa kanyang dibdib na may bandage. Tinigil ko ang aking kamay sa kanyang sugat at marahan ko itong hinaplos.
"I'm sorry." Sabi ko.
"Do you love me?" Bulong niya.
Tumango ako.
"You won't leave me after this?" Tumigil siya sa paghalik at tiningnan niya akong mabuti.
Umiling ako habang nakatingin sa kanyang dibdib. Hinawakan ko ang kanyang braso habang ginagapang ng kanyang kamay ang aking katawan. Nang tumigil ito sa aking dibdib ay napapikit ako.
"Damn it." Aniya bago ako hinalikan ulit habang pinagpatuloy niya ang paglalaro sa aking dibdib.
Binahagi niya ang aking mga binti. Naramdaman ko kaagad siya sa aking mga hita.
"You like this, Sunny?" Tanong niya habang gumapang ang kanyang kamay sa loob ng aking bra.
Kinagat ko ang aking labi at hindi ko na maidilat ang aking mga mata. Gusto ko na lang tumigil siya sa pagsasalita at halikan niya ako ngayon. Inabot ko ang kanyang labi at narinig ko na naman siyang nagmura.
"Shit, I'm so fucking turned on!" Aniya at dinaanan ng haplos ang gitna ng aking hita.
Nangatog ang binti ko sa haplos niya. Panay ang mura niya habang ginawa iyon.
"Rage, b-baka makakita 'yong kasama mo dito." Sabi ko.
"He's asleep. I won't let that happen to you. No. From this day onwards, you can't be seen wearing short dresses anymore, Sunny."
"H-Ha?" Dumilat ako sa gulat. "Kailangan ko 'yon sa trabaho?"
"Jesus! Di na kita pagtatrabahuin. Mamamatay ako sa loob ng bar pag bumalik ka pa sa trabaho mo!"
"What? Rage, di ako makakapag bayad sa schoo-" Hindi na ako nakapagsalita nang binaba niya na ang boxers na suot suot ko at agad sinalubong ang gitna ng aking hita.
"Fuck it, you are so wet. And I don't care what you say, Sunny."
Pumikit ako habang paikot ikot at marahan niyang hinahaplos ang gitna ng aking hita. Kailangan naming pag usapan 'yon pero hindi dapat ngayong nababaliw ako sa bawat haplos niya.
"Rage..." Daing ko.
Nasa paa ko na ang boxers na suot ko. Hindi niya tuluyang natanggal dahil mabilis niya nang tinuon ang kanyang pansin sa akin. Patuloy ang paikot na paghaplos niya. Dumilat ako at nakita kong tumitig siya sa akin habang hinahalikan ang bawat pulgada ng aking katawan, pababa. Hinalikan niya ang aking dibdib. Binaba niya ang kanyang halik nang hindi ako tinitigilan sa pag titig. Nang nakababa na siya ay nalaglag ang panga ko. This isn't our first time. Ngunit ang makita siyang nandoon ay nakakakilabot.
Hinalikan niya ang gitna ng aking hita at unti unti siyang pumikit. Hindi parin tumitigil ang paikot ikot na pag lalaro ng kanyang daliri.
Tumingala ako at naghanap ng makakapitan dahil tumitindig na ang balahibo ko at may kung anong pamilyar na sensasyon akong nararamdaman.
"Rage... Tigil..." Utos ko.
Tumiyad ako at sinubukang isara ang aking mga binti dahil hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko ngunit hinawakan niya ang aking paa at pinirmi niya ang posisyon nito.
"Rage, tigilan-" Paungol kong sinabi.
"Let me taste you, Sunny. Let me hear you moan my name again and again. Prove me that I own you..." Bulong niya pagkatapos ay naramdaman ko ang kanyang dila.
Halos mapamura ako sa pagwawala.
"That you can't live without me. That you can't do this with other motherfucking guys." Sa isang ikot pa ng dila niya ay nanginig na ang buo kong katawan.
Kasabay ng panginginig ko ay ang pagpatuloy niya sa kanyang paghalik na para bang sumasabay sa bawat along nararamdaman ko.
"Fuck you taste so sweet. You taste so good." Namungay ang kanyang mga mata habang tinatanggal ang sinturon ng kanyang pants at lumuhod ulit sa aking gitna.
####################################
Kabanata 37
####################################
Kabanata 37
Possessive
Dinilat ko ang mga mata ko kinaumagahan. Nang napansin ko ang maliwanag na araw sa veranda ni Rage ay halos tumalon ako sa aking pagkakahiga. Mali-late na ako sa klase!
Kinusot ko ang mga mata ko at mabilis na umapak sa sahig para makaalis don. Nilingon ko ang kama at wala si Rage doon. Lumabas ako ng kanyang kwarto para hanapin siya. Bumaba ako ng hagdanan at hindi ko mapigilan ang pag lipad ng utak ko.
Nang nakababa ako ay naamoy ko kaagad ang ulam sa kusina. Siguro ay nag luluto siya?
Lumapit ako sa kusina at narinig ko kaagad ang boses niya habang nagluluto.
"I'm okay. I need to go..." Aniya sa cellphone.
Pinanood ko ang kanyang likod. Nilalagay niya ang nilutong bacon sa isang pinggan habang ang isang kamay ay nakahawak sa cellphone.
"I said, I'm okay. Hindi naman ako napuruhan... Yeah, magpapacheck ako sa ospital. Don't..."
Kumunot ang noo ko. Sino kaya ang kausap niya? Ang mommy o daddy niya?
"I'm busy. Wa'g kang pupunta dito." Aniya at nilapag ang pinggan sa counter.
Nanlaki ang mga mata niya nang nakita ako sa kinatatayuan ko. Agad niyang pinindot ang kanyang cellphone at binaba.
"Good morning!" Bati niya. "Ang aga mong nagising."
Ngumuso ako. Hindi maalis sa isip ko 'yong tinawagan niya. "May pasok ako ng 8."
Tumango siya. "Alam ko. Kaya maaga kitang pinagluto." Nilapitan niya ako at niyakap galing sa likod. "And I can't sleep... so..." Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking buhok at pinag salikop ang aming mga daliri.
"Sorry, ang aga kong nakatulog." Sabi ko at humilig sa kanyang mainit na katawan. "Ba't di ka makatulog?"
Hinalikan niya ang tainga ko. Kailangan ko na talagang mag madali. Alas sais na. Kaya lang ay dahil sa yakap niya, parang ayaw kong pumasok.
"Gusto ko mauna kang makatulog. I'm scared you'll leave again."
Kinalas ko ang pagkakasalikop ng aming mga daliri at hinarap ko siya. Takot ang ipinapakita ng kanyang mga mata. Hindi ko kayang isipin na ang isang Rage Del Fierro ay takot na iwan ko ulit. Ano bang meron at bakit gustong gusto niya ako?
Hinawakan ko ang kanyang pisngi. Hinawakan niya rin ang kamay ko at dinala niya iyon sa kanyang labi para halikan.
"Mag pacheck ka ngayon sa ospital habang nasa school ako." Untag ko.
"Yup." Iginiya niya ako patungo sa upuan para makakain na kami.
Umupo ako at pinagmasdan siya sa pag lalagay sa aking pinggan ng pagkain. Humikab ako at uminom ng juice. Natagpuan ko ang kanyang mga mata.
"You okay?" Tanong niya.
Tumango ako. "Medyo... pagod lang tsaka..." Pinagtabi ko ang aking mga binti. Medyo mahapdi parin sa pakiramdam. But I'm good.
Ngumuso siya at pumangalumbaba. Naglalaro ang kanyang mga mata. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Kumain na lang ako.
"You're sore." Aniya.
Tumigil ako sa pagkain at nagtagpo ang tingin namin. Uminit ang pisngi ko. Naglaro ang ngiti sa kanyang labi.
"You... wanna absent?"
Umiling agad ako. Humalakhak siya. "Damn. Kung ako ang nag aaral sa ating dalawa, I'd probably drop all my subjects just to be with you every hour of the day."
Umirap ako. "Rage, kailangan kong mag madali. Major ang subject ko ngayon. Tsaka kailangan ko pang umuwi para sa damit ko."
Kumunot ang kanyang noo. "Bring all your clothes here. You're moving in."
Nanlaki ang mga mata ko. "Huh? Hindi pwede."
"Bakit hindi?" Tumaas ang kanyang kilay.
"Hindi ako pwedeng manatili dito. Bahay mo 'to. Hindi 'to akin." Hindi ko alam kung paano ko siya kukumbinsihin. Talagang hindi pwede. Kailangan kong umuwi.
"You're my girlfriend, Sunny. And I'm asking you to live with me. Besides, makaka tipid ka pag dito ka tumira. Hindi ka magbabayad ng rent-"
Baliw na ba siya? "Rage, hindi pwedeng ganon. Ano ang sasabihin ng mga magulang mo?"
Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata niya pagkasabi ko non. "Wala silang pakealam sa kung ano ang gusto kong mangyari. This is my life." Umigting ang kanyang panga.
"And you can't work. Babayaran ko ang tuition fee mo at lahat ng gastusin mo-"
"WHAT?" Kanina ay nag dadalawang isip pa ako kung nababaliw na siya. Ngayon, alam ko nang nababaliw na nga siya. "Rage, hindi pwedeng ganon. Hindi ako gold digger-"
"Walang nagsasabing gold digger ka, Sunny. I dig you, that's why. I'll do this for you."
Umiling ako. "Una sa lahat, del Fierro, kaya kong gumastos para sa sarili ko. Pangalawa, bayad na ako sa bed space kong iyon at ngayong linggo, lilipat na si Mia doon kaya magkasama kaming dalawa."
"I'll convince Mia to let you go." Ani Rage.
Padarag kong binitiwan ang mga kubyertos ko. Hindi talaga ako makapaniwala sa gusto niyang mangyari. Gusto kong makasama siya pero hindi ko kayang siya ang gumastos para sa akin.
"Fine!" Pinagmasdan niya akong mabuti. "What do you want, then?" Humalukipkip siya.
"Masyado kang possessive." Sabi ko nang narealize ko iyon.
"I'm not possessive. Binigyan kita ng choice ngayon. Tss." nag iwas siya ng tingin.
Nagpatuloy ang kanyang pagbabakasakaling makumbinsi ako sa gusto niya hanggang kina Auntie Letty. Nanatili ang mga mata ng mga taong nadaanan namin sa aming dalawa. Maging si Auntie Letty ay hindi kami tinantanan.
"Si Mia nasa kwarto na." Ani Auntie Letty.
Nilingon ko si Rage at umupo siya sa sofa. Hindi siya pwedeng umakyat dahil all girls lang ang space na ito.
Pagkaakyat ko ay tulog pa si Mia. Gusto ko sana siyang gisingin kaya lang inisip kong siguro ay pagod siya kagabi. Kumuha na lang ako ng damit. Naligo at nag bihis, nagmamadali para sa school.
Nilagyan ko ng iilang damit at underwear ang bag ko. Mag iiwan ako ng iilang gamit sa bahay nina Rage. Baka sakaling maulit ulit ang pag tulog ko doon. Bumaba ako ng tulog parin si Mia at naaninag ko kaagad si Rage na ngayon ay katawanan na si Auntie Letty sa baba.
Nilingon niya ako nang nakitang pababa na sa hagdanan. Mabilis na natagpuan ng kanyang mga mata ang extra bag kong dala para sa mga damit ko.
Sinalubong niya agad ako at hinawakan niya agad ang extra bag kong dala. Umiling ako. Alam kong alam niya kung ano ang laman non. Nilagpasan ko siya ngunit bumulong siya, nakahalakhak.
"Sana buong maleta ang dala mo." Aniya.
Buong maleta? Halos hindi nga ako makapag desisyon sa kakarampot na bag na iyan. Nilingon ko si Auntie Letty para mag paalam dahil may pasok pa ako.
Nagpaalam na kami kay Auntie Letty. Itetext ko na lang siguro si Mia na dumaan ako kanina at magkita na lang kami sa trabaho.
"Magtatrabaho ako mamaya." Sabi ko kay Rage.
Narinig ko ang mabigat niyang tikhim. "I can pay for you. Come on, Sunny. Don't be stubborn."
"I can pay for myself, Rage. Hindi ako manggagamit." Alam ko naman na gusto niya lang maalis ako sa nakakabastos kong trabaho. Kaya lang ayaw ko namang umasa sa kanya. Siguro ay mas mabuting mag hanap na lang ako ng ibang trabaho nang sa ganon ay matahimik na siya.
"Fine. Pero hindi kita titigilan." Aniya at pinaharurot ang sasakyan patungong school.
Nang nakarating na kami sa school ay buong akala ko ihahatid niya lang ako sa labas at aalis na siya para pumuntang ospital pero nagkamali ako. Bumaba pa siya sa kanyang sasakyan.
"Di mo na kailangang gawin 'to." Sabi ko.
Hindi na siya nagsalita. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga daliri naming dalawa. Nalaglag ang panga ko.
"Pinakalat mo na hindi tayo. I need to correct that." Aniya.
"Pinakalat? Syempre hindi tayo noon kaya todo deny ako." Paliwanag ko at kita ko sa mukha niya na wala siyang pakealam sa sasabihin ko.
"Let's go." Aniya at hinigit na ako patungong classroom.
Alam na alam niya kung saan ang klase ko. Sa malayo pa lang, kita ko na ang mga kaklase kong halos hindi nagulat sa pag ho-holding hands namin. May ibang bigo, may ibang nginitian na lang ako. Narinig ko pa ang isa sa mga kagrupo kong nagsalita. "About time..."
Umiling na lang ako at pumasok sa loob. Ilang sandali pa bago siya umalis doon sa pintuan. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Siniko ako ng katabi kong si Angelica. Nilingon ko siya at silang dalawa ni Jane ang nakangiting bumungad sa akin.
"So... kayo na?" Nagtaas ng kilay si Jane. Hindi ko alam kung sarcasm ba iyon o ano.
Tumango ako.
"Buti sinagot mo. Obvious na obvious na baliw siya sayo, e."
Ngumiwi ako sa mga sinabi nila. Pumasok ang professor namin kaya umayos kaming lahat. Kasabay ng pagpasok niya ay nakita ko ang isang lalaking may magulong buhok, magandang katawan, kasing edad ko, at... at... nalaglag ang panga ko.
"Jason Perez?" Bulong ko sa sarili ko.
Umupo siya sa likod. Nilingon ko siya at agad akong kinalabit ni Angelica o Jane, hindi ko alam dahil wala ako sa aking sarili.
"'Yan 'yong nagpatransfer sa block natin diba? Si Jason Perez ng kabilang block? Sobrang gwapo!" Ani Jane.
Lumunok ako at nag tagpo ang tingin ng lalaking crush na crush ko noong high school. Hindi ako makapaniwala na magkikita ulit kami ngayon dito! "Bakit siya nag transfer?" Tanong ko.
"Conflict daw 'yong afternoon block sa varsity practices niya ng soccer kaya morning block ang kinuha niya." Ani Jane.
Tumango ako at nakita kong kumaway siya sa akin.
"Hala! Kilala mo?" Tanong nila sa akin.
Nilingon ko ang professor namin at tumango sa kawalan. He was my first kiss. Kahit aksidente lang iyon ay hindi ko parin iyon nakalimutan. Kahit na nag aasaran lang sina Patricia non kaya tinulak nila ako sa crush ko, hindi ko parin makalimutan kung paano niya ako pinagtanggol sa kanila.
Halos hindi mag sink in sa akin lahat ng inaaral namin. Kanina pa tumutunog ang cellphone ko. Nang tumigil sa pag sasalita ang prof ay chineck ko ang mga mensahe. May mensahe doon si Rage at Mia.
Mia:
I see... Sabi ko na, e. Hahaha! So uuwi ka ba dito mamayang gabi? I'm happy for you girl.
Rage:
Nasa ospital na ako. What are you doing? Want anything? Bibilhan kita. Half day ka lang diba?
Mabilis ko silang nireplyan.
Ako kay Mia:
Uuwi sana.
Ako kay Rage:
Wa'g na. Pagkatapos nitong klase, mag lu-lunch din ako.
Nagpasalamat ako nang natapos na ang klase. Tumayo agad ako at nilingon si Jason. Tumayo rin siya at nakatoon ang kanyang tingin sa akin.
"Sunshine Aragon." Salubong niya sa akin nang nakalapit.
"Jason Perez?" Ngiti ko habang nag lalabasan na ang mga kaklase ko.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "You... changed a lot."
"Ikaw din naman. Sobrang tumangkad ka." Sabi ko sabay ngiti.
Nagkatitigan kaming dalawa. Napakamot siya sa kanyang ulo at nakita kong namula siya at yumuko. "Tinititigan mo na naman ako."
Nanlaki ang mga mata ko. "S-Sorry." Hindi ko alam kung bakit ganon ang linya niya palagi sa akin noon. Dudugtungan ko pa sana ang sasabihin ko ngunit may narinig akong umubo sa likuran ko.
Naramdaman ko kaagad ang kamay na humigit sa aking braso.
"Nakakaistorbo ba ako?" Umalingawngaw ang boses ni Rage. Nagulat ako sa biglaan niyang pag sulpot. Halos maubos na ang mga kaklase ko sa classroom kaya laking gulat kong pumasok pa siya doon.
"Rage... Uhm... Eto si Jason. Kaklase ko siya noong high school." Paliwanag ko kay Rage.
Matalim ang titig ni Rage kay Jason. Nag lahad si Rage ng kamay kay Jason at umangat ang kanyang labi. "I'm her boyfriend." Sabi ni Rage. "Rage del Fierro."
Tumango si Jason. "Wow!" Tinanggap ni Jason ang kamay ni Rage at tumingin siya sa akin. "Sa sobrang hirap mong abutin nong high school, akala ko di ka magkakaboyfriend." Ngiti ni Jason sa akin. "Sige, mauna na ako, Sunny." Tumango si Jason kay Rage. Tinapik niya ang balikat ko bago siya kumaway at umalis.
Kinawayan ko siya kahit na nakatalikod na siya.
"I see the way he stared at you... He's attracted." Sabi ni Rage.
Tumikhim ako. "Rage, hindi lahat ng tao attracted sa akin. Hindi siya. Naging mag kaklase kami nong high school pero di niya ako pinormahan kaya impossibleng attracted siya sa akin." Sabi ko.
Nanliit ang mga mata niya.
"Tara na nga." Sabi ko sabay hawak sa kanyang braso.
Hindi siya agad gumalaw. Nang gumalaw naman siya ay inakbayan niya ako.
"Next week, babalik na ako sa trabaho. I won't be here to check on you... Pero magpapadala ako ng body guard. Nobody should touch my girl." Seryoso niyang sinabi.
Kumunot ang noo ko. "Rage! You're so possessive. Tumigil ka nga. Kaya kong mag isa." Sabi ko kahit na nakakalungkot at di ko na siya makikitang nag aabang sa akin. Naging dependent na ako sa kanya.
"I'm not possessive, Sunny. Kasi kung possessive ako, pinilit na kitang tumigil sa trabaho mo at agad na kitang itinali sa apelyido ko. I'm not possessive. Not yet that possessive." Bulong niya.
####################################
Kabanata 38
####################################
Kabanata 38
Steam
Ngumiti ako at nilingon siya. Papalabas kami sa classroom ngayon. Wala ng estudyante. Maaga pa para mag lunch kaya naisipan kong puntahan na lang siguro ang grupo ko para mag pasa na rin ng consolidated output dahil tapos na ang aming report.
"You done for today?" Tanong niya sakin.
"Hmm. Yup. Mag pa-pass na lang ako ng output. Hahanapin ko na lang ang mga kagrupo ko saglit-" Naputol ang pagsasalita ko nang narinig ko ang kanyang cellphone na tumutunog.
Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan siya. Nakita ko kung paano niya pinatay ang tawag.
"Saan tayo mag lu-lunch?" Tanong niya. "Wanna-" Natigil ulit siya dahil sa pagtunog ng kanyang cellphone.
"Sino ba 'yan? Baka improtante? Sagutin mo." Sabi ko, dinudungaw ang kanyang cellphone.
Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa. Walang mensahe doon. Syempre si Rage at Mia lang naman ang may number sa akin. Kanina pa ako tinext ni Mia kung papasok ba ako mamaya. Aba, syempre, papasok ako. Hindi naman ibig sabihin na dahil kami ni Rage ay hindi na ako magtatrabaho. Hindi naman trabaho si Rage para isipin kong kikita ako dahil sa kanya.
"Just the office." Aniya.
Tumango ako. "Sagutin mo. Baka importante."
"I'm on vacation." Simangot niya.
Tumikhim ako at tiningnan siyang mabuti. Tumitig rin siya sa akin at kinuha ang kanyang cellphone. Tinalikuran niya ako at sinagot ang tawag. "Hello?"
Pinanood ko kung paano siya pabalik balik na naglakad. Halos hindi ko marinig ang sinasabi niya.
"I'm out. Sabihin mo busy ako. I'm on vacation." Dinig ko sa hininga niya ang pagkakairita. "Bakit ka tumawag?" Pagalit niyang tanong.
Tumingala siya at pumikit. Nang dumilat ay ginawaran niya ako ng tingin.
"Okay. I'll be there." Aniya at agad binaba ang kanyang cellphone.
Nagtaas ako ng kilay bilang pagtatanong.
"Kailangan kong pumunta ng opisina saglit. Nagkaproblema. Secretary ko 'yong tumawag." Nag iwas siya ng tingin, mukhang malalim ang iniisip. "Want to... go home? Don ka na lang sa bahay mag hintay."
Umiling agad ako. "Nagmamadali ka ba? Diretso ka na lang sa office. Dito pa ako, kakausapin ko pa ang groupmates. Matagal ba?" "Nope. Hindi ako matatagalan."
Inisip kong sumama. Pero naisip ko ring kung gusto niya akong kasama ay kanina niya pa ako niyaya. Siguro ay masyadong hectic at nakakainit ng ulo kaya hindi ako pwede.
"Mabilis lang 'to. Dito ka lang muna? Give me an hour or two?" Nakita ko kung paano umigting ang panga niya.
"Sure. Hihintayin kita dito sa school." Pinanood ko ang balisa niyang ekspresyon.
"Thank you. I'll be back." Sabay halik niya sa aking noo.
Mabilis din siyang umalis. Pinanood ko kung paano niya nilakad ang parking lot ng school grounds nang walang napapansin pero lahat ng mga mata ng tao ay nasa kanya. Matangkad si Rage. Matangkad ako pero kung pagtatabihin kami ay nasa baba niya lang ang eye level ko. Likod pa lang ay nag maganda na ang hubog ng kanyang katawan. At pagtumama ang mga mata niyang kulay brown ay siguradong manginginig ang binti mo. Isang tingin niya pa lang ay mapapaluhod na ang mga babae. Hindi ko ipagkakaila na nabighani ako sa kanya, unang titigan pa lang namin pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam ko na kung anong klaseng mga lalaki ang tulad niya. But here I am now, loving him still. Siguro ay mas mapapalapit ka talaga sa bagay na iniiwasan mo.
Halakhak ng pamilyar na boses ang narinig ko sa aking gilid. Nilingon ko ang lalaking kanina ko pa lang nakita ulit. Hindi ko mapigilan ang ngiti kahit na hindi ko naman alam kung ano ang kinasisiya niya.
"Where's your boyfriend?" Tanong ni Jason Perez sa akin.
Nagkibit balikat ako. "May inasikaso."
Tumango siya. "Iniwan ka? akala ko sinundo ka niya?" Nagtaas ang kanyang kilay.
"Ah. Yup. Kaya lang medyo busy siya. Susunduin niya rin ako mamaya." Pinanood ko kung paano niya ako sinuri mula ulo hanggang paa.
"Shit! Sobrang laki ng pinagbago mo." Dahil sa sinabi niya ay lumipad ang usapan namin.
Ni hindi ko na namalayan na nasa canteen na kami at nakaupo na sa isa sa mga table. Napasarap ang usapan, mabuti na lang at naisip ko 'yong ibibigay kong output sa ka groupmate ko nang nakita ko sila.
"'Nong highschool pa lang tayo, sobrang.... iba mo." Aniya sabay iling.
Ngumiti ako.
"Don't get me wrong. Maganda ka na talaga noon pa pero hindi ka nag aayos. Ngayon ay marunong ka nang mag ayos." Kumindat siya.
Tama siya. Simula nong naging Marlboro Girl ako ay mas naging particular na ako sa aking katawan at itsura. Iyon ang puhunan ko kaya dapat ko iyong pagtuonan ng pansin.
"Nagbago ka na rin. Hindi ka naman ganito katangkad nong high school." Tawa ko.
"Umalis ka na kina Patricia?" Tanong niya.
Nagulat ako sa pagkakabanggit sa pangalan ng pinsan ko. "Oo."
"Mabuti naman. Ang sama ng ugali nong babaeng iyon."
Bumagsak ang tingin ko sa aking mga kamay. Hindi ko alam pero nahihiya ako. Hindi ko alam kung naaalala niya pa ba iyong pagkakahalik ko sa kanya dahil sa pagtulak ni Patricia sa akin.
"Hey, you okay?" Hinanap niya ang mga mata ko.
Nag angat ako ng tingin at nakita kong hindi rin siya makatingin sa akin.
"U-Uhm... Want... lunch? O-order-an kita." Wika niya sabay tayo.
Bago ko pa mapigilan si Jason ay umalis na siya para pumunta sa counter. Pinagmasdan kong mabuti ang likod niya habang kumukuha siya ng kanin at ulam para sa aming dalawa. Marami na siyang naging kaibigan at kadalasan ay mga lalaki. Hindi naman kagulat gulat dahil napabilang siya sa soccer team ng paaralan. Nakita kong pinagtinginan ako ng mga lalaking kaibigan niya at nakipag high five pa siya sa mga iyon. Uminit ang pisngi ko dahil panay ang titig nila sa akin.
Nakita kong palapit na si Jason sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko para mag check kung nag text ba si Rage pero wala akong natanggap. Mahigit isang oras na. Siguro ay talagang busy siya.
"Pasensya ka na sa mga kaibigan ko." Sabay turo niya sa mga lalaki sa kabilang table na nakatitig sa akin. Nilapag niya ang pagkain namin sa mesa.
"Okay lang." Sabi ko. Kahit na madalas sa trabaho ay hindi parin ako nasasanay sa unwanted attention. Kahit na sanay ako sa trabaho ko ay hindi ko parin maipagkakaila na kabado ako tuwing may tumititig sa akin ng mas matagal sa isang minuto.
Nilagay niya ang mga pagkain sa harapan ko. Kinuha ko kaagad ang wallet ko. "Magkano ibibigay ko?"
Nagulat siya sa inasta ko. "Huwag na. Treat ko na 'yan. Matagal na tayong di nagkikita!" Ngiti niya.
Hindi na ako nagpumilit sa pera ko. Nahiya tuloy ako sa kanya. Hindi na ako makapagsalita at tingin ko ay naramdaman niya iyon.
"Nga pala... so working ka?" Aniya habang sumusubo sa kanin.
Tumango ako. "Oo. Pero tuwing Byernes at Sabado ng gabi lang. Marlboro Girl."
Sandaling napatitig siya sa akin. "Mahirap na trabaho 'yon ah? Puyatan at maraming mambabastos sa'yo!"
"Oo, e, pero kailangan ko. 'Yon lang kasi ang pwede sa schedule ko." Paliwanag ko.
"Pinayagan ka 'nong boyfriend mo? May trabaho ba ang boyfriend mo? Mukhang mayaman." Naguguluhan niyang sinabi.
"Oo. Tsaka gusto ko rin naman kasing magtrabaho. Ayokong umasa sa kanya."
Binitiwan niya ang kanyang kutsara at tinidor at humalukipkip siya sa harap ko. Natigil ako sa pagkain at pinagmasdan ko siya.
"Hindi ako makapaniwala. Kung ako ang boyfriend mo, di ko hahayaang magtrabaho ka ng ganon." Mariin ang pagkakabigkas niya rito.
"Kagustuhan ko rin kasi ito. I wanna be independent." Paliwanag ko ulit.
Kinumbinsi niya akong tumigil sa pagtatrabaho. Alam ko sa sarili kong hindi niya ako makukumbinsi. Ito lang ang tanging paraan ko para magka pera. Tinawanan ko lang ang bawat argumento niya. There's no way he'll convince me. Hindi nga ako nakumbinsi ni Rage.
Sumuko siya at suminghap habang tinatawanan ko. "You're still that same hard header girl." Iling niya.
Pinaglaruan ko ang kutsara habang nanunuya sa kanya.
"May kakaiba kang prinsipyo. Pag 'yon ang gusto mo, 'yon talaga ang gagawin mo." Iiling iling parin siya ngunit nakangiting tumitingin sa akin.
"Hindi naman sa ganon, Jason."
"Kaya talaga hindi kita mapormahan non dahil ang hirap hirap mong paamuhin."
Natigil ako sa pagnguya ko ng pagkain. Pinamulahan yata ako ng pisngi dahil sa naramdaman kong init rito.
Hindi ako 'yong tipong patay na patay sa kanya noon. Marami akong naging problema sa bahay dahil kay mommy. Hindi ko inisip masyado ang mga crush. Hindi ako tulad ni Patricia na kasing kapal ng aming mga libro ang listahan sa mga crush. Nag iisa ang akin dahil halos wala akong panahong mag appreciate sa ibang bagong lalaki dahil sa mga problema ko. Ngunit naaalala ko noon kung paano ako umiyak pagkatapos ko siyang nahalikan. Hindi niya na ako gaanong pinapansin dahil sa pangyayaring iyon kaya imposibleng gusto niya akong pormahan noon.
"Hindi. Iniwasan mo nga ako non..." Natigil ako sa sinabi ko. Ayokong maalala niya 'yong parteng hinalikan ko siya.
Kinagat niya ang kanyang labi. "Iniwasan kita dahil sa kahihiyan. Nahihiya ako dahil nahalikan kita."
Umiling agad ako sa di pag sang ayon. "Tinulak ako nina Patricia. Kaya kita nahalikan."
"No, I kissed you." Aniya. "At nahihiya ako. I'm scared you'll think I don't know how to kiss."
Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Nagulat ako. Buong buhay ko inakala kong iniwasan niya ako dahil ayaw niya sa akin. Totoo naman kaya ito? At kung totoo man ito, ano ito para sa akin? Wala. Dahil wala na akong nararamdaman. Ikanatutuwa ko lang na mali pala ang naging akala ko noon. Gusto kong maging kaibigan ulit si Jason pero ang malaman ito sa kanya ngayon ay parang magpipigil sa aming dalawa para maging magkaibigan muli.
Bago pa ako makabalik sa aking ulirat ay naramdaman ko ang kanyang daliring dinadampot ang takas na buhok sa aking tainga. Marahan niyang hinaplos ang aking tainga. Bago pa ako makalayo ay naramdaman ko na ang higit na mariin sa aking braso.
Halos matumba ang mesa namin ni Jason dahil sa pagkakahila ni Rage. Iilang estudyante ang natigilan at napatingin. Gulat si Jason at tumayo kaagad.
"Rage..." Marahan kong sinabi at tinulak siya palayo.
"He kissed you?" Halos hysterical niyang tanong.
Oh shit! Tinulak ko kaagad siya. Hindi ko maitulak ang matipuno niyang katawan. Tinuro niya si Jason at nakita ko na kung paano gumalaw ang mga guards sa school. Ayokong paalisin siya doon.
"Calm down. We're just friends." Ani Jason, malamig ang titig kay Rage.
"Rage, alis na tayo." Sabi ko. "Mali ang iniisip mo."
"No... He just said he kissed you..." Iling ni Rage.
Kitang kita ko ang pagtaas baba ng kanyang dibdib sa mabilis na hininga. Hindi ito maganda. I've seen him fight. Kahit na alam kong may sugat parin siya sa dibdib ay alam ko ring kaya niya pang magpatumba pa ng isa. Matipuno si Jason pero matipuno at may alam sa Martial Arts si Rage. I've seen his personal gym at hindi ko alam kung anong mamagawa niya kay Jason.
"Magpapaliwanag ako mamaya." Bulong ko, takot na baka paalisin dahil sa mga guard. "Hindi kami naghalikan, okay?" Sabi ko.
Sa wakas ay bumaba sa akin ang tingin niya. Nakahawak na ako sa kanyang mga dibdib para mapigilan siya sa kanyang pag sulong kay Jason. Nang nakita kong kumalma siya at hinigit ko siya palabas doon. Magso-sorry na lang ako kay Jason next time.
"Rage, tara na. Paaalisin tayo sa school pag di ka sumama." Sabi ko nang hindi ko siya mahigit.
Matalim ang titig niya kay Jason na para bang isang kalabit ay susugurin niya ito at susuntukin. Inakbayan niya ako at hinila palapit sa kanyang katawan pagkalabas naming dalawa sa canteen.
Kumalabog ang dibdib ko. Hinalikan niya ang aking noo at hindi na siya nagsalita hanggang sa nakapasok kami sa kanyang sasakyan.
"What about his kisses, Sunny?" Aniya. "Siya ba 'yong first kiss na tinutukoy mo?"
Marahan akong tumango at nagpaliwanag. "Matagal na 'yon. High school pa lang kami non. Wala na 'yon."
"He's now your classmate! Great! Just great!" Sarkastiko niyang sinabi.
"Rage, wala na 'yon. Magkaibigan na lang kami. Napag usapan namin 'yong pinsan kong si Patricia. Tinulak ako nong pinsan ko kaya aksidente ko siyang nahalikan."
"From what I've heard, he kissed you, Sunny." Kinagat niya ang kanyang labi at nakabusangot ang mukha habang nag dadrive.
"'Yon ang sinabi niya pero ang alam ko, at ang totoong nangyari, ay itinulak ako ni Patricia."
Hindi siya nagsalita. Busangot ang kanyang mukha at ang kaliwang siko ay nakasandal sa salamin at nakapangalumbaba habang tamad na nag dadrive. Panay ang buntong hininga ko at inisip ko kung paano siya mapapaniwala.
"Rage, pag aawayan natin 'to? Hindi nga 'yon totoo." Sabi ko. "'Yon lang ang sinabi niya."
"He touched you." Aniya sabay padabog na binuksan at sinarado ang pintuan ng sasakyan niya nang nakarating kami sa bahay nila.
Mabilis kong kinalas ang seatbelt. Bago ko pa mahawakan ang pintuan ay bumukas na ito. Nag iiwas siya ng tingin sa akin at busangot parin ang mukha.
"Rage, bata pa kami non. Nong nahalikan ko na siya. Smack lang 'yon." Sabi ko habang dirediretso ang lakad niya sa loob ng bahay.
Umupo siya sa sofa. Tumayo ako sa gilid niya at humalukipkip.
"Rage, para kang batang nag seselos." Sabi ko.
Mas lalong kumunot ang kanyang noo at lalong lumayo ang kanyang tingin. Tumayo siya at iniwan ako doon. Mabilis siyang nag jog sa hagdanan at tumingala lang ako sa pangalawang palapag ng kanilang bahay.
Shit! Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya. Narinig ko ang pagbukas at sarado ng kanyang kwarto. Ilang sandali ay bumukas din iyon at dumaan siya sa tinitingala kong corridor.
"You can change on our room. I'll blow off some steam." Malamig niyang sinabi at nakita kong pumasok siya sa kanyang personal gym.
Bumuntong hininga ako at napakamot sa ulo.
####################################
Kabanata 39
####################################
Warning: SPG!!!
----------
Kabanata 39
Mine
Nagmartsa ako paakyat ng hagdanan. Magbibihis na sana ako sa kwarto ni Rage pero napagtanto kong hindi ako matatahimik pag ganito kaming dalawa. Binuksan ko ang pintuan ng kanyang gym at agad kong narinig ang pagsuntok niya sa punching bag.
Tinahak ng mga mata ko ang kanyang dibdib para hanapin 'yong sugat. Isang maliit na plaster na lang ang nandoon. Lumunok ako at nag alala na baka mapano ang sugat ngayong malalakas ang mga suntok niya sa punching bag.
"Rage," Nilunod ng tunog ng punching bag ang aking boses.
Tumigil ako sa pagsasalita at pumasok doon. Humalukipkip ako sa kanyang harapan. Kitang kita ko ang sulyap niya ngunit pinipilit niyang wa'g akong pansinin.
"Rage..." Ulit ko at agad siyang tumigil sa pagsuntok. Hinawakan niya ang punching bag para mapatigil iyon sa pag galaw. Huminga siya ng malalim at binalingan ako.
"Baka dumugo ulit ang sugat mo." Sabi ko.
Nag iwas siya ng tingin. "I'm fine."
Tinitigan ko siya. "Bakit ka ba nagagalit?"
Mariing ikinuyom ni Rage ang kanyang mga palad. "Hindi ako galit." Nag iwas siya sa akin.
Nagulat ako sa sinabi niya. Kani kanina lang ay ipinakita niya sa akin kung gaano siya ka iritado at ngayon ay itatanggi niya? Ano ba ang iniisip ng lalaking ito?
"Kung ganon bakit ka ganito sa akin?" Sinundan ko siya at hinawakan ko ang kanyang braso.
Napatalon siya sa ginawa ko. Binitiwan ko agad. Inisip kong nasaktan ko siya o ano... Narinig ko ang pagmumura niya habang kinukuha 'yong tubig sa cabinet na katabi ng mga weights.
"Rage..." Sambit ko at hinawakan ang likod niya. "Alam kong nagseselos ka."
Bahagya siyang lumingon pero pumikit siya at mukhang kinakalma ang sarili.
"Don't seduce me right now, Sunny."
Binaba ko ang kamay ko galing sa kanyang braso dahil sa gulat. Nakita ko kung paano tumindig ang balahibo niya nang baybayin ng daliri ko ang kanyang braso. Uminit ang pisngi ko at nagulat sa biglaan niyang pag harap at pag huli sa aking mga kamay.
"Hindi kita sine-seduce, Rage." Sabi ko.
"Yeah but I'm very, very seduced..." Aniya sabay suklay sa aking buhok gamit ang kanyang mga daliri.
Sa biglaan niyang hawak sa aking baywang ay nanghina ako. Nangatog ang tuhod ko at bumilis ang hininga niya. Nanuot sa aking kalamnan ang kanyang mga titig at halos mahimatay ako sa init na naramdaman ko.
"I don't wanna be possessive. I have never been this possessive, Sunny." Aniya at mabilis niyang inangkin ang aking labi.
Malalim agad ang halik niya. Kinilabutan ako at hindi ko alam kung bakit at paano ko iyon nagustuhan.
"Akin ka. Akin ka lang. Aking akin ka. Ako ang una at huli. Ako lang." Paulit ulit niyang sinabi sa akin labi habang mariin akong sinisiil ng halik.
Bawat halik ay palalim ng palalim. Ang buong katawan ko ay nanghina at parang sumusuko na sa kanya.
"He's just my first kiss." Sabi ko nang hinalikan niya ang aking panga.
"No, I am your first kiss. That wasn't a kiss, Sunny. This is how you fucking kiss." Aniya at kinagat ang aking labi.
Nawala na ako sa aking sarili. Naglalaro na ang kanyang kamay kung saan saan at hindi ko na masundan ang bawat galaw. Basta ang alam ko ay sumusuko na ako sa kanya. Kung ano man ang gusto niya sa puntong ito ay papayag ako.
Rage is hot when he's jealous. Nag iisip tuloy ako kung pagseselosin ko ba siya o hindi. He's frustrated, so frustrated.
"Rage..." Daing ko nang hinahalikan niya na ang aking leeg.
Nanunuya ang kanyang mga kamay sa aking tiyan. Ang isang kamay niya ay nasa likod ko parin. Hinawakan ko ang ulo niya habang hinahalikan ang leeg ko.
Narinig ko ang pagkalas ng bra sa likod ko at tinulak niya ako paatras habang hinahalikan. Ginugulo ko na ang buhok niya. Ang isang kamay niya ay hindi tumitigil at pabalik balik na humahaplos sa tiyan ko pababa ngunit hindi bumababa ng husto.
"Rage!" Sigaw ko.
Naramdaman ko ang sahig ng ring sa aking likod. Halos mapamura ako dahil sa panunuya ng kamay niyang hindi naman bumababa.
"Now you know how you're making me feel. I'm so frustrated, Sunny. I want you frustrated too." Bulong niya sa aking tainga.
Kinagat ko ang aking labi. Hindi ko na siya matingnan dahil nakapikit ako. Tumigil siya sa paghalik sa leeg ko at tingin ko ay pinapanood niya ako.
"Rage, please..." Sabi ko nang napagtantong hindi niya talaga itutuloy 'yon pababa.
"Beg." Bulong niya.
"Please... I beg you." Sabi ko.
"Who's girl are you?" Tanong niya.
Dumilat ako ng konti ngunit inaantok ang mga mata ko sa init na nararamdaman ko.
"Sayo ako." Sagot ko.
"Good girl." Aniya at nagpatuloy siya sa paghalik sa akin pababa sa aking dibdib.
Naramdaman ko kung paano niya binaba ang aking pants. Naalibadbaran ako doon. Gusto ko na lang tanggalin ngunit hanggang tuhod lang ang pagbaba niya.
Hindi niya na ulit hinawakan ang parteng iyon. Nilaro niya ang aking dibdib at hindi na ako makapaghintay sa susunod niyang gagawin.
"Rage!" Sigaw ko nang bumaba ang kanyang halik sa aking dibdib.
Napahawak ako sa sahig ng boxing ring habang patuloy niyang ginagawa iyon. Hindi ko maibahagi ang mga binti ko dahil sa pants kong nasa tuhod lang. At halos sumabog ang pakiramdam ko kahit hindi niya ako hinahawakan.
"Hmm, Sunny, you are one hot angel." Bulong niya sa aking dibdib.
Tumingala ako at pumikit. Please, Rage! End this agony!
"Uhmm..." Narinig ko ang bawat daing niya habang nilalaro ang aking dibdib at hindi na ako makapag timpi.
"Rage! Please!" Sabi ko halos magmakaawa sa bawat naririnig kong daing niya.
Tumindig ang balahibo ko nang narinig ko ulit na dumaing siya. Shit! Wa'g ganito!
"Rage...." Hindi ko kayang pakinggan ang pag ungol ko. "Please... I beg you." Sabi ko at nanghihinang hinawakan ang kanyang short pants at dahan dahan itong binaba.
Humalakhak siya. "Easy there, lady. I'm not yet done frustrating you."
Dahan dahan siyang lumuhod. Gusto kong angatin niya ako ngunit hindi niya iyon ginawa. Nanatili akong nakahilig sa sahig ng boxing ring at nakatayo sa harap niya.
Naramdaman ko ang dulo ng kanyang dila sa akin at halos maisigaw ko ang pangalan niya.
"That's it. I want you to moan my name over and over again... I want you to know that you are all mine." Aniya at tumigil siya sa paghalik.
"Rage..." Daing ko. "Please, oo, sa'yo na ako. Di na... ulit ako... makikipaglunch kay Jason. Di na ulit, Rage. Please..." Sabi ko at halos mapaupo na sa pangangatog ng binti.
Humalakhak siya at tumayo ulit.
"Stand." Utos niyang walang pag aalinlangan kong sinunod kahit na nangangatog na ang binti ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang naramdaman ko ang kanya na humahaplos sa akin. Gusto ko ulit ibahagi ang mga binti ko ngunit hindi ko magawa dahil hindi parin natatanggal ang pants ko. Nagsimula siyang humalik. Humahaplos lang 'yong kanya at hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya itinutuloy.
Ilang beses pa akong dumaing hanggang sa naramdaman ko ang kamay niyang gumapang doon.
"Fucking shit. This is how wet you are, Sunny? You. Are. Mine." aniya at agad na ipinasok iyong kanya.
Halos mapasigaw ako sa naramdaman na sensasyon. Kakaiba. Ibang iba sa naramdaman kong una namin. Ito 'yong tipong walang tigil na nanginginig ang mundo ko.
Hindi ko parin maibahagi ang binti ko habang patuloy niyang idinidiin ang sarili niya sa akin. Panay ang mura niya habang ginawa iyon.
"Uhhh~!" Tumitindig ang balahibo ko bawat daing niya. "I love you, Sunny. So... So... Much. I can't help but own you." Aniya habang patuloy na idinidiin.
Hinalikan ko siya. "I love you too."
Dumaing siya ng sobrang lakas. Sigurado akong narinig siya ng kung sino man ang nasa bahay o ng kapitbahay nila. He was so loud and I am so turned on because of that.
Di kalaunan ay lumipat kami sa kwarto. Hindi ko na tuloy alam kung makakapag trabaho pa ba ako. Kung hindi naman ako magtatrabaho ay wala naman akong kikitain para pang gastos. Ngunit pagkatapos ng mahaba naming gabi ni Rage ay talagang hindi na ako nagising.
Kinaumagahan pagkadilat ko ay naisip ko kaagad si Mia. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag para itext siya. Nakita kong nag text na doon si Rage kagabi pa lang gamit ang numero ko.
Mia, di makakapasok si Sunny. Tulog siya sa bahay ko. I don't wanna wake her up. -Rage
Ngumiti ako. Nakita ko ang simpleng reply ni Mia.
Mia:
Yes, sir! Good night sa inyo!
Umiling ako at hindi na matanggal ang ngiti sa aking labi. Wala na si Rage sa tabi ko at inisip kong baka nag luluto na naman siya ng almusal. Dapat ay hindi na ako umabsent sa trabaho next week.
Nagbihis ako at agad na lumabas ng kwarto. Alas sais pa pala ng umaga. Ang aga talagang magising ni Rage. Pagkarating ko sa may hagdanan ay may naririnig agad akong boses sa sala. Natigilan ako para makinig.
"Go home, Ezra, you're drunk!" Ani Rage.
Tumawa ng malakas ang babae.
"Shhhh! Fuck! Go home!" Ani Rage.
"Oh bakit? Bakit mo ako pinapatahimik? Is she here? Oh my God, she's living with you? Oh my God, Rage?" Anang babae.
Dinungaw ko iyong naka itim na peplum dress na babae habang hysterical na umiiling kay Rage. Ginugulo ni Rage ang kanyang buhok habang tinuturo ang pintuan ng kanilang bahay.
"I'm gonna call the effing guard and he'll drag you out of this house right now, Ezra!" Ani Rage.
Naalala ko kaagad iyong babaeng kaibigan ni Rage. Siya iyong sikat na VJ at hindi ko alam kung bakit siya nandito. Sino ang tinutukoy niyang tumitira sa bahay nina Rage? Ako?
"Call him, then! Anong sunod nito? Una, halos makapatay ka para sa kanya o baka ikaw ang mamatay para sa kanya! Ngayon, dito mo na siya pinapatira sa bahay niyo? Are you out of your mind? Are you crazy, Rage? Babalik na ang parents mo dito and I'm pretty sure tita and tito won't like her! They won't like that stupid dirty shit of a girl!"
"FUCK! SHUT UP, EZRA! SHUT THE HELL UP!" Nanginginig na sigaw ni Rage.
Nanlaki ang mga mata ko. Ano ang ibig sabihin nito?
"She's a cheap whore, Rage! Just a cheap whore and you know that! Ngayon, this is getting serious! Noon, iniisip kong naglalaro ka lang pero damn it, ikinama mo sa bahay mo, sa kwarto mo-" Ani Ezra.
"SHUT UP, EZRA! Leave!" Sigaw ni Rage, pinuputol ang mga sinasabi ni Ezra.
"No, you're not treating me this way, Rage. You're not treating me this way just because-"
"I said you leave! Or I'll drag your ass out of this house! LEAVE!" Biglaang sigaw ni Rage na halos nagpapikit sa babae.
Matalim siyang tinitigan nong babae.
"I'm not yet done, Rage. I'm not done."
####################################
Kabanata 40
####################################
Kabanata 40
Parents
Bumalik ako sa kwarto at nagkunwaring natutulog. Ilang minuto ang nakalipas ay narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto. Naamoy ko kaagad ang halimuyak ni Rage. Umupo siya sa kama at bumuntong hininga. Hinaplos niya ang aking buhok at ang aking pisngi. Mainit ang kanyang mga kamay at hindi ko kayang hindi dumilat sa kanyang haplos.
"Good morning!" Bati niya sabay halik sa aking noo.
Tiningnan ko ang kumot na ibinalot ko sa aking sarili kanina pagkatapos kong tumakbo patungo dito.
Kanina ko pa iniisip 'yong masasakit na salita na sinabi nong babae sa akin. Tanggap ko na maaaring maraming hahadlang sa amin na kaibigan ni Rage. At tanggap ko rin na maaaring hadlangan kami ng kanyang mommy at daddy. Syempre, ang isang lalaking ganito ka successful ay para lang sa babaeng kasing successful. I'm a flaw on his credentials. I'm that one 'but' in his life.
"Good morning!" Ngiti ko pabalik.
Kung may natutunan man ako, iyon ay ang pagsugal sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Pag iisipan ko ang bawat desisyon at ayokong magpadalos dalos ulit. Hindi lang ang feelings ko ang iisipin ko ngayon, pati na rin kay Rage.
Gusto kong mag tanong kay Rage tungkol kay Ezra pero ayokong malaman niyang narinig ko ang lahat. Kung may problema man, gusto kong siya na mismo ang mag sabi sa akin at hindi niya iyon ililihim.
Pinapanood niya ako habang sumusubo ng kanyang niluluto. Nginiwian ko siya.
"Ano?" Tanong ko.
Umiling siya. "Nothing. I... I just want you to stay. Can you stay for today?"
Nagulat ako sa tanong niya. Wala naman akong plano para sa araw na ito. Panay lang ang text ni Mia sa akin kung kamusta na ako at kung babalik pa ba ako doon. Tingin talaga ng bruhang iyon ay hindi na ako babalik. Hindi ibig sabihin na dahil kami na ni Rage ay dito na ako mamamalagi sa kanya.
"Pero uuwi din ako mamaya. Kailangan kong kumuha ng mga damit tsaka may pasok pa ako bukas." Sabi ko.
"I can buy you clothes..." Sabi ni Rage ng wala sa sarili.
Tinitigan ko lang siya at alam niya agad ang gusto kong iparating.
"I'm sorry. Okay. Sige, iuuwi kita mamaya."
Buong araw kaming nanood na lang ng movie sa kanyang kwarto. Narinig ko pa ang tawag sa kanya ng guard o nang kung sinong kasama niya sa kanyang bahay.
"Nandito po si Sir Logan may kasamang babae." Sabi nong guard sa telepono.
"Okay. Hayaan mo na. Sabihin mo wa'g lang akong istorbohin." Sabi ni Rage habang hinahaplos ang buhok ko.
"Wala akong panahong mang istorbo sa'yo. Alam ko na, Sunny Sunny Sunny... 'Yon naman palagi ang bukambibig-" Nanlaki ang mga mata ko sa boses ni Logan sa kabilang linya na agad pinatay ni Rage.
Nilingon ko si Rage ngunit diretso ang mga mata niya sa kanyang TV. Nakapatong ang binti ko sa kanyang binti. Hindi ko mapigilang mapangiti.
"Bukambibig mo ako?" Tanong ko.
Nilingon niya ako, nanliliit ang mga mata. "He's with a girl. Dito niya dinadala mga babae niya. Probably it's best if you're inside my room always." Sabay haplos niya sa aking braso.
Lumaki ang ngiti ko. Iniiwasan niya ang topic na iyon. Nilingon niya ulit ako at bumaba ang kanyang tingin sa aking labi. "Ughh!" Pumikit siya at tumingala. "I said we'll watch a movie, Sunny."
"Nanonood naman ako!" Sabi ko kahit na siya ang pinapanood ko ngayon.
Pagkadilat niya ay agad niyang siniil ako ng isang sabik na halik. "You've gotta calm my..." Ngumiti siya at hindi niya na iyon dinugtungan. Naramdaman ko ang kanyang hita sa aking hita at napasinghap na lang ako.
Kinaumagahan ay maaga siya sa apartment para ihatid ako sa school. Kakagising lang ni Mia nong bumaba kami. Panay ang kwento ko sa kanya tungkol sa mga nangyari. Maging iyong kay Ezra ay kinwento ko at pareho kami ng opinyon.
"Alam mo, Sunny. Ganon talaga ang mayayaman. Alam mo dapat iyon diba?" Aniya.
"Alam ko. Hindi naman ako nag rereklamo. Ganon talaga ang magiging reaksyon. Kaya nga kahit na ganito ay nagsisikap parin akong mag aral." Sagot kong sinang ayunan niya.
Naabutan namin si Rage na nasa baba, naka number four ang mga paa at pumapangalumbaba habang nakatukod ang kanyang siko sa kanyang tuhod. Nang nakita niya kaming bumaba ay umayos siya sa pagkakaupo. Naka suit siya, isa sa pinaka pormal niyang suit. Magbabalik na talaga siya sa opisina. I'm gonna miss him at school.
Siniko ako ni Mia. "Andyan na ang knight in shining armor mo!" Sabay tawa niya.
Pinag uusapan namin si Kid na matagal tagal ko nang hindi nakikita. Gusto ko kasi sanang mag apologize kay Kid ngunit bigla naming nakita si Rage kaya nag iba ang topic.
Tumawa na lang ako.
"Good morning!" Bati ni Rage at tumayo agad para salubungin ako.
Kitang kita ko kung paano kami pinapanood nina Auntie Letty at ng iba pang borders. Alam ko, sinisigaw na ni Rage ngayon na sobrang yaman niya. 25 and filthy rich, yes. At ako'y isang hamak lang. Isinantabi ko ang pag iisip na iyon. As much as possible, gusto kong maging positive. Makakatapos din ako sa kolehiyo at makakapagtrabaho sa isang magandang kompanya. Tiis tiis na lang muna sa ngayon.
"Good morning, Sir! Pogi niyo po!" Sabay tawa ni Mia.
Tinapunan ng tingin ni Rage si Mia ngunit agad ding pumulupot ang kanyang kamay sa aking baywang.
"Di 'yan maaagaw. I'm sure." Dagdag ni Mia, tinutukoy ako.
Nginiwian ko siya at agad na kaming pumanhik. Sa araw na iyon, magiging busy siya sa opisina pero kukunin niya ako mamaya. Ihahatid niya ako sa classroom ngayon tulad ng dati niyang ginagawa pero wala ng maghihintay sa akin sa bawat pagtatapos ng klase ko.
Titig na titig ang ibang babae sa kanya lalo na't naka suit siya ngayon. Si Rage ay parang walang pakealam at walang nakikita kundi ang dinadaanan naming dalawa. Hinalikan niya ako sa noo nang nasa pintuan na kami ng aking classroom.
"I'll miss you today." Aniya.
"I'll miss you too." Sabay ngiti ko.
Kinagat niya ang kanyang labi at pinasadahan ng kamay ang kanyang buhok. Pagkatapos magpaalam ay dumiretso na rin ako sa loob. Pagkaupo ko ay nakatanggap agad ako ng text sa kanya.
