Uploaded by chano magpantay

229810485-Kasaysayan-Ng-Linggwistika

advertisement
Kasaysayan ng Linggwistika
•
A. Kasaysayan ng Linggwistika
Masasabing nagsimula ang maagham na pag-aaral sa wika mula nang magtanung-tanong ang
tao ng ganito:
 Bakit hindi magkakatulad ang mga wikang sinasalita ng tao?
 Papaano nalikha ang unang salita?
 Ano ang relasyon ng katawagan at ng bagay na tinutukoy nito?
 Bakit ganito o gayon ang tawag sa ganito o ganiyong bagay? … atbp.
 Mga Teologo(Theologians)
 Sa kanila nagbuhat ang mga unang sagot sa mga gayong katanungan.
 Sinasabing nilikha ng Diyos ang wika.
 Sinasabing ang pagkakaroon ng iba’t-ibang wika sa daigdig ay parusa ng Diyos sa
pagmamalabis ng tao (gaya ng natalakay sa kabanata I).
• Subalit ang mga palaaral nang unang panahon, tulad nina Plato at Socrates, ay hindi nasiyahan
sa mga ganong paliwanag ng simbahan.
• Nagsimula silang maglimi tungkol sa wika.
• Sa kanilang mga sinulat ay mababakas ang kanilang halos walang katapusang pagtatalu-talo
tungkol sa pinagmulan at kakanyahan ng wika.
• Mga mambabalarilang Hindu
Kauna-unahang pangkat na kinilala sa larangan ng linggwistika.
 Nang panahong iyon, naniniwala ang mga tao na wika ng Diyos ang ginamit sa matatandang
banal na himno ng Ebreo.
 Mahabang panahong hindi nila ginalaw ang istilo ng lenggwahe ng nasabing mga himno kahit
nakaiwanan na ng panahon sa paniniwalang paglapastangan sa gawa ng Diyos ang anumang
isasagawang pagbabago dito.
• Subalit nagpunyagi ang mga palaaral na Hindu.
Sinuri nila ang matandang wikang ginamit sa nasabing mga himno—sa palatunugan, palabuuan,
palaugnayan, sa layuning makatulong sa pagpaliwanag ng diwa ng halos di maunawaang mga himno.
• Ang mga pagsusuring isinagawa ng mga mambabalarilang Hindu ay naging simula ng mga pagaaral sa ibang wika sa Europa.
• Mapapatunayan ito sa mga terminolohiyang teknikal na ginamit ng mga unang mambabalarilang
Hindu na hangggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa ng mga makabagong mambabalarila at
linggwista.
• Sa mga wikang Griyego at Latin, unang nagkaanyo ang wika sa tunay na kahulugan nito,
sapagkat ang mga wikang ito ang dalawang magkasunod na wikang unang nalinang at
lumaganap nang puspusan sa Europa ng panahong iyon.
• Mapapansing kung saan unang nalinang ang sibilisasyon ay doon din unang nagkaanyo ang
kauna-unahang maagham na pagsusuri sa wika.
 Aristotle at ang pangkat ng mga Stoics
Ilan lang sa mga linggwistang laging nababanggit nang mga panahong yaon.
Itinuturing na syang nagsipanguna sa larangan ng agham –wika.
• Panahon ng Kalagitnaang Siglo
(Middle Ages)
 Hindi gaanong umunlad ang agham-wika sapagkat ang napagtuunang-pansin ng mga
palaaral noon ay kung papaanong mapapanatili ang Latin bilang wika ng simbahan.
• Panahon ng Pagbabagong Isip (Renaissance)
 Dahil sa mabilis na pag-unlad ng sibilisasyon at paglaganap ng karunungan sa iba’t-ibang panig
ng daigdig mula sa Gresya at Roma, ay naging masusi at puspusan ang pagsusuring
panlinggwistika sa mga wikang Griyego at Latin dahil sa napakarami at iba’t ibang karunungang
sa dalawang wikang ito lamang matatagpuan.
 Ang pag-aaral sa mga wikang Griyego at Latin ay nakaimpluwensya sa iba’t-ibang wika sa
Europa.
 Wikang Ebreo
orihinal na wikang kinasusulatan ng
MatandangTipan.
pinaniniwalaang siyang wikang ‘sinasalita sa
paraiso’ kaya’t inakalang lahat ng wika’y dito
nag-ugat, pati na ang Griyego at Latin na
syang unang mga wikang kinasalinan ng
nasabing Bibliya.
•
Pagsapit ng ika-19 siglo…
 Nagkaroon ng malaganap na pag-unlad ang aghamwika.
 Nagkaroon ng mga pananaliksik sa pinagmulan ng mga wika na humantong sa
pagpapapangkat-pangkat ng mga ito ayon sa pinagmulang angkan.
 Ang pagsusuri sa mga wika ay hindi lamang palarawan (descriptive) kundi sumasagot pa
rin sa ‘bakit’ ng mga bagay-bagay tungkol sa wika.
 Lumitaw ang iba’t-ibang disiplina sa linggwistika.
• Sa panahong ito’y nakilala ang tungkung-kalan sa linggwistika na labis na nakaimpluwensya sa
larangan ng linggwistika sa Europa:
 Bopp (Sanskrito)
 Grimm (Aleman) at
 Rask (Islandic)
• Ang mga linggwistang ito’y sinundan ng marami pang iba tulad nina:
 Rappf
•Madvig
 Bredsdorff
•Muller
 Schleicher
•Whitney
 Curtios
•at marami pang iba.
• Tinangka nilang ihambing ang mga wikang tulad ng Sanskrito, Griyego, Latin, Italyano, Espanyol,
Pranses, atbp. sa wikang Ebreo na itinuturing ngang pinakasimula ng lahat ng wika sa daigdig ng
mga panahong iyon.
 Ang mga pananaliksik sa larangan ng linggwistika sa teknikal na kahulugan nito, ay alam
nating karakarakang nauunawaan ng mga hindi linggwista.
o Muller at Whitney (1860-75)
nagsikap na maging payak ang pagtalakay sa mga prinsipyo at simulain at agham na ito upang
mapakinabangan ng mga paaralan.
• Sa paglakad ng panahon, iba’t-ibang modelo o paraan ng paglalarawan sa wika ang lumaganap
sa daigdig.
• Lumitaw ang itinuturing na makabagong pamamaraan ngunit masasabing nananatiling hindi
nagagalaw ang makalumang pamamaraan.
 Hal. Hanggang sa ngayon ay wala pang kinikilalang pamamaraan na maaaring higit na
mabuti sa pamamaraan ni Panini sa paglalarawan ng gramatika ng Sanskrito.
 Gayundin sa gramatika ng Ebreo na nalinang noong Kaligatnaang Siglo at sa gramatika
ng Klasikang Arabiko at Intsik.
• Linggwistikang Historikal (Historical Linguistics)
 Itinuturing na kauna-unahang disiplina sa linggwistika na naglalayong magpatotoo na
ang mga wika sa daigdig ay mula sa iba’t-ibang angkan.
 Ang ganitong simulain ay pinatunayan sa pamamagitan ng pag-alam sa mga salitang
magkakaugat (cognates) sa mga wika.
 Sa payak na pakahulugan, ang mga wikang katatagpuan ng sapat na dami ng mga
salitang magkakaugat, bukod sa malaking pagkahawig sa palatunugan, palabuuan, at
palaugnayan ay pinapangkat sa isang angkan.
 Naging matagumpay ba ang linggwistikang historikal bilang isang disiplina sa linggwistika?
Oo…
• Blumentritt
 Isa sa nagpasimula sa pag-aaral sa angkang Malayo-Polinesyo na pinagmulan ng iba’tibang wika sa Pilipinas.
 Sinasabing sya ang nakaimpluwensya kay Rizal upang magtangka ring magsagawa ng
ilang pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas, tulad ng Tagalog.
• Sumunod kay Blumentritt ang iba pang linggwistang tulad nina:
 Otto Dempwolf, Otto Scheerer, Frank Blake, C. Douglas Chretien, Carlos Conant, Harold
Conklin, Isidore Dyen, Richard Howard McKaughan, at Cecilio Lopez ng Pilipinas. (cf.
Gonzales, et. al., 1973)
• Linggwistikang Istruktural
(Structural Linguistics)
 Sinundan nito ang Linggwistikang Historikal.
 Nagbibigay diin sa pagsusuri sa distribusyon ng mga ponema at morpema sa isang salita
o pangungusap.
 Iba’t-ibang mahahalagang pag-aaral ang isinagawa sa mga diyalekto sa Asya, Australya
at sa Amerika sa ilaim ng disiplinang ito.
• Ngunit sa pagsusuri sa balangkas ng mga pangungusap sa iba’t ibang wika ay nangangailangan
ang mga dalubwika ng mga simbolong pamponetika at pamponemika upang kumatawan sa iba’t
ibang tunog.
• Taong 1870 lumitaw ang IPA (International Phonetic Alphabet) na gumamagamit ng hindi
kukulanging 400 simbolo.
 Ang gayong dami ng simbolo ay naging suliranin hindi lamang sa mga dalubwika kundi gayundin
sa bumabasa ng bunga ng kanilang pananaliksik.
 Nagsimulang umisip ang mga dalubwika kung papaano nila magagawang payak ang kanilang
isinasagawang paglalarawan sa mga wikang kanilang sinusuri.
