Ipinapasa nila: Jhan Martin Digo at Ysaac Lubag
Ipinapasa kay: Ms. Jolina Olano
Ang napakagandang ilog Zambezi ay may itinatagong isang hindi pangkaraniwang hiwaga na magpahanggang ngayon ay pinaniniwalaan ng marami, lalo na ng mga mamamayan ng Tonga.
Ayon sa mitolohiya, sa loob ng napakahabang panahon, mapayapang namumuhay si
Nyaminyami, ang diyos ng ilog, kasama ng kaniyang asawa. Sinasabing si Nyaminyami ay isang dambuhalang may habang hindi magawang hulaan at may ulo ng isang isda at katawan ng isang ahas. Sa kabila ng walang patunay na ebidensya, iginagalang parin siya ng mga mamamayan dahil sa taglay na kabutihan nito. Kinilala ng mga Tonga si Nyaminyami at naniniwala silang pinoprotektahan sila nito kahit wala silang masyadong naging ugnayan sa labas. Lahat ng mapayapang buhay ng mga tao ay biglang nagbago dahil sa panghihimasok ng pamahalaang may kagustuhang ipatayo ang Dam ng Kariba. Sinasabing ang dam na ito ay itatayo sa mismong tabi ng malaking batong pinaniniwalaang tahanan ni Nyaminyami at ng kaniyang asawa. Dahil sa takot na baka magalit ang diyos ng ilog, nakiusap at nagbigay ng babala ang mga tao sa mga manggagawa ng dam ngunit pinagtawanan lamang sila. Sinimulan nila ang gawain sa pagpapalipat ng mga mamamayan sa mas mataas na bahagi ng ilog at pagputol ng mga dayuhan sa libo-libong matatandang puno. Dahil sa mga gawaing ito, isang pangyayaring hindi karaniwang nagaganap sa lugar na ito ang bumayo at nagdala ng napakalaking baha sa buong lambak ng
Zambezi. Maraming nasira na kabahayan at maraming hayop ang nasawi. Pinaniniwalaan ng mga mamamayan na likha ito ni Nyaminyami. Sa kabila ng mga naranasan, ipanagpatuloy parin ng mga dayuhan ang pagpapatayo ng dam. Mas tumindi ang galit ni Nyaminyami at muli na namang bumaha ng mas malakas pa. Maraming nasawi kabilang na ang buhay ng mga manggagawa.
Muling pinaniniwalaan ng mga tao roon na ang lahat ng ito ay dulot ng labis na pagkagalit ni
Nyaminyami sa kadahilanang ang pagtatayo ng dam ang naglubog ng batong tirahan ng diyos ng ilog. Ang mas masaklap, sinasabing naiwan daw sa kabilang bahagi ng dam ang kaniyang pinakamamahal na asawa. Sa kabila ng babala at pakiusap ng mga mamamayan, mas pinili parin ng mga dayuhan na pumanig sa sarili nilang paninindigan at paniniwala. Muli na naman nilang ipinagpatuloy ang pagpapatayo ng dam at muling nabigo. Ngunit sa kabila ng kabiguan, hindi parin sumuko ang pamahalaan at sa wakas ay natapos ang pagpapatayo ng dam. Makikita naman ang rebulto ni Nyaminyami sa itaas na bahagi ng Ilog Zambezi at nakatanaw na tila ba nagbabantay sa kabuoan ng Dam ng Kariba. Ang mga Tonga naman ay patuloy paring naninirahan sa itaas na bahagi ng ilog at nakararamdam parin ng pagyanig sa paligid. Naniniwala silang ito ay ang pagkakataong galit si Nyaminyami at nagpipilit maabot ang kaniyang kabiyak sa kabilang bahagi ng dam. Subalit sa lahat ng mga nangyari, umaasa parin ang mga mamamayan na sana’y hindi na muling magkaroon ng trahedyang walang katulad dahil sa idudulot nito sa mga taong wala namang kinalaman. Patuoy na lamang nilang pag-iingatan at aalagaan ang kanilng kapaligiran bilang pagbibigay-pugay sa kanyang alaala.
1.
