Sa Cavite, may dalawang pangkat ng Katipunan, ang Magdalo at Magdiwang. Ang Magdalo ay pinamumunuan ni Baldomero Aguinaldo, pinsan ni Aguinaldo at ang kanilang himpilan ay matatagpuan sa Kawit. Samantalang ang pinuno ng Magdiwang ay si Mariano Alvarez at nakahimpil sa Noveleta, Cavite. Nagkaroon ng di-pagkakaunawaan ang dalawang pangkat. Ito ay dahil sa pagkakaroon ng inggitan at personal na ambisyon ng bawat isa. Ang naging resulta ay matinding hidwaan at pagkakaroon ng dalawang magkalabang pangkat sa Cavite, ang Magdalo laban sa Magdiwang. Upang maiwasan ang hidwaan ng dalawang pangkat, inanyayahan nila si Bonifacio sa Cavite upang mamagitan at magpulong. Noong Disyembre 31, 1896, isang pagpupulong ang isinagawa upang malutas ang suliranin. Ngunit, sa halip na maayos ang gusot, ang pinag- usapan ay ang pagpapalit ng pamahalaan ng Katipunan sa isang pamahalaang rebolusyonaryo at ito ay ang mungkahi ng pangkat Magdalo. Walang nangyari sa nasabing pagpupulong at nanatili pa rin ang suliranin. Kasunduan sa Naic Ang pangkat nina Bonifacio at mga tauhan ay nagtungo sa Naic, Cavite. Dito ay gumawa ng isang dokumento si Bonifacio na hindi pagkilala sa pamahalaang rebolusyonaryo ni Aguinaldo at pagtatag ng isang pamahalaang naiiba sa pamahalaang nabanggit. Nakasaad din ditto ang pagtatag ng hukbong militar na pinamumunuan ni Heneral Pio del Pilar. Ang sinumang tatalikod sa kasunduan ay papatawan ng kaparusahan. Ang lumagda ng nasabing kasunduan ay sina Andres Bonifacio, Pio del Pilar, Artemio Ricarte, Severino Reyes, at iba pang Katipunero. Ang pagkakaroon ng Kasunduang Militar sa Naic ay nagbunga ng ganap na pagkakahati ng rebolusyonaryong Pilipino, ang pamunuan ni Aguinaldo at ang pamahalaan ni Bonifacio. Paglilitis at Pagpatay kay Bonifacio Nakarating na sa kaalaman ni Aguinaldo ang naganap na Kasunduan sa Naic at kaagad na nagpalabas siya ng kautusan na dakpin ang pangkat ni Bonifacio na nasa Barangay Limbon, Indang, Cavite. Nagkaroon ng engkuwentro ang dalawang pangkat at nasugatan si Bonifacio sa pangyayari. Bumuo ng isang konseho ang pamunuan ni Aguinaldo na maglilitis kay Bonifacio. Iniharap ang kaso kay Bonifacio, rebelyon at sedisyon. Sedisyon sa dahilang hindi pagkilala sa pamahalaan ni Aguinaldo at rebelyon sa salang paglabag at paglaban sa pamahalaan. Tumagal ang paglilitis mula Abril 29 hanggang Mayo 4, 1897. Bagaman walang sapat na ebidensiya laban sa magkapatid na Bonifacio at Procopio, sila ay nagkasala sa pamahalaan at ang parusa ay kamatayan. Noong Mayo 8, 1897, ginawang pagpapatapon sa halip na kamatayan ang parusa sa magkapatid ngunit dahil sa pagsalungat ni Heneral Mariano Noriel, tagapayong military ni Aguinaldo, ibinalik sa parusang kamatayan ang hatol sa magkapatid. Aniya, mapanganib ang dalawang magkapatid at kung sila ay bubuhayin pa ay maaari silang magtatag uli ng samahan at kumalaban sa pamahalaan. Noong Mayo 10, 1897, isinagawa ang pagpatay sa magkapatid na Bonifacio at Procopio sa Bundok Tala, Maragondon, Cavite sa pamamagitan ng pagbaril. Dito nagwakas ang buhay ng tinaguriang Supremo ng Katipunan sa kamay ng kapwa niya mga Pilipino. Sigaw ng Pugad Lawin Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Jump to navigation Jump to search Ang Sigaw ng Pugad Lawin (kilala din sa orihinal na tawag na Sigaw ng Balintawak) ay ipinahayag ng Katipunan at naging simula ng Himagsikang Pilipino laban sa Imperyong Kastila upang makamit ang kasarinlan.