Title: Ugnayan. Mga salitang tikom na bukambibig ng bayan. Background: Ang wika ay isang malaking parte ng ating kultura bilang mga Pilipino. Ang ilan sa ating mga salitang ginagamit ngayon ay dahil sa impluwensya ng mga bansang nanakop sa atin o kaya naman mula talaga sa natural na wika ng ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga mananakop. Dahil dito, masasabi natin na ang ating wika at ang ating kasaysayan ay malaki ang kaugnayan. Sa kabila ng lahat ng ito, marami sa mga mag-aaral dito sa paaralang ito ay limitado ang alam sa ating wika kung kaya’t limitado rin ang kanilang nalalaman sa ating kultura at kasaysayan. Layunin: Ang grupo ay pipili ng mga salita na konektado sa mga tampok na ideya, kasalukuyang suliranin, atbp. ukol sa lipunang Pilipino at ilalarawan ang mga ito sa pamamagitan ng mga poster. Ang mga poster na gagawin ay hindi bababa sa dalawa bawat paksa. Mayroong isang entry o “title” poster kung saan nakalagay ang makabuluhang salita at ang kahulugan nito, habang ang ikalawang poster naman ay naglalaman ng mga ideya na kaugnay ng partikular na salita katulad ng mga “trivias” tungkol sa salita at iba pa. Ang salita ay maaaring manggaling sa ibang wika sa bansa bukod sa Tagalog. Kahalagahan: Nais namin na maipamahagi ang makukulay na aspeto ng kultura at wika ng mga Pilipino upang lalong maipagmalaki ang ating bansa. Mainam rin na matutunan ng mga Pilipino ang tungkol sa mga bagay tulad ng financial literacy, social media, at iba pang mga napapanahong paksa. Pagsusunod-sunod ng mga gawain: ● Paglikom ng mga salita (Unang linggo ng bawat buwan) ● Paglikom ng mga impormasyon at trivia sa bawat salita (Pangalawang linggo ng bawat buwan) ● Paggawa ng disenyo, template at nilalaman para sa poster (Pangatlong linggo ng bawat buwan) ● Paghanap o pagkuha ng mga kagamitan at “printing shops” para sa poster (Ika-apat na linggo ng bawat buwan) ● Kaukulang pakikipagtalakayan sa nakatataas sa paglalagay ng mga paskil (Ika-apat na linggo ng bawat buwan) ● Pagprint mg mga paskil at paglalagay sa takdang lugar (Panghuling linggo ng bawat buwan) ● Huling pagbabago para sa mga paskil bago pagsamasamahin bilang mini-dictionary (Pebrero) ● Pagbuo ng mini-dictionary (Pebrero)