P.2

advertisement
2
Bangkay ng 49 pulis, nagkalat sa palayan P.2
TAON XLIII Blg. 58 Martes, Enero 27, 2015
Photo by Manny Llanes
R10.00
Mayor Junjun Binay
ARREST
JUNJUN
Mayor Binay: Wala akong
kalaban-laban Istorya sa P.2
Binantaan ang Binasted, 3 magkakapatid,
tiyo ng granada, nagtangkang patay sa sunog
arestado P.2 magbigti P.5
Pahina 2
Aktor, nawalan
Andi at Jake,
nagkabalikan
na naman P.9
MJ Lastimosa, Marc at Rovilson,
bigo sa Miss hosts ng ‘Asia’s Got
Universe P.8 Talent’ P.10
P.11
Korean,
dinukot
sa P.5
Sibugay
ng ningning sa P.9
P.9
nilipatang network
Scavenger, P.2
nagbigti sa
puno ng narra
NALAGASAN Idiniskarga mula sa
isang police van, nagtulung-tuong
ang mga operatiba ng Philippine
National Police sa pagbuhat sa
bangkay ng kanilang kabaro na
kabilang sa 49 na miyembro ng
Special Action Force na napatay
sa engkuwentro sa puwersa ng
Moro Islamic Liberation Front sa
Bgy. Tukanalipao, Mamasapano,
Maguindanao, noong Linggo.
REUTERS
Jake
Cuenca,
pumoporma
sa ex-GF
na Jake
Ejercito?
P.9
2
martes, enero 27, 2015
Mayor Binay, 5 iba pa,
ipinaaresto ng Blue Ribbon
Ni LEONEL ABASOLA
Ipinaaresto na ng Senate Blue
Ribbon Committee (BRC) si Makati
City Mayor Jejomar Erwin “Junjun”
Binay at limang iba pa dahil sa
patuloy na hindi pagdalo ng mga ito
sa mga pagdinig ng lupon hinggil sa
kontrobersiyal na Makati City Hall
Building 2 at iba pang umano’y mga
katiwalian sa siyudad.
Ayon kay Senator Teofisto “TG”
Guingona III, chairman ng Blue Ribbon
Committee, binigyan nila ng sapat
na pagkakataon ang mga naturang
opisyal pero isa lang ang tumalima
sa inilabas nilang subpoena kaya
sinampahan na nila ng contempt ang
grupo ni Binay.
Agad na inatasan ni Guingona
ang Office of the Senate Sergeant at
Arms (OSSA) na isilbi ang detention
order laban kay Mayor Binay.
Tanging si Prof. Tomas Lopez
ang nakaligtas sa mga ipinaaresto
matapos na lumiham ito sa komite at
nangako na dadalo na sa pagdinig sa
Pebrero 2.
Sa paglilinaw ni Sen. Antonio
Trillanes IV, sinabi naman ni Blue
Ribbon Sub-committee Chairman
Sen. Aquilino Pimentel III na sakaling
hindi dumalo si Lopez sa susunod na
pagdinig ay ipaaaresto na rin nila
ito.
Si Lopez ang presidente ng
University of Makati (UMAK), na
iniimbestigahan din ng lupon dahil
sa umano’y overpricing ng gusali, at
board member ng Pag-IBIG Fund.
Kabilang din sa mga ipinadarakip
sina Eduviges “Ebeng” Baloloy,
Marjorie de Veyra, Atty. Eleno
Mendoza, Engineer Line dela Peña,
at Bernadette Portallano.
Nauna nang sinabi ng kampo ni
Mayor Binay na igagalang nila ang
anumang pasya ng Senado hinggil sa
patuloy niyang pagtanggi na dumalo
sa mga pagdinig.
Mayor Binay: Wala akong kalaban-laban
Handa si Makati City Mayor Junjun
Binay na magpakulong bilang tugon
sa desisyon ng Senate Blue Ribbon
Committee na ipaaresto siya, kasama
ang anim pang opisyal ng lungsod, sa
hindi pagsipot sa pagdinig sa umano’y
overpriced Makati City Hall Parking
Building 2.
Sa harap ng kanyang mga
tagasuporta, sinabi ni Mayor Binay na
hihintayin niya sa city hall ang Senate
Sergeant of Arms at boluntaryo siyang
sasama sa opisyal bilang pagtalima sa
detain order na ipinalabas ng Senado.
