Uploaded by TANYA BEATRICE GONZALES

fili 9 mga alamatssss

advertisement
GONZALES
9-SHAKESPEARE
Alamat ng Bulkang Mayon
Noong unang panahon, may isang babaeng nagngangalang Daragang Magayon. Maraming
kalalakihan ang nanliligaw sa nasabing dalaga sapagkat siya ay maganda at may makinis na
kutis. Ayon sa ama ni Magayon na si Rajah Makusog nasa tamang edad na ang dalaga upang
magpakasal kung kaya’t pinapayagan na niya ito kung sakaling magpasya ang dalaga na
makipag-isang dibdib. Ngunit si Magayon ay wala pang napipili mula sa kanyang mga
manliligaw. Magpapakasal lang daw siya sa taong kanyang iniirog.
Isang araw habang naliligo si Magayon sa ilog, siya ay nadulas at nahulog sa malalim na parte
nito. Hindi marunong lumangoy ang dalaga. Mabuti na lamang at nakita siya ni Panganoron at
iniligtas ang dalaga. Si Panganoron ay ang matapang na anak ni Rajah Karilaya. Nangangaso
siya noong araw na iyon nang marinig niya ang iyak ni Magayon. Mabilis na tumalon ang
matapang na mandirigma upang iligtas ang dalaga.
Nabighani si Panganoron sa ganda ni Magayon kung kaya’t niligawan niya ang dalaga.
Gayundin si Magayon ay napa-ibig sa matapang na lalakeng nagligtas sa kanya. Di kalaunan ay
ipinahayag ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa buong kaharian.
Subalit, si Pagtuga, isang masugid na manliligaw ni Magayon, ay naka-isip ng paraan upang
hindi matuloy ang kasal. Binihag niya ang ama ni Magayon na si Rajah Makusog at hindi raw
niya ito pakakawalan kundi papayag si Magayon na pakasal sa kanya. Dahil mahal ni Magayon
ang kanyang ama, wala siyang magawa kundi pumayag sa kondisyon ni Pagtuga.
Nagpunta ang dalaga sa lugar ni Pagtuga upang ibigay ang sarili upang pakawalan nito ang
kanyang ama. Napag-alaman ni Panganoron ang ginawa ni Magayon. Tinipon nito ang kanyang
mga matatapang na mandirigma upang iligtas ang mag-ama laban kay Pagtuga.
Isang malaking digmaan ang naganap sa pagitan ng dalawang kampo. Nanaig si Panganoron
laban kay Pagtuga at napatay niya ito. Noong makita ni Magayon na napatay ng kanyang
kasintahan ang kalaban ay dali-dali itong tumakbo patungo kay Panganoron. Ngunit bago pa
man magkalapit ang dalawa ay isang ligaw nasibat ang tumusok sa likod ni Magayon. Habang
bumagsak si Magayon ay tinaga naman sa likod si Panganoron ng mandirigma ni Pagtuga.
Nakita ni Rajah Makusog ang nangyari. Sinundan nito ang taong pumatay kay Panganoron at
pinaslang ito.
Nang matapos ang digmaan, iniuwi ng rajah ang walang buhay na katawan nila Magayon and
Panganoron. Humukay ito at inilibing na magkasama ang magkasintahan.
Ilang araw ang lumipas ng mapansin ng mga taong bayan na ang libingan ay tumaas. Lumaki
ang libingan at ang lupa ay naghugis apa. Tinawag ito ng mga taong bayan ng Mayon mula sa
kanilang magandang prinsesang si Magayon. Kung minsan maririnig ang Mayon na
dumadagundong at lumilindol, ayon sa mga tao ito ang patunay ng pagmamahalan nila
Magayon at Panganoron.
Alamat ng Ilang-Ilang
Sa isang malayong lugar, may mag-asawang matagal nang hindi magkaanak sa kabila ng
kasaganaan nila sa buhay.
Abot ang dasal nila kay Bathala na sana’y pagkalooban nga sila ng anak.
Isang gabi, habang nananalangin ang babae, nagpakita ang isang anghel sa kanya at nagwika,
"Huwag kang matakot. Isinugo ako ni Bathala upang maghatid ng magandang balita. Kayo ay
bibigyan na ng anak na babae na napakaganda. Tawagin ninyo siyang Ilang, subalit iwasan
ninyo na mahawakan siya ng lalaki. Kapag nangyari iyon, mawawala sa inyo ang inyong anak,"
pahabol ng anghel.
Nang nadalaga na si Ilang, maraming lalaki ang naakit sa kaniya.
Labis na nangamba ang mga magulang niya na baka mahawakn ng mga lalaki kaya’t kinulong
nila sa isang silid ang anak.
Matinding kalungkutan ang nadama ni Ilang. Lagi siyang umiiyak araw at gabi. Gabi-gabi ay
nananalangin siya.
Dininig ni Bathala ang panalangin ni Ilang. Isang araw, biglang nabuksan ang bintana sa silid ni
Ilang at siya’y tuwang-tuwang nakalabas. Nagmasid sa magandang hardin at lumanghap ng
sariwang hangin. Walang anu-ano’y, biglang may nakakita sa kaniya. Tinawag siya ng isang
lalake at hinawakan ang kaniyang palad.
