Uploaded by Kaila Stefanie

Saliksik PPTTP

advertisement
PREDIKSIYON SA KULTURA: EPEKTO SA DI-KATOLIKO NG
PAGPÁSOK SA KATOLIKONG PAARALAN
Darren John P. Cabadonga
Alister Alec V. Canlas
Ma. Divine M. Caranguian
Alessandra Isabel P. Cemanes
Kisha Ayle S. Cortuna
Maria Elyssa C. Magsisi
Paulah Wilhelmina S. Mayoyo
Gian Carlo O. Penetrante
Fern Mary M. Tan
11 – Arsobispado ng Palô
Senior High School
Pasig Catholic College
Tuwing unang araw ng pasukán, may mga gurong nagtatanong kung sino-sino
ang mga hindi Katoliko sa aming klase. May mga ilan naman na nagtataas ng kamay.
Bunga noon, napaisip ako kung bakit nila pinili ang mag-aral sa Katolikong paaralan
kahit na iba ang kanilang relihiyon. Kakaiba kayâ iyon. ‘Di ba parang hindi naman
angkop para sa isang Katoliko ang mag-aral sa Katolikong paaralan? Hinayaan ko na
lámang na manatili ang tanong na iyon sa aking isipan.
Noong nagkaroon naman ng misa sa aming paaralan, naobserbahan ko ang
aking kaklase na kahit iba ang kaniyang relihiyon, nirerespeto niya pa rin ang kultura
na isinasagawa ng paaralan. Isa nga namang napakabuting báta. Kayâ minsan kapag
nagdarasal kami, hindi ko maiwasang pagmasdan siya dahil kahit iba ang kaniyang
relihiyon, taimtim din niyang ginagawa ang aming kultura na para bang isinasabuhay
niya na ito.
Sa kabiláng bandá, mayroon naman akong nabása mula sa internet na pahayag
mula sa isang hindi Katoliko na nag-aaral sa Katolikong paaralan. Ayon sa kaniya, kahit
na nasanay na siya sa kultura na isinasagawa ng paaralan, hindi pa rin nababago ang
kaniyang paniniwala. Hindi rin niya kailanmang ginusto na maging Katoliko.
Napatanong ako sa aking sarili kung ano pa kayâ ang mga posibleng maging
epekto ng kultura ng Katolikong paaralan sa mga mag-aarál na hindi Katoliko. Nakikíta
ko naman na malugod ang pagtanggap ng mga Katolikong paaralan sa mga hindi
Katoliko dahil dumarami na rin ang kanilang bílang. Kayâ naman ay ibig ko ring
malaman kung paano naaapektuhan ang paaralan o ang mga tao na nakapaloob dito
sa pagpasok ng mga hindi katoliko, gusto kong maliwanagan kung paano sila
makitungo sa isa’t isa. Sa walang sáwang pag-ikot ng mga tanong na ito sa aking isipan,
napagdesisyunan na lang namin ng aking mga kagrupo na magsaliksik ukol dito upang
makahanap ng mga angkop na kasagutan. Sa paglalagom namin ng mga katanungang
ito, nakabuo kami ng mga suliranin na tatalakayin sa aming gagawing pananaliksik.
Ang mga ito ay:



Ang mga posibleng epekto ng kultura ng Katolikong paaralan sa mga mag-aarál
na hindi Katoliko;
Ang epekto ng pagpasok ng mga Di-Katoliko sa mga Katolikong paaralan;
Ang pamamaraan ng pakikitungo ng Katoliko at Di-Katoliko sa bawat isa.
Mahalagang mapag-aralan ang saliksik na ito sapagkat malaki ang parte ng isang
Katolikong paaralan sa paghubog ng bawat estudyante na nag-aaral dito, kabílang na
ang mga hindi Katoliko. Sa proseso ng paghubog na ito, malaki ang maaaring epekto
nito sa bawat isa. Kung iisipin, isang hamon ang pagiging parte ng relihiyon bílang
sentro ng kurikulum ng isang Katolikong paaralan (Madrigal at Oracion, 2018: 1).
Kung iikot lámang ang kurikulum ng isang Katolikong paaralan sa relihiyon,
maaaring makapagdulot ito ng pagbabago sa mga estudyanteng kabílang dito. Maaaring
mawala ang paniniwala ng isang mag-aarál sa kaniyang kinagisnang relihiyon, o maaari
rin namang maging sanhi ang Katolikong paaralan upang mas maging mabuting bata
ang isang estudyante.
