Tema Ang tema ng mitolohiyang “Liongo” ay patungkol sa katapangan ng isang bayani na may kakaibang mga katangian at ipinakikita rin dito ang mga suliranin at paglalakbay na kaniyang pinagdaanan. Mga Tauhan Liongo Mitolohikal na bayani ng mga mamamayan ng swahili at pokonio sa silangan ng kenya. Ipinanganak sa isa sa pitong bayan sa bayabayin ng kenya, siya ay may natatanging lakas at kasing taas ng isang higante. Siya ang dating hari ng Ozi at Ungwana Sa Tana Delta at ng Shanga sa Fosa, isla ng Pate. Hindi siya nasasaktan o nasusugatan ng anumang sandata ngunit kapag itinurok ang isang karayom sa kanyang pusod, siya ay mamamatay. Sa kabutihang palad ay siya at ang kaniyamg ina lang ang nakaaalam ng sikretong ito. Mbwasho Siya ang ina ni liongo. Sultan/Haring Ahmad Siya ang pinsan ni Liongo Ang hinirang na bagong hari ng buong pate. Nag pabilanggo at nag pakadena kay liongo dahil sa kagustuhan niyang mawala ito. Watwa Mga nananahan sa kagubatan Na nakasama ni Liongo. Hari ng Galla (Wagala) Ang nag pasyang ipakasal ang kaniyang anak na babae kay liongo upang mapabilang ang bayani sa kaniyang pamilya. Anak na lalaki ni Liongo Anak niya na nagtaksil at pumatay sa kaniya.