Huli na nang dumating ang kanyang ina. Si Ilang ay unti-unting naglaho. Walang nagawa ang
ina kundi umiyak na lang at sinabing, "Ilang… Ilang… nasaan ka na anak?" Isang
napakabangong halimuyak ng isang bulaklak ang naamoy ng ina. Nanggaling ito sa lugar ng
kinalubugan ni Ilang. May isang halamang unti-unting umusbong sa lupa. Ang halamang ito ay
pinangalanang Ilang, bilang pag-alaala sa kanilang anak na si Ilang.
Sa paglipas ng panahon, ang Ilang ay naging Ilang-Ilang.
Alamat ni Mariang Sinukuan
Sa bundok ng arayat sa Pampanga nakatira ang isang engkantada. Kilala siya doon bilang Mariang sinukuan.
Magandang maganda si maria. Matangkad siya at kaakit-akit kung pagmamasdan mula ulo hanggang paa.
Kapansin-pansin ang kaniyang ngiti. Mapapatingin ka kapag nagsalita na siya sapagkat hindi mo maipaliwanag
kung anong misteryo ang bumabalot sa katauhan niya. Natural lang kasi na ituring siyang isang diyosa
sapagkat engkantada nga ang dalaga.
Pero kahit na engkantada,tuwang-tuwa siya sa mga taong kanyang nakikita. Natutuwa siya kapag magmamano
ang mga bata sa mga nakatatanda. Nasisiyahan siya kapag hinahainan ng may bahay ang pagod na asawa.
Naliligayahan siya kapag nakikitang nagpapawis ang mga ama sa pagsasaka may mauwi lang na aning palay sa
asawa at mga anak nila. Sapagkat may angking kabaitan, lagi at laging tumutulong si Maria sa mga tao sa
paligid ng kabundukan.
Hinahandugan niya lagi ng mga sariwang bungang kahoy ang bawat pamilya. Nung una takang-taka ang maganak. Paano nga raw bang nagkakaroon ng sariwang prutas sa kani-kanilang hagdan gayong wala namang
sinomang naglalagay. Hindi alam ng mga tao na sa isang kisap mata ay nailalagay ni Maria ang handog sa
bawat hagdan tunguhin niya.
Upang hindi naman maging kababalaghang walang kapaliwanagan, may mga pagkakataong nagpapakita si
Mariang Sinukuan sa mga may bahay na siyang pinagbibigyan niya ng mga buwig ng mga matatamis na saging,
bungkos ng mga matatabang kamoteng kahoy at pumpon ng mababagong rosal. Pagkabigay na pagkabigay ay
ngingiti lang si Maria at magpapaalam na. Hindi na siya makikipag kwentuhan pa. Gustung-gustong nakikita ni
mariang kaagad hinahain ng mga may bahay sa kani kanilang pamilya ang handog ng kalikasang dala-dala niya.
Sa bawat hagdan ay iba ang nilalagay niya. May lansones papaya at makopa. May ilang-ilang champaca at
kamya. May mabolo, balimbing at mangga may rambutan, litsiyas at chesa pa. may malunggay din repolyo at
kalabasa. May upo na, may ampalaya pa atsaka patola. Ang bawat mag-anak na dalawin ay natutuwa sa
kanya. Kaya kahit hindi nakikita si Maria ng lahat ay nagpapasalamat sa engkantada.
Sa pagkakroon ng sapat na pagkain, matanda at bata man ay malulusog na pangangatawan. Nilalayo sila sa
pagkakaramdaman.
Upang ipakita taos pusong pasasalamat, nangako ang lahat na hindi sila aakyat sa bundok ni Mariang
Sinukuan. Ipinangako rin nilang hindi sila huhuli ng anu mang hayop, mamimitas ng anu mang bulaklak o
manunungkit ng anu mang bungang kahoy, kukuha ng gulay sa itaas man o paanan ng kabundukan.
Nagkakaintindihan si Maring Sinukan at ang mga mamamayan.
Ngunit may mga bagong sibol na kabataang isinisilang at may mga magagandang pananaw na natatalo ng
sakim na paninindigan. Dumating na ang panahon na maging makasarili ang ilan. May nagpapawalang halaga
sa pagiging engkantada ni Maria. Ang hayop at halaman daw ay para sa sangkatauhan kaya dapat akyatin ang
kabuntukan at huwag paniwalaan ang pagiging engkantada ni Mariang Sinukuan.
Isang grupo ang nangahas na umakyat sa bundok. Pinatotohanan nilang hayop at halaman na ang lugar ay isa
nga palang paraiso ng kalikasan. Habang pinagsasaluhan ang napakaraming napitas na chiko, lansones at
sinigwelas ay natanawan nila ang isang papalapit na dalaga na kahit na nakayapak ay pagka ganda-ganda.
Hindi sila kaagad nakapagsalita ng napansin nilang may kung anong liwanag ang naka palibot sa nakaputing
engkantanda na sa isang kisapmata ay tinitingala na sila.