[1] Nang huling bahagi ng Agosto 1896, ang mga kasapi ng Katipunan (Katipunero) sa pamumuno ni Andres Bonifacio ay naghimagsik sa isang lugar na tinatawag na Kalookan, na mas malawak sa kasalukuyang nasasakupan ng Lungsod ng Kalookan na maaaring naisanib na ngayon sa kasalukyang Lungsod Quezon.[2] Orihinal na tumutukoy ang katawagang "Sigaw" sa sagupaan sa pagitan ng mga Katipunero at ng mga Guwardiya Sibil. Maari din na tumukoy ang sigaw sa pagpunit ng sedula (cédulas personales) bilang pagsuway sa batas at kautusan ng Espanya. Ito ay literal na may kasamang makabayang sigaw.[3] Dahil sa magkakaibang pahayag at kalabuan ng lugar kung saan nangyari ito, ang tumpak na petsa at lugar ng sigaw ay pinagtatalunan pa.[2][3] Mula 1908 hanggang 1963, ang opisyal na paninindigan ay nangyari ang sigaw noong Agosto 26 sa Balintawak. Noong 1963, ipinahayag ng pamahalaan ng Pilipinas na nangyari ang sigaw noong Agosto 23 sa Pugad Lawin, Lungsod Quezon.[3 Ang Kombensyon sa Tejeros, ika 22 ng Marso, 1897 ... ang KATIPUNAN ay nagsanga ng dalawang grupo sa Cavite; ang Magdiwang at Magdalo, ang dalawang ito'y hindi magkasundo. Ang pinuno ng Magdiwang na si Hen. Mariano Alvarez (ama ni Hen. Santiago Alvarez), ay tiyo ni Gregoria de Jesus. Sa hindi pagkakasundong nangyayari, inimbita ni Hen. Mariano Alvarez ang Supremo Andres Bonifacio sa Cavite upang ayusin at pagkasunduin ang sigalot ng dalawa grupong ito. Nang mabatid ito ni Emilio Aquinaldo na pinuno ng Magdalo, pinagkalat sa kaniyang mga kapangkat na ang Supremo ang "pinuno ng Magdiwang at si Hen. Alvarez ay ang kaniyang kanang-kamay. Pinaniwalaan naman agad ito, sapagkat ang Supremo at si Alvarez ay magkamaganak sa kasal. Dagdag pa sa paninira ni Aquinaldo, na pinalalabas ng Pangulong-Supremo na siya ay "Hari ng Bayan" at hindi ang nagsasaad sa mga papeles ng Katipunan na "Pangulo ng Haring Bayan" ("President of the Sovereign Nation"). Tuloy umiral ang galit ng mga Magdalo sa Supremo, na siya'y isa rin sa kung kanilang tawagin ay "ALSA BALUTAN" na ang ibig sabihin, mga Katipunerong taga ka-maynilaan na walang pinalunang digmaan at upang iligtas ang kanilang sarili, ang mga ito'y nagtungo na bitbit ang kanilang "balutan" sa Cavite upang mapabilang sa kanilang pagtatagumpay sa mga digmaan. Noong Disyembre ng 1896 ang unang asemblya ng Magdiwang at Magdalo na ginawa sa Imus, Cavite. Ika-22 ng Marso, 1897 ang panggalawang pagpupulong ay isinagawa sa Casa Hacienda sa Tejeros, isang barrio ng San Francisco de Malabaon, Cavite, teritoryo ng Magdiwang, para sa pagkakasundo at pagkakaisa ng Magdiwang at Magdalo. Dito minungkahi ni Severino de las Alas na kalimutan na ang lihim na kapatirang Katipunan at magtatag ng pambansang pamahalaang himagsikan. Si Jacinto Lumbreras naman ay sumagot at tumutol na hindi na ito kinakailangan, sapagkat wala namang pagkakaiba sa Katipunan na may pangulo at pamahalaan nang naitaguyod. Ito naman ay pinatugunan ng Supremo Bonifacio at nagpasimulang pinaliwanag ang sinasagisag ng bandilang Katipunan. Halos hindi pa natatapos ang