Malaki ang ginagampanan ng relihiyon o pananampalataya sa pagbuo ng
personalidad ng isang tao na nakaangkop sa edukasyon. Nakadepende ito hindi lámang
sa proseso o nilalaman ng pagtuturo nito, kung ‘di pati na rin sa guro. (Ventic, 2012:
1). Sa pamamagitan ng konsepto o estratehiya ng pagtuturo, nakaaambag ito nang
malaki sa pagkatuto ng mga estudyante.
Ang epekto ng pagpások ng mga Di-Katoliko sa Katolikong paaralan ay mahalaga
sa pagkakaisa ng bawat relihiyon sa mga eskwelahan. Kasama na rito ang mga epekto
sa pang-akademikong aspekto ng estudyante at paniniwala pagdating sa kanilang
relihiyon ngunit hindi ito gaanong pinagtuunan ng pansin sa pananaliksik ni Hickey
(1983), bagkus ay mas nagpokus sila sa magiging epekto ng mga Di-Katoliko sa
Katolikong paaralan.
Siniyasat naman ni Cabilogan (2017) ang epekto sa mga Muslim ng pagpások sa
Katolikong paaralan kung saan inilahad niya rin ang mga dahilan kung bakit piinipili
ng mga Muslim na mag-aral dito, ngunit kinakailangan ng mas malawakang pag-aaral
ukol sa iba’t ibang relihiyon, hindi lámang ng Muslim upang matukoy ang tiyak na
epekto sa mga Di-Katoliko ng pagpások sa Katolikong paaralan.
Ang mga paaralan ay hindi lang dapat nakapokus sa iisang relihiyon. Ayon kay
Connon (1974), hindi naisasagawa nang maayos ng isang Katolikong paaralan ang
misyon nito kung ito ay nagprepresenta o nagtuturo lámang ng salita ng Diyos.
Ipinapahiwatig nito na ang isang Katolikong paaralan ay may mas malalim pa na
layunin para sa mga estudyante. Hindi lámang dapat ito nalilimitahan sa pagtuturo
kung paano isabuhay ng mga estudyante ang salita ng Diyos, kung hindi dapat
marunong ang isang Katolikong paaralan kung paano pangasiwaan ng nararapat ang
mga
estudyante
kapantay
ng
mga
hindi
Katoliko.
Sa kabiláng bandá, sinasabi naman sa pananaliksik ni Tudy (2013) na malaki
raw ang maitutulong ng mga Katolikong paaralan upang maging tapat sa kanilang
pagkakakilanlan at misyon bílang isang Katolikong paaralan. Malaki nga ang
maitutulong nito para sa eskwelahan, ngunit dapat isipin din ng isang Katolikong
paaralan ang kapakanan ng kanilang mga mag-aarál lalo na ng mga hindi Katoliko
sapagkat ang kanilang kultura at gawi ay may maaaring hindi magandang dulot para
sa estudyante. Sa madaling salita, sa pagsasagawa ng misyon, nararapat na iniisip din
ang kapakanan ng mga táong maaaring maaapektuhan nito katulad na lámang sa
sitwasyon ng pagpások sa Katolikong paaralan ng estudyante.
Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa pagbibigay ng kaalaman ukol sa
epekto sa mga Di-Katoliko ng kultura o gawi ng Katolikong paaralan. Ang layunin ng
pag-aaral na ito ay mas pagtuunan pa ng pansin ng mga Katolikong paaralan ang mga
Di-Katolikong estudyante sapagkat pinili nilang papasukin at pag-aralin ito sa kanilang
institusyon. Bukod pa roon, nilalayon ng pag-aaral na ito na payabungin ang kultura
ng mga Di-Katolikong estudyante sa pamamagitan ng pagpapanatili nito kahit na
naroon sila sa Katolikong paaralan.
Kung mas papansinin ang mga Katolikong paaralan ngayon, marami sa mga ito
ang tumatanggap ng mga Di-Katolikong estudyante sapagkat ang Katoliko ay bukás
para sa lahat. Kayâ’t pati na rin ang mga Katolikong paaralan ay ginagawa ito sa
pagtanggap ng mga estudyanteng iba ang relihiyon. Bago pag-aralan ang pakikisama
sa pananampalataya ng estudyante sa isang lipunan, kadalasan ang salitang “respeto”
ang ginagamit ng estudyante na may maraming kahulugan. Maaaring ang salitang ito
ay bílang pagbibigay-galang, pagiging totoo, pagiging patas sa ibang relihiyon. Ang
pagsunod sa kultura ng relihiyon ay hindi rin natin masasabing maaaring mapilitan
ang isang tao. Sa araw-araw na pagdarasal sa isang Katolikong paaralan ay masasabi
na ring nasasanay na rin sa pagsunod ang isang Di-Katolikong estudyante. Sa ganitong
paraan natututo ang estudyanteng rumespeto sa mga gawain ng Katolikong relihiyon
(Donlevy, 2006: 8).
