KABANATA I Sanligan ng Pag-aaral Sa panahon ngayon, marami pa rin ang naguguluhan sa bagong sistema ng edukasyon, ang K-12 kurikulum. Nagnanais ihanda ang mga mag-aaral sa karagdagang dalawang taon sa sekundaryo upang mas maging handa para sa kolehiyo. Ang k-12 ay ang kinikilalang pandaigdigang pamantayan ng edukasyon na sinusunod ng halos lahat ng mga maunlad at papaunlad pa lamang na mga bansa. Nangangahulugan lamang ito na ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay napag-iwanan na ngunit patuloy pa rin itong sumusugal upang agarang matugunan at bigyang solusyon ang kritikal na kalagayan ng kalidad ng edukasyon ng bansa (Nual, J. M. at Elogano, G., walang petsa hahaha) Mataas ang bilang ng mga pilipinong walang trabaho at isa sa mga dahilan nito ay ang hindi tugmang kakayahan ng mga tao sa kanilang trabaho. Kung kaya ay nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ang pagpili ng strand bilang paghahanda sa kolehiyo. Nararapat na ayon sa kagustuhan at kakayahan ng mag-aaral ang pagpili ng kuluning strand upang tiyak na magiging mataas ang interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral. Sa pagpili ng Strand o Track sa Senior high School (SHS), maraming mga salik na nakakaapekto sa desisyon ng mga mag-aaral. Ang mga salik na ito ay maaaring nag-udyok sa mga mag-aaral na magkaroon ng interes sa pag-aaral o nagresulta sa pagbaba ng kalidad ng kanilang pakikilahok sa paaralan. Nararapat na matukoy kung ano ang mga salik na ito upang tiyak na maunawaan at mabigyang kaalaman ang mga mag-aaral ukol sa kahalagahan ng pagpili ng strand sa SHS. Paglalahad ng Suliranin Ang pagsusuring ito ay isinagawa upang maipakita ang pananaw ng mga mag-aaral ukol sa pagpili ng Strand o Track sa Senior High School. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong saguting ang mga sumusunod na katanungan na magsisilbing gabay para sa pag-aaral na ito: 1. Ano ang salik na higit na nakaaapekto sa mga mag-aaral na nasa ika-11 na baitang ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Leyte sa pagpili ng strand o track sa Senior High School? 2. Ano ang kahalagahan ng interes at kakayahan ng mga mag-aaral sa pagpili ng strand o track sa Senior High School? Balangkas Konseptwal Naguguluhan sa pagpili ng strand sa Senior High School Hindi nagkakatugma ang interes at kakayahan sa pinasukang strand Pagsasagawa ng serbey kuwestiyuner sa mga Senior High School hinggil sa kung ano ang salik na higit na nakakapekto sa pagpili ng kukuning strand Dokumentasyon sa nakalap na mga datos Matukoy ang salik na higit na nakaapekto sa pagpili ng kukuning strand at kung ano ang kahalagahan ng interes at kakayahan sa pagdedesisyon. Pagsusuri sa mga nakalap na datos INPUT PROSESO AWTPUT Kahalagahan ng Pananliksik Kapag makamit ang inaasahang resulta ng pananaliksik, makatutulong ito sa mga sumusunod: Mga Mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay maaaring makakuha ng pananaw ng iba't-ibang estudyante tungkol sa kanilang sitwasyon at paano nila hinarap ang sitwasyon. Mga Magulang. Mabubuksan ang kanilang mga mata at mamumulat sa reyalidad upang malaman kung ang mga magulang ba ay isa sa mga nagbigay ng impluwensiya o pinilit ang mag-aaral sa pagpili ng strand. At upang mapagtanto ang mga epekto nito at kung paano nakakaapekto sa kinabukasan at sa edukasyon ng mga mag-aaral. Mga Guro. Ang mga guro ay maaaring makakuha o malaman ang kaisipan ng mga mag-aaral at upang magsilbing gabay sa mga estudyante sa pgtutugma ng strand sa gustong kunin na kurso sa kolehiyo. Mga Mananaliksik. Ang resulta na makukuha mula sa pagsusuri na ito ay maaaring magamit sa mga darating pang pananaliksik at magsilbing gabay at pagpapahusay pa sa isasagawang pag-aaral. Saklaw at limitasyon Upang makamit ang inaasahang awtput, may mga tiyak na salik at limitasyon ang tinukoy. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng strand o track ng mga Grade 11 students. Ang pag-aaral na ito ay magaganap sa loob ng Leyte National High School, Tacloban City na kung saan ang mga kalahok ay mga Grade 11 na mag-aaral galing sa iba't ibang strand o track (STEM, ABM, HUMMS, at TVL). Isasagawa ang pag-aaral sa loob ng school year 2018-2019 at lahat ng mga malilikom na datos ay gagamitin lamang para sa pananaliksik na ito. Kstuturan at Katawagan Strand-ay tumutukoy sa mga sangkap na nakapailalim sa mga track. Mayroong apat na strand mula sa Akademic Track: Science,Technology, Engineering and Mathematics (STEM) Accountancy, Business and Management (ABM) Humanities and Social Sciences (HUMSS) at General Academic Strand (GAS) Track-ay tumutukoy at ipinapatupad sa bagong kurikulum, o kilala bilang K to 12 Curriculum. Mayroong apat na track:Academic Track, Arts and Design Track, Sports Track at Technical-Vocational Livelihood track (TVL) Peer Pressure-ay ang impluwensyang ginagamit ng isang grupo sa isang tao upang baguhin ang kanyang pananaw, pagpapahalaga at gawi upang maging alinsunod ito sa pamantayan ng grupo. Tally-ang pagbibilang ng nakalap na datos KABANATA II Kaugnay na Pag-aaral Pangunahing paksa ng pag-aaral na ito ang pagpili ng strand sa Senior High School (SHS). At base sa pagsusuri ng mga mananaliksik, mayroon dalawang pangunahing kadahilanan upang isaalang-alang ang pagpili ng SHS Track at Strand sa K-12 kurikulum. Ang una rito ay nakasaad na hindi lahat ng mga Track at Strand ay inaalok sa pamamagitan ng mga paaralan na malapit. Dapat na suriin ang mahusay na mga kagamitan sa paaralan na papasukan. Magtanong kung ang mga paaralan ay may mahusay at sapat na kagamitan na kakailanganin sa Track at Strand na pipillin sa SHS. Ang ilang Unibersidad o kolehiyo ay nag-aalok din ng SHS. Ang mga ito ay halos pribadong kolehiyo ngunit maaring gamitin ang programa na garantiya ng Kagawaran ng Edukasyon upang makakuha ng diskuwento sa matrikula at iba pang gasto sa paaralan. Ang pangalawang pangunahing sa pag-sasaalang sa pagpili ng Track at Strand sa SHS ay ang kursong piillin sa kolehiyo. Dapat na siguraduhing tama ang pagplano upang maipagpatuloy ang natutunan sa SHS patungong kolehiyo. Kung hindi pa sigurado sa kursong kukunin, ito ay magsisilbing sagot sa mga tanong. Magiging mas madali ito upang pumili sa pagitan ng iba’t ibang mga Track at Strand (Nual, J. M. at Elogario, G., walang petsa) Ayon sa isang pag-aaral na pinamagatan na “Factors Affecting Career Preferences Among Senior High School Students In Tacloban City” at isinulat nina Penedilla at Rosaldo ay nagtatalakay sa mga salik na nakakapekto sa pipiliing kurso ng mga Senior High School Students Ng Leyte National High School. Napagalaman sa pananaliksik na ito na dahil karamihan ng mga napagdesisyon na kurso ay mula sa kanilang kagustuhan, kaya masasabi na ang mga mag-aaral ay sabik sa paggagawa ng desisyon. Maslow’s theory of one’s needs of good and decent meals, shelter for safety, recognitions and belongingness to the family, intrinsic motivation of self-discovery and actualization; Skinner’s Operant Conditioning that make one behaves or does (or refrains from doing) things because of rewards and punishments; and Piaget's theory of cognitive development as a process which occurs due to biological maturation and interaction with the environment Ayon din sa pag-aaral na isinagawa, isa pang salik ay ang neuropsycholgical framework about Executive function and self-regulation skills na siyang tumutulong sa pagplano,pagpokus, umaalala ng mga tagabilin, magmulti-task at iba pa.