Nilinaw
ng
alkalde
na
magpapakulong siya dahil mali na,
aniya, ang ginagawa ng Senate Blue
Ribbon Committee, na pinamumunuan
ni Sen. TJ Guingona, at sub-committee
nina Senators Koko Pimentel, Alan Peter
Cayetano at Antonio Trillanes IV.
“Batid ko po na ako ay isang mayor
lamang kung ihahambing sa malalaki at
makapangyarihang senador ng Senate
Blue Ribbon sub-committee,” pahayag
ni Binay, “at kahit minsan ay hindi ko po
inisip na kalabanin ang Senado.”
“Ngunit napansin ko po na ang
katotohanang gusto nilang paniwalaan
at panigan ay ‘yun galing sa mga nagaakusa sa amin na walang ebidensiya,”
pahayag ng alkalde.
Bukas ang kampo Binay sa pagdulog
sa korte, partikular sa Korte Suprema,
upang iapela ang desisyon at maghain
ng motion for reconsideration.
Umapela ng dasal ang pamilya
Binay sa mga residente ng Makati at
sa sambayanang Pilipino at umaasa sa
pagpapasya ng publiko at hukuman sa
tamang panahon.
Bella Gamotea
Bangkay ng 49 na pulis, nagkalat sa palayan
Ipinaabot ni Pangulong Benigno
S. Aquino III ang kanyang taimtim na
pakikiramay sa kaanak ng mga tauhan ng
Philippine National Police-Special Action
Force (PNP-SAF) na nasawi sa sagupaan
noong Linggo sa Barangay Tukanalipao,
Mamasapano, Maguindanao.
Umabot na sa 49 na miyembro ng
PNP-SAF, kabilang ang pitong opisyal, ang
namatay sa pakikipagbakbakan sa mga
kasapi ng Moro Islamic Liberation Front
(MILF) bunga ng umano’y pagtatangkang
ihain ang warrant of arrest laban kay
Zulkifi bin Hir, alyas “Marwan”, na isang
Malaysian bomb expert, at kasamahan
nitong si Basit Usman, na may patong sa
ulo na US$5 million at US$1 million.
Sinabi ni Chief Supt. Getulio Pacua
Napenas, director ng PNP-SAF, na
bandang 11:00 ng umaga ay umabot na
sa 21 bangkay ang narerekober habang
patuloy pang pinaghahanap ang iba pang
bangkay.
Ayon sa ulat, karamihan sa mga
napatay na pulis ay hindi lang pinagtataga
kundi pinugutan pa.
Apat naman sa panig ng MILF ang
nasawi sa bakbakan.
Samantala, mariing nanindigan
ang pamunuan ng PNP na wala silang
nilabag sa isinagawang operasyon ng
PNP-SAF.
Ito ang tugon ng PNP sa alegasyon
ni MILF Peace Panel Chairman Mohager
Iqbal, na nagsabing paglabag sa ceasefire
agreement ang ginawang pagsalakay ng
mga pulis sa sinasabing kuta ng mga
rebelde sa Barangay Pidsandawan.
Giit ni Napenas, batid nilang may
umiiral na peace talks ang gobyerno
sa MILF kaya nakipag-coordinate sila
sa grupo bago ilunsad ang nasabing
operasyon.
Dakong 3:00 ng umaga nitong Linggo
nang sumalakay ang may 100 miyembro
ng PNP-SAF, na binunot sa mga police unit
mula sa Manila, CARAGA at Zamboanga
bilang reinforcement sa operasyon sa
Mamasapano.
Dakong 5:00 na ng hapon nang
matapos ang bakbakan na sinasabing apat
sa mga nasawing pulis ay mga opisyal at
isa rito ay si Senior Insp. Garry Erana, 28,
na itinuturing na “baron” ng Philippine
National Police Academy (PNPA) Class
2009 Baron.
Beth Camia
Nagbanta sa tiyuhin gamit ang granada, arestado
Arestado ang isang 27-anyos na lalaki
matapos pagbantaan ang kanyang tiyuhin
na pasasabugin ito gamit ang isang
granada sa kanilang bahay sa Tondo,
Maynila kamakalawa ng gabi.
