Ang Mga Kadahilanan ng mga Naunang Pag-aalsa by: Marapple Gimenez Lahat: Bakit nga ba natin kailangan balikan, ang mga pangyayaring kay tagal nang nagdaan? Para lamang ba magunita, ang mga dakilang tao na nakipagdigma, para ang bayan ay maging malaya? Bayan nga ba ang nasa isip nila nang sila ay nag-alsa, at hindi ang kung anumang pansariling dahilan? Ating siyasatin ang iilan sa mga kadahilanan, ng mga naunang pag-aalsa ng ating mga katutubong kababayan. Unahin nating tignan ang kadahilanan ng pag-aalsang politikal. Solo: Ako si Lakandula, ang huling hari ng Maynila. Bakit ka mo nawakasan ang aking kaharian? Tinanggap ko kasi ang Espanya, dahil sa tingin ko ay mabibigo lamang, kung ako at ang aking nasasakupan, ay makikipaglaban sa kanilang napakalaking hukbong sandatahan. At dahil na rin naniwala sa matamis na salita, na ang aking angkin na kapangyarihan, karangalan, karangyaan, at kalayaan, gayundin sa aking buong angkan, ay di maiibsan, Ngunit nang si Legazpi ay napalitan, ang pumalit na si Lavezares, pribilehiyo ko at ng aking angkan ay inalis, Ito man ay aking ipinaghimagsik, huli na ang lahat, kapangyarihan ng mga banyaga sa Maynila ay nagka-ugat na kaya ako ay napilitan na manahimik, at di na lamang umimik. Unang Pangkat: Nang si Lakandula ay namayapa, kami na kanyang angkan, ay naiwan na wala nang kapangyarihan, kung noon kami ang pinakamataas sa lipunan, ngayon ay tila ordinaryo na lamang na mamamayan, ang pribilehiyo namin sa buwis at polo, pati na ang aming angking karangyaan, nang tinanggal at kinamkam, ay labis na ipinag-himagsik ng aming kalooban, ninais naming maibalik ang aming dating kapangyarihan, kung kaya kami nina Magat Salamat, Martin Pangan, Juan Banal, at Pedro Balingit, ay nanguna sa isang pag-aalsa, ngunit ang hangarin namin naging bigo, natuklasan at pinatay at ang mapalad na pinatawad sa malayong bansa napadpad . Lahat: Ang pangyayaring nagdaan sana ay tandaan, gawing aral at gabay sana ng bawat pinuno ng bayan. Na sila ay huwag magtiwala sa mga pangako ng mga banyaga, o maghangad ng kapangyarihang mas higit pa sa kanilang tinatamasa. At sa tulad nating mga ordinaryong mamamayan, sana ay ating pahalagahan, ang kasalukuyan na kapangyarihan, sa pagpili sa kung sino man, ang mamumuno sa ating bayan. Kaya siyasating mabuti bawat halalan, ang mga tumatakbo para sa pwesto ng bayan. Sila ba ay nararapat? Ang hangarin ba nila ay tapat? Ngayon ibaling natin ang ating isip at diwa, sa mga kadahilanan ng pag-aalsang panrelihiyon. Solo: Ako si Apolinario de la Cruz, Hermano Pule kung tawagin, simula pa sa aking kabataan maging paring regular na ang aking nagging mithiin, hinangad ko na mapabilang sa ordeng Dominican, at na sana rin ay kilalanin ang aking kapatiran, Ngunit imbes na tanggapin, kami ay sapilitang binuwag, kaya kaming apat na libong kasapi, paniniwala ay napilitang ipaglaban Pero nagdaan man ang mahaba at madugong mga labanan, kami pa rin ay nagapi sa paanan ng Mount San Cristobal. Ako nga ay nakatakas at nakatago ngunit di kalaunan ay nahuli rin naman, at sa edad na dalawampu’t pito, ay hinatulan ng kamatayan. Ngunit kamatayan ko ay hindi pa sapat, para mapanatag ang pamahalaang nabagabag, sa publiko ay ginawang babala katawan ko na ipinagputol-putol