ITURO MO BEYBE Gawain AB Political Science 1A Pangalan: ________________________________________ Petsa: _________________ I. TAMA o MALI Isulat ang letrang ‘T’ kung Tama ang pahayag sa bawat bilang. Kung ito’y mali, salungguhitan ang salitang nagpapamali sa pahayag at isulat ang tama o dapat na salitang makakapagbuo at makakapagpatama dito. _____________1. Sa Istruktura ng Improbisasyon sa Pagtuturo, ang proseso ng application ay ang balidasyon ng konsepto sa pamamagitan ng isang gawain na makapagpapatunay sa kanilang natukoy na kaalaman at pagsubok nito sa ibang larangan upang mapatunayan kung naunawaan ang paksang tinalakay. _____________2. Ang release ay kadalasang mga gawain na nagbubukas ng paksa o saloobin ng mga estudyante ukol paksa. _____________3. Sa konsepto ng pedagohiya o pedagogy sa pagtuturo, ang mga magaaral ay kinikilala bilang mga may sapat na kakayahan sa pagkilatis ng mga ideya, kung kaya’t nasa posisyon na na ring mapag-iba ng mga ideyang aplikable o di aplikable. Kinikilala din ito sa tawag na adult education. II. PAG-ISA ISA Magbigay ng apat na mahahalagang salik na maaaring isama sa balangkas ng structured learning experience na maaring sundin ng guro para sa epektibong pagtuturo ng talakayin. III. PAGGAWA ng SANAYSAY Bakit kailangan pag-aralan ang paglikha ng mga lapit sa pagtuturo? (10 puntos) IV. PAGGUHIT Iguhit ang kung ano sa palagay mo ang epektibong teaching approach/ teaching strategy/ teaching aid para sayo. Sa ibaba ng guhit, tukuyin kung ano ito at magsulat ng maiksing sanaysay o paliwanag na tumatalakay kung bakit ito epektibo para sayo. (Pagguhit- 3 puntos, Paliwanag- 3 puntos)