Ano ang diyabetis? Ang diyabetis ay isang sakit na ginagawang mahirap para sa iyong katawan na gawing lakas ang pagkain. Kapag kumakain ka, ang pagkain ay pinipiraso-raso para maging asukal. Ang asukal na ito ay kailangang makapasok sa mga selula ng iyong katawan upang magbigay ng lakas. Ang insulin ay ginagawa ng katawan at hinahayaang pumasok ang asukal sa mga selula. Ikaw ay may diyabetis dahil: Kaunti lamang o walang insulin na nagagawa ang iyong kaatawan. o Hindi magamit ng iyong katawan ang insulin na ginagawa nito. Ito ay maaaring mangahulugan na 1. Kapag kakaunti ang insulin, ang asukal ay dumarami sa daluyan ng dugo sa halip na pumunta sa mga selula ng katawan. Ito ay nagiging sanhi ng mataas na asukal sa dugo. 2. Dahil hindi nakukuha ng mga selula ang asukal, maaari mong maramdaman na: ♦ nauuhaw ka, gaano man karami ang iyong ininom ♦ napapagod ka ♦ kailangan mong alisan ng laman ang iyong pantog nang madalas ♦ Malabo ang iyong paningin. Ang Diyabetis ay isang seryosong sakit. Kapag hindi ginamot, ito ay maaaring humantong sa… P P P P P P sakit sa puso sakit sa bato pagkabulag pinsala sa nerbiyos pagkaputol ng binti o paa kamatayan Alagaan ang iyong sarili. Ang magandang balita ay puwede kang magkaroon ng malusog na pamumuhay kahit na mayroon kang diyabetis. Narito ang magagawa mo: 1. Kumain ng malusog na pagkain. 2. Pamahalaan ang iyong timbang. 3. Magkaroon ng maraming pisikal na gawain. Igalaw ang iyong katawan! 4. Alamin ang asukal sa iyong dugo. 5. Maglagay ng insulin o uminom ng mga pildoras kung inireseta. 6. Palagiang magpatingin sa iyong doktor. Kami ay nakahandang turuan at tulungan kang matuto kung paano pamamahalaan ang iyong kalusugan. Handa ka na ba? Tandaan: • Ang diyabetis ay isang seryosong sakit na maaaring humantong sa mga seryosong problema sa kalusugan. • Ikaw ang namamahala. Puwede kang magkaroon ng malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng pag-alaga sa iyong sarili. • Puwede kang matutong manatiling malusog sa pamamagitan ng: - angkop na pagkain - pag-eehersisyo - paglalagay ng insulin o pag-inom ng mga pildoras kung inireseta - pag-alam sa asukal sa iyong dugo - pakikipagtulungan sa iyong doktor at mga tagapagturo ng tungkol sa diyabetis Ikaw ay May Diyabetis Ito’y nasa iyo! Para sa karagdagang impormasyon Makipag-alam sa: 1. Ang tagapagturo ng tungkol sa diyabetis sa inyong lokal na ospital 2. American Diabetes Association, 1-800-DIABETES Ang pagbuo ng pamplet ay sinuportahan ng Maine Statewide AHEC System, ng University of New England, at ng Bingham Program sa pakikipagtulungan sa Maine Diabetes Control Project at sa Kennebec Valley Medical Center, Health Education Services, Hunyo 1993. Ang salin ng polyetong ito ay pinondohan ng Care1st Health Plan. 04 Tagalog Puwede kang magkaroon ng malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng pag-alam sa mga katotohanan at pamamahala sa iyong kalusugan.