Ang mga mag-aarál sa Katolikong paaralan ay sinasanay ang mga sarili na
isabuhay ang mga natututuhan nila sa paaralan. Tinuturuan din silang rumespeto o
makipagkaisa sa mga hindi Katolikong mag-aarál at galangin ang kani-kanilang paraan
sa pananampalataya o relihiyon.
Para sa mga Katolikong estudyante sa Katolikong paaralan, ang pagkakaroon ng
kaklase na iba ang relihiyon ay isang pagtanggap sa kanila na ang isang komunidad ay
isang pagsasama-sama ng iba't ibang tao. Gayunpaman, nalalaman ng lahat ang
kahalagahan ng pag-intindi at pagtanggap ng pagkakaiba-iba ng tao, pati na rin ang
tamang pagtrato sa lahat tulad ng pagtatrato at pagpapahalaga sa sarili. Dagdag pa
rito, ang pagpapakatao ng isang tao ang nagbubuklod-buklod sa tao kayâ hindi hadlang
ang relihiyon upang hindi magkasundo ang bawat isa. (7)
Isinasaad dito na ang pagkakaiba-iba ng relihiyon sa loob ng Katolikong paaralan
ay may kalakip na pangangailangan, tulad ng nakikita ng mga Katolikong mag-aarál.
Ginagawa nila ang kanilang natututunan at pinaniniwalaan na napakahalaga sa
kanilang pananampalataya ang pagtanggap, pang-unawa, at paggalang sa hindi
Katolikong mag-aarál.
Kahit na iba-iba ang paniniwala at relihiyon ng bawat isa, mayroon pa rin silang
karapatang ipahayag ang sarili nilang opinyon at gawin ang nakasanayang pagsamba
sa kinikilala nilang Diyos. Dapat ang mga tao ay matutong makisama kahit na
magkakaiba ang relihiyon. Itanim natin sa ating isipan na ang bawat isa ay may
kalayaan na ipahayag ang damdamin at magbigay respeto sa sinumang makasalamuha
natin.
Ayon sa pag-aaral ni Hickey (1983), nakuntento ang mga sumagot sa kaniyang
pananaliksik tungkol sa mga akademikong programa na isinasagawa sa mga Katolikong
paaralan. Ito ay bunga ng magandang kalidad ng edukasyon at ng paaralan. Wastong
pagtuturo ng mga magagandang asal naman ang pumapangalawa sa mga kadalasang
rason. Subalit may isang problemang nagkatugma sa kanilang mga sagot. Ito ay sa
tuwing ginaganap ang mga sakramental na gawain, hinihiwalay ang mga Non-Catholic,
ngunit kahit na ganito ang nangyayari, ipinapanatili pa rin ng Katolikong paaralan ang
kalidad ng kanilang edukasyon sa pagtuturo ng magagandang asal.
Ipinapahiwatig lámang sa resulta ng pananaliksik na ito na mas nagpopokus ang
Katolikong paaralan sa pagtuturo ng magagandang asal sa lahat ng mga estudyante.
Patúloy rin nilang pinapanatili ang kanilang kultura sa pamamagitan ng pagsasagawa
nito ng hindi kasama ang mga Di-Katoliko. Ipinapakita rito na kahit na may mga nagaaral na Di-Katoliko sa Katolikong paaralan, nagiging sentro pa rin ng eskwelahan ang
relihiyon bílang Katoliko. Hindi nila itinuturing na hadlang ang mga Di-Katoliko bagkus
ay mga mabubuting kapwa, at naipapakita ito sa patúloy na pagtanggap sa kanila.
Ang mga Di-Katolikong mag-aarál ay naglalahad ng kani-kanilang gawain sa mga
kapwa nilang Katolikong mag-aarál, at nakabubuo sila ng magandang relasyon sa
kabila ng pagkakaiba ng relihiyon. Ang pagbubuo ng relasyon sa mga Di-Katoliko at
Katolikong mag-aarál ay maaaring magdulot ng pagkakaisa kahit na may mga
pagkakaiba at pagkakapareho ang bawat mag-aarál. Ang mga Katolikong mag-aarál ay
posibleng maimpluwensiyahan ng mga Di-Katolikong mag-aarál sa moral na aspekto,
at nagdudulot ito ng pagkakabuklod-buklod sa mga mag-aarál (Rymarz & Cleary, 2016:
14-15).
