Essay in AP Karapatang Pantao, ano nga ba ang karapatang pantao at ano-ano ito? Ito ay ang mga karapatan at mga kalayaan na dapat matanggap ng mga tao. Marami ang mga karapatang pantao o kalayaan, tulad ng kalayaan sa pag sasalita, karapatang mabuhay, karapatan sa edukasyon at marami pang iba. Ngunit kahit na nakasaad na ito sa batas, marami paring mga tao ang mga hindi nakakatanggap o nakakaranas ng mga nararapat na karapatan at kalayaan katulad ng kalayaan sa diskriminasyon. Ipinapakita sa pagsasaliksik ng Human Rights Watch na makakaranas parin ng pisikal at berbal na pang bubully, sexual assaukt, at cyberbullying ang mga estudyante sa kanilang paaralan Maraming uri ng diskriminasyon ang nagaganap dito sa pilipinas, isa na ditto ay ang diskriminsayon sa kasarian. Alam naman natin na tipikal na dito ang diskriminasyon na umiikot lang sa babae at lalaking kasarian ngunit sa pagdaan ng mga taon ay dumami ang mga pagkakakilanlang kasarian o “gender identity” na kabilang sa LGBTQIA+ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transexual, Queer, Intersexual, Asexual at marami pang iba) ay dumami o tumaas din ang datos ng mga nadidiscriminate na na mga may kasarian na kabilang dito, lalo na sa mga paaralan. Noong taong 2017 ay nag sagawa ang Human Rights Watch ng “in-depth interviews and discussions” sa 98 na estudyante at 46 na magulang, guro, counselors, administrators, service providers, at mga expert sa edukasyon sa 10 lungsod ng Luzon at Visayas. Ang sabi ng mga LGBT na estudyante ay ang mga proteksyon ay hindi naipapatupad ng maayos ng buo sa mga paaralan, at ang mga sekondaryang patakaran at mga “practices” sa mga paaralan ay mas lalong nagpapalala ng diskriminasyon imbis na mabawasan ito at nabibigo sa pagbibigay ng tamang impormasyon at support sa LGBT. Maraming estudyante ang hindi alam ang mga anti-bullying policies o hindi alam kung paano sila hihingi ng tulong kapag sila ay nabubully. Ang mga estudyante na gusting humingi ng tulong ay nahahadlangan dahil sa kakulangan sa kaalaman at mga “resources” patungkol sa LGBT youth sa sekondaryang antas ng paaralan. Isa sa mga pangunahing solusyon sa diskriminasyon ay ang paghihigpit pa lalo patungkol sa bullying sa paaralan man, sa mga pambublikong lugar o sa maski sa trabaho. Dapat ay maturuan din ang mga tao ng mga impormasyon patungkol sa mga karapatan ng mga tao lalo na sa mga miyembro ng LGBTQI+ Community upang madagdagan ang kanilang mga kaalaman patungkol sa mga paraan kung paano nila madedepensahan ang kanilang mga sarili kung sakali man na makaranas sila ng diskriminasyon at para naman sa ibang tao ay para malaman nila ang mga limitasyon at mga bagay na hindi nila dapat ginagawa sa ibang tao sa kadahilanang sobrang nakakasakit ito at maari ding mag dulot ng pagpapakamatay. Magiging malaking tulong din kapag naipatupad na ang SOGIE Equality Bill o Ang Sexual Orientation and Gender Identity or Expression Equality Bill dahil sa nakapataw na mga parusa ay asahan natin na bababa kahit papaano ang porsyento ng mga taong nadidiscriminate at bullying, at dahil ditto ay bababa rin ang porsyento ng mga taong nag papakamatay dahil sa diskriminasyon dito sa pilipinas. Submitted By: Kyle Andre M. Devera 10-Carbon Submitted To: Mr. Raymond Chua 12/07/18 Submitted By: Kyle Andre M. Devera 10-Carbon Submitted To: Mr. Raymond Chua 12/07/18