SIKOLOHIYANG PILIPINO: PERSPEKTIBO AT DIREKSYON PRESENTED BY: MARY ANNE PORTUGUEZ, MP, RPM DALAWANG BAHAGI Anyo ng sikolohiya sa kontekstong Pilipino Sikolohiya sa Pilipinas, Sikolohiya ng mga Pilipino, at Sikolohiyang Pilipino Paliwanag sa iba’t ibang uri ng konsepto sa Sikolohiyang Pilipino: 1. Mga katutubong konsepto, 2. konseptong bunga ng pagtatakda ng kahulugan, 3. ang pag-aandukha, 4. ang pagbibinyag, 5. paimbabaw na asimilasyon, at 6. mga ligaw at banyagang konsepto Ayon kay Cronbach (1975) mahahati ang sikolohiya sa dalawang disiplina at ang mga disiplinang ito ay alinsunod sa kung alin ang binibigyang-diin: Ang metodong eksperimental Ang metodong korelasyonal. Anong binibiyang diin ng metodong eksperimental? Nomotetikong pananaw ay tumutukoy as pagpapahalaga sa unibersal na katotohanan bilang layunin ng sikolohiya. Anong binibiyang diin ng metodong korelasyonal? Ideograpikong pananaw, nagbibigay halaga sa pag-aaral ng kaso. Ang indibidwal at ang partikular ang inuunawa. Ayon kay Watson (1968) Ang nagpahayag na ang mga ito ay “preskripsyon” sa sikolohiya ngunit ayon kay Virgilio Enriquez, ito raw ay isang isyu. May mga tapat na sikolohista na ang sikolohiya ay isang unibersal kaya naman may mga nag-iisip na ang SP ay isang anti-unibersal. 6 na mungkahi ng kategorya sa pag-aaral ng SP Kamalayan, tumutukoy sa damdami’t kaalamang nararanasan Ulirat, tumutukoy sa pakiramdam sa paligid Isip, tumutukoy sa kaalaman at pag-unawa Diwa, tumutukoy sa ugali, kilos, o asal Kalooban, tumutukoy sa damdamin Kaluluwa, daan upang mapag-aralan ang tungkol sa budhi ng tao MGA ANYO NG SIKOLOHIYA SA KONTEKSTONG PILIPINO Sikolohiya sa Pilipinas Pinakamalaki o ang kabuuang anyo sa Pilipinas. Ito ay bunga ng sunud-sunod na kaalamang may kinalaman sa sikolohiya sa bansang Pilipinas. Sikolohiya ng Pilipino o Sikolohiya ng mga Pilipino Maituturing ang bawat teorya ng sinumang nais mag-aral tungkol sa kalikasang sikolohikal ng mga Pilipino, maging Pilipino, o dayuhan ang sinasabing mag-aaral. MGA ANYO NG SIKOLOHIYA SA KONTEKSTONG PILIPINO Sikolohiyang Pilipino, na ayon kay Dr. Virgilio Enriquez, ay pansamantalang binigyang kahulugan, ito ay bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino. Isang analohiya upang maunawaan ang tatlong anyo: Taong-bahay, maaring maihalintulad sa sikolohiya ng mga Pilipino na kahit ang mga bisita ay maituturing na taong-bahay kung kanilang nanaising mamalagi sa bahay. Tao sa bahay, madalas na ating ginagawa dahil ito ay hindi na kailangang kusain, pag-isipan o sadyain. Ang mga taong napapadaan o bisita ay maaari rin nating matawag na tao sa bahay. Taumbahay, higit na malalim ito kumpara sa mga nauna. Ito ang mga taong talagang nakatira sa loob ng bahay. Ang Sikolohiya sa Pilipinas ay may aspetong maihahalintulad sa tao sa bahay na dalaw lamang samantalang ang Sikolohiyang Pilipino ay kahalintulad sa taong bahay sapagkat dapat na kusang tanggapin muna o pag-isipan upang mabuo o malinang ang mga aspetong teoretikal, metodolohikal, at empirikal ng nasabing sikolohiya. Ang kabuuang anyo ng Sikolohiya sa kontekstong Pilipino: Ang Sikolohiya sa Pilipinas Makikita ang kabuuang anyo ng ating Sikolohiya sa pag-aaral ng ating kasaysayan. Sina Bailen (1967), Demetrio (1975), at Jocano (1975) ay pinag-aralan ang tungkol sa mga Babaylan at Katalonan dahil dito makikita ang ating sikolohiya. Ating Pag-isipan Manana Habit Ningas-Kugon Filipino Time Ito ba ay ating sariling pag-uugali? Pag-iisip na nagmula raw sa dayuhan Ayon daw kay Lord Chesterfield, “Huwag mong ipagpabukas ang maaari mong gawin ngayon.” Si