Uploaded by Meco Villegas

Article(Incomplete)

advertisement
Sa indibidwal na katergorya, naganap ang track and field sa Luna Apayao Eco Tourism Sports
Complex. Ang plaigsahan ay sinalihan ng maraming estudyante mula sa iba't-ibang paaralan.
Isa sa nakilahok sa naturang paligsahan ay si Thryexen Fabe Alfonso, estudyante ng HUMMS
sa UC. Dahil sa taglay niyang bilis at taas ng pagtalon nasungkit niya ang gintong medalya sa larong
100 meter high hurdles.siya rin ay makikilahok sa Palarong Pambansa 2019.
Si Darren Bryle Lacaden ay isang Grade 11 ICT Student ng UC ay sumali sa larong Archery
kung saan ang mga manlalaro ay nag naglalaban gamit ang talas ng kanilang paningin. Siyaay nakapaguwi ng gintong medalya mula sa isang Team Event kung saan kasama niya sina Reuben Supeña at si
Cyrus Obenita mula sa BCHS. Isang pilak na medalya sa Olympic Round at apat na Bronze Medal sa
30 meter, 60 meter, 70 meters, at Fita Round.
Sa larong Badminton naman tatlo ang koponan ng UC na nakilahok sa nasabing paligsahan. Isa
dito ay si Jao Lamorena Detran na nakasungkit ng Silver medal sa Singles event, kung saan ang
kanyang nakalaban sa Championship ay koponan din ng Baguio na si Aberson Focomod na taga
University of Baguio. Sa Mix Doubles ay naglaro sina Jao Lamorena at ang kanyang kakampi na si
Loize Olorozo na taga UB kung saan nanalo sila ng Gold medal laban sa Apayao na nakakuha lamang
ng Silver medal.
Download