• Ponema
 Hindi nagtagal ay lumitaw ang ponema (phonemes) na naging palasak na palasak hanggang sa
kasalukuyan.
 Sa pamamagitan ng ponema ay naging payak ang paglalarawan sa palatunugan ng isang wika
sapagkat kakaunting simbolo na lamang ang ginagamit.
 Sa I.P.A. ay binibigyan ng katumbas na simbolo pati mga alopono ng isang ponema kaya’t
lubhang napakarami ang ginagamit na mga simbolo.
 Ang ponema ay itinuturing na panulukang-bato ng linggwistikang-istruktural.
 Gumagamit din ang mga instrukturalista ng katawagang morpema (morpheme) sa pagsusuri sa
palabuuan ng mga salita ng isang wika.
 Ang linggwistikang istruktural ay naging popular noong 1925 hanggang 1955.
 Namukod-tangi sa panahong ito ang pangalang Leonard Bloomfield ng Amerika.
 Subalit sa paglakad ng panahon ay napansin ng mga dalubwika na hindi sapat na ilarawan
lamang ang mga balangkas ng mga pangungusap.
 Inisip din nilang kailangan ding alamin kung ‘bakit’ at kung ‘paano’ nagsasalita ang tao.
• Ang mga pantas (philosophers), mga sikologo (psychologists), antropologo (anthropologists), at
maging mga inhinyero (engineers) ay nangangailangan ng isang wikang inilalarawan sa
pamamagitan ng isang maagham na pamamaraan upang kanilang higit na maipahayag ang
kanilang karunungan sa isang mabisa, tiyak at teknikal na paraan.
• Logical Syntax
 Pinabuti at pinayaman ni Zellig Harris na hindi nagtagal at nakilala sa tawag na
‘transformational’ o ‘generative grammar’.
• Linggwistikang Sikolohikal
(Psycho-linguistics)
 Sinasabing bunga o resulta ng gramatika heneratibo upang lalong matugunan ang
pangangailangan sa larangan ng sikolohiya.
 Si Harris ang kinikilalang “transitional figure” mula sa istruktural tungo sa linggwistikang
heneratibo.
• Anthropological Linguistics
 Pinangungunahan nina Boas, Sapir, Whorf, Malinowski, Kroeber, at Trager.
• Tagmemic Model
ni Kenneth Pike
 Nagbibigay-diin sa pagkakaugnayan ng anyo (form) at ng gamit
(function).
 Ang isang anyo at gamit sa disiplinang tagmemiko ay itinuturing na isang yunit na may sariling
lugar o ‘slot’ sa isang wika.
 Ang isang yunit ay may iba’t-ibang antas:
 Antas ng Ponema (phoneme level)
 Antas ng Morpema (morpheme level)
 Antas ng Salita (word level)
 Antas ng Parirala (phrase level)
 Antas ng Sugnay (clause level)
 Antas ng Pangungusap (sentence level) at
 Antas ng Talakay (discourse level).
 Phrase-Structure Transformational Generative Model
• Masasabing nag-ugat sa ‘logical syntax’.
• Dito’y namukod-tangi ang pangalan ni Chomsky.
• May pagkakahawig sa linggwistikang sikolohika- ang pagtarok sa ‘sinasabi’ at ‘di sinasabi’ ng
nasasalita sa kanyang sariling wika.
• Modelong Generative-Semantics
 Sinundan nito ang transformational-generative.
 Kung ang una ay nagbibigay-diin sa form o anyo, ang huli naman ay sa meaning o kahulugan.
 Dito’y nakilala ang pangalang Lakoff, Fillmore, McCawley, Chafe, atb.
 Sa Pilipinas, masasabing ang pinakapalasak na modelo ay istruktural pa rin.
 Bukambibig na din ang modelong transformational-generative ni Chomsky at ng kanyang mga
kasamang tulad nina Jacobs at Rosenbaum ngunit waring ang modelong ito’y hindi makapasok
sa larangan ng pagtuturo ng wika sa mga paaralan.
 Ang modelong generative-semantics ay nagsisimula nang pumalit sa modelong
transformational-generative, gayundin ang modelong Case for Case ni Fillmore.
 Panahon lamang ang makapagsasabi kung aling modelo ang sa dakong huli ang totohanang
papalit sa modelong istruktural.
 Sa kasalukuyan, marami pang lumilitaw na modelo sa linggwistika.
 Mathematical Linguistics o Linggwistikang Matematikal
 Ang pinakahuli at ang ipinapalagay na siyang magiging pinakamalaganap at gamitin sa
mga darating na araw .
 Tinatawag din itong ‘computational linguistics’.
 Hindi man ito gaanong nalilinang sa ngayon, halos natitiyak na ito’y magiging palasak sa
malapit na hinaharap dahil sa pagdatal ng ‘computer’ sa lahat halos ng larangan ng pagunlad.
• B. Kasaysayan ng Linggwistika sa Pilipinas
• Ayon kay Constantino (1972; tingnan din ang Asuncion-Lande 1970:
 Ang pag-aaral sa mga wika ay mapapangkat sa tatlong panahon:
 Panahon ng mga Kastila
 Panahon ng mga Amerikano
 Panahon ng Kalayaan o Kasalukuyang Panahon
o Panahon ng mga Kastila
 Nagsimula noong ika-16 na daantaon at natapos noong ika-19 na daantaon.
 Ayon kay Scheerer, ang pag-aaral sa mga wika ay isinagawa ng mga misyonerong Kastila
na karamihan ay mga paring Heswita at Dominikano sa layuning mapabilis ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa dakong ito ng daigdig.
 Napatunayan ng mga misyonerong Kastila na higit na madali na sila ang mag-aral sa mga
katutubong wika kaysa ang mga ‘Indios’ ang turuan ng wikang Kastila.
 Ganito ang naging karanasan ng mga misyonerong Kastila sa Timog at Hilagang Amerika.
(c.f. Phelan 1955).
 Kaya’t nang dumating sa Cebu noong Pebrero 13, 1965
ang 6 na paring Augustinian na kasama ni Adelantado Miguel Lopez de Legaspi, ay gayon nga ang
kanilang isinagawa sa pagpapalaganap ng relihiyong Katoliko Romano.
 Ang sabi ni Phelan:
“The friars had learned the necessity of preaching the Gospel to the natives in their own tongues. Only
thus could the message of Christianity could reach the Indian’s hearts. The natives were to be asked to
repudiate their pagan cults but not their mother tongues. In 1582, the Ecclesiastical Junta extended this
axiom of Spanish missionary procedure to the Philippines.
• Ang mga pag-aaral sa wika na isinagawa ng mga prayle, kung sabagay, ay mga pag-aaral na hindi
sopistikado.
• Natural lamang na magkagayon sapagkat ang linggwistika ay hindi pa gaanong nalilinang ng mga
panahong iyon, bukod sa mga prayleng nagsagawa ng mga pag-aaral ay hindi nagkaroon ng
pormal na pagsasanay sa larangan ng aghamwika.
• Gayunpaman, ang isinagawang pag-aaral ng mga prayle ay maituturing na napakahalaga bilang
mga panimulang pag-aaral sa ating mga katutubong wika.
• Sa larangan ng wikang Tagalog na naging saligan ng wikang pambansa, masasabing bahagi ng
kasaysayan ang sumusunod na mga isinagawang pag-aaral ng mga prayle at ilang nakapag-aral
na Pilipino:
 Nauukol sa Gramatika
1. ‘Arte y Vocabulaŕio de la Lengua Tagala’
 ni Pari Juan de Quiñones.
 Nilimbag noong 1951.
 Maraming naniniwala na ito ang kauna-unahang pananaliksik na isinagawa ng mga
prayle ukol sa wikang Tagalog. (cf. Phelan 1955)
2. ‘Arte y Reglas de la Lengua Tagala’
 ni Pari Francisco Balancas de San Jose, O. P.
 Nilimbag ni Tomas Pinpin (Ama ng Limbagang Pilipino) noong 1610.
3. ‘Arte de la Lengua Tagala’
 ni Pari Gaspar de San Agustin.
 Nalathala nong 1703 at muling nilimbag noong 1787.
4. ‘Nueva Gramatica Tagalog’
 ni Pari Juan Coria (1872).
5. ‘Ensayo de Gramatica Hispano-Tagala (1878)
 ni Pari Toribio Minguella
6. Pari San Juan Plasencia
 Sumulat ng isang gramatika sa Tagalog, isang diksyunaryo sa Tagalog, at isang katesismo
sa Tagalog na pinagtibay ng Ecclesiastical Junta noong 1852.
 Nauukol sa Talasalitaan
• 1. ‘Vale-Mecum o Manual de la Concervacion Familiar Espanyol-Tagalog, Siglo de un Curioso
Vocabulario de Modismos Manileños’
 ni T.M. Abella (walang petsa)
• 2. ‘Vocabulario de la Lengua Tagala’
 ni Pari San BuenaVentura (1613). Sinasabing ito ang kauna-unahang talasalitaan sa
Tagalog.
• 3. ‘Vocabulario de la Lengua Tagala’
 nina Pari Juan de Noceda at Pari Pedro de San Lucar (1754). Pinakamakapal ito sa mga
nasulat noong panahon ng Kastila.