Rage:
I just wanna kiss your damn lips all day.
Ngumiti ako at halos itapon ko ang cellphone ko. Magrereply na sana ako nang narinig ko ang isang pamilyar na sipol ng isang lalaking nasa gilid ko. Nakapangalumbaba siya at huling huli niya ako sa aking pagngisi dahil sa text ni Rage.
"Jason..." Kinabahan agad ako. Bakit siya nandito? Hindi ko naman siya kaklase.
Iginala ko ang mga mata ko at tama naman ang classroom na napasukan ko. Tiningnan ko ulit ang pintuan, takot na baka nandoon pa si Rage. Ayoko ng gulo.
"Chill, Sunny. Natransfer lang ulit ako kasi may games na sa football at magiging conflict sa schedule ko." Sabi ko nang narealize na medyo kuminang at bahagyang umitim ang kanyang mukha, siguro ay dahil sa kakabilad sa araw.
"Ganon ba..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngunit sabay kaming dalawang nag "Sorry."
Humalakhak siya at ginulo niya ang kanyang buhok. "Sorry kasi nahuli pa tayo nong boyfriend mo. Hindi ko naman intensyon iyon. Wala akong intensyon na makipag kompitensya." Aniya.
"Sorry din." Sabi ko. "Sorry sa inasta ni Rage. Sorry sa pangyayari."
"Okay lang. Naintindihan ko naman ang reaksyon niya. Maging ako siguro, magagalit pag narinig iyon. Sorry. Wa'g kang mag alala, wala naman akong balak na manira ng relasyon. I'm just here to be your friend. I hope I can be this time."
Hindi ko siya matanggihan. Masyadong mababaw kung sasabihin ko sa kanyang tatanggihan ko ang pakikipag kaibigan niya dahil lang kay Rage kaya tinanggap ko iyon ngunit alam kong kailangan kong dumistansya para umiwas.
Nakapag text ulit si Rage sa akin habang nag lelecture ang aming professor.
Rage:
I miss you in my office.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ang corny niya pala.
Ako:
Corny mo pala, Sir. :D
Mabilis siyang nakapagreply.
Rage:
You calling your boss corny? What a bad girl.
Kinagat ko ang labi ko. Nababaliw na yata ako dito.
Ako:
Akala ko ba busy? Bakit nakakapag text?
Rage:
Nasa gitna ako ng meeting. May nag po-propose na possible assets. Wanna sit on my lap, lady? I wanna hug you from the back.
Napatingin ako sa professor. Salamat hindi naman niya ako napapansin kaya panay ang reply ko.
Ako:
Makinig ka nga diyan. Siguro ay inaantok ka kaya tinitext mo ako?
Naisip ko tuloy kung ano ang itsura niya habang may nagsasalita sa harapan. Tapos ako lang pala ang kanyang tinitext.
Rage:
No. Iniisip ko kung sino ang mga nasa tabi mo. Iniisip ko rin na tamang uniform naman suot mo kanina. Wala namang nakikitang di ko gusto don. You should probably look around. Roll your eyes pag may nakikita kang nakatitig.
Ako:
Ano? Bakit naman? Diba dapat friendly ako? Wala pa nga ako masyadong kaibigan!
Rage:
Ayoko lang. Don't start with me.
Ngumuso ako. Adik ito. Hindi ba pwede kahit babae? Umiling ako.
"So... pwede ba tayong mag lunch ulit? Libre ko para naman peace offering?" Biglang singit ni Jason sa akin.
Ngumiti ako at tinago ko ang cellphone ko. "Sorry. Medyo busy ako ngayon."
"Ohhh!" Nakita ko ang bigong ekspresyon sa kanyang ngiti.
Hindi na ako nag dalawang isip na tanggihan siya. Guilty ako sa ginawa ko. Pakiramdam ko ay masyado akong malupit sa kanya at ayokong mangyari iyon. Paano ko kaya iyon magagawa nang hindi ako nagiging malupit? Hindi ko alam.
Ang huling text ni Rage ay nong alas tres ng hapon. Nang sinabi niyang hintayin ko siya sa gate ng school pagkarating ng alas singko ngunit nilalamok na ako, alas sais na at wala paring sasakyan niyang dumadaan.
Sumilay ang gutom sa aking tiyan. Inisip ko tuloy na kakain na ako. Nakakailang message na ako sa kanya.
Ako:
Rage, nandito na ako naghihintay.
Ako:
Matagal ka pa ba? Kaya ko namang mag taxi patungo sa inyo.
Hindi siya nag rereply kaya inisip kong busy na siya sa kanyang trabaho. Hinagkan ko ang sarili ko. Madilim na at nakikita ko na ang mga estudyanteng nagsisiuwian na. Limang minuto na lang at didiretso na talaga ako sa kanyang bahay.
"Kanina ka pa nag hihintay ah?" Umalingawngaw sa likod ko ang boses ni Jason.
Halos mapasinghap ako dahil nandyan na naman siya. Gusto ko siyang maging kaibigan ngunit gusto ko ring umiwas sa gulo.
"Oo e. Hinihintay ko ang boyfriend ko." Sabi ko habang tumitingin tingin sa labas.
Tumabi siya sa akin at alam kong nakadungaw siya sa akin. Kahit na pawis at mainit ang katawan ay naaamoy ko parin ang kanyang pabango mula dito. Nilingon ko siya at nakita kong naka football na damit pa. Kulay puti at sky blue na stripes at naka sapatos din ng pang football.
"Pero kanina pa kita nakita dito. Nong papunta pa lang ako sa practice at ngayong nakabalik na ako, nandito ka parin. Alam ko namang ayaw mo akong umaaligid dahil baka magselos ulit ang boyfriend mo pero di ko lang maiwasan ang lumapit ngayon dahil nilalamok ka at giniginaw na. Kanina ka pa naghihintay."
Nanlaki ang mga mata ko sa natumbok niya. Nilingon ko siya at sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Para bang alam niyang magugulat ako sa sinabi niya.
"Busy kasi siya sa kanyang trabaho." Sabi ko at agad ibinalik ang tingin sa kalsada.
May isang itim na mamahaling sasakyan ang pumarada sa harapan ko kahit na bawal. Sumisigaw ng dolyares ang brand nito at hindi ito 'yong sasakyang Prado na sinasakyan ni Rage.
Lumabas sa front seat iyong pamilyar na guard o katulong ni Rage. Naka kulay grey siyang polo at agad tumingin ng diretso sa akin.
"Matatagalan po si Sir. Binilin niya sa akin na kunin ko kayo." Aniya sa isang malamig na boses.
Tumango ako at napatingin sa medyo gulat na si Jason. "Sino 'to?" Tanong ni Jason.
"Ano po pangalan niyo?" Tanong ko dahil hanggang ngayon ay wala akong alam sa kanyang pangalan.
"Ako po si Renz." Aniya at pati ako ay nagulat sa masyadong makabagong pangalan niya.
"Siya si Kuya Renz, Jason." Sabay tingin ko kay Jason.
Hindi na ako nagdalawang isip na sumama kay Kuya Renz. Kitang kita ko ang pagkairita sa mukha ni Jason. Hindi ko alam kung bakit siya naiiirita. Dahil ba kay Kuya Renz o dahil sa akin. Siguro ay iniiisip niyang basta basta na lang akong sumama sa isang taong ngayon ko lang nalaman ang pangalan pero alam na alam ko na siya iyong kasama ni Rage sa bahay.
Gusto ko sanang mag tanong tanong kay Kuya Renz ngunit masyado siyang malamig at palagi pang may kausap sa kanyang cellphone.
"Nakuha ko na siya. Ihahatid ko na sa bahay. Paki sabi kay Sir." Narinig kong sinabi niya.
At iilan pang kompirmasyon ang narinig ko. Nang lumiko ang sasakyan sa malaking gate nina Rage ay agad na akong nag isip kung paano ako makakapag aral bukas kung dito ako magpapalipas ng gabi? Uminit ang pisngi ko. Bakit agad kong naiiisip na dito ako magpapalipas ng gabi?
"Putang ina!" Narinig kong mura ni Kuya Renz sabay sapak sa manibela.
Bakit siya nagmumura? Itinigil niya ang sasakyan sa bandang fountain. Ilang metro na lang ay ang hagdanan na ng bahay nina Rage. Tumirik ba ang bago at mamahaling sasakyan na ito? Hindi ko alam.
"Kuya, bakit po?" Bago pa ako nakapagsalita ay lumingon siya sa akin. Nakita ko rin na may isang malaking itim na SUV na naka parking sa may hagdanan ng bahay ni Rage. Kitang kita kong may iilang tao na doon na nagbubuhat ng mga bagahe papasok sa bahay.
"Ma'am, balik tayo. Ihahatid na lang kita sa inyo. Wala po akong address pero matuturuan-"
"Huh? Bakit po?" Nalilito kong tanong at agad kong nakita ang isang babaeng naka puti at eleganteng dress. Hindi pa gaanong matanda pero alam ko kaagad kung ano ang nangyayari. Nandito na ang mommy at daddy ni Rage.
Bago pa pumihit ang sasakyan ay may kumatok na isang babaeng mukhang katulong ng kanyang mommy sa salamin ng sasakyan.
"I-park mo na, Renz. Nasa likod sina Sir Del Fierro. Padaanin mo."
Namutla si Kuya Renz habang nililingon ang sasakyan sa likod. Nakita kong may isa pang itim na SUV. Sa loob niyan ay ang daddy ni Rage!
"Ma'am, ipapark ko 'to. Wa'g kang lumabas. Tatawagan ko muna si Mr. Rage Del Fierro." Sabay pindot niya sa kanyang cellphone.
####################################
Kabanata 41
####################################
Kabanata 41
All I Have
Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ni Kuya Renz na pababain ako. Natataranta na siya. Ganon ba ka lupit ang parents ni Rage at bakit ganito maka asta ang driver para sa akin? Tama siguro si Ezra, magagalit ang parents ni Rage sa akin. Lumunok ako at tiningnan ko ang cellphone ko.
"Sir?" Narinig kong nagsasalita si Kuya Renz.
Hindi na siya ulit kumibo. Tulala lang siya at nakalagay ang cellphone niya sa kanyang tainga. Kumunot ang noo ko at napatingin sa likod. Narinig ko sa likod pa ng SUV kung saan sakay ang daddy ni Rage ay naroon din ang kanyang Prado. Nandito na si Rage!
"Kuya, nandito na pala si Rage." Buntong hininga ko at agad na binuksan ang pintuan para lumabas.
Kitang kita ko ang pagkakataranta ni Rage. Nilingon ko ang kanyang mommy na napatingin sa akin kahit medyo malayo siya. Ilang sandali ang nakalipas ay lumabas ang naka tight red dress na si Ezra sa bahay ni Rage.
"Mama!" Sigaw ni Rage at diretso ang tingin niya sa kanyang ina.
Nilingon ko ang kanyang ina. Hinawakan ni Rage ang aking siko at agad akong nilagay sa kanyang likod. Narinig kong bumukas ang pintuan ng sasakyan sa likod. Iyong SUV na sinasakyan ng daddy ni Rage. Lumapit si Ezra sa amin, dahan dahan at hindi ko na maintindihan kung bakit may tensyon akong nararamdaman.
"Rage..." marahan kong banggit nang narealize na hinihingal at kabado si Rage.
"Bakit kayo nandito? Sabi ko naman sa inyo na wa'g kayong tumuloy dito. This is my house. May bahay kayong inyo." Ani Rage, gulat ako sa diin ng kanyang pagkakasabi sa kanyang ina.
"Ezra invited us for dinner. Binaba ko lang ang maleta ko..." Naglaro ang tingin ng mommy ni Rage sa akin na nakatago sa anino ni Rage.
Hindi ko alam kung magpapakita ba ako o hindi. Nanliit ang mga mata ko. Pamilyar sa akin ang mommy ni Rage. Maiksi ang kanyang straight na buhok at may kaonting side bangs. Maputi siya at matangkad. Sopistikada at sumisigaw ang kanyang mga alahas ng yaman at kasaganahan.
Saan ko nga ba siya nakita?
"Rage," Tumawa si Ezra at umamba ulit sa paglapit sa amin. "Come on, kailan mo pa ba pinagtabuyan ang mommy at daddy mo?" Tanong niyang nakangisi.
Tumunog ang pintuan ng SUV sa likod namin. Narinig kong nagmura si Rage. Hindi ko nilingon iyon. Nanatili ang mga mata ko sa mas lalong nangingising si Ezra.
"Rage, anong problema?" Isang malalim na boses ang narinig ko galing sa taong nasa likod. Inisip kong siya ang daddy ni Rage. Agad kong tiningnan ang lalaki sa likod at nanlaki ang mga mata ko.
Lahat ng alaala noon ay nagbalik sa akin. Humigpit ang hawak ni Rage sa aking braso. Namanhid ang buong katawan ko habang pinapanood ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Mr. Del Fierro - ang lalaking kinabaliwan ni mama bago siya namatay. Ganong ganon parin ang itsura niya. Sa edad na lagpas singkwenta ay makisig parin siya. Matingkad ang dugong espanyol sa kanyang mukha at kutis. Naka itim na suit at mukhang mas namuhay ng mapayapa ngayong wala na si mama.
"Sunny..." Dinig kong marahang sinabi ni Rage ngunit sa pamamanhid ko ay hindi ko na ito inalintana.
Nanginig ang buong katawan ko sa galit, sa gulat, at sa poot. Ang lalaking ito ay ang daddy ni Rage? Please tell me I'm wrong! Please tell me this is not true!
"Sunshine..." Malambing na sinabi ni Rage habang hinahawakan ang magkabilang siko ko.
Hinawi ko ang kamay niya. Narinig ko ang maliliit niyang mura at nagsimula ulit siya sa pag tawag sa akin.
"Sunshine Aragon..." Narinig kong tikhim ng daddy ni Rage habang papalapit sa amin.
Umatras ako kahit na hinawakan ni Rage ang siko ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang hawakan niya ako sa panahong ito.
"Rage, anong ibig sabihin nito? I told you to stop searching for her!" Tumingin si Mr. Del Fierro kay Rage.
"Marco, ano ang ibig sabihin nito? Aragon?" Narinig kong sambit ng mommy ni Rage at lumapit na rin siya sa amin.
Nangilid ang luha ko sa aking mga mata. Nasa siko ko parin ang mga kamay ni Rage kahit na panay ang hawi ko doon.
"Sunny, please let me explain... let me-"
"Rage! Sunshin Aragon?" Mariing sinabi ng mommy niya habang tinitignan akong mabuti.
Bumaling ako sa kanya. Kahit na tinatabunan ang mga mata ko ng luhang nagbabadyang tumulo ay kitang kita ko ang mukha ng babaeng tumawag kay mommy na 'pok-pok' at 'walang kwenta'!
"Rage! I told you to let this girl go! Let this issue go!" Sigaw ng mommy niya na ngayon ay bumabaling kay Rage. "Walang puwang ang magtanim ng galit sa pamilyang sumira sa atin-"
"Mama!" Sigaw ni Rage at agad binalingan ang mama niya. "I must ask you to leave, please. i need you to leave!" Ani Rage.
Bumuhos na ang luha ko. Ito ang pamilya ng kabit ni mama. Si Rage ang kanilang anak. Ito ang babaeng minsan nang pumunta sa aming bahay para kaladkarin at pagsalitaan ng masama si mama. Alam kong may pagkakamali si mama ngunit siya parin ang ina ko at mahal na mahal ko siya.
"Tita, sinabi ko na po sa kanyang tigilan ang revenge na iniisip niya. Look, ayaw niyang makinig-" Ani Ezra na agad pinutol ni Rage.
Umiiling na ako. Pakiramdam ko ay naitapon ako sa lugar na wala akong kilala. Revenge? Pagtatanim ng galit? Si Rage ay nagtatanim ng galit? Si Rage ay naghihiganti? Kanino? Sa akin?
Hindi ko na matingnan si Rage. Panay ang tawag niya sa akin gamit ang malambing na boses. Walang epekto ito.
"Rage!" Narinig kong sinabi ni Mr. Del Fierro.
"Pa, please leave too." Sabi ni Rage. "I need us to be alone. Ezra, please..." Pumikit siya na parang nagpipigil sa galit.
"Anong meron?" Medyo tumaas ang boses ng mommy niya. "Bakit mo paaalisin din si Ezra. She's your fiancee for God's sake! Bakit mo kami pinapaalis?"
Nalaglag ang panga ko. Kung kanina ay ayaw kong tumingin kay Rage, ngayon ay napatingin na ako sa kanya. Kitang kita ko ang takot at pamumutla sa kanyang mukha. Paano... Paano ako naniwala sa kanya?
"Sunny, please, let me explain!" Aniya nang nakita ang poot sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit nandito parin ako.
"Kayo... Kayo ang pamilyang 'yon?" Nanginginig ang boses ko habang tinatanong si Rage nito.
"Rage, hindi ba sinabi ko na sa iyo na tigilan mo ang-" Pinutol ni Rage ang kanyang ama.
"Papa! Please!?" Iritado at frustrated niyang boses. "Iwan niyo muna kami! Please, iwan niyo muna kaming dalawa dito! Give us a minute! Please!?"
Umiling ako. Hindi ko na kailangan ng panahon. Kailangan ko lang ng sagot sa mga tanong na biglang gumulo sa aking utak. Hindi ako makapaniwala na ganito ang mangyayari. Hindi ko naisip na ganito! Hindi lang niya ako sinaktan, iginaya niya rin ako sa nangyari kay mama! Ginawa niya akong kabit! May fiancee na pala siya ngunit binilog niya ang utak ko!
I want to hear his side. I badly want an explanation. I want to hear his words. I want him to wake me up from this dream. Pero ang kumpirmasyong galing sa kanyang mga magulang ay ebidensya na para sa akin. But I still want to hear him say it. I gave myself to him. I gave myself to him because I love him and I think he loves me too. Dahil hindi sapat na ibigay mo ang sarili mo sa taong mahal mo lang. Dapat ay mahal ka rin niya pabalik. Ngunit paano mo nga ba malalaman na mahal kang tunay ng taong 'yon?
"Rage..." Humikbi ako. Hindi ko alam kong paano ako nakakapagsalita.
Hinawakan niya ulit ang siko ko ngunit hinawi ko ang kamay niya. "Sunny..." Buntong hininga niya.
"Totoo ba 'yon? Totoo ba? Binalak mo bang maghiganti?" Tanong ko kahit na mamamatay ako kung ang maling sagot ang marinig ko.
"Oo, Sunny. Tinrace niya ang buong impormasyon nong kabit at ng anak nong kabit. Kaya mo siya natagpuan dahil hinanap ka niya. He wanted revenge. He wants you to suffer in his company."
"Shut up, Ezra!" Sabay pikit ni Rage.
"Rage, wa'g kang bastos kay Ezra!" Saway ng kanyang mommy.
Humugulhol ako. Lalo na dahil hindi ko man lang narinig ang pag tutol ni Rage sa sinabi ni Ezra. Kahit kitang kita ko na ang sagot ay hindi parin ako makuntento.
"Rage, t-totoo ba 'yon?" Nanginginig kong tanong.
Tumango siya at suminghap.
Napapikit ako sa sakit. Naaalala ko kung paano ako pinagpapasa pasahan ng mga food chain patungo sa Del Fierro Building. Kasama ba iyon sa plano niya? Naaalala ko kung paano niya tinapon ang resume ko sa basurahan. Kasabay ng pag alala ko nito ay naalala ko rin kung paano siya nag alala sa akin noon. Kasali ba iyon sa plano niya?
"Listen, Sunny. Please, oo galit ako sa inyo ng mommy mo pero guilty'ng guilty ako nong nakilala kita. Hindi ko man lang inisip na naghirap din kayo. Hindi lang ako 'yong napabayaan. Hindi lang ako 'yong naghirap-"
"Rage, what is this?" Malamig na tanong ng kanyang mommy habang lumi linga linga sa amin. "Anong meron sa inyo ng babaeng ito? This is the daughter of your dad's mistress! The one we detested the most! Iyong pok-pok-"
"Cassandra!" Sigaw ng papa ni Rage sa mama ni Rage.
"She's a pok-pok too, tita." Sabay tawa ni Ezra.
"Shut the fuck up, Ezra!" Sigaw ni Rage kay Ezra.
Humagulhol ako. Hindi ko na alam. Hindi tama ito. Kahit kailan hindi na ito magiging tama. Kahit anong gawin ko, hanggang dito na lang talaga ako. Wala ng pag asa sa kahit ano.
"It's true, Marco! We detested that bitch! Muntik mo ng iwan ang anak mo para lang sa pamilyang iyan! And seeing her again here makes me want to puke." Anang mommy nI Rage. "Kamukhang kamukha niya ang kanyang ina. At hindi ko mapigilan ang pagbabalik ng galit ko."
"Ma, umalis kayo dito sa bahay ko. Now!" Sigaw ni Rage.
Gulat na gulat ang kanyang mama sa sinabi ni Rage.
"Cassandra, we'll leave. Stop your mouth before your son can hold it." Ani Mr. Del Fierro at agad na pumihit para umalis.
Nilingon ko siya at kitang kita ko kung paano siya tumingin sa akin. Halo ng pagkaawa at panghihinayang.
"How dare you talk to me like that, Rage? Hindi kita pinalaking ganito!" Ani Mrs. Del Fierro.
"That's probably what she learned from the pok-pok." Ani Ezra.
Hindi na ako nakapagtimpi. Hindi ko rin alam saan ko hinugot ang lakas ko para masampal ng malakas si Ezra. Lumipad ang buhok niya sa lakas ng pagkakasampal ko. Sumigaw siya at napaiyak.
"You stupid bitch! Cheap whore!" Sigaw niya habang inaabot ako. Pinigilan siya ni Rage. Dumalo rin si Kuya Renz sa kanila.
Umatras ako at alam ko na kung ano mismo ang gagawin ko. Pinulupot ni Rage ang kanyang braso sa baywang ni Ezra bilang pagpipigil para hindi niya ako maabot.
"Stop it, Ez." The way he called her. Iyong para bang sobrang tagal na nilang magkakilala at sobrang dami na nilang pinagdaanan. Ni hindi pa kami lumagpas ng taon na magkaibigan ni Rage. At ganito pa pala... nabilog lang pala ako... Revenge lang pala iyon. Collateral damage lang pala ako sa galit niya sa nanay ko. Basura lang pala akong itatapon.
It hurts... Yes, because it's real. Hindi ito gaya ng mga movies. Hindi maiinlove ang boss sa mga muchacha. I'm just one cheap girl hoping to be loved by someone like him. 'Yon pala, ginamit lang. 'Yon pala, powertrip lang. 'Yon pala, labasan lang ng galit.
This is it. This is the end of that potential love story I hoped to have.
Pinunasan ko ang pisngi ko at agad na akong pumihit. I didn't need more explanations from him. Kung nagalit ako sa sarili ko noon dahil iniwan ko siya nang walang sapat na eksplenasyon, ngayon kailangan ko nang makipag ayos sa sarili ko. I'm all I have.
"Sunny!" Sigaw ni Rage.
Narinig ko ang mga yapak niya. Tumatakbo siya patungo sa akin. Hinagkan niya ako galing sa likod. Akala ko ay matutumba ako dahil sa lakas ng tama niya sa akin ngunit mahigpit ang kanyang pagkakayakap.
"Please, don't leave me again. I was a wreck the last time you left. Now, I'm going to really lose it. Sunshine, please don't do this. I'm sorry. I'm sorry!" Paulit ulit niyang sinabi.
"Paano ba 'yan? Nagsimula pala 'to sa mali." Kalmado kong sinabi.
"Please, don't. Please give us time. Mag eexplain ako. Nahulog ako sa sarili kong patibong." Ani Rage.
Bumuhos ang luha ko. Kahit anong sabihin niya, wala na.
"May fiancee ka pala." Sabi ko.
"Wala. Hindi. Matagal na kaming wala ni Ezra." Aniya at mas lalong hinigpitan ang yakap niya sa akin. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit nito.
"Sorry, Rage. Hindi na 'to maaayos. Hindi ko na kaya. Masyadong masakit. Kung hindi ka maghihiganti, bakit di mo agad sinabi? At hindi ko rin yata kayang makipag relasyon sa pamilyang sumira sa buhay namin ni mama. Rage, I'm sorry but you need to let me go. Oo, tagumpay ka na..." Tumigil ako dahil sa pag sikip ng aking dibdib. "Nasaktan mo na ako. Tagos na tagos 'yong sakit. Masaya ka na?" Malumanay kong sinabi.
Ramdam ko ang maiinit niyang luha sa aking leeg.
"Please, Sunny. Wa'g mo 'tong gawin." Aniya.
"Respect my decision. We really can't be together." Sabi ko.
Ilang sandali siyang nanatiling ganito. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba iyon o mas lalong ikakagalit. Pero pagkatapos naman ng mga sandaling iyon ay naramdaman ko ang pagkalas ng kanyang braso sa akin. He's finally letting me go this time.
####################################
Kabanata 42
####################################
Kabanata 42
Cheese
Dumating ako ng apartment na umiiyak. Hindi ko matingnan si Auntie Letty na nakatingin sa akin habang nililinisan ang isa sa mga lamesa doon.
"O, Sunny, uuwi ka pala-" Hindi ko na siya pinatapos.
Bukas ko na lang ako magpapaliwanag at hihingi ng tawad sa biglaan kong pag pasok. Ayoko lang muna talagang matanong ngayon.
"Sunny!" Narinig kong tawag ni Auntie Letty na hindi ko parin nilingon.
Nang nakalapit na ako sa pintuan ng kwarto namin ni Mia ay tumunog na agad ang cellphone ko. Tumatawag si Rage ngunit hindi ko sinagot. Pinatay ko ang cellphone ko at naisip na baka puntahan niya ako dito. Diretso ang tulak ko sa pintuang hindi naman naka lock at agad akong napamura nang nakita ko si Kid na nakapatong kay Mia sa kama. Nilingon nila akong dalawa at nanlaki ang mga mata nila.
"Shit!" Sabi ko at agad ng lumabas ulit.
"Sunny!" Sigaw ni Mia.
Hinihingal si Auntie Letty nang naabutan ako sa labas ng aming kwarto. Napakamot siya sa ulo at napangisi.
"Sasabihin ko sanang sa ibang kwarto ka na muna matulog." Aniya.
Tumango ako at hindi ko magawang makipag biruan. Kumalabog ang pintuan at bumukas ito. Si Mia na nagmamadaling magbihis ang tumambad doon.
"Sorry." Sabay kaming dalawang nagsalita.
Nanghihina ako. Alam kong nakakagulat na sila na pala ni Kid ngayon pero siguro ay masyado akong apektado sa amin ni Rage kaya hindi ko na magawang dagdagan pa ang emosyon na nararamdaman.
Agad naman niya akong sinuri dahil na rin siguro sa pamumugto ng aking mga mata.
"Anong nangyari sayo?" Tanong niya.
Nakita ko si Kid na lumabas ng kwarto, wala pang damit pang itaas. Naalala ko na naman na nakakaistorbo ako sa kanilang dalawa.
"Wala. Uhm... sa... labas mag hahanap ako ng Inn. Doon na lang ako matutulog." Sabi ko.
Tumunog ang cellphone ni Mia at agad niya itong kinuha. Napatingin siya sa akin. Hindi niya sinasagot ang cellphone niya. Nagkatinginan kami ni Kid. Kung normal na araw lang ito ay aasarin ko silang dalawa. Ngumuso si Kid sa akin na para bang nahihiya sa nangyari.
"Tumatawag si Rage, anong nangyari sa inyo?" Ani Mia at pinatay agad iyong tawag nang di sinasagot.
"Mia, nakakaistorbo ako. Maghahanap na lang ako ng Inn." Sabi ko at umambang aalis doon ngunit kasabay ng pag hawak ni Mia sa aking braso ay ang pag mura ni Kid.
"Holy hell, Sunny, dumating ba ang parents niya?" Ani Kid.
Nilingon ko silang dalawa at namumuo na ang luha sa aking mga mata. Nanginig ang boses ko at halos magmakaawa na ako.
"Mia, bitiwan mo ako. Ayoko na. Maghahanap ako ng Inn. Pag dumating siya-"
"Ano na naman ba ang nangyari?" Ani Mia.
"Mia... tulungan mo 'tong kaibigan mo. Sunny..." Ani Auntie Letty. Alam kong naguguluhan na siya pero dahil sa sitwasyon ay wala siyang nagawa kundi ang mag isip kung paano ako matutulungan.
Bumalik sa kwarto si Kid habang sinasabi ni Auntie Letty ang gusto niyang mangyari.
"Sa kabilang kwarto, walang tumutuloy. Doon ka na lang." Ani Auntie Letty sa akin.
"Kailangan ko pong umalis dito. Baka maghanap si Rage dito."
"Bakit? Shit! Edi sabihin namin na wala ka!" Ani Mia nag papanic na.
"Mia, Rage is here." Ani Kid na siguro ay namataan niya ang sasakyan ni Rage na nakapark.
"Shit! Bilis na!" Ani Mia at agad akong tinulak sa kabilang kwarto.
Madilim doon at hindi na ako nangahas na buksan ang mga ilaw dahil sa takot na malaman ni Rage na nandito ako. Narinig ko ang papawalang bulong bulungan ni Auntie Letty at Mia. Pagkatapos ay narinig ko ang yapak ni Auntie Letty sa hagdanan at ang pag sarado ng pintuan sa aming kwarto.
Humiga ako sa kama at naghintay. Gagana kaya ito? Rage won't stop. Siguro ay pinakawalan niya lang ako dahil alam niyang galit na galit ako. Hindi iyon makapag hintay na humupa ang galit ko kaya nandito siya.
"Mia! Open the damn door!" Boses ni Rage ang narinig ko sa labas.
Umupo ako galing sa pagkakahiga at hinagkan ko ang aking tuhod. Narinig kong binuksan ni Mia ang pintuan.
"O, Rage, bakit?" Sabi ni Mia sa isang normal na tono.
"Asan si Sunny?" MAriing tanong ni Rage.
"Rage?" Narinig kong singit ni Kid.
Tinulak ni Rage ang pintuan. Narinig ko ang kalabog nito sa dingding na hinihiligan ko at hindi ko na narinig ang pinag usapan nila nang pumasok na sa loob si Rage. Nang narinig ko ang yapak nila sa labas ay si Mia na ang sumisigaw.
"Sabing wala siya dito. Bakit ba? Nag away kayo? Anong nangyari? Anong ginawa mo sa kaibigan ko?"
"Just tell me where she is! Kid?" Sigaw pabalik ni Rage.
"Ewan ko, Rage. I've been with Mia whole day at wala kaming anino ni Sunny na nakita dito! Ano ba ang nangyari?"
"Fuck!" Sigaw ni Rage at narinig ko ang kalabog ng dingding.
"Ano ba ang nangyari? Nagalit ba siya sayo? Baka nagpunta sa isang Inn or something? Baka humupa din ang galit non bukas. Babalik din 'yon sa'yo." Ani Mia.
"Hindi... Fuck." Ani Rage at narinig ko ang pag alis niya.
Mabilis akong dumungaw sa bintana at hinintay ko ang pag labas niya sa buong apartment. Nakita kong kinuha niya ang kanyang cellphone bago pumasok sa kanyang sasakyan. Mabilis niya itong pinaandar. Umuwi ka na, Rage. Nag hihintay na ang pamilya mo don at si Ezra.
Umupo ako sa kama, tulala. Napakurap lang ako nang binuksan ni Mia ang ilaw. Kasama niya si Kid na pumasok sa kwarto. Pareho silang mukhang nag aalala. Pinilit kong maging maayos para hindi na sila mag alala.
"Anong nangyari?" Ani Mia at umupo sa tabi ko. Nilingon niya si Kid. "Ano ngayon kung dumating ang parents niya, Kid?"
Nagkibit balikat si Kid. "Hindi ko alam ang buong istorya. Nalaman ko lang 'to kay Logan nong lasing na lasing na siya. Sabi niya masaya daw si Rage at tumitira ka na sa bahay niya pero lagot siya pag bumalik na ang parents niya. Hindi ko alam ang sekreto ng mag pinsan na iyan. Masyado silang masekreto. That's all I know."
Tumikhim ako at natulala ulit. Logan knew... At paniguradong alam din ito ni Brandon. Gusto rin ba nilang mag higanti si Rage sa akin? Hindi ko alam. Naging mabait silang dalawa sa akin. At kung parte man ito ng plano nila ay nakakapang hinayang naman.
"Niloko lang ako ni Rage." Sabi ko.
Kumunot ang noo ni MIa. "Niloko ba 'yon? Halos mabaliw na naman siya sa kakahanap sayo! Aling parte don ang panloloko?"
"Mia, ang lalaking minahal ni mama maliban sa papa ko ay ang papa ni Rage. Nakilala ko sila kanina. Nakita ko 'yong mama ni Rage. Siya mismo 'yong babaeng sumulong sa bahay namin noon at pinag tatawag niya si mama na pokpok!" Ang sabihin ito ay mas nagpakurot sa aking dibdib.
Hindi nakapagsalita si Mia sa nalaman. Parang nangangapa siya ng salita.
"'Yong mama mo, Sunny, kabit ni tito Marco?" Tanong ni Kid.
"Hindi nga, Sunny. Ang liit naman ng mundo para-" Ani Mia na agad kong pinutol.
"Sinadya ni Rage lahat. Ang rason kung bakit napadpad ako sa Del Fierro building ay dahil pinlano niya iyon." Sabi ko.
"Bakit? Para saan?" Ani Mia.
"Dahil gusto niyang mag higanti. Gusto niyang makabawi." Nangilid ang luha ko sa aking mga mata.
"Imposible naman yata, Sunny. Paano siya mag hihiganti? Eh nag mahalan kayong dalawa." Sabi ni Mia.
Gusto kong isipin na tama siya. Na minahal nga ako ni Rage. Dahil naramdaman ko iyon galing kay Rage. Ngunit kahit na sabihin na nating minahal niya nga ako, paano na 'yan? Hinding hindi ko matatanggap na ang mama niya ang nanampal at umaway sa mama ko. Hindi ko rin matanggap na si Mr. Del Fierro, ang papa niya, ang lalaki ni mama. At isa pa, may Ezra na pala siyang fiancee. Kahit anong gawin ko, hindi ko na maaayos 'to.
"Mia, may fiancee na siya." Sabi ko.
"Fiancee?" Tanong ni Mia.
"Ezra?" Ani Kid. "Nandon si Ezra?"
Nagulat ako sa sinabi ni Kid. Alam niya din palang si Ezra ang fiancee ni Rage. Tama nga ako!
"Sinong Ezra?" Tanong ni Mia.
"She's Rage's ex girlfriend. First girlfriend, actually. Inaway ka ba niya, Sunny?" Tanong ni Kid, curious.
"Tinawag niya rin akong pokpok. Parang si mama lang ulit." Humikbi ako.
Ang isang bagay na pinakakainiwasan ko ay nangyayari mismo sa akin ngayon. Umilag ako dito. Umilag ako kaya ko iniwan si Rage noon pero nagpadala ako sa emosyon. Heart over mind kaya ngayon, eto ang napala ko. You really shouldn't trust your heart.
"Asan 'yong Ezra na yan? I bet mas pokpok pa 'yon!" Iritadong sinabi ni Mia. "Baka gawa gawa lang 'yong fiancee, Kid!"
"Hindi. Talagang pinag kasundo silang dalawa. Naging sila nong high school at nagkahiwalay lang pero pinag kasundo parin sila." Ani Kid.
Humagulhol ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Aalis ba ako dito? Saan na naman ako pupulutin? Aalis ba ako sa trabaho ko? Paano ang pag aaral ko? Iyon lang ang tangi kong inaasahan pero heto at nasira na naman dahil lang sa kwentong puso. Kung sana ay pinagpatuloy ko ang pag iwas kay Rage ay sana hindi ito nangyari.
"I'm sorry, Sunny." Sabi ni Mia sabay yakap sa akin.
Nag usap silang dalawa ni Kid. Hindi ko na masundan dahil antok na antok na ako. Humiga na ako sa kama doon at agad na naidlip. Ilang sandali ang nakalipas ay nagising ako dahil sa ingay ng dalawa. Kinukuha nila 'yong gamit ko sa kabilang kwarto. Tiningnan ko ang orasan at nakita kong hating gabi na.
Kinusot ko ang mata ko at umayos sa pagkakaupo.
"Lilipat ba ako dito?" Tanong ko.
Nagulat si Mia sa pagkagising ko. Umiling siya at nakapamaywang akong hinarap.
"Sa condo ni Kid ka muna titira. Si Kid naman dito sa apartment. Paniguradong di magdududa si Rage na nandon ka." Sabi ni Mia na ikinagulat ko.
Nakita ko si Kid na nagbubuhat ng maleta ko. Ngumiti siya at nilapag iyong maleta. Inakbayan niya si Mia.
"Sorry sa paglilihim nito sayo, Sunny." ani Mia. "Nahihiya kasi akong malaman mo ang tungkol samin."
Umiling ako at nakita ko ang kamay ni Kid na bumaba sa kanyang baywang. "Ayos lang, Mia. Masaya ako at masaya kayong dalawa." Sabay tingin ko kay Kid.
"Sunny, gusto mo bang lumipat ng school. Kasi panigurado akong hahanapin ka rin ni Rage doon sa Lunes."
Hindi ko alam. Hindi ko pa pinaplano. Inisip kong lulubayan niya rin naman siguro ako. Hindi naman pwedeng araw araw ulit siya doon tulad noon. Kailangan niya ng asikasuhin ang trabaho niya kaya paniguradong hindi na iyon pupunta.
"Mahirap, Kid. Mura lang kasi don at maganda ang kalidad kaya nagustuhan ko." Sabi ko.
"Pwede kitang pahingan ng scholarship para hindi ka mahanap ni Rage doon." Sabi ni Kid na agad ko namang tinanggihan. Nakakaengganyo pero nakakahiya sa kanya.
Nagkamot ng ulo si Mia. "'Yong Marlboro Girls pa. Paano na 'yan, Kid? Baka hindi malubayan ang isang 'to. Kilala mo naman si Rage."
Tumikhim ako. Tama sila. Wala akong kawala kay Rage sa syudad na ito.
"Kung umuwi na lang kaya ako sa amin?" Nanginginig kong sinabi.
Ayoko nang bumalik pa doon sa amin. Naghihirap ako dito at mahirap din doon pero mas gugustuhin ko na lang na mag isa kesa doon kina Patricia na puro galit at pagkairita lang ang pinaparamdam sa akin.
"Mag absent ka na lang muna sa school ngayong Lunes. Mag usap kaya kayo ni Rage at tapusin niya na 'to? Surely, hindi ka naman niya pipilitin kung ayaw mo na talaga, Sunny." Ani Mia.
Tumango ako. Hindi ko alam kung sumasang ayon nga ba ako sa sinasabi ni Mia o talagang pagod na ako kaya sasang ayon na lang ako.
"Punta na tayo ngayon sa condo ni Kid. Kaya pa?" Tanong ni Mia.
Tumango ulit ako kahit na antok na antok na ako. Tumayo ako at medyo nahihilo. Lintik, magkakasakit pa yata ako.
"Sunny, okay ka lang? Namumutla ka. Teka nga... kumain ka ba ng hapunan?"
Pagkasabi ni Mia non ay narealize ko kaagad na hindi nga pala ako kumain ng hapunan. SIguro ay nalipasan nga ako ng gutom.
"Hindi. Pero di naman ako nagugutom." Sagot ko.
"Di ka nagugutom kasi nalipasan ka na." Ani Kid. "Dalhin ko 'tong mga gamit sa sasakyan ko tapos diretso na lang tayo sa drive thru bago sa condo ko." at umalis.
Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. Paulit ulit kong sinabi kay Mia na nahihiya ako kay Kid. Nahihiya akong tumira pansamantala sa condo niya pero hindi ko maipagkakailang magaling na plano iyon. Hindi nga malalaman ni Rage na nandon ako at makakatulong pa akong magkalapit si Mia at Kid. Hindi naman pinapayagan ang mga lalaki sa apartment pero dahil na rin siguro tiyahin ni Mia si Kid kaya pinayagan na lang rin silang dalawa. Mabuti rin ito para makalimutan na ni Mia si Eric.
"Mcdo, ayos na ba?" Tanong ni Kid. "Restaurant sana tayo kaso... mukhang inaantok ka na, Sunny."
"Naku, Kid, ayos lang kahit saan. Walang problema." Sabi ko.
Pinarada niya ang kanyang sasakyan sa gilid ng Drive Thru. Si Mia ang umorder para sa akin. Marami ang inorder niya, mas marami pa para sa aming tatlo. Hiyang hiya tuloy lalo ako.
Hinilig ko ang ulo ko sa upuan at pinikit ko ang aking mga mata sa pagod. Naghihintay na kami sa mga pagkain.
Nang inabot ng babae ang order nilang cheese burger at fries at kung anu ano pang sa fastfood galing ay napadilat ako sa amoy. Nang naamoy ko ang cheese ay agad bumaliktad ang sikmura ko. Hindi ko maintindihan pero pumilipit ang tiyan ko at naduwal ako. Mabilis kong binuksan ang pintuan ng sasakyan ni Kid at agad akong sumuka sa may damuhan ng Drive Thru.
"Shit!" Sabi ko habang sumusuka.
####################################
Kabanata 43
####################################
Kabanata 43
Goodbye
Niyayakap ko ang sarili ko habang tulala sa loob ng sasakyan. Hindi ako tumigil sa pagsuka kanina hanggang sa itinago ni Mia ang ibang pagkain sa drawer. Binigyan niya ako ng fries. Kumain ako ngunit nang nakita niyang gutom na gutom pa ako at inabutan niya ako ng cheese burger ay naduwal ulit ako kaya binigyan niya ako nong chicken meal.
Nakaharap siya sa akin. Tahimik kaming tatlo sa sasakyan ni Kid. Naririnig ko na lang ang mga bulong ni Kid sa kanya pero binabalewala niya iyon.
"Mia, ibigay mo kay Sunny 'yong juice." Ani Kid habang nag mamaneho.
Matalim ang titig ni Mia sa akin. Kinagatan ko ag isa pang fries at ayokong tumingin sa kanya. Hindi ko rin naman naiwasan dahil maingay siyang tumikhim at nagsalita.
"Sunny, may sakit ka ba?" Tanong niya.
Kumalabog ang puso ko. Wala akong sakit. Iyon ang totoo. At natatakot ako sa pinag dududahan niya ngayon. Inisip ko 'yong iilang beses naming ginawa ni Rage at pare parehong walang proteksyon iyon. Hindi ko naman talaga inisip na kailangan mag karon ng ganon, e. Ngayon ko lang narealize ang kahalagahan nito.
"Oo. Masakit ang ulo ko." Sambit ko nang matigil na siya.
Inilahad niya sa akin ang pineapple juice ngunit di niya parin ako tinitigilan sa kanyang mapanuring titig. Nangingilid ang luha sa aking mga mata ngunit hindi ako nagpahalata na maging ako ay nag aalala.
"Nahihilo ka?" Tanong ni Mia, nanunuri parin.
Nilingon ko siya. "Hindi. Gutom lang talaga."
Kumalabog ang pintuan ng sasakyan ni Kid dahil sa sabay nilang paglabas na dalawa. Binuksan ni Kid ang pintuan ko. Lumabas naman agad ako at narinig ko ang mga utos ni Mia sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na sila na nga. Hindi ko alam kung paano nangyari o totohanan ba ito pero sa pagiging masyadong pamilyar ng dalawa ay tingin ko lumalalim na ang kanilang relasyon.
"Ihatid mo na siya sa taas. Ako na bahala sa gamit niya." Ani Kid habang kinukuha ang mga maleta ko sa likod ng kanyang sasakyan.
Tumunganga pa ako doon para panoorin ang pagkuha niya. Hindi ako sanay na may ibang taong nag bubuhat nito pero hinigit ako ni Mia patungong elevator.
Mabilis niyang pinindot ang buton at alam ko na agad na wala siyang planong hintayin si Kid para mapag isa kaming dalawa. Humalukipkip siya at nilingon ako, seryoso ang mukha.
"May proteksyon ba kayong ginamit habang... you know... nasa kama?" Aniya.
"Mia naman." Nag iwas ako ng tingin.
Bumuntong hininga siya. "Anong 'Mia naman'? Mag pakatotoo tayo, Sunny. Naduduwal ka!" Aniya
"Hindi naman ibig sabihin na naduduwal ako ay buntis na agad ako! Mia, naka ilang babae na si Rage, ngayon lang ba siya magkakamali?"
"So... hindi talaga kayo gumamit ng proteksyon?"
Hindi ako makapagsalita. Nakailang mura siya bago kami lumabas ng elevator. Kalmado ako ngunit panay ang pabalik balik ng tingin niya sa akin. Tuliro at para bang iritado.
"Sunny naman... Ano na? Pano kung buntis ka? Hindi ko na alam. Ano ba ang plano mo?" Tanong niya.
"Lalayo ako kay Rage. 'Yon na 'yon. Wala na akong ibang magagawa kundi ang lumayo, Mia."
"Ilang beses ko nang narinig 'yan!" Aniya sabay patuloy sa paglalakad sa puting tiles ng condo ni Kid.
Tumigil siya sa kulay dark brown na pintuan at agad binuksan gamit ang susi. Parang naka ilang beses na rin siya dito. Pagkapasok namin ay iginala ko ang aking paningin sa malaking kwarto ni Kid. Inisip kong magiging sosyal at mamahalin ang mga muwebles na makikita ko sa loob ngunit ngayon lang ako dinapuan ng hiya.
"Mia, dapat kayo dito ni Kid ang manirahan. Dapat ako na lang 'yong nasa apartment." Sambit ko habang itinuturo niya sa akin ang kulay maroon na sofa sa tanggapan ng condo.
"Oo, tapos lalayo ka pala kay Rage pero nakikita ka naman niya don. Magaling!" Ani Mia at umupo sa tabi ko, inaabutan niya ako ng tubig.
Narinig kong bumukas ang pintuan at tumambad si Kid sa aming harapan kasama ang mga bagaheng dala dala ko.
"At kung buntis ka, sasabihin mo ba kay Rage 'yan?" Dagdag ni Mia.
Tinapunan ko ng tingin si Mia. "Hindi ako buntis." sabi ko.
"Paano nga kung buntis ka!" Ginulo niya ang kanyang buhok sa pagkakairita.
"Buntis ka, Sunny?" Tanong ng nakikisaling si Kid.
Isa pa 'to. Ngayon ko lang napagtanto na bagay ang dalawang ito. Hindi ko alam na pareho silang malawak ang imahinasyon.
"Hindi ako buntis!" Giit ko.
"Ilang beses na hindi gumamit ng condom si Rage?" Seryosong tanong ni Mia.
"HIndi gumamit ng condom si Rage? But that's a rule, Mia. Logan, Brandon, and Rage won't screw anyone without it." Nilingon ako ni Kid at itinaas niya ang kamay niya bilang paumanhin. "I'm sorry Sunny. Pero 'yon ang lagi nilang sinasabi tuwing nag iinuman kami."\
Nalaglag ang panga ko.
"And I think it's necessary, too. Very necessary actually."
Lumunok ako at nag iwas ng tingin sa kanila. "Hindi pa ako nakakita ng... nag suot siya." Yumuko ako at sabay silang nag mura.
"PT, Kid." Sabi ni Mia.
"Bibili ako?"
Pumikit ako at tiningnan silang dalawa. "Mia, please? Pagod lang ako. Gusto kong magpahinga!" Sabi ko.
Nilingon ako ng dalawa. Pareho silang mukhang dismayado at hindi alam ang gagawin. Gumalaw si Kid at siyang bumasag sa katahimikan.
"Kukuha ako ng ilang damit. Pwede ka na sa kwarto, Sunny."
Uminit ulit ang pisngi ko. Hindi ako sanay na ganito pero sa ngayon ay wala akong magagawa. Naiwan ulit kami ni Mia sa sofa at panay ang titig niya sa akin.
"Bukas, ipapamili kita ng groceries. Pupunta ako dito at hahanapin kita kay Rage para di siya magduda kung nahanap na ba kita o hindi. Kung ayaw mong makita siya, wa'g ka munang pumasok sa Lunes." Ani Mia.
Iniwan nila ako don at sinamantala ko na lang ang pagkakataon na iyon para makapag pahinga. Sa sumunod na araw ay dumalaw nga si Mia na may dalang groceries para sa akin. Nilapag niya sa mesa ang tatlong pregnancy test at binalewala ko ang mga iyon.
"Pagod lang ako kahapon. Hindi na ako naduwal ulit." Sabi ko.
"Bahala ka nga. Basta kumain ka ng maayos. Pupuntahan ko si Rage ngayon at magkukunwaring mag alala. Unless gusto mong mahanap ka niya, ay buksan mo 'yong cellphone mo at nang ma trace ka." Sarkastiko niyang sinabi. "Magpalit ka ng number." Ani Mia at inabot sa akin ang isa pang Sim card. "Di ko kayang di ka itext lalo na't buntis ka."
Umirap ako. "Hindi sabi ako buntis."
Nilapit niya sa akin ang pregnancy test. "Prove it."
Ilang araw akong nanatili doon sa bahay ni Kid. Nahihiya na ako at panay ang text ko kay Mia at Kid na nakahanap na ako ng malilipatang apartment. Gustong gusto ko nang bumalik ng school para ipagpatuloy ang nasimulan ko ngunit ang isiping nandoon si Rage ay nagpapasikip sa dibdib ko. Ang lungkot at panghihinayang ko sa aming dalawa noon ay napalitan na lang ng galit ngayon. Galit dahil sa mga kasinungalingan at sa lahat ng nagawa niya, ng kanyang pamilya, sa aming dalawa ni mama.
Inalala ko kung paano kami pinagtabuyan noon sa bahay namin ni mama kaya kami napunta kina Auntie. Ang sinabi ni mama sa akin ay pag aaari iyon ng kanyang kaibigan, ngunit nang pumunta si Mrs. Del Fierro doon at nagkasagutan sila ay pinalayas kami doon.
Linunok ko ang nagbabadyang luha. Kahit anong gawin ko, may bahid na ang relasyon namin ni Rage. Hinding hindi na kami pwede. Inisip ko din kung paano niya pinlano 'yong pag hihiganti at ang relasyon nilang dalawa ni Ezra.
Sumakit ang ulo ko sa kakaisip at biglang pumilipit ang tiyan ko. Pagkatapos ng pitong araw ay ngayon ko lang naramdaman ulit ito. Naduwal ako kaya nagmadali ako sa CR. Sinuka ko lahat ng kinain ko hanggang sa wala na akong maisuka kundi tubig. Hindi ako natunawan?
Naghilamos ako at pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin. Tumulo ang luha ko. Nanginginig ang aking kamay na dumampot nong bigay ni Mia na pregnancy test. Dalawang linggo na akong hindi nakakapag trabaho sa Marlboro girls at nagigipit na siguro ako ngayon kung hindi lang ako tinutulungan ni Mia at Kid.
Sinunod ko ang instructions sa pregnancy test. Kabadong kabado ako habang ginagawa iyon. Namumutla ako habang nag hihintay sa resulta at nalaglag ang panga ko nang nakitang dalawang linya ang nandoon.
"Shit!"
Inulit ko pa ng dalawang beses at ganon nga ang naging resulta. Ginulo ko ang buhok ko at nanatili sa CR. God, buntis ako!?
Paano kita bubuhayin? Ni halos hindi ko nga mabuhay ang sarili ko! Magtatrabaho ba ako o mag aaral? Gusto kong mag aral para mas maging maganda ang kinabukasan mo dahil hindi natin pwedeng asahan ang... ang... ang daddy mo. Shit! Buntis ako!
Shit! Buntis ako!
Tinakpan ko ang bibig ko habang humihikbi ng marahan. Ngumiti ako. Hindi dapat ganito 'yong reaksyon ko diba? Hindi dapat ako umiiyak? Dapat masaya ako dahil ilang taon akong mag isa at ngayon, nandito ka na. May kasama na ako. Nanginginig ang kamay ko, hindi parin ako makapaniwala. Natatakot akong isama ka dahil magulo ang buhay ko at gusto ko ng payapang buhay para sayo.
Hinawakan ko ang tiyan ko. Yumuko ako at ang mga luha ko ay bumuhos patungo doon.
"Kailangan kong kumain." Iyon ang agad kong naisip. Dahil nitong nakaraang araw ay hindi ako masyadong kumakain. At ayokong magutom ang anak ko.
Anak ko.
May anak ako. May laman ang tiyan ko. May baby ako.
Tulala ako mag hapon. Hindi ako makapag isip ng maayos. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. Lahat ng plano at pangarap ko ay nahadlangan ng gulong pinasok ko. Hinaplos ko ang tiyan ko. Hindi ko alam kung ilang linggo na akong buntis pero hindi pa naman ito halata. Matatapos ko kaya ang semester na ito nang hindi nahahalata?
Lunes, kinabukasan ay nag bihis ako para sa school. Mas pursigido akong mag aral. Tumawag ako kay Mia para mag paalam pero hindi siya sumang ayon doon. Sinabi ko rin sa kanyang babalik ako ng Marlboro Girls.
Pagkapasok ko sa unang period ay gulat agad ang mga kaklase ko sa pagpapakita ko. Syempre, isang linggo akong nawala. Sinabi ko sa kanila na nagkasakit ako. Bumenta naman ito sa kanila kaya wala akong naging problema.
"Want to catch up sa mga lessons?" Tanong ni Jason sa akin.
Nagsusulat ako ng notes sa aking notebook. Iniisip ko na kakailanganin ko itong offer niya. I needed all the help I can get so I said yes.
"Ayos ka na ba?" Tanong niya habang sinusuri ang mukha ko. Nakaupo kaming dalawa sa isang table sa cafeteria at panay ang kopya ko sa mga notes niya.
Maganda ang kanyang sulat kamay kaya hindi mahirap kopyahin ang bawat salita. Naiintindihan ko rin lahat ng mga lessons dahil sa mga ginagawa niyang diagrams.
"Oo naman." Ngiti ko sabay patuloy sa pagkopya.
"Hindi ka naman mukhang nagkasakit." Halakhak niya.
Napatingin ako sa kanya. "Nagkasakit ako." Giit ko.
"Ang tingkad ng pagka mestiza mo ngayon, e. Pumupula pa ang pisngi mo." Aniya sabay titig sa aking pisngi.
Ngumuso ako. "Guni guni mo lang 'yan."
Nagkibit balikat siya at tumingin sa librong inaaral. Ngunit nanatili ang tingin ko sa kanya at nilingon ko ang sarili ko sa salamin. Kitang kita ko doon ang pagtingkad ng aking balat. Hindi naman ako nag lagay ng kahit ano sa aking mukha.