Anong tribo ang naninirahan sa lawa ng Kariba? Sa paanong paraan namuhay ang mga mamamayang ito sa nasabing lugar noong unang panahon?
2.
Paano sila nakikipamuhay sa Diyos ng ilog na si nyaminyami? Bakit naniniwalang prinotektahan sila nito?
3.
Bakit labis nilang ikinagulat at maaring tinutulan ang pagtatayo ng dam? Ano ang nagging epekto nito sa kanilang pamumuhay?
4.
Ano-ano ba ng mga sinasabing nagging dahilan sa labis na pagkagalit ni nyaminyamisa mga taong nagpasimula sa paggawa ng dam? Makatwiran bang makadama siya ng ganito para sa mga taong iyon? Ipaliwanag?
5.
Kung ikaw ang tatanungin, alin sa mga ginawa ng mga taong ito ang sa tingin mo ay talagang nakakagalit? Bakit?
Ang debate o pakikipagtalo ay isang pormal na pakikipagtalong may estruktura at sistemang sinusundan. Isinasagawa ito ng dalawang grupo o indibidwal na may magkaslungat na panig tungkol sa isang partikular na paksa; ang dalawang panig ay: Ang proposisyon o sumasasangayon, at ang oposisyon o sumasalungat. May isang moderator na magiging tagapamagitan upang matiyak na magiging maayos ang daloy ng debate at igagalang ng bawat kalahok ang tuntunin ng debate. Pagkatapos ng debate, may mga huradong magpapasiya kung kaninong panig ang higit na nakapanghikayat o mas kapani-paniwala. Ang mga hurado ay dapat walang kinikilngan sa dalawang panig at kailangang nakaupo nang magkakalayo sa isa’t-isa at hindi mag-usap-usap bago magbigay ng kani-kanilang hatol upang maiwasang maimpluwensiyahan ang hatol ng isa’t-isa.
Ang debate ay hindi katulad ng mga ordinaryong argumento. Sa pakikipagtalong ito, ang bawat kalahok ay binibigyan ng pantay na oras o pagkakataon upang makapaglahad ng kani-kanilang mga patoo gayundin ng pagpabulaan o rebuttal. May nakatalaga ring timekeeper sa isang debate upang matiyak na masusunod ng bawat tagapagsalita ang oras na laan para sa kanila.
Karaniwang ang paksa sa isang debate ay ibinibigay nang mas maaga upang makapaghanda ang dalawang panig para sa kani-kanilang mga argumento.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mahusay na Debater:
Ang mga sumusunod ay mga karaniwang pinagbabasehan ng mga hurado sa pagiging mapanghikayat kaya’t kailangang isaalang-alang ng isang debater.
1. Nilalaman – Napakahalagang may malawak na kaalaman ang isang debaterpatungkol sa panig na kanyang ipinagtatanggol at maging sa pangkalahatang paksa ng debate. Kailangan niyang magkaroon sapat na panahon upang mapaghandaan ang sandaling ito at kasama sa paghahanda ang malawak na pagbabasa, pananaliksik at pangangalap ng datos at ebidensya tungkol sa paksa upang magbigay ng bigat at patunay sa katotohanan ng kanyang ipinahahayag.
2. Estilo – Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpili ng tamang salitang gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap na kanyang babanggitin sa debate. Papasok din dito ang linaw at lakas o taginting ng kanyang boses, husay ng tindig, kumpiyansa sa sarili, at iba pa.
3. Estratehiya– Dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa mga argumento, at kung paano niya maitatawag ng pansin ang kanyang proposisyon. Dito rin makikita kung gaano kahusay ang pagkakahabi ng mga argumento ng magkakagrupo. Mahalagang mag-usap at magplano nang maigi ang magkakagrupo upang ang babanggiting patotoo o pagpapabulaan ng isa ay susuporta at hindi kokontra sa mga sasabihin ng iba.
Mga Uri o Format ng Debate:
Maraming iba’t ibang uri ng debate subalit ang pinakakaraniwang ginagamit ng mga mag-aaral ay ang mga debateng may uri o format na Oxfordat Cambridge.