• 4. ‘Nuevo Diccionario Manual Español-Tagala’
 ni Rosalio Serrano, (walang petsa)
• 5. ‘Diccionario de Terminos Communes
Tagalo-Castellano’
 ni Pari Juan Coria (1869)
• 6. ‘Diccionario Hispano-Tagalog’
 ni Pedro Serrano Laktaw (1889)
 Iba pang Pag-aaral:
1. ‘Memorial de la Vida Christiana en Lengua Tagala’
 ni Pari Balancas de San Jose (1605)
2. ‘Compendio del Arte de la Lengua Tagala’
 ni Gaspar de San Agustin (1703)
3. ‘Arte de la Lengua Tagala y Manual Tagalog’
 ni Sebastian de Totanes (1745)
4. ‘Sobre La Nueva Ortografia de la Lengua Tagala’
 ni Dr. Jose Rizal (1889)
• Ang itinuturing na pinakadahilan kung bakit napabilis ang pag-aaral sa mga wikang katutubo
noong panahon ng Kastila ay ang pagkakahati-hati ng kapuluan sa apat na Orden noong 1594,
bilang pagsunod sa kautusan ni Haring Felipe II.
• Ang pagkakahati-hati ay gaya ng ss:
 Ang Kabisayaan ay hinati sa mga Augustinian at Jesuitas.
 Ibinigay diin sa mga Augustinian ang Ilocos at Pampanga.
 Ang mga Intsik at ang mga lalawigan ng Pangasinan at Cagayan ay ibinigay sa mga
Dominican.
 Ang mga Franciscan naman ang pinangasiwa sa Kabikulan.
 Ang Katagalugan ay hinati rin sa apat na Orden.
•
•
•
Sapagkat nagkaroon ng kanya-kanyang tiyak na pangangalagaan ang bawat Orden, nagkaroon
ng sigla ang pag-aaral sa mga katutubong wika na humantong sa paglilimbag ng mga gramatika
at diksyunaryo.
Ngunit kapansin-pansin na sinadya man o hindi ay napakaraming naisagawang pag-aaral sa
Tagalog.
Ayon kay Phelan:
 hindi kukulangin sa 24 na aklat ang nalimbag tungkol sa wikang Tagalog,
 Samantalang 5 lamang sa mga wikang Bisaya.
 Ang dahilan marahil ay sapagkat Tagalog ang wikang ginagamit sa Maynila na siyang
pinakasentro ng pamahalaan.
• Panahon ng mga Amerikano
 Ang pagsakop ng mga Amerikano sa Pilipinas ang naging sanhi ng panibagong pagtingin sa pagaaral sa mga wikang laganap sa kapuluan.
 Ang mga linggwistang paring Kastila’y napalitan ng mga linggwistang sundalong Amerikano.
• Ano ba ang pinagkaiba ng layunin ng mga Kastila sa pag-aaral ng ating wika, sa layunin ng mga
Amerikano?
 Kung ang pangunahing layunin ng mga Misyonerong Kastila ay mapabilis ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo sa kapuluan, ang mga Amerikano naman ay maihasik sa sambayanang Pilipino ang
ideolohyang demokratiko.
• Ang naging suliranin ng mga prayleng Kastila at ng mga sundalong Amerikano ay iisa:
 Ang kawalan ng isang wikang magiging daluyan ng komunikasyon upang
maisakatuparan ang kani-kanilang layunin.
• At tulad din ng mga Kastila, inisip ng mga Amerikanong higit na madali kung sila ang mag-aral ng
mga pangunahing wika sa kapuluan kaysa kanilang hintayin na matuto ng Ingles ang
nakararaming Pilipino.
• Isa pa, inisip din ng mga Amerikano na higit na magiging madali ang pagtuturo ng Ingles sa mga
Pilipino kung mauunawaan ng mga guro ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Ingles sa iba’t-ibang
wika sa kapuluan.
• Noon nagsimula ang pagsusuri sa mga pangunahing wika sa kapuluan, lalo na sa Tagalog.
• Ilan sa mga isinagawang pag-aaral noon ang mga ss:
 “Handbook and Grammar in Tagalog”
ni MacKinlay (1905)
 isang “Grammar of Ilocano”
ni Henry Swift (1909) at
 isang “Primer and Vocabulary of Maguindanao” ni R. S. Porter (1903).
 May ilan ding pagsasaling-wika na isinagawa noon tulad ng:
 pagsasalin ni C. C. Smith (1906) sa Ingles ng isang aklat sa gramatika ng wikang
Magindanao na sinulat sa Kastila ni J. Juanmarti, at ang
 pagsasalin ni O. T. Mason sa Ingles ng isang pananaliksik na sinulat ni F. Blumentritt sa
wikang Aleman noong 1899 tungkol sa mga tribo sa kapuluan at ang kani-kanilang
wikang sinasalita. (c.f. Constantino 1972)
 Ngunit hindi lubhang lumawig ang pagsusuring-wika na isinagawa ng mga dalubwikang
sundalong Amerikano dahil sa pagkakapalit ng pamahalaang sibil sa pamahalaang militar
noong 1901.
• Pumalit sa mga sundalong Amerikano ang mga dalubwikang may higit na kakayahan at
kasanayan sa pagsusuring-wika dahil karamihan sa mga ito’y propesor sa mga unibersidad sa
Estados Unidos at sa Unibersidad ng Pilipinas na itinatag noong 1908.
• Ayon kay Constantino, sa mga pangunahing linggwista noong Panahon ng mga Amerikano, ay
nangunguna ang mga ss:
 Cecilio Lopez (isang Pilipino),
 Otto Scheerer at H. Costenoble (mga Aleman),
 Morice Vanoberbergh (misyonerong Belhikano),
 Carlos Everett Conant,
Frank R. Blake, at
(mga Amerikano)
Leonard Bloomfield
• Karamihan sa mga pagsusuring wika ay maituturing na historikal at deskriptiba (historical at
descriptive)
• Sina Conant, Costenoble, at Scheerer ang kinilala sa disiplinang historikal.
• Ngunit ang higit na kilala ay si Conant.
• Kung sabagay, hindi lamang sa larangan ng linggwistang historikal nakilala si Conant. Isa rin sya
sa mga unang nagsasagawa ng pag-aaral sa pagpapangkat-pangkat ng mga wika sa kapuluan.
• Ang totoo, ang itinuturing na una nyang artikulo sa linggwistika ay tungkol sa mga tunog na f atv
sa mga wika sa Pilipinas.
• Sinabi nyang karamihan sa mga wika sa Pilipinas ay walang f atv, mga tunog na karaniwan sa
wikang Malay.
• Ganunpaman ay nakatagpo sya ng kataliwasan nito.
• Sinabi nyang ang mga wika sa dulong timog at hilaga ng kapuluan, tulad ng:
• Ibanag (at mga diyalekto nitong Itawis),
• mga wika ng Igorot sa Bontoc at Benguet.
• sa gawing Timog,
• at ng Tiruray,
• Bilaan at
• Tagakaolo sa gawing hilaga
… ay nagtataglay ng mga tunog na f at v.
Ito, anya, ay naiiba sa sinabi ni Brandstetter na ang wikang Malay lamang ang nagtataglay ng f sa mga
wikang kanluranin ng Malayo-Polinesyo. (cf. Conant 1908);
• Conant
• Maraming isinagawang pag-aaral si Conant tungkol sa mga wika sa Pilipinas,
•
ngunit ang pinakakilala sa kanyang mga pananaliksik ay ang kanyang “The RGH Law in
Philippine Languages” (1910) at
• “The Pepet Law in Philippine Languages” (1912) na tumatalakay sa nagaganap sa
pagbabago sa mga tunog ng iba’t-ibang wika sa kapuluan.
• Hal. Ang tunog na r sa pagkakawatak-watak ng mga wikang mula sa Proto-Austronesian
ay nananatili sa ibang wika, samantalang sa iba ay nagiging g, h, y.
• Ano nga ba ang RGH Law ni Conant?
 Ang angkan ng wikang Malayo-Polinesyo
 (kilala rin sa tawag na Austronesian)
 Pangalawang pinakamalaking angkan sa buong daigdig. (pinakamalaki ang IndoEuropean)
 Lumaganap ito sa mga kapuluan sa Pasipiko at sa gawing kanluran ng Madagascar.
 Sa mga wikang buhat sa angkang ito ay kabilang ang mga ss. na lumaganap sa gawing
kanlurang Pasipiko:
 Malay- na lumaganap sa Sumatra, Malaya, Borneo at iba pang karatig na pook;
 Indonesyo-wikang opisyal ng Indonesya
- sinasabing nakabatay sa wikang Malay
 Javanese -ng Java
 Balinese- ng Bali
•
•
•







•
 Dayak-ng Borneo
 Makassar- ng Celebes
Ang mga wika sa Pilipinas, (maliban sa Chavacano, lumaganap sa Cavite, Zamboanga, at Ermita,
buhat sa wikang Espanyol ng Angkang Romance) ay sinasabing nagmula sa wikang Indonesyo.
Sa mga wikang ito ng Pilipinas na tinanatayang hindi kukulangin sa 80 (hindi kabilang ang mga
diyalekto), ay higit na kilala ang Tagalog, Bisaya, at Iloco.
Ang mga wikang ito ang karaniwang ginagamit ng mga dalubwika sa kanilang pagsusuri ng mga
wika sa Pilipinas noong mga unang panahon ng ating pagkabansa.