Natapos ang pagkokopya ko. Nag paalam na rin si Jason dahil sa kanyang susunod na klase. Wala na akong pasok para sa araw na iyon kaya inaral ko na lang lahat ng mga hindi ko nababasa at ginawa ko rin lahat ng mga behind kong assignment. Madilim na nang tumayo ako sa cafeteria para umuwi. Sinabi ni Mia na pupunta sila doon ni Kid kaya kailangan ko nang umalis bago pa mag alala ang dalawa.
Papalabas ako ng campus at naglalakad ako sa madilim na parte ay may umilaw na sasakyan sa likod ko. Tumabi ako para makadaan siya ngunit narinig ko ang pagbaba ng driver nito. Nilingon ko iyon agad at nanlaki ang mga mata ko at kumalabog ang aking puso nang nakita ko ang naka puting v neck t shirt na si Rage!
"Sunny... where have you been?" Pambungad niya.
Umatras agad ako at umiling. Tumigil siya sa paghakbang. Iginala niya ang kanyang mga mata sa akin.
"Rage, tapos na tayo." Paalala ko.
"Nag alala ako sayo. Binilhan kita ng mga damit." Sabay turo niya sa sasakyan niya.
Ano?
"Para pag sa bahay ka tumuloy, di ka na mahihirapan sa mga pamalit-"
"Rage, ang sabi ko, wala na tayo!" Mariin at mas malakas kong sinabi.
"Sunny, pakinggan mo naman ako kahit saglit!"
Tumingin ako sa kawalan. Napagtanto kong hindi siya titig hanggat hindi ko naririnig ang mga paliwanag niya. Sige, makikinig ako. Dahil sa ngayon, alam ko sa sarili ko na hinding hindi niya na ako makukuha pa ulit. Dahil hindi lang ang sarili ko ang pinoprotektahan ko, pinoprotektahan ko rin ang aking anak.
"Oo, nagplano akong maghiganti dahil napabayaan ako dahil sa'yo at sa mama mo! Pero wala akong alam na naghirap ka rin pala! Na naghirap din ang mama mo! Nong nalaman ko 'yon galing sayo, you earned my sympathy."
Pumikit ako at bigo dahil alam kong kahit anong salita ang marinig ko sa kanya, wala na iyon. Hindi na talaga tatalab.
Ginulo niya ang kanyang buhok. Nilingon ko siya at hindi ako makapaniwala na sobrang frustrated siya ngayon sa harapan ko.
"Ezra's just an old friend. I hated committments so my parents fixed that future for me but I never wanted her, Sunny. I want you. So much. So, so much, Sunny!" Aniya at marahang hinawakan ang siko ko.
Hinawi ko ang kamay niya. Napabitiw siya sa akin. Nanghihina ako habang tinitingnan siyang nanghihina. "Narinig ko na ang mga paliwanag mo, Rage." Sabi ko. "Pero, hanggang doon na lang iyon." Sinigurado kong may marakang katapusan ang bawat bigkas ko.
Nalaglag ang kanyang panga.
"Where are you staying? Are you alright? Wala ka sa apartment niyo ah? Hinahanap ka rin ni Mia..." Aniya, winawala ang usapan.
Hindi siya titigil kahit anong gawin ko. Pumikit ako. Hindi ko maatim na isipin na sa oras na sumama ako sa kanya at malaman niyang buntis ako, malaman ng pamilya niya ay kakamuhian lang nila ako lalo, kakamuhian nila ang anak ko. Dahil nagpabuntis ako. Dahil nagpabuntis ako para makuha ko ang yaman nila. They were now right, I'm a cheap whore, I'm the predator, the scavenger... iisipin nilang ganon ako. Hindi ko kayang masaktan ang anak ko sa kamay ng mga taong katulad nila.
"I'm staying with someone, Rage. Leave me alone." Sambit ko at tinalikuran ko siya.
Mabilis niyang hinigit ang braso ko.
"Sunny, stay with me. Please..." Mas marahan niyang sinabi.
Pumikit ako at nagbabadya na ang mga luha sa aking mga mata. Tinanggal ko ang kanyang kamay sa aking braso.
"Tama na." Nanghihina kong sinabi. "Umalis ako nong una dahil sa mga takot ko, aalis ako ngayon kasi napatunayan kong tama ang mga kinatakutan ko. Rage, tama na."
"But... I love you, Sunny. Completely." Tumitig siya sa akin habang hinahawakan niya ang siko ko.
Napatitig ako sa mga mata niyang kumikinang sa ilaw ng buwan. He was the most handsome man I've ever known. Ang kanyang panga ay perpekto ang pagkakahubog, ang kanyang ilong ay tama ang pagkakatangos, ang kurba ng kanyang labi ay nang aakit mahalikan... Nag iwas ako ng tingin. He's gorgeous and I think it shoul be illegal.
"Rage..." Marahan kong tinanggal ang bawat daliri niyang nakakapit sa siko ko. Mabilis ang hininga niya.
Bago ko pa siya matanggihan ulit ay may humigit na sa braso ko galing sa likod. Nilagay ako ni Jason sa kanyang likod bilang proteksyon laban kay Rage. Nanlaki ang mga mata ko.
"You heard her, ayaw niya na." Mariing sinabi ni Jason.
"Give me my girl." Mariin ding sinabi ni Rage. Kitang kita ko ang pag igting ng kanyang panga.
"She isn't yours. She's staying with me." Ani Jason at hinawakan niya ang kamay ko.
Nanlaki ang mga mata ko. Bumagsak ang mga mata ni Rage sa mga kamay naming magkahawak at bumilis ang hininga niya.
"Sunny..." Tawag ni Rage sabay tingin sa akin.
Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Goodbye, Rage.
####################################
Kabanata 44
####################################
Kabanata 44
Friends
Umamba si Rage ng suntok ngunit tinawag ko siya ng isang beses at mabilis niya kaming tinalikuran. Napalunok ako. Kitang kita sa kanyang mukha kanina ang pagkabigo at galit. Umilaw ang kanyang sasakyan at agad niyang pinaharurot ito na para bang gustong gusto na niyang umalis doon.
Bumagsak ang mga mata ko sa aking kamay. Nilingon ako ni Jason.
"Sunny, I'm sorry for butting in. Nakikita ko lang kasi ang pamimilit niya sayo at narinig kong ayaw mo na." Sabi niya.
Tumango ako. Nawalan na ako ng lakas para mag salita. Hindi ko alam kung tama ba iyong ginawa ko, ginawa ni Jason. Pero iyon lang ang paraan para mapaalis ko si Rage. Iyon na lang ang tanging paraan para tigilan ako ni Rage.
Ilang sandali pa ang katahimikan. Huminga ako ng malalim at napatingin sa naghihintay na si Jason.
"Uuwi na ako, Jason. Thanks for today." Sabi ko at umambang tatalikuran na siya ngunit nagsalita siya kaagad.
"Saan ka umuuwi? Sorry pero narinig ko ang pinag usapan ninyo. You're staying with someone." Ulit niya.
"Umuuwi ako sa condo ni Mia at Kid. Mga kaibigan ko." Sabi ko.
Tumango siya. "Pwede ba kitang ihatid?"
Ngumiti ako kahit nakakapagod na. "Huwag na, Kid. Thank you."
"Sunny, please let me do this. Nag aalala ako sa'yo." Aniya.
"Hindi mo naman kailangang mag alala, ayos lang ako." Sabi ko.
"Dala ko ang sasakyan ko. Ihahatid kita." Aniya at agad akong hinila.
Halos paulit ulit ko siyang tinanggihan. Positibo akong ayaw kong ihatid niay ako. Gustp kong mapag isa. Kailangan kong mag isip. Isa pa, naghihintay si Kid at Mia sa akin sa condo dahil sa pag aalala nila.
"Jason, ayos lang ako." Ulit ko nang nakalapit na kami sa kanyang kulay itim na Accent. Umiling ako para ipakita ang talagang pagtanggi ko ngunit hinawakan niya ang baywang ko at nginitian niya ako.
"Sunny, hanggang dito ba naman tatanggihan mo ako? Let me, please? I'll just drive you home, that's all."
Dumistansya agad ako sa aming dalawa. Napansin niya iyon kaya kinalas niya ang pagkakahawak sa aking baywang. Nag iwas ako ng tingin at unti unting tumango. Hindi ako magrereklamo kung kailangan kong mag jeep pauwi sa condo kahit na medyo malayo iyon at ilang sakay pa ng jeep ang aabutin ko. Ngunit nang matigil si Jason ay pumayag na lang ako.
Sumakay ako sa loob. Paalis kami ng school ay tahimik lang kaming dalawa hanggang sa nadatnan namin ang traffic light. Sinabi ko rin sa kanya ang address ng condo.
"Nag hiwalay na kayo nong boyfriend mo." Hindi siya nagtatanong. Sinasabi niya iyon sa akin.
"Oo." Sagot ko.
"Hindi ko gustong makealam pero bakit? Did he cheat?" Nilingon ako ni Jason.
Bumaling ako sa kanya at kitang kita ko ang medyo magulo niyang buhok at maamo niyang mukha. Ayaw kong sagutin ang tanong niya at mukhang naramdaman niya rin ang gusto ko.
"Okay, I'm sorry. Gusto ko lang malaman pero kung di ka ready na sabihin sa akin ay di ako mangungulit." Sabi niya sabay paandar sa sasakyan.
"Sorry, Jason. Hindi ko pa kayang sabihin. Masyadong mahabang istorya." Nilingon ko ang mga ilaw sa labas.
Napatalon ako nang naramdaman ko ang palad niyang bumalot sa aking kamay na nagpapahinga sa aking hita. Mahigpit niya iyong pinisil.
"Magkaibigan tayo, Sunny. Wa'g ka nang mailap sa akin tulad nong high school. Gusto kong maging mag kaibigan tayo ngayon..."
Nilingon ko kaagad siya. Matamis na ngiti ang kanyang ibinigay sa akin.
Pinipiga ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Umalis ako sa bahay noon na ako lang mag isa at ngayon hindi ko alam kung paano ko mapapasalamatan ang mga taong nag aalala para sa akin. Si Mia, Kid, at si Jason pa. Kahit paano ko sabihin na kaya ko namang mag isa, pero sa totoo lang, kailangan ko parin sila. Masaya parin ako at nandito sila. Dahil nakakatakot mag isa. Gusto kong hawakan ang tiyan ko para haplusin siya. Tama, may kasama na ako.
"Dito ba?" Tanong ni Jason sabay tingin sa malaking building.
Tumango ako. "Tower 2." Sabay turo ko sa dalawang condo na magkatabi.
Diniretso niya sa lower ground ng itinuro kong condo at agad siyang nakahanap ng parking space. Pinark niya ang kanyang sasakyan doon. Nilingon ko siya at nginitian.
"salamat, Jason. This means a lot to me." Sabi ko.
"Walang anuman, Sunny. Ihahatid na kita sa floor mo." Aniya at agad na binuksan ang pintuan bago ko pa siya mapigilan.
Nalaglag ang panga ko ngunit tinanggap ko rin kalaunan.
"Sorry ah, naabala pa kita." Sabi ko nang nasa elevator na kami at pinindot ko ang tamang floor.
"Hindi 'to abala, Sunny. Wala naman akong ginagawa ng ganitong oras sa condo." Aniya.
Nagulat ako dahil nag co-condo din pala siya. "Hindi ka na sa inyo tumitira?"
"Masyadong malayo ang bahay, Sunny. Tumutuloyy ako sa condo ng Kuya ko."
Tumango ako at tumunog na ang elevator sa palapag na pinindot ko. Naglakad agad ako papasok.
Ilang hakbang lang ay pintuan na ng condo ni Kid. Pinihit ko kaagad ang pintuan at agad kong narinig ang boses ni Mia at Kid na nag uusap sa kitchen yata ng condo.
"Si Dr. Fernandez 'yong OB ko, magaling naman 'yon." Sabi ni Mia.
"You should change your OB. Dalhin mo si Sunny sa tito ko. Kayong dalawa na doon." Halos matigilan ako sa pinag uusapan nila.
Naaninag ko ang dalawa na nag hahanda ng pagkain sa mesa habang nag uusap. Sabay silang natigilan nang nakita akong may kasamang lalaki. May mga papel sa mesa na itinago ni Mia ng dahan dahan.
"Good evening!" Bati ni Jason.
Nilingon ko si Jason para maipakilala. "Kid, Mia, eto nga pala si Jason. Kababata ko 'to." Sabi ko.
Nagtaas ng kilay si Mia at si Kid naman ay lumapit para mag lahad ng kamay. "Kid Fuentebella." Ani Kid. "Mia Concepcion." Aniya sabay tingin kay Mia. "Girlfriend ko."
Tumango tango at ngumiti si Jason sa dalawa. Bumalik si Kid sa kanyang ginagawa at nagawa pa niyang anyayahan si Jason na umupo samantalang medyo may tensyon sa mukha ni Mia.
"Nag luto kayo?" Tanong ko sabay tingin sa mga pagkaing nasa mesa.
"Yeah, para satin." Ani Mia.
Napatingin ako sa kanya. Nanlalaki ang mga mata niya sa akin na mukhang may ipinaparating.
"Nakakahiya naman. Aalis na ako, Sunny. Di na ako magtatagal." Sabi ni Jason.
"Di... Dito ka na kumain. Marami naman kaming niluto." Medyo sarkastikong sinabi ni Mia.
Kumunot ang noo ko sa kanya.
"Excuse me lang ah. Hiramin ko lang si Sunny." Sabi niya at agad na akong hinila pabalik sa sala.
Tumigil siya nang nakalayo na kami at sobrang hina ng boses niya kahit na mariin ito.
"Sino 'yan? Sunny, papatayin 'yan ni Rage." Sabay turo niya sa bandang kusina.
Tumikhim ako. "Classmate ko siya nong high school. Nagkakilala na sila ni Rage, Mia. At kanina... nandon siya nang pinuntahan ulit ako ni Rage."
Nalaglag ang panga ni Mia. Tinawag kami ni Kid kaya nanliit ang mga mata niya at binantaan akong hindi pa siya tapos sa akin.
Tahimik kaming kumain. Walang sinabi tungkol sa pag bubuntis ko. Wala rin silang binanggit tungkol kay Rage at nagpasalamat ako doon dahil hindi ko kayang pag usapan siya.
"Ang konti naman ng kinakain mo!" Mariing sinabi ni Mia habang tinitingnan ang pinggan mo.
Humalakhak si Jason. "Baka nag da diet?"
Tinapunan ng matalim na tingin ni Mia si Jason at bumaling ulit sa akin. "Hindi ka pwedeng mag diet." Ani Mia sakin, pabulong.
"Hindi ako gutom." Sabi ko ngunit dinagdagan na lang ng pagkain ang aking pinggan. Kahit na hindi ako gutom ay kailangan kong kumain para maging malakas ang baby ko.
Ngumuso ako. Baby ko...
Pagkatapos naming kumain ay tumayo agad si Mia. "Sunny, sa kwarto muna tayo. Magpahinga na muna tayo." Sabi ni Mia at hinintay ako.
Napatingin si Jason kay Mia at agad ring tumayo. "Nakakaistorbo ba ako? Uh, mukhang kailangan nang magpahinga ni Sunny. Aalis na rin ako ngayon." Nahihiya niyang sinabi.
Gusto kong tumanggi pero mukhang ilang kalabit na lang ay magtataray na si Mia at pursigido din si Jason na umalis kaya hinayaan ko siya. Sinarado ni Mia ang pintuan nang nakapasok kami sa kwarto ni Kid at agad akong hinarap.
Pinaulanan niya ako ng mga salita tungkol sa pag dala ko kay Jason at kung anu ano pa. Umupo ako sa kama at humiga. Agad akong dinalaw ng antok pero dumilat ako para makinig sa lahat ng mga sinabi niya.
"Tingin mo ba maganda 'yon? Sabihin na nating wala kang balak na balikan si Rage pero papalitan mo siya? Ang dami mo pang problema."
"Alam ko, Mia! Tsaka hindi ko siya papalitan..."
Nagtaas siya ng kilay. Umiling naman ako.
"I mean... wala akong planong dagdagan ang problema ko. Sa ngayon gusto ko lang isipin 'yong anak ko at ang mga susunod kong gagawin para makaipon ng pera para sa panganganak ko. Iyon lang. Kaibigan ko lang si Jason."
"Kita ko sa mga mata niya na hindi kaibigan ang turing niya sayo."
Napaupo ako ng maayos. "Mia, you're over reacting. He's just a friend. Talagang ganon siya makitungo."
Marami pa siyang dinagdag. Pinangaralan niya ako ng kung anu-ano.
"Pumunta pa ako sa OB ko para malaman kung ano ang mga maeexperience pag buntis at anong mga dapat mong inumin at hindi! Hindi ka pwedeng mag kape at marami pang iba!"
Nagulat ako sa sinabi niya. Ginawa niya 'yon para sa akin?
"Kaya dapat ka ng magpa check ngayong Sabado! Sasamahan kita kasi lintek 'yong daddy ng anak mo, nevermind!" Talak niya.
Ngumiti ako at hindi ko mapigilan ang pamimiga ng puso ko. Agad ko siyang niyakap habang nagsasalita pa. Gulat na gulat siya sa yakap ko at agad niyang hinaplos ang likod ko. Nanghina ang kanyang boses. "Sunny naman... Hindi ko alam pero kung ako nasa sitwasyon mo baka nag laslas na ako kaya dahan dahan sa pag dagdag ng problema."
Humalakhak ako. "Thank you, Mia."
"Shit. I think isa 'to sa maeexperience mo, e. Magpacheck ka ah?" Kumalas ako sa yakap ko. "Sasamahan kita."
Kinwento ko rin sa kanya ang nangyari kanina. Marami na naman siyang kumento tungkol sa ginawa ni Rage.
"Edi tapos na pala kayo!" Aniya.
Pinanood ko siyang pabalik balik na naglalakad. "Sunny, 'yong ego ni Rage winarak mo. Ilang beses siyang nag makaawa at ngayon pinalitan mo agad."
"Hindi ko siya pinalitan, Mia. I already told you." Sambit ko ulit.
"Alam ko pero 'yon ang iisipin niya." Umiling siya. "Bahala na nga! 'Yon naman dapat, diba? That's how you like it. Lintik din pala 'yong Jason na 'yon pakealamero." Nakapamaywang siyang tinitigan ako.
Magsasalita na sana ako ngunit kumalabog ang pintuan.
"Mia..." Narinig ko ang tawag ni Kid.
"Mia, dito na kayo matulog ni Kid. Doon na ako sa kabilang kwarto. Gabi na. Tsaka mas gusto kong may kasama ako." Sabi ko kahit na umiling siya. "Ngayong gabi lang, please?"
Umirap si Mia at kinuha ang kumot ko. "Humiga ka na. Kami na sa kabilang kwarto. Dito ka na." Aniya.
Ngumiti ako at tiningala ko siya habang humihiga ng maayos sa kama. Nilagyan niya ako ng kumot.
"Sleep tight, pretty mommy." Aniya at hinalikan ako sa noo.
Ngumiti ako at pinanood siyang lumabas ng kwarto. Pinatay niya ang ilaw at ang tanging ilaw na nakita ko ay ang ilaw ng mga nagtataasang building sa labas galing sa bintana.
"I hate the way you look at that guy..." Narinig kong sinabi ni Kid sa labas.
"Sinong lalaki?" Ani Mia.
"'Yong dala ni Sunny..."
Ngumiti ako. They are so cute. Ngumuso ako at narinig ang pagkalabog ng pintuan sa kabilang kwarto. I'm happy for them. I'm happy for Mia and for Kid. Kahit na hindi na lang mangyari sa akin 'yong mga tulad sa pelikula, kahit sa kaibigan ko na lang ay maayos na ako. Wala na akong mahihiling pang iba.
Inisip ko ang mukha ni Rage kanina. Hindi ko mapigilang isipin na gusto ko rin sana ng ganon para sa aming dalawa... pero malabo na 'yon. Kahit paano ko 'yon gustuhin, malabong malabo na 'yon.
Nagising ako nang may narinig akong iilang boses sa loob ng bahay. Hindi pa ako dumidilat pero dinig na dinig ko iyon.
"Shhh! Tahimik nga!?" Ani Mia.
"I know you're hiding her here. Kailangan naming makausap si Sunny." Dinig ko ang boses ni Brandon.
Nananaginip ba ako?
"Natutulog 'yong tao." Sambit ulit ni Mia.
Dumilat ako at nakita kong malalim pa ang gabi sa labas. Tiningnan ko ang cellphone ko at alas dos pala ng madaling araw.
"Anong oras ba kayong pumupunta? Alas dos ng madaling araw, seryoso? Tulog ang tao!" Ani Mia.
"Hindi ba pwedeng gisingin, Mia? Kailangan namin siyang makausap." Sabi ni Logan.
"Logan, ayaw niyang makita si Rage. Alam kong alam niyo 'yong nangyari sa dalawa."
"Damn it, Kid. Alam namin at hindi si Rage ang ipinunta namin dito. Pwede ba. Ayaw din muna namin silang tulungan na magkita sa ngayon." Ani Logan.
"Ayaw ko rin sana silang mag kita, forever. Maraming problema si Sunny na hindi niyo maiintindihan kaya wa'g na natin silang ipilit." Wika ni Mia.
Pinaapak ko ang mga paa ko sa sahig at naramdaman ko kaagad ang lamig ng tiles. Naglakad ako patungong pintuan at pinihit ko ang door handle. Nanliit ang mga mata ko sa biglaang pag ilaw at naaninag ko sina Mia, Kid, Brandon, at Logan sa sala.
"Magaling! Nagising niyo!" Ani Mia.
"Sunny..." Ani Brandon sabay tingin sa akin.
Kinusot ko ang mga mata ko. Bakit sila nandito?
####################################
Kabanata 45
####################################
Kabanata 45
Walang Laban
"Sorry kung naabala ka namin, dis oras ng gabi." Ani Brandon.
Pinanood ko ang seryoso niyang mukha. Bakit sila nandito sa ganitong oras ng gabi?
"Galit na galit si Rage kanina sa bar." Panimula ni Logan.
Nag iwas ako ng tingin. Alam ko kung bakit siya galit. Kailangan kong hayaan iyon. Hindi ako magpapaapekto. Saan kaya patungo ang pag uusap na ito? Umupo ako sa sofa. Si Logan, Brandon, Kid, at Mia ay parehong nakatayo at pinapanood ako na para bang ako ang sagot sa problema. Tumikhim si Mia at nagsalita.
"Aba, siya pa may ganang magalit ngayong siya naman 'yong may kasalanan?" Ani Mia na agad namang pinakalma ni Kid.
"We heard you have someone else now, Sunny. Ang bilis naman yata..." Ani Brandon binabalewala si Mia.
"Walang pakealam si Rage don kasi di rin nakealam si Sunny sa kanila nong Ezra niya." Sumbat ni Mia.
"Relax, Mi." Ani Kid habang hinahaplos ang kanyang braso.
Matalim na tinitingan ni Brandon si Mia bago bumaling ulit sa akin. Gusto kong sabihin kay Brandon na hindi totoong may iba na ako. Gusto kong bawiin iyon at sabihin nila kay Rage na wala. Pero para matigil si Rage sa akin ay kailangan ko rin iyon.
"Paano niyo nalaman na dito ako nakatira?" Tanong ko.
"Hindi namin alam. Si Tito Marco ang may alam." Sabi ni Logan.
Napatingin ako kay Logan. Marco Del Fierro, ang ama ni Rage at ang taong minsan nang minahal ni mama. Anong kinalaman niya dito? Bakit niya alam na nandito ako sa condo ni Kid?
"Sunny, pinahanap ka niya dahil gusto niyang makausap ka."
Nag iwas ulit ako ng tingin sa kanilang lahat. Ano ang kailangan naming pag usapan. Sila ng mama ko ang may dapat na pag usapan pero wala na si mama ngayon kaya wala na ring halaga ang lahat. Hindi ko alam kung ano pa ang kailangan niya sa akin.
"Maayos na ako. Naiintindihan ko na ang ginawa niya kay mama noon. He wouldn't give up his family for my mother at iyon nga ang dapat na ginawa niya. He should only love his wife." Sabi ko.
Umiling si Brandon. "This isn't about their relationship years ago, Sunny. This is something your mom left you."
Nag angat ako ng tingin sa kanya. "My mom left me with memories. Iyon lang. Maganda at malulungkot."
"Nagkita si tito Marco at ang mama mo sa isang event ng Del Fierro companies. I know your dad is a real estate agent bago siya namatay. 'Yong perang naipon niya ay nilagay niya bilang investment sa kompanya ni Tito Marco. Your mom ended up on that event because of your father."
Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nasabi ba ni mama kung saan sila nagkakilala ni Mr. Del Fierro. Ang alam ko lang ay sa galit ko noon, hindi ko na inalam pa ang mga detalye. Mahal ni mama ang isang lalaking may pamilya. Imoral at napaka makasariling desisyon ng pagmamahal iyon. Hindi ako sang ayon kaya naging mailap ako sa kanya. Kahit nong nalaman kong may sakit siya, itinatanggi kong madinig ang mga detalye sa kanila ni Mr. Del Fierro. I didn't even know his family name back then. I only know him as 'Tito Marco'. Ni hindi ko siya tinatawag na ganon!
"Hindi ko alam." Sabi ko.
"May share sa kompanya nina Rage ang mama mo, Sunny. Hindi sobrang laki but she invested... so..."
"Brandon, hindi papayagan ni tito Marco na magkaroon ng share sa kompanya pag konti lang-"
"He liked her mother. He didn't care."
Nanliit ang mga mata ko kay Brandon. Ano ang ibig sabihin nito? Hindi ako nakapagsalita. Sabik ako sa mga impormasyon.
"May share ka sa kompanya nina Rage. Though not that big, still may share ka."
Nanlaki ang mga mata ko. Tiningnan ko si Mia na ngayon ay gulat na nakatingin din sa akin. Si Kid naman ay nakatulala sa kawalan na para bang nag iisip.
"Ano ang ibig sabihin, Brandon. Paano yung share?" Tanong ni Kid.
Tumango si Brandon. "Alam kong nakakalito. Kaya iniimbitahan ka ni Tito Marco sa-"
"Nag bibiro ka ba, Brandon? Wa'g na wa'g niyong pagkaisahan si Sunny." Banta ni Mia.
"Hindi namin pinagkakaisahan si Sunny. That's the truth."
"Alam ba 'to ni Rage?" Tanong naman ni Kid.
"Wala pa siyang alam. Walang plano si tito na sabihin kay Rage. Pero ewan ko lang kay Tita Cassandra." Sagot ni Brandon.
"Pinuntahan ka talaga namin ngayon because tito said it's urgent. Galit si Rage at ngayon lang kami magkakaoras na pumunta dito nang di niya nalalaman." Sabi ni Brandon. "Mag s-schedule si tito Marco ng meeting niyo sa Del Fierro building this coming Saturday. Will you be there, Sunny?"
Hindi ko alam. Hindi ko alam kung tama ba na nandon ako. Tama ba na kunin ko 'yong share? Makakatulong iyon sa pang araw-araw kong gastusin. Ngunit alam kong huhusgahan lang ako ng mommy ni Rage o di kaya ay ni Rage mismo. Tama ba na iwan ko na lang ang perang pinaghirapan ni papa noon? Hindi ko alam ang sagot.
"Sunny, wa'g kang pumunta. Bakit kailangan mong pumunta don? Kung willing si Mr. Del Fierro na ibigay sa'yo 'yong share, ba't di na lang ibigay sa'yo ng diretso." Ani Mia.
"Kung kukunin nga ni Sunny 'yong share, kailangan iyon ng proseso. We will need the heirs, some stock holders, and lawyers." Sagot ni Brandon.
"Are you sure this isn't some of Rage's trap, Brandon?" Ani Kid.
Nilingon ni Brandon si Kid at pinasadahan niya ng palad ang kanyang buhok. Humalukipkip si Logan at pumunta sa likod ni Brandon, umaambang magyayayang umalis. "Honestly, Kid. Magpinsan kami ni Rage pero ngayon ko lang siya nakitang mabaliw ng ganito. I don't know if Sunny is good or bad for him. Pero ngayong ganito siya dahil kay Sunny, I would rather see him without her." Sumulyap siya sa akin. "Sana pumunta ka Sunny. Sorry sa istorbo. Magandang gabi." Ani Brandon at pumanhik na sila ni Logan palabas ng condo.
Pagkasarado nila ng pintuan ay nanatili ang mga mata ko doon. Galit si Rage sa akin ngayon at hindi ko alam kung makaka buti ba iyon para sa akin o hindi.
"Anong gagawin mo, Sunny?" Nagmura si Mia at tumalikod sa akin. Mukhang frustrated at naguguluhan na siya sa nangyayari.
"If you get your share, ibig sabihin, you won't have to deal with them anymore, ever, again." Ani Kid.
Hindi na ulit ako makatulog sa gabing iyon. Hindi ko alam kung papaunlakan ko ba ang gusto ni Mr. Del Fierro. Makakabuti ba talaga ito sa akin o hindi?
Pero kailangan ko ba talagang mag isip pa ng mabuti? Hindi pa ba sapat na dahilan ang pagbubuntis ko para sabihin kong talagang malaki ang maitutulong nito para sa akin? Kailangan ko bang pairalin ang pride ko? That's what's only left of me but should I let it win? Hindi ba kailangan isipin ko muna ang anak ko?
Umihip ang malakas na hangin. Sa kalagitnaan ng pag susulat ko ng assignment dito sa isang bench ng school ay naisip ko na naman iyon.
Kailangan ko ng pera para makapagpacheck up sa doktor. Hindi ako pwedeng umasa palagi kay Mia at Kid para sa mga iyon. Maging sa pagkain ko ay masyado akong dumedepende sa kanila. Kailangan ko na ring humanap ng malilipatan. Marami akong kailangan at hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagsimulang mag text kay Mia.
Ako:
Mia, balik ako ng MG this Friday. Paki sabi kay Ma'am.
Hindi nagtagal ang reply niya.
Mia:
Nababaliw ka na ba talaga? Alam mo ba kung ano ang trabaho natin? Mausok sa mga bar at maraming bastos don. Buntis ka! Pwede ba?
Halos marinig ko na siyang nagsasalita sa aking tainga kahit na binabasa ko lang ang mga salitang iyon.
Ako:
Alam ko pero kailangan ko ng pera. Kahit isang buwan lang, Mia. Promise, di ako mapapano. Next week bibisita na ako sa doktor.
"Andito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!" Ani Jason at biglang tumabi sa akin.
Ngumiti ako at hinayaan siyang tumabi. Nitong mga nakaraang araw, siya ang palagi kong kasama.
"May klase ka pa diba?" Aniya.
Tumango ako. "Oo, gumagawa lang ako ng assignment para sa susunod kong subject."
Tumango siya at may inilahad sa akin. "Kain tayo." Aniya.
Ngumiti ako at tinanggap ang fries na nakalagay sa lalagyan. Nang naamoy ko ang keso galing doon ay agad bumaliktad ang sikmura ko. Nanginig ang kamay ko at binitiwan ko ang french fries. Natapon ang iba at mabilis na akong sumuka sa damuhan ng soccerfeild.
Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang muling pag duwal. Pinikit ko rin ang mga mata ko at nagpasalamat ako na medyo na ibsan ang nararamdaman ko.
"Sunny, you okay?" Natatarantang tanong ni Jason sabay bigay sa akin ng mineral water.
Agad ko iyong tinanggap at ininuman. Nang naging maayos ang pakiramdam ay nilingon ko siya ngunit nang naamoy ko ulit ang keso galing sa fries ay hindi ko na kinaya. Tumayo na ako at halos tumakbo para matigil sa pagduduwal.
Tumakbo ako patungong CR kahit na hindi na ako umabot doon. Naghilamos na lang ako at pumasok sa cubicle para ayusin ang pakiramdam. Shit! Bwisit naman talaga ang kesong iyan!
Huminga ako ng malalim at lumabas ng cubicle para ayusin ang mukha ko.
"Sunny?" Dinig kong sigaw ni Jason galing sa labas ng CR. "Ayos ka lang? Nag aalala ako. Gusto kong pumasok dyan."
"A-Ayos lang ako, Jason. Lalabas din ako ngayon." Sambit ko at nagmadali na sa pag aayos.
"Talaga? Masakit ba tiyan mo?" Ani Jason sa labas.
Natigilan ako sa paglalagay ng lipstick. "Oo. Masakit." At agad ko ng inayos ang bag ko para makalabas na.
Hinawakan ko ang tiyan ko pagkalabas ng CR at nagkunwaring masakit iyon.
"Medyo masama 'yong ulam ko kagabi kaya... siguro ganito." Hindi ako makatingin sa kanya.
"Uminom ka ng gamot. Baka lumala pa iyan." Ani Jason.
"Naku, wa'g na. Maayos na naman ako." Sabi ko.
"Talaga?"
Tumango ako at nilingon ang mga kamay niya. Wala na doon ang fries. Salamat naman. Kung hindi ay hindi ko talaga mapapanindigan na maayos na ako.
"Sorry sa abala, Jason." Sabi ko.
"Ano ba kasi ang kinakain mo para dinner at bakit sumakit ang tiyan mo?"
"Ah... Wala." Hinawi ko ang buhok ko. "Ako lang gumagawa ng pagkain ko. Siguro, uh, napanis o baka sa tubig."
Tumango siya at pinapanood ako. Mas lalo lang akong naasiwa. "Sige, mamayang gabi ay sabay tayong mag dinner. Ililibre kita."
"Naku, wa'g na!" Sabi ko.
"Sunny naman. Don't worry, this is just a friendly dinner. Gusto ko lang bumawi sayo." Aniya.
Kahit nagtalo kami ay hindi siya papaawat. Napagod ako sa pakikipag talo sa kanya lalo na nang binaha na ako ng mensahe ni Mia.
Mia:
Baliw ka na talaga! Isipin mo 'yong anak mo!
Mia:
Wa'g ka ng babalik sa MG!
Pumikit ako at nagtype ulit ng mensahe.
Ako:
Mia, kahit ikaw na lang sa mga mauusok na bar. Papasok lang ako sa maaayos.
Hindi siya natagalan sa pag reply. Napabuntong hininga ako doon.
Mia:
Sya sige. Ako magpapasya kung papasok ka. 71 Gramercy, Exklusiv, hindi masyado mauusok pero depende parin kung anong oras ang dating natin. Babantayan kita at huwag na huwag tumigas ang ulo mo sa Biyernes at talagang kakaladkarin kita palabas ng bar.
Iyon nga ang naging eksena namin nang dumating ang Biyernes. Maswerte na nga ako at pumayag pa si Mia kahit na panay ang mura at talak niya tungkol sa pag punta ko pa doon.
"Magpa check ka na nga." Bulong niya habang pinapanood ang tiyan kong walang bahid ng pagbubuntis sa pulang dress namin.
"Oo, next week iyong appointment ko." Sambit ko.
Pinapikit niya ako para malagyan ng eye shadow.
"Ano ang desisyon mo bukas? Pupunta ka ba?" Tanong niya.
"Hindi ko parin alam. Gusto ko sanang pumunta para sa anak ko pero..."
"Pumunta ka na." Ani Mia.
Dumilat ako dahil tumigil din naman siya sa paglalagay ng eyeshadow. Parehong maiksi ang damit namin pero hindi tulad noon na komportable ako, ngayon hindi na ako mapakali. Panay ang baba ko sa palda at taas ko naman sa tube top para hindi makita ang kahit ano.
"Kailangan mo ng pera, Sunny. Makaka ambag ako sayo pero malaki ang maitutulong ng pera na 'yan sa bata. Isa pa, pero mo 'yan. Bilin 'yan sayo ng nanay at tatay mo." Ani Mia. "May karapatan ka dyan."
Hindi ako nag salita.
"Kung natatakot kang makita mo si Rage bukas kaya ka nag dadalawang isip, huwag kang mag alala. Makikita mo siya mamaya."
"Anong ibig mong sabihin?" Kumunot ang noo ko.
Huminga siya ng malalim. "Pupunta si Kid sa Gramercy. Kasama niya ang mga barkada niya. At paniguradong nandon din si Rage. Kung maayos ang pagkikita niyo ngayon, I mean, maayos ibig sabihin 'yong hindi ka na niya guguluhin, ibig sabihin magiging maayos din kinabukasan."
Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi ni Mia. Hindi ako nagpahalata. Tumango lang ako at inayos ang lipstick ko sa salamin. Sa oras na lapitan ako ni Rage, kailangan kong paalalahanan ang sarili kong hindi talaga kami pwede. Ayokong maging emosyonal ngayon. Iyon ang pabalik balik kong inisip habang nagpalipat lipat kami ng bar nina Mia.
"Mababa pa sa'yo Sunny?" Ani Ma'am sabay hawi ng kanyang kulay blondie na buhok.
"Opo, Ma'am. Matumal ngayon."
"Hindi naman, ah?" Sambit ni Alona sa loob ng van, patungo na kami ng mga high end na bar. "Baka kumupas ka na kaya ganon. Tagal mo rin kasing absent. Naagaw tuloy mga customers mo." Humalakhak siya.
Nagkatinginan kami ni Mia. Umirap si Mia sa kawalan at hinayaan ko na lang ang bulong bulungan ng mga kasamahan ko. Nang bumaba na kami sa van para umakyat sa bar kung saan tinukoy ni Mia na pupunta doon si Kid at ang kanyang mga kaibigan kasama si Rage ay nangatog na agad ang binti ko.
"Pag mausok, wa'g ka ng pumasok." Sambit ni Mia, patungo kami doon.
Pagkabukas ng pintuan ay nakita ko kaagad na tulad ng normal na mga gabi dito ay hindi mausok sa loob ng bar na iyon. Sumasayaw na ang mga neon lights at sumasabog na ang trance music.
Nilingon ako ni Mia at tumango siya sa akin. "Samahan kita. Wa'g na tayong mag hiwalay." Aniya.
Una kami sa kanyang parte ng bar na iyon. Hinayaan ko siyang bumenta. Nang may lumapit sa akin para bumili ay binigyan ko rin naman. Hindi ko mapigilan ang pag iisip na talagang malaki ang tulong ng trabahong ito para sa akin. Malaki ang kita ko at makakatulong ito pang matrikula at para na rin sa magiging gastusin ko sa doktor.
"Tara na sa side mo." Sabi ni Mia habang hinahawakan ang kamay ko patungo doon sa mga sofa.
Nang nakita ko ang mga naghahanap na mata ni Kid ay mas lalo lang nanginig ang sistema ko. Umaliwalas ang kanyang mukha nang nakita si Mia habang ako naman ay halos mamatay matay na sa kaba.
Pinasadahan ko ng tingin ang kanilang sofa at nakita ko ang mga pamilyar na mukha ng kanilang mga kaibigan. Nakatalikod sa akin ang isang pamilyar na lalaki. Nakaupo siya sa kulay plum na sofa at ang kanyang kamay ay naka akbay sa babaeng may kulot kulot na buhok. May ibinubulong sa kanya ang babae.
Parang bumaliktad ang sikmura ko.
"Sunny, bibili si Kid. Tara na." Ani Mia nang hindi na ako nakagalaw.
Ngumiti ang babae sa tainga ni Rage at napanood ko kung paano niya kinagat ng marahan ang tainga ni Rage habang nakikipag biruian. Nalaglag ang panga ko at bumagsak iyon sa mga sigarilyo. Kumuha ako ng mga order na naaalala ko.
"Good evening." Sambit ko kay Kid at ibinigay kaagad sa kanya ang kailangan niya.
"Sunny!" Natatawang sinabi ni Logan nang nakita ako doon.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong lumingon si Rage sa akin pero iyon lang iyon. Hindi siya tumayo o lumapit. Nanatiling nakaakbay siya sa babaeng pagkalingon ko ay si Ezra pala.
"Alam mo na 'yong akin, Sunny." Sabi ni Brandon.
Mabilis kong inabot sa kanya ang sigarilyong gusto niya. Inabot niya rin sa akin ang bayad.
"Miss, Gold, 1 pack." Sabi ng isang barkada nila sa akin.
Tumango ako at inabutan ko rin ng ganon.
"Hindi ba siya 'yong..." Napatingin ako sa babaeng nagsalita na nakatingin sa akin. Binulong niya sa kanyang kaibigan ang karugtong at sabay silang tumingin sa akin.
"Ikaw, Rage?" Nakangiting sambit ni Logan.
May kinuha si Rage sa kanyang bulsa. Isang kulay yellow na bill at agad niyang itinapon sa mesa na puno ng mamahaling alak.
"1 pack, Black."
Nagtama ang aming paningin. Nakita kong ang kanyang long sleeve na nakatupi hanggang siko ay nakakalas ng ang unang tatlong butones at kitang kita ang kanyang makisig na dibdib.
"Okay." Lumunok ako at may kuryente akong naramdaman galing sa mga pisngi ko pababa saking katawan. Shit?
Nanginig ang kamay ko nang kunin ko 'yong bill at pinalitan ko ng gusto niya. Nilagay ko rin doon ang sukli. Mabilis sana akong aalis ngunit narinig ko ang pag halakhak niya. Nilingon ko siya at nakita ko kung paano hinahalikan ng pulang pulang si Ezra ang kanyang tainga.
Lumunok pa ako ng isang beses. Parang wala lang sa kanya ang presensya ko. Hindi siya apektado at hindi rin siya bitter. Para akong hangin sa harap niya at parang walang nangyaring kung ano sa aming dalawa! Nilingon ko si Brandon at Logan na parehong nanonood sa akin. Si Brandon ay nakakunot ang noo. Si Logan ay nakangisi. Narinig ko ulit ang mga kaibigan ni Rage na nagsasalita.
"Sabi, e. Pag si Ezra na, walang laban ang kahit sinong babae para kay Rage."
Nilingon ko si Mia sa likod. Kailangan ko nang umalis. Hindi ko kayang tagalan 'to. Naninikip ang dibdib ko.
####################################
Kabanata 46
####################################
Kabanata 46
Last Will
Pinunasan ko ang luha ko papalabas ng bar. Mabuti na lang at ito ang panghuli ngayon at hindi ko na kailangang maglipat ng bar at magsikap pa na maging maayos ang gabi ko.
"Sunny..." Tawag ni Mia sa tono na parang alam niyang ganito ang mangyayari.
Itinaas ko ang kamay ko. "Alam ko. Hindi ko lang maiwasan. Kaya 'to. Makakalimutan ko rin 'yan." Sabi ko at tinahan ko ang sarili ko.
"Walang kwenta pala talaga 'yang Rage na 'yon. Gustong gusto ko na talagang umalis sa trabaho. Makapag hanap nga ng bagong trabaho. 'Yong mas maganda!" Ani Mia habang kumukuha ng tissue at binibigay sa akin.
Tinanggap ko iyong tissue pero humupa na ang luha ko. Naninikip ang dibdib ko pero hindi ko pinilig ko na lang ang ulo ko at pinigilan ang pag tulo pa ng luha. Hindi ko na dapat inisip ang namamagitan sa amin ni Rage. Ang importante sa ngayon ay ang magiging kalagayan ng anak ko. Kaya ko ng wala siya at dapat panindigan ko iyon. Hindi pwedeng nanghihina ako tuwing nasasaktan ako. Ganito ba talaga dapat? Nakakapanghina ba talaga?
Hindi ko ininda na sinabi ni Ma'am sa akin na matumal ang benta ngayong gabi. Ako ang pinaka wala masyadong nabenta at panay pa ang bulung bulungan ng mga kasama ko.
"Ayan kasi walang ginawa kundi mag inarte." Sabi nong isang bago na hindi ko nakuha ang pangalan.
Kinagat ni Mia ang kanyang labi at umambang lalaban pero hinawakan ko ang braso niya.
"Uwi na tayo, Mia. Hayaan mo na." Sabi ko.
"Tinext ko si Kid. Susunduin niya tayo. Hindi ka talaga pwedeng mag Marlboro Girls, Sunny. Pinagbigyan lang kita ngayong gabi pero di na ako papayag sa susunod."
"Kailangan ko ang pera-"
"Kung kailangan mo ng pera, kunin mo 'yong share mo don sa kompanya ni Mr. Del Fierro!" Umirap siya at hinawi ang buhok.
Naglalakad kami ngayon palayo doon sa building at niyayakap ko ang sarili ko habang suot suot ang isang jacket. Sa lamig ng gabing ito ay pakiramdam ko bawat hinga ko ay umuusok na.
Lumabas si Kid sa kanyang sasakyan at sinalubong niya ng mahigpit na yakap si Mia. Ngumiti ako at hindi ko maiwasang maging masaya para sa kanila.
"Kumain ba kayo, Mi?" Tanong ni Kid habang nakatingin sa akin.
"Oo. Kanina. Bakit?" Napatingin din si Mia sa akin.
Nginuso ako ni Kid. "Ba't mukhang namumutla si Sunny?"
Agad kong hinawakan ang mukha ko para tanggalin ang kung anong tinitingnan nila kahit na wala namang dumi doon at alam ko naman na pamumutla ang inirereklamo nila.
Tumikhim si Mia. "Ewan ko. Siguro dahil buntis." Umiling siya at agad akong pinasok sa loob ng sasakyan. "Daan muna tayo sa isang restaurant. 'Yong walang cheese." Sabi ni Mia at pinaandar na ni Kid ang sasakyan.
Hinilig ko ang ulo ko sa upuan ng sasakyan at narinig ko ang mga bulong ni Mia kay Kid.
"Anong sabi ni Rage?" Aniya.
Walang sinagot si KId.
"Nagkabalikan na ba sila nong ex niya?" Tanong ulit ni Mia.
"Hindi ko talaga alam. Tinanong ko si Brandon pero wala din siyang alam." Bulong ni Kid na para bang nag sisikap na hindi ko marinig.
Huminga ako ng malalim. I shouldn't care anymore. Kung gusto ni Rage na makipag balikan sa ex niya ay wala na akong pakealam. Totoong nasasaktan ako pero hindi ibig sabihin non na papangunahan ko na siya sa mga desisyon niya. Nag desisyon ako na pakawalan ko siya at ginawa niya iyon. Kahit anong pilit ko rin naman ay hinding hindi ako matatanggap ng pamilya niya at hinding hindi ko rin sila matatanggap pabalik.
Pagkatapos naming kumain sa isang restaurant ay dumiretso na kami sa condo ni Kid. Nahihiya na ako kaya agad ko nang sinabi sa kanila ang mga planong iniisip ko.
"Aalis ako dito siguro mga next week." Panimula ko habang nasa elevator kami.
"Sunny, di naman kita pinapaalis."
"Nakakaistorbo ako sa inyo. Isa pa, kailangan kong matutong tumayo mag isa."
"Sunny," Umiling si Mia. "Kahit isang buwan, ayos lang 'yon. Tsaka hindi ka nakakaistorbo."
"Sa Apartment kayo tumitira dahil nandito ako. Hindi ba pwedeng dito na lang din kayo tumira? Wala naman akong kasama at hindi na rin naman ako hahanapin ni Rage. Hindi na 'yon manggugulo." Sabi ko at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin ng elevator.
"O sige, Kid. Mas mabuti nga iyon. Hindi magandang magbuntis kang mag isa, Sunny. Pwedeng tsaka ka na umalis pag naka plano na talaga ang lahat? Nag aaral ka at kailangan mo ng pera. Dagdag gastusin lang ang pag alis mo-"
"Kukunin ko ang share bukas." Sambit ko.
Natigilan si Mia sa sinabi ko. Kumunot ang noo ni Kid at hindi rin nakapagsalita.
"Kailangan ko 'to para sa baby ko. Hindi bale na kung iisipin nilang gold digger ako, pagkatapos kong kunin 'yon ay aalis na ako." Sabi ko.
Nagkatinginan silang dalawa at hindi na nagsalita na para bang pinagdedesisyunan na naman nila kung tama ba ito o mali. Hindi ko rin alam sa sarili ko. Basta ang alam ko ay kailangan ko ng pera para sa baby.
Naging mahirap ang pagtulog ko. Madilim na at pagod na pagod na ako ngunit dilat parin ang mga mata ko para isipin ang nangyari kanina. Naisip ko 'yong Rage noon, bago kami magkakilala. Ganong ganon siya kung makitungo sa mga babae. He's a monster when it comes to girls. Pero nong nagmakaawa siya sa akin ay parang nawala sa utak ko ang pagiging ganon niya. Ngayong gabi, pinaalala niya sa akin kung anong klaseng lalaki talaga siya. I fell in love with a beast. Baby, your daddy is a beast. And I'm pretty sure he won't like you. At all.
Pumikit ako at hindi ko mapigilan ang pag init ng mga mata ko. Naiisip ko kung paano ako itatakwil ni Rage sa oras na malaman niya na may dinadala ako. Iisipin non na ginamit ko siya.
Kinaumagahan ay nagising ako sa pagduduwal. Shit! Dumiretso ako sa banyo at agad sinuka lahat ng kinain ko kagabi. Naiyak ako sa kakasuka. Kahit na wala ng lumalabas galing sa tiyan ko ay hindi ko parin mapigilan ang pagsusuka.
Inayos ko muna ang mukha ko bago ako lumabas. Nakita ko si Mia at Kid sa kitchen, nagluluto doon si Mia at si Kid naman ay nakaupo sa long chair.
"Uh, Sunny, nag text si Brandon na alas nuwebe daw 'yong meeting. Talaga bang pupunta ka?"
Tumango ako. Nagtagpo ang mga mata namin ni Mia at agad niyang pinatay ang stove. "Sasabihin mo ba sa kanila na kukunin mo ang share para sa bata?"
Mabilis akong umiling. "Wala akong planong sabihin sa kanila na buntis ako. Ayokong isipin nila na 'yong anak ko ang dahilan. Wala akong pakealam kung isipin man nila na kinuha ko 'to para saking sarili, Mia." Sabi ko at agad siyang tumango.
Pagkatapos kumain ay inayusan ako ni Mia. Aniya ay pag ganitong meeting ay dapat maayos ako. Marahan ang bawat haplos niya sa aking buhok. Pinapanood ko ang umaalon kong buhok na hinayaan niyang ilugay lang. Ang itim na dress na may ekis sa harap ay tamang tama lang para sa akin. Gusto ko ito.
"Hindi ka pwedeng mag pumps, Sunny." Ani Mia.
Tumango ako at hindi ko man lang naisip iyon.
Kinuha niya ang kanyang flat pointed shoes at isinuot niya sa akin. Nagpatuloy siya sa pagsusuklay ng buhok ko. Alas otso pa lang at hinihintay na lang namin ang pagbabalik ni Kid galing sa baba para makaalis na kami.
"Ang ganda mo talaga. At ang bata mo pa. Hindi ko inisip na mabubuntis ka ng ganito ka agad." Aniya.
Napalunok ako.
"Hindi ba naisip ni Rage na maaari ka niyang mabuntis? Hindi siya gumamit ng proteksyon. Napaka iresponsable niya!" Medyo iritadong sinabi ni Mia.
Pinanood ko ang medyo galit niyang ekspresyon. "Kasalanan ko rin. Hindi ko naman inisip na magkakaganito. Pero ayos lang din. Siguro kailangan ko rin ng kasama. Mag isa na lang ako at ang baby na 'to ang magiging kasama ko."
Ngumiti si Mia habang hinahaplos ang alon sa mahaba kong buhok. "Hindi ka pwedeng mapunta sa lalaking tulad ni Rage. You deserve someone better." Aniya at nanghina ako.
Hindi ko alam pero ang gusto ko na lang munang isipin ngayon ay ang baby ko. Walang Rage, walang ibang tao.
"Wa'g mong kalimutang nandito ako. Hindi ka nag iisa. Ako ang magiging ninang ng anak mo, Sunny. Huwag kang mag alala."
Tumango ako at napawi ang lungkot na gumagapang sa sistema ko. Kailangan kong maging matatag para sa baby ko. Hindi lang ang sarili ang dapat isipin dahil dalawa na kami ngayon. Kailangan kong itatak sa utak ko na priority ko ang ikabubuti ng anak ko.
Sumabog ang buhok ko sa hangin habang tinitingala ko ang Del Fierro building. Naalala ko ang unang beses ko dito. 'Yong nag hahanap pa lang ako ng trabaho. Ang daming nag bago.
"Good luck, Sunny. Maghihintay kami dito sa baba mamaya. Aakyat din ako para icheck ang floor ko." Sabi ni Mia.
Tumango ako sa kanya at sinikop ko ang buhok ko para tumigil na sa pagsabog. Umakyat ako sa hagdanan bago makapasok sa building.
Dahil Sabado ay wala masyadong tao. Binati ako ng security guard na nakakaalala pa sa akin. Nginitian ko siya at agad ko nang pinindot ang elevator.
Tumingala ako pagkapasok sa elevator at tiningnan ko ang nagbabagong mga floor hanggang sa tumungtong ito sa floor ng opisina ni Rage.
Pagkabukas ng elevator ay naaninag ko na kaagad ang mga tao sa loob ng opisina niya. Si Rage ay nasa kanyang mesa habang si Ezra ay nasa likod niya. Seryoso ang pinag uusapan nila ng nakaupo sa sofang si Mr Del Fierro at ang kanyang asawa.
Tinulak ko ang pintuan at napatayo si Mr. Del Fierro sa pag pasok ko. Bahagyang nalaglag ang kanyang mga panga. Umismid si Mrs. Del Fierro at narinig ko naman ang halakhak ni Ezra na hindi ko nilingon.
Itinuro ni Mr. Del Fierro ang long table kung saan may tatlong matandang lalaki, isang matandang babae na naka all white, at isang mestiza at mga nasa mid-40s na babae, pare parehong nakaupo sa long table.
"This is Sunshine Aragon. Daughter of Amelia Aragon." Sabi ni Mr. Del Fierro sa lahat ng nakaupo sa long table.
Mabilis na umupo si Rage sa gitnang upuan. Tumabi sa kanya si Ezra. Sinikap kong hindi sila tingnan kaya ginala ko ang mga mata ko sa mga nakaupo.
Tumatango ang dalawang lalaking parehong nag bubukas ng laptop. Ang isang matandang lalaki ay pinagsalikop ang kanyang mga kamay at pinanood ako ng mabuti.
"Diana Rockwell." Nag lahad ng kamay ang mid-40s na babae. Naka pula siya at may malalaking perlas sa kanyang leeg.
Tinanggap ko ang kamay na inilahad sa akin. Umubo si Mrs Del Fierro at agad pumagitna sa mga kamay namin. Nabitiwan ko ang kamay ni Mrs. Diana Rockwell.
"Diana, didn't know you want to be friends with the enemy?" Iritado ngunit nakangising tanong ni Mrs. Del Fierro.
Humalakhak si Mrs Rockwell.
