Layunin:Naipakikita ang ibat ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos (EsP5PD - IVe-i - 15) Unang Araw Balik-aral: Ano-ano ang dahilan ng iyong ipinagpapasalamat sa Diyos? Magpakita ng isang imahe ng Diyos Paano mo maipakikita ang pagmamahal o pasasalamat sa Dakilang Lumikha? Paglalahat: Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang regalo sa iyo ng Pagtataya: Pagtatanong ng mga sumusunod? 1.Ano ano ang mga biyayang handog ng Diyos sa mga batang katulad ninyo? 2.Paano natin pinahahalagahan ang buhay na bigay ng Diyos? Pangalawang Araw Isagawa Natin Sino ang nagkaloob sa iyo ng buhay? Pagganyak: Paawitin ang mga mag-aaral ng awit na aawit na tumatalakay sa mga bahagi ng katawan na dapat pangalagaan upang humaba ang ating buhay. Papangkatin ang mag aaral sa apat. Bawat pangkat ay magsasagawa ng slogan,tungkol sa mga paraan ng pangangalaga sa sarili upang ipakita an g pagpapahalaga sa buhay na kaloob ng Diyos Paglalahat: Ang bawat baagi ng ating katawan ay nilikha ng Diyos para sa atin upang ito’y magamit ng tama. Kaya ito ay mahalaga at dapat nating ingatan. Lagyang ng angkop na salita o lipon ng mga saliya ang bawat patlang na nagpapakita ng pangangalaga sa bawat bahagi ng katawan at ang kahalagahan nito.Pillin ang sagot sa loon ng kahon 1. May mga mata tayo upoang _______________ dahil dito dapat kong__________________. 2. May mga tainga ako upang_________________ at _____________________. 3. May puso ako para__________________ at itoy dapat gamitin _____________________. 4. May mga kamay ako upang_________ at higit sa lahat_________________. 5. May bibig ako upang__________ Pangatlong Araw Isapuso Natin Bakit mahalaga ang bawat bahagi ng ating katawan? Pagaganyak: Magpakita ng isang larawan ng kilalang tao at ordinaryong tao na may kapansanan o kakulangan ng bahagi ng katawan. Ano kaya ang iyong mararamdaman kung ikaw ang nasa ganitong sitwasyon? Dapat ba natin kutyain o pagtawanan ang mga taong may kapansanan o kakulangan ng bahagi ng katawan? Paano mo maipapakita ang paggalang sa mga taong may kapansanan? Ano ang iyong dapat na gawin upang mapangalagaan ang bawat bahagi ng iyong katawan? Tandaan Natin Tandaaan natin na any buhay ay regalong kaloob ng Diyos kayat dapat nating pangalagaan.Ang kalusugan ay kayaman Paglalahat: Paano mo mapapangalagaan ang bawat bahagi ng iyong katawan? Sagutin kung anong bahagi ng katawan ang ginagamit sa bawat pangungusap. 1.Kumain ng masustansyang pagkain,magsabi ng nakasasakit na salita sa kapuwa 2.Mahawakan ang mga bagay ,mag-aboy ng tulong sa iba 3. Huminga, sa pagmamahal sa kapwa lalolao na ang mga nalulumbay 4. Gamitin sa pandinig ng mga makabuluhang bagay at makinig sa hinaing o opinyon ng iba 5. Makita ang kagandahan ng paligid, at Ikaapat na Araw Isabuhay Natin Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay may kapansan o kakulangan ng bahagi ng katawan? Magpakita ng larawan na nagpapakita ng mabuti sa kapwa at ang isang lawaran ay walang ginawang mabuti. Ano ang dapat mong gawin kung ikaw ang nasa larawan? Gagawin mo din ba ang katulad ng ginawa ng nasa larawan? Paano mo maipapakita ang iyong mabuting kalooban sa kapwa? Paglalahat: Ang aral ng Diyos ay gumawa ka ng mabuti sa iyong kapwa. Tulad ng sinabi, “Ang ginagawa mo sa iyong kapwa ay para mo na rin itong ginawa sa Diyos. Isabuhay Natin Gawain 1 Paanomo maipapakita na ikaw ay isang nilikhang may mapayapang kalooban? Paano mo maipakikita na ikaw ay isang nilikhang may mapayapang kalooban? Ilagay ang iyong sagot sa pamamagitan ng graphic organizr na hugis tao? Ikalimang Araw Paano mo masasabi na ikaw ay may mapayapang kalooban? Magpanood ng maikiling kuwento “ Ang Kuwento ni Pepe at Susan” https://www.youtube.com/watch?v=E oQdyyTfcQE Tama ba ang ginagawang pangangalaga sa sarili ng magkapatid na Susan at Pepe? Magtala ng wastong pangangalaga sa katawan at buhay. Ang ating buhay at katawan ay dapat nating pangalagaan. Dapat sundin ang wastong pangangalaga sa ating katawan. Subukin Natin Ayusin ang mga letra sa ibaba upang mabuo ang salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng tamanag pangangalaga sa ating katawan 1.sawtong saro gn gaplogtu 2. gkaapin gn sotaw 3. mmaaaphngia 4. gaplliigban 5. gapsawi as id matansygnsus gapinak