Mga Wikang lumaganap sa gawing Silangang Pasipiko na buhat sa Angkang Malayo-Polinesyo
karaniwang hinahati sa Micronesian, Polynesian, at Melanesian.
Sa mga pangkat na ito ay maibibigay na mga halimbawa ang Hawaiian, Tahitian, Samoan, Maori
at Fijian.
Sa kasalukuyan, ang mga wikang kaangkan ng Malayo-Polinesyo ay binubuo na ng napakaraming
iba’t-ibang wika.
Ang mga wikang ito, bagama’t buhat sa iisang angkan, ay nagkaroon na ng pagbabago sa
pagdaraan ng maraming taon.
Nagkaroon na ng pagkakaiba ang mga ito sa palatunugan, sa palabuuan, sa palaugnayan.
Halimbawa: Sa ibang salita, ang isang orihinal na tunog na buhat sa inang-wika na MalayoPolinesyo ay nagkakaiba-iba na sa mga wikang kaangkan nito.
H. N. van der Tuuk - isang iskolar na Ulandes na syang unang nakapansin at napag-aralan ang
mga pagbabago sa mga wikang ito.
– sinundan sya ng iba pang mga palaaral at dalubwikang tulad nina:
 Brandes
 Kern
 Adriani
 Brandstetter
 Conant
 Dempwolff at
 Dyen
• Halimabawa:
Tingnan ang isang tunog na sa inang wikang Malayo-Polinesyo ay may tunog na *R. (mula rito ay
tatawagin nating tunog na proto ang lahat ng tunog na may tandang asteriko.
• Ang ibig sabihin ng tunog na proto ay ang tunog na ipinalalagay ng dalubwikang nagsusuri, na
syang orihinal na tunog sa pinakainang Malayo-Polinesyo.)
• Ang Proto-Malayo-Polinesyong *R (PMP *) ay mananatiling r sa ibang wika at maaaring sa ibang
wika naman ay naging g, h, o kaya’y y.
• Ang ganitong penomenon ay waring isang batas na nagaganap sa mga wikang Malayo-Polinesyo.
(Dito hinango ang naging kilalang “RGH Law” ni Conant.)
 Halimbawa:
vein (‘nerve, o sinew’)
urat
ugat
uhat
oya
(Malay)
(Tagalog)
(Dakya)
(Lampong)
 Nangyayari rin na kung minsan ay nawawala ang *R, tulad sa uat ng Javanese.
• Naniniwala ang mga dalubwika na ang mga salitang urat, ugat, uhat, at oya, pati na rin ang uat
ay buhat lahat sa iisang salitang Malayo-Polinesyo.
• Sa ibang salita, ang mga ito ay magkakaugat (cognates).
•
Nagkaroon lamang ng pagbabago ang mga ito sa pagdaraan ng panahon dahil sa pagkakawatakwatak ng mga taong gumagamit nito.
• Ayon kay Conant, (nanatili sya sa Pilipinas mula noong 1903 hanggang 1936 bilang
tagapagsalingwika ng pamahalaan), ang mga wika sa Pilipinas ay may tunog na g sa RGH na
katinig, na ang ibig sabihin ay nagiging g sa karamihan ng mga wika sa Pilipinas ang PMP* R,
bagama’t ang ilan ay nagiging r, l, o kaya’y y.
• Kaya’t ang ginawa ni Conant ay pinangkat nya ang mga wika sa Pilipinas ayon sa kinauwian ng
RGH na katinig.
• Sa pagsusuri ni Conant, ay lumabas na ang Tagalog, Bicol at mga wikang Bisaya, tulad ng
Cebuano, Hiligaynon, Waray, Kinaray-a, at ang Romblomanon, ay mga wikang g.
• Ang Ilocano ay wikang r, gayundin ang Tirurai.
• Ang Pangasinan ay wikang l, gayundin ang Kankanai, Ibaloi, Bontoc, at Calamian.
• Ang Pampango ay wikang y, gayundin ang Ivatan at Sambal.
• Ang mga ss. ay ang ibinigay na halimbawang patibay ni Conant na ipinakikita ang kinauwian ng
RGH na katinig sa mga pusisyong inisyal, medyal, at pinal:
• Mga Wikang G Inisyal Medyal Pinal
Tagalog
gamót
ugát
íkog
Bisaya
gamút
ugát
íkog
Bicol
gamót
ugát
íkog
Ibanag
gamút
ugát (niúg’coconut)
Magindanao
gamút
ugát
íkug
Sulu
gamút
ugát
íkog
Bagobo
ramót
ugát
íkog
• Mga Wikang R
Iloco
ramút
urát
bibír ‘lip)
Tiruray
Irohok ‘rib’ urat
igor
• Mga Wikang L
Pangasinan
lamót
ulát íkol
Kankanai
lamót
uwát
Inibaloi
damót
ulát íkol
Bontoc
lamót (darála ‘girl’) (bibíl ‘lip)
• Mga Wikang Y Inisyal Medyal Pinal
Pampango
yamút uyát
íki?
Ivatan
yamót úyat
(itiói ‘egg)
Sambal
(yábi ‘night’) búyas (‘rice’) (tolói ‘sleep’)
• Sa mga halimbawa sa Ibanag na gamut at ugat, ang t sa posisyong pinal ay hindi binibigkas,
tulad din naman ng iba pang walang boses na istap na k at p na pawang napapalitan ng tunog na
impit o glotal stap.
• Ngunit lumilitaw ang mga ito kapag ang mga salitang nagtatapos sa alinman sa ganitong mga
tunog ay hinuhulapian.
– Hal. yubú? /’ask’, ngunit nagiging yubutan
• Sa pagtunton sa pinagmulan ng tunog na g sa mga wika sa Pilipinas ay sinuri naman ni Conant
ang mga tunog na r-l-d-g na nagmula sa tunog na j sa Proto-Austronesian.
• Pagkatapos ay muli na naman niyang pinangkat ang nasabing 17 wika ayon sa tunog na
kinauwian ng isa’t-isa.
• Ang Waray at Bicol ay mga wikang r , gayundin ang Tirurai, Ibatan, Cuyonon; ang Tagalog,
Kapampangan, Cebuano at Hiligaynon ay l, kasama na ang Tausog at Magindanao; ang Ilocano at
Pangasinan ay g , gayundin ang Ibanag.
•
Batay sa kanyang mga natuklasan, nagbigay ng konklusyon si Conant na ang tunog na g na
taglay ngayon ng mga wika sa Pilipinas ay mahahati sa tatlong klase ayon sa pinagmulan–
orihinal na g, (2) g sa RGH, at (3) g sa RLD. (cf. Conant 1911)
• Samantala , may kahabaan ang pagtatalakay ni Conant sa “Peppet Law”.
• Kinuha nya ang kanyang mga dataps sa 34 na wika sa Pilipinas at higit sa 10 wikang
Austronesian.
• Ang ebolusyon ng patinig na pepet (Proto-Austronesian - ə) ay tinunton ni Conant sa 7 uri ng
kaligiran, tulad ng mga ss:
(1) AP-class (mga salitang may ə sa unang pantig ng dadalawahing pantig na salita at ang ikalawang
pantinig ay pepet, e.g. atəp)
(2) PA-class (mga salitang may pepet sa unang pantig at a sa ikalawang pantig; e.g. bəgas)
(3) IP-class (mga salitang may I sa unang pantig at pepet sa ikalawang pantig, e.g. ngipən)
(4) PI-class, e.g. bəli,
(5) UP-class, e.g. pusəd).
(6) PU-class, e.g. pənu), at PP-class, e.g. ləbəng
(cf. Conant 1912)
• Pagkatapos ay pinangkat nya ang mga wika ayon sa kinauwian ng patinig na pepet.
• Lumabas sa kanyang pagsusuri na ang Tagalog, halimbawa: wikang i; ang Ilocano at Pangasinan
ay ə; ang Kapampangan ay a; at ang mga wikang Bisaya at Bicol ay u.
• Pansinin ang mga ss. na halimbawa:
Tag. –atip; Iilk. & Png. -atəp, Kap. –atap; Bicol (at karamihan ng wikang Bisaya- atup.
• Blake
– Sa mga palarawan (desciptive) namang pag-aaral ay nangingibaw ang dalawang
linggwistang Amerikano (Blake at Bloomfield, sa kabila ng katotohanang hindi sila
nagkaroon ng pagkakataong magtungo rito sa Pilipinas kahit minsan) at isang
linggwistang Pilipino (Cecilio Lopez).
• Sa pag-aakala ng mga Amerikanong ang Pilipinas ay mananatiling isang kolonya ng Amerika,
noong 1900, ay sinimulan sa Unibersidad ng John Hopkins ang pagsusuri at pag-aaral sa iba’tibang wika sa Pilipinas.
• Si Blake, nagtapos sa nasabing unibersidad ay naatasang magsagawa ng pagsusuri sa mga wika
sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga impormante upang ituro sa mga Amerikanong may balak
magtungo sa Pilipinas.
• Noong aralang-taong 1901-1902 ay sinimulan nya ang pagtuturo ng Tagalog sa isang klase na
may 8 mag-aaral.
• Nang sumunod na taon ay Cebuano naman ang kanyang itinuro.
