Para sa mga Matapang Mandirigma, Ang liham na ito ay para sa inyo.Kung ako ay nasa Unang Digmaang Pandaigdig,saludong-saludo ako sa determinasyon at lakas niyo sa pakikidigma.Puyat,pagod,gutom at panghihina ay tiniis niyo upang maprotektahan ang inyong bansa laban sa mga kalaban.Sa tingin ko,bihira niyo ng makita ang inyong mga pamilya pero wala kayong magagawa kundi sundin ang utos ng inyong lider.Sa pagsasabak sa digmaan,alam kong kayo ay kinakabahan,kinakabahan dahil maaring hindi na kayo makabalik ng buhay.Nakakamangha.Nakakamangha dahil halos wala na kayong makain,matapang niyo pa ring hinaharap ang mga kalaban. Madilim,madugo,maingay.Nagkalat ang mga patay na kasamahan niyo sa pakikidigma, hindi man lang nabigyan ng maayos na libingan.Kahit na mabaho ang mga katawan at masakit sa iyong kalooban na makita ito, tuloy pa rin ang laban.Hindi makatulog sa gabi kakaisip na anumang oras lulusubin ng mga kaaway ang inyong kampo at baka kayo ay matalo.Hindi mapakali kakaisip ng pamilyang iniwan, mangangamba kung sila ba ay nasa maayos na kalagayan.Lalo na yung mga lalaking teenager na hindi pa nakakabuo ng pamilya ay pinilat nang sumabak sa gera, nakakalungkot kung sila ay namatay dahil hindi man lang nila na-savour ang pagiging binata. Kung ako man ang nasa panahong iyan, Malaki ang pasasalamat ko sa inyo, sa pagod niyo sa pagiging mandirigma. ”Huwag kayong mag-alala,napanalo niyo ang laban at kapayapaan parin ang nanaig” Gumagalang, Nurshaima Jagoh, mula sa kasalukuyan