Ayon sa pulisya, ito ay matapos
makipagtalo ang suspek na si Lester
Torres sa kanyang ina na si Analiza sa
kanilang bahay sa Solis Street sa Barangay
164, Zone 14, Tondo, dakong 9:30 ng gabi
noong Linggo.
Nang tangkain ni Rogel Gonzales,
tiyuhin ni Lester, na mamagitan sa pagtatalo
ng mag-ina ay ikinagalit ito ng suspek na
biglang bumunot ng granada.
Habang hawak ang safety pin,
binantaan ni Lester si Rogel na pasasabugin
niya ang granada kapag hindi tumigil sa
pakikialam ang kanyang tiyuhin.
Agad na humingi ng tulong si Gonzales
sa mga opisyal ng barangay, sa pamumuno
ni Chairperson Angelita de los Reyes, upang
pakalmahin si Torres.
Matapos ang ilang oras na
pakikipagnegosasyon ni Reyes, sumuko
si Torres sa awtoridad kasama ang
kanyang granada. Nabawi rin sa suspek
ang dalawang patalim na kanyang itinago
sa mga labada.
Rachel Joyce E. Burce
balita
Ni Jun
Ramirez
HABANG NASA LAMAY ANG MGA MAGULANG
3 magkakapatid, natusta
sa sunog sa Cagayan
Ni Freddie G. Lazaro
BUGUEY, Cagayan – Patay
ang tatlong batang magkakapatid
matapos na hindi makalabas sa
nasusunog nilang bahay sa Barangay
San Lorenzo, Buguey, Cagayan
kamakalawa.
Kinilala ni Senior Insp. Saturnino
Soriano, hepe ng Buguey Police,
ang mga biktima sa mga pangalang
lamang “Ashley,” 10-anyos; “Elvin”,
7; at “Mark,” 6, pawang residente ng
Bgy. San Lorenzo, Buguey.
Iniwan
ang
tatlong
magkakapatid ng kanilang
magulang dahil nakipaglamay
ang mga ito sa isang burol sa
kapitbahay.
Suspetsa ng pulisya na
posibleng
may
naiwang
nagbabagang kahoy sa kusina ng
bahay ng mga biktima ay ito ang
pinagmulan ng sunog.
Hindi rin matiyak ng awtoridad
kung ikinandado ng magulang ng
mga biktima sa bahay kaya hindi
nakalabas ang mga ito.
Ex-Rep. Syjuco, pinakakasuhan
sa ghost purchase ng cell phones
Ex-Rep. Judy Syjuco
Ipinag-utos ng Office of the
Ombudsman ang paghahain ng
kasong graft laban kay dating Iloilo
Congresswoman Judy Syjuco at ilang
opisyal ng Department of Transportation
and Communication (DoTC) kaugnay ng
umano’y “ghost purchase” ng P6.2-milyon
halaga ng cell phone noong 2004.
Sinabi ni Ombudsman Conchita
Carpio Morales na inirekomenda ng mga
imbestigador ang paghahain ng kaso laban
kay Syjuco at sa kanyang mga kasamahan
matapos makakalap ng sapat na ebidensiya
na sangkot ang mga ito sa anomalya sa
pagbili ng 1,582 unit ng Nokia cell phone.
Kabilang sa mga kakasuhan sina
DoTC Bids and Awards Committee (BAC)
Chairman Domingo Reyes Jr.; BAC ViceChairman Elmer Soneja; mga director
ng BAC na sina Rebecca Cacatian at
Ildefonso Patdu Jr.; mga legal officer
na sina Geronimo Quintos at Director
Venancio Santidad; Marcelo Desiderio
Jr., DoTC inspector; Danilo Dela Rosa,
technical inspector; at isang private
respondent na si Domingo Samuel
Jonathan Ng, may-ari ng West Island
Beverages Distributor (West Island).
Sinabi ni Morales na nagpalabas si
Syjuco ng pondo ng gobyerno upang
mabayaran si Ng bagamat walang
nangyaring bidding.
Bigo rin, aniya, ang West Island na
magpakita ng certificate of exclusivity.
Bukod dito, hindi rin ito awtorisadong
supplier ng cell phone dahil ito ay
distributor lamang ng Smart Value
Credits.