pagpapaliwanag ng Supremo'y sumabat ng wala man lamang paumanhin si Severino de las Alas at nagsabing... "Walang kinalaman sa usapang ito ang bandila. Ang pinaguusapan dito'y bagong pamahalaan!" Sabay na kaniya rin tinanong... "Anong uri ba ng pamahalaan mayroon tayo kasalukuyan, ito ba'y Republika o isang Monarkyal, na pinangugunahan ng isang hari?" sabay sa katanungang ito'y sumulyap ito sa Supremo. Si Antonio Montenegro ay nagsabi naman na kahit anong tawag sa pamahalaan na mapagkakasunduan, ang mahalaga rito'y pagkakaisa ng himagsikan. Nagpatuloy si Montenegro... "sana ay kahit na Insurectos ang itawag o 'di kaya'y ang masaklap na Tulisanes!" Napatayo sa galit si Hen. Santiago Alvarez at sumigaw na... "Tayong rebolusyonaryong taga Cavite, lalong-lalo na ang grupong Magdiwang ay kinikilala at sumusunod sa pinasimulan ng Katipunan. Kung nais ninyo namang magtatag ng bagong pamahalaan na nararapat para sa inyo'y mangagsiuwi na lang kayo sa iyong probinsya at bawiin sa mga Kastila ang kanilang inagaw na mga teritoryo, tulad ng ating ginawa dito. Doon'y makapagtatatag kayo nang nais na pamahalaan at wala sa inyong makikialam. Kaming mga Cavitenos ay hindi nangangagailangan ng nangangaral sa amin!" Pagkatapos sabihin ito ni Alvarez, ang kaniya namang mga tauhan ay naghanda at hinawakan na ang kanilang mga baril at mga gulok. Sa pangyayari ito, tuloy si Lumbreras ay humiling ng isang oras na pagpapahinga sa nangyayaring mainitang pagpapalitan ng masakit na salita at ang paksa ay ipagpapatuloy ng Supremo matapos makapagpahinga ang lahat, ayon kay Lumbreras. Ang sinadya doon na pagawat at pagkakasunduing sigalot ng Magdiwang at Magdalo ng Supremo ay nauwi sa walang balak at pinagusapang halalan. Ang pagtatalong kung anong uri ng pamahalaan ang ipapalit sa Katipunan, ang usapan ay nalipat sa pinagpipilitang halalan ni Severino de las Alas at pinasimulan ito agad sa ganap na alas 2:00 ng hapon, Bagamat laban sa kaniyang kalooban ang halalan ng magiging mga pinuno, ang Supremo'y sumangayon na rin at nagwika... "Atin pagkasunduan na tayo ay susunod sa kagustuhan at ihahalal ng nakakarami, ano man ang katayuan sa lipunan ng isang kandidato," sa sinabing ito ni-isa ay walang tumutol. Ang nahalal na maging "El Presidente" ay ang "absentia" na pinuno ng Magdalo, Emilio Aquinaldo na habang naghahalalan sa Tejeros ito ay kasalukuyan nakikipagdigmaan sa Pasong Santol sa araw din ng kaniyang ika-28 taong gulang na kapanganakan. Si Severino de las Alas naman ay muling nagmunkahi na, huwag ng magbotohan pa para sa Pangalawang Pangulo, gawin na lang ang Supremo sapagkat ito'y nakatangap ng pangalawang pinakamaraming balota sa katatapos na halalan para sa pagkapangulo. Ang mga taong nasa halalaan ay nagwalang kibo at wala man lang sumangayon, kaya't pinagpatuloy ang halalan para sa pagkapangalawang pangulo. Hindi sukat akalain na si Mariano Trias pa ang nahalal bilang pangalawang pangulo, na nakatangap lamang ito ng pangatlong pinakamaraming boto kaysa sa Supremo at Aquinaldo sa nakaraang halalan bilang pagkapangulo. Kasalukuyang nagdidilim na ang gabi, kaya't ang hiniling naman ni Baldomero Aquinaldo ay itigil na ang pagsulat at pagkokolekta ng mga balota. Pinagkasunduan na paghahatiang tumindig