noli-cover-110115220923-phpapp02

advertisement
Noli Me Tangere
Simbolismo ng Pabalat
Pagpapakilala ng Pabalat
• Ang pabalat ng Noli Me Tangere ay idinisenyo mismo ni
Rizal para sa kaniyang nobela.
• Pinili ni Rizal ang elemento na ipapaloob niya rito, hindi
lamang sa aspektong astetiko ang kaniyang naging
konsiderasyon – higit sa lahat ay ang aspekto ng
simbolismo.
• Pagkatapos mong mabasa ang pagsusuring ito sa
disenyo ng pabalat ng nobela ay maaring maituring na
ito ang siyang pinakamahusay sa lahat ng mga likhang
guhit ni Rizal
Sa pabalat pa lamang ng Noli Me
Tangere ay tila ninanais na ni Rizal
na magkaroon kaagad ng paunang
pagkaunawa ang kaniyang mga
mambabasa ukol sa nilalaman ng
nobela.
Dahilan sa ang mga nakapaloob
sa pabalat nito ay matatagpuan at
tatalakayin sa loob ng kaniyang
sinulat.
Pansinin ang mga sumusunod
Nagbababala
Ang Pamagat
kaya
na Noli
si Rizal
Me Tangere
sa
kaniyang
ay nasa gitna
mga mambabasa
mismo ng pabalat.
sa
maaring
Tandaan
maging
sana na
epekto
ang kahulugan
ng
pagbabasa
sa Filipino
nito
ng sa
pamagat
kaniyang
ng Nobela
kapanahunan.
ay HUWAG MO AKONG HIPUIN.
Itaas na Bahagi
Ang pamagat ng nobela ay
humahati sa pabalat sa
dalawang magkahiwalay
na bahagi.
Ibabang bahagi
Ang kaliwang triangulo na makitid
ang paanan,subalit lumalapad sa
ulunan.
Sa kabilang dako, ang paghahati ay hindi itaas
at ibaba – mayroon tayong mapapansin na hugis.
Ang kanang triangulo na malapad
ang paanan,subalit papakitid ang
ulunan.
PANSININ ANG MGA NAKAPALOOB SA ITAAS/KALIWANG
BAHAGI
Ang krus
Dahon ng laurel
Supang ng kalamansi
Ulo ng babae
Bahagi ng manuskrito
ng paghahandog sa
Noli Me tangere
Simetrikal na sulo
Bulaklak ng
sunflower
PANSININ ANG MGA NAKAPALOOB SA IBABA O KANANG
BAHAGI
Bahagi ng manuskrito ng
paghahandog sa Noli Me
tangere
Punong Kawayan
Lagda ni Rizal
Pamalo sa Penitensiya
Tanikala
Latigo
capacete ng guardia sibil
Paa ng prayle na labas
ang balahibo
Subalit tingnan natin ang
pabalat ng nobela, mula
sa ibaba pataas.
Ang magkabilang
triyangulo na inyong
nakikita na hinahati ng
pamagat ay kumakatawan
sa dalawang magkaibang
kapanahunan.
Ang Kahapon
Ang hinaharap ng bayan
PAGBALIKAN NATIN NG PANSIN ANG SIMBOLISMO PARA SA
GAGAWIN NATING PAGBIBIGAY PAKAHULUGAN
Bahagi ng paghahandog
sa Noli Me tangere
Punong Kawayan
Lagda ni Rizal
Pamalo sa penitensiya
Tanikala
Latigo ng alperes
capacete ng guardia sibil
Paa ng prayle na labas ang
balahibo
MGA KAHULUGAN NG MGA SIMBOLISMO
Ang kanang triangulo ay isang
paglalarawan ng mga elemento na
bumubuo ng panlipunang realidad
sa kapanahunan ni Rizal.
KAHULUGAN NG MGA SIMBOLISMO
Paa ng prayle
Inilagay ni Rizal sa pinakaibabang bahagi ng tatsulo ang
paa ng prayle.