”Ako si Maria ng bundok Sinukuan”, pagpapakilala ng dalaga na kapansin-pansing nka anggat ang mga paa
habang nagsasalita siya. “Ma….Maria ng bunduk Sinukuan? Ka…kayo ba ang nagbibigay ng mga gulay, bungang
kahoy at bulaklak sa bawat bahay-bahay?
Ngiti lamang ang engkantada, nakakain ninyo ang lahat ng bungang kahoy subalit wala kayong dadalhing
anuman sa inyong pagbaba sa kabundukan tumango tango lang ang kalalakihan napatunayan ng lahat na
totoong mapagbigay si maria ng anyayahan sila sa isang masaganang pananghalian. Sapagkat noon lamang
may dumalaw sa bundok ng sinukuan ay pinagsikapan ni mariang pakitunguhan ang kalalakihan. Ginulat ni
maria ang mga bisita ng dalhin sila sa mesang kainan sa ilalalim ng punong mangga. Isang masaganang
pananghalian ang bumulaga sa kanila. May mga inihaw na baboy-damo, pabo at usa. May umuusok pang
kanin sa mga dahon ng saging. May suha at guyabano at mabolo. Mayroon ding duhat, saging at balimbing.
May malamig na tuba ring nakahain. Tiyak na maiibigan ng pinakapihikan man ang inihandang pagkain ni
Maring Sinukuan.
Hindi paman pinadudulog ay nagsiupo na at nangagsikain ang mga panauhin. Matapos mabundat ay hindi man
lang sila nagsipasalamat sa nag-imbitang engkntada nagpakatao bilang pagbibigay sa kanila. Nang pumanhik
na si maria sa ituktok ng bundok ay nag usap-usap ang mga gahaman. “nagpapahinga na si maria sa tirahan
niya,” sabi ng isa, “ilabas na ninyo ang mga sako ninyo.” Inilabas ng lahat ang mga sakong dala nila at may ilang
nagsiakyat sa mga puno ng lansones, rambutan at papaya. May nanghabol na nagtatabaang manok, gansa at
pabo. Ang iba naman ay kumuha ng mga sariwang kalabasa, repolyo at kundol. Lahat ng sako ay napuno.
Lahat ay tuwang-tuwa. Naisahan nila si Mariang sinukuan. Kahit alam nilang pagnanakaw ang ginawa nila ay di
man lang sila nahiya sa mga sarili. Hindi nila alam na nagmamasid lang sa tuktok ng bundok ang engkantada.
Hindi nila inalintana ang pakiusap ni maria. Para kay maria, ang kaniyang mga salita ay dapat ng igalang bilang
batas ng Diyos ng Kalikasan. Nang bababa na ang mga mapagsamantala ay nagtataka sila. Damang-dama nila
na sa bawat hakbang na pababa sa kabundukan ay lalong bumibigat ang mga sakong pasan. Nagulat sila nang
makitang mga gulay, bungang kahoy at hayop na dala-dala aynaging mga batong bundok.
Nang matingala sila sa tuktok ay nakita nilang galit na galit si maria sa ppagnanakaw na ginawa nila. “Mga
pangahas!” sigaw ng engkantada ang mga magnanakaw ay nagging baboy-damo silang di malaman kung
tatkbo nang pababa o paitaas ng kabundukan. Kahit hindi na nakabalik pa sa kani-kanilang tahanan ang mga
pangahas na kalalakihan ay hindi parin nadala ang ilang mapagsamantalang naninirahan sa paligid ng
kabundukan. Kung hindi pagnanakaw ay paninira sa kalikasan ang krimeng isinasagawa ng maraming
mamamayan.
Dumating sa puntong nawala ang pagtitiwala ni Mriang Sinukuan. Sa sobra niyang pagbibigay ay
nagsasamantala ang marami sa kabutihan at pagkalinga ni Maria. “Hindi ako susuko sa kapangahasan nila!”
Bilang parusa, itinigil na ni Maria ang bigay pala niyang paghahandog araw-araw ng mga bungang kahoy mula
sa kabundukan.
Napansin ng mga taong nagtampo na sa kanila ang engkantada. Nag usap-usap sila. Sinuri nila ang mga
kahinaan nila. Natunton nilanh dahil sa kapangahasan at pagwawalang halaga sa kayamanan ng kabundukan
ay nagalit at umakyat na sa tuktok ng bukdok niya si Maria.
Ayon sa sabi-sabi, kahit nagsisuko na ang mga pangahas ay hindi na rin bumaba ng kabundukan si Mariang
Sinukuan.
yan ang pinagmulan ng nagtampong Engkantada sa Bundok Sinukuan. I
yan ang alamat ni Mariang Sinukuan.
Alamat ng Saging
Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa
bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man di ito alintana ni Juana.
Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.
Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga si Aging. Naabutan ang braso
ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana. Pinulot niya ang putol na braso ni Aging at ito`y
ibinaon sa kanilang bakuran.
Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang bakuran. Ito`y kulay
luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na animo`y isang kamay na may mga daliri
ng tao.
Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.
Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit
niya ang pangalan ni Aging.
"Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.
Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa katagalan ito`y naging saging.
Download