www.thegomom.com Pang-uri vs Pang-abay Basahin ang pangungusap isulat ang PU kung ang salitang nakasalungguhit ay Pang-uri at PA kung ito ay pang-abay. Bilugan ang pangalan / panghalip / pandiwang tinutukoy ng salitang nakasalungghuit. ________ 1. Maraming bata ang nanood ng Ice Age 3. ________ 2. Mabilis ang tren na nasakyan namin sa Japan. ________ 3. Iginuhit ng makulay ni Samantha ang larawan. ________ 4. Siya ay mabait at masipag. ________ 5. Hinati ng nanay sa dalawa ang mangga. ________ 6. Kami ay pumupunta sa Baguio tuwing bakasyon. ________ 7. Masarap kumain si Joaquin kaya siya ay malusog at malakas. ________ 8. Ginupit ng pabilog ni Moira ang papel upang gamitin sa kanyang proyekto. ________ 9. Bumili si nanay ng dalawang pirasong mangga. ________ 10. Makulay ang larawan na iginuhit ni Samantha. ________ 11. Nagluto si nanay ng masarap na sinigang na baboy. ________ 12. Inuwi ko lahat ng libro kahapon. Mabigat ito kaya't sumakit ang aking likod. ________ 13. Hugis bilog ang mga ibon sa Angry Birds. ________ 14. Pinaandar ng mabilis ni Lance ang kanyang RC. ________ 15. Maganda ang tanawin sa Bohol. Worksheet made by www.thegomom.com. All rights reserved.