Sinasabi sa saliksik na ito na hindi nagiging hadlang ang relihiyon upang
makabuo ng pagkakaisa sa mga estudyante sa isang Katolikong paaralan. Ang
impluwensiya na nanggagaling sa mga Di-Katolikong mag-aarál ay mas nagdudulot ng
pagsasama ng mga estudyante sapagkat dahil dito, mas natututo sila sa mga gawi ng
ibang relihiyon at hindi lámang nalilimitahan sa moral na aspekto ng pagiging isang
Katoliko.
Ang mga Katoliko at Di-Katolikong mag-aarál ay iniimpluwensiyahan ang bawat
isa ng kani-kanilang mga paniniwala at moral na aspekto ng relihiyon. Tinutugma nila
ang mga ito sa mga inaasahan ng mga tao sa lipunan. Sa pamamagitan ng
impluwensiyang nagaganap sa pagitan ng dalawa, nabibigyang aral sila tungkol sa
malawak na pananaw ukol sa kultura ng bawat relihiyon (Rymarz at Cleary, n.d: 15).
Ipinapahiwatig ng saliksik na ito na nakatutulong ang pagsasama ng Katoliko at
Di-Katolikong mga mag-aarál upang magkaroon ng malawak na pananaw hinggil sa
mga kultura o gawi ng bawat relihiyon. Sa madaling salita, hindi lámang nalilimitahan
ang kanilang kaalaman sa kanilang pansariling relihiyon, bagkus ay may natututuhan
din sila tungkol sa ibang relihiyon. Sa pamamagitan nito, maaaring may mapulot silang
mahalagang aral tungkol sa moral na aspekto ng bawat relihiyon na makatutulong sa
kanilang mapaunlad ang kanilang mga sarili at mas mapabuti.
Mas nagustuhan ng mga Di-Katolikong magúlang na pag-aralin ang kanilang
mga anak sa Katolikong paaralan. Ang itinuturo daw kasi rito ay makikita sa lipunan.
Mas nagagamit ang itinuturo sa Katolikong paaralan dahil ang mga ito raw ay may
kinalaman sa tamang gawain. Nagkaroon din ng magandang pakikipagkapwa ang mga
anak nila sa mga Katolikong estudyante. Dahil sa mga relihiyosong gawain ay isinasama
pa rin ang kanilang mga anak kahit na hindi ito Katoliko. Nakikita nila sa Katolikong
paaralan ang kahalagahan ng pagkakaisa at ang bukas na pagtanggap sa kanila
(McKay, 2002: 83-84).
Sinasabi naman sa saliksik na ito na mas napapabuti ang mga Di-Katolikong
mag-aarál dahil mas natuturuan sila nang mabuti sa pamamagitan ng mga relihiyosong
gawain. Ito ay nagdudulot sa mga Di-Katoliko na maisabuhay ang mga turo ng
Katolikong paaralan sa lipunan. Bukod pa roon, mas natututo rin ang mga ito sa mga
tamang gawain na kinakailangan sa ikabubuti ng kanilang mga sarili pati na rin ng
lipunang kinagagalawan nila.
Ang porsiyento ng mga Katoliko sa mga estudyante sa mga paaralang Katoliko
sa Arsobispado ng St. Louis, Missouri ay patúloy na bumaba sa loob ng nakaraang
dekada, ngunit ang pagbabà ay nabawasan sa pamamagitan ng pagtaas ng mga magaarál na Di-Katoliko. Kahit na ang mga Katolikong paaralan sa 11 na mga probinsiya
ng St. Louis Archdiocese ay nawalan ng 22 porsiyento ng kanilang mga Katolikong
estudyante, nakita nila ang 23 porsiyento sa paglalakip ng mga Di-Katolikong
nagpapalista. Sa kadahilanan ng paglaki ng populasyon ngayon ng mga Di-Katolikong
estudyante sa paaralang Katoliko, lumalaki ang porsiyento ng mga mag-aarál sa mga
Katolikong paaralan (Bateman, 2017).
Ipinapaliwanag ng konteksto na ang mga Katolikong paaralan ay nakatatanggap
ng mababang porsiyento ng mga enrollees dahil nakasentro lámang ito sa mga Katoliko.