Ito ay upang ilarawan sa mga
mambabasa kung ano ang
pinakabase ng kolonyal na
lipunan sa kaniyang
kapanahunan.
At bilang pagpaparamdam sa
mga mambabasa kung sino ang
tunay na nagpapalakad ng
bayan.
Ang sapatos ay simbolo ng pag-iwan ng
mga prayle sa aral ni Cristo para sa
kaniyang mga tunay na alagad.
Huwag din kayong magdala ng supot
ng pagkain sa paglalakad; kahit
dalawang bihisan, kahit panyapak, o
tungkod; sapagkat ang manggagawa
ay may karapatan sa kaniyang
ikabubuhay.
Mateo 10:10
Ang paglalagay ni Rizal ng sapatos
sa paanan ng prayle ay isang anyo
ng pagbubunyag sa pagiging maluho
ng mga prayle sa Pilipinas.
Sapatos
Pagpapahiwatig ni Rizal sa kalaswaan
ng pamumuhay ng mga prayle sa
Pilipinas na kaniyang hayagang
tinalakay sa loob ng nobela.
O kaya ay isang lihim na
paglalarawan ni Rizal sa balahibo
ng lobo na nasa loob ng damit ng
kordero.
Ang pulang pangungusap ay lihim na
ipahihiwatig ni Rizal sa Kabanata 14
noong murahin ni Don Filipo si San
Agustin ng “putris” at sa isang sulat
ni Rizal kay Blumentritt (Peb. 2, 1890)
Nakalabas na binti sa
ibaba ng abito.
Simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal
na hukbong sandatahan na nangaabuso sa karapatang pantao ng mga
Pilipino sa kaniyang kapanahunan.
Pansinin na inilagay ni Rizal ang
helmet sa ilalim ng paanan ng prayle.
Helmet ng guardia sibil.
Simbolo ng kalupitan ng opisyal ng
kolonyal na hukbong sandatahan.
Maging si Rizal ay personal na naging
biktima ng latigo ng alperes. Ang
paglalagay ni Rizal ng latigo ng alperes
ay pagpapakita na hindi niya
malimutan ang ginawang pananakit sa
kaniya ng alperes sa Calamba noong
kaniyang kabataan.
Pansinin na inilagay ni Rizal ang latigo
sa ilalim ng paanan ng prayle.
Latigo ng alperes.
Inilagay ni Rizal ang kadena sa pabalat
ng aklat bilang simbolo ng kawalang
kalayaan ng mga Pilipino sa ilalim ng
kolonyal na pamahalaan.
Kadena
Ang suplina ay ginagamit ng mga
mapanata sa kolonyal na simbahan
upang saktan ang kanilang mga sarili
dahilan sa kanilang paniniwala na ito
ay makapaglilinis sa kanilang mga
nagawang kasalanan.
Para kay Rizal, wari bang ang
pananakit at pagpapahirap ng mga
guardia sibil ay hindi pa sapat para sa
mga Pilipino at kailangan pang sila na
mismo ang magpahirap at manakit sa
kanilang mga sarili.
Suplina
Pansinin na inilagay ni Rizal ang
kaniyang pangalan sa triangulong
nakaukol sa kaniyang kapanahunan.
Alam ni Rizal na siya ay kabilang sa
kapanahunan na kaniyang inilalarawan.
Lagda ni Rizal
Halamang
kawayan
Isang mataas ngunit malambot
na puno. Ang pangunahing
katangian nito ay ang
pagkakaroon nito ng malaking
kahalagahan sa paggawa ng
bahay at maraming mga
mahahalagang kagamitan at
kasangkapan sa kapanahunan
ni Rizal.
•
Inilagay ni Rizal ang larawang
ito upang ipakita ang
pamamaraan ng mga Pilipino sa
pakikibagay sa mga nagaganap
na kalupitan at pagsasamantala
ng mga naghaharing uri sa
kanilang lipunan.
• Makikita
Bahagi ng
ng
na manuskrito
bago ang bahagi
paghahandog
ng NoliniMe
Tangere
ng paghahandog
Rizal
sa
kaniyang nobela ay ang taong
1887.