na lamang sa magkatapat na bahagi ng bulwagan ang boboto sa kanilang nais na mahalal na kandidato, upang ito'y maging mabilis. Nagpatuloy ang halalan sa hihiranging Kapitan-Heneral ng Hukbong Sandatahan, dito ang Supremo ay hindi nabangit ang pangalan. Bilang pagka-Direktor ng Digmaan, ang Supremo ay hindi pa rin napabilang, hangang sa pagka-Direktor ng Pangloob, dito ay saka palamang nahalal ang Supremo Bonifacio, kaysa kina; Mariano at Pascual Alvarez. Subalit si Daniel Tirona ay nagprotesta sa pagkakahalal sa Supremo, ito'y nagtungo sa gitna ng bulwagan at nagwika... "Mga kapatid ang tungkuling Director del Interior ay totoong malaki at maselan at hindi maaaring hawakan ng hindi abogado. Mayroon dito sa atin bayan isang abogado siya'y si Jose del Rosario, kaya't ating tutulan ang katatapos lang na nahalal na walang anumang katibayan ng pinag-aralan!" Sabay sumigaw si Tirona ng... "Ihalal natin ang abogadong si Jose del Rosario!!!" Sa ginawang paghamak sa Supremo ni Daniel Tirona, ang Supremo ay tumayo, nagbunot ng pistola at babarilin ang nagtatakbong duwag na si Tirona. Mabuti't napigilan ni Hen. Artemio Ricarte ang pagbaril ng nangigigil sa galit na Supremo, habang si Tirona ay tumakbong mabilis at parang bulang nawala't nagkubli sa likod ng nakakaraming mga tao. Ang mga tao naman ay tila nawalan na ng gana sa nakitang pangyayari at ang karamihan ay nagsialisan na. Ang Supremo tinapos ang pagtitipon at ginamit ang kaniyang kapangyarihan, na ang halalan naganap at ang mga pinunong nahalal rin ay pinawalang bisa, dahil sa kaguluhan at dayaang nangyari. Pagkasabi nito ng Supremo, kaniyang nilisan ang bulwagan at sumunood naman sa kaniya ang mga tapat niyang Katipunero. Ayon kay Hen. Artemio Ricarte at Hen. Santiago Alvarez, bago magkaroon ng walang planong halalan sa Tejeros, si Daniel Tirona ay nagkakalat na nang mga balita laban sa Supremo Bonifacio. Na ang Supremo ay isang Mason, na hindi naniniwala sa Diyos, walang relihyon at galit sa cruz. Ang Supremo daw ay isang espiya ng mga Aleman at bukod doon'y mayroong kapatid na babae na "querrida" ng pare sa Tondo. Ang Supremo raw ay ginagamit at ninanakaw ang pondong pera ng Katipunan. Ayon pa rin sa mga "memoirs" nila Hen. Artemio Ricarte at Hen. Santiago Alvarez, nang ipasa na ang mga balota ni Daniel Tirona sa mga depotado, ang mga balotang iyon ay mayroon ng mga nakasulat na pangalan ng kandidato. Isang ginoo na nagmamalasakit, Diego Mojica ay binalaan na ang Supremo sa dayaan na mangyayari, subalit hindi ito binigyan ng pagpapahalaga. Bago maghalalan sa Tejeros, ang Supremo ay nagsabi na... "Atin pagkasunduan na tayo ay susunod sa kagustuhan at ihahalal ng nakakarami, ano man ang katayuan sa lipunan ng isang kandidato" subalit ito ay sinuway ni Daniel Tirona nang mahalal at manalo ang dating Supremo. Hindi ba't tama lang ang pagwawalang bisa ng Supremo ang halalang naganap kung ito'y tunay na hindi malinis, hindi patas, nagdayaan at mayroong pinapanigang kamaganak at kababayan? Laban sa loob ni Emilio Jacinto ang pagpunta ng Supremo sa Cavite at ang pinangagamba niya para sa kaniya ay nagkatotoo. Ang buong akala ng Supremo, ang samahang Magdiwang ay tapat sa kaniya at siya ay ipagtatangol. Hindi man lamang pinaglaban ang