Samantala, nang magsimulang magpapások ng mga Di-Katolikong mag-aarál,
nagkaroon ng pagkakataon ang paaralan na mapabuti ang kanilang mga patakaran sa
paaralan. Bunga nito, nagkaroon na ng mataas na porsiyento ng mga estudyante sa
mga Katolikong paaralan. Konektado ito sa saliksik na ginagawa ng mga mananaliksik
sapagkat dito naipapakita ang epekto ng pagpasok ng mga Di-Katoliko sa mga
Katolikong Paaralan. Bukod pa rito, nababase rin dito ang kaayusan ng Katolikong
paaralan pagdating sa kalidad ng edukasyon na ibinibigay sa mga mag-aarál nito. May
malaking epekto ito para sa pagkatuto ng mga estudyante, at dito nagsisimula ang
epekto sa pagpasok ng mga Di-Katoliko sa mga Katolikong paaralan.
Habang patúloy itong tumataas, nangangailangan na rin ang mga Katolikong
paaralan ng silid-aralan dahil halos 50 porsiyento na ng mga Di-Katoliko ang nag-aaral
sa mga Katolikong paaralan. Ayon sa artikulo, dumaragdag ito ng isang porsiyento kada
taon sapagkat nagagandahan ang mga pamilyang Di-Katoliko sa kalidad ng mga
akademikong programa na ibinibigay ng mga Katolikong paaralan, kabílang na rito ang
moral na aspekto ng Katoliko. Samantala, mas binibigyang halaga ng mga Katolikong
tagapagturo ang kapakanan ng mga Katolikong pamilya na gusto mag-aral sa
Katolikong paaraalan sapagkat ginawa ang isang Katolikong paaralan para sa kanilang
kapakanan. Sumunod na lámang dito ang mga pamilyang may mga kapatid sa
eskwelahan, mga pamilyang Kristiyano, mga ibang relihiyon o mga Di-Katoliko.
Pumayag naman ang mga magúlang sa desisyon na ito pero masaya pa rin sila sa
pagtanggap ng mga Katolikong paaralan ng mga Di-Katolikong mag-aarál kahit nasa
mababang prayoridad lámang ito. Ang direktor ng National Catholic Education
Commission na si Ross Fox ay nagsabi na ang mga primaryang paaralan ay kailangang
magdagdag ng kapasidad na nasa 20 porsiyento sa susunod na tatlong taon upang
makapagpapasok ng mas maraming mga mag-aarál (McDougall, 2016).
Ipinaliliwanag naman sa kontekstong ito na sa patúloy na pagpások ng mga DiKatolikong mag-aarál sa mga Katolikong paaralan, tila nagkakaroon ito ng epekto sa
pasilidad ng paaralan. Mas nangingibabaw na ang mga Di-Katolikong mag-aarál kaysa
mga Katolikong mag-aarál. Dahil dito, nagkakaroon ng kakulangan sa pasilidad at
naaapektuhan din ang imahe ng Katolikong paaralan sapagkat mas nabibigyang pansin
ang mga Di-Katolikong mag-aarál kaysa mga Katolikong mag-aarál. Bílang koneksiyon
sa ginagawang saliksik, nakatutulong ito sa pangkaragdagang kaalaman sapagkat
kapag mas dumarami ang bílang ng mga Di-Katolikong mag-aarál, nawawala ang
kultura ng mga Katolikong mag-aarál. Bagkus, naiimpluwensiyahan ng mga Di-Katoliko
ang kultura ng Katolikong paaralan base sa kanilang mga sari-sariling gawi o kultura.
Nakatala sa pag-aaral ni Cabilogan (2017) na may mga epekto sa mga Muslim na
mag-aarál ang pagpások sa Katolikong paaralan. Una ay ang epekto nito sa kanilang
pag-aaral kung saan natututuhan nila ang kultura ng isang Katolikong paaralan.
Ikalawa, ang pagbabago sa kanilang mga gawi dahil sa impluwensiya ng mga Katoliko
sa kanila pati na rin ng mga pagtuturo ukol sa kultura ng Katoliko. Panghuli, ang
pagbabago sa pamamaraan ng kanilang pananalita. Nakapokus ang pag-aaral niya sa
mga estudyanteng Muslim na nag-aaral sa Katolikong paaralan.
Nakatala rin sa pag-aaral nina Bowen at Cheng (2016) na may rason para
maniwala na ang relihiyosong bahagi ng mga eskwelahan na nakabase sa relihiyon o
pananampalataya ay may positibo at malayang epekto sa mga kalidad ng edukasyon ng
isang paaralan. Kung susuriing mabuti, ipinapahayag nito na pinapabuti ng isang
paaralan na nakabase sa relihiyon ang kanilang kalidad ng edukasyon sapagkat dito
natuturuan ang mga estudyante na maging mabuting tao sa pamamagitan ng
pagpapatatag ng kanilang pananampalataya.