• Bagama’t hindi gaanong pinahahalagahan ng pamahalaan ng Estados Unidos ang proyektong
isinasagawa sa Unibersidad ng John Hopkins ay nagpatuloy pa rin si Blake sa pagsusuri sa mga
wika sa Pilipinas na tumagal ng halos 50 taon.
• Ayon pa rin kay Constantino, sa pagitan ng 1902 at 1950, ay nakasulat si Blake ng hindi
kukulangin sa 27 artikulo tungkol sa iba’t-ibang wika sa Pilipinas.
• Ang ilang halimbawa ay ang mga ss:
– Ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga wikang Bisaya
– Ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga wikang Bisaya at ng Tagalog
– Ang mga salitang hiram ng Tagalog sa Sanskrito
(4) Ang pag-aaral na isinasagawa ng Unibersidad ng John Hopkins tungkol sa iba’t-ibang wika sa Pilipinas.
(5) Ang tungkulin ng pamahalaan ng Estados Unidos sa paglinang ng aghamwika sa Pilipinas sa wika
(6) Pagsusuring-basa sa pagsusuring isinagawa ni Bloomfield tungkol sa Tagalog
(7) Pagtitipon ng mga pagsusuring isinagawa sa mga wika sa Pilipnas
(8) Isang aklat tungkol sa gramatika ng Tagalog
(9) Isang monograp tungkol sa sistema ng mga diin sa Tagalog.
• Pinangkat din ni Blake sa tatlo ang mga wika sa Pilipinas:
 Pangkat Timog, na kinasasamahan ng Ilocano at Pangasinan
 Pangkat Sentral, na kinasasamahan ng Tagalog, Bicol at mga wikang Bisaya. Ang
Kapampangan ay nasa pagitan ng dalawang pangkat na ito.
 Sa Pangkat Hilaga ay kasama ang Magindanaw at Maranaw
• Ngunit ang itinuturing na pinakamahalagang ambag ni Blake sa linggwistika sa Pilipinas ay ang
kanyang aklat tungkol sa gramatika ng Tagalog (1925).
• Sa paraan ng paglalahad ni Blake sa gramatika ng Tagalog ay malinaw na makikita ang
impluwensya ng mga pinakamahusay na mambababalarilang Kastila, tulad ni Totanes (1865).
• Ang mga kategorya ng kanyang gramatika at mga katawagang ginamit ay tulad ng ginamit ng
mga mambabalarilang
Kastila na naimpluwensyahan naman ng mga tradisyunal na
mambabalarilang Europeo.
• Sa pagsusuri ni Blake sa Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay labis nyang napag-uukulan ng
pansin ang tatlong magkakaugnay na mga yunit sa mga gramatika:
 Verb
 Voice
 Case
• Sinabi nya na bilang alituntuning pangkalahatan, masasabing ang lahat ng salita sa Tagalog,
maging anumang uri, ay maaaring gawing pandiwa.
• Sinabi nyang ‘The verbalizing power of Tagalog and generally speaking of other Philippine
langages, and indeed of Malayo-Polynesian languages in general has so to speak run wild.’
• Ngunit hindi sang-ayon dito si Constantino, sa dahilang ang konklusyon ni Blake ay hindi salig sa
masusing pananaliksik.
• Sinabi ni Constantino na hindi lahat ng salita sa Tagalog o sa alinmang salita sa Pilipinas ay
maaaring kabitan ng makadiwang panlapi.
• Gayunpaman, naniniwala si Constantino na ang kakayahan sa berbalisasyon ng Tagalog at ng iba
pang wika sa Pilipinas ay malinaw na isang natatanging kakayanhan ng mga wika sa Pilipinas; na
ang kakanyahang ito ang isa sa ikinaiiba ng mga wika sa Pilipinas sa ibang kaangkang wika ng
Austronesya.
• Bloomfield.
• Ang pagsusuring isinagawa ni Bloomfield sa gramatika ng Tagalog ang higit na kilala hanggang sa
kasalukuyan.
• Ang totoo, may mga palaaral, tulad nina Lopez at Constantino, ang naniniwala na hanggang sa
ngayon ay hindi pa nahihigitan ang pagsusuring isinagawa ni Bloomfield sa Tagalog.
• Ang pagkakalahathala ng aklat ni Bloomfield na may pamagat na “Language” noong 1933 na
kinapapalooban ng mga mahahalagang pag-aaral sa gramatikang Tagalog at ang kaalinsabay na
paglaganap ng linggwistikang Bloomfieldian pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang
naging dahilan upang ang pamamaraan ni Bloomfield ay gamiting modelo ng mga ss. na palaaral
sa wika.
• Ang pagsusuri sa gramatikang Tagalog ni Bloomfield ay lumikha ng rebolusyon sa pagsusuri ng
mga wika sa Pilipinas sa dalawang kadahilanan:
(1) Ang sapilitang paggamit ng mga impormante sa pagtitipon ng mga datos, at ang
(2) Paggamit ng mga bagong katawagang panggramatika na kapalit ng mga katawagang tradisyunal
upang bigyang-diin ang pagkakaiba sa ibang wika (hindi ang pagkakatulad) ng wikang sinusuri.
• Ang gramatika ni Bloomfield ay naiiba kay Blake hindi sa lawak kundi sa paraan ng pagkakaayos
ng mga yunit panggramatika, gayundin ang mga kaisipang ginamit.
•
Kaiba sa pagsusuri ni Blake, ang pagsusuri ni Bloomfield sa gramatikang Tagalog ay masasabing
higit na maagham.
• Hinati ni Bloomfield sa tatlong bahagi ang kanyang pagsusuri sa Tagalog:
 Bahagi I- kinapapalooban ng mga salitang Tagalog na nasusulat sa transkripsyong
pamponemika. Kasunod ang katumbas sa Ingles
 Bahagi II- Kinapapalooban ng kanyang pagsusuri sa Tagalog na hinati nya sa phonetics,
syntax at morphology.
 Bahagi III- katatagpuan ng talaan ng mga pormasyon at ng glossary.
 Halimbawa:
 Sa seksyon ng ponemika ay inilarawan ni Bloomfield ang mga makahulugang tunog ng
Tagalog, ang pagpapantig at ang sistem ng diin.
Sinabi nya na ang mga tunog na i at e, gayundin ang o at u ay hindi maituturing na ponema, maliban sa
mga salitang hiram.
Inilarawan nya ang dalawang uri ng diin, malakas at mahina, sa mga salitang Tagalog, na hindi
matatagpuan sa magkatulad na kaligiran, maliban sa ilang salita na maaaring bigkasin sa dalawang
paraan.
Inilarawan din nya ang pagtaas ng tono at ang paghaba ng patinig na nagpapalangkap sa bawat diin.
• Ang pagtalakay ni Bloomfield sa sintaksis ng Tagalog ay di-gaanong masusi, isang patotoo sa
kanyang pagkakaroon ng ‘PHONETIC BIAS’, gaya ng ibinibintang sa kanya ng kanyang mga
kritiko.
• Pinangkat nya ang kanyang talakay sa apat:
(1) Sentence and Word,
(2) Subject and Predicate,
(3) Attribute at
(4) Serial Relation
• Sa morpolohiya naman ng Tagalog ay binigyan-diin ni Bloomfield ang pagagamit ng mga
panlaping ACTIVE at PASSIVE , ang relasyon sa isa’t-isa ng mga ito at sa iba pang panlapi na
nagbubunga ng
(1) Mga salitang waring GERUND na tinawag nyang ‘ABSTRACTS OF ACTION,’ o
(2) Mga NOMINALS na tinawag nyang ‘SPECIAL STATIC WORDS’
• Maliban sa kanyang natalakay sa kahalagahan ng diin at paglilipat ng diin sa pagbubuo ng salita,
ang talakay ni Bloomfield sa morpolhiya ng Tagalog ay maituturing na hindi gaanong
nakadagdag sa mga pagsusuring isinagawa ni Blake at ng mga mambabalarilang Kastila.
• Lopez
 Kinilalang kauna-unahang linggwistang Pilipino.
 Noong 1970 ay kinilala sya at pinarangalan ng Pambansang Samahan sa Linggwistikang
Pilipino bilang “AMA NG LINGGWISTIKANG PILIPINO.”
 At noong 1975 lumabas ang isang Festschrift na may pamagat na Parangal kay Lopez na
handog ng Linguistic Society of the Philippines bilang pagkilala sa kanya sa larangan ng
linggwistika.
 Nagsimula bilang isang mag-aaral ni Scheerer sa Unibersidad ng Pilipinas.
 Mula roon ay ipinadala sya sa Unibersidad ng Hamburg.
 Sa nasabing unibersidad nya natapos nya ang kanyang titulo sa pagkadoktorado sa linggwistika
noong 1928.
 Ang kanyang disertasyon ay tungkol sa pahambing na pagsusuri ng Tagalog at Ilocano sa
pamamatnubay ni Dempwolff.
 Ang mga unang pananaliksik ni Lopez ay masasabing naimpluwensyahan ng mga sinulat ni Blake.
 Ang ilan sa mga ito ay tumatalakay sa mga kakanyahan ng mga wika sa Pilipinas, tulad ng
paglalapi sa Tagalog, at ang mga salitang-hiram ng Tagalog sa Kastila.