Balagtas mismo ay may pahayag sa wikang Tagalog, “...kung maliligo’y sa tubig aagap nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.” Ang mga ganitong kasabihan sa Pilipinas ay isa lamang pagpapatunay na hinid na bago sa atin umagap sa halip na magpabukas. “Ang liksi at sipag ay daig nang maagap,” na sa salitang kapampangan ay “Ing taung maagap, daig ne ing masipag.” Ang mababang pagtingin sa Sikolohista sa Pinas Isang dayuhang dumalaw sa Pinas na nagsabing, “Wala namang ginagawa ang mga Psychologists sa Pilipinas, ah.” “Psychology of, for , and by Filipinos” ang kanilang mambabasa ay hindi mga Pilipino sapagkat 6.05 dollars ang halaga. Ang sabi sa pahina 57, “Filipino psychologists have made only minimal direct contributions to the understanding of their own society.” Ang palasak na ano ng sikolohiya sa kontekstong Pilipino: Ang sikolohiya ng Pilipino Sikolohiya ng Pilipino ay yaong mga inaakalang katangian ng mga Pilipino at ng mga etnikong grupo sa Pilipinas, na para bang hanggang sa pag aaral ng mga katangian na lamang ang pagtaya sa sikolohiya ng mga Pilipino. Makikita ang konseptong panlalahat sa literatura at social studies. Ang “ningas-kugon,” pakikisama, hiya, utang na loob, amor propyo, bahala na, “Filipino Time,” “SIR,” at “manana habit” ay ilan sa mga katangian na pinangangalandakang katangian o ugali sa pakikipagkapwang Pilipino. Ano bang napapansin natin sa ating kultura? Impluwensyang panlalahat: Ano ang tingin natin sa mga Bikolano? Ilokano? Bisaya? Muslim? Kristiyano? Ang pangunahing suliraning umiiral sa anyong palasak ng sikolohiya sa kontekstong pilipino ay ang suliraning dulot ng paggamit ng mga TERMINONG NANLALAHAT! Mga saloobin ni Virgilio Enriquez Ang pagkatao na ginamit ni Guthrie (1971) noon para maisalin sa “humanity” ay hindi tama. Ang pagkatao ay nalalapit pa nga sa “personality.” “There is no such thing as Filipino food.” (Fay, 1970) Saloobin sa banyagang reimporsment na gumagana hindi lamang daw sa tao kundi pati na rin sa mga hayop. Hindi rin raw umuunlad ang Pilipino dahil kanyang sinisiraan ang kanyang kapwa. Ito ay mula sa pagaaral ng isang banyaga nagngangalang Guthrie. Nilalayong anyo ng Sikolohiya sa Pilipinas: Sikolohiyang Pilipinas Upang umunlad, huwag kumiling sa partikular o unibersal. Halimbawa, Kahit na alam na ng isang clinician ang mga batas ng pagkilos ay hindi nya pa rin ito maaaring magamit sa kanyang kaharap na tao Pag-aantas ng mga konsepto sa Sikolohiyang Pilipino ayon sa lapit o layo nito sa karanasang Pilipino o impluwensyang banyaga at pagkapartikular o pagkaunibersal ng pinapaksa. Karanasang Pilipino K Katutubong konsepto (hal. Salimpusa, Jocano 1975.) Pagtatakda ng kahulugan (hal. gunita, Alfonso 1974) Pagaandukha(hal.pagkilatis, Adea (1975) Kultura Henetika P (Partikular) (Unibersal) U Pagbibinyag (hal. Hiya, Bulatao 1969 Paimbabaw na asimilasyon (hal. Reimporsment) Impluwensyang Ligaw B Banyagang konsepto (hal. Home for the aged, prejudiced Katutubong Konsepto Maraming mga konseptong Pilipino ang hindi pa talaga napag-aaralan at ang konseptong ito ay naiiba sa kanluraning ideya. Hal. Attitude, salitang saling-pusa na salita. “Saling-pusa” ay hindi makikita sa anumang aklat ng Amerikano. Ang salitang ito ay nagbibigay kahulugan ukol sa pagbibigay halaga ng mga Pilipino sa damdamin ng kanilang kapwa. “Pamasak-butas” . Ang mararamdaman ng isang Pilipino kung siya ay inaya sa isang kasiyahan at nalaman niyang hindi siya ang unang inimbita.Totoo ba ito? Katutubong Konsepto Pagkapikon. Isang natural na konsepto sa atin dahil buhay na buhay ang kultura