• Paiitaas sa taong 1887 ang
malaking bahagi ng
manuskrito paghahandog ng
nobela.
• Pansinin sana na pagkatapos
ng paghahandog ay unti-unti
ng lumiliit ang panig ng
tatsulok.
• Isa kaya itong paraan ng
pagpapahiwatig ni Rizal na
nakikini-kinita na niya ang
paglalaho ng kolonyal na
lipunan, bilang resulta ng
kaniyang nobela.
TINGNAN NAMAN NATIN
ANG KAHULUGAN NG MGA NILALAMAN SA
KALIWANG TRIANGULO
Bulaklak ng sunflower
• Ang sunflower ay isang
natatanging bulaklak dahilan
sa kakayahan nito na
sumunod sa sikat ng araw.
• Inilagay ni Rizal ang bulaklak
na ito sa layunin na maging
halimbawa ng kaniyang mga
mambabasa na sundan at
ipagpatuloy ang pagbabasa ng
kaniyang nobela, na sa
kaniyang kapanahunan ay
ninanais ni Rizal na maging
liwanag ng kaniyang bayan.
Simetrikal na sulo
• Iginuhit ni Rizal ang sulo
bilang simbolo ng Noli Me
Tangere.
• Pansining mabuti ang
disenyo na kinalalagyan
ng liwanag.
• Mapupuna ng mga
nakapagbabasa ng mga
lumang libro, na ito ang
karaniwang disenyo na
ginagamit noon sa mga
pahina ng aklat.
• Pansining mabuti ang
relasyon ng liwanag ng sulo
at ng oryentasyon ng
sunflower.
• Mapapansin na ang
sunflower ay nakatingala sa
liwanag ng sulo, na sa
panahon ng kadiliman ng
panunupil ng kaisipan ay
simbolo ng preserbasyon ng
kaalaman ng tao.
Mapapansin ninyo ang salitang
“Berlin” – ang lugar kung saan
ipinalimbag ni Rizal ang Noli Me
Tangere.
Subalit ang paglalagay ni Rizal ng
“Berlin” sa pabalat ay mayroon din
layunin na ipaalam sa kaniyang
mga mambabasa ang mayamang
koleksiyon ng lungsod sa mga
materyales ukol sa Pilipinas.
Ang bagay na ito ay sinabi mismo
ni Rizal sa kaniyang kaibigang si
Blumentritt.
Bahagi ng manuskrito ng
paghahandog ni Rizal.
•
Pansining mabuti na ang sulo ay nagooverlap sa manuskrito ng
paghahandog ni Rizal ng kaniyang
nobela.
•
Ito ay dahilan sa layunin ni Rizal na
ang kaniyang sinulat na nobela ay
magsilbing liwanag ng bayan, upang
makita natin ang ating mga kahinaan
na siyang nagiging dahilan ng ating
pagiging huli sa karera ng kaunlaran.
•
O maaring ang mga taong mayroong
maliwanag na isipan lamang ang
makakatuklas ng tunay na kahulugan
ng nobela.
Ulo ng babae
Sino ang babaeng ito?
Pansining mabuti ang kasagutan
Ipinakilala ni Rizal ang babae sa
pamamagitan ng paglalagay niya
sa tabi ng pinag-uukulan niya ng
paghahandog sa nobela.
Ito ay walang iba kundi
ang INANG BAYAN
Krus
•
Ang krus ang siyang simbolo ng
relihiyosidad ng malaking bilang
ng mga mamamayang Pilipino.
•
Mapapansin na inilagay ni Rizal
ang krus sa halos pinakamataas
na lugar ng pabalat.
•
Nakakataas o nakapaghahari sa
isipan ng Inang Bayan at ng mga
Pilipino.
Krus
• Teka, bakit inilagay
ni Rizal ang krus sa
pinakamataas na
lugar sa pabalat ng
nobela?
• Hindi ba siya kontra
sa kolonyal na
simbahan?
Krus
• Siguro ay optical illusion
lamang kaya maaring
sabihing ang krus ang
pinakamataas na elemento
sa pabalat.