Konektado ito sa gagawing saliksik sapagkat ipinapakita rito na ang isang
Katolikong paaralan ay may magandang kalidad ng edukasyon. Bunga nito,
magkakaroon ito ng positibong epekto sa mga mag-aarál kabílang na ang mga DiKatoliko sapagkat natututuhan nila rito ang moral na aspekto na kakailanganin nila
upang mapabuti at mas maging mabuting tao.
Sa saliksik nina Toffoli, Vidovich, at O' Donoghue (2010), ipinakita ang nakalap
na impormasyon mula sa mga kalahok sa saliksik. Isa sa mga tinalakay rito ay ang mga
alituntunin ng mga Katolikong paaralan. Ayon dito, nararamdaman sa Katolikong
paaralan ang pagiging konektado ng bawat isa pati na rin ang relasyon na nabubuo sa
bawat isa. Bukod pa roon, dito rin napauunlad ang pananampalataya ng mga
estudyante kahit bata pa man sila (202-203).
Kapag pumasok ang Di-Katoliko sa isang Katolikong paaralan, mararamdaman
niya ang pagiging konektado sa kaniyang mga kamag-aral kahit na naiiba siya ng
relihiyon sa kanila. Ang relihiyon ay walang kinalaman sa pakikipagkapwa kung kayâ’t
kahit isipin man ng iba na hindi dapat mabilang ang isang Di-Katoliko sa isang
Katolikong paaralan, hindi pa rin maipagkakaila na malaki ang matutulong nito para
sa kapakanan ng Di-Katoliko lalo na sa pakikisama.
Dagdag pa rito, Ang epekto ng pananampalataya sa isang mag-aaral ay mas
mapapabuti nito ang pagbigay ng respeto o kaalaman sa pagsamba at makakasalamuha
sa pang araw-araw. Lahat ng tao ay may karapatang ipahayag ang kanilang emosyon
at paniniwala sa kanilang Diyos.
Ang mga Di-Katolikong mag-aarál ay magalak na pinapapasok sa Katolikong
paaralan na may kaakibat na paggalang at malayang pagpapahayag ng relihiyon.
Pinapayagan din ang mga ito na lumahok sa mga aktibidades sa limitadong
pamamaraan (Donlevy, 2007).
Ipinapahiwatig sa saliksik ni Donlevy na tinatanggap ng buong puso at may
respeto ang mga estudyante na pumapasok sa Katolikong paaralan kahit na hindi sila
Katoliko. Ito na rin ang ugali ng mga Katoliko na tanggapin ng walang pag-aalinlangan
ang mga kabataan upang maturuan nang maayos at may disiplina upang maging
mabuti ang mga ito sa gabay ng mga guro at mga ilang tauhan ng
Katolikong paaralan.
Inilalahad ng mga pamilyang Di-Katoliko na ang nagtutulak sa kanilang
papasukin ang kanilang mga anak sa isang Katolikong Paaralan ay ang mga
magagandang epekto nito sa kanila. Ang isa sa mga halimbawa ay may mas magandang
kalidad ng edukasyon ang Katolikong paaralan kaysa pampublikong paaralan. Bukod
pa roon, natuturuan ang kanilang mga anak ng moralidad at magandang asal. (deBros,
2015).
Halos lahat ng magúlang gusto lámang maturuan nang maganda at maayos ang
kanilang mga anak, sa edukasyon man o pagdating sa pagkatao ng isang báta. Sa
Katolikong paaralan, hindi hadlang ang anumang relihiyon pagdating sa edukasyon.
Ang hangad lamang nila ay maturuan at magabayan ang mga estudyante sa iba't ibang
karanasan sa eskwelahan. Dahil dito, mas maraming pamilya ang mas gusto sa
Katolikong paaralan kumpara sa ibang eskwelahan at ito rin ang mas kayang
pagtuunan at paggastusan ng mga magúlang. Makasisiguro silang matututukan at
matututo ang mga ito.
Ang katolikong paaralan ay bukás para sa lahat, sa kahit anumang relihiyon.
Ang paaralan na ito ay may kapansin-pansin na mga layunin at pamamaraan, ang
magandang pagkilala dito ng mga tao, pagpapanatili at pagtataguyod ng espirituwal at
moralidad na katangian, mga panlipunan at kulturang halaga na naglalarawan ng iba't
ibang sibilisasyon. Inaasahan na matutulungan ng edukasyong pang-Katoliko ang mga
hindi Katolikong estudyante ng mas magandang kaalaman at mas mapapahalagahan
ang
kultura.