katayuan ng Supremo bilang nagtaguyod ng himagsikan at ng pamahalaang Katipunan, ang kaniyang pagkapinuno at sa nangyaring halalan ay iilan lamang ang bomoto sa kaniya mula sa grupong Magdiwang. Saan naroon ang napakadaming Magdiwang ng gawin ng Supremo ang "Acta de Tejeros," kasulatan na nagpapawalang bisa sa nangyaring dayaan at kaguluhan sa halalan, tuloy marami ang hindi nakapaglagda ng kanilang pirmadong pagpoprotesta. Nang hulihin ang Supremo, ang kapatid niyang si Procopio at dito rin pinatay ang kapatid nilang si Ciriaco, nasaan ang mga Magdiwang? Maging sa paglilitis na sidisyon laban sa Supremo, Procopio at Gregoria de Jesus, wala man lamang na tumistigo para sa kanila, samantalang ang tiyo ni Aling Oriang ay pinuno ng Magdiwang na si Hen. Mariano Alvarez. Wala man lamang nagtangkang pawalan sa pagkakapiit ang Supremo at Procopio at lalo naman walang nagtangkang Magdiwang na sagipin sa kamatayan doon sa bundok ng Maragondon sa magkapatid na Supremo at Procopio. Ang mga nagwagi sa nahintong halalan, na di malaman kung paano at kung kailan ipinagpatuloy ay... El Presidente - Emilio Aquinaldo Vice Presidente - Mariano Trias Capitan-General - Artemio Ricarte Director de la Guerra - Emiliano Riegor de Dios Director del Interior - Pascual Alvarez Director del Estado - Jacinto Lumbreras Director de las Finanzas - Baldomero Aquinaldo Director del Commercio - Mariano Alvarez Director del Justicia - Severino de las Alas ...lahat nang nahalal ay mga Caviteno, bukod kay Ricarte na Ilokano subalit naninirahan na nang matagal sa Cavite. Lahat halos ng nahalal ay mula sa grupo ng Magdiwang, sila Emilio Aquinaldo at Baldomero Aquinaldo lang ang nagwagi sa grupong Magdalo. Ang "dugo" pala ng Supremo ang nagsilbing "kalis ng pagtalik" o "blood compact" upang magkasundo at magkaisa ang Ilustradong Magdiwang at Magdalo. Mas matimbang pala at mas makapal ang Ilustradong dugo ng "CAVITISMO" kaysa sa dugo ng Supremo at ng masang Katipunan!!! ...sa isang banda, isang magandang aral ang mapupulot sa pangyayaring ito. Ang rebolusyonaryong Supremo ay pinagkanulo at iniwan ng mga kasama, pinagbintangan ng krimen at pinatay. Ganito rin ang nangyari sa isang rebolusyonaryong pinagkanulo rin ng mga kasama, pinagbintangan ng krimen at ipinako sa krus, mahigit na 2,000 nang taon. Ang pagkakamali sa ginawang pagkakapatay sa kanila, ay lalo lang nabuhay ang diwa ng idelohyang kanilang iniwan! - - ka tony Si Andres Bonifacio ay siyang supremo ng Katipunan at kinikilalalang pangunahing lider ng Katipunan. Taliwas sa adhikain ng repormista at ilustrado na sina Dr Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena at Marcelo H. del Pilar, ang marubdob na layunin ni Bonifacio ay maging ganap na malaya ang Pilipinas sa pagkakagapos sa mga kamay ng pamahalaang Kastila. Bagamat di-gaanong nakapag-aral, pinaunlad ni Bonifacio ang sariling kaisipan sa pagbabasa ng mga aklat at masusing pagmamasid na siyang nagpatibay sa kanyang layuning palayain ang bayan sa pagmamalabis ng mga dayuhan. Sa tulong ng kanyang mga kaibigan na sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano, itinatag nila ang Kataastaasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK noong ika 7 ng Hulyo 1892 sa Tondo, Maynila. Ang