"Enough, Cassandra. There's no enemy here. We're here for Amelia's shares." Matigas na sinabi ni Mr. Del Fierro.
"Of course, I know. Hindi ko maintindihan kung paano nanatili ang kanyang share kahit na patay na siya. Sana ay sinama niyo na lang 'yong pera niya sa kanyang kabaong."
Kinagat ko ng mabuti ang labi ko para mapigilan ang pagsasalita ng masama.
"I'm sorry, Sunshine. Please take a seat." Nilahad ni Mr. Del Fierro ang upuan sa pinaka malapit sa akin.
"This is Diana Rockwell and Thalia Torrealba, mga kapatid ko." Sabi niya sabay lahad sa dalawang babaeng nandoon.
Tumango ako at nginitian ko silang dalawa kahit na naka ismid ang isa. "This is Mr. Hermano, one of our stockholders. At eto si Attorney Padilla at Attorney Gil." Sabi niya sa dalawang naka harap sa laptop.
Bumaling si Mr. Del Fierro sa kanyang anak na tahimik na nauupo pero pinigilan niya ang sarili niyang isali si Rage.
"Let's start, Attorney." Sabi ni Mr. Del Fierro at umupo na sa gilid ko, malapit kay Rage.
May binasang mga artikulo si Attorney. Panay ang ismid ni Mrs. Del Fierro at hindi ko marinig ng maayos dahil sa tuwi tuwina niyang pag tikhim.
"Let's finish this, attorney. How much is her share? May natira ba? Kasi dapat pagkamatay niya ay agad ng tinanggal ang shares. The money should stop rolling because she's dead! But why is her-"
"Cassandra! Stop it! Hayaan mo na!"
"God, Marco! It is but a small amount of money pero pinapatagal mo? What is this to you? you're woman is dead!" Sigaw ni Mrs. Del Fierro.
Yumuko ako at pinigilan ko ang sarili ko. Panay ang paalala nila sa pagkamatay ni mama at hindi ko yata kayang marinig kung lumala pa ito.
"Saan ko naman ilalagay ang pera niya? At ikaw na rin ang nagsabi, it's a small amount of money-"
"Dapat ay dinispatsya mo na 'to noon pa. It doesn't help our company. Ipinasok mo lang naman 'yon doon dahil mistress mo ang pokpok na 'yon. Thank God she's dead."
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa mga kamay ko. Hindi ko mapigilan ang pag tapon ko ng tingin sa kay Mrs. Del Fierro.
Nakita niya ang matalim kong tingin at mas lalo siyang umismid.
"What's with that look? Are you going to kill me for this?"
May nagbara sa lalamunan ko. Isang hingang malalim ay namuo ang mainit na luha sa gilid ng aking mga mata.
"If you attack me, hindi ako papayag na makukuha mo 'yong share mo." Ani Mrs. Del Fierro.
Napaawang ang bibig ko. Kailangan kong isipin na nasaktan siya dahil naging kabit ang mama ko. Nasaktan siya ni mama pero hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Wala kang karapatan na tawaging pokpok ang mama ko!" Sabi ko.
"She's a mistress, Sunny. Hindi ba pokpok 'yong mga 'yon?" Dagdag ni Ezra.
Napatingin ako sa kanyang nakangiting mukha. Pinapanood ni Rage ang bawat ekspresyon ko pero binalewala ko iyon. Hindi non pinigilan ang pagtalim ng tingin ko kay Ezra.
"Enough of the bullshit." Sabi ni Mrs. Rockwell.
"Ezra, tama na. Let's do this thing nang matahimik na kayong lahat. Huwag niyo ng patagalin 'to!" Sabi ni Mr. Del Fierro.
Pinigilan ko ang aking damdamin nang nagsalita ulit si Attorney. Binasa niya ang lahat ng mga pinag gamitan ng pero at lahat ng revenue na matatanggap.
"Amelia Mercedes G. Aragon or her heir will recieve One million and twenty five thousand pesos-" Hindi pinatapos ni Mrs. Rockwell ang pagsasalita ni Attorney sa kanyang pagtawa.
"Have you lost your mind, Marco? How much did she invest in this company? Five hundred thousand? Parang tabi tabing kompanya lang, ah?"
"Stop it, Diana. Attorney, can we transfer the money on her account. Sunshine, may bank account ka ba?"
Nalaglag ang panga ko. Hindi ko nasundan lahat ng mga sinabi. Masyado kong dinibdib ang pang iinsulto ni Mrs. Del Fierro sa mama ko.
"And she gets away with the gold. What a gold digger." Iling ni Mrs. Del Fierro.
Tinapunan ng matalim na tingin ni Mr. Del Fierro ang kanyang asawa bago bumaling ulit sa akin. "May bank account ka ba?"
Umiling ako. "W-Wala po akong pera na pwedeng ilagay sa bangko." Simple kong sagot.
Nagulat si Mr. Del Fierro sa sinabi ko.
Humalakhak si Ezra at hinawakan ang braso ni Rage. Nakita kong humiig si Rage sa mesa. "Pa, you can't just pull out that money. I have a big project coming."
"Son, that's a small amount of money. I'm pretty sure hindi maaapektuhan ang transactions natin just because we pulled out a million?" Sabi ni Mr. Del Fierro.
"Actually Mr. Del Fierro, we still need to wait bago ma process 'yong pera. Hindi po declared na patay si Mrs. Aragon sa mga files kaya hindi pa matatransfer sa kanyang tagapag mana. Isa pa, may last will si Mrs. Aragon at ang sabi dito ay heiress will need to cooperate and give her services to the company."
Kumunot ang noo ko. Nakita kong umangat ang labi ni Rage.
"See, she needs to work for whatever she wants to get." Nag alab ang mga naglalarong mata niya habang tinititigan ako.
Hindi ko maiwasan ang pagtitig pabalik.
"Work here, Rage? Nagtrabaho na siya dito bilang janitress." Humagalpak sa tawa si Ezra. "Isn't that enough?"
"We have two to three weeks bago ma process 'yong transfer sa pangalan niya, Mr. Del Fierro. She will need to wait three weeks at most for the money." Sabi ni Attorney.
Bumitiw ako sa pagkakatitig ko kay Rage. Bumaliktad ang sikmura ko. Para bang alam ng anak ko kung sino ang katitigan ko kanina. Shit!
Kinagat ko ng mabuti ang labi ko at tinitigan si Attorney. Lahat ng lakas ko ay ginamit ko para hindi ako maduwal.
"Wala po bang paraan na mapabilis? Isang linggo po, hindi ba pwede?" Tanong ko.
"Oh my God! She's such a gold digger, tita!" Ani Ezra.
"May pinag manahan. Parehong pokpok at gold digger." Tumawa si Mrs. Del Fierro at hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Tumayo ako at kinuha ko ang tubig na nasa harap ko at binuhos ko iyon sa kanya. Sumigaw si Ezra at napatayo si Mrs. Rockwell. Mabilis akong hinawakan ni Mr. Marco Del Fierro.
Mabilis din ang hininga ko at tingin ko ay nag dilim ang pangingin ko.
"Gustong gusto ko nang makuha ang pera na 'yon dahil pera 'yon ng mama ko, pera ko 'yon! At ayaw ko nang mapatagal pa ang proseso dahil tang ina nagdidilim na ang paningin ko sa buong pamilya ninyo!" Sigaw ko na ikinagulat ni Mrs Del Fierro.
"Stupid girl!" Sabi ni Mrs. Del Fierro habang nanginginig ang kamay niya sa pagpapahid ng tissue sa parteng nabasa ng tubig.
"Tita, are you okay?" Mabilis na tumabi si Ezra sa mommy ni Rage.
Hinawi ko ang kamay ni Mr. Del Fierro at hinarap ko ang attorney.
"Ilang linggo?" Tanong ko.
"Tatlo... And, uhm, we ask you to be with the company for the mean time so you can-"
Shit.
"Fine." Sabi ko at nilagay ko ang baso sa harap niya at agad ng naglakad palayo doon.
"Walang modo! Walang pinag aralan!" Sigaw ni Mrs Del Fierro sa akin habang paalis ako doon. Wala akong pakealam. Naubos na ang pakealam ko.
####################################
Kabanata 47
####################################
Kabanata 47
Truth
"Sunny, di talaga makakabuti 'yang pag iyak mo." Sabi ni MIa, nag aalala niya.
Kanina pa siya basa nang basa sa mga magazine ng tungkol sa pagbubuntis. Hindi ko naman kayang tumigil sa pag iyak. Tapos na akong humagulhol kanina. Nakahiga ako sa sofa ngayon at nanlulumo sa mga nangyari.
Pabalik balik kong inisip 'yong galit sa mukha ni Rage kanina. Pabalik balik ko ring inisip ang bawat insulto ng kanyang mama at ng kanyang fiancee sa akin.
"Hindi ko lang talaga mapigilan." Sabi ko at pinunasan ang luha ko.
Kahit na tahimik na ako ay pilit paring tumutulo ito. Basang basa na ang unan sa sofa. Kanina pa tumutunog sa mga mensahe ang cellphone ko at kanina ko pa din itong binabalewala.
"Stress affects the baby, Sunny." Sabay turo ni Mia sa isang pahina ng magazine.
Umupo ako ng maayos at tumango. Alam ko naman iyon. Kahit paano ay narinig ko na iyon sa TV o sa mga balita na hindi daw nakakabuti ang stress sa bata. Lahat ng emosyon ko, maaapektuhan ang bata. Sorry, baby, di lang maiwasan ni mommy.
Dinampot ko ang cellphone ko. Sa tabi ay si Mia na seryosong nagbabasa ng magazine. Nakita ko ang iilang mensahe ni Jason doon.
Jason:
Sunny, since di ka nag rereply para bukas. Pwedeng sa Lunes na lang 'yong dinner?
Kumunot ang noo ko at chineck pa ulit ang iilang mensahe galing kay Jason at nagulat ako sa mga sinabi niya.
Jason:
Birthday ko Mondat. Pwede ba tayong mag dinner bukas?
Jason:
You free tomorrow, Sunny?
Jason:
Sorry sa istorbo. I think you're busy.
Mabilis akong nag reply. Naramdaman ko naman ang titig ni Mia sa cellphone ko at hinayaan ko siyang mabasa ang reply ko.
Ako:
Mag papahinga ako bukas. I'll try sa Monday, Jason. Advance Happy Birthday!
Nilingon ko si Mia na may kaduda dudang tingin sa akin.
"Buti tinanggihan mo bukas." Aniya.
"Babawi ako sa kanya sa Lunes. Ayoko pang lumabas bukas. Masama ang pakiramdam ko." Sabi ko at mabilis akong hinawakan ni Mia na para bang may lagnat ako.
"Jusko, Sunny. Ayusin mo sarili mo. Hindi ka pwedeng ma stress at magkasakit. Tapos tinanggap mo pa ang gusto ni Rage? Ma sstress ka don. Anong gagawin mo sa kompanya?"
Nagkibit balikat ako. "Hapon na ako pupunta sa Lunes. Magpapaliwanag na lang ako na nag aaral ako kaya hindi ako pwedeng pumasok ng maaga."
"Edi sana wa'g ka ng pumasok. Pinapahirapan ka pa ng Rage na 'yan. Tingin ko ay gusto niya lang makaganti sayo." Ani Mia.
Tulala ako at inisip na hindi na lang papasok. Ano naman ang maitutulong ko sa kompanya? Kanino ako mag rereport at may maitutulong ba talaga ako? Dumami ang tanong ko at kahit si Kid ay hindi nakakasagot.
"I don't know. Maybe they'll assign you somewhere, Sunny. Sa Finance siguro? O sa kahit saang busy na department." Sabi ni Kid.
"Wa'g na wa'g niyang iaassign si Sunny sa Maintenance at masusupalpal ko 'yang Rage na 'yan!" Ani Mia.
Pinanood ko ang lettuce na nasa pinggan ko. Natakot tuloy ako na baka mastress ako sa trabahong ito.
Kaya naman ay buong araw ng Linggo ay wala akong ginawa kundi ang mag pahinga. Abala si Mia sa pag lilinis sa condo ni Kid at si Kid naman ay may lakad simula pa kaninang umaga. Lumabas ako ng kwarto para tumulong sa pag mo-mop niya pero pinagalitan niya ako kaya kumuha ako ng feather duster para pasadahan ang mga cabinet doon sa loob.
"Sunny, makakasama sa'yo-"
"Mia naman. Siguro mas nakakasama kung buong araw akong nakahiga." Sabi ko at patuloy akong nag punas.
Tumahimik si Mia at umiiling habang nag mop rin. Pinanood ko siya at ang kanyang nakataling buhok ay magulo ngunit lumilitaw parin ang ganda niya.
"Mia, saan ba nagpunta si Kid?" Tanong ko para may mapag usapan kami.
Nitong mga nakaraang araw ay halos ako palagi 'yong pinag uusapan namin. Gusto ko ring malaman 'yong tungkol sa kanila pero dahil hindi ko na namamalayan ang lahat, hindi na rin ako nakakapagtanong.
"Ah, tuwing Sunday wala siya kasi kasama niya pamilya niya." Sabi ni Mia habang nakatingin sa sahig na mina-mop.
Tumango ako. "Nagpaiwan ka ba dahil nandito ako?"
Umiling siya at nagpatuloy sa pag mo-mop. "Hindi niya ako sinasama."
Dahan dahan akong tumango at pakiramdam ko ay nag init ang pisngi ko. Pinunasan ko ang namuong pawis sa aking noo. "Uhm, talaga?" Wala na akong maidugtong. Galit ako sa sarili ko at agad kong pinagsisihan kung bakit ko pa inungkat ito.
"Ayos lang. Okay lang naman. Buti nga nandito ka." Tumawa siya at sumulyap sa akin ngunit alam kong may mali.
Naaalala ko noon kung paano niya ako binalaan sa mga mayayaman at mga katulad ni Rage o ni Kid, hindi siya nagkamali para sa akin. Pero sa tingin ko naman ay seryoso si Kid sa kanya.
Nawalan ako ng mga salita. Nanahimik na lang ako at nag linis. Hindi ko alam kung ano ang maaari kong sabihin sa kanya para maalis 'yong kung anong bumabagabag sa kanya.
Kinabukasan ay maaga ako sa school. Kinailangan kong tapusin lahat ng maaga. Hindi na ako pwedeng mag babad sa library para sa mga assignments ko. Inisip kong makakatulong din sana ang laptop. May laptop si Kid at nagamit ko na iyon ng isang beses. Pero ang ilang assignments ko ay kinailangan ko pang pagtuunan ng pansin sa Computer Lab na madalas punuan o di kaya ay sa isang computer shop.
Kinagat ko ang labi ko at ginala ang mga mata sa tatlong assignment na kailangan ko pang itype. Natapos ko na ang pagsusulat at kailangan ko 'tong itype sa laptop at i print na rin. Inisip ko ang laptop ni Kid sa bahay. Siguro 'yon na nga ang gagamitin ko ulit.
"Sunny!" Humalakhak ang pamilyar na boses galing sa likod.
Tinabunan niya ang mga mata ko at napangiti ako dahil alam kong si Jason iyon at babatiin ko na siya ng Happy Birthday. Kanina ko pa siya hinahanap sa buong campus pero wala siya. Kahit sa ilang klase niya ay mukhang absent siya.
"Jason..." Sambit ko at hinwakan ko ang kamay niyang naka takip sa aking mga mata. Kinalas ko iyon at hinarap ko siya. "Happy birthday!" Kasabay ng pag bati ko ay ang pagkakagulantang ko.
Ang medyo magulong buhok niya ay naging napakalinis na. Lumitaw ang malalim niyang dimple sa pag ngisi niya at kumindat siya nang nakita ang gulat ko. Hindi ko mapigilan ang pag laglag ng mga panga ko. May rason talaga kung bakit crush ko siya noong high school. Sobrang gwapo at matipuno niya. Moreno, matangos ang kanyang ilong, at kulay pink ang kanyang labi. Matangkad din siya at kumpara noong high school na medyo payat siya ay gumanda na ang kanyang pangangatawan ngayon.
"Thank you!" Sabi niya sabay yakap sa akin.
Nalungkot naman ako. Dahil alam ko na kahit birthday niya ay hindi ko siya mapag bibigyan sa kanyang gusto. Kailangan kong pumunta sa Del Fierro building para magtanong kung ano ang magiging trabaho ko at kung pwede bang mga alas dos o alas tres na ako papasok. Kahit na abutin pa ako ng alas otso ng gabi ay kakayanin ko pa. Ayaw ko lang masyadong nag pupuyat dahil natatakot ako para sa baby ko.
"Sorry..." Sabi ko nang kumalas siya. "Di ako makakasama sa dinner ngayon kasi may gagawin ako."
Napawi ang ngiti niya at agad kong sinisi ang sarili ko. "T-Talaga. Sayang naman..." Medyo bigo niyang sinabi.
Nag iwas ako ng tingin at inisip ko kung pwede naman sigurong maaga na lang muna akong umalis ngayon dahil unang araw pa lang naman. "Hmmm, uhm, pero kung matatapos ako ng mga alas sais o alas syete, pwede siguro." Sabi ko.
Umaliwalas ang kanyang mukha. "Maghihintay ako. Saan ka ba pupunta?" Tanong niya.
Kinwento ko sa kanya na pupunta ako sa isang building. Nasabi ko rin 'yong totoo, na may perang iniwan si mama sa akin kaya kailangan kong pumasok sa building na iyon pansamantala para makuha ko iyon. Hindi ko na binanggit sa kanya ang tungkol kay Rage dahil hindi na rin naman kailangan. Gusto ko lang na malaman niya na importante din itong ginagawa ko kaya hirap akong makasama sa imbitasyon niya.
"So... susunduin kita doon. Text na lang tayo?" Sabi ni Kid bago mag paalam para sa susunod niyang klase.
Tumango ako. "Sige, Jason. Happy birthday ulit."
Sa byahe patungong Del Fierro Building ay inisip ko kung anong klaseng dinner ang inihanda ni Kid. Iyon bang marami kami o kaming dalawa lang? Nagsisi ako kung bakit hindi ako nag tanong. Bakit nga ba? Mag babago ba ang isip ko kung kaming dalawa lang pala?
Nakapag palit na ako pagkapasok ko ng Del Fierro building. Simpleng floral dress ang suot ko at flat shoes. Sa elevator ay panay ang isip ko kung saan nga ba ako pupunta? Nang tumigil ang elevator sa 15th floor, 'yong palapag ng maintenance ay pumasok si Mrs. Ching. Gulat na gulat siya nang nakita ako at hindi ko mapigilang ngumiti sa kanya at makipag kamustahan.
"Naku, di ko inakala na may share ka pala sa kompanya! Alam ba 'yon ni Sir Rage nong una kang pumasok? Bakit ka niya hinayaang mag janitress?" Umiling siya at doon ko lang din iyon narealize.
Diretso ang tingin ko sa pintuan ng elevator. Maaaring alam niya, pero sa galit niya ay gusto niya akong pahirapan. Ngayon ay galit ulit siya sa akin. Anong klaseng paghihirap ang matatamo ko galing sa kanya.
Bumaba si Mrs Ching sa 35th floor kaya ako na ang nag patuloy patungo sa opisina ni Rage Del Fierro. Pagkabukas ng elevator ay agad kong nakita si Rage, 'yong attorney, si Logan, at si Mr. Marco Del Fierro.
Kitang kita ko kung paano tumayo si Mr. Marco Del Fierro pag dating ko. Napatingin ako kay Rage na ngayon ay pinapanood ako habang pinag tatama ang dalawang palad sa kanyang harapan. Nilalaro niya ang kanyang daliri kaya bahagyang kumunot ang noo ko at nag iwas na ng tingin.
"Pasensya na po, late ako." Panimula ko nang nakapasok.
"Very late." Sabi ni Rage.
Hindi ko siya nilingon. Nakatingin ako kay Attorney. "May pasok kasi ako. Nag aaral ako."
"Hmm. That's good. Maganda 'yang nag aaral ka." Singit ni Mr. Del Fierro. "But how do you pay for your bills?"
"Uh, nag tatrabaho po ako sa Marlboro Girls." Sabi ko at naisip na baka hindi niya alam kung ano 'yon. "Yong nagbibenta ng sigarilyo sa mga high end bars tuwing Biyernes at Sabado."
Tumango si Mr. Del Fierro. "Hindi ba delikado 'yon?"
"Pa, cut the crap. She needs to work for our company. Kung may shares siya, kailangan niyang paghirapan 'yon. Besides, di pa niya makukuha 'yon. Stop the catching up thing." Iritadong sinabi ni Rage.
Bumagsak ang tingin ko sa aking mga daliri at hindi ko mapigilan ang pagkakainis sa kanya. "Hindi ko alam kung saang banda ako mag tatrabaho dito. Wala akong alam sa negosyo ninyo. I don't think I can help. Pero susubukan ko parin. Kailangan ko po yong pera." Nag angat ako ng tingin kay Mr. Del Fierro.
Tumango siya. "Susubukan naming madaliin 'yong process. Pero ayaw mo bang mag invest ng kahit konti at kunin na lang ang ilang parte nong shares, instead?"
"Mrs. Del Fierro would not approve, Sir." Sabi ni Attorney.
Umupo si Mr. Del Fierro at tumitig sa attorney. Si Logan ay nanonood lang sa amin habang umiinom ng alak sa tabi ng malaking abstract painting.
"Rage is the owner of this company. He can make it happen." Napatingin si Mr. Del Fierro sa kanyang anak.
Hindi ko na hinayaang magsalita si Rage. Ako na mismo ang sumalo. "I pu-pull out ko lahat ng shares ni mama. Gaya ng sabi ni Mrs. Del Fierro, masyadong maliit 'yong pera para makinabang ang kompanya niyo. Nakakahiya naman."
"You need the money too much, Sunny." Sabi ni Logan.
Napatingin ako sa kanya at nagtaas lang siya ng kilay pagkatapos ay sumimsim sa kanyang alak.
"Well then... do this for me." Sabi ni Rage at nilagay niya ang sandamakmak na papel sa harap ng kanyang mesa.
Humalukipkip siya at nalukot ang ilang parte ng kanyang plantsadong itim na long sleeve polo habang pinapanood ako. Nakalabas ang kanyang dogtag at sa titig niyang galit ay nangatog ng di inaasahan ang binti ko. Shit!
"Okay." Nagkibit balikat ako. "Sa abot ng aking makakaya ay gagawin ko 'to."
Lumapit ako sa kanya para tingnan ang lahat ng papel na nandoon. Nakita ko lahat ng magugulo at maraming sulat na pinirmahan niya. Lahat yata ng na approve na budget ay nandito. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko sa mga papel na 'to.
"Anong gagawin ko dito?" Nag angat ako ng tingin sa kanya.
"Pumunta ka sa Finance. Don mo 'yan gawin. Gawan mo ng table na nag susummarize ng lahat ng 'yan." Aniya at umupo sa kanyang swivel chair.
Tumango ako at nagtama ang paningin namin. Bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko mapigilan ang pag kagat ko saking labi kaya tumingin ako kay Mr. Del Fierro. "Okay lang po ba na ganitong oras na ako makakareport? Kailangan ko po kasi talagang mag aral." Sabi ko.
"Ask my son." Nagtaas ng kilay si Mr. Del Fierro at may tinanong sa attorney.
Bumaling ulit ako kay Rage at nag hintay ng sagot dahil nakatingin na siya ngayon sa iilang papel sa harap.
Hindi ako nagsalita. Hinintay ko lang talaga ang magiging sagot niya. Nang naramdaman niya ang titig ko ay nagtaas siya ng dalawang kilay.
"May magagawa pa ba ako? Go and finish your task, Sunny." Malamig niyang sinabi at tumingin siya ulit sa papel na binabasa niya.
Tumango ako at sinikop lahat ng papel na kailangan kong dalhin sa Finance floor. Medyo mabigat iyon at napangiwi ako habang niyakap ko ang lahat ng 'yon.
"Let me help you, Sunny." Sabi ni Logan sabay kuha sa iilang papel na nagpapabigat sa dala ko.
"Wa'g na." Sabi ko kahit na nasa kanya na ang iilang papel.
"Pababa din naman ako. Ihahatid na lang kita sa finance tapos baba na ako." Ani Logan.
Tumango ako at hindi na tumanggi sa tulong. Para din ito sa baby ko. Ayokong mapagod ng husto.
Pumasok kami sa elevator at napatingin ako kay Rage bago nagsarado ang pintuan at nakita kong nanatili ang kanyang tingin sa papel na kaharap kanina.
Nang sarado na ang pinto ng elevator ay narinig ko ang buntong hininga ni Logan.
"Akala ko mapapatay niya ako ngayon. He used to be possessive... of you." Aniya sabay tingin sa mga numero sa taas ng sinasakyan namin.
Tiningala ko siya at may parte sa akin na gumuho. Just when I got attached to his attention, that's when he took it back. Hindi ko siya masisisi dahil ako mismo ang nag palayo sa kanya. At iyon ang ginusto ko. Iyon ang paninindigan ko. Hinding hindi ako manunumbat. Hinding hindi ako manghihingi ulit pero hindi ko lang talaga maiwasan ang pagkurot ng puso ko. Mahal ko, e. Pero paano ko pa siya mamahalin kung nadungisan na ang paningin ko sa kanya? Paano ko siya mamahalin kung ayaw ng pamilya niya sa akin? Hindi ako matatanggap ng pamilya niya at ayaw kong maramdaman 'yon ng anak ko. I can't help but feel the pain. I want this love but it has to end. There's no other way. Siguro naman ay tama rin ang ginagawang pag distansya ni Rage. Kailangan ko nang masanay don. Napagod siya at nasaktan ko rin siya.
"Okay lang, Logan. Nandito naman ako para mag trabaho." Sabi ko.
Napatingin si Logan sa akin. "If you wanted so bad to get away from him, why are you here? Do you want him back, Sunny?"
Nagulat ako sa tanong niya. Umiling ako at ngumiti. "No. Kailangan ko 'yong pera, Logan." And that was the truth.
####################################
Kabanata 48
####################################
Kabanata 48
Buntis Ako
Nakakalito ang ginawa kong trabaho. Kalahati pa lang ako ngunit inaantok na ako. Humikab ako pagkatapos kong itype ang pang ilan ko ng papel.
Nakaupo ako sa isang abandonadong table dito sa Finance na palapag at kanina pa ako pinapanood ng mga tao dito na parang isa akong misteryo sa kinauupuan ko.
"Bilisan mo dyan, may ibibigay pa daw na pahabol si Rage." Sabi nong head ng finance na si Ms. Mendez.
Tumango ako at pinanood ko siya habang tumataas ang kilay at humahalukipkip sa harap ko. Mainit ang dugo niya sa akin kahit na halos ngayon lang kami nagkita.
Narinig kong bumukas ang pintuan ng buong department. Binalewala ko iyon dahil palagi namang marami pumapasok at lumalabas doon. Nagpatuloy ako sa pagtype nang napagtanto kong tumahimik ang kani kanina'y medyo maingay na palapag.
Binalewala ko 'yon at nagpatuloy sa pag type nang bigla akong may narinig na mga yapak ng matulis na heels malapit sa akin.
Tumingala ako at naaninag ko si Mrs. Del Fierro, naka puti at may malalaking gold na necklace. Tumigil siya sa gilid ng aking mesa at dinungaw niya ako.
"Hindi ko maatim na totoong nandito ka sa kompanya namin." Sabi niya. "And you look exactly like your bitch of a mother. Hindi ko maatim na may mukha na namang tulad niya ang pumapasok sa building na ito."
She called my mother a bitch and she expects to be respected?
"Mrs. Del Fierro, iwan niyo po ako dito kung ayaw niyong maulit ulit 'yong nangyari nong isang araw." Paunang banta ko.
Umiling siya sa akin. "They cheated on me. Your mother and my husband, Sunny. Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko. And she's not going to get away from all of her sins this time. You are gonna pay. My son is making you pay."
Tinikom kong mabuti ang bibig ko. Kinalma ko ang sarili ko dahil ayaw kong magalit. Ngunit habang tumatagal ang presensya niya dito ay mas lalong kumukulo ang dugo ko.
"So don't you ever seduce him again." Pang huling sinabi ni Mrs. Del Fierro bago siya umalis.
Pinanood ko ang dire diretso niyang paglalakad patungo sa pintuan. Narinig ko ang buntong hininga ng mga tao sa buong finance. Pinapanood nila ako ngunit walang ni isang nangahas na lumapit o makipag usap. Naiintindihan ko naman 'yon. Siguro ay pag nakita ng kanilang head na si Ms. Mendez na may kumausap sa akin ay malaki ang posibilidad na pag iinitan lang nila ang empleyadong 'yon.
Naging magulo ang utak ko. Bakit kailangan niya pang bumisita dito? Hindi niya ako kailangang paalalahanan tungkol kay Rage dahil talagang hindi ako lalapit kay Rage. Gaya ng sabi ko, gusto ko lang nong pera para sa anak ko. Iyon lang 'yon.
Sinikop ko ang mga papel para maibalik ko na kay Rage sa taas. Iilang empleyado na ang umuwi sa kanila. Alas syete na rin kasi ng gabi at konti na lang kami ang naroon. Panay ang hikab ko. Gusto kong uminom ng kape pero paulit ulit akong binalaan ni Mia na huwag basta bastang kumain o uminom ng kahit ano. Naaalala ko rin na sinabi niya sa aking hindi ako pwedeng uminom ng kape.
Pinindot ko ang elevator at humikab ulit ako. Tumunog ang cellphone ko. Sinubukan kong kunin iyon sa aking bag kahit na nahihirapan ako sa pag bubuhat nitong maraming papel. May iilang mensahe si Jason doon.
Jason:
You done?
Jason:
Hindi ka pa ba nagugutom? Can I fetch you?
Mabilis akong nag type ng reply kahit na nahihirapan ako sa mga dala ko.
Ako:
Patapos na. See you.
Tumunog ang elevator at mabilis na bumukas ang pintuan. Nag lakad agad ako papasok sa loob nang nakita ko si Rage, seryoso na nakatitig sa kanyang computer habang si Ezra ay nakayakap sa kanya galing sa likod. May binubulong si Ezra sa kanya. Lumunok ako at piniga ang puso ko. Nanlamig ang mga kamay ko at gusto ko na lang bumalik sa elevator at wa'g na lang ibigay ang mga papel sa kanya.
Nagtama ang mga mata namin. Nakita rin ako nI Ezra at ngumisi siya sa akin. Buong lakas kong tinulak ang pintuan para makapasok sa loob. I need to stay calm, act calm and stop panicking.
"Tapos ko na 'tong mga binigay mo." Sabay dungaw ko sa mga papel.
Narinig ko ang buntong hininga ni Rage. Hindi ko siya matingnan. Lalo na't nakapulupot sa kanyang leeg ang braso nI Ezra.
May tinulak si Rage na mas marami pang mga papel. Napatingin ako sa seryoso niyang mukha.
"Bagal mo. That's the second batch." Sabi ni Ezra sa likod niya.
Nag igting ang bagang ko. "Pwede bang bukas na 'to?" Sabi ko.
"Marami pa bukas. If you won't work on that now, mas lalong dadami..." Sabi ni Rage. "Ezra..." Pigil niya sa pagbubulong ni Ezra.
Pinanood ko ang pag kunot ng noo ni Rage at ang pag hawi niya sa kamay nito. Hindi ko alam pero bumabaliktad ang sikmura ko. Iniisip ko na baka may ginawa o may gagawin sila dito sa loob ng opisina ni Rage at nakakaistorbo lang ako. Sumikip ang dibdib ko at naisip ko ang anak ko. Pag nanatiling negatibo ang bawat iniisip ko ay talagang makakasama ito sa kanya. Sorry, baby.
"Okay. P-Pero di ko 'to magagawa ngayon. Bukas na lang." Sabi ko sabay kuha ko sa mga papel na nakatapong doon.
Mas mahirap itong dalhin ngayon kaya medyo mabagal akong nakakilos. Dinig ko ang mga daliri ni Rage na naglalaro sa kanyang mesa habang pinagmamasdan ako.
"Sunny, kailangan mong malaman na hindi pwede 'yong mabagal sa kompanya na 'to. Kailangang mabilis magtrabaho." Sabi ni Rage.
"Alam ko. Kailangan ko lang talagang umuwi. Babawi na lang ako." Sabi ko nang di siya binalingan.
Dumiretso na ako sa elevator. Inisip ko ang lahat ng maaari nilang gawin habang nandoon sila. Mababaliw na yata ako sa kakaisip. Hindi talaga ako pwedeng magtagal dito kay Rage. Dapat ay makalayo na ako sa kanya sa lalong madaling panahon kung hindi ay mababaliw na ako.
Pagkabalik ko sa Finance ay wala na masyadong tao. Umikot ang paningin ko at sumakit ang ulo ko. Hinawakan ko ang ulo ko sa sakit nito pagkatapos kong nilapag ang mga papel doon sa mesa.
Tumunog ang cellphone ko. May tumatawag pero hindi ko na muna tiningnan dahil kailangan ko pang maging maayos. Kinabahan ako at luminga para makahanap ng tubig o kung ano man pero walang ganon sa paligid. Malayo pa ang water dispenser at kinailangan kong umupo dahil sa pagkakahilo ko.
Pumikit ako ng ilang sandali. Nang medyo umayos ang pakiramdam ko ay huminga ako ng malalim at dumilat para lang makita ko si Rage na pumasok sa aming palapag. Mag isa siya.
Kumalabog ang puso ko at pakiramdam ko ay mahihilo ulit ako. Tumayo ako at mabilis na kinuha ang bag ko para makaalis na.
"I'll get the data. Hindi mo na print? I need it." Sabi ni Rage nang nakalapit sa akin.
Kinagat ko ang labi ko at binuksan na agad 'yong computer. Hindi ko naman alam na kakailanganin niya pala 'yon.
"Send mo na lang sakin. I'll give you my email address." Aniya.
Tumango ako at umupo para hanapin 'yong file at para na rin mag open ng email add.
Kumuha siya ng ballpen sa aking mesa at nilagay niya ang kanyang email address sa isang piraso ng papel pagkatapos ay binigay sa akin. Hindi ko siya tiningnan nang tinanggap ko iyon.
Nag open ako ng email address at mabilis kong na attach ang file sa mail at agad na sinend sa kanya nang sa ganon ay makaalis na ako doon.
"Tapos na." Sabi ko at agad pinatay ang browser at computer.
Hindi siya umaalis sa kinatatayuan niya kaya nilingon ko siya. Mabigat at malalim ang tingin niya sa akin habang nakahalukipkip.
"You're in a hurry?" Aniya.
"May gagawin ako."
"That's the reason why you can't stay and finish more important things for the company. Wala kang pakealam sa kompanyang iningatan ng mama mo." He concluded.
Nagulat ako sa sinabi niya. "Hindi ko alam kung bakit ka nagagalit pero may kailangan akong gawin sa gabing ito. Kung may oras naman ako, sisiguraduhin ko namang matatapos ko lahat ng gagawin ko." Sabay tayo ko.
Nagtama ang paningin naming dalawa. Ilang pulgada na lang at magtatama na rin ang katawan namin. Hindi siya umatras palayo sa akin. Sinalubong niya ako ng mabigat na tingin. Kunot ang kanyang noo at kitang kita ko ang pag gapang ng galit sa kanyang mukha.
"You're only doing this for the money, Sunny?" Mariin niyang sinabi.
Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko siya ng ganon. Iyon naman kasi talaga ang totoo. Nandito ako para makuha ko ang share ni mama at nang makatulong ito sa anak ko. Hindi ko maipagkakaila 'yon.
"Yes, I am, Rage. Kailangan ko ng pera." Sabi ko ng mas mariin.
Nakita ko ang pag igting ng panga niya. Galit siya. Kahit na nalalasing ako sa titig niya ay kailangan kong magpakatatag dito.
"Bakit di mo balikan 'yong fiancee mo? Kailangan ko na ring umalis. Tapos ko nang nasend sa'yo 'yong hinihingi mo. Huwag kang mag alala, mag oover time ako bukas." Sambit ko at nag iwas ng tingin.
Ngunit bigla niya akong tinulak. Napasandal ako sa dingding malapit sa aking mesa. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bumilis ng husto ang hininga ko at hindi ko alam kung makakabuti ba ito para sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko at nangatog ang binti ko nang nakita ko ang nag aalab na galit sa kanyang mga mata.
"Galit na galit ako sa'yo, alam mo 'yon?" Lumapit siya sa akin.
Parang natutunaw ang tuhod ko sa sobrang kaba. Pakiramdam ko ay mapapaluhod ako. Mabilis ang pintig ng puso ko at hindi ko na maintindihan kung naghuhuramentado na ba ako o mahihimatay na.
Nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil kung hindi ko iyon gagawin ay magtatama ang aming ilong. Ramdam ko ang hininga niya sa aking tainga at napapikit ako, nanghina. Ang mabilis na pintig ng puso ko ay parang nag diriwang. Ang bawat hininga ko ay parang binabara. Ang aking tiyan ay nakikiliti. Shit. Wa'g ngayon, please. Tama na. I can't fall in love over and over again. I should stop it. Ni hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito gayong galit naman siya sa akin at galit din ako sa kanya.
"Galit na galit ako sa'yo. Fuck ang bilis mong makahanap." Bulong niya.
Mabilis ang hininga ko at nagawa ko paring magsalita. "Galit din ako sa'yo."
Nilagay niya ang mga kamay sa dingding at yumuko siya ng kaonti para mas lalo pang maabot ang aking tainga. Dikit na dikit ako sa dingding at nanghihina na ako. Nang namataan ko ang kanyang napaawang na labi ay naaakit akong halikan ito! Nahihibang ka na ba, Sunny?
"Galit na galit ako. Sobrang galit ako." Bulong niya sa mas marahan na paraan. "Ang sarap sarap mong parusahan."
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako makahinga sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko.
"Sunny?" Narinig ko ang pamilyar na boses sa likod ni Rage.
Hindi gumalaw si Rage. Hindi ko makita ang kanyang mga mata. Nanatili akong nakakulong sa kanyang mga braso dahil hindi siya gumalaw man lang para makita kung sino ang nagsalita. Nang natauhan ako at naalala kong si Jason 'yong nagsalita ay naitulak ko si Rage palayo sakin.
"Jason!" Sabi ko at nakita kong kumunot ang noo ni Jason nang nakita si Rage sa likod ko.
Nanlamig ang buong mukha ko. Kailangan na naming umalis ni Jason dito. Ayokong magkagulo!
May inilahad siyang mga bulaklak para sa akin at nalaglag ang panga ko.
"Hindi ako makapag hintay kaya umakyat ako dito." Aniya habang pinapanood si Rage sa likod.
Shit!
"Sorry. Let's go." Sabi ko sabay hila sa kanyang braso.
Pumikit ako at nagdasal na sana ay walang mangyaring masama habang palabas kami sa opisina. Nilingon ko si Rage at nakita kong tumama ang kamao niya sa dingding na hinihiligan ko kanina.
Panay ang tanong ni Jason sa akin tungkol kay Rage. Hindi na maganda ang naging tono niya kahit na pinipilit niyang maging normal.
"Hindi ko alam na 'yon pala 'yong boss mo. Ex mo 'yong boss mo?" Sabi ni Jason.
Pinagmasdan ko ang kulay yellow at red na roses na ibinigay niya sa akin. Mabilis pa ang pintig ng puso ko dahil hindi ko pa nakakalimutan ang pakiramdam nong binubulungan ko si Rage. Ayaw ko sanang sagutin ang mga tanong ni Jason pero kailangan.
"Siya 'yong boss ko. Daddy niya ang kabit ni mommy." Paliwanag ko hanggang sa bumaba ang elevator sa lower ground.
Kasabay ng pagbaba ng elevator sa Lower Ground ay ang pagkakahilo at pagduduwal ko. Nabitiwan ko ang mga bulaklak na ibinigay niya at mabilis akong tumakbo sa basurahan, dahil iyon ang nakita kong pinakamalapit na pwedeng sukahan.
"Sunny!" Nag aaalalang sigaw ni Jason.
Hinawakan niya ang likod ko nang naabutan niya ako sa basurahan. Panay ang suka ko hanggang sa wala na akong maisuka.
"Sunny, ayos ka lang?" Nag aalalang sambit ni Jason.
Naluluha ako dahil sa pagsusuka ko. Tinanggap ko ang binigay na tissue ni Jason at pinunasan ko ang bibig ko non.
Kinagat ko ang labi ko at nilingon ko si Jason. Kung sana ay siya 'yong minahal ko. Kung sana ay mas nauna ko siyang nakita ulit kesa kay Rage ay siguro wala akong problema ngayon.
"Jason... buntis ako." Sabi ko at nanginig ang boses ko.
Nanlaki ang mga mata niya. Bago pa siya makapag salita ay dinagdagan ko na.
"Si Rage ang ama ng baby ko. Please, wa'g mong sabihin kahit kanino. Ayaw kong may makaalam."
####################################
Kabanata 49
####################################
Kabanata 49
Away
Sa gulat ni Jason ay hindi siya agad nakapagsalita. Binigyan niya lang ako ng ilan pang tissue. Kinuha ko ang alcohol ko sa aking bag at nilagay ko saking kamay para mahimasmasan at maging maayos na ang pakiramdam ko.
Pinanood niya lang ako na para bang ilang sandali na lang ay sasabog na ako. Hinayaan ko siya. Alam kong nakakagulat iyon.
"Saan mo g-gustong kumain? O gusto mo ihatid na lang kita sa inyo? Masama pa ba ang pakiramdam mo?" Medyo nalilito niyang mga tanong.
Umiling ako. "Nag promise ako sa'yo na babawi ako ngayon. Birthday mo. We'll celebrate it, Jason." Sabi ko.
Tumango siya at tahimik akong inalalayan patungo sa kanyang sasakyan. Sa loob ay ganon parin. Pareho kaming tahimik sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nasira ko ang buong gabi niya.
"Saan mo ba gustong kumain?" Tanong ko habang nag da-drive siya.
Hindi niya ako sinagot, imbes ay pinaulanan niya ako ng mga tanong. "Nakapag pacheck up ka na ba sa doktor? Bakit ka nagtatrabaho kahit na ganito ang kalagayan mo? Ano ba talagang meron sa Rage Del Fierro na 'yan?"
Pakiramdam ko ay may utang akong eksplenasyon sa kanya. Hindi niya man sabihin ay kitang kita ko ang pagkaka frustrate niya sa mga pangyayari. Tumikhim ako at nagdesisyong sabihin sa kanya ang totoo.
Buong byahe kong kinwento ang tungkol sa amin ni Rage, sa pagkakakilala namin hanggang sa mga katotohanang nalaman ko tungkol sa aming pamilya. Nasa labas na kami ng mga buildings kung saan niya napag desisyunang kumain at hindi pa kami lumalabas ng sasakyan. Tulala at nakahawak pa siya sa manibela kahit nakapark na ang sasakyan.
"Naghiganti lang siya kaya niya nagawa 'yon." Panghuli kong sinabi. "'Yon ang alam ko."
Hinampas niya ang manibela at tumingin siya sa akin. "Bakit mo hinahayaang ganituhin ka ng gagong lalaking 'yon?" Sigaw niya sakin.
"Kailangan ko nong pera, Jason. Hindi pa ako nakakapag pa doktor, oo, dahil natatakot ako na baka di kaya ng ipon ko. Ang alam ko maraming gastusin. Vitamins, gatas, at marami pang iba at hindi kaya 'yon ng part time job ko. Ayaw ko mang aminin pero kailangan ko ng pera ni mama na nandon sa kompanya ni Rage."
Pumikit siya at pagkadilat ay medyo kumalma. "Hindi niya dapat malaman na buntis ka. He doesn't deserve you... or the baby, Sunny."
Hindi ko ito tinatago dahil don. Tinatago ko ito dahil natatakot ako para sa bata. Galit ang pamilya ni Rage sa akin, ayokong matamasa ng baby ko ang galit ng pamilya nila. Ibabalot ko ang anak ko sa pagmamahal na kaya kong ibigay at sana ay maging sapat na iyon.
Kinagat ko ang labi ko. "Gusto ko na lang lumayo. Pagkatapos kong makuha 'yong pera, lalayo na ako."
"What about school, Sunny?" Tanong ni Jason.
Yumuko ako at gumapang na ang panghihinayang na matagal ko nang binabalewala. Sa totoo lang, gusto ko pa talagang mag aral. Gusto kong tapusin kahit ang semester lang na ito. Ilang buwan na lang din naman ang kailangan, e. Mahigit dalawang buwan na lang. Siguro ay tatapusin ko ito atsaka umalis.
"Sunny..." Bulong ni Jason habang pinupunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi.
Inangat niya ang aking baba at mabilis akong hinalikan. Natigil ako sa paghinga at nanlaki ang mga mata ko. Bahagya ko siyang tinulak ngunit siya na mismo ang tumigil sa paghalik. Dumilat siya at mabigat ang mga mata niya nang tiningnan akong mabuti.
Hinawakan niya ang kanyang labi. Sa gulat ko ay napatunganga na lang ako.
"I was trying to get you to like me again. And now this..." Umiling siya.
Pinasadahan niya ng kanyang palad ang kanyang noo. Uminit ang pisngi ko at kumalabog ang puso ko sa kaba.
"I-I'm sorry, Jason." Sabay iwas ko ng tingin.
Huminga siya ng malalim at tinitigan niya ako. Sa gilid ng aking mga mata ay nararamdaman ko ang titig niya sa akin at di ko siya malingon.
"I will help you, Sunny. My Tito is an OB. Pwede tayong sa kanya pumunta. At mag pa check ka na sa lalong madaling panahon. Alam mo ba kung ilang weeks ka na? O buwan?"
Nag angat ako ng tingin at nagulat ako na seryoso siya sa kanyang mga sinabi. "Hindi ko pa alam."
Sa dinner namin ay tahimik si Jason. Para bang pinoproseso niya lahat ng mga sinabi ko. Naguilty ako kasi wala akong naging gift sa kanya ngayong birthday niya. Pinanood ko siya habang seryosong kumakain. Gusto kong magsalita para maibsan ang tensyon.
"Hindi ka ba... m-mag cecelbrate ng birthday kasama ang pamilya mo?" Tanong ko.
"I celebrated it yesterday. Isasama sana kita kaso sinabi mong pagod ka."
Mas lalo akong naguilty. Inisip ko kung ihahabol ko na lang ang regalo ko sa kanya. Ano kaya ang magandang iregalo para sa isang kaibigan? Guilty'ng guilty ako dahil wala siyang ginawa sa akin kundi maging mabait.
Inihatid niya ako sa condo ni Kid. Pagkabukas ni Mia ng pintuan ay agad siyang nairita nang nakita si Jason na kasama ko.
"Sunny..." Baling niya sa akin at nagsimula siya sa sermon sa harap mismo ni Jason. "Ang tagal mo naman! Kumain ka na ba?"
"She's fine, Mia. Pinakain ko na. Don't worry." Lumingon si Mia kay Jason at inirapan niya ito.
"Bakit ka natagalan?" Tanong ulit ni Mia sa akin.
"Uhm, birthday ni Jason ngayon. Sinundo niya lang ako sa building. Maaga naman akong umalis don." Sabi ko habang umuupo sa sofa.
Pagod na pagod na ako at inaantok pa. Panay ang hikab ko habang pinapanood ang TV. Sumulpot na naka tapis ng tuwalya si Kid galing sa kitchen at umiinom ng juice.
"Magandang gabi, Sunny. Kamusta ang unang araw? Kumain ka na ba? May ulam at kanin pa kami ni Mia sa kitchen." Tanong ni Kid na agad napawi ang ngiti nang makita si Jason.
"Ayos lang, Kid. Medyo madaming trabaho." Sabi ko. "Kumain na ako kasama ni Jason. Birthday niya ngayon."
Bumaling si Kid kay Jason. Umambang tatabi si Jason sa akin pero hinarangan siya ni Mia.
"Mi..." Narinig kong sambit ni Kid.
Napatingin ako kay Mia at Jason. Medyo nairita si Jason sa ginawa ni Mia.
"Salamat sa paghatid sa kaibigan ko. Pwede ka ng umalis." Mariing sinabi ni Mia.
Tumikhim si Jason. "Hindi ko alam kung ano ang problema mo at kung bakit ayaw mong inaalagaan ko si Sunny."
"Kaya niyang alagaan ang sarili niya. Hindi niya kailangan ng pag aalaga mo." Malamig na sambit ni Mia kay Jason.
Nakita ko ang paglapag ni Kid sa basong iniinuman at sa pag lapit niya kay Mia para pakalmahin siya.
"Mia, tama na. Okay lang." Sabi ko at tatayo na sana para pakalmahin na rin si Mia...
"I know she's pregnant. You're her friend, I'm her friend too. And I care for her, a lot. Hindi ko alam kung anong pinagpuputok ng butchi mo."
Nanlaki ang mga mata ni Mia.
"Mia, I'm sorry. Sinabi ko sa kanya kasi nasuka ako kanina. I trust Jason." Agad kong sinabi nang sa ganon ay humupa ang irita ni Mia sa nalaman.
"Mia..." Sabi ni Kid sabay hawak sa braso ni Mia. "Stop it, Jason. We're just protecting Sunny."
"Protecting from what? Or who? Kay Rage niyo dapat siyang protektahan, hindi sakin." Sabi ni Jason sabay tingin kay Mia.
"Kung umaasa ka na maaaring maging kayo, edi maging sayo, dapat namin siyang protektahan. Hindi niya na kailangan ng karagdagang problema ngayon!" Sigaw ni Mia kay Jason.
"Mia! Stop it!" Sigaw ni Kid sabay harap kay Mia. "You're over reacting!"
Napatayo na ako sa kaba dahil sa pag aaway nila. Nilapitan ko si Jason at halos hilahin ko siya palayo sa dalawa.
"I'm not overreacting, Kid. Alam ko lang 'yong maaaring mangyari at pinoprotektahan ko lang ang kaibigan ko!"
"Hindi nga natataranta si Sunny, ikaw pa kaya?" Sigaw pabalik ni Kid kay Mia.
Pumikit ako at agad sinarado ang pintuan sa likuran ko. Dinala ko si Jason sa labas ng condo at agad akong humingi ng tawad.
"I'm sorry, Jason. Sorry talaga." Sambit ko.
Tumikhim siya. "Ayos lang. Ako dapat mag sorry kasi nag away pa ang mga kaibigan mo."
Ngumuso ako at ilang sandali ay humugot ulit siya ng malalim na hininga bago nag desisyon.
"Itetext kita bukas. See you sa school? Tingnan ko kung makakakuha ba ako ng appointment sa tito ko." Aniya.
Tumango ako. "Maraming salamat, Jason. Tsaka happy birthday! Pasensya ka na talaga." Sabi ko.
Hindi ko alam kung paano talaga ako makakabawi kay Jason ngayon. Nahihiya ako sa kanya. Pumasok ako pabalik ng condo at ang dalawa ay nag aaway parin. Hindi ako makapag desisyon kung magsasalita ba ako o hahayaan na lang. Pero nang napagtanto kong ako ang dahilan kung bakit sila magkaaway ay wala na akong nagawa kundi ang magsalita.
"Mia, okay lang. Wa'g na kayong mag alala." Sabi ko sa gitna ng alitan.
"Anong hindi? Hindi pwedeng hindi ako mag alala para sayo! At isa pa, hindi ba sinabi ko sayo na layuan mo si Jason? Wa'g na nating hintayin pa na maging kumplikado 'to!" Ani Mia na pinutol ni Kid.
"Ano ba, Mia? Bukambibig mo ba talaga 'yong Jason na 'yon? Hayaan mo nga 'yong tao! Kung makapag react ka akala mo naman nag seselos ka kay Sunny at Jason!" Sigaw ni Kid.
Nalaglag ang panga ko at unti unti akong naglakad ng marahan patungo na sana sa kitchen o di kaya ay sa kwarto.
"Akala mo talaga lahat ng lalaki ay gusto ko, ano? 'Yan ba ang tingin mo sakin? Halos itulak ko palabas 'yong lalaki, 'yon na agad ang sasabihin mo!?"
Sinarado ko ang pintuan ng kwarto. Kasalanan ko 'to. Dapat ay pinigilan ko ang dalawa pero sa init ng mga ulo nila ay pakiramdam ko ay kailangan na munang pahupain ito.
Kinaumagahan ay tulog pa ang dalawa pagkaalis ko. Si Kid ay nasa couch natulog. Hindi na ako nagpaalam dahil ayaw kong gisingin silang dalawa. Itetext ko na lang si Mia at mag aapologize sa nangyaring away sa kanila ni Kid ngayon.
Buong araw ay kasama ko si Jason sa school. Panay ang alok niya sa akin na siya na ang magdala ng bag ko pero inilingan ko lang siya at nginitian.
"Ayos lang ako, Jason. Salamat." Sabi ko tuwing ganon ang ginagawa niya.
Sinabi niya rin sa akin na kung hindi kami makakapagpa appointment mamayang gabi, pagkatapos ng trabaho ay baka bukas, pwede na. Malaki ang pasasalamat ko sa tulong niya. Bukod sa libre ang magiging check up ay malaki din daw ang posibilidad na bibigyan din ako ng libreng mga vitamins.
Nahihiya ako kaya hindi ko kayang seryosohin ang sinabi niya. Inihanda ko na rin naman ang ipon ko. Magbabayad naman ako. Iyon nga lang, baka maubos iyon sa bayad at nahihiya ako kay Mia at Kid kung sila na naman ang bibili ng groceries. Isang beses lang yata akong nakapag grocery para sa amin.
"I'll text you, Sunny. So please, itext mo rin ako. I'm worried. Hindi ka pwedeng nasa puder ng halimaw na lalaking iyon." Sabi ni Jason nang nagpaalam ako, alas tres ng hapon.
Tumango ako. "Oo, Jason. Salamat."
Sa byahe patungo ng building ay inisip ko na naman kung ano ang maibibigay ko kay Jason para sa kabaitan niyang ito. Mahilig siya sa football kaya inisip kong may koneksyon sa larong iyon ang ibibigay ko.
Pagkarating ko sa palapag ng Finance ay nag madali ako papasok. Tahimik ang mga tao, hindi tulad nong kahapon na may nag uusap usap at nagtatawanan. Mabilis ang lakad ko. Kitang kita ko ang panonood ng ilang empleyado sa akin. Agad kong tinanggal ang bag ko sa aking balikat dahil nabibigatan ako dito. Nandito kasi ang uniporme ko. Kinailangan kong magpalit muna bago pumasok kaya heto at naka dress na ako.
Bumagal ang lakad ko nang namataan ko ang nakapamulsang si Rage na gumagala malapit sa mesa ko. Nang nagtagpo ang aming mga mata ay kitang kita ko ang pagtaas ng kanyang kilay.