natin. Isa pang makabagong konseptong Pilipino sa larangan ng sikolohiyang panlipunan ang “Balikbayan.” Ito ay konseptong patakaran ng gobyerno na hikayatin ang mga Pilipino na umuwi at dumalaw sa Pinas. Makabuluhan ang konsepto ng balik-bayan. Ano ang dahilan ng kanyang pagbabalik? Ano ang kanyang inaasahan? Bakit may iba ay naging balikyabang? Konseptong Bunga ng Pagtatakda ng Kahulugan Mas mabisa ang pagtatakda ng kahulugang teknikal sa isang konseptong makahulugan na sa Pilipino. Halimbawa, hindi kinakailangan na baguhin ang mga salitang “alaala” at “gunita.” Kung titignan, ang salitang ito ay may kinalaman sa “memory” kung pagbabatayan ang salitang teknikal. Ano ang pagkakaiba ng dalawa? Ang gunita ay inihahanay sa “recall” samantalang ang “alaala” ay pansamantalang katumbas sa higit na malawak na “memory.” “Tagapagbatid” at “kalahok” na naididikit sa “subject” Pag-aandukha Pagbibigay ng katutubong kahulugan sa ideya at salitang hiram Kung minsan ang pinagmumulan ng salita ay sa banyaga kaya ito ay inaandukha. “Seizing one’s opportunity” o “If you have a chance to take advantage of it” na sa pananaw raw ng Pilipino na tila naman yata may “kagarapalan.” “Paniniyansing” at paano naman lumitaw ito. Dahil gaya daw ninuman hindi pwede ang basta hawak nang hawak kung kani-kanino sa kulturang Pilipino. Ang Pagbibinyag Ito ay tumutukoy hindi lamang sa mga ritwal sa pananampalataya kundi maging sa paggamit ng katutubong salita para sa pandaigdigang konsepto ng “hiya”, “utang na loob,” at “pakikisama.” Kailangan na maunawaan mabuti ang mga salita at kung paano ito ginagamit. Hal. “Hindi ngayo’t napahiya ay nagiging kahiya-hiya na rin o nangangahulugang walang hiya.” Isang paglilinaw rin sa konseptong “Impression Formation.” Ano ba ang ginagawa ng isang Pilipino kapag kinikilala nya ang kanyang kapwa? Paimbabaw na Asimilasyon ng Taguri a Konseptong Hiram May mga konsepto at teoryang masasabing matagal nang namamalasak sa bokabolaryo ng mga sikolohistang Pilipino subali’t ang mga kahulugan nito’y tiwalag sa karanasang Pilipino. Hal: ang need achievement ay hiram o ligaw na kailangan pang masuring mabuti. “Standard of Excellence” Kapag ang Pilipinong estudyante ay handa sa kanyang pagsusulit at tinanong siya kung nakapag-aral siya. Hindi niya sinasabi na “Oo” at “Ay, oo. Alam na alam ko iyan.” Ang mga ligaw at banyagang konsepto Tinalakay ni Gamboa (1975) ang tungkol sa home for the agedna para bang nalulungkot siya at kakaunti lamang daw ang mga ito sa bansa. Isa pang koseptong kailangan ding masuri ay ang konsepto ng “prejudice.” Iba ito sa “stereotypes.” Ang prejudice ay may kabigatan. “Kung ito ay gustong pag-aralan ng isang siyentipiko ng lipunan, kailangan niyang magtungo sa ibang lugar at mas marami siyang makikita doon. Mahihirapan siya dito...Medyo ayaw lang ng Pilipino sa ganito o mas gusto niya ang gayon. Pero hindi naman ‘prejudice.’ Siguro ‘preference’ pero hindi ‘prejudice.’” Mga Mungkahi Pag-aangkop ng teorya na hindi pa nasusuri at napatunayang makabuluhan sa buhay at lipunang Pilipino. Iwasan ang bulag na pagsunod sa alinmang pagbabago sa sikolohiya sa ibang bansa. Mahalaga ito upang magkaroon ng mapanuri at orihinal na pag-aaral. Magkaroon ng pagkakaisa at komunikasyon ang mga mananaliksik sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas, sapagkat ito’y tanda ng pagkilala at pagpapahalaga ng Pilipino sa kanyang kakayahan. Linangin ang pagtitiwala at paggalang sa sariling kakayahan sapagkat ang higit na pagtitiwala sa sarili ay siyang magiging daan tungo sa mga impormasyon at teoryang banyaga.