lihim na samahang ito ay nagkaroon ng maraming kasapi sa Maynila at sa mga karatig lalawigan. Sa pagkakatuklas ng Katipunan ng pamahalang Kastila, sinimulan ang tahasang paghihimagsik noong ika 29 ng Agosto 1896 na lalong kilala sa tawaq Unang Sigaw sa Balintawak. Dito ay sabay-sabay na pinunit ng mga Katipunero ang kanilang mga sedula bilang tanda ng paglaya sa mula sa paniniil ng pamahalaang Kastila. Sa pamumuno ni Bonfacio , nilusob nila ang arsenal ng mga kastila kahit kulang ang kanilang mga armas na siyang naging bunga ng maraming pagkasawi ng kanilang mga kasamahan. Sa lagbalab ng paghihimagsik , lumitaw naman ang isang batambata at magiting na pinuno na nagmula sa Kabite, si Heneral Emilio Aguinaldo. Ang Heneral na ito ay kinakitaan ng talino sa kanyang istratehiya sa pakikidigma. At di tulad sa mga pagsalakay ni Bonifacio, karamihan sa kanyang mga paglusob (ni Aguinaldo) ay naging matagumpay. Sa Kabite, may dalawang magkaribal na konseho ng Katipunan. Ang Magdiwang na pinamumunuan ni Mariano Alvarez (tiyo ni Andres Bonifacio) at Magdalo na ang pangulo ay si Baldomero Aguinaldo (pinsan ni Heneral Aguinaldo). Lalong nahati ang pangkat ng Katipunan nang imungkahi ni Aguinaldo na magkaroon ng isang Rebolusyunaryong Pamahalaaan. Nagkaroon nang mainit na pagtatalo kung sino ang dapat mamuno sa itatatag na Rebolusyunaryong Pamahalaan. Sinabi ng mga kasaping Magdalo (kampi kay Aguinaldo) na sila ang dapat mamuno sa nasabing pamahalaan dahil sa kanilang mga tagupmpay sa paglusob. Samantala, iginigiit naman ng mga Magdiwang (kampi kay Bonifacio) na sila ang may higit na karapatang mamuno sapagkat sila ang unang nagpasimula ng Rebolusyon sa Kabite. Sila ang dapat kilalanin ng Rebolusyunaryong Pamahalaan. Sa ganitong pagtatalo-talo, ipinahayag ng mga Pinuno ng Mgagdiwang na isa lamang makakalutas ng hidwaang ito na walang iba kundi si Bonifacio. Isang paanyaya ang ipinadala kay Bonifacio na nooy nasa Bundok Montalaban. Tinanggap ni Bonfacio ang paanyaya. Noong ika 11 ng Disyembre 1896 , nagpulong ang mga lider rebolusyunaryo sa Imus, Kabite subalit walang napagkasunduang palitan ang Katipunan ng Rebolusyunaryong Pamahlaaan at kung sino man ang dapat kilalaning pinuno ng himagsikan. Sa pulong na ito mas lalong malaking alitan ang namagitan kina Bonifacio at Aguinaldo. Noong Marso 2,1897, nagkaroong muli ng pagpupulong ang konseho ng Magdiwang at Magdalo sa Tejeros, isang baryo ng San Francisco de Malabon para pag-usapan ang pagkakaisa ng dalawang konseho sa dahilang dumatng na kasi ang puntong hindi na nagtutulungan ang dalawang pangkat sa pakikidigma laban sa mga kaaway. Muli na naman nilang inimbitahan s Bonifacio na siya naming nagpaunlak. Wala noon si Aguinaldo sapagkat yon ang araw ng kanyang kapanganakan at naghahanda pa rin sa pagsalakay sa Pasong Santol, isang baryo ng Imus. Subalit ang napagkasundan sa Imus ay di pinag-usapan. Bagkus, ang mga pinuno ay nagpasyang maghalal ng mga opisyales para sa Rebolusyunaryong Pamahalaan. Para kay Bonifacio, labag sa kanyang kagustujan ang pagpapatibay ng asemblea ng Rebolusyunaryong Pamahalaan. Bago umpisahan ang halalaan, ay napagkaisahang igaLang ang desisyon ng nakararami. Si Bonifacio ang siyang namuno sa halalan. Ang mga