METODOLOHIYA Sa bahaging ito nakapaloob ang mahahalagang impormasyon patungkol sa pagkakabuo at pagkakagawa ng plano sa pananaliksik. Dito makikita ang mga paraan at hakbang sa pagsasagawa ng masistemang pangangalap ng datos. Upang maisakatuparan ang mga layuning nabanggit ay nangangailangan ito ng mabusising kaparaanan o pagsisiyasat ng mga ebidensya. Ang mga datos na makakalap ay ang magpapatotoo at sasagot sa mga tanong na nais sagutin ng papel. Ang mga mananaliksik ay magkakaroon ng sarbey sa paaralan ng Legazpi City Science High School. Ang limampung katugon sa pagsasagawa ng sarbey ay magmmumula sa ika labing-isang baiting ng STEM at hihingin ang kanilang pananaw. Ito ay mangyayari lamang sa pamamagitan ng pagbibigay ng talatanungan sa mga napiling katugon. Ang mga datos naman na nakalap sa sarbey ay susuriin sa pamamagitan ng pagkukumpara ng mga kasagutan ng mga tumugon, at pagtukoy sa kaadalasang persepsyon ng mga magaaral sa paraang pagbibilang ng pinakamaraming magkakaparehang sagot.