Ayon kay Morales, wala ring
natanggap na cell phone ang lokal na
pamahalaan ng Iloilo dahil wala ni isang
unit ang nai-deliver ng West Island.
Umamin din si Ng na natanggap
niya ang P5.9 milyon bilang kabayaran
habang nakasaad sa disbursement
voucher na ang mga cell phone ay
gagamitin ng tanggapan ni Syjuco.
Jun Ramirez
Scavenger, nagbigti sa puno ng narra
Isang 29-anyos na scavenger
ang nagpagkamatay sa pagbibigti
sa isang puno ng narra sa Paco,
Maynila nitong Linggo ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Noel
Berongoy, residente ng 14 Cristobal
Street, Paco.
Batay sa report ni Detective
Mario Asilo, ng Manila Police
District
(MPD)-Homicide
Section, dakong 6:45 ng gabi nang
madiskubre ang pagpapakamatay
ng biktima sa puno sa Quirino
Extension, malapit sa Paz Street,
sa Paco.
Huling nakita ng ilang
kabataan na buhay ang biktima
na ‘tila aburido habang
nagpapabalik-balik sa lugar
hanggang sa nakita na lang ito
na nakabigti sa puno gamit ang
isang electrical wire.
Inaalam na ng pulisya
ang tunay na dahilan sa
pagpapatiwakal.
Mary Ann Santiago
3
balita martes, enero 27, 2015
Dagdag Balita
Wanted na magkapatid,
arestado
Sa kulungan bumagsak ang
magkapatid na lalaki na umano’y No. 6
sa listahan ng mga wanted kaugnay sa
pagbebenta ng shabu, matapos silang
madakip ng mga awtoridad sa Valenzuela
City, kamakalawa ng hapon.
Ayon kay P/ Sr. Supt. Rhoderick C.
Armamento, hepe ng Valenzuela Police,
paglabag sa RA 9165 (illigal possession of
dangerous drugs) ang kinakaharap na kaso
ng magkapatid na Larry at Gerry Guache,
mga residente ng Dulong Tangke, Barangay
Malinta ng nasabing lungsod.
Sa panayam kay Chief Inspector Allan
R. Ruba, head ng Station Anti-Illegal DrugsSpecial Operation Task Group (SAID-SOTG),
bandang 4:30 ng hapon ng magsagawa sila
ng anti–illegal drug operation sa nasabing
lugar. Nakuha sa mga suspek ang limang
gramo ng shabu.
Orly L. Barcala
Healthy carinderia,
hinikayat sa Marikina
Pinaalahanan ng Pamahalaang
Lungsod ng Marikina, sa pamamagitan
ng Nutrition Section ng City Health Office,
ang mga may-ari ng karinderya at mobile
vendors na hangga’t maari ay iwasan
ang mamantekang pagkain at imbes ay
masustansiyang putahe ang ihahain at
panatilihin ang kalinisan.
“Batid natin na ang mga Pilipino ay
likas na mahilig kumain, ngunit kasabay
ng pagkonsumo ng maraming pagkain ay
mga sakit tulad ng obesity, sakit sa puso
at iba pa. Kung kaya naman tayo rito sa
Marikina, nais nating bigyang paalala ang
mga residente na kumain nang sapat at
masustansyang pagkain upang makaiwas
sa anumang sakit. Iwasan din ang
sobrang dami ng sangkap o pampalasang
nakasasama sa kalusugan,” payo ni Dr.
Alberto Herrera.
Namahagi ang CHO ng recipe book,
information materials, tissue box at
apron para maipatupad ang nabanggit na
panuntunan.
Mac Cabreros
2 pusher, huli sa
buy-bust sa mall
Dalawang miyembro ng big time drug
syndicate ang inaresto ng mga tauhan
ng Philippine National Police makaraang
makumpiskahan ng P 1 milyon halaga ng
shabu sa anti–illegal drug operation sa
isang mall sa Quezon City, iniulat ng pulisya
kahapon.
Kinilala ng PNP Anti-Illegal Drugs Special
Operations Task Force (AIDSOTF) ang mga
hinihinalang tulak ng iligal na droga na
sina Alvin Rodrigo at Mark Joseph Mercado,
pawang nasa hustong gulang at walang tiyak
na tirahan sa Lungsod Quezon.
