Department of Education Division of Baguio Bakakeng National High School ARALING PANLIPUNAN 8 PRE-POST TEST I. Isulat ang T kung ang pangungusap ay TAMA, at M kung MALI. ___1. ___2. ___3. ___4. ___5. ___6. ___7. ___8. ___9. ___10. ___11. ___12. ___13. ___14. ___15. ___16. ___17. ___18. ___19. ___20. ___21. ___22. II. 1. Score: ________/ 50 Ang panahon ay tumutukoy sa kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa buong taon. Relihiyon ang itinuturing na kaluluwa ng isang kultura. Ang pangkat-etniko ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao sang-ayon sa kanilang pisikal o bayolohikal na katangian. Sa panahong paleolitiko umaganap ang paggamit ng bakal sa mga kaharian. Sa panahong neolitiko, natustusan ang pangangailangan sa pagkain sa pamamagitan ng pagsasaka. Isa sa ‘di malilimutang ambag ng Mesopotamia sa kasaysayan ay ang Hammurabi Code. Kung kilala ang Egypt sa mga malalaking pyramid, kilala naman ang India sa mga templong kung tawagin ay Ziggurat. Kahanga-hanga ang mga Maya, dahil bagama’t ang kanilang kapaligiran ay maputik at matubig, nagawa pa rin nilang magtayo ng malawak na kaharian, at naggagandahang istruktura. Pare-pareho ang kasaysayan ng mga sinaunang kabihasnan- lahat sila’y nagsimula sa tabi ng ilog, magkakasundo lahat ng mamayan at pinagkakaisa ng isang sentralisadong pamumuno, ngunit lahat ay winasak ng mga Espanyol. Ang piyudalismo ay isang sistemang sistemang political, sosyo-ekonomiko at military na nakabase sa pagmamay-ari ng lupa. Alinsunod sa line of demarcation na iginuhit ni Papa Alexander VI, ang Portugal ay nagkaroon ng karapatan na maglakbay at magdiskubre ng mga kalupaan at katubigan sa Kanlurang Bahagi ng linya. Isa sa dahilan ng imperyalismo ay ang paghahanap sa Spice Island na matatagpuan sa Timog Africa. Naniniwala si Hitler na ang lahing Aryan ang pinakamababang uri ng tao sa buong mundo. Upang pilayin ang hukbong dagat ng China, sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor. Sa pagpapalaganap ng imperyalismo sa Asya, nagtatag ang Cina ng “Greater East Asia Co-Prosperity Sphere”. Isa sa mga epekto ng Cold War ay ang pagkakahati ng bansang Korea sa dalawa. Ang patulo na pagkahumaling ng mga Pilipino sa anumang produkto at serbisyo na galing sa kanluran ay nagpapakita ng epekto ng neokolonyalismo. Tuluyang sumuko ang Japan nang ihulog ang bomba atomika sa Hiroshima. Dahil sa pagkatalo sa digmaan, nahati ang Germany at kinuha ng Russia ang Eastern Germany. Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lalo pang tumatag ang totalitaryang Nazi ni Hitler at Pasismo ni Mussolini. Naging malalayang bansa ang Pilipinas, India, Iran, Iraq at iba pa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Upang mapanatili ang pandaigdigang kapayapaan, itinatag ang United Nations noong 1945. Bilugan ang Titik ng Tamang sagot. Anong tema ng heograpiya ang inilalarawan ng pangungusap: Dinarayo ng maraming turista ang Thailand. a. Lokasyon c. Interaksyon ng tao sa kapaligiran b. Lugar d. Paggalaw 2. Anong tema ng heograpiya ang inilalarawan ng pangungusap: Mga kagamitang teknolohikal at hindi mga produktong pangagrikultura ang pangunahing ikinakalakal ng Japan sa iba’t-ibang panig ng mundo. a. Lokasyon c. Interaksyon ng tao sa