"Late po ulit siya, Mr. Del Fierro. I'm sorry. Sinubukan ko pong-" Paliwanag ni Ms Mendez ngunit tumigil siya nang itaas ni Rage ang kanyang kamay.
"Rage, may pasok ako." Paliwanag ko at agad na lumapit sa aking mesa. "Alam mo 'yon."
"Yeah, I know. So I expect that you'll be working overtime, today. That's the consequence, Sunny. Isa pa, ang aga mong umalis kahapon."
Hindi ako nakapagsalita. Dapat ba ay sasabihin ko na kay Jason na hindi na muna kami magpapacheck mamaya dahil sa trabaho?
Binuksan ko ang computer at binalewala ko ang presensya niya sa tabi ko. Naka itim na vneck t shirt siya na yumayakap sa kanyang buong katawan. Pinilit ko ang sarili ko na huwag siyang tingnan pero napaangat ako ng tingin. Nakadungaw siya sa akin.
"Susubukan ko." Sabi ko.
"Huwag mong subukan. Gawin mo!" Aniya sabay hampas sa mas mataas na tore ng mga papel sa harap ko. "Dinagdagan ko 'yong mga documento kasi ang tagal mong dumating. Mamaya may ipapadala pa ako dito kaya hindi ka pwedeng umalis nang di ko sinasabi." Malamig niyang sinabi at mabilis din siyang naglakad palayo.
Nalaglag ang panga ko sa dalawang tore ng mga documento sa harap ko. Ganito ka rami ang gagawin ko sa araw na ito? At may darating pa?
Kumuha ako ng ballpen at agad kong tinali ang mahaba kong buhok, gamit ito. Kaya ko 'to! Kaya ko 'to! Paulit ulit ko iyong sinabi sa aking sarili. Sana naman ay makaya ko nga!
Panay ang tingin ng ilang empleyado sa akin. Nakapag usap na rin sila dahil umalis na rin naman si Rage at naririnig ko ang mga sinasabi nila sa aking likuran.
"Sana kasi di na lang siya nag aaral para mas maaga sa opisina, mas maraming magagawa. Tsk."
Binalewala ko ang mga opinyon nila. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko hanggang sa nakaramdam na ako ng sobrang pagkapagod at antok. Narinig ko ang pamamaalam ng ibang empleyado. Napatingin ako sa orasan at nakita kong alas syete na at hindi ko pa natatapos ang pangalawang tore ng mga papel. Shit!
Nagpahinga ako ng kaonti. Kumakalam na ang sikmura ko at naisip kong bumili ng pagkain. Kinuha ko ang cellphone ko na tadtad ng text ni Jason at Mia.
Mia:
Hindi ko alam kung aalis ba ako dito o hindi. Nandito ka kaya ayaw kong umalis.
Lumala siguro ang away nila ni Kid!? Shit! Bakit ngayon pa!? Ayaw kong mag away ang dalawa. Mabilis akong nag type ng reply.
Ako:
Mia, wa'g na. Kaya niyo 'yan. Sorry talaga. Pagdating ko mamaya, aayusin natin 'yan. I'm sorry.
Jason:
Mamaya, kukunin ulit kita diyan sa building. Sinabi ko kay tito kung pwedeng alas otso tayo mamaya magpacheck up, pumayag siya sa special request ko.
Pinikit ko ang mga mata ko sa sobrang pagkakalito sa mga sitwasyon. Dumilat ako para kalmahin ang sarili at para makapag type na.
Ako:
Jason, sorry pero pwedeng bukas na? Lumala kasi ang away ni Mia at Kid kaya kailangan kong umuwi ng maaga para sa kanila. Sorry talaga. Sorry sa tito mo. Nga pala, magbabayad ako, ah. Nakakahiya ang libre.
Tumikhim ako at naaninag ko sa harap ko ang nakahalukipkip na si Rage. Halos mapatalon ako sa gulat! Tumagilid ang ulo niya. Nilapag ko ang cellphone ko sa aking mesa at nakita ko kung paano niya sundan iyon.
"Personal kong hinatid sayo dito ang isa pang batch ng mga documents." Aniya at nagtaas ng kilay.
Luminga ako at nakita kong may nilapag siyang mga papel sa kabilang table. Ngumuso ako. "Uhm, kung di ko 'yan matapos ngayong gabi, pwede bang bukas na lang ulit?"
"Bakit? Bukod sa pag titext, ano pang gagawin mo sa gabing ito?" Malamig niyang sinabi at humakbang ng dahan dahan palapit sa akin.
Nagkasalubong ang kilay ko at napatingin ako sa cellphone. "M-May kailangan akong gawin, Rage-"
"Yeah, like what, Sunny? Date an old friend? Kiss him inside his car? Really? Mas importante 'yon?" Tumaas ang tono ng boses niya.
Nakakunot ang noo ko nang tiningala ko ulit siya. Papaano niya nalaman at ano ang punto niya sa usapang ito?
####################################
Kabanata 50
####################################
Kabanata 50
Walang Karapatan
"Yeah, like what, Sunny? Date an old friend? Kiss him inside his car? Really? Mas importante 'yon?" Tumaas ang tono ng boses niya.
Hindi ko talaga alam kung paano niya nalaman ito? Inisip ko pa kung sinundan niya ba kami. At kung sinundan niya kami ay nakita niya kaya 'yong pagsusuka ko?
"Hindi, Rage." Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko pwedeng sabihin na pupuntahan ko si Mia at Kid.
"Then, what's more important than the documents, Sunny?" Tumagilid pa ulit ang ulo niya.
Tumunog ang cellphone ko. Sabay kaming napatingin doon. Nag igting ang kanyang panga at ngumuso siya. Kitang kita ko ang galit sa nag aalab niyang titig.
Marahan kong kinuha ang cellphone ko para basahin ang text ng kung sino. Nakita ko doon ang text ni Jason.
Jason:
No prob, Sunny. Lumala ba away nila? Sana bukas ay pwede ka na. I'm gonna fetch you, tonight. Kahit na idrop na lang kita sa condo. Di na ako aakyat para di na lumala ang away ng dalawa.
"Put your phone down." Malamig na sinabi ni Rage.
"Kailangan kong mag reply-"
"I said put your damn phone down, Sunny." Halos isigaw niya ito.
"Ano ba ang problema mo, Rage?" Sigaw ko sa kanya.
Nakita ko ang pag alis ng iilang mga empleyado. Hindi ko alam kung umalis ba sila dahil tapos na sila o dahil natatakot sila sa away namin ni Rage.
"Kailangan kong mag reply kay Mia!" Pagsisinungaling ko.
"Oh, bakit? Hindi ba kayo nagkikita dito? She's working here. Bakit di kayo mag usap na lang?" Sigaw niya. "Ang sabihin mo, may ka text kang iba!"
Nanlaki ang mga mata ko. Parang sumabog ang tainga ko sa sinabi niya. Kung makapag salita siya ay parang may kasalanan ako sa kanya.
"Ano ngayon kung may ibang tao akong ka text? Wala ka nang pakealam don, Rage!" Sabi ko sabay pulot sa mga nagkalat kong gamit at lagay non sa bag ko.
"Where are you going now? I said, hindi pa tapos ang trabaho." Sabi niya sabay turo ulit sa iilang papel na naroon.
"Aalis ako kasi kakain ako! Hindi ba 'yon pwede? Ano? Mamamatay ako sa gutom dito?" Sigaw ko.
"Bakit di ka na lang mag order sa cafeteria? You're with that guy again?"
Napatigil ako sa pagliligpit ng gamit. Nilingon ko siya at tinapunan ng matalim na tingin. Mabilis ang kanyang paghinga at iritado niya akong pinagmasdan.
"Sinusundan mo na ako ngayon? Para saan pa? Bakit di ka na lang mag tago sa fiancee mo? Tutal naman ay masaya kayong dalawa, ba't pinapakealaman mo ako?" Galit kong sinabi.
Sarkastikong ngiti ang ipinakita niya sa akin. "Fuck, pinasundan kita, oo, pero salamat na lng at ayaw kong marinig na naghahalikan kayo sa sasakyan niya. Ngayon? Ano? Maghahalikan ulit kayo kaya ka aalis? Iiwan mo 'tong mga dokumento?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pananampal sa kanya. Mabilis ang hininga ko at mabilis din ang takbo ng puso ko. Pula ang kanyang mga mata nang tiningnan muli ako pagkatapos makabawi sa malutong kong sampal.
"Tang ina mo, Rage! Ikaw pa ang may ganang magalit!? Ako! Ako ang niloko mo! Ako ang ginago mo! Ako ang inahas mo at ikaw pa ngayon ang galit!? Ang kapal kapal ng mukha mo!" Sigaw ko sabay subok ng sampal ulit sa kanya pero hinakawan niya ang kamay ko at idinikit niya ito sa dingding.
Shit! Naalala ko ang eksena kahapon nang dinikit niya ako sa dingding na ito. Halos hindi ko 'yon kayanin. Hindi ko kakayanin na malapit kaming dalawa.
"Bitiwan mo ako!" Sigaw ko sabay piglas at sapak sa kanya para mapigilan siya.
"Tang ina rin, talagang magagalit ako. Ang bilis mo kasing makalimot. I took your virginity! I... was your first! I took care of you, Sunny pero ba't ang bilis mo? Ang bilis bilis mo!" Sigaw niya.
Napapikit ako at mas lalong napasandal sa dingding. Kung pwede ay lamunin ako nitong dingding ng sa ganon ay makawala ako sa kanya.
"Sino sa atin ang may fiancee? Sino sa atin ang may iba naman pala habang tayo? Ha?" Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili ko.
Nangatog ang binti ko at ayaw kong may masabi akong nakakapanghina tulad na lang ng 'Mahal na mahal kita pero kailangan kitang iwan dahil hindi pwede'.
"For the record, Ezra isn't my fiancee. Kung fiancee ko siya, sana matagal na kaming kasal ngayon pero hindi. My momma wants me to marry her. I don't. 'Yon 'yong kaibahan sa atin. Ako, ayaw ko sa iba. Ikaw... gustong gusto mo! Gustong gusto mo! Finally? Finally 'yong crush mo, diba? Tang ina, bente ka pa, sige mag crush crush ka diyan ng marami!" Nanghina ang boses niya sa huling pangungusap.
Hindi ko na mahabol ang hininga ko. Naduduling ako sa sobrang lapit ng mga mata naming dalawa. Palipat lipat ang tingin niya sa dalawang mata ko. Nakita ko ang pulang pisngi niya dulot ng sampal ko. Pula rin ang kanyang mga mata. Hindi ko siya inurungan sa kanyang pag titig.
Bumilis pa lalo ang hininga ko at naramdaman kong tumama ang dibdib niya sa dibdib ko. Lahat ng rason ko ay nawala ng parang bula.
"Ahh..." Kinagat ko kaagad ang labi ko.
Shit! Hindi ko maintindihan kung bakit bigla ko na lang naramdaman ang init saking katawan.
"Sunny..." Tawag ni Rage at lumayo agad siya sa akin.
Halos mahulog ang mga mata ko dahil sa kagustuhan kong pumikit. Binaba ni Rage ang kamay kong nakapako sa dingding at laglag panga niya akong hinarap. Kumunot ang kanyang noo at sinuri niya ako.
Uminit ang pisngi ko at napatingin ako sa mga gamit kong hindi ko pa naliligpit. Mabilis kong dinaluhan ang mga iyon at nilagay ulit isa isa sa aking bag.
"Where the hell are you going, Sunny?" Sigaw ulit ni Rage.
"Mag didinner nga ako!" Sigaw ko pabalik sa kanya.
"Magpadala ka na lang sa cafeteria!" Aniya. "You have to-"
"Kung atat na atat ka ng matapos 'tong mga dokumento mo, ikaw na ang gumawa! Pagod na ako!" Sigaw ko sabay kuha sa bag ko na agad niyang binawi at nilapag sa aking mesa.
Matalim ko siyang tinitigan. Humakbang siya palapit sa akin. Hindi parin ako tumigil sa pagtitig ko sa kanya. Nakita kong umigting ulit ang kanyang bagang. Hinaplos niya ang aking braso. Halos mapatalon ako sa ginawa niya. Nilingon ko ang nanunuyang haplos niya. Hinabol ko ulit ang hininga ko. Simpleng haplos niya lang ay naghuhuramentado na ako.
"Why is your breath hitching... so bad? Hmmm?" Aniya habang pinapaatras ulit ako sa dingding.
Lintik talaga. Hindi ko mapigilan ang paghinga ko ng mababaw at mabilis. Nangatog ang binti ko at tumindig ang balahibo ko.
"B-Bitiwan mo ako, Rage." Sabi ko, nanginginig.
"You miss me so much, don't you? Huh?" Bulong niya.
Halos mapunit ko na ang labi ko sa kakakagat. Bakit niya ginagawa sakin 'to?
"I want to see you hurt so bad, Sunny. Sana magselos ka nang husto. I want to see a reaction from you. And this reaction is all I was dreaming of..." Patuloy ang paghaplos niya sa likod ng braso ko.
Halos manginig ako sa sobrang kiliti at sobrang init ng naramdaman ko. Bakit ganito? Bakit hindi ko makontrol ang sarili ko.
"Fuck, you missed me so bad... I want to punish you because you're with another man. You kissed another man... Fuck, you kissed him. Sabihin mo sakin, saan ka natutulog sa bahay niya. Sabihin mo." Bulong niya sa tainga ko.
Sobrang lapit niya na sa akin at hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Nawawala ako sa sarili ko at nalalasing ako sa labi niyang nanunuya sa gilid ko.
Isa lang. Isang tikim lang. 'Yon lang ang gusto ko. Nababaliw na ba ako? Nababaliw na talaga yata ako!
Nilapit ko ang aking mukha sa kanya at inilapat ko ang labi ko sa kanyang labi. Isang beses kong ginawa iyon ay agad akong tumigil at nag kagat labi ulit para pigilan ang sarili ko.
"Fuck, woman. I swear I'm mad so stop kissing me. Tell me, where did you sleep last night? Were you in his arms?" Matigas na ingles ang pagkakasabi niya non.
Ang mga kamay niya ay nakapahinga sa dingding sa likod ko at pakiramdam ko ay luluhod na ako sa kanyang harapan dahil sa panghihinang naramdaman ko.
"What the hell?" Umalingawngaw ang sigaw ni Ezra sa pagkatapos ng kalabog ng pintuan.
Hindi gumalaw si Rage. Diretso ang titig niya sa akin habang ako naman ay nataranta. Kung nawala man ang sarili ko kanina, mabilis ang pagbabalik nito ngayon.
Buong lakas kong tinulak si Rage pero hindi siya gumalaw.
"Rage! Ano 'to?" Sigaw ni Ezra palapit sa mesa ko.
Umirap si Rage at hinarap si Ezra pero bago pa niya maharap si Ezra ay mabilis na hinatak ni Ezra ang buhok ko. Napasigaw ako sa sobrang sakit.
"EZRA!" Sigaw ni Rage sabay hawak sa braso ni Ezra.
Kinalmot ni Ezra ang braso ko at hinigit niya ng isang beses ang buhok ko. Napapikit ako sa sakit na naramdama. Napahawak ako sa mesa at ang lahat ng papel na nilapag ni Rage doon ay nahulog kasabay ng pagkakadapa ko. Nalaglag ang panga ko sa hapding naramdaman sa aking braso dahil sa kalmot niya. Kumalabog ang puso ko sa kaba na baka mapano ako at ang baby ko! Oh my God!
"Bitiwan mo ako, Rage! Bitiwan mo ako!" Sigaw niya sabay piglas sa mga kamay ni Rage na naka hawak sa kanyang braso. "This bitch is gonna pay! Mang aagaw!" Sigaw niya.
Naluha ako sa hapdi, sa sakit, at sa kabang naramdaman.
"Sunny!" Sigaw ni Rage at binalibag niya si Ezra para tulungan akong makatayo.
Hinawi ko ang kamay niya at itinayo ko ang sarili ko.
"Bwisit ka! Ang kapal ng mukha mo! Manang mana ka sa nanay mo!" Sigaw ng sumusugod ulit na si Ezra at isang beses pang nahila ang buhok ko bago siya napigilan ni Rage.
"Stop it, Ezra!" Sigaw ni Rage sa galit.
"Rage, ang pokpok na 'yan binibilog ka ulit!" Sigaw ni Ezra.
Laglag pa ang panga ko at tumutulo ng walang preno ang luha ko. Nanginginig ang kamay ko nang dinadampot ko ang iilang gamit ko sa mesa. Aalis na ako. Aalis na talaga ako!
"Tumigil ka na, ah! Tumigil ka na!" Sigaw ni Rage kay Ezra.
"Rage, hindi mo ba nakikita? She's just seducing you! She wants you for your money!" Sigaw ni Ezra habang humihikbi ako at lumalayo sa kanila. "I'm your first! You were fine with me, then. At wala akong pake kung may mga babae kang gamitin pero this time, hindi ako makakapayag. You're losing your way to me! Rage!"
"Ezra, tumigil ka na. I'm sorry-" Hindi ko na narinig ang dugtong ni Rage dahil nakalabas na ako ng opisina.
Tinanggal ko ang ballpen sa buhok kong nagkabuhol buhol na dahil sa paghila ni Ezra. Humihikbi pa ako sa elevator at nanginginig pa ng husto ang binti ko. Pinipigilan ko ang pag hikbi ngunit hindi ko matigil tigil. Iniisip kong delikado 'yong nangyari kanina! Delikado 'yong ginawa ni Ezra sakin! Delikado ang lahat ng iyon para sa anak ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mawala siya! Shit! Sunny ang tanga mo!
Tumigil ang elevator sa Lower Ground at sinalubong ako ng paakyat sanang si Jason. Nanlaki ang mga mata niya nang nakitang umiiyak ako.
"Sunny, anong nangyari?" Sabi ni Jason sabay yakap sa akin.
Pumikit ako at mas lalong humikbi. Kabadong kabado pa ako sa nangyari at hindi ko kayang hindi umiyak. Kailangan kong ilabas 'to. Hindi pwedeng ang anak ko ang mag hirap sa paghihirap ko.
Pinunasan ko ang luha ko.
"Sunny, anong ginawa ni Rage sayo?" Tanong ni Jason habang tinatahan ako.
Tumunog ang kabilang elevator at agad kong narinig ang mga yapak ng isang tao. Binitiwan ako ni Jason at sa sobrang bilis ng pangyayari ay nagulat na lang ako at humandusay na siya sa sahig.
Marahas akong nilagay ni Rage sa kanyang likod at tinuro niya si Jason.
"Gago ka! Wala kang karapatan sa kanya!" Sigaw nito.
Galit at poot ang nakita ko sa mga mata ni Jason nang tiningala niya si Rage.
"Rage! Tumigil ka nga!" Sigaw ko at hinawi ang kamay niyang nakahawak sa akin.
Dinaluhan ko si Jason at tinulungan ko siyang tumayo. Dumura si Jason ng dugo dahil sa pisngi niya tumama ang suntok ni Rage. Nanliit ang mata ni Rage sa akin.
"Wala siyang ginagawang masama!" Sigaw ko.
Tinuro ni Jason si Rage at umambang susuntok pabalik. "Ikaw ang gago! Anong ginawa mo kay Sunny? Ikaw ang walang karapatan sa kanya!" Sigaw ni Jason.
"Jason... Tama na..." Sabi ko habang hinihigit siya palayo sa nag aalab na si Rage.
"Sunny..." tawag ni Rage sakin.
Pumikit ako at mas lalong hinila si Jason. "Tara na, Jason..."
####################################
Kabanata 51
####################################
Kabanata 51
Punishment
Panay ang mura ni Jason sa loob ng sasakyan niya habang nag dadrive kami palayo sa building. Nakita kong may dugo sa gilid ng kanyang labi. Pumutok ito dahil sa suntok ni Rage.
"J-Jason, may sugat ka." Sabi ko.
Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko. Magkahalong kaba at guilt. Kung sana ay hindi ko sinali si Jason sa gulong ito ay hindi na sana siya nagkaganito.
"Sorry." Sabi ko at nangapa ng tissue sa kanyang dashboard.
Sinubukan kong dampihan ang kanyang labi nong tissue pero hinawi niya ang kamay ko. Galit parin siya at nakatoon ang buong atensyon sa kalsada. Natigilan ako sa kanyang ginawa.
"Ganong klaseng lalaki ba 'yong nagustuhan mo? He never cared for you, Sunny! Pinagod ka ba niya sa pagtatrabaho?"
Binaba ko ang kamay ko. He sound so desperate. Para bang hindi siya makapaniwala sa mga desisyon ko.
Umiling ako. "I'm really sorry."
Hinampas niya ang kanyang manibela at agad niliko papunta sa condo ni Kid. Uuwi na kami. At nagpapasalamat ako don. Ayaw ko na munang pumunta sa doktor. Kabado ako at naguguluhan. Siguro ay pag kumalma na ako, tsaka ako magpapadoktor.
"Wa'g ka nang pumasok bukas. You have to rest. Tsaka tayo pupunta ng doktor, Sunny." Ani Jason habang binababa ang sasakyan sa lowerground nong condo.
Kinagat ko ang labi ko. Imposible ang hinihingi niya. Malapit na ang finals sa school at kahit ito na lang sana ay magawa ko ng tama. Kahit itong pag aaral ko na lang. At isa pa, marami akong iniwang trabaho sa opisina... but Sunny, we can't risk this. Kawawa ang baby. Kawawa siya kung patuloy akong magpapa stress.
"Kailangan nating gamutin ang sugat mo." Sabi ko nang lumabas kaming pareho sa sasakyan niya.
Naalala ko na hindi nga pala siya pwedeng pumasok sa condo dahil sa pag aaway ni Mia at Kid. Ngunit ang pabayaan siyang duguan ay hindi rin naman tama.
"Akyat na lang muna tayo, Jason. Kahit saglit lang." Anyaya ko.
Mabilis akong pumunta sa elevator. Tulala ako nang makasakay doon, iniisip ko parin ang mukha ni Rage kanina. Maingay namang tumikhim si Jason habang naghihintay kami sa tamang palapag.
Bigla niya akong inakbayan at nilagay sa kanyang braso. Nanlaki ang mga mata ko. Hinalikan niya ang aking ulo.
"Kung sana ay ako na lang." Bulong niya. "I can love you unconditionally, Sunny. Kung sana ako 'yong nauna."
Ngumuso ako at naestatwa. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Inisip ko rin na ganon. Kung sana ay wala na lang akong nakitang Rage. Kung sana ay hindi ko na lang siya nakilala. Wala akong pakealam kung galit siya at paghihigantihan niya ako, basta wa'g lang kaming magkakilala ng ganon.
Kumirot ang puso ko at kumalas kay Jason... Niyakap ko ang sarili ko. Narinig ko ang tikhim niya bago kami lumabas ng elevator.
Inisip kong didiretso ako sa kwarto para kumuha ng bulak at betadine o kahit anong pwedeng makagamot sa sugat ni Jason sa kanyang labi. Nang pinihit ko ang pintuan ng condo ay nakita ko kaagad sa sala si Logan na naka number four ang upo at nakahalukipkip na rin. Si Kid at Mia ay parehong nakatayo, malayo sa isa't isa, kaharap si Logan. May isang lalaking nakaitim at malaki ang pangangatawan sa gilid, ang tikas ay mukhang body guard o tulad ng mga bouncer sa mga bar.
Ngumiti si Logan sa akin at kinalas niya ang kanyang nakahalukipkip na braso.
"Good evening, Sunny!" Bati niya.
Nilingon ako ni Mia at Kid. Narinig ko ang tikhim ni Kid at ang iling niya nang namataan si Jason sa likod ko.
"Good evening, Logan. Uhmm..." Napatingin ako sa lalaking mukhang body guard na nakatayo sa tabi ng sofa na inuupuan ni Logan.
"Wala si Brandon. Pauwi pa 'yon." Paliwanag niya nang nakita ang mga mata kong naglalaron don sa kasama niyang bodyguard.
"Logan..." Ani Mia at kinagat niya ang kanyang labi. "Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?"
Kumunot ang noo ko. Nakalimutan ko si Jason sa likod ko na ngayon ay sinusuri ni Logan sa kanyang mga titig.
Kinabahan agad ako. Ano kayang meron dito? Bakit nandito na naman si Logan? Namataan ko ang bulak at alcohol sa coffee table. Hindi ko alam kung bakit naroon iyon pero nang humalukipkip si Kid ay nakita ko ang kanyang kamao na nakabalot sa bandage.
Mabilis akong pumunta doon para kunin iyon. Nilingon ko si Jason at iminuwestra sa kanya ang upuan. Dahan dahan siyang umupo doon at medyo naasiwa ako sa matindig katahimikan.
"Care to introduce me to your friend, Sunny?" Sarkastikong sinabi ni Logan.
"I... Uh, Uhm..." Nangapa ako sa salita. Umupo ako sa tabi ni Jason at nilingon si Logan. "Eto si Jason, 'yong kababata ko. Classmate ko nong high school. This is Logan, Jason." Sabay tingin ko kay Jason.
Ngumiti si Logan. Tiningnan ko ang bulak sa aking mga daliri at inayos ito para madampi ko sa sugat ni Jason.
"Hmmm..." Daing ni Logan at mas lalo akong naasiwa dahil pinanood niya ang pag gamot ko sa sugat ni Jason.
"Ah!" Bahagyang gumalaw si Jason dahil sa hapdi.
"What happened to him? Did my couz punch him? Probably not. Kasi kung iyon ang nanuntok, basag na ang mukha niyang ngayon."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Logan at nilingon ko siya agad.
"Logan, get to your damn point." Iritadong sinabi ni Kid. "Kailangang malaman 'to ni Sunny!"
"Oo! Si Rage ang sumuntok sa kanya! Nababaliw na ang pinsan mo, Logan!" Sabi ko at tumigil na sa pag gagamot kay Jason.
Pinagsalikop niya ang kanyang mga daliri sa kanyang tuhod at pinanood akong may ngiti sa labi na para bang nakakatuwa ako sa aking galit.
"Logan!" Sigaw ni Mia.
"Hindi ba dapat ay nagpapasalamat kayo sa akin? You want to keep this secret, itinago ko. You are too rude to me." Nilingon ni Logan si Mia at Kid.
"Get to your damn point. You want to blackmail us? Go ahead!" Sabi ni Kid na galit na.
Ang ngisi ni Logan ang nakakapagpakalma o nakakapagpalala sa tensyon. "Hindi ko kayo ibablackmail, Kid. Chill your ass. That won't happen." At bumaling ulit siya sa akin.
"Anong ibig sabihin nito?" Nilingon ko si Mia at kita ko sa kanyang mga mata na may gusto siyang sabihin ngunit hinihintay niya si Logan.
Malalim na tumikhim si Logan at tumayo. Nilingon niya ang bodyguard sa kanyang tabi. Ang kanyang dalawang kamay ay nasa kanyang likod. Naghintay ako sa sasabihin niya.
"This is a secret agent. Walter Peralta, not his real name." ngumiti siya. "Rage hired him as an investigator para sundan ka, at alamin ang mga ginagawa mo."
Nalaglag ang panga ko.
May hinire siyang investigator para sakin? Kung ganon ano ang mga nalalaman ni Rage? Ano ang nalalaman nitong Walter Peralta na ito? Nilingon ko si manong at wala siyang ginawa kundi maestatwa na lang doon.
"Don't worry, he's not obsessed with you, Sunny. Nagkataon lang talaga na 'yong pamilya namin ay nag nenegosyo ng mga ganito..." Nginuso niya si Walter na para bang kanyang sunod sunuran. "Secret agents, armed men, and so on... so, he asked for my help. Tinulungan ko naman si Rage. We're cousins."
"You mean alam ni Rage 'yong tungkol sa pagtira ni Sunny dito? 'Yong iniisip ni Rage ay kina Jason siya tumutuloy!" Sabi ni Mia.
"Your men are crappy, Logan." Ani Kid sabay tawa.
Kumalabog ang puso ko. Ang tanging gusto kong marinig ay si Logan. Nagtaas ng kilay si Logan kay Kid.
"So he hired Walter, one of the best agent we have. At syempre, binayaran siya ni Rage. Pero siyempre, binayaran ko siya ng mas malaki para lang piliin ang mga impormasyon na ibigay kay Rage. Hindi ko isinama 'yong impormasyon na dito ka tumutuloy. I highlighted that you kissed each other on his..." Sabay tingin niya kay Jason. "birthday..." Ngumiti si Logan at nakaramdam ako ng paninindig ng balahibo.
"That was a private moment!" Sabi ni Jason.
"Walang private pag ginawa sa public place." Mariing sinabi ni Logan kay Jason.
"So what is your point, Logan. Why are you here?" Ani Kid.
Ngumiti pa lalo si Logan. "I just want you to know that I know a lot of things..."
Humakbang siya palapit sa sofa at may kinuha siyang mga paperbag. Binasa ko ang mga nandoon at nakita ko ang mga brand na Gingersnaps, Mothercare, at marami pang iba. Inilahad niya ito sa akin.
"To my... future... wait, hindi ko pa alam kung lalaki o babae kasi hindi pa rin naman yata malalaman. Hindi parin alam kung ilang weeks na dahil hindi ka pa nakakapag pacheck diba. You should have it checked, Sunny. Rage's child deserves the world."
Nalaglag ang panga ko. Hinila agad ako ni Jason sa kanyang likuran at pumagitna siya sa amin ni Logan. Hindi ako makagalaw sa gulat na alam niya at natatakot akong sabihin niya ito kay Rage.
Dinaluhan agad ako ni Mia at binalot niya ako ng yakap.
"Logan, umalis ka na nga. Hindi ko alam ba't ka pa pumunta dito. Alam mo bang nakakasama sa bata pag nasstress ang mommy niya? Get out of here!" Sabi ni KId.
Tinaas niya ang kanyang kamay. "I'm just excited." Paliwanag niya.
"Get out of here, Logan. O baka ikaw naman ang mabugbog ko." Sabi ni Jason.
"Try..." Nagtaas ng kilay si Logan.
"Jason!" Sigaw ni Mia. "Wa'g ka ngang makealam. Mas lalo lang magkakagulo kung makisali ka pa."
"Yeah, Mi, great right?" Sarkastikong sinabi ni Kid sa kanyang girlfriend.
Kinalas ni Mia ang yakap niya sa akin at hinarap si Kid. "Ano ba talaga-" Natigil si Mia nang biglang bumukas ang pintuan ng condo.
Sabay sabay naming nilingon kung sino ang pumasok at nakita namin si Rage, mabilis ang hininga. Kumalabog ang aking puso. Kung kanina ay mabilis ito, ngayon ay mas matulin na ito. Hindi ko na mahabol ang aking hininga. Nahanap niya agad ang mga mata ko.
Mabilis agad akong hinila ni Jason sa kanyang likod na para bang pinoprotektahan niya ako kay Rage.
"Bakit ka nandito?" Sigaw ni Jason.
"Oopps." Halakhak ni Logan.
"Oh my God." Naghilamos ng palad si Kid at nilapitan niya si Rage.
"Logan?" Ani Rage at patuloy kaming sinuri.
Tumigil ang kanyang mga mata kay Walter. Bumalik ulit iyon sa akin.
Naglakad si Logan palapit sa kay Rage. Dala dala niya parin 'yong mga paper bags. Nanlamig ang buong katawan ko. Nahihilo ako at bumabaliktad na ang sikmura ko. Not now, baby, please!
"Sorry, Sunny." Sabi ni Logan bago hinampas kay Rage ang mga paperbag.
"What the fuck, Logan? Anong ginagawa niyo dito? Why... is..." Napatingin si Rage sa mga paper bag.
"Ikaw na lang ang tumanggap. Ayaw tanggapin nong asawa mo." Aniya.
"Logan!" Sigaw ko.
Kumunot ang noo ni Rage. Lumapit pa si Kid sa kanilang dalawa. Umambang susugod si Jason at hindi ko malaman kung kay Logan ba o kay Rage ngunit hinawakan ko siya.
"Jason, wa'g n-na." Nanginig ang boses ko.
"Sunny, hindi pwede. Hindi siya karapat dapat. Hindi pwede, Sunny." Nilingon ako ni Jason at hinawakan niya ang kamay ko.
"Jason, lumabas ka na lang." Sabi ni Mia.
Nag uusap si Kid, Rage, at Logan sa kanilang kinatatayuan habang hinahawakan naman ni Jason ang aking kamay. Hinalikan niya ito at hindi ko na makita ng buo ang kanyang mukha dahil sa nangingilid kong luha.
"I can raise the child." Bulong niya. "Tatanggapin ko kayo. Please, Sunny. Hindi siya deserving." Aniya.
Narinig ko ang halakhak ni Logan habang nag uusap sila. Hindi ko kayang hindi sila lingunin kahit na nandito si Jason sa harap ko at halos mag makaawa.
"Hindi ko alam kung babae o lalaki ba kaya ayan at tig dadalawa ang binili ko. May pang babae, may panglalaki." Ani Logan.
Nakita ko ang mainit na titig ni Rage sa akin. Tumindig ang balahibo ko at may kung anong kumiliti sa tiyan ko. Nag igting ang kanyang bagang at isang hakbang ay agad na sumigaw si Jason.
"This isn't your child! This is my child, Rage!" Sigaw ni Jason.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Fuck shit!" Mura ni Mia sabay sampal kay Jason.
Tinakpan ko ang aking bibig. Hindi ko makayanan. Bumabaliktad ang sikmura ko at nahihilo na ako.
Humakbang ng marahan si Rage palapit sa akin. Narinig ko ang mura ni Jason sa ginawa ni Mia. Mabilis na dumalo si Kid kay Mia habang si Mia naman ay galit na hinarap si Jason.
"Wa'g kang mag sinungaling, Jason! Ayaw kong malaman ni Rage pero mas lalong ayaw kong maisip niyang ganon si Sunny! Tang inang pag iisip iyan!"
"Fuck it, Mia. Calm down or I'm gonna drag you out of here!" Sigaw ni Kid.
Nilingon ako ni Jason at hinawakan niya ang kamay ko ngunit bumalikwas ako sa pagkakahawak niya dahil sa pagduduwal ko.
Bago pa makalapit si Rage ay tumakbo na ako patungong banyo at lumuhod na ako sa paanan ng inidoro, binabalewala ang itsura para lang maisuka lahat ng nakain at nainom ko kanina.
Shit! Ano ba 'to!?
Pakiramdam ko ay pati bituka, baga, tiyan, at puso ay naisuka ko na. Napaiyak na ako sa sobrang pagsusuka. Ni flush ko iyon at naghintay na magsuka ulit nang narinig ko ang pag sarado ng pintuan sa aking likod.
KInagat ko ang labi ko at unti unti akong lumingon. Nakita ko ang itim na sapatos ni Rage. Nilakbay ng mga mata ko ang kanyang katawan pababa. Dinudungaw niya ako gamit ang mapupungay na mga mata. Hindi ko alam kung bakit sinundan niya ako. Dapat ay umalis na lang siya. Dapat ay tumakbo na lang siya sa responsibilidad. Siya ang tipo ng lalaking ayaw ng responsibilidad na ganito. Hindi bagay ang anak ko sa kanyang buhay.
Umupo siya sa tabi ko at nag lebel ang aming titig.
Kumuha siya ng tissue sa taas ng flusher at inikot niya iyon sa kanyang kamay. Inilapit niya iyon sa aking bibig. Bahagya akong umilag. Tumigil siya nang umilag ako. Ilang sandali ay pinagpatuloy niya ang pagpupunas sa akin.
"Let's wash you up." Aniya.
Umiling ako at nag iwas ng tingin.
"Sunny..." Marahan niyang sinabi.
"Umalis ka na." Sabi ko.
Nakita kong inilapit niya ang kanyang kamay sa aking pisngi. Tinitigan ko iyon at halos mapatalon ako nang dumampi ito sa babang parte ng aking tainga.
Inilapit niya ang buong katawan niya sa akin. Mabilis na mabilis ang pintig ng puso ko at pakiramdam ko ay sasabog na ito sa sobrang lakas.
"I'm positive. I'm your only one. I'm the father of the child. Now, I want to hear you say it. Say it for me, Sunshine Aragon. Say it. Ako ang ama ng dinadala mo." Bulong niya.
Napapikit ako sa awit ng kanyang boses. Nakakalasing at nakakatindig balahibo.
"Rage, hindi mo kailangan ang responsibilidad na ito." Mahinahon kong sinabi. "Hindi ako namimilit sayo. Hindi namimilit yong-"
"Stop the nonsense and say it, Sunny. I want to hear it. I want to hear it from your lips..." Malamig niyang sinabi.
"Rage, di mo ba nakikita?" Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Hindi 'to matatanggap ng pamilya mo. Hindi mo na dapat nalaman 'to!"
Nag igting ang kanyang panga. "Try to keep secrets from me again, I'm gonna make you damn pay, Sunny. You're going to pay for this..." Bulong niya na nag papikit sa akin.
Lahat ng pwedeng mag init sa katawan ko ay nag iinit sa bulong niya. Kumalabog ang puso ko.
"Ako..." Hinalikan niya ang labi ko.
Hindi ako makagalaw. Hinalikan niya ang leeg ko at napaliyad na ako sa kiliting naramdaman.
"Ang... ama..." Tumingala ako para mahalikan niya pa ang leeg ko. "Ng dinadala mo..." He whispered in between kisses. "And the mommy is gonna marry me."
Dumilat ako at tiningnan siya.
"That's your punishment."
####################################
Kabanata 52
####################################
Kabanata 52
Babae sa Babae
Isang milagro na napigilan ko pa ang sarili ko kay Rage. Hindi ako nagpatalo sa panghihina ko. Nang tumayo ako ay nag iwas ako ng tingin sa kanya.
"Rage, gusto kong mag pahinga." Sabi ko nang hinawakan niya ang braso ko.
Tumikhim siya at tumayo rin tulad ko. "Alright, you can have your rest. But at least, eat first." Sabi niya.
Hinawi ko ang kamay niya sa braso ko at agad ko na siyang tinalikuran. Ayaw kong tinitingnan siya. Hindi ko pa maalis sa aking isipan ang lahat ng nangyari at tuwing tinitingnan ko siya ay nakakalimutan ko iyon.
Pagkalabas ko ay naroon parin si Mia, Kid, Logan at si Walter. Wala na don si Jason at agad kong naintindihan.
"Damn, girl. You rejected my proposal." Bulong ni Rage sa likod ko.
Kumunot ang noo ko at binalewala ko siya. Nilingon ko si Mia na mukhang nag iingat sa bawat kilos niya dahil hindi niya alam kung nag kaayos na ba kami ni Rage o hindi pa.
"Sunny, uh, sorry, umalis si Jason." Ani Mia.
Tumango ako at didiretso na sana sa kwarto para maiwan na sila don. Gulong gulo pa ako at gusto ko na lang munang mapag isa. Ang makasama si Rage sa iisang lugar ay nakakapigil hininga.
"Sunny, matutulog ka na? Kumain ka na ba ng hapunan? May pagkain sa mesa. May dinner tayo. Baka malipasan ka ng gutom." Ani Mia.
Ngumuso ako at napagtantong kahit na nawala na 'yong gutom na naramdaman ko kanina ay kailangan kong kumain para sa anak ko. Lumunok ako at lumingon sa mesa na may mga pagkain.
"Di ka pa kumakain?" Tanong ni Rage.
Ayaw ko siyang sagutin kaya tinikom ko na lang ang bibig ko at tiningnan kung ano ang pagkain na meron kami sa mesa. May menudo at ginataang manok doon. Hindi ko alam kung sino ang nagluto.
Galing sa kusina ay naririnig ko ang alitan ni Mia at Kid sa sala. Gusto ko silang pagbatiin ngunit ayaw kong manatili doon, at siguro pati na rin dito. Sinundan ako ni Rage sa kitchen at tiningnan niya kung ano ang nakahain.
Binuksan ko ang ref at agad kong naamoy ang cheese sa pizzang naroon. Dumuwal ako ng isang beses at agad kong sinarado ang ref.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Rage at nasa likod ko na agad siya.
Nilagay ko lang ang kamay ko sa aking bibig para pigilan ang pagduduwal. Umupo ako sa mesa at habang pinipigilan ko ang pagduduwal ay nilapag ni Rage ang plato at mga kubyertos doon.
"Do you get sick a lot, Sunny?" Tanong niya.
Ayaw kong sumagot at hindi rin ako makasagot dahil sa pagtatakip ko sa aking bibig. Umupo si Rage sa tabi ko at nilagyan ng kanin at menudo ang aking pinggan. Pinanood ko ang paglalagay niya at unti unti akong nangulila sa lahat. Iyong tipong kahit sobrang lapit naming dalawa ay ang layo parin namin sa isa't-isa. Na mi-miss ko na 'yong pakiramdam ko noon. Iyong kahit na may takot ako ay alam ko parin sa sarili ko na may pag asa. Ngayon ay natatakot akong kahit gusto ko pang sumugal ay hindi na sa akin ang desisyon na iyon. Nasa anak ko na. Para sa ikabubuti ng aking anak...
"OMG!" Biglaang sumulpot si Mia sa kitchen.
Humupa ang alitan nila ni Kid at hindi ko alam kung naayos na ba o hindi. Nagtama ang aming tingin at nilingon niya ang ref.
"Kanina ko pa pala dapat inubos 'yong pizza! Sorry Sunny! Naduwal ka?" Tanong niya.
Tumango ako.
Tumihim naman si Rage at nilingon si Mia. "She likes playing mute to me. Can you tell me the details of her pregnancy, Mia? Ilang weeks? Nasusuka siya sa pizza? Kumakain ba 'to? Naglilihi siya sa ano?"
Nakapamaywang si Mia at tiningnan niya si Rage. "Well, it's for you to find out, Rage. Ayaw niyang magsalita, meaning ayaw niyang malaman mo. Serves you right... Revenge, huh?" Umirap siya at umirap din si Rage sa kanya.
Buong gabi ko siyang hindi pinansin. Nararamdaman kong nafu-frustrate na siya. Nang dumiretso ako sa kwarto pagkatapos kumain ay hindi niya na ako napigilan. Mabilis akong gumapang sa kama at imbes na matulog ay dilat ako para isipin ang lahat ng nangyari.
Lahat ng mga nalaman ko tungkol sa kay Rage ay parang ang tagal ng nangyari. Nalusaw ang galit ko para sa kanya. Hindi ko na matandaan kung bakit ko siya kinamuhian ng husto. Inintindi ko na galit siya sa akin nong hindi niya pa ako nakilala, para sa kanyang mama. Nang nakilala niya na ako ay napagtanto niyang nagkamali siya sa iniisip tungkol sa akin. Hindi ko na rin maisip si Ezra. Nasasaktan ako, oo, naiinsecure, oo, dahil matagal na silang magkakilala at mas malalim ang pinagsamahan nila.
Ang tanging bumabagabag sa aking sarili ngayon ay 'yong dahilan niya kung bakit niya ako gustong pakasalan. Parang kiniliti ang aking tiyan nang maalala ko iyong sinabi niya kanina sa banyo.
Hindi kaya gusto niya lang iyon dahil nabuntis ako? At ano ang sasabihin ng kanyang mama? Masasakit na salita na naman ba galing sa kanya? Ayokong mamuhay ang anak ko na kinamumuhian siya ng mama ni Rage. Hindi tama 'yon. Mas gugustuhin kong magpakalayo na lang. Hindi ko naman hinangad na panagutan ako ni Rage. Kaya nga gusto kong itago sa kanya ito...
Humikab ako nang nang nagising kinaumagahan. Antok pa ako dahil sa pagpupuyat ko kagabi pero kailangan kong pumasok sa eskwela ngayon.
Nakapaa lang ako at patuloy na humihikab pa labas ng kwarto. Kakain muna ako bago maliligo. Inisip ko ulit iyong mga nangyari kagabi. Panaginip ba iyon o totoong nangyari?
Halos mapatakbo ako nang nakita ko ang likod ni Rage sa kusina. Nagluluto siya ng ulam, topless. Nakapantalon siya at nagpupunas ng kamay habang pinapanood ang kanyang luto.
Shit! Nandito siya!? Ibig sabihin di 'yon panaginip!
Bago pa ako makapagtago sa sala ay nilingon niya na ako. Pinanood niya ang ekspresyon ko at bumagsak ang tingin niya sa aking pang ibaba.
May shorts ako ngunit sa laki nitong t-shirt ko ay hindi na makita iyon.
"Uh, good morning. Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong niya at kinuha ang plato at thong para pulutin iyong mga lutong hotdog, ham, at bacon na niluluto niya.
Nag isip pa ako kung sasagutin ko ba siya o paninindigan itong pagiging pipi ko sa kanya.
Ngumuso siya at nakita kong sumulyap ulit siya sa pang ibaba ko, parang distracted. Binalewala ko iyon at inipit ko ang ilong ko nang lumapit sa ref. Baka kasi maamoy ko ang cheese sa pizza na nandito kagabi.
"Wala ng pizza dyan." Ani Rage.
Nang binuksan ko ay tama nga siya. Wala na doon. Kinuha ko ang box ng gatas at pagkatapos ay lumapit sa mga baso para magsalin nito doon.
"Breakfast?" Aniya at nilapag sa aking harapan ang mga niluto.
Sumimsim ako sa gatas at pinagmasdan ang paglalagay niya ng mga tinapay sa isang plato. Nag angat ako ng tingin at natigil ako sa kanyang katawan na medyo pinag papawisan.
"Do you always wear that here, Sunny?" Malamig niyang sinabi nang umupo sa tapat ko.
Natigilan ako at tiningnan ko siya. Anong problema sa suot ko? Isa pa, pambahay ito. Tinusok ko iyong hotdog at nilagay ko iyon sa aking pinggan. Nilagyan ko rin ng tinapay.
"Salamat sa breakfast." Sabi ko at kumain na lang.
Naramdaman ko ang paninitig niya habang kumakain ako. Binalewala ko siya.
"May shorts ka ba? May lalaki kayong kasama dito. You should not wear that again." Aniya.
Napatingin ulit ako sa kanya at hindi ko na mapigilan ang pananahimik ko. "May shorts ako. Ito ang gusto kong suotin dahil komportable ako, Rage."
"Then, I'm not comfortable." Nagtaas siya ng kilay.
Tumigil ako sa pag nguya at mariin ko siyang tinitigan. Umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ako gaanong sumasagot sa bawat sinasabi niya dahil ayokong patulan ang mga kahibangang sinasabi niya.
"Let me drive you to school, Sunny. At least, let me do this." Pamimilit niya pagkatapos ko siyang tanggihan.
Nakapag bihis na ako at papalabas na ng condo. Gising na sina Mia at tahimik silang dalawa ni Kid habang pinapanood kami.
"Rage, umuwi ka na sa inyo." Sabi ni Kid na binalewala ni Rage dahil abala siya sa pagsunod sa akin.
"Sunny, one drive. Okay? Just one drive." Aniya.
"Ang sabi ko, ayoko." Kanina ko pa 'to inuulit ulit.
"But, why not? Hindi na ba pwedeng ipagdrive kita ngayon?" Sinusundan niya ako kahit nakalabas na ng condo.
"Ayoko. Umuwi ka na, Rage." Sabi ko.
"Okay, then, fine! You want me to follow you like I'm some fucking dog, then I will!" Aniya at sinundan ako patungo sa elevator.
Bumaba ang elevator at lumabas ako ng condo, nagmamadali. Umalis siya doon at hinayaan ko siyang pumunta sa lower ground.
Nag lakad ako ng kaonti patungong jeepney stop at nag antay ng ilang sandali. Nang naka sakay na ako ay nakita ko ang kanyang Prado sa likod ng jeep, sunod nang sunod dito.
Baliw na ba ang lalaking ito?
Naiwala ko lang siya nang nakarating na ako sa school at nagsimula na ako sa aking mga klase. Napaparanoid na nga yata ako dahil panay ang tingin ko sa pintuan sa pag aakalang nandon siya at hanggang dito ay sinusundan ako. Mas baliw yata ako sa kanya, e.
Umiling ako at lumingalinga. Patapos na ang araw ko sa school at wala akong nakitang Jason. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa kanya sa lahat ng napasukan naming gulo. Gusto kong maging magkaibigan kami ngunit nasira ko yata ang pagkakataong iyon. Naalala ko ang sinabi niyang kaya niya akong panagutan. Hindi ako naniniwalang seryoso siya doon. Imposibleng may pumayag na akuin ang batang hindi naman kanya.
Hinawakan ko ang tiyan ko. Hindi pa naman ito nakikita pero ramdam ko na iyon, ngayon pa lang. Mahal na mahal kita, baby. Pasensya na sa mga ginagawa ko. Gustong gusto lang kitang protektahan.
Alas kuwatro na nang nakarating ako sa building. Buong akala ko ay aabangan ako ni Rage para pagalitan ngunit nagkamali ako. Walang Rage na nag abang sa akin. Nakita ko ang mesa kong walang laman.
"Uhm, Sunny..." Sabi ng isang empleyadong nakasalamin at nanginginig na para bang sisipain ko siya pagkinausap niya ako.
Nagulat naman ako kasi may kumausap na sa wakas sa akin bukod kay Ms. Mendez.
"Bakit?"
"Uhm, pinapasabi ni Mr. Rage Del Fierro na hintayin mo na lang daw siya. Nag hintay siya dito kanina hanggang alas tres pero medyo natagalan ka yata ngayon kaya umalis para sa board meeting."
Tumango ako at sinulyapan ulit ang mesa kong dati rati'y punong puno ng mga dokumento. "Asan 'yong mga papel? Meron 'yon dito, ah."
Umiling ang babae. "W-Wala na po. Pinagawa na po ni Mr. Del Fierro 'yon sa iba. Hintayin niyo na lang daw po siya."
Kumunot ang noo ko at tiningnan ulit ang walang laman kong mesa. Ano ang gagawin ko dito, kung ganon?
Habang nag iisip ako sa maaari kong gawon doon ay may biglang umubo. Narinig ko ang yapak ng stilletos bago ako nag angat. Naka balot ang isang mukhang fur scarf na kulay gray sa leeg ni Ezra. Gawang gawa ang kulot kulot niyang buhok at ang kulay puting damit ay sumisigaw ng karangyaan. Nilagay niya sa kanyang braso ang kanyang shoulder bag at dinungaw niya ako sa aking mesa.
"Excuse me..." Sabi 'nong babaeng naroon at tiningnan si Ezra bago umalis.
Kumalabog ang puso ko. Inisip ko 'yong huli naming pagkikita at hindi maganda ang nangyari non. Hindi ako natatakot sa kanya pero ayokong masaktan ako dahil alam kong maaapektuhan ang anak ko.
"I want to talk to you, Sunny." Mariin at pormal niyang sinabi.
"Ayokong makipag away, Ezra. Wala tayong dapat na pag awayan. Hindi ako nanghihimasok sa buhay niyo ni-"
"Gusto kong makausap ka, sa labas ng building na ito. Babae sa babae." Aniya, seryoso.
Umiling ako. "Ano pa ang pag uusapan natin, Ezra?"
"Don't be childish, Sunny. Act your age. Magkita tayo in thirty minutes. I want to talk to you seriously. If you want to me to stop bugging you, be there." Aniya at sinabi niya sa akin kung saan kami magkikita pagkatapos ay tinalikuran niya ako.
Pinanood ko ang pag alis niya sa opisina. Huminga ako ng malalim at nag isip. Malapit langt iyong cafeteria dito. Natatakot akong umalis at pumunta doon dahil baka saktan niya lang ulit ako ngunit narealize kong matao ang lugar na iyon. Hindi naman siguro siya mag wawala sa mataong lugar. Medyo sikat siya dahil nasa media. At kapag may nakakita sa kanyang nagwawala ay paniguradong masisira ang kanyang pangalan.
"Ms. Sunny, bilin po ni Mr. Del Fierro na dito ka lang daw at huwag umalis. Narinig ko po kasi iyong pinag usapan niyo ni Ma'am Ezra..." Napapabagsak ang tingin ng babaeng nakasalamin nang bigla ulit siyang sumulpot. Para bang hindi niya ako kayang tingnan ng diretso.
Natulala na ako sa mukha nong medyo naiilang na babae sa harapan ko. Hindi ko alam kung susundin ko ba siya. Gusto ko nang tigilan na ako ni Ezra. Inisip ko rin na baka nadala lang siya sa kanyang galit nong isang araw kaya ganon ang ginawa niya. Ngayong mas kalmado na siya, siguro ay may matino din siyang sasabihin. Alam ko namang tinawag niya akong pokpok at dapat ay hindi ko na siya pagbigyan pa ulit.
Tumayo ako at kinuha ko ulit ang bag ko.
"May pupuntahan lang ako. Babalik din ako." Sabi ko doon sa babae na agad akong hinarangan.
"B-Bi-Bilin po ni Sir Rage na dito ka lang."
Kumunot ang noo ko. "Babalik din ako. Di ako magtatagal. tsaka, sabihin mo sa boss mo na wala siyang pake kung anong gawin ko sa buhay ko. Hindi niya ako pag aari." Sabi ko.
Nanlaki ang mga mata niya. Alam kong takot siya kay Rage. Well, lahat siguro ng emplayado ay kung hindi takot, patay na patay naman sa kanya. Naaalala ko pa si Mia noon na na gugwapuhan din kay Rage at sa mga pinsan nito.
"Wa'g kang mag alala, hindi ka sesesantihin non. Babalik din ako." Sabi ko at umalis na ng diretso.
####################################
Kabanata 53
####################################
Kabanata 53
Slap Me
Papasok ako sa cafe na sinabi niya. Naroon na siya sa gitnang table at umiinom ng juice. Nang namataan niya akong papasok sa cafe ay humalukipkip siya at pinanood niya ang bawat paggalaw ko na para bang naghihintay na magkamali.
Iginala ko ang mga mata ko sa buong cafe at nakita kong marami namang tao doon. Pinag titinginan pa siya ng iilang kumakain, siguro dahil namumukhaan siya.
Tumayo ako sa harap ng kanyang mesa. Inilahad niya ang kanyang kamay sa upuan sa tapat ko.
"Upo ka," aniya.
Dahan dahan akong umupo roon sa tapat niya. Pinanood niya ang pag upo ko nang nakakunot ang noo. Huminga siya ng malalim at nagsalita.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Sunny. Gusto kong malaman..."
Marami akong naisip. Alam niya kaya na buntis ako? Sinabi kaya ni Rage sa lahat?
"may plano ka bang balikan si Rage?" Bahagya siyang tumawa. "Oh that's a stupid question. Of course, gusto mo siyang balikan. Who would not want Rage Del Fierro, right?"
Hindi ako nagsalita. Sa sarili ko ay hindi ko rin alam ang sagot. Gusto, oo, pero ang isiping babalikan ko siya ay hindi ko makita. Paano ang baby ko? Paano siya tatanggapin ng pamilya? This is not my choice.