Ang pinakamataas na
elemento sa pabalat ay ang
dulo ng triangulo na hindi pa
nagtatapos at patuloy na
lumalapad ayon sa takbo ng
panahon.
• Pansinin sana na tila
isang padalisdis ang
direksiyon ng
triangulo.
• Parang napanhik ka
sa isang bundok.
Pansining Mabuti
• Na bago ang krus ay
makikita ang supang
ng kalamansi.
Ano ang kahalagahan
ng supang ng
kalamansi at isinama
ito ni Rizal bilang
elemento sa pabalat
ng kaniyang nobela?
Isa sa laganap na paniniwala
natin ang kalamansi ay
mahusay na sangkap sa
paglilinis.
Ito ang dahilan, kung bakit
mayroon pang mga produktong
panlaba at panlinis ng plato na
ipinagmamalaki na mayroong
halong sangkap ng kalamansi,
•
Ang masakit na katotohanan, ang
paglalagay ni Rizal supang nga
kalamansi sa tabi ng krus ay isang
mataas na anyo kaniyang ng
insulto para sa kolonyal na
Katolisismo na umiiral sa
kaniyang kapanahunan.
•
Walang pinag-iwan sa isang tao
na alam mong hindi naliligo at
naamoy mo na ang pagiging
mabaho.
•
Pagkatapos mong makita at
maamoy ang baho ay saka mo
ilalagay sa kaniyang tabi ang
isang sabong pampaligo.
•
Ganyang mang-insulto si Rizal sa
kaniyang sining. Masasabi ko ito,
dahilan sa halos maraming mga
sining si Rizal na kaniyang nilikha
bilang isang anyo ng protesta.
Mga Dahon ng Laurel
• Ang dahon ng laurel ay
napakahalaga sa
matatandang
sibilisasyong kanluranin.
• Ito ginagawang korona
para sa kanilang mga
mapagwagi, matatapang,
matatalino, at
mapanlikhaing mga
mamamayan.
• Mapapansin na ang mga
dahon laurel ay hindi pa
napipitas sa halaman.
• Isang paglalarawan ni
Rizal ng kaniyang pagasa na ang mga
kabataang Pilipino ay
pipitasin ang mga laurel
na ito upang gawing
korona ng inang bayan.
• Subalit ang higit na dapat
na mapansin na ang krus
ay gawa sa bato.
• Subalit ang halaman ng
kalamansi at laurel ay mga
buhay na elemento.
• Na maaring lumago sa
pagsapit ng panahon.
• Mamimili ang krus, kung
siya magpapakalinis at
makiki-agapay sa
pagtalino ng bayan.
• O sa pagdating ng
panahon ay matatabunan
lamang siya ng paglilinis
at katalinuhan ng bayan
na hindi na bulag sa
panatisismo.
•
Ang katotohanan ay pinagtabi ni
Rizal ang krus at supang nga
kalamansi at mga dahong laurel.
•
Dahilan sa mayroong dalawang
uri ng konsensiya ang nais na
ilarawan ni Rizal sa kaniyang
nobela.
•
Una ay ang sinasabi ni Ibarra na
“bulag na konsensiya ng
bayan”.
•
At ang pangalawa ay ang isang
“PAMBANSANG KONSENSIYA”
na nais ni Rizal na sumibol para
sa sambayanang Pilipino na
hinahadlangan lamang noon ng
mga makapangyarihang alagad
ng kolonyal na simbahan.
•
Maaring mapagbintangan ako
sa pagiging mapagmalabis sa
aking ginawang
pagpapakahulugan.
•
Subalit wala akong takot na
ipaalam na ang mga
kahulugang aking binanggit ay
nakapalaman sa loob mismo
ng nobela na ating pagaaralan.
•
At sa marami niyang mga
artikulo at personal na sulat sa
kaniyang mga kamag-anak at
mga kasamahan sa kilusang
propaganda.
HANDA KA NA
BANG BASAHIN
ANG TUNAY NA
NOLI ME TANGERE
Download