naiboto ay sina : Pangulo, Emilio Aguinaldo; Pangalawang PanguloMariano Trias; Capitan Heneral, Artemio Ricarte; Director ng Digmaan, Emiliano Riego de Dios at Director Interior, Andres Bonifacio. Para kay Bonifacio, ito ay isang malaking sampal sa kanya at sa Katipunan. Sa pagiging Director Interior ay nagpapatunay na siya ay tuluyan nang inalisan ng kapangyarihan bilang lider ng himagsikan. Dagdag pa na insulto ay ang protesta ni Daniel Tirona sa kanyang posisyon. Paliwanag pa ni Tirona na si Andres Bonifacio ay di puede sa ganitong klaseng posisyon pagkat wala siyang diploma sa pagka-abogado. Susuog pa ni Tironang si Jose del Rosario, na isang Kabitenyong abogado, ang siyang mas may karapatan sa puwesto. Sa tinurang ito ni Tirona, lalong sumulak ang galit ni Bonifacio at tinangka niyang barilin si Torona. Mabuti na lamang at dagling may umawat sa Supremo. Galit na nagwika si Bonifacio: Bilang Tagapangulo ng asembleyang ito, at bilang pangulo ng pinakamataas na Konseho ng Katipunan, idinedeklara kong ang asembleyang ito ay buwagin at ipinawawalang - bisa ko ang lahat ng sinangayunan at pinagkayarian! Pagkawika noon, nagpupuyos sag alit na lumisan si Bonifacio sa asembleya. Gayun paman, nanumpa si Aguinaldo sa kanyang tungkulin bilang presidente ng Rebolusyunaryong Pamahalaan pagkatapos ng pagpupulong sa Tejeros. Ang pangkabuuang pamunuan ay binubuo nina : Emilo Aguinaldo, Presidente; Mariano Trias, Bise Presidente ; Artemio Ricarte, Kapitan Heneral ; Emiilano Riego de Dios, Director ng Digmaan; Pascual Alvarez, Direktior Interior; Jacinto Lumbreras, Director ng Estado ; Baldomero Aguinaldo Director ng Pananalapi; Mariano Alvarez, Director ng Komersiyo at Severino delas Alas, Director ng Hustisya. Mapapansin na maliban kay Artremio Ricarte na taga Batac ilokos Sur, ang lahat ng mga pinuno ay taga Cavite. Masasabing ang mga nahalal na mga opsiyaless ay pawang kabilang sa Magdalo at Magdiwang na konseho. Masasapantaha nn ang iringan ng dalawang konseho ay nalutas sa pag-alis ng mga hindi taga cavite. Sa kabilang dako, winalang- halaga ni Bonifacio at ng kanyang mga kaalyado ang bagong tatag na pamahalaaan sampu ng kanilang mga pinuno. Nagpalabas si Bonifacio ng dalawang dokumento na pirmado ng kanyang mga tauhan. Ito ay ang ACTA DE TEJEROS at sa pangmilitar na kasunduan sa Naic. Sa dokumnetong ito, isinaaad ni Bonficaio na siya pa rin ang lider ng Katipunan. Dito ay idiniklara niya na ang halalan sa asembleya sa Tejeros ay isang pandaraya at kung igigiit ng bagong pamahalaan ang kanilang kapangayarihan, sila (ang kampo nji Bonifacio) ay tumututol. Sa deklarasyon ding ito nakasulat na si Aguinaldo ay isang taksil at nakikipagsabwatan sa mga Kastila. Ang deklarasyong ito ay nilagdaan nina Pio del Pilar, Artemio Ricarte, at Severino de las Alas. Ang lahat ng lumagda sa Pangmilitar na kasunduan ng Naic ay sumasangayon na ipagpatuloy nila (kampo ni Bonifcaio) ang direksyon ng rebolusyon. Inatasan ni Bonfcaio si Pio del :Pilar na siyang maging punong-tagapag-atas ng hukbo ng himagsikan, gayun din si Emilio Jacinto na maging heneral sa mga lalawigan ng Morong, Bulacan, Nueva Ecija at Maynila, Dahil dito, lalong lumalala ang tensyong dati nang namagitan sa dalawang lider ng himagsikan. Nagdalawang