kapaligiran b. Lugar d. Paggalaw 3. Aling bansa ang hindi kabilang sa Africa? a. Nigeria b. Congo c. Egypt d. India 4. Saang kontinente matatagpuan ang bansang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo? a. Hilagang America b. Asya c. Africa d. Europa 5. Ang bansang ito ang tinaguriang “Cradle of Western Civilization”, at dito din isinilang ang Demokrasya. a. Italy b. Greece c. China d. Japan 6. Nagtagumpay sana ang mga Spartans laban sa mga Persians kung.. a. Bawat isa ay tapat na sumunod sa plano sa pakikidigma c. Nagsanay pa sila nang husto sa pakikipaglaban. b. Dinagdagan pa nila ang kanilang mga armas. d. Gumamit sila ng bomba sa pakikipaglaban 7. Ang pagpatay kay Julius Caesar ay nagpapahiwatig na a. Mas binibigyang halaga ng isang politiko ang kanyang posisyon kaysa ang ikabubuti ng kanyang bayan b. Karapatan ng pamahalaan na alisin o patayin ang suwail na pinuno c. Ang mga politico o pinuno ng pamahalaan ay handang gawin ang lahat (kahit masama) upang protektahan ang estado. 8. Ang kasaysayan ng pagbagsak ng Republika ng Rome ay nagpapahiwatig na a. Kailangan ng mga mamamayan ng mga nagkakaisang pinuno b. Ang pamahalaan ay para sa mga mamamayan hindi para sa mga piling tao lamang c. Kapag ang mga pinunong inihalal ng mamamayan ay kumilos alang-alang lamang sa pansariling kabutihan, mawawalan ng kaayusan sa lipunan d. Lahat ng nabanggit 9. Binansagan ni Petrarch ang Middle Age bilang Dark Age dahil ayon sa kanya, sa panahong ito ay a. Laganap ang gutom, kahirapan, sakit-karamdaman at b. Halos hindi sumisikat ang araw kamatayan c. Walang isinilang na magaling na lider 10. Ang Krusada ay sumiklab dahil sa ginawang pagsakop ng mga Muslim sa a. Israel b. Mecca c. Pakistan d. Pilipinas 11. Sa sistemang Piyudalismo, ang hari ay nagkakaloob sa mga baron o vassal ng kapirasong lupa kapalit ng kanilang __________________ sa kanya. a. Bayad na buwis b. Katapatan c. Utang d. Ginto 12. Lahat mga sumusunod na pahayag tungkol sa mga Bourgeoisie ay totoo maliban sa: a. Mayayaman at kabilang sila sa uring nobilidad at kaparian. b. Tinagurian silang middle class o panggitnang uri. c. Nagsimula sila sa mga banker at mangangalakal sa mga bayan at lungsod. d. Nakatulong sila sa pagbubunsod ng rebolusyong pampolitika at pang-ekonomiya 13. Alin ang naglalarawan sa sistemang merkantilismo? a. Nakatuon ito sap ag-iipon ng mga hilaw na materyalis. b. Binibigyang-diin nito ang pagluluwas kaysa pag-aangkat ng produkto. c. Hindi ito nasisiyahan sa angking dami ng ginto at pilak. d. Titik A at B 14. Ayon kay Nicollo Machiavelli, “The end justifies the means”. Ito ay nangangahulugang.. a. Ang pamamaraan at bunga ng isang layunin ay parehong mahalaga. b. Ang pamamaraan upang matupad ang isang layunin ay kailangang mabuti at hindi nakasasakit. c. Ang mabuting bunga ay higit na mahalaga, gaano man kahigpit o kasaklap ang pamamarang ginamit. d. Higit na mahalaga ang ginamit na pamamaraan kaysa ang nagging bunga nito. 15. Ayon sa Romans 1:17 ng Bibliya, “Ang Pagpapawalang sala ng Diyos sa mga tao ay nagsisimula sa pananampalataya, at naging ganap sa pamamagitan ng pananampalataya.” Ayon kay Martin Luther, alin ang tumataliwas sa bersikulong ito ng Bibliya? a. Pagpapakumpisal sa mga Katoliko c. Pagbibili ng indulhensiya b. Paghingi ng ikapo mula sa mga Katoliko d. Pagpapabinyag 16. Alin ang naglalarawan sa Rebolusyong Industriyal? a. Paggamit ng mga makinarya upang maibsan ang mga gawaing manwal. b. Pagdami ng mga mamamayang lumipat mula sa siyudad papuntang mga probinsiya. c. Pagsikat nina Galileo Galilei at Thomas Hobbes. 