Base sa report, dakong 5:00 ng hapon
kamakalawa nang maaresto sa buy-bust
operation ng mga operatiba ng PNP-AIDSOTF
sina Rodrigo at Mercado sa loob ng SM City
Fairview mall sa Barangay Pasong Putik,
Quezon City. Nakuha sa kanila ang kalahating
kilo (500 gramo) ng shabu na may street
value na P1 milyon at P900,000 marked
money.
Jun Fabon
APEC opening, binulabog
ng protesta
Ni FRANCO G. REGALA
CLARK
FREEPORT,
Pampanga –Naging mapayapa
ang pagbubukas ng dalawag
linggong APEC-First Senior
Officials’ Meeting and Related
Meeting (SOM1) kahit na may
ilang nagprotesta sa labas ng mga
venue, sinabi ng Police Regional
Office (PRO3) noong Lunes.
Sinabi ni Chief Supt. Ronald
Santos, PRO3 officer-in-charge,
na may iilang mga rallyista ang
nagtipon sa bakuran ng Clark para
magdaos ng kilos protesta noong
Lunes ngunit napanatili ng mga
awtoridad ang maximum tolerance
upang matiyak ang mapayapang
protesta.
“The protest actions were
expected and we are exercising
maximum tolerance for the entire
summit to ensure peace,’’ ani
Santos.
Karamihan sa mga nagprotesta
ay ang mga tindera na ang mga
puweto ay giniba ng Clark
Development Corporation (CDC)
upang palawakin ang lugar.
Tiniyak ni Santos na walang
nasaktan at naging maayos ang
protesta.
Idinagdag ng PRO3 OIC na
nagtalaga sila ng mga puwersa
mula sa Regional Public Safety
Battalion (RPSB3), Nueva Ecija at
Tarlac Police Provincial Offices sa
Clark-Subic upang matiyak ang
maximum police presence.
Upang matiyak na walang
magiging aberya sa mga
pagpupulong, sinabi ni Santos na
magpupulong araw-araw ang Site
Task Group “Clark-Subic” upang
siguraduhing “no single detail is
being overlooked.’’
Ang mga delegado ng
APEC-SOM1 ay magdadaos
ng pagpulong dito hanggang
sa Pebrero 7 upang talakayin
ang mga usapin sa regional
development and economic
policies, at iba pa.
PAPUGAY SA MGA BAYANI Naka-half mast ang bandila ng
Pilipinas sa harapan ng National Head Quarters Philippine National
Police (PNP) sa Camp Crame sa Quezon City bilang papugay sa 43
miyembro ng PNP-Special Action Force na namatay sa engkuwentro sa
mga tauhan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano,
Maguindanao noong Linggo, Enero 25, 2015.
VALERIA SORRENTI
Appointment ni Duque, labag sa konstitusyon -SC
Idineklara ng Korte Suprema na
labag sa Konstitusyon ang Executive
Order na inisyu ni dating Pangulong
Gloria Arroyo na nagtatalaga kay Civil
Service Chair Francisco Duque bilang
ex-officio member ng Board of Directors/
Trustees ng Government Service
Insurance System (GSIS), Philhealth,
Employees Compensation Commission
(ECC) at Home Development Mutual
Fund o PAG-IBIG Fund.
Ang posisyon na ibinigay kay
Duque ay may kinalaman sa kanyang
panunungkulan bilang chairman ng
CSC.
Sa desisyon na sinulat ni Associate
Justice Lucas Bersamin, partikular
nitong idineklara na unconstitutional
ang Executive Order No. 864 na inisyu ni
dating Pangulong Gloria Arroyo noong
Pebrero 22, 2010.
Ayon sa Korte Suprema, labag ang
kautusan sa Sections 1 and 2 ng Article
9-A ng Saligang Batas, probisyon tungkol
sa Constitutional Commission.
Sa ilalim ng dalawang probisyon,
ang CSC bilang isang Constitutional
Commission ay dapat na maging
independent at sinumang miyembro
ng Constitutional Commission ay dapat
walang hawak na ibang tanggapan o
propesyon na makakaapekto sa kanyang
tungkulin.