(Donlevy,
2009).
Sinasabi sa pahayag na ito na walang batayan ng anumang relihiyon sa pagpások
sa isang Katolikong paaralan. Marami ring puwedeng makuhang mga magagandang
bagay dito. Halimbawa na lámang ang mga magagandang asal, tamang disiplina, at
respeto sa kapwa. Ito na rin ang ilan sa mga dahilan kung bakit mas gusto ng
karamihan sa mga pamilya ang makapag-aral ang kanilang anak sa isang Katolikong
paaralan. Dahil dito, inaasahan ng bawat isa na matulungan ang mga hindi Katolikong
estudyante na matutuhan ito at makita kung gaano kahalaga ang kultura ng bawat isa.
Ang Katolikong paaralan ay hindi naghahangad na magbahagi ng ebanghelyo ang
hindi Katoliko ngunit upang anyayahan ang mag-aarál na makaranas ng mga
pangyayari sa Katolikong paaralan. Ang mga hindi katolikong mag-aarál ay maaaring
pumili ng kanilang pananampalataya at ang maunawaing alituntunin ng pagbabago ay
ipinangaral sa mga Katolikong paaralan. Iyon ay kahalagahan ng respeto at pagsasanay
sa kaniya-kaniyang konsiyensya, na kung saan ay lubhang sagrado (Donlevy, 2009).
Isinasaad dito na hindi pinipilit ng mga Katolikong paaralan na makisali ang mga
hindi Katoliko sa kanilang pagbabasbas sa relihiyon kung ‘di ipinaparanas lámang sa
kanila kung ano ang nakagawian ng mga Katoliko sa kanilang pagsasamba. May
karapatan ang bawat isa na gawin ang kanilang paraan sa pagsasamba at maintindihan
ang hindi kasapi sa Katolikong relihiyon. Pinagsasabihan din ang mga Katolikong magaarál na maging responsableng tao at makisama sa lahat ng kanilang
makakasalamuha. Sagrado ang kaniya-kaniyang pagsasamba ng mga tao sa kanikanilang relihiyon kayâ naman ay hinahayaan ng Katolikong paaralan na gawin nila
ang
nakasanayang
pagsasamba
nila
at
respetuhin
ang
bawat
isa.
Base sa mga literatura na makikita sa itaas, masasabing magkakaiba ang
kinalalabasan ng resulta ng bawat saliksik. Ang ilan sa mga ito ay nagsasabing may
maidudulot na maganda at positibong mga epekto ang pagpasok ng Di-Katoliko sa mga
Katolikong paaralan sa ilang kadahilanan. Ito ay dahil sa nabubuong samahan,
pakikipagkapwa, o respeto ng bawat relihiyon. Bukod pa rito, ang mga maaaring
matutuhan ng mga Di-Katolikong mag-aarál ukol sa moral na aspekto na maaari ring
makatulong sa kanila sa upang mapabuti.
Sa kabílang bandá, maaari rin itong magdulot ng hindi magandang epekto sa
mga Di-Katolikong mag-aarál dahil sa dulot ng pagbabago ng paniniwala. Ito ay
maaaring mangyari kung nakasanayan na ng Di-Katolikong mag-aarál ang kultura ng
Katolikong paaralan.
Sanggunian
Bateman, A. (2017). GROWING PERCENTAGE OF NON-CATHOLIC STUDENTS AT
ggCATHOLIC
SCHOOLS
A
NATIONAL
TREND.
Retrieved
from
gghttps://www.heartland.org/news-opinion/news/growing-percentage-of-nonggcatholic-students-at-catholic-schools-a-national-trend.
Bowen, D. H., & Cheng, A. (2016). Losing My Religion? The Impact of Spiritual Cues
ggon
Noncognitive
Skills.
Journal
of
Catholic
Education,
20
(1).
gghttp://dx.doi.org/10.15365/joce.2001072016
Cabilogan, S. (2017). Dahilan at Epekto ng mga Estudyanteng Muslim sa Pagpasok sa
ggKatolikong
Paaralan.
Retrieved
from
gghttps://www.slideshare.net/shuaacabilogan/dahilan-at-epekto-ng-mgaggestudyanteng-muslim-sa-pagpasok-sa-katolikong-paaralan-
gg74476897?fbclid=IwAR0e7wGhskukYxmU0rizjkgc15kyROdKcYXuNfKtmo3V3UUXhg
ggS_gl1N-8cg.