17. Alin ang may tamang paglalarawan sa Rebolusyong Siyentipiko? a. Pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng pagmamasid b. Paggamit ng Bibliya bilang batayan ng pagpapaliwanag sa lahat ng hiwaga ng daigdig. c. Pag-imbeno ng iba’t-ibang makina. d. Pagtatanong kung saan nagmula ang tao. 18. Ang Panahon ng Enlightenment ay maaari ding sabihing Rebolusyong Intelektuwal dahil… a. Ang mga personalidad ng Enlightenment ay nakipagdigma sa mga opisyal ng simbahan at itinuro sa mga tao ang katotohanan tungkol sa Bibliya at kay Hesu Kristo. b. Pinatay ng mga iskolar ang mga taong ayaw bumalik sa mga kulturang Romano at Griyego. c. Maraming nagsulputang iskolar na nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katuwiran at bulag na paniniwala. d. A at C 19. Tinaguriang “Makata ng mga Makata”, at sumulat ng sikat na nobelang Romeo at Juliet a. Petrarch b. Leonardo da Vinci c. Francisco Baltazar d. William Shakespeare 20. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng tamang ideya tungkol sa Heliocentric theory? a. Umiikot ang mga planeta sa palibot ng Araw. c. Ang Araw ang siyang pinagmulan ng lahat ng buhay. b. Ang daigdig ay iniikutan ng araw. d. Wala sa nabanggit. 21. Sa ganitong Sistema ng pamahalaan, ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao. a. Komunismo b. Kapitalismo c. Demokrasya d. Pasismo 22. Ano ang dagliang dahilan ng pagputok ng Unang Digmaang Pandaigdig? a. Ang pagsakop ng Germany sa Poland. c. Ang pagdeklara ng Germany ng digmaan sa US. b. Ang pagpaslang kay Gavrilo Principe. d. A at B. 23. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagawa ng Liga ng mga Bansa? a. Naiwasan ang isa pang pandaigdigang digmaan. c. Pinangasiwaan nito ang iba’t-ibang mandato. b. Napigil ang alitan ng Finland at Sweden noong 1920. d. Napigil ang alitan ng Bulgaria at Greece noong 1934. 24. Sa pasimula ng Unang Digmaang Pandaigdig, ano ang papel na ginampanan ng Estados Unidos? a. Tigamasid ito sa mga nangyayari. c. Tigabenta ito ng armas. b. Tigabigay ito ng tulong-pinansyal. d. Tiga-awat ito sa digmaan. 25. Bakit kalaunan ay nasangkot ang US sa Unang Digmaang Pandaigdig? Dahil sa… a. Pagsira sa mga kamera at teleskopyo na ginagamit niya sa pagmamasid. b. Pagpatay sa mga pinadala niyang mga sundalo na tutulong sana sa mga sibilyang kinakawawa ng digmaan. c. Pagpapasabog sa mga sasakyang pandagat na nagdadala ng mga armas na kanyang binebenta. d. Hindi pagsunod sa kanyang payo na itigil na ang digmaan. 26. Alin sa mga sumusunod ang ilan sa mga nilalaman ng Kasunduan sa Versailles? Bumilong lamang ng 3 titik. 3pts a. Pinayagang gumawa ng mga armas at amyunisyon ang Germany. b. Naibalik ang Alsace-Lorraine sa France. c. Ang Kanal Kiel at lahat ng mga pinaglalakbayang ilog ay ginawang internasyunal. d. Pinalakas ang hukbong sandatahan ng Germany. e. Pinagbayad ang Germany ng malaking halaga sa mga bansang napinsala nito sa digmaan.