(Penedilla &Rosaldo,2017). Sa isang pagaaral sa isinagawa sa 340 na kalahok at pinamagatang “Influence of culture, family and individual differences on choice of gender‐dominated occupations among female students in tertiary institutions” na naglalayong suriin ang impluwensiya ng pamilya, indibidwal na pagkakaiba, at kultura sa pagpili sa mga kursong gender dominated napagalaman na ang pamilya, indibidwal na pagkakaiba, at kultura ay epektibong salik sa pagkakaroon ng teorya sa pipiliing kurso. Ang pagaaral na ito ay makakatulong sa mga babaeng magaaral upang makapili ng praktikal na kurso.(Salami, 2007) Naglalayong suriin ang mga salik na naghihikayat sa pagaccountancy ng mga mag-aaral na galing sa iba’t ibang etniko (Asian, African at Western).Sa pananaliksik na isinagawa lumabas na sa mga African na mag-aaral, ang gastos ang nangungunang salik sa pagpili nila sa kurso, sa mga Asian at Western na mag-aaral ang pangunahing salik ay kung gaano kahirap makapasok sa kurso. Ang Kahalagahan ng pag-aaral nito ay importante upang maintindihan ang saloobin at pag-unawa ng mga mag-aaral at upang ang course administrators o curriculum designers upang mas mapabuti nila ang kanilang stratehiya sa pag-endorso sa iba’t ibang etniko. (Myburgh, 2005) Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ni Templo (2017) na tumatalakay tungkol sa mga salik o factors sa pagpili ng Track ng mga estuyante ng Baitang 11 sa Catanduanes National High School (CHS), Virac, Catanduanes na isang pagsusuri na gumagamit ng deskriptibo-analitikong disenyo. Ang mga Tracks na pinagkunan ng responante ay galing sa Academic Track, Technical and Vocational Livelihood Track, Sports Track at Arts and Design Track. Ang layunin ng pananaliksik ay magbigay kaalaman at impormasyon sa mga salik na nakaapekto sa pagpili ng mga track ng mga estudyante. Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan para makalikom ng datos. Ang mananaliksik ay nagsarbey ng 222 na mga estudyante. Gumawa ng istatistik ang mananaliksik, sinabayan niya ito ng paggawa ng bar graph upang makuha ng malinaw ang kanya-kanyang porsyento o bahagdan ng mga nakalap na impormasyon. Ang naging resulta ng mag-aaral na isinagawa ay 90% ng mga estudyante ang nagsabing nakatulong ito sa kanilang pagpili at 29% ng mga estudyanteng iyon ay ang dahilan ay nahahasa ang talento, 14% dahil ang mga estudyanteng ito ay ang dahilan ay dito magaling, parehong 13% naman ang nagdahilan na madali ang mga tinuturo, mga aktibidad at mag-aral. 10% naman ang nagdahilan na napasaya ang pamilya, 7% ang dahilan ay ang kaibigan o kasintahan at ang dahilan na hindi magastos na mayroong 4%. Positibo naman ang naging dulot ng mga salik na nakaapekto sa pagpili ng track na nakakuha ng 90% at negatibo naman sa ibang estudyante na nakakuha ng 10%. Napag-pasyahan ng mananaliksik na ang pagpili ng track ay dapat binabase kung saan magaling o bihasa ang isang tao o estudyante sapagkat mas magiging madali sa estudyante gawin ang mga aktibidad na pinapagawa at tinuturo ng mga guro. Ang asal at gawi ng mga mag-aaral ay nakaaapekto so pagpili ng karera para sa nais na trabaho. Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang kaugalian sa panamagitan ng List of Values (LOV) scale sa mataas na kalidad ng edukasyon na may kaugnayan sa pagdedesisyon ng mga mag-aaral sa karera na nais tahakin. Ayon sa resulta ng pagsusuri, ang panloob at panlabas na kaugalian ay importante bilang salik sa pagpili ng karera. Subalit mayroon namang ibang estudyante na mas pinili ang panloob na kaugalian bilang basehan ng pagpili ng kukunin na kurso. Ang pananaliksik na ito ay nagbigay ng bagong kaisipan ukol sa ugali bilang isa sa mga salik na naka-impluwensiya sa desisyon ng mga mag-aaral at sa pagtutugma ng kanilang nais na karera sa buhay (Kopanidis at Shaw, 2014). Sa isang pag-aaral na isinagawa sa India na ipinamagatang “Factors influencing career choice of management students in India” ay naglalayong galugarin ang impluwensiya ng isang hanay ng mga kadahilanan sa pagpili ng kurso ng mga mag-aaral sa India. Ayon sa pananaliksik, mula sa 93 na respondante, ang kasanayan, kakayahan at ang ama ay ang pinakaimportanteng salik, ito ay dahil sa kanilang kultura at tradisyon. (Agarwala, 2008) Sa isang pag-aaral na pinamagatang Factors Influencing Student's Choice for a Senior High School Academic Track. Layunin ng pagsusuri ay matukoy kung ano ang mga nakakaimpluwensiya sa pagpili ng strand na nasa ilalim ng Academic Track. Ang nabanggit na mga salik ay Academic Experience, Educational Aspiration/ Expectation, Advice of others, friends; Peer Influence at Family Background. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang 107 na mga Senior High school students ng Bukidnon, National High School. Tinukoy ng mga mananaliksik ang may pinakamataas na salik na nakakaimpluwensiya sa pagpili sa paraan ng paggamit ng Mean at Standard deviation. Ang naging resulta sa ginawang pag-aaral ay ang pinakamalaking salik na nakakaimpluwensiya ay ang Educational Aspiration/ Expectation habang ang hindi gaanong nakakaimpluwenisya ay ang Advice of others. Sa pangkalahatan, inimungkahi ng mga mananaliksik na ang higit na nakakaimpluwensiya sa pagpili ng strand. (Valente, Albia, Gayosa, Dalloga, at Noblesa, 2015) Kaugnay na Literatura Ang Pilipinas ang huling bansa sa Asya at isa sa mga lamang tatlong bansa sa buong mundo na may 10-taong pre-service university cycle at ang dalawa pang bansa ay ang Angola at Djibouti. Ang kurikulum ng pangkalahatang edukasyon sa kolehiyo ay magkakaroon ng mas kaunting bilang ng yunit. Ang mga paksa na dinala sa batayang edukasyon ay tatanggalin mula sa kurikulum ng kolehiyo. Matatagpuan ang mga detalye tungkol sa bagong kurikulum sa CHED Memorandum Order blg. 20, serye ng 2013. Ang 12-taong programa ay natagpuan na ang pinakamainam na panahon para sa pagkatuto sa ilalim ng pangunahing edukasyon. Ito rin ay ang kinikilala na pamantayan para sa mga estudyante at mga propesyonal sa buong mundo. Mahalaga ang pag-unawa sa proseso ng K-12 kurikulum na pag-unlad para sa pagdedesisyon ng mga mag-aaral sa pagpili ng strand (Henderson, 2014). Ang mga magulang ay ang pinakaunang guro ng mga bata, na kung sa gayon sila ay unang tagapayo at tagagabay,Ayon kay Bladeless (2013) ang mga magulang ay kumukontrol ng kanilang mga anak tungkol sa kanilang pinipiling kurso. Karamihan, hindi iniisp ang kagustuhan ng kanilang anak. Ang sosyo ekonomikong estado ay isa sa mga salik na nakakaimpluwensiya sa pagpili ng kukuning strand (Cabrera & Nasa, 2000). Ayon kay