Nag-ugat ang kasong ito sa inihaing
petisyon ni Dennis A.B. Funa dahil sa
paniwalang nilalabag ng EO 864 ang
independence ng CSC.
Nilinaw naman ng Korte Suprema
na ang lahat ng opisyal na hakbang ni
Duque bilang Director o Trustee ng mga
nabanggit na GOCC ay valid o may bisa.
Ito umano ay para maprotektahan
ang integridad ng pakikipagtransaksyon
ng publiko sa mga nasabing ahensya.
Beth Camia
De Lima sa NBI agents: Hinaing ‘wag sa media agad
Pinayuhan kahapon ni Justice
Secretary Leila de Lima ang mga
ahente ng National Bureau of
Investigation (NBI) na nataasang
magbantay sa 19 na high profile
inmates na nakapiit sa detention cell
na iparating sa kanilang direktor ang
kanilang mga hinanaing sa halip na
ilabas ito agad sa media.
Ang pahayag ay ginawa ni
de Lima matapos maiulat na ilang
NBI agents na nagbabantay sa mga
inmates ay nagkakasakit na dahil sa
mas mahabang oras na duty kasunod
na rin ng mas mahigpit na seguridad
na ibinibigay sa mga inmates.
“I don’t understand kung bakit
publicly airing yung mga hinanakit
nila kaagad yung mga hinaing nila,
andali namang iresolve nung mga
ganyan for as long as nakakarating sa
kinauukulan,” paliwanag ni de Lima.
Aniya,
wala
pa
siyang
impormasyon sa ngayon na may
nagrereklamo sa NBI, gayunpaman
kung may mga ganito umanong
insidente ay mainam na maresolba sa
pamamagitan din ng pakikipag-usap
kay NBI Director Virgilio Mendez.
Beth Camia
Daigdig
Japan, hinihimay
ang IS video
TOKYO (AP) — Nakipag-ugnayan ang
Japan noong Lunes sa Jordan at iba pang
mga bansa upang sagipin ang isang bihag
ng grupong Islamic State.
“We all have one unchanged goal and
we will absolutely not give up until the end.
And with that faith, we will try our utmost
to reach that goal. That’s how it is,” sinabi
ni Yasuhide Nakayama, Japanese deputy
foreign minister na ipinadala sa Amman,
Jordan, upang tugunan ang krisis.
Sa Tokyo naman, sinabi ni government
spokesman Yoshihide Suga na pinagaaralan pa ng mga mamamahayag ang
video na ipinaskil sa online na nagsasabing
pinugutan na ang isa sa mga bihag na si
Haruna Yukawa.
Nasa crisis mode ang gobyerno simula
nang sabihin ng Islamic State group sa isang
online video noong Enero 20 na hawak
nito ang dalawang Japanese hostage at
nagbantang papatayin sa loob ng 72 oras
kapag hindi nagbayad ng $200 million.
Pumaso ang deadline noong Biyernes.
Nakasentro ngayon ang atensiyon sa
pagsagip kay Kenji Goto, 47, journalist, na
ipinakita sa video, na hawak ang litrato ni
Yukawa. Kasabay ng litrato ang recording
ng isang boses na nagpapakilalang si Goto,
sinabing hindi na humihingi ng ransom
ang mga dumukot sa kanya kundi nais na
ng prisoner exchange.
‘Lizard Squad’ hackers,
inatake ang Malaysia Airlines
KUALA LUMPUR (AFP)—Sinabotahe
ang Malaysia Airlines website noong
Lunes ng mga hacker na sinasabing
may kaugnayan sa Islamic State jihadists
at nagpailalang kabilang sa “Lizard
Squad.”
Ang front page ng website ay pinalitan
ng imahe ng isang tuxedo-wearing lizard,
at mababasang “Hacked by LIZARD SQUAD
— OFFICIAL CYBER CALIPHATE”.
Mayroon din itong headline na “404
– Plane Not Found”, isang pagtukoy sa
misteryosong paglaho ng flight MH370
ng airlines sakay ang 239 katao noong
nakaraang taon.
Ayon sa ulat ng media ang ibang
bersyon ng takeover sa ilang rehiyon ay
may mga katagang “ISIS will prevail”.