 Marami rin syang sinulat at ipinalathalang mga artikulo tungkol sa pahambing na pagsusuri na
mga wika sa Pilipinas sa paraang singkroniko at dayakroniko (cf. Gonzales, et al, 1973 at Constantino 1972).
 Ang itinuturing na pinakamahalagang ambag ni Lopez sa larangan ng linggwistikang Pilipino ay
ang kanyang ipinalimbag na manwal na nauukol sa gramatika ng wikang pambansa (1941).
 Nang sulatin ang nasabing manwal ay kapoproklama pa lamang sa Tagalog bilang batayan ng
wikang pambansa ng Pilipinas.
 Ang manwal ni Lopez ay isang maagham na pagtalakay sa gramatika ng Tagalog na angkop
gamitin ng mga guro sa pagtuturo ng wikang pambansa.
 Madarama sa manwal ni Lopez ang naging impluwensya ng isinagawang pagsusuri ni Bloomfield
sa Tagalog at ng PHILOSOPHY OF GRAMAR ni Jespersen.
 Hinati ni Lopez ang kanyang manwal sa apat na bahagi:
 isa sa ponetika
 dalawa sa morpolohiya at
 isa sa sintaksis
 Ang talakay ni Lopez sa sintaksis ng Tagalog ay makabago at higit na masusi sa ginawang talakay
ni Bloomfield.
 Sa mga sinulat ni Lopez na nalathala bago matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay
mababanggit ang mga ss.:
(1) Pagsusuring sikolohikal sa morpolohiya ng Tagalog,
(2) Pahambing na pagsusuri sa mga leksikograpiya ng Tagalog at ng Malay (1939),
(3) Isang artikulong nasusulat sa wikang Aleman tungkol sa pagkakaugnayan ng Tagalog at ng
Malay (1930), at
(4) Isang artikulong tumatalakay sa kakanyahan ng mga wika sa Pilipinas(1931).
 At habang nagtuturo ng linggwistika sa UP, paminsan-minsan ay nagpapalathala si Lopez ng mga
artikulo.
 Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa kanyang mga sinulat:
 ‘Origins of the Philippine Languages’, 1967;
 ‘Contributions to Comparative Philippine Syntax’, 1965;
 ‘Some New Morphemes in Philippine Languages’, 1970;
 ‘The Spanish Overlay in Tagalog’, 1965;
 ‘Paghahambing sa mga Wika sa Pilipinas’, 1972; at ang isa sa pinakahuli ay ang kanyang
 ‘A Comparative Philippine Word-list’ na inilathala ng The Archieve ng UP na
pinamatnugutan nina Constantino, Cruz at Paz
 ,
 ,
• 3. Panahon ng Kalayaan
• Nagsimula ang panahong ito pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at makamit ng
Pilipinas ang kalayaan noong 1946.
• Sa panahong ito ay masasabing dumami na nang dumami ang pagsusuri sa mga wika sa Pilipinas
(cf. Constantino 1972)
•
Ayon kay Constantino, ang pag-unlad ng aghamwika sa Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ay naimpluwensyahan ng tatlong mahahalagang pangyayari:
(1) Ang una ay ang pagtatag sa Pilipinas ng ‘Summer Institute of Linguistics’ noong 1953.
• Mula noon ay marami nang mga linggwistang misyonero na kasapi sa nasabing organisasyon ang
nagtungo rito sa Pilipinas at nagsagawa ng mga pagsusuri sa mga iba’t-ibang wika at wikain sa
kapuluan.
•
Ginamit ng mga linggwistang ito ang kanilang natutuhan sa mahigit na maunlad na paaralan ng
linggwistika sa Estados Unidos.
(2) Ang ikalawa ay ang paggamit ng makalinggwistikang pamamaraan sa pagtuturo ng Ingles sa mga
Pilipino na lumikha ng malaganap na pagnanais upang suriin ang mga wika sa kapuluan.
• Ang ganitong interes ay humantong sa pagtatag noong 1957 ng ‘Philippine Center for Language
Study’ sa ilalim ng pangangasiwa ng Departamento ng Edukasyon ng Pilipinas at ng Unibersidad
ng California sa LA.
• Ang ikatlo ay ang gradwal na pagdami ng mga linggwistang Pilipino, lalo na pagkaraan ng 1960.
• Masasabi hanggang noong matapos ang 1950 ay iisa ang Pilipinong maituturing na linggwista sa
tunay na kahulugan nito.
• Ngunit pagkaraan ng ilang taon dahil sa patuloy na nagiging impluwensya ng Amerika sa Pilipinas
ay naragdagan na nang naragdagan ang mga linggwista sa kapuluan.
• Ang mga linggwistang Pilipinong ito ay mahahati sa dalawang pangkat:
(1) Mga nagsipagtapos sa mga unibersidad ng Estados Unidos at ng Canada. Mababanggit dito ang ilang
kilalang mga linggwista sa kasalukuyan, tulad nina Constantino at Casambre ng UP, Sibayan at Otanes
ng PNC, Gonzales ng De la Salle, Llamzon at Pascasio ng Ateneo, Natividad ng DEC, atbp.;
(2) Mga nagsipagtapos sa Pilipinas. Sa Ateneo-PNC Consortium for a Ph.D. in linguistics, halimbawa ay
mayroon ng walong nakatapos- Ma. Lourdes Bautista, Elvira Vergara, Gloria Chan-Yap, Rosa Soberano,
Sis. Ma. Isabelita Riego de Dios, Casilda Luzares, Teresita Rafael at Emma S. Castillo.
• Mapapansin na ang Pilipinas ay nagiging laboratoryo o larangan ng mga linggwistang dayuhan
na karamihan ay mga Amerikano.
• Sa katotohanan, di-iilang wika sa Pilipinas ang ginagamit upang subukin ang mga modelong
pangwika, prinsipyo o pamaraan.
• Sa kasalukuyan ang pag—aaral sa mga wika sa Pilipinas ay masasabing isinasagawa ng iba’tibang pangkat ng mga linggwista.
Ang pinakamalaki at pinakamalaganap sa mga ito ay ang sangay sa Pilipinas ng ‘Summer
Institute of Linguistics’.
• Masasabing higit na pinag-uukulan ng pansin ng pangkat na ito ang mga wikang di gaanong
malaganap.
• Isinasalin sa mga wikang ito ng nasabing pangkat ang Bibliya at iba pang babasahing
panrelihiyon.
• Halimbawa:
 ‘Overt Relation Markers in Maranao’ - isa sa mga pag-aaral na isinagawa ni McKaughan (cf.
McKaugha 1972)
•
•
•
•
•
Nagbigay ng konklusyon si McKaughan na isa sa mga katangian ng Maranao (at ng iba pang wika
sa angkang Malayo-Polinesyo) ay ito:
o Ang binabanghay na pandiwa ay nagsasaad hindi lamang ng panahon, uri ng kilos, at
iniisip na sikolohikal ng nagsasalita kundi pati na rin ng relasyong gramatikal ng pandiwa
at ng paksa ng pangungusap; na ang relasyong gramatikal ng aktor, layon, di tuwirang
layon at gamit ay nakikilala sa Maranaw sa pamamagitan ng katagang o, sa at ko.
Ang, primary relation ay isinasaad ng katagang so.
Sa bahaging ito’y masasabing malaki ang naging kontribusyon niya sa pagkakatuklas ng ngayo’y
palasak na palasak nang pokus sa Pilipino.
Ang isa pang pangkat ng mga linggwista sa Pilipinas ay matatagpuan sa Departamento ng
Wikang Oryental at Lingwistika sa Unibersidad ng Pilipinas.
Sa katotohanan, ang pangkat na ito ang maituturing na pinakamatanda sa lahat ng pangkat.
Itinatag ang nasabing departamento noong 1923 upang magsagawa ng pahambing na pagsusuri
sa iba’t-ibang wika sa kapuluan.
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
Mababanggit dito ang isinasagawang proyekto ng nasabing pangkat sa huling limang taon- ang
pagtitipon ng mga datos na leksikal at gramatikal mula sa lahat ng wika at wikain sa kapuluan
upang gamitin sa pahambing na pagsusuri sa ponolohiya, morpolohiya at sintaksis ng nasabing
mga wika.
Maaari ring magamit ang matitipong mga datos sa pagsulat ng mga diksyunaryo sa bawat wika.
Ayon kay Constantino ay hindi kukulangin sa 2,000 pangungusap na naglalarawan ng hulwarang
morpo-sintaktikal at mahigit na 4,000 salitang-ugat ang natitipon na mula sa 300 mga wika at
wikaing sinusuri.
Ang mga manuskrito at tapes ay iniingatan ng ‘Archieves of Philippine Languages and Dialects.’
Ang iba pang pangkat ng mga linggwista ay matatagpuan sa ‘Language Study Center’ ng
Dalubhasang Normal ng Pilipinas, sa Ateneo de Manila, sa De la Salle, sa Unibersidad ng San
Carlos, at sa ‘Interchurch Language School’.
Ang ‘New Tribes Mission’ sa Pilipinas ay may isa o mga dalawang linggwista.
Sa ‘Language Study Center’ ng PNC ay nagsasagawa ng mga pagsusuring-wika sa linggwistikang
pamamaraan upang iangkop sa pagtuturo ng wika.
Taun-taon ay nagpapadala ang UCLA ng mga linggwista upang makatulong sa mga proyekto ng
LSC.