"He's hot, handsome, and very rich." Pinanood ni Ezra ang ekspresyon kong alam kong hindi nagbabago sa mga sinabi niya. "You're staying because you want your mother's money back and maybe you want him back too."
"I want my mother's money back, that's all. Hindi ako nagtatrabaho sa kanila dahil gusto ko siya, 'yong pera ng mama ko ang gusto kong makuha."
Nagtaas siya ng kilay. "Alright. So you want the money. What if I can give you that money. Would you stay away?" Tinagilid niya ang kanyang ulo at naghintay sa sasabihin ko.
"Ang pera ni mama ay nasa kompanya nina Rage."
"Yes, I know. But I can give it back to you. I will ask tita. Would you stay away, Sunny?" tanong ulit niya.
Hindi ako nakapagsalita.
"Kung totoong hindi mo hinahabol si Rage at pera lang ang gusto mo. Then, I can give you your damn money and stay away."
Natahimik kaming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Ayokong tumanggap ng tulong galing sa kanya ngunit inisip ko ang mga kailangan ng anak ko.
"Sunny, ilang buwan na kayong magkakilala ni Rage? 6 months? or less?"
Lumunok ako sa tanong niya. Saan siya patungo sa mga sasabihin niya?
"You think you know him, but I know you don't. Do you know his favorite food? Alam mo ba ang mga pinagdaanan niya noon?" Nanliit ang mga mata ni Ezra at umiling sa disappointment dahil wala akong maisagot. "Wala kang alam. High school siya 'nong nagkarelasyon 'yong mama mo at papa niya. Well, I'm not sure but maybe elementary din since palaging nag aaway sina tita noong elementary kaming dalawa. Tito Marco was always out of town and with his other woman. Tita was always drunk because of that. At si Rage, pasan niya ang lahat. Lahat ng problema nilang dalawa! Ako lang ang kasama niya para malagpasan lahat ng iyon."
They grew up together. They know each other so well. Kinurot ang puso ko sa katotohanang ito. Inisip ko kung ano ang nangyari kung mas maaga lang kami nagkakilala ni Rage. Kung sana ako 'yong nandon kasama niya para malagpasan lahat ng iyon.
"Doon niya nakuha ang galit sa mundo, sa mga tao. We were teens at maaga siyang nagkaproblema sa pamilya. Kaming dalawa ang nakakakita sa pag aaway ng kanyang mama at papa. The way tita told him that they are nothing for tito, na wala silang halaga, na hindi sila importante sa kanyang ama, nakita ko ang lahat ng iyon. He started hating his father. Ngunit nang nalaman niya na 'yong mama mo ang lumalandi sa kanyang ama ay iyong mama mo ang kinainisan niya ng husto."
"Inaamin kong may kasalanan si mama ngunit hindi sa kanya lahat ng kasalanang ito! May kasalanan din si Mr. Del Fierro."
"Teenagers kami non, Sunny. Ako lang... You know that? Ako lang 'yong kasama niya. Ako lang 'yong may alam ng lahat. I was his bestfriend. He loved me passionately. Pag wala ako, hindi siya mabubuhay dahil naka depende siya sa akin all his life."
Hindi ulit ako nakapagsalita. If he depended on you, then why is he pursuing me?
Nakita ko ang maluha luhang mata ni Ezra. Tumigil siya sa pagsasalita at uminom ng tubig bago nagpatuloy.
"He loved me. I was his first all! First kiss, first girl he touched! He poured his heart to me, Sunny. He never liked other girls. Kung may iba man siyang mahalikan at pag tripan, sa akin parin siya umuuwi at the end of the day. I'm positive, sa loob ng anim na buwan na pagkakakilala niyong dalawa, babalik din siya sa akin. Ako at ako lang ang kaya niyang mahalin ng lubusan at ako lang ang kayang magmahal sa kanya ng ganito."
Humikbi siya. Namula ang kanyang ilong at nagpunas siya ng luha gamit ang tissue. Hindi ako makapagsalita.
"I will never beg you to give him to me, Sunny. Dahil alam ko sa sarili ko na ako lang talaga ang para kay Rage. Kung ano man ang namamagitan sa inyong dalawa ngayon, laro niya lang iyan. He likes playing games. Ilang babae na rin ang napag laruan niya pero wala akong pake kasi sa akin siya umuuwi. Sa akin siya nag bumabalik. Now, If you don't want to get hurt, Sunny, you should take my advice. Take the money at magpakalayu layo ka na." Tumigil siya dahil sa kanyang pag iyak.
Gusto kong sabihin na nagsisinungaling siya. Kung siya ang pipiliin ni Rage, bakit siya sinasaktan nito?
"Gusto ni tita at tito na kami ang magkatuluyan. I need him and he needs me bad. They know it. Kasi ako ang nakakakilala kay Rage. Ngayon, hindi na sila matahimik dahil sa'yo. Dahil galit si tita sa'yo at hindi niya kayang nandyan ka. Guguluhin mo lang ang buhay ni Rage. He deserved a peaceful life. Hindi iyong magulo tulad noon. Ikaw ang magpapagulo nito."
Nagbara ang lalamunan ko. Hindi ko kailangang marinig ang lahat ng ito para lang iwan ko si Rage. Alam ko na noon pa na kailangan kong lumayo.
"He will get over you soon. Sa oras na makuha ka niya, aalis din 'yan. He'll leave you crying. I bet you my life." Tumitig siya sa akin. "This is my warning for you. Ikaw na ang bahala. You don't know him but you know his father. Nagpadala si tito sa pakiramdam niya noon sa mama mo kaya sila nasira bilang pamilya. Now, you don't want that to happen to us just for yourself. Don't be selfish, Sunny. Prove to me that you're unlike your mother. Ipakita mo samin na hindi totoo 'yong mga bintang namin sa'yo."
Tumayo ako dahil ayoko nang makinig. Gusto ko nang umalis. "Hindi ko na kailangang patunayan sa inyo ang sarili ko, Ezra. Kung anong gusto ninyong isipin, bahala na kayo."
Nanlaki ang mga mata niya sa pagtayo ko. "This Friday, Sunny. Please, ibibigay ko sa'yo 'yong pera. Ibibigay namin sa'yo ni tita at lumayo ka na."
Tinalikuran ko siya at hindi na ulit nilingon kahit nong nakalabas na ako. Wala siyang karapatang diktahan ako sa mga gagawin ko. Alam ko na siya ang lubos na nakakakilala kay Rage at hindi ko maipagkakailang inggit ako sa pinagsamahan ng dalawa. Pero wala na sa akin 'yon. Kung sino man talaga ang gusto ni Rage ay hindi na ako makekealam. Ang anak ko na lang ang gusto kong isipin.
Pumasok ako sa elevator ng Del Fierro building at pinunasan ko ang luha ko nang napagtanto kong lalayo nga ako. Kailangan ko nong pera at natatakot akong kailangan ko nga ng tulong ni Ezra.
Pumasok ako sa opisina nang wala sa sarili. Tahimik ang mga empleyado at panay ang tingin nila sa akin na para bang may mali akong nagawa!
"Where have you been?" Malamig na utas ni Rage. Nakaupo siya sa table ko at pinaglalaruan ang ballpen ko.
Kumunot ang noo ko. "Nag usap lang kami ni Ezra."
Nanlaki ang mga mata niya. Para bang ayaw niyang mag usap kaming dalawa o may tinatago siya sa akin. Tumayo siya at tiningala ko ang kanyang titig. "Anong sinabi mo?"
Tumikhim ako. "Nag usap kami. Mahal ka niya, Rage. Puntahan mo siya. Nasa-"
Hinawakan niya ang braso ko at nag igting ang kanyang panga.
"Are you crazy, woman? The last time you saw each other kinalmot ka niya! Gusto mong mapahamak? Do you want me to kill someone just to stop you from being so..." Pumikit siya ng mariin.
Ang dalawang kamay niya ay nakahawak na sa siko ko. Binabawi ko ang siko ko pero hindi ko mabawi ng tuluyan.
"What about are baby, huh?" Bulong niya. "Aren't you worried? Because I'm fucking worried. I'm worried about my girl and my baby. Alam mo bang muntik na akong mabaliw nang naalala ko na pinagtrabaho kita ng husto? Ni hindi ko kayang makita si Ezra dahil naaalala ko 'yong ginawa niya sayo?"
Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam pero gustong gusto ko lahat ng lumalabas sa kanyang bibig. Bawat salita ay nanunuot sa sistema ko. Parang hindi ko yata ito makakalimutan. Mukhang hindi ko ata 'to mabibitiwan.
Nanghina ako. Hindi ko alam kung bakit pero sobra ang panghihina ko sa kiliti ng pagkakahawak niya saking siko.
"Let's go. Nagpa appointment ako sa doktor. We'll go now, Sunny." Aniya.
"Hindi mo na kailangang-"
"If that's your baby, Sunny. Then, that's mine too." Mariin niyang sinabi.
Napatingin ako sa bawat nakarinig nong sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong titig sila sa akin na para bang may nalaman silang sekreto.
"Rage..." Tiningala ko siya.
Ngumisi siya. The kind of smile that can make my heart flutter. "That baby is the proof that you have to bear my name. That you're meant to be a Del Fierro. Like it or not, Sunny, I will make you a Del Fierro. Let's go." Aniya at hinawakan niya ang kamay ko pagkatapos ay naglakad paalis ng opisina.
Bumagsak ang mga mata ko sa aming mga kamay na magkahawak. Pumasok kami sa elevator at nilingon niya ako. Hindi ko siya matignan. May nararamdaman ako ngayon. Naramdaman ko na ito noon.
"Are you hungry, Sunny?" Tanong niya.
Dahan dahan akong tumango nang di siya nililingon.
Marahan niya akong hinila patungo sa kanyang katawan at pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking braso. Kinagat ko ang labi ko. Hinalikan niya ang aking ulo.
"Then we'll eat first. What do you want to eat? May pinaglilihian ka ba?" Bulong niya at dinungaw ako.
Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang naghihintay siya sa aking sagot.
"W-Wala." iling ko.
"Okay then what do you want to eat tonight?" Tanong ni Rage.
Napatingin ako sa kanya. Tumunog ang elevator at lumabas kami doon. Nang nasa lobby kami ay naabutan namin ang kanyang mama na papasok din sana ng elevator ngunit natigilan dahil nakita kaming dalawa. Mabilis na kumunot ang kanyang noo at bakas sa mukha ang pagkakairita.
"What's the meaning of this, Rage? Did she seduce you again?" Mariing utas ni Mrs. Del Fierro.
"Watch your words, ma." Ani Rage at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
Nilagay niya ako sa kanyang likod dahilan kung bakit hindi ko makita ang kabuuan ng mukha ni Mrs. Del Fierro. Para bang ayaw ni Rage na masaktan ako o mapagsabihan ng kanyang ina.
"Ginagamit ka lang ng babaeng 'yan. What's the matter, Rage? Noon, you told me we'll have our revenge together? Na kung hindi kay Amelia ay sa anak ka niya maghihiganti. Is this part of the plan-"
"Enough of the bullshits, ma! Stay out of this please. Let's go, Sunny." Ani Rage at hinila ako para matigil na sa pakikipag usap sa kanyang mama.
"She's using you for the money. Because 1M isn't enough for her. She wants the whole company, Rage."
Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Rage sa akin. Sumikip ang dibdib ko sa matatalim na salita ni Mrs. Del Fierro. Tumigil sa paglalakad si Rage at binitiwan niya ang kamay ko. Iniwan niya ako sa kinatatayuan namin malapit sa pintuan at mabilis ang lakad niya patungo sa kanyang mama.
"You are not going to talk to her like that, ma!" Sigaw niya at kitang kita ko ang galit sa kanyang mukha.
Tinakpan ko ang bibig ko. Dalawang armadong lalaki ang pumigil sa kanyang lumapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Mrs. Del Fierro sa inasta ng anak.
"What happened to you, Rage!? Noon, tayo ang magkakampi!" Nakangiting hilaw ang kanyang mama. Nilingon niya ang bawat empleyadong nakatingin sa kanya. "Anong ginawa ng pokpok na 'yan-"
"Enough, ma!" Sigaw ni Rage. "Kung ayaw niyong mawalan ng anak ay titigilan niyo si Sunny!"
"What did you just say, son?" Tumagilid ang ulo ni Mrs. Del Fierro.
Kinagat ko ang labi ko. Kitang kita kong nasaktan si Mrs. Del Fierro sa sinabi ni Rage.
"I missed your words. I did not hear it properly." Ngumisi si Mrs. Del Fierro ngunit bakas ang sakit sa mukha.
"No, ma, I think you heard me right. I said, wala ka nang anak kung ipagpapatuloy mo ang pagsasalita ng masama kay Sunny." Mas mahinahong sinabi ni Rage.
Nalaglag ang panga ni Mrs. Del Fierro at tumingin siya sa akin.
"Rage!" Marahan kong tawag. Tama na, Rage. Kahit na naging malupit ang mama mo sakin ay hindi ibig sabihin na magsasalita ka ng masama sa kanya. Kapamilya mo parin siya.
Nanginig ang boses ni Mrs. Del Fierro at nakita ko ang lumandas na luha sa kanyang mga mata. "You're not going to ruin our relationship, our family for that girl, Rage. Right? Tayo ang magkakampi."
Huminga ng malalim si Rage at hindi nagsalita. Alam kong nahihirapan din siya. Kung ano man ang sinabi niya kanina ay dahil lang iyon sa galit niya.
"I can ruin anything for her, ma. Remember that. So stop this thing." Ani Rage at tinalikuran niya ang kanyang ina.
Nagtama ang mga mata naming dalawa. Nanikip ang dibdib ko nang nakita ang lungkot at galit sa kanyang mukha. Pinaghalo ang dalawa at alam kong sobrang nasasaktan din siya. Hinila niya ulit ako palabas ng building.
"You turned him into your beast, Sunshine Aragon. You turned my son into your beast!" Sigaw ni Mrs. Del Fierro bago kami tuluyang nakalabas ni Rage sa building.
Pagkalabas namin sa building ay huminga ng malalim si Rage at nilingon niya ako. Pumungay ang kanyang mga mata. Nilagay niya sa tainga ko ang takas na buhok. Umuhip ang malakas na hangin at nanlamig ako.
"I'm sorry, Sunny." Ani Rage.
"Sir, andito na sasakyan niyo." Sabi ng isang guard.
May lumabas na driver sa kanyang sasakyan at hinagis nito kay Rage ang susi ng Prado. Binuksan ni Rage ang pintuan ng front seat at nilahad niya sa akin iyon. Hindi na ako nagdalawang isip. Pumasok na ako roon at tahimik niya itong sinarado.
Pumasok din siya sa driver's seat at pinaandar niya ang sasakyan. Tahimik siya sa loob. Pinanood ko lang ang langit na naghahalong kulay orange at itim. Gumagabi at at tumitingkad na ang mga ilaw sa kalsada. Tahimik siya at tahimik rin ako. Ayokong magsalita. Kahit na gustong gusto ko siyang kausapin.
Nilingon ko siya at nakita ko na umigting ang bagang niya. Sinaulo ko ang bawat kurba ng kanyang mukha. Ang tangos ng kanyang ilong, ang kurba sa gitna ng kanyang labi, itinatak ko iyong lahat sa aking utak. Inisip ko ang batang Rage na puro problema sa pamilya ang inaatupag. Si Mr. Del Fierro na palaging wala sa bahay at si Mrs. Del Fierro na palaging lasing. Inisip ko na sobrang hirap ng batang Rage at naninikip ang dibdib ko tuwing naiisip kong si Ezra lang ang kasama niya. He cried in Ezra's arms. Ezra saw everything I didn't.
Umawang ang bibig niya nang niliko ang sasakyan. Hindi ko alam saan kami pupunta. Kakain o pupunta muna sa doktor. Hindi parin ako nagsasalita. Tinitigan ko lang siya.
Tinigil niya ang sasakyan sa tapat ng maraming restaurant. Hindi niya binuksan ang pintuan. Tumikhim lang siya at may kinuha sa drawer. Nilingon niya ako at kinagat niya ang kanyang labi. Wala paring nagsasalita sa amin.
Nakita kong kulay maroon ang maliit na box na pinaglaruan niya. May gold na border ito at may salitang Cartier sa gitna. Binuksan niya ito at kinuha niya agad ang nasa loob.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong kuminang ang malaking diamond doon. Napatingin ako sa kanya. Hindi parin siya nagsasalita. Hinawakan niya lang ang singsing at naglahad siya ng kamay sa akin.
Bumilis ang paghinga ko sa kaba. Gusto niyang suotin ko ito? Engagement ring?
Nang ilang sandali ay hindi ko parin binibigay ang kamay ko ay tumikhim siya at kinuha ang nanghihina kong kamay.
"Slap me if you're not yet ready for this." Bulong niya at dahan dahang isinuot sa nanginginig kong darliri ang engagement ring.
Nagbara ang lalamunan ko. Ang hugis parisukat na diamond stone na pinapalibutan ng mas maliliit na diamond ay kuminang sa konting ilaw galing sa labas.
Nag angat siya ng tingin sa akin. Ang mga luha ay nangilid sa aking mga mata. Hinawakan niya ang aking pisngi at hinila niya ako para makalapit sa kanyang mukha. Marahan niya akong hinalikan ng mababaw. Tumulo ang luha ko. Ang sakit sakit ng puso ko at natatakot akong hindi iyon maganda sa baby namin. Baby naming dalawa!
Tumigil siya pagkatapos ng isang halik.
"Let me marry you, Sunny. For us. For me. Let's forget the complications. I want to be happy. I've been sad for a very long time. And you make me so high. You make me so damn high all the time."
####################################
Kabanata 54
####################################
Kabanata 54
Make Up
He didn't need an answer. Alam niya sa sarili niya na mahal na mahal ko parin siya at gustong gusto ko rin siyang makasama. Not just for our baby's sake but it's also for me.
"Do you love me back, Sunny? Do you still want to be with me?" Tanong niya pagkatapos kong punasan ang aking luha.
Tumango ako at agad niya akong binalot sa mainit niyang yakap.
"Good girl." At hinalikan niya ang ulo ko.
Pagkatapos naming kumain sa labas ay dumiretso na kami sa ospital para magpacheck up. Sa labas ng clinic ay may nakita akong dalawang pares ng mag asawa. 'Yong isa ay sobrang laki na ng tiyan na tingin ko ay malapit na ang due date niya, samantalang mukhang maagang pagbubuntis pa lang 'yong isa.
Pinagmasdan ko sila habang tahimik kami ni Rage. Nakahawak siya sa kamay ko, pinaglalaruan ang mga daliri ko. Alam kong medyo kabado siya at hindi ko alam kung bakit hindi naman ako tulad niyang kabado kahit na ako ang titignan ng doktor.
"Ang sakit sakit ng balakang ko." Reklamo nong isang buntis na malaki na ang tiyan. Hinahaplos ng kanyang asawa ang kanyang balakang. Ngumiti ako. Ang cute nilang tingnan.
Humigpit ang kamay ni Rage sa mga daliri ko. Nilingon ko na siya at nakatingin siya sa akin. Huminga siya ng malalim.
"Ano kaya ang mga bawal sayo?" Tanong niya.
Umiling ako. "Hindi ko alam. First time ko 'to dito. Nong nag pregnancy test ako at nalaman ko na buntis ako, hindi ako dumiretso sa doktor. Si Mia lang ang nagsabi sakin kung ano ang mga dapat kong gawin."
Ngumuso siya. "Bakit di mo agad sinabi sakin na buntis ka nong nalaman mo?" Tanong ni Rage.
Nagkibit balikat ako. "Galit ako sa'yo non."
"Kahit na. May karapatan ako sayo. May karapatan ako sa bata."
Nag angat ako ng tingin sa kanya at nagulat ako dahil seryoso siya.
"I want the best for my child and for you, Sunny."
"Hindi ko alam na aakuin mo pala ang responsibilidad. Akala ko tatakbuhan mo ako. Akala ko ayaw mo munang magkaanak." Humina ang boses ko. "Sabi ng mga pinsan mo, gumagamit ka daw ng condom palagi noon sa ibang babae." Lumunok ako. "Wala akong matandaang gumamit ka ng condom sakin." Nahihiya akong tumingin ulit sa kanya.
Umangat ang kanyang labi at kinagat niya ito. Para bang may masama siyang binabalak. "I probably won't ever use condoms anymore."
Uminit ang pisngi ko. Kasabay nito ay ang pagtawag ng nurse sa akin.
"Sunshine Aragon." Aniya habang dumudungaw sa kanyang papel. "At..." Tumingin siya kay Rage at nakita ko kung paano nagtagal ang tingin niya rito. Hindi ko napigilan ang ngiti ko. "Asawa niyo po? Nakalagay sa records ay single, e." Tanong ng nurse sa akin.
"Future husband. We're engaged, miss."
"Ahh." Tumango tango ang nurse at may sinulat sa kanyang papel. "Ano po ang pangalan nila, Sir?"
"Rage Joseff T. Del Fierro." Ani Rage.
Tumango ang nurse at agad kaming pinapasok sa loob.
Puti ang loob ng clinic at maraming mga posters tungkol sa pagbubuntis. Iginala ko ang mga mata ko sa mga posters kung saan nag e-evolve ang fetus patungo sa isang malaking baby. Hindi ako makapaniwala na mangyayari 'yan sa loob ng tiyan ko.
"Mr. Del Fierro?" Nagtaas ng kilay ang doktora pagkapasok namin.
"Doc." Sabay lahad ng kamay ni Rage sa kay doktora. Nilingon ako ng doktora at nginitian. "Sunny, this is Doctor Silvia Rosal. She's one of our clients."
Naglahad din ako ng kamay ay malaki ang ngiti ni Dr. Rosal habang nagkakamayan kami.
"Hmmm. So... you're 20 years old, hija?" Sabi ng doktor nang umupo kami ni Rage sa magkabilang upuan ng kanyang table. May clipboard siya kung saan niya isusulat ang mga detalye na sasabihin ko.
"Opo."
"You're turning twenty-one next month."
Napatingin si Rage sa akin. Ngumiti ako sa doktora. "Opo."
"Hindi ka ba nagpacheck before today?" Tanong ni doktora habang kumukuha ng isang pack ng pregnancy test.
"Hindi pa. Nagplano ako noong nakaraang Linggo. Nag offer 'yong kaibigan ko na pupunta kami sa tito niyang doctor. Pero di kami natuloy kaya first time ko 'to."
Nakita kong humalukipkip si Rage at tumitig sa akin.
"I would like you to perform urine test again. Tsaka natin i ta-transvaginal so we'll know kung ilang weeks ka na, alright?" Sabi ni Dr. Rosal.
Tumango ako at sinunod ang sinabi niya. Pumasok ako sa CR sa loob ng clinic at pagkatapos kong gawin iyon ay ipinakita ko sa kanya ang dalawang linya sa pregnancy test. Tumango siya. Dinungaw ng tahimik na si Rage ang pregnancy test at mukha siyang walang naintindihan. Ngumisi ako.
"How are you feeling? May cravings ka ba?" Tanong ni Doktora.
Umiling ako. "Wala po pero sensitive ako sa cheese." Sabi ko at agad na namang tumingin si Rage sa akin.
"What else do you notice?" Sabi niya habang nagsusulat.
"'Yong nipples ko po medyo, uhm, masakit." Nahihiya kong sinabi.
"Hmmm sensitive nipples. What else?" Nagtaas ng kilay si Dr. Rosal.
Nanliit ang mga mata ko. "Madalas akong antukin. At bukod don, wala na po." Sabi ko.
Tumango siya. "Avoid stress. Bibigyan kita ng magazine para makita mo anong mga sintomas na maaari mong maramdaman. Can I ask you to change into this robe ?" Tanong ni doktora sabay pakita sa naka hanger na puting robe. "Remove everything. At humiga ka na lang doon. I'll be back." Sabay turo niya sa isang room na may nakalagay na 'Intrasectal Room', pagkatapos ay umalis siya, iniwan kami ni Rage.
Tumango ako at dumiretso na sa room kung saan ako magbibihis. Sinundan ako ni Rage. Sinarado ko iyong room pero panay ang salita ni Rage sa kabila.
"Really? Tito nino? Doktor na lalaki? OB na lalaki? Like hell papayagan ba kita? Buti di ka natuloy. Dapat ay babae ang mag check sayo."
Nong una ay hindi ko naintindihan ang sinasabi niya ngunit unti unti kong napag tanto na may problema siya sa Ob Gyn na lalaki. Umiling na lang ako habang nagbibihis ng nipis na robe.
"Rage..." Sabi ko at binuksan ang pintuan.
Nalaglag ang panga niya nang nakita akong naka nipis na puting robe. Mariin siyang pumikit at huminga ng malalim. Tumagilid ang ulo ko at hinanap ko ang mga mata niya.
"Humiga ka na don sa loob." Medyo galit niyang sinabi.
"Galit ka?" Sambit ko.
"Hindi. Humiga ka na doon." Sabay turo niya ulit sa loob.
"Parang galit." Kumunot ang noo ko at pumasok na rin sa loob.
Narinig ko ang pagpasok ng doktor at isa pang nurse para mag assist. Pinahiga nila ako sa room. Naroon din si Rage nakahalukipkip at pinapanood ang gagawin ng nurse at ng doktor. Huminga ako ng malalim at hinintay ang gagawin nila. Napatingin ako kay Rage na ngayon ay maputlang maputla. Kinunot ko ang noo ko nang napatingin siya sa akin.
"Okay ka lang?" Tanong kong natatawa.
Tumango siya ngunit alam kong kabadong kabado na ito.
May ipinahid na malamig na cream ang nurse sa akin. Tumingin sila sa monitor kung saan tingin ko ay lalabas ang picture sa loob ng tiyan ko. May wire o mukhang stick silang ipinasok sa akin at agad akong gumalaw sa sakit.
Dumalo agad si Rage sa akin, ngayon mas lalong maputla. Nang nakapasok na iyon ay wala na akong maramdaman kundi kiliti at kaonting sakit.
"You are..."
Tumingala si Rage at nalaglag ang panga niya. May narinig akong tambol galing sa speakers at noong una ay akala ko dahil lang iyon sa machine pero nang naramdaman kong kasabay ito sa lakas ng pintig ng puso ko ay nakuha kong sa baby iyon!
"6 weeks pregnant. Maaga pa naman." Tumango ang doktora.
Nanatili ang mata ni Rage sa screen kung nasaan may maliit na hugis bilog. Ngumiti ako.
"Doc, 'yan ba ang baby?" Tanong ko habang nanonood sa maliit na bilog.
"Yup. Balik ka dito after two weeks mas klaro na 'yan." Ngiti ng doktora. "Congrats, Mr. Del Fierro."
Nilingon ko si Rage at hindi parin matanggal ang kanyang tingin doon. Ilang sandali pa bago niya ako dinungaw. Nakita kong medyo pula ang kanyang mata. Mabilis niyang hinalikan ang aking labi. Kumalabog ang puso ko at hindi ko mapigilan ang kasiyahang nadama.
"You're making me so happy, Sunny. I am so damn happy." Patuloy ang kanyang halik sa aking labi.
Humalakhak ako. Tumigil siya at tumingala ulit sa baby naming dalawa.
Hindi ko makalimutan ang mukha niya ngayong araw na ito. What I'd give to see it again. Panay ang ngiti niya habang dala dala ang iilang mga magazine galing kay Doktora Rosal. Binili niya rin agad sa pharmacy lahat ng mga nireseta.
"Mag go-grocery tayo bukas. Hmmm. Saan ko ilalagay 'tong magazine? I want to read it but... you're living away from me."
"Pwede mong dalhin na lang muna 'yan." Sabi ko sabay pasok sa kanyang sasakyan.
Hinawakan niya ang pintuan at nilagay niya ang kanyang paa sa sahig ng sasakyan. Tiningnan niya ako ng mabuti.
"This will be either you'll go home with me o sa kina Kid muna ako matutulog hanggang sa bumalik ka na sa bahay."
Nagtaas ako ng kilay. "Rage, hindi ako pwedeng bumalik sa bahay mo."
"Hindi doon nakatira sina mama at papa, Sunny. Don't worry about them. They can't touch you. I won't let that happen."
Ilang sandali akong tumunganga sa kanya bago nagsalita ulit.
"Hindi ka pwede kina Kid. Nakakahiya naman." Sabi ko.
"They will understand. Besides, we're engaged now. Magbibilang na lang ako ng mga araw para makabalik ka na sa bahay. We're having a baby, Sunny. You need to think about this. Dapat ay sa bahay ka na tumira."
Kinagat ko ang daliri ko at nag isip. "I'll think about it, Rage. Sa condo na lang muna ako ngayon."
Tumango siya at huminga ng malalim. Tiningnan ko siyang mabuti at ginalaw niya ang ulo niya na para bang masakit ang kanyang leeg. Napansin niya ang pagtitig ko at nanliit ang mga mata niya.
Binitiwan niya ang pintuan at hinaplos niya ang aking pisngi. Naghabol agad ako ng hininga at ang kuryenteng unti unti kong naramdaman ay bumaba na sa buong katawan ko. Tiningnan ko ang nakaawang niyang labi. Inangat ko ang mukha ko sa pagbabakasakaling mahalikan ko siya. Nang nagtama ang aming mga labi ay hindi ko na napigilan ng sarili ko. I wanted so bad to kiss him. Iyong tipong walang pumipigil sa akin.
"Hmmm, Sunny, we need to go home. You're tired." Bulong niya habang hinahalikan ko siya.
Nag init pa lalo ang aking sistema. Halos mapaliyad na ako sa paghahalikan naming dalawa. Hinawakan niya ang aking dibdib at walang kahirap hirap. Ang isang kamay niya ay bumaba sa ibinahagi kong mga hita. Walang kahirap hirap niyang hinaplos ang gitna nito. Tumigil siya sa pag halik at tiningnan niya ako, nanlalaki ang mga mata. Kinagat ko ang labi ko at uminit ang pisngi ko.
Binawi niya ang kamay niya at inayos niya ang damit ko.
"You're craving for me, Sunny." Bulong niya.
Tumango ako at mas lalong uminit ang pisngi ko. Ang nakabahagi kong hita ay pinagtabi ko na ngayon dahil sa kahihiyan.
"But you're very fragile right now." Huminga siya ng malalim at umayos sa pagkakatayo. Sinarado niya ang pintuan.
Bigong bigo ako ngunit ayokong ipahalata sa kanya. Inayos ko ang sarili ko at pinanood siya sa pagpasok niya sa sasakyan.
Nilingon niya ako at hinalikan sa noo. "Let's go home."
Ngumuso ako at inisip na kung sasama ako sa kanila ay siguro hindi na ako mabibigo. Ngumisi ako at pinanood ulit siyang nagmamaneho. Nakakunot ang kanyang noo at mukhang malalim ang iniisip. Baby, this is your dad. He's so hot and he makes my heart beat so fast. Madalas niya rin akong binibigo pero ayos lang kasi bumabawi naman. Mahal na mahal ko ang daddy mo kaya ka nabuo.
Pagkadating sa condo ay masayang masaya ako dahil hinatid ako ni Rage. Ngunit naabutan kong tahimik na umiiyak si Mia habang umiinom ng whiskey. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong papaubos na ang whiskey. Mabilis akong dumalo sa kanya. Si Rage, sumunod sa akin.
"Mia, ayos ka lang?" Tanong ko.
Umiling siya at pinunasan ang luha na lumandas sa kanyang pisngi. Nilingon ko si Rage at nakita kong binuksan niya ang pintuan ng kwarto ni Mia at Kid. "Asan si Kid?" Tanong niya.
"Uuwi 'yon mamaya." Nanginginig na sambit ni Mia.
"B-Bakit ka umiiyak?" Tanong ko.
"Nag away ulit kami. Kakainis!" Humagulhol siya at tinabunan niya ang kanyang mukha ng kanyang palad.
Nilingon ko ulit si Rage at nakita kong may tinatawagan na siya sa kanyang cellphone. Siguro ay si Kid? Inisip ko pa naman sanang sasabihin ko kay Mia na nag propose na si Rage sa akin ngunit sa ngayon ay wala iyon sa lugar. Hinaplos ko ang likod ni Mia.
"Anong pinag awayan niyo?" Tanong ko.
"Sinabi niyang may gusto ako kay Jason! Tang ina!" Ani Mia.
"Ano?" Naguguluhan kong sinbi.
"Pumunta si Jason dito. Ikaw ang sadya. Pinapasok ko siyempre tapos tinext kita. Eh di ka dumating at naabutan ni Kid kaya ayun."
"Pumunta si Jason dito? Bakit daw, Mia?" Tanong ni Rage na ngayon ay medyo iritado.
"Hihingi daw siya ng dispensa kay Sunny." Ani Mia. "Wa'g ka ngang OA, Rage. Isa ka pa, e. Sarap niyong pag untugin ni Kid." Humalakhak si Mia at umiyak ulit.
Nilingon ko si Rage at nakita ko siyang kunot parin ang noo.
"Minsan, Sunny, iniisip ko..." Bumaling ako kay Mia. "Naisip ko na baka hindi naman talaga niya ako gusto. Kasi diba, ikaw 'yong gusto niya nong una. Baliw siya sayo noon. Tapos sinalo ko lang kaya heto at ako ang naghihirap. Heto at hindi niya naman ako pinapahalagahan kasi second choice niya lang ako. Tang inang 'yan. Second choice. Ni hindi ako pinapakilala sa pamilya niya."
Nalaglag ang panga ko. "Hindi totoo 'yan, Mia. Nakikita kong mahal ka ni Kid."
Tumikhim si Rage at umupo sa sofa. "Dito ako matutulog. I'll make sure my wife will sleep soundly. Hindi iyong nasasali sa away niyo. She's pregnant and, I'm not going to lie, I'm paranoid. Mia, pabalik na si Kid. Please, wa'g niyong isali si Sunny sa gulo ninyo."
"Rage!" Saway ko.
Nakita kong walang bahid na pagsisisi sa mukha ni Rage.
"Alam ko, Rage. Di mo ako kailangang pag sabihan." Matabang na sinabi ni Mia.
"Make up sex is the best solution. I'm still waiting for my make up sex, though." Ngumisi si Rage at tumindig ang balahibo ko.
Tumawa si Mia at nilingon ako. Shit!
####################################
Kabanata 55
####################################
Kabanata 55
Tulong
Dahil sa pagod ko ay diretso ang tulog ko sa aking kama. Nagising na lang ako na mabilis ang kalabog ng puso ko. Mabilis din ang hininga ko at agad napabangon. Tumindig ang balahibo ko nang naalala ko kung ano 'yong napanaginipan ko.
Nilingon ko si Rage at nakita kong wala siya sa tabi ko. Pagkalagay niya sa akin sa kama kagabi ay mabilis na akong naidlip. Ni hindi ko na nalaman kung nagkabati ba si Mia at Kid.
Pinagtabi ko ang hita ko at yinakap ko ang aking tuhod. Napanaginipan ko na hindi pa tinatanggal ni Rage ng lubusan ang underwear ko ay hinaplos niya na ako agad. Ngumuso ako at pumikit. Bakit ganon ang panaginip ko?
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at naabutan ko na naman siya sa kusina na naka topless at nagluluto ng almusal ko. Kinagat ko ang labi ko habang tinitingnan ang ibabang likod niya. Naglakbay ang mga mata ko pataas sa kanyang gumagalaw na muscles sa likod.
Lumingon siya sa akin at nagpunas ng kamay. Naabutan niya ang pagkagat labi ko kaya nagtaas siya ng kilay.
"Good morning! How was your sleep?" Aniya at humilig siya sa sink.
Pinaglaruan ko ang labi ko at umupo sa high chair sa may bar. Bumaba ang tingin niya sa binti kong nagmumukha na namang walang shorts dahil sa iksi ng suot ko at dahil sa laki ng t-shirt ko.
"M-Maayos." Nagdadalawang isip kong sagot.
Maayos. Naistorbo ako sa panaginip kong tungkol sayo. Uminit ang pisngi ko. Hinanap niya ang tingin ko at nagtaas ulit siya ng kilay.
"Something wrong?"
Umiling ako at nag tumingin sa kanyang niluluto. Nilapitan niya ang bacon na niluluto at pinatay bago bumaling ulit sa akin.
"You look pale, Sunny." Lumapit siya sa akin.
Nanginig ang sistema ko. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto kong haplusin niya ako. Hinawakan niya sa magkabilang dulo ang high chair ko at sobrang lapit naming dalawa.
"Do you need anything?" Bulong niya.
Umiling ako nang di tumitingin sa kanya. Tumindig ang balahibo ko at nag iinit na naman ang buong sistema ko tulad ng nangyari kagabi.
Nang narinig ko ang halakhak ni Mia at Kid papasok sa kitchen. Umayos agad ako sa pagkakaupo ngunit ang titig ni Rage sa akin ay nanatili na para bang may hinihintay siyang reaksyon sa akin.
Huminga siya ng malalim at tumayo ng maayos. Nagkunwari akong pinanood ang pagpasok ni Mia at Kid na mukhang masaya na ngayon. Nilingon din ni Rage ang dalawa at nakipag high five pa siya kay Kid.
Umiling si Rage at bumalik sa niluluto niyang bacon tsaka ngumisi kay Kid. "Ang ingay niyo kagabi." Sumulyap siya sa akin.
Uminit ang pisngi ko. Niyakap ako ni Mia galing sa likod.
"Hindi kita pinapaalis, Sunny, pero kelan balik mo sa bahay ni Rage?" Halakhak ni Mia.
"Huh?" Nahihiyang nilingon siya. "Hindi pwede."
Nagtaas ng kilay si Rage at pinanood ulit ang pagsasalita ko. Para bang may hinihintay talaga siyang reaksyon sa akin.
"Asus! Pakipot pa 'to. Bumalik ka na doon at nang magkaalaman na kayo." Sabay tawa ni Mia.
Ngumiti na lang ako at umiling.
Sabay kaming kumain sa dining table nila. Habang kumakain at nagtatawanan silang tatlo ay sumagi sa isip ko iyong mga plano ko. Ano na ang gagawin ko mula rito? Tinanggap ko ang alok ni Rage na magpakasal at ano na ang susunod kong lalandasin?
"I'll be busy today." Ani Rage. "Ihahatid kita sa school mo. May event sa kompanya sa bukas at may family dinner kami mamaya." Medyo humina ang boses niya sa huling sinabi.
Tumango ako. "Walang problema, Rage. Baka rin maging abala ako sa school."
Nakatingin siya sa kalsada at medyo seryoso ang kanyang titig doon. May malalim na iniisip ulit.
"Gusto ko sanang isama ka sa family dinner." Malamig niyang sinabi.
Napawi ang ngiti ko sa aking labi. Hindi ko alam kung nagustuhan ko ba 'yong alok niya o hindi. Alam ko na ang magiging reaksyon ng pamilya niya at ayaw kong maranasan ulit iyon.
"Kasama natin ang mga tita at tito ko. My cousins will be there too. I want to announce our engagement." Ani Rage.
"Rage..."
"Sunny, doon 'to patungo. Don't worry about them. They have to accept my decision. Kung ayaw nila, problema na nila 'yon." Ani Rage.
"Pamilya mo sila, Rage. Mas maganda kung mabuti ang samahan niyo ng pamilya mo. Let's face it, hindi nila matatanggap ang-"
"Then what do you suggest? We'll break up for them, Sunny? No frigging way. I won't give them the choice."
Lumunok ako at sa tono ng boses niya ay parang iyon na talaga ang desisyon niya. Itinigil niya ang sasakyan sa harap ng school.
"No boys for you." Aniya sabay tingin sa akin.
Nagtaas ako ng kilay sa pagtatanong sa ibig niyang sabihin ngunit hinalikan niya na ang aking labi. Bumilis agad ang tibok ng puso ko at marahan ang kanyang halik sa akin. Uminit ang pisngi ko. Gusto ko ng mas malalim na halik!
Hinawakan ko ang leeg niya at idiniin ko siya sa akin. Narinig ko ang mumunting halakhak niya.
"My little girl wants deep kisses." Bulong niya.
Mas lalo ko pa siyang hinalikan. Your little girl wants to make love, Rage. At nakakafrustrate ka! Naramdaman ko ang kanyang dila sa aking bibig kaya mas lalong uminit ang aking naramdaman. Tumigil siya sa paghalik at ngumisi.
"I can't fuck you right here, Sunny. We'll have to wait for tomorrow, I guess? And you're fragile, you're pregnant, I'm scared."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Halos sumabog ang buong sistema ko sa mga salita. Napatingin ako sa parking lot na puno ng estudyante. Bumaling ulit ako sa kanya at mas lalong lumaki ang ngiti niya.
Buong araw yata akong nag iinit dahil sa huling salita kong narinig kay Rage. Mababaliw na yata ako. Ni hindi ako nagulat nang nakita ko si Jason sa araw na iyon. Nakalimutan ko kung bakit siya nahihiyang lumapit sa akin. Kung hindi siya nag sorry ay hindi ko maaalala ang buong nangyari doon sa condo.
"Ayos lang 'yon, Jason." Ngiti ko.
Huminga siya ng malalim. "So... nagkabalikan kayo, huh?" Pumungay ang mga mata niya.
Tumango ako at napatingin sa mga libro sa harapan.
"He's the dad of your baby. Mabuti at pinanagutan ka niya. But will you be happy with his family?" Tanong ni Jason sa akin.
Nilingon ko ulit siya at hindi na ako nakasagot. Sa ngayon ay wala akong iniisip kundi kaming dalawa ni Rage. Ayaw ko munang isipin ang mga bagaheng dala niya at ang problemang maidudulot nito para sa aming dalawa at maging para sa anak namin.
Busy si Rage sa araw na iyon. Hindi siya umupo sa swivel chair ko pagkarating ko sa Del Fierro building ngunit may ibang taong nakaupo roon. Sa malayo pa lang ay tanaw ko na ang pagiging elegante ni Mrs. Del Fierro. Nakatayo ang babaeng naka taas ang ponytail at nakahalukipkip na pinanonood akong papasok sa opisina.
Humugot ako ng malalim na hininga at tumigil sa harap nila. "Anong kailangan niyo, Mrs. Del Fierro?" Tanong ko.
Kasabay ng pagtatanong ko ay ang kanyang pagtayo.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa." Aniya at nilingon ang mga empleyadong nakatingin at nanonood sa amin.
Lumayo agad silang lahat para bigyan kami ng privacy. Hindi niya na kailangang magsalita para malaman ng mga empleyado kung ano ang gusto niyang ipahiwatig. Nilingon ko si Ezra na ngayon ay nakaismid sa akin.
"Your share. Layuan mo ang anak ko." Ani Mrs. Del Fierro at nilagay niya sa harap ko ang isang itim na bag.
Naaalala ko ang eksena kung saan nagbibigay ng ransom ang mga magulang sa ga kidnappers na kumidnap sa anak nila. Binuksan iyon ni Mia at tumambad sa akin ang kulay asul at sandamukal na perang nakahilera sa loob.
"You'll earn your dignity back if you get this money coz it's yours. Pero pag si Rage pa ang pinangarap mo, tingin ko hinding hindi na magbabalik sayo ang dignidad mo. You don't own Rage and you have no right to get him." Mariing sinabi ni Mrs. Del Fierro.
Matama ko siyang tinitigan. Ayaw kong may makaligtaan siya sa sasabihin ko.
"Nasabi na po 'to sakin ni Ezra. Sorry po pero mahal ko ang anak niyo." Sabi ko.
"Mahal mo ang pera ng anak ko. You're just like your mother, Aragon. She liked the money so she pretended!"
"Huwag niyong idamay ang mama ko dito. Matagal ko nang iniwan si Rage dahil lang gusto ninyo-"
"Kung talagang iniwan mo siya noon, bakit nandito ka pa? Bakit ka bumalik? You... you have no dignity at all. You can't run away from the money so you're back!" Halos naghihisterya na si Mrs. Del Fierro.
"Sunny, I told you. Hindi ka matatanggap ng mga tao. Hindi ka nababagay sa mundo ni Rage. Mas mabuti pa kung tanggapin mo na lang itong pera at iwan mo na si Rage." Ani Ezra na ngayon ay punong puno ng make up at sumisigaw ng pagiging tanyag sa alta sosyedad.
"Your son can't run away from me." Mariin kong sinabi kay Mrs. Del Fierro.
Pumula ang kanyang pisngi at nakita ko ang paghigop niya ng hangin dahil sa galit. Tinitigan niya ako at ganon lang din ang ginawa ko sa kanya pabalik. Hinding hindi siguro talaga kami magkakasundo ng mama ni Rage. Kahit anong gawin kong pagpapatawad ay masasakit na latigo ang natatamo ko sa bawat salita niya. Hindi ko kayang humarap sa babaeng palaging dinadala sa putikan ang pangalan ng aking ina!
"Sabing hindi ka pwedeng pumasok! Huy!" Narinig kong may kaguluhan sa may pintuan. Ayaw ko sanang lingunin iyon dahil nasa harap ko si Mrs. Del Fierro ngunit narinig kong tinatawag ng isang pamilyar na boses ang aking pangalan.
"Sunny!" Sigaw ng boses lalaking paniguradong kilalang kilala ko.
Medyo napaawang ang bibig ko at nakalimutan kong nasa harap ko si Mrs. Del Fierro. Unti unti kong nilingon ang lalaki at nakita ko si Uncle na halos mapunit ang kulay dilaw na t-shirt dahil sa kakahila ng guard. Nakita ko rin ang pinsan kong si Patricia, maganda parin ngunit madungis.
Nanlaki ang mga mata ko. Parang tumigil ang mundo ko. Bakit sila nandito?
"Sino iyan?" Narinig kong sigaw ni Mrs. Del Fierro.
"Sunshine Aragon!" Sigaw ni Uncle.
Nanginig ang tuhod ko. Hindi ko alam kung bakit.
"Uncle..." Tawag ko habang hinihila siya ng mga lalaking empleyado.
"Ma'am, nakapasok sa building. Noong una pormal pa siya ngunit biglang nag wala. Lasing!" Anang isang security guard na gumagapos sa dalawang kamay ni Uncle.
"B-Bitiwan mo siya. Uncle ko siya." Sabi ko sa guard.
Napatingin ang guard sa akin. Lahat ng mga mata ay nasa amin ngayon. Nilingon ni Uncle ang guard at ang mga ugat sa kanyang noo at leeg ay halos lumabas na sa galit niya doon.
"Sabi ko na, e! Kapamilya kami ni Sunny!" Sigaw ni Patricia sa guard.
Nagulat ako. Buong buhay ko, ngayon ko lang narinig si Patricia na tumawag sa akin bilang kapamilya. Kahit nanginginig ang tuhod ko ay naglakad ako patungo sa kina uncle. Gusto kong bumaba kami ng building para mag usap ngunit diretso siyang nagsalita.
"Naospital ang auntie mo! Sakit sa baga! Kailangan namin ng gamot! Bente singko mil na ang utang namin sa ospital, Sunny." Naging maamo ang mukha ng uncle kong noon ay malupit sa akin.
Maging si Patricia ay nakita kong umiyak kahit na noon ay ako lang naman ang palaging pinaiiyak niya. Kumalabog ang puso ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!
Nakita kong tumingin si uncle sa akin mula ulo hanggang paa.
"Balita ko nakapag asawa ka raw ng mayaman! Tulungan mo kami!" Aniya sa nanginginig na boses.
Shit! Narinig ko ang pag halakhak ni Mrs. Del Fierro sa likod ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
"Uncle!" Tawag ko, nanginginig na rin ang boses ko.
Nilingon ko si Mrs. Del Fierro sa kahihiyan at agad akong naglakad palayo. Sumunod si Uncle at Patricia sa akin habang panay ang puna sa lahat ng pagbabago sa akin.
"Mukha ka ng mayaman ngayon. Ikaw na ba ang may ari nitong building? Napasunod mo 'yong mga security guard, Sunny, a?" Ani Patricia at sinundan ako sa elevator.
Pumasok silang dalawa sa elevator. Pumikit ako at nakita kong nakatuon ang buong atensyon ni Uncle sa akin.
"Huy! Hindi mo ba ako sasagutin? Hindi ka ba naaawa sa Auntie mo?!" Sigaw ni Uncle sa loob ng elevator. Halos napapikit ako roon.
"Saang ospital ba, uncle?" Tanong ko. "Anong sakit niya?"
"Aba..." Nilapitan ako ni Uncle. Napaatras ako at amoy na amoy ko ang alak sa kanyang hininga. "Nagdududa ka kung nagsasabi ako ng totoo? Kala mo hinuhuthutan kita, ano? Hindi kita hahanapin para lang huthutan! Kailangan namin ng pera! Porke't mayaman ka na, nakalimutan mo na kung saang putik ka nanggaling, Sunny!" Sabi ni Uncle habang tinuturo ako.
Kumalabog ang puso ko sa takot.
"H-Hindi po ako mayaman-"
"Sinungaling! Dinig ko nag asawa ka ng mayaman, Sunny!" Sabi ni Patricia.
Lumingon si Uncle kay Patricia. Hindi ko maipagkakaila na hawig ang mag ama ngunit minana lang ni Patricia ang kutis ni Auntie at ang tangos ng ilong. Malaki ang mga mata ni Uncle at medyo payat dahil sa kakainom ay kakasigarilyo.
"Hindi ako nag asawa ng mayaman." Sabi ko.
"Talaga?" Sigaw ni Uncle at agad kinuha ang kamay ko. Nilakhan niya pa ang kanyang mata habang tinititigan ang malaking bato sa aking engagement ring. "Kung ganon, ano 'to? Mape-prenda natin 'to ah?" Sabi ni Uncle.
"Engaged pa kayo?" Tanong ni Patricia habang binabawi ko ang kamay ko kay Uncle at tinatago iyon sa likod ko. "Edi pakasalan mo na! Nang maging mayaman na tayo! Mabayaran na 'yong ospital ni mama!" Sigaw ni Patricia at tumunog ang elevator, hudyat na nasa lower ground na kami.
Lumabas ako ng elevator para makaalis sa pangungulong ni uncle sa akin ngunit hinila niya ako.
"Aba't ayaw mong tumulong, ha?" Aniya, hawak hawak ang kamay ko.
Halos mapamura ako sa takot na baka anong gawin niya sa akin.
"Tutulong ako, uncle! Tutulong ako!" Nagmamakaawa kong sinabi.
Nakita kong nag kuyom ang kanyang kamao. Hindi ko pa siya kailanman nakitang nanakit ng kahit sino ngunit ngayon ay hindi ko talaga maiwasan na mag isip na kaya niya nga akong saktan!
"Patricia, saang ospital ba si Auntie?" Tanong ko sa pinsan ko bago pa ako masuntok ng tiyuhin ko.
"May pambayad ka ba? O nakikiusyuso ka lang? Siguraduhin mong meron kang ipambabayad, Sunny. Malalagot ka sakin kung anong mangyari kay mama!" Ani Patricia at nagsimulang maglakad palabas ng parking lot.
Nakatitig si Uncle sa akin at itinapon niya ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata niya at may pagbabanta sa kanyang mukha bago ako tinalikuran.
####################################
Kabanata 56
####################################
Kabanata 56
Failure
"W-Wala akong cash ngayon." Sambit ko, nangingilid ang luha ko habang hinaharap si Uncle pagkatapos kong pasukin si Auntie sa kanyang room.
May tubig daw sa baga ni Auntie at maraming kailangang i-test para mas makita kung anu-ano pa ang problema niya doon. Tulog siya pagkapasok ko at naabutan ko pa ang nurse na nag tuturok sa kanya ng medisina.
"Anong wala?" Sigaw ni Uncle. "Huwag ka ngang madamot! Alam namin kung ano na ang nangyari sa buhay mo! Nakapag asawa ka ng mayaman!"
"Hindi 'yan totoo!" Sabi ko. Hindi ko alam saan nila napulot ito pero nakakahiya naman ang mga pinagsasabi nila.
Tinulak ako ni Uncle sa dingding at napapikit ako sa sakit na naramdaman ko sa likod ko. Halos mapamura ako sa kaba. Tulad ito nong kabang naramdaman ko nang sinaktan ako ni Ezra! Natatakot akong may mangyaring masama sa baby ko. Hindi ko alam kung lalaban ba dapat ako o kumalma na lang. Parehong nakakasama iyon para sa akin!
"Hoy, Sunny. Tigilan mo ako sa pag iinarte mo, madamot ka! Kung gusto pa naming huthutan ka ng pera ay sana noon pa lang ay dumiretso na kami sa'yo at nanghingi. Ngayon lang kami nanghihingi kasi hindi na namin kaya ang gastusin ng Auntie mo! Kinupkop ka namin nong nawala ang ina mo at pinatira kita sa bahay ng libre, pagkain libre, at lahat libre kaya tumanaw ka ng utang na loob!"
Ang mga taong dumadaan ay napapatingin sa amin ni Uncle. Sana naman ay kung saktan nga ako ni Uncle ay pigilan iyon ng mga nakatingin.
Mabilis kong kinuha ang wallet ko. May dalawang libo ako doon at konti na lang ang natitira sa bahay. Ito dapat ang ipapa check up ko sa doktor ngunit dahil sinagot ni Rage iyon ay ibibigay ko na ito kay Uncle.
"Ito na po ang-"
"BAKIT ITO LANG! Sunny, Trenta mil!" Sigaw ni Uncle at kinuha ang pera sa kamay ko.
"Pero wala po akong ganoong halaga! Mag tatrabaho ako pero hindi ko makukuha iyon sa ganon ka daling-"
"Asan na 'yong asawa mo! Manghingi ka! Gumawa ka ng paraan!" Sigaw niya at pabalik balik na nag lakad.
"Wala akong asawa! Wala akong ganong halagang pera, Uncle." Halos mapaiyak na ako.
"Wala kang kwenta! Bakit hindi ka gumawa ng paraan?" Sigaw ni Uncle na ngayon ay pulang pula na ang mga mata.
"Sunny, manghiram ka na lang. O, boyfriend mo pa ba 'yong mayaman? Sabihin mo sa kanya ang problema natin baka masulusyunan niya!" Singit ni Patricia ngunit agad na akong umiling.
"Anong ibig mong sabihin? Hindi mo kami tutulungan?" Tumaas ang boses ni Patricia.
Umiling ulit ako. "Tutulong ako. Gagawa ako ng paraan! Uuwi na muna ako at maghahanap ako ng pera." Kahit na hindi ko alam kung saan ako maghahanap ng ganong halaga.
"Uuwi ka? Baka naman, tatakas?" Mariin at nagdududang sinabi ni Uncle.
"Hindi ko tatakbuhan si Auntie! Kung gusto niyo ng tulong ay hayaan niyo ako! Babalik ako dito bukas." Sabi ko at inisip na agad kung ano ang magiging paraan ko.