Rivera (2008), ang hilig ng isang tao ang mananatiling magtutulak para magtrabaho, sa puntong ito ay magtratrabaho ang isang tao hindi dahil ang pangunahin layunin ay ang kumita ng pera kundi ginagawa ito dahil ito ang gusto ng tao na gawin sa buhay at lumalabas na hindi na ito trabaho kundi libangan, libangan na kung saan ay kumikita ka narin ng salapi. Maraming mga salik ang nakakaapekto sa pagpili ng karera ng mga mag-aaral sa sekondarya. Ang mga pagtukoy sa mga salik ay makakapaghandog sa mga magulang, tagapagturo, at industriya ng ideya kung saan nakatiwala ang proseso sa pagpili ng karera ng mga estudyante (Super, 1990). Ang pagpili ng pagkuha ng strand ng mga magaaral, ay karamihan mula sa sariling desisyon, ay hindi malaya sa impluwensiya. Ang kanilang desisyon, maging personal man ito, pinilit o pinayuhan, ay apektado sa iba’t ibang salik, mula sa Academic Qualifications hanggang sosyal at ekonomikal. (Penedilla &Rosaldo,2017). One important factor of students’ decision-making process is the neuropsycholgical framework about Executive function and self regulation skills which are the mental processes that enable the people to plan, focus attention, remember instructions, and juggle multiple tasks successfully…the brain needs this skill set to filter distractions, prioritize tasks, set and achieve goals, and control impulses.When children have opportunities to develop executive function and self regulation skills, individuals and society experience lifelong benefits, these skills are crucial for learning and development. They also enable positive behaviour and allow us to make healthy choices for ourselves and our families.(Penedilla &Rosaldo,2017) Ayon kay Sierra (2017) Isa sa mga pinakaimportanteng salik na pinagiisipan sa pagpili ng kurso ay ang personal na interes, mas nahihikayat na magkaroon ng mabuting “performance”. Malaki talaga ang impluwensiya ng peer pressure at ang sinasabi ng mga magulang. Karamihan ng mga mag-aaral hindi sigurado o kaya hindi alam kung ano ang gusto nilang kurso sa kolehiyo kaya umaasa sila sa payo ng mga magulang, kaibigan at mga tao na nasa paligid. May mga sitwasyon na ang pamaraan na ito ay nagiging maatagumpay ngunit mayroon din nagsisisi sapagkat mahirap at hiindi nagustuhan ang pinasukang kurso at sa huli ay lumilipat ng kurso. Dapat pinagiisipan ng mabuti ang kukuning strand kung kayat hindi masasayang ang oras at pagsisikap. Napagalaman sa pananaliksik na kapag hindi sapat ang kaalaman tungkol sa Senior High School marahil ay mas mataas ang posibilidad na hindi katugma ang pinasukang strand at kukuning kurso. Isa sa mga importanteng responsibilidad ng lipunan ay ang pagbibigay ng sapat na pagtataguyod ng mga kasanayan at kakayahan. Growth-promoting environments provide children with “scaffolding” that helps them practice necessary skills before they must perform them alone (Harvard, 2017) Rendering to the National Centre for Education Statistics’ Descriptive Summary of 2003-2004 Beginning Postsecondary Students: Thirty percent of dependent start postsecondary students at 4-year organizations came from peoples with annual incomes of 92,000 or more, matched with 17 percent of those at two-year foundations and 4 percent of those at less than two year associations. Napansin ni Paulsen (1990) na kapag ang mga gastos sa pag-aaral, gastos sa kuwarto at board, at ang distansya mula sa bahay ay nadagdagan; ang opsyon sa kolehiyo ay naging mas kaakit-akit sa mga mag-aaral. Ang pagtaas ng mga gastosin