Pagkatapos ng araling ito, dapat na natatalakay mo na ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig. Ano ang United Nations? Ano-ano ang sangay na ahensiya ng United Nations Ano-ano ang tungkulin ng mga sangay na ito? Ang United Nations Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagkaroon ng pagtatangka na pag-isahin ang mga tao sa daigdig, kaya’t iba’t ibang hakbang ang isinagawa ng mga kilalang lider ng panahon. Noong Enero 1941 ay pinirmahan ng pinuno ng 26 na bansa sa isang kasunduan na magtataguyod sa Atlantic Charter. Ipinahayag nito ang malawakang plano ng Estados Unidos at Britanya sa digmaan. Ang United Nations ay itinatag noong 1945 ng 26 na bansa para pangalagaan ang pandaigdigang kapayapaan at seguridad, sa pangunguna ng Estados Unidos, Unyong Sobyet, Tsina, at Britanya. Matatagpuan ang himpilan nito sa New York. Ang General Assembly ay binubuo ng lahat ng kasaping bansa ng United Nations. Bawat bansa ay may isang boto sa asemblea. Maaaring magbigay ang General Assembly ng rekomendasyon, pero wala itong kapangyarihan na magbigay ng kautusan. Ang Security Council ay binubuo ng 15 na kasapi. Mayroon itong limang permanenteng kasapiang Estados Unidos, Pransya, Britanya, Russia, at Tsina, habang ang 10 pang kasapi ay inihahalal tuwing dalawang taon. Ang Security Council lamang ang may kapangyarihan na magpasya sa pagkilos o pagsasagawa ng hakbang ng United Nations. Upang magawa ang isang hakbang, kinakailangan ng siyam na boto mula sa 15 na kasapi. Ang Secretariat ay binubuo ng Secretary-General at ang kawani nito. Tungkulin nila ang arawaraw na pangangasiwa sa organisasyon. Ang International Court of Justice ay binubuo ng 15 na hukom na nagpapasiya sa mga kaso sa pamamagitan ng mayoryang pagboto. Mga Ahensiya ng United Nations Ang United Nations ay samahan ng mga nagkakaisang bansa na may layuning mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng mundo. Mayroon itong iba't ibang ahensiya. Pagnilayan Sa iyong palagay, naging matagumpay ba ang United Nations sa kaniyang tungkulin na maiwasan ang mga digmaan sa mundo? Dagdag Kaalaman Ang katagang “United Nations” ay unang ginamit sa isang makasaysayang dokumento na pinamagatang Declaration of the United Nations na nilagdaan ng 26 na bansa sa Washington, D.C. noong Enero 1, 1942. Mahahalagang Kaalaman Isang konkretong resulta ng pagnanais ng mga bansa na maiwasan ang muling pagsiklab ng digmaan saan mang panig ng mundo ang pagkakatatag ng United Nations. Maraming bansa ang sumapi at nakiisa sa hangarin ng organisasyong ito. Upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat sektor, maraming ahensiya ang itinatag upang tulungan ang United Nations na mapanatili ang kapayapaan sa mundo. Ang United Nations ay may 16 na ahensiya na nangangalaga sa interes ng mga bansa at mga mamamayan nito. 1) Saan matatagpuan ang punong himpilan ng United Nations? a) London b) Paris c) New York d) Moscow 2) Anong dokumento ang nilagdaan noong Enero 1, 1942 kung saan unang nagamit ang salitang United Nations?. a) Declaration of Universal Charter b) Declaration of Unity c) Declaration of Independence d) Declaration of the United Nations 3) Ilan ang ahensiya ng United Nations? a) 10 b) 15 c) 16 d) 12 4) Ano ang tawag sa kapulungan ng lahat ng mga miyembrong bansa ng United Nations? a) Permanent Council b) Secretariat c) General Assembly d) Security Council 5) Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga bansang permanenteng kasapi ng Security Council?. a) Britanya b) Estados Unidos c) Netherlands d) Unyong Sobyet 6) Ano ang ibig sabihin ng UNESCO? a) United Nations Education, Secular, and Cultural Organization b) United Nations Environmental, Scientific, and Cultural Organization c) United Nations Education, Scientific, and Cultural Organization d) United Nations Education, Scientific, and Charismatic Organization 7) Anong ahensya ng United Nations ang nagbibigay-suporta sa puhunang pangkalakalan? 8) Anong ahensya ng United Nations ang nagbibigay-kaalaman sa tamang paggamit ng lakas nukleyar? 9) Anong ahensya ng United Nations na nagbibigay-impormayson sa pangingisda at pagsasaka? 10) Bakit itinatag ang United Nations? a) upang higit na mapaunlad ang bawat bansa sa mundo b) upang mapabilis na lumago ang ekonomiya ng bawat bansa c) upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng mundo d) upang magkaroon ng sandigan ang mga kasaping bansa sa panahon digmaan