at ibinandera, na walang bahid ng awa. Solo: Ako naman si Dagohoy, sa bagong panukalang pang-ekonomiya, kalooban ko ay nagsimula na ang pagtutol, At noong ang aking mahal na kapatid ay napatay sa pagtugis ng isang tulisan, hindi pinakinggan kahit na ako ay nakiusap at nagmakaawa, at ang marangal na libing sa kapatid ko ay ipinagkait labis ko itong ikinagalit, kung kaya ay nag-alsa, at sa Bohol ay napatalsik, ang mga Espanyol sa aking paghihimagsik at kahit na ilang ulit, mga gobernador-heneral nila ay nagpadala, ng libo-libong hukbong sandatahan, ako at ang aking kasapi, walumpu’t limang taon kahit isang beses, hindi natinag, hindi nagapi. Ikalawang Pangkat: Kami naman ang mga katutubo na sa Kristiyanismo ay tutol mabinyagan, hindi man nakasanayan ng mga dayuhang Espanyol, ang aming mga paniniwala at ritwal, ito ay aming kinamulatan, pamana pa ng mga kanunu-nunuan, kaya ito ay aming ipinaglaban, hanggang sa aming kamatayan. Lahat: Sana ito ay nagpamulat, na tayo ngayon sa kalayaan ay hindi na salat, wala nang pumipigil, ni kumukutya sa ating pagpili ng sariling paniniwala At maging gabay rin sana, na isaalang-alang ang pag-galang, sa paniniwala na naiiba. Kahit na sino ang sinasamba, si Kristo, si Allah, o ang mga Anito, kaugalian at ritwal ng bawat isa ay pinahahalagahan at pinangangalagaan, respetohin ang kapwa, kung hangad natin ay mapayang bansa. At ngayon bilang pangwakas, ibaling natin ang ating diwa, sa kadahilanan ng pag-aalsang pang-ekonomiko Solo: Ako si Diego Silang, ang mga Espanyol na mapanlamang, nang ako ay naghimagsik sa Ilocos ay tagumpay ko rin silang napatalsik. Ngunit sa kasamaang palad laban ko ay naudlot dahil ako ay namatay sa kamay ng hindi pa naman kaaway, kay Miguel Vicos na kaibigang matalik. Solo: At ako si Gabriela, poot at pighati sa sinapit ng aking kabiyak sa akin ay nagtulak, na ipagpatuloy ang kanyang naudlot na laban para sa kalayaan ng kabuhayan ng aking kababayan, ngunit ako any nadakip at nahatulan ng kamatayan. Pangatlong Pangkat: Kami naman ang mga ordinaryong magsasaka ng katagalugan mula sa mga bayang Batangas, Laguna, at Cavite. Nang ang aming lupang sinasakahan ay kinamkam ng mga prayleng gamahan nawalan kami ng kabuhayan kaya ginusto lamang naming mabawi lupain na aming pagmamay-ari ngunit lubos na makapangyarihan ang mga prayleng gahaman kaya kahit na kami pa ay naghimagsik kahit isang pirasong lupain, sa amin ay walang naibalik. Lahat: Sana atin nang natanto, ang ating kasalukuyan at maging ang hinaharap, ay utang natin sa mga nagdaan, at na lubos tayo ngayong mapalad na kahit pa man kailangan pa ring mag-tiyaga at mag-sikap, marangal na hanapbuhay sa atin din a ipinag-kakait, bangkos ang tulong sa gobyerno natin nakakamit. Ngayon kahit hindi man nabanggit, lahat ng mga nangyaring paghihimagsik sana mga isipan ay nabuksan, sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman At nagliyab sa mga puso Ang taimtim na pagmamahal para sa bayan. Na ang kalayaan nating tinatamasa, Araw-araw ay sana ay bigyang halaga at gamitin sa tama. Huwag sayangin ang mga oras o pagkakataon bawat araw tayo ay magsikap, na makamit ang mga pangarap sa hinaharap, dahil ang bawat tagumpay natin sa buhay ay tagumpay ng buong bansang Pilipinas.