sa matrikula, pagkain, pagrenta na dormitoryo, at distansiya mula sa pamilya, bumababa ang bilang ng posibilidad na pagpasok sa kolehiyo. Ngunit ang nakapaloob sa epekto na ito ang mga magaaral na napabilang sa mas mababang antas ng kinikita (Paulsen, 1990). It requires a balance between the freedom given to the pupil to make an independent decision, and counselling on behalf of the parents and teachers, to share their insight and experience. Exerting pressure and dictatorial attitude may demotivate the students and also lower their performance. The types of jobs that might be relevant to their interests, skills or aspirations should be discussed in a democratic way to avoid problems. Students should choose the career which is according to their capabilities and of their interest. Student interest should never be undermined in choosing a career path.(Kazi & Akhlaq, 2017) Marami ang mga salik na maaaring makaapekto sa desisyon ng pagpili ng nais na karera sa mga mag-aaral sa sekundarya. Ang pagtukoy sa mga salik na ito ay makatutulong sa mga magulang, mga guro, at sa industriya upang mabigyang ideya at kaalaman na pagkatiwalaan ang desisyon ng mga mag-aaral at sila ay magabayan sa proseso ng pagpili ng karera sa buhay (Supaer, 1990). Ang bawat mag-aaral sa Senior High School (SHS) ay may pagkakataong pumili sa tatlong Tracks. Ito ay ang Academic Track, Technical-Vicational-Livelihood, at Sports and Arts. Ang Academic Track ay saklaw ang Accountancy, Business and Management (ABM), Humanities and Social Sciences (Humss), Science, Technology, Engineerong and Mathematics (STEM) at and General Academic Strand (GAS). Mahalaga na tukuyin at isaalang-alang ang kagustuhan at kakayahan ng mga mag-aaral sa pagpili ng Track na tatahakin na magiging gabay at paghahanda sa kukuning kurso sa kolehiyo (Official Gazette, 2012). Ang pagili ng nais na karera ay mahalaga sapagkat ito ang magsisilbing daan upang makamit ang minimithing tagumpay at dito nakabatay ang kalagayan ng isang tao sa susunod pang yugto ng kaniyang buhay (PAMS, n. d.). Naglalayong maiulat ang ang isang patuloy na proyekto na sinusuri ang mga dahilan sa pakikilahok ng mga mag-aaral sa information workat kung ano ang naghikayat sa kanila. Sa pananaliksik ay isinagawa sa mga mga mag-aaral sa Information and Library Studies programmes sa Department of Information Studies, Aberystwyth University. Kwalitatibong pag-aaral at focus groups angg ginamit sa paraan ng paglikom at pagsusuri ng mga datos. Many students followed a circuitous path into the library and information field, indicating that caution needs to be exercised when making assumptions regarding “typical” library and information workers. Similarly, motivations for attaining a qualification are a complexity of both personal and professional aspirations. Although motivations remain consistent, in line with previous studies, it is argued that “either/or” attitudes to traditional and modern aspects of information work are being replaced by a flexible understanding of the modern profession.