Sa mga naipadala na ng UCLA ay mababanggit ang pangalan nina Dr.Tommy Ray Anderson (S. L.
N.), Dr.Richard Tucker, Dr. Henry Feenstra, at Dr. Robert Gardner.
Nag-aanyaya rin ang LSC ng mga kilalang linggwistang tulad nina Isidore Dyen, Eugene Nida,
Howard McKaughan, Clifford Prator, Donald J. Bowen, atb. upang magbigay ng panayam sa mga
mag-aaral at guro sa linggwistika.
Bukod dito ay nagpapadala pa rin ang LSC ng mga
iskolar sa Estados Unidos at sa
Canada upang magpakadalubhasa sa aghamwika.
Ang aklatan ng LSC ay masasabing isa sa pinakamayaman sa mga aklat panlinggwistika sa buong
kapuluan.
Ang mga panaliksik-wika sa iba’t-ibang wika sa Pilipinas ay mapapansing isinasagawa hindi
lamang ng mga linggwista sa Pilipinas kundi gayon din ng mga linggwista at mag-aaral sa mga
unibersidad sa Amerika, tulad ng Unibersidad ng Yale, Unibersidad ng Michigan, Unibersidad ng
California sa Los Angeles, at Unibersidad ng Hawaii.
• Masasabi rin na ang mga isinasagawang pag-aaral sa wika ay mauuri sa tatlo:
(1) pag-aaral na nauukol sa pagkaklasipika ng mga wika sa Pilipinas, at
(2) mga pagsusuring historikal, at
(3) mga pagsusuring palarawan.
• Iilan-ilan lamang ang nagsagawa ng pananaliksik na historikal.
• Dyen –mula sa Unibersidad ng Yale na itinuturing na pinakakilala sa mga mananaliksik.
–
nakapagpalathala siya ng isang monograp at maraming artikulo tungkol sa rekonstruksyon ng
ilang ponema at salita sa Proto-Austronesian na tinawag niyang Malayo-Polinesian.
- Isa sa kanyang mga artikulo ay tinalakay nya ang kanyang teorya na ang D ng Proto-Austronesian
ay naging d sa Tagalog sa mga pusisyong inisyal at kapag pinangungunahan ng katinig, at hindi
nagiging l na tulad ng sabi ni Dempwolff.
• Fr. Llamzon (1966)- sumulat ng isang artikulo na tumatalakay sa kanyang isinagawang muling
pagsusuri sa ə ng Proto-Austronesian (PA).
- Nagbigay sya ng konklusyon na ang ə ng PA ay regular na nagiging i at di-regular na nagiging a o
kaya’y u sa Tagalog.
- Mapapansing gayon din ang konklusyon ni Costenoble noong 1940.
•
•
•
•

(1)
(2)
(3)

•
•
•
•
•
•
•
Masasabing higit na napakiling ang mga linggwista sa pagsusuring palarawan pagkaraan ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Masasabi ring karamihan sa mga pag-aaral na isinagawa noon ay nakalundo sa ponolohiya ng
isang wika.
Ngunit nang mga dakong 1960 ay dumami na nang dumami ang mga pagsusuring tumutugon sa
gramatika o sintaksis ng isang wika.
Mga Modelo sa Paglalarawang-Wika
Tatlong modelo ang nangibabaw sa paglalarawan ng mga wika sa Pilipinas pagkatapos ng
digmaan.
Modelong ginamit ni Bloomfield sa paglalarawan sa Tagalog at Ilocano.
Tagmemic Model na nilinang ni Kenneth L. Pike na syang karaniwang ginagamit ng mga
linggwista ng SIL
Transformational-Generative Model ni Chomsky na syang higit na pinaniniwalaan ng mga
linggwista ng UCLA at sa UP (cf. Constantino 1972).
Ano ang pagkakaiba-iba ng tatlong modelo sa isa’t-isa?
Masasabing hindi gaanong nagkakaiba-iba ang tatlong modelong nabanggit, lalo na ang
dalawang una,tungkol sa kung papaano sinusuri ang mga datos.
Nagkakaiba-iba lamang sila sa paraan ng pag-aayos o paglalahad at sa pagbibigay-ngalan sa
resulta ng pagsusuri.
Tagalog -masasabing higit na napagtutuunan ng mga linggwista, gaya rin ng nangyari noong
panahon ng Kastila.
Kaunti lamang kung mayroon mang mahahalagang naisasagawang pag-aaral sa ibang
pangunahing wika.
Marahil dahil Tagalog ang batayan ng wikang pambansa.
Si Constantino ay may sinulat noong 1965 tungkol sa mga padron ng pangungusap sa 26 na wika
sa Pilipinas, kasama na ang walong pangunahin.
Inilahad sa nasabing artikulo ang ‘immediate constituent (IC) analysis’ na sinundan ng
‘transformational-generative analysis’ ng mga pangungusap sa wika.
•
Pinangkat ni Constantino ang mga pangungusap na predikatibo (predicative sentences) ayon sa
mga balangkas ng kanilang mga IC sa tatlong uri:
1. Definite
2. Indefinite
3. Situational
• Bawat isa sa mga IC ng pangungusap na tiyak ay pinangungunahan ng ‘particle’ o ‘marker’.
• Kinilala ni Constantino ang mga unang IC ng mga pangungusap na tiyak at di-tiyak at ang
pangalawang IC ng mga pangungusap na sitwasyonal bilang simuno ng mga pangungusap, at ang
pangalawang mga IC ng mga tiyak at di-tiyak na mga pangungusap at ang unang IC ng
pangungusap na sitwasyonal bilang mga panaguri.
Simuno
IC1
<tiyak at di-tiyak
IC2
<pangungusap na pangungusap>
sitwasyonal>
Panaguri
IC2
IC1
{Tiyak at di-tiyak na pp.}
{pangungusap na
sitwasyonal}
na
•
Masasabing ang pagsusuri ni Constantino sa mga simuno at panaguri ng mga wika sa Pilipinas ay
may malaking pagkakaiba sa tradisyunal na pagsusuring sinunod nina Blake, Bloomfield, Lopez at
iba pang linggwista.
• Sa Tradisyunal na pagsusuri, ang unang IC ng alinmang pangungusap na ‘predicative’ sa normal
na ayos ang syang panaguri at ang pangalawang IC ang simuno maging anuman ang uri ng
pangungusap.
• Hindi kukulangin sa tatlo ang naisagawa nang pagsusuri sa ponolohiya ng Tagalog simula nang
matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
(1) Ang sinulat ni Remedios Cayari noong 1596. Hindi kinilala ni Cayari na magkaibang ponema ang
/e/ at /i/, gayundin ang /o/ at /u/ sa Tagalog kahit na may mga salitang hiram o katutubo sa
Tagalog na magagamit upang ikontrast ang mga ito.
Ang Matandang Tagalog ay walang mga tunog na /e/ at /o/. Ang mga ito’y hiram lang natin sa Kastila.
(2) at (3). Ang dalawa pang pag-aaral sa ponolohiya ay ang kina Robert Stockwell (1957) at Teodoro
Liam-zon (1966).
• Sa dalawang pag-aaral nito ay kinilala ng mga awtor ang pagkakaiba ng mga ponemang /e/ at
/i/, gayundin ng /o/ at /u/ sa Tagalog, gayundin ang mga klaster at mga padron ng intonasyon ng
Tagalog.
(4). Ang pinakahuling pagsusuring isinagawa tungkol sa palatunugan ng Pilipino ay ang kay Andrew
Gonzalez (Acoustic Correlates of Accent, Rhythm and Intonation in Tagalog) na nalathala sa PHONETICA.
 Sinuri ni Gonzales ang diin, ritmo, at intonasyon ng Tagalog sa pamamagitan ng paggamit ng
makabagong instrumentong pangwika sa Unibersidad ng California, Berkeley, California, tulad
ng ‘Linc-8 Computer, Trans-Pitchmeter, Kay Sanograph, at Pitch Extractor.’
• Lumitaw sa pag-aaral ni Gonzales na ang tono, lakas, at haba ay hindi nagiging resulta lamang ng
diin o ‘stress’ at hindi ng haba o ‘length’ na tulad ng lumabas sa pagsusuri nina Schachter at
Otanes (cf. ‘Tagalog Reference Grammar’ 1973).
• ‘Restatement of Tagalog Grammar’ ni Elmer Wolfenden ng SIL (1961)
 Isa sa mga isinagawang pag-aaral sa gramatika.
 Ayon kay Wolfenden, dalawa ang kanyang layunin sa pagsasagawa ng nasabing pagaaral:
 ‘To realign Bloomfield’s gramatical categories, esp. the verbal ones; and
 To modify Bloomfield’s nomenclature.’
 Sina Paul Schachter at Fe Otanes, sa ilalim ng pangangasiwa ng ‘Philippine Center for
Language Study’ ay may sinulat na Tagalog Reference Grammar. Ang nasabing aklat, sa
kasalukuyan, ay kabana-kabanatang isinasalin sa Tagalog ng mga nagsisisulat ng tesis sa
Pilipino sa PNC.
• Sa UP ay mababanggit ang apat na tesis na tumatalakay sa iba’t-ibang aspeto ng gramatika ng
Tagalog.