Kailangan kong kunin kahit kalahati lang sa shares at nang maibigay ko kina Uncle ang kailangan nilang pera. Paano ko gagawin iyon? Si Rage ba ang dapat kong lapitan?
Wala na ako sa sarili papalabas ng ospital. Gabi na pala at hindi ko na namalayan ang oras. Tiningnan ko ang relo ko at nakita kong alas syete na ng gabi! Naalala ko ang pagyaya sa akin ni Rage na pupunta sa family dinner nila!
Mabilis kong kinapa ang cellphone ko sa aking bag at nakita ko roon ang iilang mensahe at tawag galing kay Rage.
Rage:
Sunny, where are you? Sumama ka raw sa Tiyuhin mo? Asan ka na?
Rage:
Sunny... I'm worried.
Isang tawag at natigil ako sa pagbabasa ng mensahe. Mabilis ko iyong sinagutan habang naghahanap ng taxi para mas mabilis na akong makabalik sa building.
"Hello?" Sagot ko.
Hingang malalim ang sumalubong sa akin. "Where are you? What's wrong? Are you okay?"
"Uhmm... Sumama lang ako saglit sa tiyuhin ko dahil na... ano... ospital 'yong auntie ko." Sabi ko habang sumasakay sa taxi. "Pabalik na ako ng building. Nandyan ka pa ba? Sorry sa dinner. Ayos lang kung wa'g mo na akong isama."
"Ano? I'll tell my parents about our plans for the future tonight at di kita isasama? Are you okay, Sunny? What's wrong?" Tanong ulit niya.
"I'm okay, Rage. Pabalik na nga akong building." Sabi ko. Sinubukan kong ayusin ang boses ko nang hindi niya mahalata 'yong gulo sa utak ko. "Nasan ka?"
"Nasa building. Damn, I got worried." Hinga ulit siya ng malalim. "Anong nangyari sa Auntie mo? She okay? Bisitahin natin?"
Tinakpan ko ng aking palad ang aking labi at ilang sandali pa bago nakasagot. Hindi ako makapaniwala na iniisip niya ito ngayon. Hindi ako makapaniwala na haharapin niya ang pamilya ko at natatakot ako na pag nagkaharap na nga ay may gawin si Uncle o iisipin niyang totoo ngang nakapag asawa ako ng mayaman. Ayaw kong gamitin nila si Rage. Natatakot akong pagsamantalahan nila.
"Isipin muna natin 'yong event mo bukas at 'yong dinner mamaya." Sabi ko at pinilit kong ngumiti kahit na litong lito na ako.
"Maayos ba ang Auntie mo?" Pilit niyang tinanong.
"Maayos, Rage." Pagsisinungaling ko.
Nakarating ako sa building at naabutan ko si Rage na naghihintay sa labas ng kanyang Prado. Nakalahad ang kanyang braso nang nakita akong lumabas sa taxi. Sa kabilang kamay ay pera na binigay sa driver. Uminit ang pisngi ko nang hinagkan niya ako at halos maiangat niya na ako sa ere.
"Next time you text me, alright? I got worried." Bulong niya.
Marahan akong tumango at nginitian ko siya. Iminuwestra niya ang kanyang sasakyan at humarang ulit siya sa may pintuan nang nasa loob na ako. Pinanood niyang mabuti ang mukha ko.
"You tired? Gusto mo ipostpone na lang natin?" Tanong niya. "I'll postpone it, Sunny. Sa bahay na lang tayo matulog para mas makapagpahinga ka. I swear I'll be a good, good boy." Ngumiti siya.
Ngumiti rin ako. "Rage, anong oras na at paniguradong naghihintay ang pamilya mo sa akin. Isa pa, tanggap ko rin na maaaring papagalitan tayo don dahil ayaw ng mama mo sa akin kaya hindi tayo magtatagal."
Nagtaas siya ng kilay. "They try."
Ngumuso ako. "Let's face it. Hindi ako matatanggap ng mama mo."
"She needs to face it to. Like it or not, I'm gonna marry you."
Pumikit ako. "Iisipin niya na papakasalan mo lang ako dahil sa baby."
"Gusto na kitang pakasalan nong hindi ka pa buntis. Nong iniwan mo ako, handa kitang pakasalan non but I know it will be too early. That's why I was a wreck when you left. That's why I couldn't make it through." Hinaplos niya ang pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay niyang humahaplos nito.
"I'm sorry." Sabi ko.
"Don't you ever leave me again." Aniya at hinalikan ako sa noo.
Isang beses niya pa akong tiningnan bago sinarado ang pintuan at umikot para umupo sa driver's seat. Sa byahe ay kabado ako. Iniisip ko nang tatawagin na naman ni Mrs. Del Fierro ang mama kong pokpok o di kaya naman ay ako ang tawagin niya ng ganon. Natatakot ako ngunit nasanay na rin. Madalas gusto kong manlaban sa masasakit niyang salita pero inisip ko rin na ako lang ang mahihirapan pag ginawa ko iyon.
Pagkarating namin sa bahay ni Rage ay nakita ko na agad ang nakahilerang SUV sa kanyang bakuran. Nakita ko doon ang pamilyar na mga sasakyan ni Brandon at Logan. Hindi ko na mahabol ang hininga ko.
Sabay kaming lumabas ni Rage. Umikot siya at sinalubong ako na para bang dapat ay palagi siyang nakaalalay sa akin dahil ano mang oras ay mababasag ako. Ngumiti ako sa pag aalala niya sa akin ngunit mabilis itong napawi sa kaba at takot.
"Nasa pool side sila nag di-dinner." Sabi ni Rage at naglakad kami papasok sa bahay para mapunta sa likod kung saan naroon ang pool side.
Sa loob pa lang ay umaalingawngaw na ang tawanan. Mas lalo lang akong kinabahan. Mabuti na lang at nakahawak ang kamay ni Rage sa akin at pakiramdam ko ay tutulungan niya ako.
Nang nakarating kami sa dulo ng kanyang living room ay nakita ko ang nakabukas na malaking pintuan patungo sa labas ng bahay. Malaki at mahabang table ang nasa labas. Umiilaw ang iilang kandila at iilang matandang babae, lalaki, at mga kapamilya ni Rage ang naaninag ko.
Nang natanaw nila kami ay tumahimik ang iilan sa kanila. Mas lalo lang akong kinabahan. Nang tumama ang tingin ng mama ni Rage sa akin ay umirap siya at nagpatuloy sa pagkain. Tumayo si Mr. Del Fierro na para bang may dumating na panauhing espesyal. Natahimik ang buong hapag. Humalik si Rage sa kanyang mama, sa iilang mga tita.
Nakita ko si Ezra sa gilid ng mama ni Rage na para bang pinipigilan ang pag ngisi. Nagkukunwari siyang kumakain ng spaghetti ngunit batid ko ang pagsulyap niya sa akin.
"Ba't natagalan kayo, Rage?" Tanong ni Mr. Del Fierro.
"May inasikaso lang si Sunny." Sabi ni Rage at sabay tingin sa akin. "This is Sunny Aragon, tita, tito..." Iginala ni Rage ang kanyang mga mata sa nakahilerang mga relative. Binanggit ni Rage ang mga pangalan nila ngunit hindi ko na nasundan iyon dahil sa kaba.
Huminga ako ng malalim at ganon din ang ginawa. Nginitian ko sila isa't isa. Ang babaeng namumukhaan ko bilang Mrs. Rockwell ay nakangiti sa akin. Malaking singsing ang nasa kanyang daliri at pinapanood ang galaw ko. Ang dalawang babaeng ngayon ko lang nakita ay naka ismid at parang may naaamoy na malansa kung makapag salita. Lumunok ako at tiningnan si Mrs. Torrealba na walang ginawa kundi makipag usap kay Brandon at kay Logan na nasa tabi niya. Ang mga lalaking tito naman ni Rage ay pinanood lang ako nang hindi nagbibigay ng ekspresyon.
"Magandang gabi, po." Bati ko.
Narinig ko ang pag alma ng mama ni Rage ngunit nasanay na ako. Wa'g niya lang sanang simulan ang pang iinsulto. "Ang inasikaso niya ba ay 'yong tiyuhin niyang nanghihingi ng pera sa aasawahin niyang mayaman, Rage?" Tanong ni Mrs. Del Fierro sa anak.
Mariin akong pumikit. Hinawakan ni Rage ang aking kamay bilang suporta at matalim na tinitigan ang kanyang ina.
"Naospital ang kanyang Auntie." Paliwanag ni Rage. "Ma, I'm warning you."
Umiling si Mrs. Del Fierro at nagpatuloy sa pagkain. Nawala ang ngisi sa labi ni Ezra at uminom na lang siya ng tubig.
"Sit here, Sunny." Ani Rage at pinaupo ako sa tabi ni Logan. Umupo rin siya sa tabi ko.
"Are you ready for tomorrow's event, Rage?" Tanong ni Mr. Del Fierro na pinasadahan ako ng tingin bago bumaling kay Rage.
"Of course, I am." Sabi ni Rage habang abal sa paglalagay ng pagkain sa pinggan ko. "do you like this, Sunny?" Tanong niya.
Marahan akong tumango nang nakita ko ang beef steak. Iginala ko ang mata ko sa mga mukha ng kanyang mga tita at tito na parehong gulat o di kaya naman ay nanonood na para bang sine itong ginagawa niya.
Umubo ng bahagya si Ezra. Narinig kong tumawa si Mrs. Rockwell.
"Oh, Marco. Your boy is a gentleman now, huh?" Ani Mrs. Rockwell kay Mr. Del Fierro.
"My Rage is a gentleman, Diana. He's gentleman when it comes to Ezra, most especially." Ani Mrs. Del Fierro.
Walang umangal doon. Lumunok ako at nakitang kumuha si Rage ng isang pagkaing hindi ko malaman at agad niyang binaba ito. "May cheese doon. I'm sorry." Sabay lingon niya sa akin at kumuha pa ng mga pagkaing hindi ko parin kilala.
Tahimik silang nanonood sa amin. Pakiramdam ko ay pulang pula na ang pisngi ko ngayon sa init nito.
"So... you mean to say, Rage, all your reports are done?" Tanong ng isa sa mga tito ni Rage.
"Yes. Hindi ako aalis ng opisina pag di ko natatapos." Sagot ni Rage kahit na abala sa pag lalagay ng pagkain ko.
"It's amazing na nakakita ka pa ng girlfriend. I thought you and Ezra would really end up together. You make a good couple." Sabi nong isa sa mga tita niyang hindi ko kilala.
"Well, tita. She's not that hard to find. She's his janitress, you see." Singit ni Ezra.
Nakita kong sumulyap si Rage kay Ezra at para bang pinipigilan niya ang kanyang sariling mag salita.
"She works for the company." Ani Rage.
Nakita ko ang gulat na mukha ng tita ni Rage at tumingin agad kay Mrs. Del Fierro. "Wait, Cassandra, is this the same Aragon? Amelia Aragon? Is she her daughter!?"
Tumikhim ang mama ni Rage at umirap. Tumigil siya sa pagkain at hindi niya sinagot ang nagtanong.
"Kaya pala pamilyar. She kind of looks like her mother. Her eyes, her lips, her hair, and her skin." Tumango ang kanyang tita.
"This is why I hate this girl here. Nauungkat lahat, Rage." Anang mama ni Rage.
"Cassandra!" Saway ng papa ni Rage.
Naramdaman ko ang kamay ni Rage sa aking balikat na para bang pinoprotektahan niya ako ngunit hindi niya magawa ng lubusan.
"Don't worry, Ma. We'll leava the Aragon behind soon. She'll be a Del Fierro." Sabi ni Rage at tiningnan ako.
"What? Rage?" Sigaw ni Ezra.
Nakita ko ang mga mata nilang mabilis na tumingin sa daliri kong nakahawak sa kutsara. Unti unti ko iyong binaba kahit na kitang kita na nila ang malaking bato sa aking daliri.
"You must be crazy, Son!" Sigaw ng mama nI Rage at agad humilig sa kanyang upuan.
"Congratulations!" Tumatawang sinabi ni Mrs. Rockwell at sinundan pa nina Brandon at Logan.
Hindi ako makangiti kahit ganon dahil mas lalo lang uminit ang tensyon sa mesa. Si Mrs. Del Fierro ay panay ang talak kay Ezra. Nagbubulung bulungan naman ang mga tita at tito ni Rage.
"And you expect that I'll accept her, huh, Rage?" Papataas ang boses ng kanyang ina.
"Rage, bakit? Totoo ba 'yong naririnig ko sa opisina? That she's pregnant? She's pregnant that's why you'll marry her?" Ani Ezra.
Nalaglag ang panga ni Mrs. Del Fierro. Napawi ang bulung bulungan ng kanyang mga tita at tito. Narinig ko ang tikhim ni Mr. Del Fierro at uminom siya ng tubig.
"First... I'm gonna marry this woman because I love her, not because of the baby, not because I want the thrill of something forbidden. Second, wala akong pakealam kung ayaw niyo sa kanya, papakasalan ko siya with or without you. I don't care, ma-"
"You cannot marry this girl! Her family is a bunch of stupid skanks, Rage! They'll use you-"
"Don't... just don't, ma. Don't you dare insult her like that!" Banta ni Rage na ngayon ay umalingawngaw sa buong mesa.
"Rage! Alam mo 'yan! Some people will try to use you! I heard it, Rage! Narinig ko kung paano gusto kang gamitin ng kapamilya niya!"
Wala akong masabi. Wala akong maisingit dahil natatakot akong tama sila. Natatakot akong maaaring pag nalaman nga ng tiyuhin ko ang katotohanan ay gagamitin nila si Rage. Pero gusto ko parin silang protektahan. Lumapit sila sa akin kanina dahil kailangan nila ng tulong. Maaaring maling paraan ang pananalita nila ngunit gusto ko rin namang tumulong!
"Third, wala kayong pakealam kung saan ko pag gagastusan ang pera ko. Kung gusto kong gastusin ang lahat ng yaman ko para kay Sunny, then I will. My wife and my childdeserves it. They deserve what I can give. They both deserve my name. They deserve everything a Del Fierro can give, Ezra, ma, and you have no say on that. This is my family. From this day on, you have no say on anything."
Tumayo si Mrs. Del Fierro at tinitigan niya ako ng mariin, nagbabanta. Kumalabog ang puso ko. Nag walk out siya sa hapag na sinundan ni Ezra. Nagulat ako sa pagsunod ng kanyang mga tita at tito na parehong umiiling kay Rage.
"What a dissapointment." Narinig kong sinabi nila.
Nilingon ko si Rage at tulala si Rage sa tubig na nasa harap namin. Umigting ang kanyang panga.
"A failure." Narinig kong sinabi ng isa.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Namuhay siya na pasan niya ang lahat at ngayon ay ganito ang matatanggap niya galing sa kanyang pamilya. Naiinis ako na ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan. Loving me was toxic to him. Loving me is his hell. Loving me is his failure.
"Rage, sundan ko lang ang mama mo." Ani Mr. Del Fierro at tinapik ang balikat ni Rage. "Don't give up. Alam mo ang sitwasyon ng mama mo. I'm sorry because it's my fault." Ani Mr. Del Fierro sabay tingin sa akin.
"Marco," Irap ni Mrs. Rockwell. "Your wife is overreacting. Jesus, Amelia is dead. She needs to get over this. Brandon," Lingon niya sa anak.
"Mom." Ani Brandon.
"Kunin mo si Ezra. Isa pa siya." Ani Mrs. Rockwell.
Tumayo agad si Brandon para sundin ang utos ng ina.
####################################
Kabanata 57
####################################
Kabanata 57
Addict
Umupo ako sa tabi ni Rage. Kanina pa siya nakaupo sa pool. Wala nang tao sa dining table na nasa tabi lang nito. Nag liligpit na ang mga katulong na ngayon ko lang nakitang umapak sa bahay nina Rage. Hindi ako sigurado kung nasa bahay pa ba ang mga bisita nila. Nanatili ako sa tabi niya kanina habang isa-isang nag si alisan ang mga bisita sa pag aalala sa kanyang ina.
Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi niya. Malungkot siyang nakatingin sa swimming pool at nilingon niya ako, pinipilit na ngumisi.
"Sorry." Sabi ko.
Umiling siya. "Ako dapat ang mag sorry. Wa'g mo nang isipin 'yong mga sinabi ni mama."
Umiling din ako. "Rage, tama siya. Kung iniisip mong papakasalan mo lang ako kasi-"
Pumikit siya. "Sunny, I made up my mind the night you walked out of my life. I told my self I'm gonna marry you. I'm gonna marry you no matter what."
Tumitig ako sa kanya. Hinintay niya ang sasabihin ko ngunit nawalan na ako ng salita. Kahit na ilang beses niya itong sabihin sa akin ay parehong gulat at pagtataka parin ang nararamdaman ko.
Kinusot niya ang kanyang mata at kinunot ang kanyang noo. Tumikhim siya bago bumaling ulit sa akin.
"You should rest. Pagod ka ngayong araw, diba?" Tanong niya.
Dahan dahan akong tumango. Naramdaman ko ang kamay niyang namahinga sa aking tuhod. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at sinikop ako sa aking pagkakaupo.
"Rage!" Bulyaw ko nang nasa bisig niya na ako.
"You'll sleep in my room now." Aniya.
"Iuwi mo na lang ako kina Mia at Kid!" Uminit ang pisngi ko nang naramdaman ko ang kamay niya sa aking hita.
"Sabay na tayo bukas sa event." Aniya at nagsimula siyang maglakad papasok sa bahay.
Amoy na amoy ko ang bango niya. Dalawang butones ang nakababa at nakasilip ang kanyang makisig na katawan. Hindi ko mapigilang tumitig sa maswerteng kulay gold na cross na maswerteng nakabitay sa kanyang dibdib. Nag angat ako ng tingin sa kanya.
"Wala akong damit." Paliwanag ko.
"May damit ka na. Binilhan kita. Pinaghandaan ko na ang pag tira mo dito." Aniya at umakyat na siya patungong kwarto.
Ngumiti ako. Hindi ako naniniwala. Imposible! Maiksing panahon at paniguradong hindi niya pa iyon naiisip. Pinihit niya ang door handle ng kanyang kwarto at nakita ko ulit ang pamilyar nitong disenyo. Binaba niya ako sa kama. Narinig kong tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito sa kanyang bulsa at agad na kinancel ang tawag. Nilingon niya ang kanyang walk in closet.
"Tingnan mo." Aniya sabay muwestra sa akin doon.
Nakapaa kong tinahak ang pulang carpet ng kanyang kwarto. Tinulak ko ang sliding door ng kanyang closet at nakita ko doon ang mga pambabaeng sapatos at pambabaeng damit katabi nong kanya.
Naramdaman ko ang init ng yakap niya galing sa aking likuran. Nilagay niya ang kanyang ulo sa aking leeg at tumindig ang mga balahibo ko nang suminghap siya sa aking leeg. Nangatog ang binti ko at halos matunaw ako sa ginawa niya.
"Hindi ka ba natatakot, Rage. Masyadong mabilis." Sabi ko sa takot na baka bigla na lang magbago ang nararamdaman niya sa akin pagdaan ng panahon.
"This isn't your farewell speech, is it?" Bulong niya habang sumisinghap ulit sa leeg ko. "Tinatakot ba kita sa mga ginagawa ko, Sunny?"
Umiling ako at naramdaman ko ang kanyang labi sa aking leeg. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
"Then stand still. Let me love you." Bulong niya.
Lahat ng kuryente sa ulo ko ay bumaba sa saya at kiliti. Lumunok ako at naghandang lingunin siya ngunit tumunog ulit ang kanyang cellphone.
Mariin siyang pumikit at batid kong tulad ko ay gusto rin niya ng halik. Kinuha niya ito at tiningnan. Pinanood ko ang ekspresyon niya.
"Si papa lang." Aniya at mabilis kong pinigilan ang pagpatay niya roon.
"Sagutin mo." Sabi ko nang umamba siyang pipindutin ulit ang cancel.
Nag angat siya ng tingin bago tumalikod at sinagot iyong tawag.
"Pa..." Aniya at naglakad palayo sa akin.
Pinanood ko siyang umupo sa kama at pinaglalaruan ang hinubad niyang relo.
"Ano?" Pasigaw at gulat niyang sinabi.
Ginulo niya ang kanyang buhok at tumayo siya na para bang hindi mapakali.
"Nasaan?" Sabi niya at sumulyap sa akin.
Dahan dahan akong lumapit sa kama. Pinapanood ko ang pagkakabigo ng kanyang ekspresyon. Umawang ang kanyang bibig at ginulo niya ulit ang kanyang buhok. Umupo ako sa kama at biglang gumapang ang kaba sa puso ko.
"Sunny, dito ka lang." Aniya. "Puntahan ko lang si papa. Uuwi ako mamaya. Magpahinga ka ng mabuti." Mabilis siyang lumabas ng kwarto ng wala nang ibang sinabi.
Tumunganga lang ako sa pintuan. Ano kaya ang maaring nangyari? Tungkol ba ito sa negosyo at napaka importante ba nito? Malamang dahil hindi naman siguro aalis si Rage kung hindi.
Nakatitig lang ako sa kisame halos isang oras bago ako dinalaw ng antok. Naisip ko na yata lahat ng posibilidad ngunit mas tinahan ko ang sarili ko sa ideyang uuwi rin si Rage at pagkagising ko ay nandito na siya sa tabi ko bukas.
Ngunit kinabukasan ay nagising ako na wala parin si Rage sa tabi ko. Kinusot ko ang aking mata at tiningnan ang tabi kong unan. Walang gusot ang tabi ko. Umuwi kaya siya? Dito kaya siya natulog?
Nilingon ko ang closet na ganong ganon parin ang itsura simula nong umalis siya kagabi. Nakapaa ay naglakad ako patungo sa pintuan. Siguro ay nasa baba siya, kumakain o nagluluto ng almusal.
Tiningnan ko ang cellphone ko at mga mensahe lang ni Mia at Kid ang naroon. Isa pa, lagpas na rin sa oras ng simula ng event. Kailangan ko nang mag madali.
Pababa ako ay binasa ko ang mga mensahe ni Mia.
Mia:
Nasa event na ako? Ba't wala ka?
Kid:
Magpahinga ka ng mabuti, Sunny.
Mia:
Nasa bahay ka pa ni Rage?
Binaba ko ang cellphone ko at tiningnan ko ang kusina na walang tao. May pagkain doon ngunit walang Rage na nag luluto o naghihintay. Imbes na maghanap ng tao ay kumain na lang ako doon. Kung iniwan ako ni Rage dahil ayaw niyang gisingin ako, pwes, pupunta parin ako sa event na iyon. Isa pa, kailangan kong makita si Mia at Kid at personal ko silang kakausapin kung pwede ba akong maka hiram ng trenta mil para kay Auntie.
Ako:
Good morning, Rage! Umuwi ka ba kagabi? Sorry, tinanghali ako ng gising.
Habang ngumunguya ay pinanood ko ang cellphone ko ngunit natapos na akong kumain ng bacon, hotdog, at kanin ay wala parin akong reply na natanggap. Tahimik ang buong bahay at walang bakas ng mga katulong na nandito kagabi. Inisip kong balik na naman siguro sa dati na iyong guard lang ni Rage ang natitira dito.
Umakyat ulit ako sa kanyang kwarto para maligo at makapag bihis ng isa sa mga damit na binili niya para sa akin. Pinili ko ang puting dress dahil iyon ang bumagay sa akin. Nilingon ko ulit ang cellphone ko at wala parin akong nakikitang mensahe na galing kay Rage.
Bumaba ako at nagdesisyon. Magtataxi ako patungo sa building. Pagkalabas ko ay nakita kong mataas na ang sikat ng araw. Pagkalabas ko ng bahay ay agad na akong pumara ng taxi at dumiretso sa building.
Sa labas pa lang ay alam mo na talagang may malaking event na ginaganap sa loob. May mga media! Luminga linga ako dahil first time ko itong makakita ng ganito ka raming media at reporters.
Ang alam ko ay na iclose ng kompanya ang deal sa isang malaking international company. Contract signing ang magaganap ngayon at si Rage ang pipirma bilang CEO. Oo, si Rage! Hindi ako makapaniwala na siya ang magiging CEO nito at mas lalo akong hindi makapaniwala dahil gusto niya akong pakasalan!
Nakita ko agad ang nakahilerang mga janitor at janitress crew sa malayo. Malaki ang ngisi ko nang kinawayan ko sila ngunit hilaw na ngisi lang ni Mang Carding ang sumalubong sa akin. Nakita ko ang bulong bulungan nina Aling Nenita at iilan ko pang kasamahan doon. Nilapitan ko sila para batiin bago maglakad papasok sa loob ngunit iilan sa kanila ay umalis nang nakalapit ako.
"Magandang umaga!" Bati ko kay mang Carding.
"Magandang umaga, Sunny! Naku! Mas lalo ka yatang gumaganda ngayon. Hmmm. Balita ko, buntis ka? Totoo?" Ngumisi siya.
Dahan dahan akong tumango. "Salamat po. Nakita niyo ba si Mia?" Tanong ko.
"Nasa loob. Di siya nag duty ngayon kasi kasama niya si Mr. Fuentebella. Baka nga mag resign na 'yon, e. Nakahakot ng mayaman." Sabay tawa ni Mang Carding.
Kahit simple at wala sa sarili niyang sinabi iyon ay medyo nagpagulo ito ng isip ko.
"Eh ang lakas nilang dalawang mag best friend, Mang Carding. Silang dalawa ang nakahakot ng mayaman." Singit nong isang mas bata pa sakin na janitress. Bago siya at paalis na ako nang nakapasok siya sa kompanya kaya hindi ako pamilyar.
"So... nasa loob na po si Mia?" Binalewala ko ang mga sinabi nila.
"Oo, e." Sabi ni Mang Carding.
"Pero... pananagutan ka parin kaya ni Sir Rage kahit may nangyari?" Singit nong babae.
Siniko siya ni Mang Carding sa gilid. Kahit patago iyon ay nakita ko iyon. Sumulyap ako at nagpaalam sa dalawa. Hindi na ako nagtanong dahil papasok na ako sa loob para magtanong kay Mia o mismo kay Rage.
Patungo pa lang ako sa pintuan ay kumalabog na ang dibdib ko. Lalo na lang nang nakabangga ko ang iilang mga panauhin sa event. Tatlong matatanda ngunit angat sa alta sosyedad na babae ang nagtatawanan na muntik ko nang mabangga. Sumulyap lang sila sa akin at di na ako pinansin.
"Buti nga. Janitress lang pala. That's equal to cheap whores. Ezra shouldn't be threatened." Anang isang babae.
"I know. My daughter isn't threatened, Imelda." Sabi nong kulot na babaeng naka kulay puting long gown. "It's just very disappointing na natauhan si Rage ngayong may nangyari na sa kanyang ina. Kung sana ay hindi niya sinuway ang utos ng kanyang ina ay sana hindi na humantong sa ganito. Tsk." Umiling siya.
Tumigil ako sa paglalakad nang nakitang tumigil sila malapit sa pintuan. Kailangan ko nang pumasok ngunit hindi ko mapigilan ang pakikinig ko.
"The poor boy cried last night. Humingi daw ng tawad. He's probably in so much pain. Ezra can handle him. Palagi naman, e. There's a bond between them I can't decipher. Hindi na iyon mapapantayan nino man. Not even that janitress."
"Iyon nga lang. That's Rage's flaw. Only flaw so far. Palagi akong nalulula sa achievement ng batang 'yan simula pa noon. Ito ang unang pagkakataon na nakarinig ako ng scandal mula sa kanya." Sabi nong isang nakaitim at kausap ng mukhang mommy ni Ezra.
Sumukip ang dibdib ko. Bumaliktad ang sikmura ko at nahilo ako. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa sobrang pagod o sa sobrang pag iisip pero bumaliktad ang sikmura ko at hindi ko kayang pumasok sa loob kaya tumakbo ako ng CR.
Napaluha ako sa pagsusuka sa isang cubicle. Lahat ng kinain ko kanina ay naisuka ko. Inayos ko ang sarili ko at pinakiramdaman ko ang pagkakahilo ko. Hindi muna ako lalabas hanggang hindi pa ako maayos. Umupo ako sa saradong inodoro at nilagay ko ang kamay ko sa aking mukha.
Ano ang nangyari sa mama ni Rage? Umiyak siya kagabi? Bakit di ko alam? Bakit wala akong alam sa nangyari? Bakit hindi sinabi ni Rage sa akin? Hindi niya ba ako mapagkakatiwalaan? Dahil ba wala kaming ganong bond tulad nila ni Ezra? Dahil ba kulang pa ang aming pagsasama?
Kinuyom ko ang aking kamao at tinukod ko ang aking siko sa aking tuhod para mag isip. May parteng bumigat sa dibdib ko. Takot ang bumalot sa akin.
Tawanan ulit ang narinig kong umalingawngaw sa CR. Ngayon ay kahit nasa loob ako ng isang cubicle ay ang pamilyar na boses ni Ezra ang nandoon kasama ang iilang babae.
"Patingin, Ezra." Sabi nong babae.
Umupo ako ng maayos nang nakumpirma kong kay Ezra nga ang tawa na narinig ko kanina.
"See? Hay! Oo, grabe! I just can't believe it. This ring from Cartier!? This is the most expensive ring! 'Nong nag propose siya? It was jaw dropping. He's on bended knees and I'm right there standing beside him! Grabe! Di talaga ako makapaniwala!" Excited niyang sinabi.
Tumayo ako at tiningnan ang aking singsing na bigay ni Rage. Cartier din ito ah? Sinong nag propose kay Ezra.
"Grabe! Siguro nga talaga tama na 'yong babaeng sinasabi mo, it's one of the girls he'll date before you go serious. It's his transition kumbaga. Tsaka, di ibig sabihin na dahil buntis 'yon ay 'yon na agad ang pakakasalan nila. Hello! We're in a new age. Hindi na 'yan importante. Marami nang single mom ngayon at hindi rin naman obligasyon ni Rage na panagutan 'yong babae. She's a cheap whore so... she deserves it." Anang babae.
"Her baby deserves it. Hindi pwedeng maging Del Fierro ang anak ng pokpok na iyon. That's a big scandal!" Ani Ezra.
Nalaglag ang panga ko at tumigil ako sa paghinga. Hindi ako makapaniwala. Nanginig ang kamay ko at gustong gusto ko siyang kalmutin pero nag ugat ang mga paa kio sa sahig!
"Kawawa naman si Rage kung matali siya sa babaeng iyon." Sabi pa nong isang kasama nila.
"Oo nga. He'll be miserable. And I'm sure the baby's gonna be... a whore too. Kung babae. Kung lalaki naman ay baka maging palamunin, sugarol, at basagulera. You know, it's her kind. Ganon ang pamilya niya. I've seen her uncle? He looks like he's on drugs! As in!" Ani Ezra.
Bumuhos ang luha ko habang nakikinig sa kanya. Hinding hindi ko mapapatawad ang babaeng ito. Hinding hindi talaga.
"Iyon 'yong sabi ni tita Cassandra sa akin. That her Aunt and her Uncle's doing drugs. Ganon rin kasi ang mommy niya. She's probably on drugs too. Baka deformed pa 'yong baby." Nagtawanan sila doon at hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Tinulak ko ng buong lakas ang pintuan. Saktong palabas sila kaya tinakbo ko ang kaonting distansya na nasa gitna namin at agad kong hinila ang naka buhayhay niyang buhok. Hinawakan niya ang kamay ko at nagpumilit siyang tumakbo ngunit panay ang hila ko sa kanya. Naghiyawan ang dalawa niyang kaibigan at pinigilan nila ako. Sa galit ko ay walang nakapigil sa akin. Hinigit ko ang buhok ni Ezra pababa.
"HAYUP KA!" Sigaw ko habang humahagulhol sa iyak.
"What the fuck? Get off me, bitch!" tili ni Ezra.
"Oh my God! Oh my God! Help!" Sigaw nong kaibigan niyang isa at wala na akong pakealam.
Nakaagaw kami ng atensyon sa mga nandoon sa labas. May mga tumakbo patungo sa amin. Nahagip ng tingin ko ang mga matatandang babaeng nag uusap kanina.
"Oh my God! Ezra!" Sigaw ng mommy ni Ezra at agad hinawakan ang buhok ni Ezra na hinihigit ko.
Tinampal ng paypay ng kanyang mommy ang aking kamay. Walang nakapigil sa akin.
"This is Rage's bitch mom! Please, help me! Get her off me!" Sigaw ni Ezra.
"I'll call the security!" Sigaw ng kanyang mommy.
Habang tumatawag siya ng security ay hinawakan ng dalawang kaibigan ni Ezra ang magkabilang braso ko. Nakawala si Ezra sa akin habang nagpupumiglas naman ako sa dalawa.
"Bitiwan niyo ako! Bitiwan niyo ako!" Sigaw ko at nanggigil pa kay Ezra.
Narinig ko ang iilang click ng camera. Napapikit ako sa flash na bumalot sa lugar. Nakita kong nag tipon tipon ang iilang media at iilang mga tao na kasama doon sa event para tingnan ako. Nasa loob ang ibang tao. Nasa loob si Rage. But... nevermind him...
Tinuro ko si Ezra kahit na hindi pa ako nakakawala sa kamay ng kanyang mga kaibigan.
"Walang hiya ka!" Sigaw ko at nag click pa ulit ang camera.
Nilingon ko ang mga photographers na nagdadala doon ng camera. Tinuro ko sila at sinigawan.
"Tigilan niyo 'yan!" Sabi ko.
Nilingon ko si Ezra na ngayon ay pinapalibutan na ng security. Pinapainom siya ng tubig ng kanyang mommy at dinig na dinig ko ang mga tanong nga reporters sa kanya.
"Sino ang babaeng iyan?" Tanong nila.
"Oh, she's obsessed with the CEO. Nalaman niyang engaged kami kaya sinugod ako." Sumulyap si Ezra sa akin. "She's an addict." Dagdag niya.
Nanlaki ang mga mata ko. "Sinungaling!" Sigaw ko habang pinipigilan na ngayon ng mga guard.
Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang paghagulhol. Tinuro ko si Ezra ngunit umiling lang siya. Nakita ko ang pag iling ng mga taong nandoon habang tinitingnan ako. Luminga linga ako at bawat sulok ay may flash ng camerang sumasalubong sa tingin ko. Napapapikit ako sa sobrang liwanag nito.
"Nag propose na si Mr. Rage Del Fierro sa akin. We're getting married soon. I'll tell you our love story." Ani Ezra sa isang reporter.
Umikot ang mundo ko. Sobrang nahihilo ako hanggang sa nabalik ako sa ulirat dahil nakita ko ang pinsan ko at ang aking Uncle na kumakaway sa akin sa malayo.
"Sunny! Sunny!" Sigaw ni Uncle habang pinagtitinginan ng mga tao.
Iilang click pa ng camera sa akin, sa kanila, sa amin, at iilang titig pa ng mga taong usisero sa aming lahat at alam ko na kaagad kung ano ang kanilang iisipin.
"Give it up, Sunny. You don't belong here." Ani Ezra at umikot pa ulit ang paningin ko.
####################################
Kabanata 58
####################################
Kabanata 58
Coron
Hindi ko maaalala kung paano ako nakawala sa mga kamay ng security. Hiningal ako sa kakatakbo palayo sa building. Nasa gilid na ako ng kalsada ngayon, mabilis ang pintig ng aking puso at sobrang sakit nito.
Tinukod ko ang aking kamay sa aking tuhod at hinabol ang aking hininga. Dinig ko ang mga yapak na sumusunod sa akin.
"Sunny, asan na ang pera?" Ani Uncle habang pumipikit pikit pa ako sa kakahingal. "Wa'g mo na kaming paghintayin! Pwede nang lumabas ang Auntie mo! At kapag di ka magbibigay ng pera ngayon ay mas lalong lalaki ang bayarin sa ospital!"
Halos mahilo ako sa kakahingal ko ngunit pinilit kong maging maayos. Kabado parin ako sa kahihinatnan ng mga ito. Ayaw kong maapektuhan ang baby ngunit pakiramdam ko ay kapag nandito pa ako ay mas lalo lang itong lalala.
"Ano?" Ani Uncle.
Nilingon ko siya. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera.
"Ibenta na kasi 'yang singsing mo!" Ani Patricia, tinitingnan ang singsing ko sa daliri.
Itinago ko ang aking daliri. Kahit na alam kong sa ngayon ay wala na itong halaga, hindi ko parin kayang isuko ito.
"Manghingi ka na lang ulit sa mayaman mong asawa!" Ani Patricia.
Kasabay nito ang pagkakakita ko kay Ezra sa kanyang likod. Tinagilid ni Ezra ang kanyang ulo at ngumisi siya sa akin. Kumalabog ng husto ang puso ko. Bakit siya sumunod? Ang buhok niya ay medyo naayos na galing sa pagkakasabunot ko.
"May pera siya, ayaw niya lang kayong bigyan." Malamig na sambit nang nakangiting si Ezra.
Nilingon ni Uncle at Patricia si Ezra. Hindi ko mawari kung ano ang pinaplano ni Ezra. Ngunit nang ihagis niya sa harap ko ang isang bag na kulay itim at naglakad siya palapit sa amin ay napagtanto ko rin.
"This is your last chance, Sunny." Ani Ezra at humalukipkip. "Your mother's money in cold cash at ang pag layo mo, o baka naman gusto mong makita 'yong kasal namin ni Rage? Wala ka nang magagawa. This is a business and family thing. This is what's more important, keeping the legacy. Hindi ikaw at hindi kailanman 'yong nararamdaman mo."
Dinampot ni Uncle ang bag na nasa baba. Mas lalong lumaki ang ngiti ni Ezra habang tinitingnan si Uncle na binubuksan ang bag. May lalaking naka itim na lumapit kay Ezra. Sa tikas nong lalaki ay alam ko na agad na isa ito sa mga security ng kompanya nina Rage.
"Ma'am, 3 minutes at tatawagin ka na sa loob para sa announcement ng engagement niyo ni Mr. Del Fierro." Aniya.
Pinanood ko ang pagngiti at pag tango ni Ezra.
Sumikip pa lalo ang dibdib ko. Hindi ko yata kakayanin ito. Umikot ang paningin ko at biglang nag dilim. Pumikit ako at nanatiling nakatayo kahit na gustong gusto ko na lang manghina at humandusay.
Blanko ang pandinig ko. Para bang nabibingi ako. Ilang sandali pa bago nagbalik sa dati ang pandinig at paningin ko at kasabay non ang pagdedesisyon ko. This is not good. This is not good for my baby.
"Sunny! Ang daming pera nito!" Sabi ni Uncle habang kinakalkal ang loob ng maliit na bag na agad kong hinablot.
Sabay nila akong tiningnan ni Patricia. Parehong nakakunot ang noo nila.
"Puntahan na natin si Auntie." Sabi ko habang nakatingin kay Ezra.
Mas lalong lumaki ang ngiti ni Ezra a bago ako tinalikuran ay nagsalita pa... "Good girl. Don't worry, di na manggugulo si Rage sayo. Tsaka, magpapabuntis na rin ako para di ka na niya hanapin at 'yong baby."
Nalaglag ang panga ko at nangilid ang luha sa aking mga mata. Hindi ako makapagsalita kahit na ilang beses akong matigas na tinanong ni Uncle kung buntis ba ako at saan nanggaling ang perang ito.
Halos ayaw kong galawin ang perang iyon. Hindi ko kayang buksan kahit nasa harapan ko na nong nag taxi kami patungong ospital.
"Huy, Sunny, sumagot ka kasi tinatanong kita! Buntis ka ba?" Tanong ni Uncle.
Lumandas ang luha sa aking mga mata. Nakapag desisyon na ako. Lalayo ako. Lalayo ako ng tuluyan. Hindi ko alam saan ako patungo dahil sa totoo lang, wala akong patutunguhan dito.
"Trenta mil, hindi ba, Uncle?" Tanong ko pagkalabas namin sa taxi.
Hinahabol ako ni Uncle dahil sa bilis ng lakad ko patungo sa room ni Auntie. Hindi siya makasagot. Para bang nag aalinlangan siya sa isasagot niya sa akin. Nilingon ko siya at nagkamot siya ng ulo. Nang nasa tapat na kami ng pintuan ay si Patricia ang nag bukas nito. Nakaupo si Auntie, mukhang mahina parin ngunit natanggal na ang mga tube sa kanyang katawan.
"Sunny!" Umaliwalas ang kanyang mukha nang nakita niya ako.
Niyakap ko siya at niyakap niya ako pabalik. Halos hawig nito ang pakiramdam ng yakap ko kay mama at hindi ko magawang hindi maiyak. Miss na miss ko na si mama. Miss na miss ko na ang magkaroon ng pamilya. 'Yong pakiramdam na alam mong kahit saan ka mapunta ay alam mong may uuwian ka. Kasi sa ngayon, pakiramdam ko wala akong mapuntahan.
"Auntie!" Sabi ko habang yakap yakap ko siya, umiiyak.
"Sunny, a-ayos ka lang?" Haplos ni Auntie sa buhok ko.
Pinunasan ko ang mga luha ko at kumalas sa yakap sa kanya. Hinawakan niya ang braso ko at ramdam ko ang lamig ng kanyang kamay.
"May problema 'yan, ma. Nabuntis. Akala ko pa naman maprinsipyo ito, 'yon pala, nabibilog din." Bahagyang tumawa si Patricia sa gilid.
Nanlaki ang mga mata ni Auntie at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Hindi ako makatingin sa kanya.
"Sunny, totoo ba 'yon?" Ani Auntie.
Dahan dahan akong tumango. Humalakhak pa si Patricia.
"Saan ka tumitira ngayon? Bumalik ka na sa bahay." Sabi ni Auntie at nagulat ako dahil walang imik si Uncle at Patricia.
Umiling ako at tinanggal ko ang kamay ni Auntie sa aking pisngi. Kinuha ko ang itim na bag at habang umiiyak ay nagbilang ako ng pera.
"Ano 'yan, Sunny?" Tanong ni Auntie.
"Auntie, para sa gastusin mo dito sa ospital." Sabi ko.
Pinigilan ni Auntie ang aking kamay. "Saan mo nakuha ang perang iyan?"
"Kay mama. Sa kay tito Marco Del Fierro." Sabi ko at nakita ko kaagad ang panlalaki ng mga mata ni Auntie.
"Kung ganon, nagkita na kayo?"
Tumango ako at kinuha ang forty thousand pesos at nilagay sa palad ni Auntie. "Tulong ko po 'yan sa inyo."
Humakbang si Uncle para tingnan ang perang nasa kamay ni Auntie. Nakita ko ang pamumula ng mata ni Auntie. Niyakap niya ulit ako at hinaplos niya ang aking likod. Nahabag ulit ako at hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.
"Umuwi ka na muna sa amin. Alagaan natin 'yang baby mo." Sabi ni Auntie.
Umiling ulit ako. "Hindi pwede, Auntie. Kailangan kong lumayo." Sabi ko.
Ayaw ko nang sabihin kung bakit gusto ko nang lumayo doon. Iniisip ko na baka maubos ko ang pera sa kakatago kaya kailangan ko ng lugar kung saan malayo dito sa Maynila. Wala akong maisip. Baka kailangan kong pumunta sa probinsya, ngunit saan?
"Saan ka titira, Sunny?" Tanong niya.
"Ewan ko po pero basta lalayo ako. Sa Aurora o kahit saan basta malayo dito. Kailangan ko pong lumayo."
Tinitigan ako ni Auntie. Alam kong marami siyang gustong itanong pero sa ngayon ay wala akong lakas na sagutin ang lahat ng iyon. Gusto ko na lang lumayo agad at huwag ng magpakita. Mag iisip ako ngayon ng para sa aking anak dahil alam kong kahit anong gawin ko ay hinding hindi ako pwede kay Rage.
Kung totoo ngang magpapakasal na sila ni Ezra ay sobrang sakit nito at hindi ko yata kayang tanggapin. At kung ipaglaban niya man ako ay hindi ko rin kayang makihalubilo sa kanyang pamilya. Hindi ko rin siya pwedeng papiliin. Pamilya niya iyon at wala akong karapatang papiliin siya sa isang bagay na sa kanya.
"Kailangan kong lumayo. Kailangan kong umiwas. Aalis na po ako ngayon." Sabi ko kay Auntie.
"Hindi ko alam kung bakit kailangan mong lumayo o umiwas, Sunny. Pero gusto kong malaman mo na may maliit na bahay si Amelia sa Coron. Sa Palawan, Sunny."
Nanlaki ang mga mata ko. Palawan? Malayo 'yon.
"Patricia." Sabi ni Auntie at nilingon ang anak niya.
Tumikhim si Patricia at may kinuha sa kanyang bulsa.
"Pasensya ka na, Sunny. Ito 'yong huling naisip kong paraan para makabayad dito sa ospital. Dapat sana ay isasangla na lang namin 'yong titulo ng lupa ni Amelia. Titulo niya ito sa lupa niya sa Coron."
Ang nalukot na mga papel ay inilahad ni Auntie sa harap ko at kitang kita ko ang dokumentong nagpapatunay na may bahay at lupa si mama sa Coron, Palawan.
"Binili niya ito nong nagka pera siya sa kakainvest sa kompanya ni Marco. Para dapat ito sa inyo. Gusto niya manirahan sa isang payapang lugar, siguro dahil gusto niya ring lumayo kay Marco. Ayaw niya ng gulo. Ngunit bago pa kayo nakalipat ay nagkasakit siya." Ani Auntie habang inaalala si mama.
Nanikip ang dibdib ko. Magkahalong galit, awa, at panghihinayang ang nararamdaman ko. Galit sa lahat ng nangyari, awa kay mama dahil hindi na namin naranasan ang buhay na gusto niya, panghihinayang sa galit ko noong buhay pa siya, ni hindi ko inisip kung gaano siya nahirapan.
"Pasensya ka na, Sunny. Wala kasi talaga kaming pera kaya ito ang naisip naming isangla. Ayaw ko sana ngunit wala akong magagawa. Tutubusin ko rin naman."
"Wa'g na, Auntie. May pera na kayo ngayon. Wa'g na kayong mag alala."
Tumango si Auntie at nakita ko sa kanyang anggulo ang mukha ni mama. Hindi ko kayang hindi maiyak ulit ngunit agad kong inayos ang sarili ko.
There's no time left. I need to go.
"Sana po ay huwag niyo sabihin kahit kanino kung nasaan ako. Kokontakin ko kayo sa susunod na linggo, Auntie. Sana maging maayos ka na. Gusto kong malaman ang kalagayan niyo. Pasensya na po talaga." Sabi ko.
Umiling si Auntie. "Pwede ka naman sa bahay pero kung gusto mo talagang umalis ay di kita pipigilan."
Tumango ako at hinilamos ang palad ko. Kailngan ko nang umalis. Isang beses kong niyakap si Auntie. Nilingon ko si Uncle na walang ginawa kundi manood. Nilingon naman ni Auntie si Patricia.
"Patricia, tulungan mo ang pinsan mo." Sabi ni Auntie.
Nakita kong pinanood ako ni Patricia bago tumango at lumabas ng kwarto. Ngumiti ako kay Auntie at sumunod na rin sa labas.
Umirap si Patricia at pinasadahan niya ng daliri ang kanyang buhok. "Anong gagawin natin?" Tanong niya.
"Kukunin ko ang damit ko sa condo ng kaibigan ko."
Tiningnan ko ang cellphone kong walang ni isang text. Pinatay ko ito at tinanggal ko ang battery at kinuha ang sim. Pagkalabas namin ng ospital ay tinapon ko ang sim nito sa basurahan. Pumara ako ng taxi at sabay kaming pumunta sa condo ni Kid.
Pagkarating namin doon ay abandonado ang buong kwarto. Naka pack na ang gamit ko kaya hindi na ako nahirapan. Naka balot na ito kasi nagplano akong kina Rage na nga tutuloy pero ngayon ay wala na ang planong iyon. Parang ang tagal na non. Parang hindi ko na maaabot iyon.
"Bilhan ba kita ng bagong sim? Saan ka kukuha ng ticket para sa eroplano?" Tanong ni Patricia habang tinutulungan ako sa maleta ko.
"Sa airport na." Sagot ko.
Pagkatapos kong kumuha ng plane ticket sa ticketing office ay dumiretso na ako sa terminal ng airport. Nilingon ko si Patricia nang ibigay niya sa akin ang aking maleta.
Ngumiti siya at hindi ko maipagkakaila na may pagkakapareho kami sa mukha. Nakita kong bahagya siyang kumaway. Tumango ako at tinalikuran ko siya para pumila sa mga pasaherong aalis din, tulad ko.
Itinago ko ang cellphone ko at nakisali na sa dagat ng mga taong nagmamadali para maabutan ang flight nila. Hindi ako nahirapan. Iniisip kong pagkadating ko ng Coron ay maghahanap agad ako ng ospital at magpapacheck up sa lagay ng aking baby.
Yakap ko ang jacket sa isang mainit ngunit mahanging araw sa Busuanga. Bumili ako ng mapa para mas madali ang byahe. Nilingon ko ang paligid at punong puno ng bakasyunista ang naroon. May mga foreigner at mga pinoy na parehong mukhang magbabakasyon dito. Sa tanawin pa lang na ito ay gumaan na ang pakiramdam ko.
"Saan po sasakay patungong Bogtong?" Tanong ko sa isang security guard sa airport.
Tinuro niya sa akin kung saan. Tiningnan ko rin sa mapa at alam kong medyo malayo pa iyon dito ngunit na eengganyo ako tuwing nakikita kong malapit ito sa dagat.
Sa byahe ay pinilit kong isipin ang tanawin ng lugar at ang buhay ko simula ngayon. Gusto ko nang kalimutan 'yong dati. Gusto ko nang tigilan ang pangangarap at alam kong makakaya kong tigilan ito balang araw, para sa anak ko. Simula ngayon ay kaming dalawa ang mamumuhay. Mamahalin ko siya ng husto at lubos. Hinding hindi ko kayang makitang maramdaman niyang may mga taong ayaw sa kanya. Na may mga taong hinihingi na sana ay mawala na siya. Gusto kong ibalot siya sa pagmamahal. Sana ay maintindihan niya kung bakit ko siya inilayo. Sana ay hindi siya magalit. Inilayo ko lang siya para maprotektahan ko siya dahil ang nararapat lang sa kanya ay pagmamahal, hindi ang pagtatakwil na kayang iparamdam ng pamilya ni Rage sa kanya.
If losing Rage would mean better things for my child, then I'm willing to lose him. This isn't about me and Rage anymore. This is for my child and what he/she deserves. I love you, baby. Hinawakan ko ang tiyan ko. Poprotektahan kita kahit anong mangyari.
####################################
Kabanata 59
####################################
Kabanata 59
Free
Nakatingin parin ako sa mapa. Sa init ng sikat ng araw ay dinalaw ako ng uhaw at pagod. Kinailangan kong tumigil at kumain sa isang karenderya para makapag pahinga, makainom ng tubig at makakain na rin.
"Ale, alam niyo ba kung saan 'to?" Tanong ko sa matandang nakasalamin na mukhang may ari nong karenderya.
"Ay, oo, Coron-Busuanga road, dito 'yon, e. Pero papasok pa yata 'yan, malapit 'yan sa dagat." Aniya habang ineeksamin ang dala kong papel na may nakalagay na address tulad ng nakalagay sa titulong dala ko.
Tumango ako at nagtanong pa kung saan dadaanin iyon. Binigyan niya ako ng mga direksyon kung paano pupunta doon. Nalaman kong wala pa palang dadaan na mga bus o kahit ano patungo roon at nagdadalawang isip akong sumakay ng motor dahil sa kalagayan ko.
Inisip kong makikisakay na lang siguro ako ng truck o di kaya ay ng tricycle. Mabuti na lang at nakahanap ako ng tricycle pagkatapos ng halos tatlumpong minutong paghihintay. Sinuyo ko pa ang driver para lang mapunta sa lugar na gusto ko. Nalaman kong kadalasan ay mga turista ang pumupunta doon at nag aarkila sila ng sasakyan. Mabuti na lang at pumayag din siya.
May nadaanan kaming iilang resorts. Bukod sa mga iyon ay mga punong kahoy at malawak na gubat lang ang nasa paligid. Papalapit na kami ay nakita ko ang isa pang beach resort bago niya ako binaba sa tinuro kong address.
"Tingin ko ay pwede kang dumaan sa lugar na iyan." Sabay turo sa isang matarik na daanan. "Pwede ka ring dumaan sa resort na nadaanan natin kanina. Depende sa'yo." Aniya.
Tumango ako at tiningnan ang matarik na daanan. Sa dulo nito ay nakikita ko ang mga alon sa dagat at ang puting buhangin na sasalubong sa paa ko pagkatapos kong daanan ang berdeng mga damo.
"Sige, dito na lang po ako. Maraming salamat." Binigyan ko ang driver ng bayad na higit pa sa hiningi niya.
Hindi dapat ako nag aaksaya ng pera dahil nauubos ito ngunit hindi ko mapigilang magbigay ng sobra dahil sa kabaitan niya. Habang nag lalakad ay nag isip na ako ng maaaring pagkakitaan sa bagong buhay ko dito. Maghahanap ako sa barangay ng mga livelihood program at titingnan ko kung pwede akong mag negosyo.
Mainit at nilakbay ko ang malawak na tabing dagat. Hindi ko mapigilan ang konting saya na naramdaman ko nang natanaw ko ang kulay asul na dagat at ang puting buhangin. Sa kagiliran ay wala kang makikita kundi ang kulay asul ding langit ang ang iilang mas maliit na isla na nakapaligid sa malayo.
Hindi matanggal ang tingin ko sa tanawin. Umihip ang malakas na hangin at halos makalimutan ko na kailangan kong mag hanap ng bahay.
May resort sa tabi nito at hindi ko mapigilang mainggit sa mga turistang dala ang kanilang pamilya, masaya at nag eenjoy sa buhangin. Nang may nadaanan akong umaahon na bangka ay di ko pinalagpas ang pagkakataon na magtanong sa mga taong nandoon.
"Excuse me po. May mga bahay po ba dito? Beach house o kahit anong maliit na bahay?" Tanong ko habang pinapakawalan nila ang lubid galing sa bangka.
"Merong mga beach house dito. Nandon." Sabay nguso niya sa malayong likod ko. May nakita akong mas maberdeng mga puno at iilang mga bahay. "Alin ba? 'Yong sa foreigner? Marami kasi diyan. 'Yong pinakamalaki ay 'yong sa may ari nitong resort sa tabi."
Agad akong umiling. "Sa mama ko po kasi 'yon at ngayon lang ako nakapunta dito. Sabi ng auntie ko, gawang kahoy daw 'yong bahay at may puting pintura. Wala nga lang akong picture pero may titulo po ako nong lupa."
