Sancho, Joanne Emille M. Ang tagumpay ng tao ay nagsisimula sa sarili. Ang pagkatalo ay nagiging pagkatalo lamang pag ika’y sumuko sapagkat ang dahilan ng pagkabigo ay ang pagsuko. Wag kang sumuko sa iyong pangarap upang matamo ang rurok ng tagumpay. Tiisin ang mga pagsubok kahit mahirap. Kung ikaw ay hindi nagtagumpay, bumangon kang muli at huwag susuko. Kahit paulit ulit ang kabiguan, paulit ulit mo din itong solusyonan sapagkat ito’y pagsubok lamang at hindi dapat sukuan. Hindi mo matatamo ang tagumpay kapag wala kang sinasakripisyo. Kailangan nating pagsumikapan upang makasabay sa agos ng buhay at sa bawat pagbangon ika’y patuloy na tumatag at humarap sa panibagong pagsubok. Dapat palagi mong pinag iisipan ang iyong pangarap at layunin sa buhay. Piliting abutin ang mga bituin ng walang pag aalinlangan. Ang anino ng iyong kahapon ay patuloy na nakagapos sa iyong pangkasalukuyang buhay ngunit ang ibigsabihin lamang neto ika’y mag umpisa mula at gawin ang nararapat. Di natin kailangan maging perpekto. Kalangan matutong tumayo sa pagkabigo. Kadalasan ang mahalaga lamang ay sinubukan mo, ipinamalas mo sakanila kung ano ang kaya mo at hindi mo kayang gawin. Pag hindi ka nakuntento sa ginawa mo ngayon, subukan itong muli kinabukasan ng may sinseridad at kompyansa sa sarili. Kadalasan iniiwasan nilang subukan ang isang bagay sapagkat sila’y takot magkamali. Maaari kang magkamali pero huwag mong hahayaang mangingibabaw ang pagkakamali na nagawa mo sa iyong isipan. Ang pinakamahalaga sa lahat at ang mangarap ka ng husto, huwag na huwag kang susuko upang mapagtagumpayan. Huwag mawawala ang pokus mo sa iyong layunin at pangarap. Mabuhay ng di sumusuko, itakda ang mga layunin sa pang araw araw na pamumuhay, huwag mong ikulong ang sarili mo sa iisang layunin lamang. Isapuso at gawin lahat ng bagay na may pag pupursigi. Dahil ang pursigidong indibidwal na lumalaban sa agos ng buhay ay makakalagpas rito at makakakita ng mas madaming pagkakataon sa hinaharap sapagkat ang taong sumusugal ay nagtatagumpay sa buhay.