Connon, G. (1974). The Catholic College: Sign of the Church in Academe
gg[Abstract]. DLSU Dialogue: An Interdisciplinary Journal for Cultural Studies,10(18).
ggRetrieved from https://ejournals.ph/article.php?id=4205.
DeBros, K. (2015). Should Your Child Go to Catholic School? Retrieved from
gghttps://www.noodle.com/articles/should-your-child-go-to-catholic-school.
Donlevy, J. (2006). Non-Catholic students’ impact upon Catholic students in four
ggCatholic high schools. Nordic Journal of Religion and Society,8, 1-19. Retrieved from
gghttps://www.researchgate.net/publication/315664788_NonggCatholic_students'_impact_upon_Catholic_students_in_four_Catholic_high_schools.
Donlevy, J. (2007). Ten Dimensions of Inclusion: Non-Catholic Students in Catholic
ggSchools.
Journal
of
Catholic
Education,
10
(3).
gghttp://dx.doi.org/10.15365/joce.1003042013
Donlevy, J. (2008). The common good: the inclusion of non‐Catholic students in
ggCatholic
schools,
Journal
of
Beliefs
&
Values, 29:2, 161gg171, DOI: 10.1080/13617670802289577
Donlevy, J. (2009). Catholic school administrators and the inclusion of non-Catholic
ggstudents.
Journal
of
Educational
Administration.
47.
586-608.
gg10.1108/09578230910981071.
Hickey, C. (1983). THE IMPACT OF NON-CATHOLIC STUDENTS IN THE CATHOLIC
ggSCHOOLS OF A LARGE EASTERN DIOCESE. ETD Collection for Fordham University.
ggRetrieved from https://fordham.bepress.com/dissertations/AAI8326176
Madrigal, D., & Oracion, E. (2018). Rethinking Catholic Education: Experiences of
ggTeachers of a Catholic University [Abstract]. Recoletos Multidisciplinary Research
ggJournal,6(1).
Retrieved
from
gghttps://ejournals.ph/article.php?id=13078&fbclid=IwAR18smD4t7yRAfoggG4Az8LEIlbDJz54GE0A6MqXMt_K_SpiJ4GH98E12UnY.
McDougall, B. (2016). Catholic schools: Almost one third of students are from outside
ggthe
faith. The
Daily
Telegraph.
Retrieved
from
gghttps://www.dailytelegraph.com.au/news/nsw/catholic-schools-almost-one-thirdggof-students-are-from-outside-the-faith/newsggstory/72f626fb30d6eb94fb1da3e99ffcf3ab.
McKay, A. (2002). THE CATHOLIC OPTION: NON-CATHOLIC PARENTS' CHOICE OF A
ggRELIGIOUS EDUCATION IN SASKATOON CATHOLIC SCHOOLS. 1-116. Retrieved
ggfrom
https://harvest.usask.ca/bitstream/handle/10388/etd-07152008gg111457/McKay_Archibald_Glen_sec_nc_2002.pdf.
Rymarz, R., & Cleary, A. (2016). COMPARING CATHOLIC AND NON-CATHOLIC
ggSTUDENTS
IN
CATHOLIC
SCHOOLS.
1-15.
Retrieved
from
gghttp://compassreview.org/winter16/4.pdf?fbclid=IwAR0dgpRK32PHozgZ1DvFfU8cA
ggiH4UOZJcacSc08YLCCKeF2icIYa20kFGmo
Toffoli, A., Vidovich, L., & O' Donoghue, T. (2010). Middle Schooling Policy Processes in
gga Catholic Context: Synergies and Dissonances. The Asia-Pacific Education
ggResearcher,19(2),
1-13.
Retrieved
from
gghttps://ejournals.ph/article.php?id=4001&fbclid=IwAR3H77IvazS609RbGtnLYwS4g
ggUPgO8tSSNCAn_ebADZo_ty_Y3z9mrf8hv90.
Tudy, R. (2013). A Model of Catholicity for Catholic Schools [Abstract]. IAMURE
ggInternational
Journal
of
Social
Sciences.
Retrieved
from
gghttps://ejournals.ph/article.php?id=2258.
Ventic, E. (2012). The Catholic Life Formation Curriculum of the Catholic Schools in the
ggArchdiocese of Cebu: A Critical Review [Abstract]. IAMURE International Journal of
ggLiterature,
Philosophy
and
Religion,2(1).
Retrieved
from
gghttps://ejournals.ph/article.php?id=2667&fbclid=IwAR0kpW6LNkPGX1ah1jnDxgyU
ggcifOXspjJtaZekzTPXVl72IWtGQP2RBjqKU.
Download