isip ang ang mga pinuno kung sino ang kanilang papapanigan . Sapagakat Kabitenyo si Aguinlado at nanalo sa eleksyon ( na akala nilang may higit na legaliad, bukod pa sa may kakayahang pangmilitar kaysa kay Bonnifacio, si Aguinaldo ang pinanigan ng mga ilustradong pinuno ng Katipunan. Ilan sa mga pinuno ni Bonifacio ang umanib kay Aguinaldo. Kabilang na rito sina Pio del Pilar, Artemio Ricarte at Severino delas Alas. Ipinalagay ni Aguinaldo na si Bonifacio ay isang banta sa panganib ng bagong tatag na pamahalaan. Kaya bilang pangulo mg Rebolusyung Pampamahalaan, iniutos niya sa pamumuno ni Agapito Bonzon, na arestuhin si Bonifacio pati na ang kanyang mga kasamahan. Dinakip sina Bonifacio, Procopio (kapatid ng supremo) sampu ng kanyang asawang si Gergoria de Jesus sa Lombon, baryo ng Indang Cavite. Sa pagdakip na ito ay nasugatan nang malubha si Bonifacio at napatay si Ciriaco, isa sa mga kapatid ni Bonifacio. Sa Maragondon, nilitis sa hukumang militar sina Bonifacio, Gregoria de Jesus at Procopio sa salang sedisyon at pagtataksil sa Pamahalaang Rebolusyunaryo. Ang naging taga-usig ay si Jose Elises, samantalang Si Teodorop Gonzales naman ang naging tagapagtanggol ni Procopio at si Placido Martinez ang kay Bonifacio. Ayon kay Renato Constantino (Vol 1. The Philippine Past Revisited), ang paglilitis kay Bonifacio at sa kanyang asawang si Gregoria de Jesus at kapatid na si Procopio ay isang balintuna. Si Bonifacio ay kaaway ni Aguinaldo. Halos lahat ng miyembro ng Konseho ng Digmaan ay mga tauhan ni Aguinaldo. Ang tagapagtangol ni Bonifacio, si Placido Martinez na sa halip na tulungan ang supremo ay waring naging taga-usig pa at sinabi pang ang parusang mas masahol pa sa kamatayan ay karapat dapat kay Bonficoio dahil sa pagtatangka niyang pagpatay kay Aguinaldo Sinasabi ring pinaniwalan ng hukumang military ang pahayag ni Tinyente Koronel Giron , isang kapanalig ni Bonfacio na tumayong saksi na binigyan siya ni Bonfiacio ng sampung piso para patayin si Aguinaldo. Sa mismong paglilitis, sinabing hindi makakatestigo si Giron sapagakt napatay ito sa labanan sa Naic. Subalit matapos na mapatay si Bonifacio, si Giron daw ay nakitang kasama ng mga taga-usig. Napatunayan ng hukumang militar na si Bonifacio at Procopio ay nagkasala at hinatulan ng kamatayan. Ang paglilitis sa kanila ay tumagal lamang ng isang araw, ika 5 ng Mayo at bumaba ang hatol noong ika 6 ng Mayo 1897. Ang ,mga papeles at desisyon ay ibinigay kay Aguinaldo. Matapos nang masusing pag-aaral sa kaso ay pinagaan ni Aguinaldo ang sentensiya kina Bonifacuio at Procopio na habambuhay na pagkabilanggo at pagpapatapon sa malayung lupain. Subalit nang malaman ito nina Mariano Noriel at Heneral Pio del :Pilar (dating mga kaalyado Bonifacio ) ang desisyon ni Aguinaldo, agad silang nakipagusap sa Heneral at sinabing pairalin ang dating desisyon (kamatayan) para mapangalagaan ang kapakanan ng rebolusyon at hadlangan din pagkasira ng moralidad ng mga pinuno at mga tauhan ng himagsikan. At noong ika 10 ng Mayo, 1897, isinagawa ni Major Lazaro Makapapagal at ilang mga tauhan ang kaukulang kautusang militar sa Bundok Buntis . Si Andres Bonifacio, ang dating Supremo ng Katipunan ay pinatay sa edad na 34 taong gulang lamang.