"May mga abandonadong beach house doon. Tingnan mo na lang. Madalas kasi gawa sa kahoy din ang mga beach house dito samin. Ano bang pangalan ng mama mo?" Tanong nong mama habang ginagapos ang bangka.
Umatras ako para di maabutan ng alon.
"Amelia Aragon." Sabi ko.
"Ah! Aragon. 'Yong puti nga." Sabay turo niya sa malayong likod ko ulit. "'Yong may punong may duyan, pumasok ka lang at 'yon 'yong beach house. May tagapangalaga niyan pero di doon tumitira."
Halos tumalon ang puso ko sa nalaman ko. Hindi makapag hintay ang paa ko na makapunta doon sa bahay at matingnan ang bilin ni mama sa akin.
"Salamat po."
Mabilis akong naglakad patungo doon, hindi iniinda ang init at pagod. Nang nakasilong sa malaking punong kahoy sa may duyan ay nakita ko kaagad ang pamumula ng aking balat. Baka magka sunburn pa ako nito.
Nakita ko ang isang bahay. Hindi luma, hindi rin bago. Tama lang. May mga halaman at bulaklak sa paligid nito at ang maliit na kahoy na hagdanan ay nang iimbita sa akin paakyat.
Umakyat ako, limang palapag lang. Kulay puti ang railings nito at gawa nga sa kahoy ang buong bahay. Magkahalong puti at brown ang kulay ng mga palamuti. Kulay puti ang dingding, kulay brown ang pintuan. May hagdanan pa doon patungo sa ikalawang palapag. Kulay brown naman ang hagdanan at may nakita akong kuwadro na gawa ulit sa kahoy at may mga shells sa gilid, ang nasa picture ay isang seventeen years old na Sunny Aragon.
Hindi ko mapigilan ang mapaluha. Ito na nga. Ito na 'yong inaasam kong buhay na payapa. Kahit malyo ayos lang. Ito ang hinangad ko noon pa. Inisip ko ang pag aaral kong pinangarap kong matapos ngunit ngayon ay mananatiling magiging pangarap iyon. Sayang. Pero ayos lang kasi magsisimula ulit ako. At least I tried.
Naabutan ako ng tagapangalaga doon. Nahihiya ako dahil simula nong nawala si mama ay wala na palang nagbabayad sa kanya ng sahod sa pag aalaga sa bahay. Binigyan ko siya ng pera ngunit nahiya siyang tanggapin. Aniya'y nakasanayan niya nang alagaan ang bahay na iyon. Inisip kong mababayaran ko siya sa ibang paraan.
Tinapos ko ang araw na iyon sa paghahalughug sa bahay na walang ni isang alikabok. Tuwang tuwa ako sa bawat palamuti. Hindi ako makapaniwalang may TV doon at radyo. Inisip kong bumili na rin ng iilang gamit pang kusina pero sa araw na ito ay magpapahinga ako sa puting kama sa kwarto sa ikalawang palapag.
Kinabukasan ay bumalik ako sa bayan para maghanap ng OB. Nag pa check up ako sa pag aalala sa kalagayan ng anak ko. Kabado ako lalo na nang tinanong.
"Bumyahe ka? Ganon ka layo?" Tanong ng doktor habang nagsusulat sa kanyang clipboard pagkatapos akong ma transvaginal ulit.
"Oo. Dito na sana ako titira sa Busuanga." Paliwanag ko. "Wala kasi akong bahay sa Maynila."
Umiling ang lalaking doktor na siyang tanyag sa buong Busuanga sa larangang ito. "Don't do that again, Miss Aragon. If you don't mind my asking, is the father going to support you?" Pinanood niya ang aking pag iwas ng tingin.
Bumagsak ang tingin ko sa aking mga daliri. "Hindi po."
Tumikhim siya kaya nag angat ako ng tingin. "Are you alone here in Palawan?"
Tumango ako.
"Kung ganon, pag due dates mo na, you will have to be here in the hospital kahit na hindi ka pa manganganak. Walang tutulong sa'yo at isa pa, malayo ang ibabyahe mo."
Tumango tango ako at sisiguraduhin kong ganon nga ang gagawin ko.
"Also, you can find these things in the local pharmacy. Balik ka dito in 2 weeks so we can have an ultra sound. You should relax. Taga Maynila ka at sigurado akong di ka sanay sa beach. Take this opportunity to relax, Miss Aragon. You may visit one of the islands here in Coron."
"Dok, okay na po. Medyo nakakarelax 'yong location ng bahay ko kaya ayos na na doon na lang." Ngiti ko.
Ngumisi siya. "Visit this place. If you have time, that is." Sabay bigay niya ng isang pamphlet.
Tumagilid ang ulo ko at tiningnan ko 'yong pamphlet. Tumango ako at kinuha ko iyon.
"They offer relaxing yoga. Alam kong hindi ka pamilyar sa mga lugar dito but I'm sure you'll enjoy the islands." Ngiti niya.
Ngumiti ako pabalik at nagpasalamat sa malasakit nong doktor.
Nag grocery ako at bumili ng mga kailangan para sa bahay. Inisip kong mahirap din pala dahil malayo doon at marami akong gustong bilhin. Pagkarating ko sa bahay ay pinlano ko na agad na sa susunod na linggo ang balik ko ng bayan para bumili ulit ng groceries. Sa mga susunod na araw na ako bibisita ng barangay hall para mag tanong tungkol sa mga livelihood program. Sa ngayon ay mag rerelax muna ako o mag aayos sa bahay.
Nang medyo bumaba na ang araw ay nag desisyon akong sumubok na maligo sa dagat. Kinuha ko iyong kulay pulang bikini na binili namin ni Mia isang araw na namili kami ng make up. Hindi ko naman talaga inisip na magagamit ko ito ngunit gustong bumili ni Mia at gusto niyang kaming dalawa ang bumili kaya hindi na ako nakatanggi. Buti na lang pala binili ko ito.
Medyo nalungkot ako nang naalala ko siya. Hindi ako nagpaalam ng maayos. Paniguradong magagalit iyon. Ni hindi pa ako sigurado kung kelan ko rin siya kokontakin. Natatakot akong mag charge ng cellphone. Ayoko munang tumawag sa kahit sino sa Maynila.
Sinuot ko ang pulang bikini at nagulat ako dahil halos hindi na iyon mag kasya sa dibdib ko. Nitong mga nakaraang araw ay napansin ko ring medyo masikip na ang mga bra ko. Tinali ko ang buhok ko at napagtantong wala na akong magagawa, iisa lang ang bikini ko at mag susuot na lang ako ng dress para maitago ang balat na maaaring makita.
Sa duyan ako unang humiga habang pinapanood sa malayo ang iilang tao sa dagat. Sa tapat ng resort ay may iilang naliligo. Ngunit sa harap ko ay isang bangka lang at ang alon na maingay na humahampas sa dalampasigan. Walang tao doon at nakakahalina ang dagat.
Luminga ako sa paligid at mas lalo kong napagtanto na ang mga kapitbahay kong resthouse ay puro abandonado. Siguro ay mga bahay ito ng mayayaman na pinupuntahan lang tuwing summer. Papalapit na ang summer kaya baka magkakaroon din ito ng tao.
Ang bahay ng tagapangalaga ay medyo kalayuan pa kaya wala talagang tao sa paligid.
Dahan dahan kong hinubad ang aking dress. Maliligo ako. Uminit ang pisngi ko habang inaayos ko ang pang itaas ng bikini. Inisip kong nasabi nga ito ng OB, na medyo lalaki daw ito sa mga susunod na buwan. Hindi bale na nga, wala rin namang tao. Nilapag ko ang dress ko sa duyan at iniwan ko ang tsinelas sa ilalim non.
Naglakad ako ng naka bikini at naka paa sa buhangin. Ang ihip ng hangin ay humahaplos sa buhok ko kaya ang nakataling buhok ay nilugay ko na at hinayaang sumayaw ang bawat tikwas nito sa ere.
Ang ganda ganda ng tanawin at hindi ako makapaniwalang dito ako titira buong buhay ko. Siguro ay kahit kailan, hindi ako magsasawa sa kakatingin sa tanawing ito. Umupo ako sa buhangin at nagpasyang magmuni muni muna bago lumusong sa tubig.
Hinayaan ko ang hangin na humaplos sa aking buhok. Niyakap ko ang aking tuhod at pinanood ko ang pagbaba ng araw. Ang bawat alon ay papalapit nang papalapit sa akin.
"Yeah, right." Matigas na ingles ang nagsalita sa gilid ko.
Halos mapatalon ako sa gulat. Nilingon ko kaagad at hindi ko naaninag ang mukha ng tao dahil natabunan ng buhok ko ang aking mukha. Sinikop ko pa ang buhok ko bago ko nakita ang nakahalukipkip na si Rage sa malayong gilid ko, naka itim na sleeveless at naka khaki shorts. Nakaigting ang panga at pinapanood ako sa malayo.
Shit?
"Anong ginagawa mo dito?" Bungad ko at mabilis akong tumayo.
Mas lalo kong nakita ang pag igting ng kanyang panga. Nag iwas siya ng tingin sa akin at kumalas ang pagkakahalukipkip niya.
"Ako ang dapat na magtanong sa'yo niyan." Aniya sa malamig na boses.
Umiling na agad ako. Mabilis ang pintig ng puso ko at hindi ko alam para saan iyon. "Rage, ba't ka nandito?" Tanong ko ulit.
"Hindi pa ba 'yon halata sa'yo?" Binalik niya ang tingin sa akin.
Nagmura siya ng patagilid at agad na nag hubad ng sleeveless. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko matanggal ang tingin ko sa katawan niya.
Nauutal pa ako sa pananalita. "B-Bakit? Engaged ka kay E-Ezra diba? Hindi tayo pwede-"
Lumapit siya sa akin at napaatras ako. Tinabunan niya ang dibdib ko ng kanyang itim na sleeveless at hinawi ko kaagad iyon. Nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi at ang pag igting ulit ng kanyang panga.
"You were told to stay in the house, Sunny. Stay in my house! Kung sana ay sinunod mo, sana ay hindi ka... Fuck!" Sigaw niya at mas lalong lumapit sa akin.
Umatras pa ako at ang tindi ng kalabog ng puso ko.
"Get dressed! You're pregnant with my child, woman! Respetuhin mo naman ako!" Sigaw niya sabay turo sa damit ko.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Hindi mo alam kung ano ang pinag daanan ko! At tingin ko mas mabuting magkalayo tayong dalawa. Malayo ka sa akin at malayo ako sa'yo! This relationship is toxic, Rage. Nakakasama ka sa akin, nakakasama ako sa'yo. Gusto kong mamuhay ng tahimik isang bagay na paniguradong hindi mo maibibigay sa akin!" Diretso kong sinabi habang mabigat siyang nakatitig sa akin. "Hindi rin ako kasya sa buhay mo. Kulang pa ako. Kulang na kulang ako, Rage! Kaya ko itong mag isa. Ayos lang ako. You don't need to marry me for the child."
"You insulted me in every possible way, Sunny." Nanginig ang boses ni Rage, na kahit ang sigaw ko kanina ay walang panama. Tinikom ko ang bibig ko. "You left me again. Again. At ayokong mag bilang kung ilang beses na ito pero mababaliw na ako!" Sigaw niya.
Hindi ko madugtungan ang sasabihin ko. Lahat ng magandang rason ko sa pag alis ay kinailangan ko pang pulutin ulit.
Hinila niya ang braso ko. Kahit ang pag piglas ay nakalimutan ko na. Mariin ang bawat salita niya sa aking tainga at kinilabutan ako.
"You hide, I seek. Yeah, you like that so much. That's where you're good at. That's what you always do. But this is gonna be the last, Sunny. You try again and I'm gonna chain you on my bed. I'll make sure you'll never run free again."
####################################
Kabanata 60
####################################
Warning: SPG
-------------------------
Kabanata 60
Beg
Nangilid ang luha ko. Ayaw ko nang kumakalabog nang husto ang puso ko at naiisip na mahal na mahal ko siya kahit na may mga butas sa pagtingin niya sa akin. Matabang ang bawat sumasagi sa utak ko at gusto kong mawala ang pagmamahal ko sa kanya ngunit hindi ko magawa.
"Bitiwan mo ako!" Sabi ko sabay pilit na binawi ang braso ko.
"At saan ka na naman pupunta? Makakawala ka na naman? I tried my best to stop being possessive of you but everytime I loosen my grip, lagi kang nakakawala!" Sabi niya sabay hawak ulit sa braso ko.
"Sige nga, Rage, sabihin mo sa akin kung paano mo maaalagaan ang baby ko! Ako!" Sigaw ko nang na frustrate sa hawak niyang sobrang higpit.
Titig na titig siya sa akin at dumidilim na. Ang pangarap kong mag tampisaw sa tubig ay nawala na.
"Hindi ako kailanman matatanggap ng mama mo! Sasaktan niya lang ako at ang baby ko! At ang pinakamamahal mong si Ezra na siyang dapat ay pakasalan mo ay hinding hindi ko matatanggap!"
Natahimik si Rage. Pinanood niya lang ako sa pagsigaw ko sa kanya. There, I said it! Kulang pa iyan! Sana ay matauhan ka!
"Ayokong papiliin ka sa amin! At ayaw kong bumabalik ka lang sa akin para lang sa bata! Kaya ko siyang buhayin ng wala ka pero kung gusto mo na makilala mo siya, hindi ko siya ipagdadamot sayo! Bumalik kang Maynila at mamuhay ka ng-"
"ARE YOU OUT OF YOUR MIND!?" Sigaw niya ngunit hindi ako nagpatalo.
"Wala ka don nong nilait ni Ezra ang buong pagkatao ko! Wala ka don nong gulong gulo na ako! Dahil magpapakasal ka sa kanya at wala akong magagawa! Bitiwan mo ako!" Sabay hawi ko sa kamay niyang kumalas sa braso ko. "Bumalik ka na sa Maynila! I don't need you here!"
Bumuhos ang luha ko at mabilis akong naglakad patungong duyan para pulutin ang damit ko.
"Sunny..." tawag ni Rage habang sumusunod sa akin.
Ayokong harapin siya ngayong humahagulhol ako sa iyak. Pinipiga ang puso ko at hindi ko kayang makita pa ulit siya. Nasabi ko na lahat pero kulang parin sa lahat ng hinanakit ko.
"Please, Rage, umalis ka na. Ayokong ganito. Gusto ko ng payapang buhay.. Nakakasama ka sakin. Nakakasama ka sa bata. Kung gusto mong maging maayos ang baby, umalis ka na." Sabi ko at natahimik siya.
Tumakbo ako patungong bahay. Hindi ko na alam kung sumunod ba siya o hindi. Sana ay hindi. Pinihit ko ang door knob ng pintuan at agad kong narinig ang mga yapak niya sa hagdanan. Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Ngunit bago pa ako nakahinga ng malalim ay niyakap niya na ako galing sa likuran. Mahigpit at buong lakas ang yakap kaya halos hindi ako makahinga.
"Say it again. Nakakasama ako sa bata? Sa'yo? Talaga? Nakakasama ako?" Halos desperado niyang sinabi.
Pumikit ako at tumango ng dahan dahan. Hinarap niya ako at hinilig sa pintuang hindi ko nabuksan.
"Nakakasama ako?" Tanong ulit niya.
Tinitigan ko ang mga mata niyang bigo at nagmamakaawa. Nag iwas ako ng tingin at tumango. "Ayokong ma mroblema, Rage. Nakakasama iyon sa bata. At ito lang ang tanging paraan-" Natigil ako nang dumausdos ang kamay niyang nakahawak sa aking braso pababa.
Dinungaw ko siya nang unti unti niyang iniluhod ang isang tuhod sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko at agad ko siyang hinila patayo ngunit matigas ang kanyang braso. Niyakap niya ang aking binti at ibinaon niya ang kanyang ulo sa aking hita.
"Bawiin mo ang sinabi mo." Mariin ang sinabi niya habang nararamdaman ko ang init sa aking hita.
"Rage..." tawag ko sabay hila ulit sa kanya patayo ngunit ayaw niyang tumayo. "Rage, tumayo ka."
"I'm not gonna stand up until you tell me that you need me, Sunny. I'm not gonna leave this place without you."
"Dito ako titira-"
"Then, dito rin ako titira!" Sigaw niya sabay tingala sa akin.
Kitang kita ko ang luha sa kanyang mga mata. Pumikit siya at ang dalawang kamay ay nakahawak pa sa tuhod ko. Yumuko ako at hinila ulit siya patayo ngunit hindi ko parin magawa.
"Naaksidente si mama nong dinner. Sa bilis ng patakbo niya sa sasakyan ay nag collision sa isa pang SUV. Dinala siya sa ospital. She was unconscious for three hours, Sunny at ang sisi ay napunta lahat sa akin. Ang mga tita at tito ko, lahat sila ako ang sinisisi at pinagsabihan ako na dapat ay sundin ko ang gusto niya pero hindi ako pumayag. Yes, I felt guilty about it. I love her, Sunny. She's my mom. Nandon ako nong nasasaktan siya ng sobra. Siya ang nag alaga sakin but that's that. I can't... I probably won't ever let that love manipulate my desires. I love you more than life, more than anything. Kaya kong isangla ang kaluluwa ko sa impyerno para lang makuha ka ulit." Tingala niya sa akin.
Pumikit ako at bumuntong hininga. Hindi ko siya mapatayo kahit anong gawin ko. Aalis na sana ako ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa tuhod ko.
"Nong nagising siya, bukang bibig niya ang kasal namin ni Ezra. Takot ang doktor, takot rin ako kaya hindi ko siya binigyan ng diretsong sagot dahil baka atakihin siya or something. Umalis ako at bumalik sa bahay thinking that I can fix this after that event. Ni hindi ko alam na pinangakuan niya na si Ezra ng kasal namin, that she gave her that damn ring, Sunny."
"Imposible! Pareho kami ng singsing! Imposibleng-"
"Not the same stone! Never. Ni hindi ko alam saan niya nakuha ang singsing na iyon! I told you to stay inside my house until the event is over dahil natatakot ako sa nangyayari! Fuck, I should have locked you inside that room! But I'm not like that, Sunny! Please tell me I shouldn't! Tell me that you won't leave me again! Tell me that you'll accept me again!" Sigaw niya.
Yumuko pa ako para hilahin siya patayo ngunit ako ang hinila niya pababa. Lumebel ang tingin namin.
Kumunot ang noo niya at hinaplos niya ang mukha ko.
"You look so innocent." Hinaplos niya ang pisngi ko pababa sa labi ko.
Halos mapapikit ako sa haplos niya ngunit pinigilan ko ang sarili ko.
"But damn, girl, you sting a lot."
Hinawakan ko ang kamay niya at binaba ko ito. "Rage-"
"Accept me again." Hindi niya na ako pinagpatuloy.
"'Yong mama mo-"
"I don't care about her. You'll see. You'll see. I left them all. All for you."
"Rage si Ezra-" Hinga ko na agad niyang pinutol.
"I won't let her touch you again. Sunny, hindi mo alam kung anong ginawa ko sa Maynila nong nalaman kong umalis ka... ulit. Halos mamatay ako nong una kang umalis, ano sa tingin mo ang nangyari sakin nong nalaman kong umalis ang buntis kong asawa. Sunny, I am the father of that child and you are mine. You get that?" Kumunot ang noo niya.
Nag iwas ako ng tingin. Hinanap ko lahat ng hinanakit kong sumama na yata sa alon pabalik sa karagatan. Pinipiga ang puso ko sa hindi ko malamang emosyon.
Hinawakan niya ang daliri ko kung saan niya nilagay ang singsing noon. Wala na iyon doon. Nilagay ko iyon sa tukador sa kwarto ko sa itaas. Hinawakan niya ang baba ko at hinarap niya ang mukha ko sa kanya. Seryoso at malalim ang kanyang titig sa akin.
"Where is it?" Tanong niyang hindi ko nasagot.
Nag iwas ulit ako ng tingin.
"Damn. Ang daling talikuran para sa'yo, ano? Ang dali." Mariin niyang sinabi.
Tumulo ang luha ko at mabilis ko iyong pinunasan. Pinanood niya lang ako, nakaigting ang kanyang panga.
"Sinabi sa akin ni Ezra na binigay niya 'yong pera sayo. That you only want the money. You fooled me for it. Pero hindi ako sumuko. If I need to search the depths of hell just to find you, Sunny, I will. Even if it means you'll push me away again."
Tinakpan ko ng aking mga palad ang aking mga matang todo iyak. Hinawakan niya ang aking kamay at pinigilan niya ako sa pagpupunas na para bang gusto niyang makita ang pag iyak ko.
"Now, tell me. Will you accept me again?" Aniya sa isang matigas na boses.
Umiling ako kahit na nanghihina na ang mga pader na inayos ko para lang matigil na ang kahibangang ito.
"You will accept me again." Bulong niya.
Hindi na ako makailing. Humikbi na lang ako hanggang sa naramdaman ko na ang mainit niyang katawan sa aking dibdib at mas lalo siyang lumapit sa akin.
"I am your husband and you'll accept me again. Stop running, it's useless. I will find you always, Sunny. You can never escape me. Kung mahal mo ako, sumuko ka na. We will forget about my parents. We will forget about the past. Nobody can ever touch you again. Ako lang." Aniya at naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking tiyan. "Say it, Sunny. Accept me." Bulong niya.
"Rage, natatakot ako sa mama mo. Hindi niya ako matatanggap kahit kailan-"
"It's her problem. Either she'll accept you and our baby or she's out of our life. Hindi ako ang papipiliin mo, Sunny. Dahil sigurado na na ikaw ang pipiliin ko. Siya ang papipiliin natin. At alinman ang piliin niya ay mananatili tayong dalawa. Tayong dalawa."
KInagat ko ang labi ko. Napatingin siya sa labi ko at bumilis pa lalo ang hininga niya.
"Say it. Bago pa ako mawalan ng pakealam kung payag ka ba o hindi, Sunny. Sabihin mo na."
Huminga ako ng malalim at dahan dahang tumango. Oo, alam kong nakakasama siya sa akin. Marami kaming problema pag magkasama kami pero siya parin ang makakapag papasaya sa akin. Kahit anong gawin ko ay siya parin talaga. Kahit na sabihin kong ayokong masaktan at ayokong matakot ay siya parin talaga ang dulo. Siguro ay ganon talaga. Sa buhay, may mga bagay na dapat mong isugal. Iyong mga takot mo ay dapat isantabi. You need to do extraordinary things if you want that extraordinary happiness.
"Don't just nod. I want to hear your voice, Sunny." Bulong niya.
"Oo." Marahan kong sinabi.
Huminga siya ng malalim at tumingala na para bang may nawala sa kanyang bigat na pasan. Tumayo ako at tiningala niya ako. Inayos ko ang buhok ko at pinulot ko ang dress kong nasa sahig. Tinalikuran ko siya at pinihit ulit ang door knob ng bahay para makapasok. Parang nabunutan din ng tinik ang puso ko. Gumaan ang pakiramdam ko at unti unting gumapang ang kasiyahan kahit na hindi pa natutuyo ang luha galing kanina.
Naramdaman ko ang pag sunod niya sa akin at ang pagyakap niya ulit galing sa aking likod. Pinahinga niya ang kanyang ulo sa aking leeg. Tumigil ako sa paglalakad sa loob at napatingin ako sa mga kamay naming pinagsalikop niya.
"I miss the scent of your skin." Aniya sabay singhap sa leeg ko. "I miss your hair."
Tinagilid ko ang leeg ko para mas mailagay niyang mabuti ang kanyang ulo sa aking leeg. Hinalikan niya ng dalawang beses ang leeg ko at suminghap ulit siya.
"I need to find a way to pin you down, girl." Matigas na ingles niyang sinabi. "Like the way you pinned me down. The way you make me fall on my knees everytime you leave. I want to be the air you breathe so you can't live without me. So you will never leave me again." Bulong niya.
Nangatog ang binti ko. Mga bagong sensasyon ang naramdaman ko galing sa aking sistema. Lahat ng balahibo ko ang tumindig sa haplos ng kanyang daliri mula braso hanggang kamay.
Napapikit ako sa sensasyong iyon.
"And you're wearing something really offensive, Sunny." Aniya habang nararamdaman ko ang kamay niyang naglakbay sa baba ng aking tiyan.
"Rage..." Sabi ko para pigilan siya ngunit ang kanyang haplos ay nakamamatay.
"I love you, Sunny. Don't you ever leave me again. It's useless. I will find you anyway." Aniya nang naramdaman ko ang kamay niya sa gitna ng aking hita. Halos mapatiyad ako sa ginawa niyang pag haplos.
Gusto ko siyang harapin at pigilan ngunit ang buong katawan ko ang hindi gumagalaw dahil sa pabalik balik na haplos niya sa gitna ng aking hita. Nasa likod ko parin siya at bumubulong.
"Paano kaya kita mababaliw sa akin? I want you so passionately in love that you will never think of leaving me again."
Ang isang kamay niya ay naglakbay sa aking dibdib. Pabilog niyang hinaplos iyon habang ang isa ay abala sa baba. Pumikit na ako at sumuko sa kanya.
Hinawi niya ang pang itaas kong bikini at inangkin niya ang aking dibdib. Hinawi niya rin ang pang ibabang bikini at halos mapatalon ako nang lumapat ang kanyang kamay doon.
"Fuck. But then you're so wet. You like this so much but why do you want to leave?" Bulong niya.
Kinagat ko ang labi ko at mas lalo pang idinikit ang sarili ko sa kanya.
Itinigil niya ang ginagawa niya. Mapupungay ang mga mata kong bumaling sa kanya. Nakita kong nag angat ang kanyang labi. Halos magmakaawa ako sa kanya.
"Do you love me?" Tanong niya.
Tumango ako.
"Say it." Aniya.
"I love you, Rage." Sabi ko ng walang pag aalinlangan.
"Remove that offensive bikini." Aniya.
Uminit ang pisngi ko nang nakita kong humalukipkip siya sa harap ko na para bang naghihintay sa gagawin ko. Dahan dahan kong inabot ang string sa likod ko para makalas iyon. Bumaba ang tingin niya sa aking dibdib at umigting ang panga niya. Hindi ko tuluyang mahubad ito dahil sa nakaka intimidate niyang tingin doon.
"Remove it, Sunny." Aniya sa isang malamig na boses.
Hinayaan kong mahulog iyon ngunit positibo akong kasing pula na ng kamatis ang aking mukha.
"Remove that one." Sabay turo niya sa pang ibaba ko.
Mas lalong uminit ang pisngi ko habang dahan dahang kinalas ang string ng pang ibaba ko. Dahan dahan ko itong binaba at nagtagal ang paningin niya doon. Halos sumabog na sa init ang pisngi ko dahil sa mapanuring titig niya. Alam kong hindi ito ang unang pagkakataon na nakita niya akong hubad ngunit ito ang unang pagkakataon na tinitigan niya akong mabuti.
"Part your knees and don't move." Aniya at nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ko.
Hinawakan niya ang binti ko at binahagi niya ang dalawa. Hindi ko alam kung makakayanan ko bang hindi gumalaw nang hinalikan niya ang tiyan ko. Hindi ko mapigilan ang kiliti nito. Bumaba ang halik niya hanggang sa naramdaman ko na lang ang kanyang labi sa gitna ng aking hita. Para akong lilipad sa langit habang patuloy ang kanyang paghalik doon.
Napahawak ako sa ulo niya habang nakapikit at dinaramdam ang bawat sensasyong naramdaman ko sa kanyang halik. Nang namuo ang sensasyon at may hinahabol na akong katapusan ay tumigil siya at tumayo.
Tinulak niya ako sa dingding at walang pasubaling inangat niya ang dalawang binti ko at nilagay niya iyon sa kanyang baywang.
Tumitig siya sa akin at halos hindi na ako maka focus nang naramdaman kong nanunuya ang kanya sa gitna ng aking hita. Umaambang papasok ngunit hindi tumutuloy.
"Are you going to leave me again?" Tanong niya.
Umiling ako.
"Sagutin mo ako." Mariin niyang sinabi.
"Hindi... Hindi na..." Sabi ko hindi dahil gustong gusto ko ang nangyayari kundi dahil mahal ko siya.
"Paano ako makakasiguro na hindi mo ako iiwan ulit?" Tanong niya.
Kinagat ko ang labi ko at inisip kung paano ko sasabihin sa kanya na kahit na iniwan ko siya ay umasa parin akong sana ay maging kami. Na kahit na umalis ako dahil sa dalang hinanakit ay hindi ko parin maiwan iwan ang pagmamahal ko sa kanya. Na iniwan ko lang siya para sa anak namin. Dahil ayokong masaktan ang baby at hindi bale nang ako ang masaktan.
"Pangako." Sabi ko.
Nakita kong umangat ulit ang gilid ng kanyang labi na para bang may masamang plano siyang sinisimulan.
"Good girl." Bulong niya at naramdaman ko ulit ang pag amba niya papasok sa akin.
Shit! Nawala na naman ang paningin ko at halos idiin ko ang sarili ko sa kanyang katawan. Ang mga daliri ko ay bumabaon na sa kanyang likod.
"Rage, please!"
Humalakhak siya. Ginulo ko ang buhok niya at halos hindi na ako matigil sa pagwawala.
"I'm gonna fuck you hard right now. Sunny, you're not going to leave me again. From now on, you'll beg for more."
Napahawak ako ng mabuti sa kanya habang pabalik balik niyang inugoy ang katawan ko. May inaabot ako kung saan kaya tumingala ako sa bawat paglabas pasok niya sa akin.
"Rage!" Sigaw ko nang nasa bingit na ako.
Dumaing siya nang bumagal ang kanina'y mabilis niyang labas pasok at kasabay ng pagbagal niya ay ang pagsabog ng libo libung sensasyong naramdaman ko kanina. Mapupungay ang mga mata ko ngunit malinaw kong tanaw ang mga mata niyang nakatingin sa bawat pag diin niya sa akin. Kinagat niya ang kanyang labi at bumagal pa ito kasabay ng kanyang pagbuntong hininga.
Nag angat siya ng tingin sa akin at mariin niya akong siniil ng halik. Mababaw hanggang sa malalalim ang kanyang mga halik. Hinawakan ko ang kanyang panga at ramdam na ramdam ko ang pananabik niya sa aking labi habang patuloy itong hinahalikan.
"I love you, Sunny. I love you so damn much. You got me smitten bad. Very very bad. And you're about to experience a very smitten beast."
####################################
Wakas
####################################
Wakas
Nagsimulang tumugtog ang violin. The tune was familiar to me. It was a good choice of music. Hindi ko mapigilang mapatingin sa nag va-violin. Ni hindi ko sinabi sa kanya na itugtog iyon para ngayon. Umuhip ang hangin galing sa dagat. Nilingon ko ang mga nasa gilid ng boardwalk na parehong nakaputi.
Malaki ang ngiti ni Brandon habang inaayos niya ang kanyang damit. Nasa bulsa naman ni Logan ang kanyang mga kamay, pinapanood ako sa kinatatayuan ko.
"Congrats, Rage! Double kill. Ikakasal ka na sa kanya, magkakababy pa kayo."
I grinned. Ngunit ang titig ko ay nasa dulo nitong boardwalk. Nakikita ko na siya kasama si Mia. She's wearing a long all white dress. May mga bulaklak na nakapalibot sa kanyang ulo. Her hair fell in flowing curls over her shoulder.
My heart felt warm. Mabilis din ang pintig ng puso nito. Finally, I can call her my wife. It's finally official.
"Nice choice, Rage. This is the most beautiful island I've seen. Wala pa masyadong maraming turista." Nilingon ni Brandon ang nakapaligid sa aming kulay asul na dagat. "Huma Island, huh?"
"Malapit lang kasi sa rest house niya. I'll live here for the next seven months." Sabi ko nang hindi tinatanggal ang tingin kay Sunny na papalapit, may dala dalang mga puting bulaklak. She smiled at me. Tumayo ako ng maayos.
All of Me was at it's peak. Kinilabutan ako nang mas lalo kong narinig ang violin na tinutugtog ito. Kinakabahan na talaga ako.
Years ago, nong nakita ko si Sunny, hindi pumasok sa isip ko na kaya ko siyang mahalin. I was full of hatred and all I think about was revenge.
"Ma, what's wrong?" Tanong ko isang araw pagkauwi ko galing school. She looked drunk and broken. Nakakalat ang make up sa mukha niya at hawak niya ang isang bote ng whiskey.
"Your dad is with her bitch." She spat.
Hinawakan ko ang kanyang likod. Mapupungay ang kanyang mga mata at ilang beses ko nang narinig ito sa kanya pero ngayon lang siya naglasing ng ganito. Madalas silang mag away ni papa. I never liked it but I got used to it. And I promised myself that when I grow up, I will never be like my dad. I will marry the woman I love. I will not let anyone, not even my family, dictate my decisions.
Pero habang tumatagal ay mas lalo lang lumabo ang pag ibig na iyan. Life isn't all about love. We have more issues than that. It shouldn't be a priority to anyone. We have family issues, business, social issues, to win you must learn how to play even with bad cards. And I've learned that the hard way.
"Kung ayaw mo na, ma, why don't you end your marraige. Separate or Annul, ma." Sabi ko habang inaagaw sa kanya ang baso.
Ni hindi pa ako nakakapagbihis. Naka uniporme pa ako at ang iniintindi ko na ay maging maayos si mama.
"Trust me, Rage. It will be worst. Pag ginawa ko 'yan, your dad will be very much happy about it. And her bitch too. Magkakaroon pa ng share 'yong mistress niya sa kompanya. Baka nga doon na tumira ang papa mo sa bahay nong kabit niya." Ngumiti si mama at umiling. "No. I won't let that happen. No happy ending for me means no happy ending for her too."
"Pero nahihirapan ka na. I'm sure hindi tayo papabayaan ni papa." It sounds pathetic but I want my mom to stop crying for him.
Umiling si mama. "Rage, son, I will never be happy kahit na magkahiwalay kami ng papa mo. Ang makitang masaya siya sa iba ay hindi ko kaya. And also, would you want a stupid step sister? No, Rage. I'm pretty sure you won't like it."
Hindi ako umimik. She laughed hysterical and that was my cue. My mom is drunk and we should stop this conversation. Naka ilang beses na ako nito at ito palagi ang sagot niya.
Kaya naman ay nang nagkaron ako ng pagkakataong bumisita sa building ay ginawa ko na. My father was in a board meeting. I was allowed to go inside his office. Pero pagkapasok ko ay narinig ko kaagad ang boses niyang tumatawa kasama ang babaeng tugma sa sinasabi ni mama. Ang mga stockholders ay naroon at nakikinig sa presentation ng isang lalaki habang siya ay nakikipag usap sa isang babaeng maputi at may mahaba at umaalong buhok na babae. She looked like an angel, yes, but she stings like hell. Alam ko dahil ganon mismo ang naramdaman ni mama.
"Rage, son, you're here?" Gulat na sinabi ni papa, kinakalas ang kamay niyang nakapatong sa kamay ng babaeng kausap niya kanina.
May kung ano sa sistema kong kumulo. Mataas ang tingin ko sa papa ko dahil sa galing niya sa negosyo ngunit nang nalaman ko ang tungkol sa kabit niya ay bahagyang bumaba ang tingin ko sa kanya. Ngunit ngayong nakita ko na ang kabit niya ay mas lalo lang nabaon sa lupa ang paningin ko sa kanya.
Nakita ko ang mga mata ng kabit niyang tumingin sa akin. Tumagilid ang kanyang ulo na para bang sinusuri ako. Tumayo si papa at nilapitan ako.
"Your mom sent you here, Rage?" He concluded.
I shook my head. "I came here to see you."
Kumunot ang noo niya. "To see me, what do you want?" He asked. Iminuwestra niya sa akin ang labasan ng opisina.
He wanted me out of his office. Sumunod ako ngunit nagngingitngit na ako sa galit.
"Your school is done?" Tanong niya nang makalabas kami sa meeting.
Pumihit ako at hinarap ko siya. "Ganon pala talaga, pa? Harap harapan kang nakikipag landian sa kabit mo! Mom is upset and you're here with your cheap bitch?"
Kinwelyuhan agad ako ni papa at nakita ko sa mga mata niya ang galit na ngayon ko lang naranasan. Bakit siya ganito ka galit sa akin? I've done worse things in school. Vandalism, gangs, frats, and many more but he never gave me this treatment. Palagi niya lang tinatanong kung ano ang gagawin niya para tumigil na ako sa mga kahibangan ko. He never laid a finger on me. But this time, I felt like I crossed some line. Binitiwan niya ang kwelyo ng uniporme ko at mas lalo lang nag init ang ulo ko.
"Go home!" Sigaw niya at nag iwas ng tingin sa akin.
"I can't believe you, pa! Harap harapan mong iniinsulto si mama sa pamamagitan ng pagsama sa kabit mo! Ni hindi ka nahiya sa mga investors natin! Mom is a wreck because of this scandal but you act like you don't care about her! Or me! You only care for that bitch and curse her for being so desperate!" Sigaw ko kahit kabado.
Natigil ako nang dumapo ang kamay niya sa aking pisngi. He slapped me once and I saw rage in his eyes. Kung galit siya ay mas galit ako. Hindi ako agad nakagalaw sa sampal niya ngunit gustong gusto kong suntukin ang sarili kong ama.
"Don't call her that. Why don't you go home and comfort your mother instead!" Sigaw niya sa akin.
"WHY DON'T YOU DO THAT YOURSELF! You are his husband! She is your wife! Bakit mas pinipili mo ang babaeng iyon? You're a coward, pa!" Sigaw ko.
"Yes, Rage, I'm a coward for marrying someone I did not love!" Sigaw niya.
My jaw dropped. Alam ko noon pa na nagpakasal sila ni mama para lang sa negosyo. Tatlong magkakapatid sina daddy at siya ang successor ng kompanya dahil siya lang ang lalaki. And my mom was the typical rich daughter of a bigger company. Walang girlfriend si dad and he seemed uninterested in love so he agreed to marry her. My mom, however, was head over heels. This is a story I've heard from my titas. At first, it was a good story to tell. But now, it's a nightmare to me.
"Nagsisisi ka na pinakasalan mo si mama? That means nagsisisi ka kasi nabuo ako?" Sigaw ko sa bigong boses.
Napatingin siya sa akin at bumuntong hininga. Humakbang siya at sinubukan niyang hawakan ang braso ko ngunit hindi ko hinayaang gawin niya iyon. "Rage..."
"You're on hell of a father!" Galit kong sinabi.
"You are my son. Nong ipinanganak ka, doon ko lang naramdaman ang tunay na kaligayahan. You gave meaning to my life-"
"Oh shut up, pa." Sabi ko at tinalikuran ko siya kahit na hindi pa siya tapos magsalita.
I cursed my father and his mistress. I cursed them both. Bawat araw na nagdaan ay mas lalong lumala. Mas dumadalas ang pag inom ni mama at inisip kong sana ay mawala na lang iyong kabit ni papa.
"Rage," Tawag ni Ezra sa akin habang tinatawanan ko lahat ang tumatakbong kaklase ko.
Dahil palagi akong bigo sa bahay, lahat ng init ay inilalabas ko sa school. Isang kalabit lang ng kaklase ay magagalit na ako at agad kong susuntukin. It's a good feeling. 'Yong mapakawalan mo ang galit na nararamdaman mo sa loob sa ibang paraan.
"Ipapatawag ka na naman sa Office of Discipline Affrairs. Stop it." She said.
Nakangiti parin ako habang hinahawakan ang kamao ko. "They try. My mom and dad won't care anyway, Ez." Nilingon ko si Ezra ng nakangiti at nakita ko ang lungkot sa mukha niya.
"Ayokong ma expell ka. You've done this too much this year. Baka iexpell ka ng school." She sighed.
"They won't. Dad will fix it for me." Sabi ko sabay lakad para iwan siya don ngunit sinundan niya ako.
"I don't want you expelled. I don't want you to punch anyone just because he's in your way. You should stop being so bad. Hindi lahat ng bagay na gusto mo ay nakukuha mo."
Napawi ang ngiti ko at tumigil ako sa paglalakad. "I know that, Ezra." Alam na alam ko iyon. Dahil gusto ko ng masaya at payapang pamilya ngunit hindi ko iyon nakukuha. At least give me the control over my life here. "This is my way to let off some steam."
Hinawi niya ang takas na buhok sa kanyang tainga at humalukipkip siya. Umiling ako. She wouldn't understand.
"You want to let off some steam, huh?" Nagtaas siya ng kilay.
Matagal na kaming magkaibigan ni Ezra. Her family is close to mine. At alam kong hindi tulad sa akin ay masaya ang buhay pamilya niya. I envied it. Inisip kong ano pa ba ang hihilingin mo pag masaya ka na sa pamilya mo? Then I realized that people will never stop wanting more. She wanted something else. She wanted me. Hindi siya kuntento sa masayang buhay niya. She thinks her life is no good just because she couldn't have my heart. Hindi ko maintindihan iyon.
Ngayon ko lang naintindihan ang lahat. Nang pinapanood ko ang babaeng ito na palapit sa akin. Hinihipan ng malamig na hangin ang kanyang puting damit. Nakangiti siya ng buo habang nakatitig sa akin. Hindi ko matanggal ang titig ko sa kanyang buhok, sa kanyang mukha, sa kanyang katawan, sa kanyang ngiti. She was everything to me. What I'd give to see her smile that way for the rest of my days.
Pinagsisihan ko lahat ng mga ginawa ko noon. Lahat ng pagkakamali ko. She was a slap to me. I'm a big insult to her. Marrying me is an insult to her. I am a beast and she is this beautiful angel. Walang bahid na kasamaan at inosente sa lahat ng bagay. Pinagsisihan ko kung bakit ganon ang ginawa ko sa buhay ko noon. Kung sana ay mas naging mabuting tao lang ako, sana ay mas karapat dapat ako sa kanya. I will forever envy the normal gentlemen who will try to pursue. Pakiramdam ko ay balang araw, ma rerealize niyang mali na ako ang pinakasalan niya. Given our history, mas gugustuhin niyang sa mas mabuting tao siya magpakasal. At siguro ay makakapatay ako ng tao pag nangyari 'yon. This angel is mine and she will forever be. Kung kailangan kong maging halimaw para lang makuha siya, then I will be the beast.
Nakaupo ako sa swivel chair ni papa habang hinihintay ang pag dating niya. Pinapatawag siya sa school dahil sa sinuntok kong kaklase. Again. Ito pa naman ang unang iskandalo ko ngayong college na ako. He'll scold me for it but he'll get over it later. Pinaglalaruan ko ang ballpen niya nang biglang may pumasok doon.
Napatalon si Amelia Aragon nang nakita akong nakaupo doon. Hinawakan niya ang kanyang dibdib at ngumisi.
"Akala ko naman kung sino." Sabi niya at bumuntong hininga.
Hindi ako makapaniwalang kinakausap niya ako ngayon. Wala siyang karapatang kausapin ako. Hindi ako umimik. Sana ay alam niyang dapat ay hindi siya nakikipag usap sa akin.
"You look like your dad. Manang mana ka sa kanya." Aniya habang nilalapag ang tray ng pagkain sa mesa ni papa.
Hindi parin ako makapaniwalang kinakausap niya ako. Pinanood ko ang pagsabit niya ng buhok sa kanyang tainga habang nilalapag ang juice sa mesa.
"Kumain ka na?" Tanong niya at tumingin siya sa akin.
Nagtaas ako ng kilay at nag iwas ng tingin. "I'm not here for a chitchat with you." Sabi ko.
Nanahimik siya. There. Sana ay nakuha mo. Don't act as if you're innocent. Alam mong alam ko na ikaw ang kabit ng papa ko. And I will never forgive.
"I'm sorry. Inisip ko lang kung baka gutom ka na. This is for you, actually." Sabay tingin niya sa isang set ng pagkaing dala niya.
Napatingin din ako sa mga pagkain. That's for my dad, not for me. I'm sure. Don't lie to me.
"Wala pa kasi 'yong dad mo. Nasa board meeting pa with the investors. So I thought, naghihintay ka kaya binigyan kita." Sabi niya.
"Are you trying to win me over para matanggap kita bilang mistress ng papa ko?" Sabi ko ng diretso.
Nagulat siya sa tanong ko ngunit hindi siya nagpapigil sa kanyang sagot. Umiling siya. "No. May anak akong limang taong mas bata sayo at ilang beses na rin siyang nagutom sa kakahintay sa akin sa bahay at ayaw kong mangyari 'yon sa'yo."
Pinanood ko siyang mabuti. Nag iwas siya ng tingin sa akin at hindi na ulit nagsalita bago pumihit at umalis. Kahit na anong gawin niya ay ganon parin ang tingin ko sa kanya. She's the mistress of my dad and I will never forgive her. Kung akala niya ay makukuha niya ang loob ko dahil lang sa sinabi niya ay nagkakamali siya. Umangat ang gilid ng aking labi at pinanood siyang pumasok sa elevator. Mas nagkaron lang ako ng ideya sa sinabi niya. I wanted revenge so...
"Sino ba kasi 'yan, Rage?" Tanong ni Ezra habang pinupulupot sa aking baywang ang kanyang kamay. She rested her chin on my shoulder while I was watching someone from our car.
Naglalakad siya, nakauniporme at palabas sa kanilang eskwelahan. Like her mother, the mistress, she was fair and very angelic. I hated that fact. Mukha lang silang anghel pero taliwas nito ang siguro'y kalooblooban nila. I hated pretentious people and pretentious words.
"Sunshine Nikkola G. Aragon." Sagot ko.
"Sino kasi 'yan? Teka... Aragon?" Kumalas si Ezra sa akin.
Hindi ko mapigilan ang panonood sa babaeng nahulog ang mga libro sa kalsada pagkatapos bungguin ng iilang estudyante. Umupo siya para pulutin ang mga nahulog na libro.
"Aragon? Anak ba 'yan nong kabit ng dad mo, Rage?" Tanong ni Ezra.
Tumango ako at patuloy na pinanood ang paglalagay niya ng mga libro sa kanyang braso. Umismid siya sa mga nakabunggo sa kanya bago tumayo at nagpatuloy sa paglalakad.
"Drive." Utal ko sa driver nang medyo nakalayo siya. Gusto kong sundan siya at hindi ko alam kung bakit. Gusto kong panoorin siya at magplano kung paano ako gaganti sa kanyang ina gamit siya. "Stop." Sabi ko nang muntik na siyang malagpasan.
Nakita kong may tatlong lalaking estudyante siyang nilagpasan ngunit nanatili sa kanya ang tingin ng mga ito. They were enticed to. That beauty was hard to ignore. And damn it, curse that beauty.
Nagtutulakan pa ang mga lalaki habang naglalakad sa likod niya. Habang siya ay walang ka alam alam na may ganon. Gumapang ulit ang kamay ni Ezra sa aking dibdib kaya bigla ko itong hinawi at binuksan ko ang pintuan ng sasakyan.
"Rage?" She called.
Nilapitan ko ang mga lalaking nagtutulakan at humarang ako sa dinadaanan nila. Humalukipkip ako at dinungaw ko sila. Nagtaka ang tatlo kung bakit ako naroon at kung sino ako pero bago pa sila makapagsalita ay nauna na ako.
"What do you want?"
"Sino ka?" Tanong nong payatot. "Shit, Darwin! Mawawala na naman natin si Sunny. Alam mo namang pahirapang mapansin non." Sabay tulak sa kasama niya.
Maglalakad na ulit sana sila para masundan 'yong babae ngunit hinarangan ko ulit sila. Kumunot ang kanilang noo at mukhang galit na at iritado sa pagharang ko.
"Umuwi na kayo." Sabi ko.
"Sino ka ba at ba't ka nakaharang? Umalis ka nga! Gago 'to!" Sabay turo sa akin ng mas matangkad na payatot.
Mabilis ko na siyang sinuntok. Mabilis ding umamba ang isa sa kanila ng suntok para sa akin ngunit naharangan ko iyon. Sa dinami rami ng nabugbog ko noong high school ay kahit na ilan pa silang umamba ng suntok sa akin ngayon, kayang kaya ko silang balian.
"Rage!" Sigaw ni Ezra ngunit hindi ko siya pinansin.
Humandusay ang dalawa habang ang isa ay kusang natumba sa takot na masuntok ko siya. Humakbang ako habang umaatras sa takot ang isa.
"Oo nga. Gago ako. Buti alam niyo. Wa'g na wa'g kayong lalapit sa Aragon na iyon kung ayaw niyong makatikim sa gagong ito." Sabi ko at agad na silang tinalikuran.
For the past years, I stalked her most of the time. Mas lalo lang naantala ang plano ko ng paghihiganti nang nalaman kong nagkasakit si Amelia Aragon. Umalis din ng bansa si mama at papa at mas bumuti ang pagsasama ng dalawa.
"So now... you're not anymore holding some grudges, Rage. Wala na yata ang dad mo tsaka si Miss. Amelia Aragon." Ani Brandon habang kumakain ng apple sa aming sala.
"Wala na sila kasi may sakit si Amelia. Kung wala ay sigurado akong patuloy silang dalawa." I said bitterly.
"But then you should stop the grudge, Rage. Tutal ay matagal na iyon at maayos na ang mama mo." Sabi ulit ni Brandon.
"Her daughter is going to pay." I said simply.
Nagkasalubong ang kilay ni Brandon at natigil siya sa pagkagat sa apple. "Walang kasalanan 'yong anak ni Amelia."
"I want her to pay for it. Wa'g mo akong pakealaman." Medyo iritado kong sinabi.
"That's not healthy. You're obsessing about that, Rage? You want her to pay? You want her to get hurt? Ganon ba?" Tanong ni Brandon sa akin. Hindi ako sumagot. "First, hindi maganda ang nagtatanim ng galit. Second, walang kasalanan ang anak ni Amelia. At third, maayos na ang buhay mo at hindi na magulo ang mama at papa mo. You should seriously stop."
Hindi ako umimik. Hindi ko rin alam. Basta ang gusto ko ay magbayad siya. Magbabayad siya ng mahal para sa lahat ng ginawa ng mama niya.
Now how could I make this girl pay for it? I don't know. I couldn't even punish her hard enough for hurting me so bad I'll bleed.
She was gentle. Siya iyong pinangarap ko kahit na alam kong hindi ko maaabot. I wanted her so bad that I don't care if I get hurt. I wanted her so bad that I would cross oceans and move mountains just to see her again.
Kung hindi ito matatanggap ni mama ay wala akong pakealam. I will fight for her no matter what. Kung hindi siya pwede sa manila ay dito kami maninirahan sa Palawan. I will never ever leave her again. Takot na takot na akong mawala siya ulit. Ayaw ko sa pakiramdam na iniiwan niya ako kaya hinding hindi ko siya bibigyan ng rason para iwan ulit ako.
Nilahad ko ang kamay ko sa kanya at ipinatong niya ang mainit niyang kamay sa akin. Her palm was so gentle. Hindi ko mapigilang punahin na masyadong magaspang ang akin para sa mla anghel na kamay na ito. Para bang pinapatapak ko sa impyerno ang isang anghel na dapat ay nasa langit. I will never ever deserve her innocence but then I couldn't let her go just because of that fact. Imbes na pakawalan ko siya ay susubukan ko na lang umapak sa langit. I will be a better man. I will be the best husband to her and the best father for out children.
Umubo ang magkakasal sa amin sa likod ko. Pumagitna siya sa amin at may binasa siyang iilang verse galing sa bibliyang dala niya.
Nakatitig ako at nawawala sa mga mata ni Sunny. She smiled at me and I couldn't help but smile back. I love this girl. I love this woman. And no one will ever come between us ever again.
"Sunshine Aragon..." Sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya.
Bumagsak ang mga mata niya sa kamay naming magkahawak.
"I will close the deal between us. Please don't you ever leave me again. Gabi gabi akong nangangamba na baka maisipan mong umalis sa kalagitnaan ng pagtulog ko. Hindi ako kailanman matatahimik hanggang sa matali kita. I've never been this possessive my whole life and I'm sorry about it. It's your fault. You never gave me that assurance that you'll never leave." Humalakhak ako. Kumunot ang noo niya. "And I can't blame you. Ako ang lalaking dapat ay iniiwan. Wala akong ginawang tama. Puro mali na lang ang meron sa buhay ko. I deserved every heartache you gave me." Nangilid ang luha ko kaya tumigil ako sa pagsasalita.
"Rage..." Nakita kong pumula ang kanyang mga mata sa luhang gustong tumulo.
Umiling ako. "Marami akong kasalanang nagawa. Ikaw lang ang tama sa lahat ng ito kaya hinding hindi kita papakawalan kahit anong sakit ang maramdaman ko. Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin but I'm addicted to those heartaches, Sunny. Tuwing iniiwan mo ako, ay mas lalo akong bumabalik na mas mahal ka. Mas lalo akong nababaliw. Now, I hope you don't want a crazy husband. Don't you ever leave again. Alam kong maiksing panahon pa lang at tingin mo ay masyadong mabilis ito pero give me this chance to prove to you that I will be a better man for you and my child."
"Rage, you are a good man." Bulong niya.
Umiling ako. No, I'm not. I'm certainly not. But I will. Alam na alam mo, Sunny, na kayang kaya kong gawin ang kahit na ano para sayo. Alam na alam mo na mapapaluhod mo ako sa lahat ng gusto mo.
"Give me one lifetime to prove to you that I deserve your love. I want your love, Sunny. I want your hands to brush mine very waking moment. I want your lips to brush mine every night. I want your attention every damn time. I want you. I am completely and irrevocably smitten. I love you, Sunshine Aragon. And please, please promise me that from this day on, we are one. We will decide together, live together, and love each other. Don't you ever leave me again. I need you to marry me. I need you to assure me that you will never leave me again. I need you to assure me that you are going to love me back. Because, woman, I am very much in love with you."
Pinunasan niya ang kanyang luha. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at pinunasan ang luhang lumandas doon.
"Please, Sunny. If you want me to beg for it. Then I'm begging you to say 'I do'."
Tumango siya at niyakap ang aking leeg. "You don't need to beg, Rage. Pero paano ang pamilya mo?" Tanong niya habang niyakap ako ng mahigpit.
"You are my family." Pinulupot ko ang aking braso sa kanyang baywang. This is my home. She is my home.
Umiling siya. Naramdaman ko iyon sa yakap niya.
"Please, Sunny." Sabi ko.
"I do." Kumalas siya sa yakap ko at tiningnan niyang mabuti ang mga mata ko. "I will always do."
Ngumiti ako at umalingawngaw ang palakpakan ng mga kaibigan naming tanging naroon sa Huma Island. Mia, Kid, Brandon, his... assistant, and Logan were all smiles and claps while I kissed Sunny so desperately. I want this girl. I want to love her for the rest of my life. I will never waste that chance.
Download