(1) Kay Silverio ( 1962) na sumusuri sa mga pandiwa at pangungusap na ‘passive’ sa Tagalog;
(2) Kay Gonzales (9162) na tumatalakay sa mga pandiwa at pangungusap na ‘active’;
(3) Kay Cayari (1963) na nagkaklasipika ng mga pandiwang pamanahon (time adverbs) ng Tagalog
ayon sa distribusyon;
(4) Kay Paz (1967) na nagsusuri sa morpolohiya at sintaksis ng mga pangalan at pang-uri sa Tagalog.
• Pineda – Direktor ng Surian ng Wikang
Pambansa ( cf. Pineda 1972),
- Sumulat ng “An Introduction to
Tagalog Transformational Syntax”.
- Ginamit nya sa sintaksis ng Tagalog
ang modelong 1957 ni Chomsky.
• Sa unang bahagi ng kanyang aklat ay nagbigay sya ng mga tuntunin sa pagbubuo ng mga
pangungusap sa Tagalog.
•
•
•
•
•
•
•
•
•
Sa ikalawang bahagi naman, naglahad sya ng mga transportasyon at nagbigay sya ng mga
halimbawa kung papaanong magagamit ang mga ito sa pngungusap sa Tagalog.
Hindi kukulangin sa lima ang naisagawa nang pahambing na pagsusuri sa Tagalog at Ingles.
Ang dalawa rito (cf. Stockwell 1957; Castelo 1964) ay naglalahad ng isang pagsusuri sa Tagalog na
masasabing kahawig din ng kay Bloomfield.
Ang ikatlo ay isang disertasyong nagsusuri sa balangkas ng Tagalog na ginamitan ng Tagmemic
Model. (Guanco 1963)
Ang huling dalawa ay ang disertasyon nina Emy Pascasio (1960) at Fe Otanes (1966).
Cebuano.
 Si Anderson, sa kanyang disertasyon sa pagdodoktorado noong 1965, ay nagsagawa rin
ng paghahambing sa pagsusuri sa Cebuano at Ingles na ginamitan naman ng
‘transformational model’ ni Chomsky.
 Si John Wolff, (1966 at 1967), ay magkasunod na nagpalathala ng dalawang bolyum ng
mga aralin sa Cebuano. Ang gramatika ng Cebuano ay inilarawan nya ayon sa modelo ni
Bloomfield.
Ilocano.
 Ang unang deskripsyong isinagawa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandagdig sa
mga gramatika ng Ilocano ay inilahad sa ‘Intensive Course’ nina H. McKaughan at J.
Forster (1952).
 Ang nasabing gramatika ay inihanda upang magsilbing patnubay o modelo sa
paghahanda ng katulad na mga gramatika sa ibang wika sa Pilipinas sa darating na mga
taon.
 Ibinatay ito sa ‘Outline of Ilocano Syntax’ ni Bloomfield.
 Isa namang ‘transformational-generative grammar’ ng Ilocano ang sinulat ni Constantino
(1959) para sa kanyang disertasyon sa Ph. D.
 Ang modelong ginamit dito ay ang gramatikang inilahad ni Chomsky sa kanyang
‘Syntactic Structures’.
 B. Sibayan- nagsagawa ng isang pahambing na pagsusuri sa mga ponemang segmental
ng Ilocano at ng Ingles noong 1961 sa kanyang disertasyon sa Ph. D.,
Kapampangan.
 Isang tesis sa M. A. ni Castrillo noong 1955 ang nasulat sa UP na tumalakay sa balangkas
ng mga pangungusap sa Kapampangan na ginamit ang modelo ni Bloomfield;
 isang disertasyon sa Ph. D. ni Clardy noong 1958 na sumusuri sa mga ponema ng
Kapampangan, ang kanilang mga alopono at distribusyon;
 isang artikulo ni Tabasondra noong 1962 na sumusuri sa mga ponema ng Kapampangan
at pagkatapos ay inihambing sa mga ponema ng Ingles.
 Si Perez ng PNC ay sumulat ng tesis sa M.A. na may pamagat na ‘Pampango ang Pilipino
Cognates:Sound and Spelling Relationship’ (1964).
 Hiligaynon.
 Ang balangkas ng Hiligaynon ay sinuri at inihambing sa balangkas ng Ingles nina
Juntado (1961) at Ruiz (1963) sa kani-kanilang disertasyon sa Ph. D.
Pangasinan.
 Ang Pangasinan ay sinuri ni Schachter noong 1959 sa kanyang disertasyon sa Ph. D. at
pagkatapos ay inihambing niya sa Ingles.
 Ang paglalahad sa disertasyong ito ay batay sa modelong transpormasyonal ni Chomsky
sa kanyang ‘Static Structures’ .
 Hinati ni Schachter ang kanyang pag-aaral sa dalawang antas:
 Ponolohiya
•
•
•
•
•




 Gramatika
 Binansagan ni Schachter ang kanyang gawa ng “From Pangasinan to English” sapagkat
nilalayon ng pag-aaral na matulungan ang mga mag-aaral na Pangasinan sa pag-aaral ng
Ingles.
Waray.
 Sina J. at I. Wolff noong 1967 ay sumulat ng isang aklat, “Beginning Waray-waray”.
 Batay din sa modelo ni Bloomfield ang kanilang pagkakasuri sa nasabing wika.
 At nitong mga huling araw, gaya na ng nasabi sa umpisa, ay masasabing may kasiglahan
ang kilusan sa linggwistika sa Pilipinas.
Tatlong pambansang samahang pangwika ang nakatutulong nang malaki sa pagpapaunlad ng
disiplinang ito –
 Linguistic Society of the Philippines
 Pambansang Samahan sa Linggwistikang Pilipino
 Philippine Association for Language Teaching
Ang tatlong samahang ito’y patuloy sa pagdaraos ng mga seminar pangwika at pagpapalathala
ng kani-kanilang journal na nagiging daluyan ng mga pag-aaral at pananaliksik na isinasagawa sa
larangan ng wika.
Ang pagkakaroon ng Consortium for a Ph. D. in Linguistics ng Ateneo de Manila at Philippine
Normal College ay isa pa rin sa mga salik na nakapagpapasigla sa kilusang panglinggwistika.
Mga Nakapagtapos sa Consortium for a Ph. D. in Linggwistika at ang kanilang mga paksa:
Bautista, Ma. Lourdes S. “The Filipino Bilingual’s Competence: A Model Based on an Analysis of
Tagalog-English Code Switching.”
 Inilarawan ni Bautista ang paglilipat-lipat ng mga nagsasalita sa Ingles at Tagalog.
Nagbigay sya ng mga tuntuning tinatawag na “phrase structure and transformational
rules” batay sa modelong 1965 ni Chomsky. Lumabas sa kanyang pag-aaral na ang
“Code-Switching” ay nagaganap sa iba’t ibang antas ng wika-salita, parirala, sugnay at
pangungusap.
 Chan-Yap, Gloria. “Hokien Chinese Loanwords in Tagalog.” 1975.
 Sinuri nya ang mga salita saTagalog at inalam nya ang mga salitang mula sa
Hokkien Chinese. Inilarawan nya ang naganap na pagbabago sa tunog at sa
kahulugan ng mga salita sa Tagalog na hiram sa Hokkien Chinese.
 Soberano, Rosa P. “The Dialect of Marinduque Tagalog.” 1976.
 Isa sa kanyang mga layunin ay upang alamin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
Tagalog-Marinduque sa Tagalog-Maynila.
 Vergara, Elvira C. “Subcategorization and Selectional Restrictions of English Words”.
1975.
Sinuri ni Vergara ang mga pandiwang iisahing salita na nakasama sa General Service List ni West
(1965). Ginamit nya ang Case Grammar Matrix ni Cook sa subkategorisasyon ng mga pandiwa.
Lumabas sa pagsusuri na ang mga pandiwang iisahang salita ay mapapangkat ayon sa basic,
experimental, benefactive, at locative; at mapapangkat pa sa 16 na uri ng subkategorisasyon
ayon sa kaligiran ng kaukulan o ‘case’.
Luzares, Casilda. “The Morphology of Selected Cebuano Verbs: A Case Analysis .” 1975 .
 Ginamit ni Luzares ang modelong 1968 at 1970 ni Fillmore ngunit pinasukan nya ng
pagbabago ang mga ito. Lumabas sa pag-aaral nya na ang morpolohiya hindi hiwalay sa
sintaksis at semantika.
Rafael, Teresita C. “Negativization in the Bisayan Languages: A Case Study of the Evolution of a
Subsystem”. 1976.

Pinagtuunan nya ng interes ang 6 na uri ng pananggi na tinawag nyang NEG [Event]s’,
NEG [State]s’,
NEG NEG [Know]s’,NEG [Desiderative]s’, NEG [Exixtantial], at
prohibitives.
 Castillo, Emma S. “A Test of Communication Competence in Pilipino for Prospective Elementary
School Teachers”. 1978.
 Naghanda ng isang instrumento si Castillo na susubok sa kakayahan ng
pakikipagtalastasan sa Pilipino ng isang magiging guro sa elementarya, batay sa hinuha
na ang isang mahusay sa wika ay may kakayahang magsabi ng at umunawa sa mga
pananalitang angkop sa kontekstong sosyokultural.
 Riego de Dios, Ma. Isabelita. “Chavacano Dictionary.” 1977. (Wala pa sa aklatan ang kanyang
tesis)
 Arigatou Gozaimasu!!! 
Download