Sa debateng Oxford, ang bawat kalahok ay magsasalita lamang ng minsan, maliban na lang sa unang tagapagsalita ma wala pang sasalaging mosyon kaya’t mabibigyan ng isa pang pagkakataong magbigay ng kanyang pagpapabulaan sa huli. Sa pagtinding ng bawat kalahok upang magsalita ay magkasama na niyang inilalahad ang kanyang patotoo at pagpapabulaan.
Sa debateng Cambridge, ang bawat kalahok ay dalawang beses titindig upang magsalita. Una ay para ipahayag ang kanyang patotoo at sa ikalawa ay para ilahad ang kanyang pagpapabulaan.
1.
Ano ang debate? Ano-ano ang kasanayan ang nalilinlang ng debate sa isang taong nagsasagawa nito?
2.
Ano-ano ang dalawang panig ng isang debate?
3.
Ano-ano ang dapat ihanda ng isang taong makikipagdebate? Bakit mahalagang mapaghandaan nang husto ang pakikipag-debate?
4.
Ano-anong uri o pormat ng pakikipagdebate ang madalas gamitin lalo na ng mga baguhan sa larangang ito?
5.
Sa iyong palagay, sa aling pormat o uri ka higit na magiging komportable? Bakit?
Ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na mensahe ng tekstong isinasalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan. Sa pagsasaling-wika, kailangang maipabatid nang tma ang mensahe ng isinasalin kayannaman mahalagang isaisip ng isang tagapagsalin ang sumusunod na paalala o pamantayan sa pagsasaling-wika.
Alamin ang paksa ng isasalin. Magbasa o magsalik upang mapag-aralan ito at magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin.
Basahin ng ilang beses ang tekstong isasalin. Tiyaking nauunawaan moa ng nilalaman ng teksto sa lebel na halos kakayanin mo ng ipaliwanag o muling isalaysay kahit pa wala ang orihinal sa sa iyong harapan. Gayumpama’y tandaang bhindi ka basta magpapara-phrase kndi magsasalin kayaa hindi mo dapat baguhin, palitan, o bawasan ang ideya o mensahe ng iyong isinasalin.
Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mensahe at hindi lang mga salita.
Makatutulong ang malawak na kaalaman ng isang tagapagsalin sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan.
Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa. Mainam kung ang mga salitang gagamitin ay lubos mong nauunawaan ang kahulugan at tiyak na mauunawaan din ng mga mambabasa upang higit na maging natural o malapit ang orihinal na salin.
Ipabasa sa isang eksperto sa wikang pinagsalinan o sa isang katutubong nagsasalita ng wika ang iyong isinalin. Makatutulong ng Malaki ang pagpapabasa ng isinalin sa isang taong eksperto o katutubong nagsasalita ng wikang ito upang mabigyang-puna niya ang paraan ng pagkakasalin at masabi kung ito ba’y naaangkop na sa konteksto ng isang taong likas na gumagamit ng wika.
Isaalang-alang ang iyong kaalaman sa genre ng akdang isasalin. Makatutulong sa epektibong pagsasalin ng kaalaman ng tagapagsalin ng genre na kinabibilangan ng isinasalin.
Isaalang-alang ang kultura at konteksto ng wikang isasalin at ng pagsalinan. May mga pagkakataon kasing ang paraan ng pagsasaayos ng dokumento sa isang wika depende sa kanilang nakasanayan ay naiiba sa wikang pagsasalinan kaya’t dapat din itong bigyangpansin ng magsasalin.
Ang pagiging mahusay na tagapagsalin ay nalilinang sa pagdaan ng panahon at nagpapabuti ng karanasan. Kung sakaling sa unang pagtatangka o ay hindi moa gad magawang makapagsalin ng halos kahimig na orihinal ay huwag kang mag-aalala dahil habang tumatagal ka sa gawaing ito at nagkakaroon ng mas malawak na karanasan ay lalo kang gagaling at magkakaroon g kahusayan sa gawaing ito.
1.
How are you?
2.
What can I do for you?
3.
I’m pleased to meet you
4.
Can you pease show me the way?
5.
Where did you come from?
1.
Kamusta ka?
2.
Ano ang maari kong maipaglingkod?
3.
Ikinagagalak kitag makilala
4.
Maaari mo bang maituro ang daan?
5.
Saan ka nanggaling?