(Anoush & Taylor, 2011) KABANATA III Disenyo ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay isang case study na patungkol sa mga salik na nakaaapekto sa mga mag-aaral sa pagpili ng strand o track. Ito ay naglalayong maunawaan ng lubos ang partikular na kaso upang makatulong sa mga mag-aaral at magabayan sila sa pagpili ng nais na strand para sa Senior High School (SHS). Nais maipakita ng mga mananaliksik kung ano nga ba ang salik na higit na nakaaapekto sa mag-aaral at matukoy kung ano ang kahalagahan ng interes at kakayahan sa pagpili ng Strand o Track. Lokal na Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay magaganap sa loob ng Leyte National High School, isang paaralan na matatagpuan sa Tacloban City, Leyte. Ito ay isa sa mga malaking paaralan ng lungsod at kinabibilangan ito ng Junior high School at Senior High School na may dalawang track, ang Academic track (STEM, ABM, HUMSS at GAS) at TVL track. Ang paaralang ito ay ang napiling lugar sapagkat pinapaloob ito ng mga mag-aaral na kinakailangan sa pag-aaral na ito. Nakapaloob dito ang iba't ibang uri ng estudyante kung kaya't magiging madali at episiyent ang pagkuha ng mga datos. Ang mga napiling magsisilbing kalahok ay ang mga Senior High (Academic track at tvl track) na mag-aaral sa paaralang ito. Mga Kalahok sa pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa tulong ng mga datos at ebidensiya na nilikom mula sa mga kalahok ng pagsusuri. Ang mga mananaliksik ay kukuha ng mga impormasyon at datos mula sa mga mag-aaral sa ika-11 na baitang sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Leyte. Ang mga manananaliksik ay kukuha ng mga kalahok mula sa STEM Strand, HUMSS, ABM, GA at sa TVL. Mula sa grupo ng mga kalahok na ito, ang mga mananaliksik ay kukuha ng 15 na mag-aaral na mgbibigay ng kanilang mga kasagutan sa pagsusuri. Ang mga kasagutan ng mga mag-aaral ang magsisilbing datos ng pananaliksik. Ang 15 na respondante ng pananaliksik ay sapalarang pipiliin upang maiwasan ang inklinasyon. Desisyon ng mga kalahok kung nais nilang maging parte ng pag-aaral at hindi pipilitin ng mga mananaliksik ang desisyon ng mga mag-aaral at ang kanilang pangalan at impormasyon na ibinigay ay pananatilihing kompidensiyal Kasangkapan sa paglikom ng Datos Ang mga mananaliksik ay gagamit ng kwestyuner kung saan nakasulat lahat ng mga tanong na kailangang sagutin ng mga respondente. Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng sarbey upang makakalakap ng datos na magagamit sa pananaliksik na ito. Paraan sa paglikom at Pagsusuri ng Datos Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng Survey Questionaire upang kilalanin kung anong mga salik ang higit na nakaaapekto sa pagpili ng mga Senior high school students ng Leyte National High School, Tacloban City sa kanilang strand o track. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng convenience sampling/simple random sampling sa pagpili ng mga magiging respondante na galing sa iba't ibang strands. Pagkatapos makuha ang mga natipong datos, gagamit ng Microsoft Excel upang gawing grapiko ang mga resultang malilikom. BIBLIOGRAPIYA Agustin R., Penedilla J., Rosaldo L., (2017) "Factors Affecting Career Preferences Among Senior High School Students in Tacloban City" Babon, J. (n.d.) "Kabanata II Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura" Barnachea, C. (2017). [Web log]. Retrieved from http://winrightambasa.blogspot.com/2017/03/reviewof-related-literature.html?m=1 Kaugnay na Pag-aaral Agarwala, T., (2008) "Factors influencing career choice of management students in India", Career Development International, Vol. 13 Issue: 4, pp.362-376,https://doi.org/10.1108/13620430810880844 Ayodele, T. O., (2018) "Career choice of real estate students in Nigeria: The explaining influences in comparative perspective", Property Management,https://doi.org/10.1108/PM-02-2018-0013 Kopanidis, F. Z., Shaw, M. J., (2014) "Courses and careers: measuring how students’ personalvalues matter", Education + Training, Vol. 56 Issue: 5, pp.397-413, https://doi.org/10.1108/ET-05-2013-0065 Myburgh, J.E., (2005) "An empirical analysis of career choice factors that influence first‐year Accounting students at the University of Pretoria: A cross‐ racial study", Meditari Accountancy Research, Vol. 13 Issue: 2, pp.35-48, https://doi.org/10.1108/10222529200500011 Nual, J. M. at Elagorio, G. (n. d.) "Isang Pag-aaral sa Paraan ng Pagpilk ng Strand para sa Senior High School ng mga Mag-aaral sa Informatics" Retrieved from: https://www.academia.edu/31632892/_ISANG_PAG-AARAL_SA_PARAAN_NG_P AGPILI_NG_STRAND_PARA_SA_SENIOR_HIGH_SCHOOL_NG_MGA_MAGAARAL_SA_INFORMATICS Penedilla, J.,& Rosaldo, L.,(2017)Factors Affecting Career Preferences Among Senior High School Students In Tacloban City Retreived from: https://www.academia.edu/34876760/FACTORS_AFFECTING_CAREER_PREFER ENCES_AMONG_SENIOR_HIGH_SCHOOL_STUDENTS_IN_TACLOBAN_CIY Salami, S.O., (2007) "Influence of culture, family and individual differences on choice of gender‐dominated occupations among female students in tertiary institutions", Women in Management Review, Vol. 22 Issue: 8, pp.650-665, https://doi.org/10.1108/09649420710836326 Simon, A., Taylor, M., (2011) "Career history and motivations for choosing LIS: a case study at Aberystwyth University", Library Review, Vol. 60 Issue: 9,pp.803-815, https://doi.org/10.1108/00242531111176817 Templo, F. (2017). Mga Salik na Nakaapekto sa Pagpili ng Track ng mga Estudyante ng Baitang 11 ng Catanduanes National High School. Retrieved from https://fatimatemplo.wordpress.com. Valente, C., Albia, I., Gayosa, J., Dalloga, K., at Noblesa, M. (2015). Factors Influencing Student's Choice for a Senior High School Academic Track. Retrieved from www.academia.edu. Kaugnay na Literatura Bladeless, C. (2013). Self‐efficacy beliefs as shapers of children's aspirations and career trajectories. Child development, 72(1), 187-206. Cabrera J.P. & Nasa D.,(2000) Factors influencing students’ choice in Higher Education. New York:Agathon Press Center for Child Development. (2017). Harvard University. USA: Harvard.edu Henderson, L. (2014) "The K to 12 Program An understanding of the development PROCESS of the K to 12 curriculum is important for decision-making of actors on the ground" Retrieved from: https://slideplayer.com/slide/4884397/ Kazi, A.S., Akhlaq, A.(2017)Factors Affecting Students’ Career Choice. Retrieved from:http://ue.edu.pk/jrre Paulsen, S.J.(1990) The role of financial aid in enrollment management. San Francisco: Bass Publishers Penedilla, J.,& Rosaldo, L.,(2017)Factors Affecting Career Preferences Among Senior High School Students In Tacloban City Retreived from: https://www.academia.edu/34876760/FACTORS_AFFECTING_CAREER_PREFER ENCES_AMONG_SENIOR_HIGH_SCHOOL_STUDENTS_IN_TACLOBAN_CIT Y Rivera, A., (2008). In search of common threads: Linking multicultural, feminist, and social justice counseling paradigms. Wiley Online Library. Sierra, A., (2017) An Inquiry to the Influence of Choosing the Strands among the Students Retrieved from: https://www.academia.edu/31785389/An_Inquiry_to_the_Influence_of_Choosing_the _Strands_among_the_Students Super, D. E. (1990). A life-span, life-space approach to career development. In D. Brown & L. Brooks, The Jossey-Bass management series and The Jossey-Bass social and behavioral science series. Career choice and development: Applying contemporary theories to practice. San Francisco, CA, US: Jossey-Bass.