Ang Lizard Squad ang grupo
ng hackers na sumabotahe sa Sony
PlayStation Network at Microsoft’s Xbox
Live network noong nakaraang buwan.
Tsipras, wagi sa
Greek election
ATHENS (Reuters) – Nangako si Greek
leftist leader Alexis Tsipras noong Linggo
na tapos na ang limang taon ng pagtitipid,
“humiliation and suffering” na ipinataw ng
international creditors makaraang magwagi
ang kanyang Syriza party sa snap election
noong Linggo.
Sa mahigit 99 porsiyentong nabilang
na boto, nakuha ng Syriza ang 149 puwesto
sa 300-seat parliament, sa 36.3 porsiyento
ng mga boto, lamang ng 8.5 puntos sa
conservative New Democracy party ni Prime
Minister Antonis Samaras.
4
martes, enero 27, 2015 balita
KASUNOD NG ENGKUWENTO NG MILF SA SAF
Pagdinig sa BBL Law, sinuspinde
Ni LEONEL ABASOLA
Sinuspinde ni Senator Ferdinand
Marcos Jr. ang lahat ng pag-uusap at
pagdinig sa Bangsamoro Basic Law
(BBL) kasunod ng pamamaslang sa
30 miyembro ng Philippine National
Police-Special Action Force (PNPSAF) sa bayan ng Mansapang sa
Maguindanao nitong Linggo.
Ayon kay Marcos, hanggang hindi
nagkakaroon ng linaw kung anong grupo
ang nakasagupa ng SAF ay hindi muna
magkakaroon ng pagdinig ang Senado
sa panukala.
Una nang napaulat na mga
miyembro ng Moro Islamic Liberation
Front (MILF) ang nag-ambush sa mga
kasapi ng PNP-SAF, katuwang pa umano
ang Bangsamoro Islamic Freedom
Fighters (BIFF).
“I decided to suspend indefinitely
all discussions and hearings related to
the passage of the Bangsamoro Basic
Law until this is clarified. We cannot in
conscience, proceed with these hearings
while a cloud of serious doubt hangs over
the security situation in the south. A peace
agreement cannot be legislated under the
threat of such extreme violence. Violence
has no room in a civilized society,” ani
Marcos.
Inaasahang magiging ganap
na batas ang BBL ngayong taon para
mabigyang-daan naman ang kapayapaan
sa Mindanao.
Isinusulong ang pagpapatibay sa BBL
para sa pagtatatag ng bagong rehiyon sa
bisa ng kasunduang pangkapayapaan ng
gobyerno sa MILF.
Kinondena ni Marcos ang huling
karahasan at ang paggamit ng MILF ng
dahas para ikanlong ang mga terorista.
Magsisilbi sana ng warrant of arrest
ang SAF laban sa Malaysian bomb
maker na si Zulkifli bin Hir, sa Barangay
Tukanalipao at kay Basit Usman nang
sumiklab ang engkuwentro.
Katwiran naman ni Von Al Haq,
vice chairman for military affairs
ng MILF, walang koordinasyon sa
kanila ang SAF at malinaw na isa itong
paglabag sa peace agreement.
SUSPENDIDO Nagdidiskusyon sina Senators Miriam Defensor-Santiago
at Ferdinand “Bongbong” Marcos sa pagdinig ng Senado sa usaping
konstitusyunal ng Senate Bill No. 2408 o Bangsamoro Basic Law.
TONY PIONILLA
Punong Ehekutibo ng isang chairman matapos
mag-adjourn ang Kongreso sa Marso.
Naniniwala ang paretirong Comelec
chairman na susundin ng Malacañang ang
tradisyon sa Comelec na pagtatalaga ng
isang senior official sa puwesto, pahayag ni
Brillantes.
Kung siya ang tatanungin, ang pambato
ni Brillantes sa posisyon ay si Commissioner
Christian Robert Lim bilang pinaka-senior sa
apat na commissioner.
“Kasama ko na siya noon pang 2010 at
alam na niya ang background ng mga gawain
dito. Ang tatlong iba ay mga bagito pa,” ayon
kay Brillantes.
Inaasahan ni Brillantes na kanilang
tatalakayin ang isyu sa posibleng
pagtatalaga ng acting chairman sa huling
en banc session bukas, Enero 28.
Magreretiro rin sa serbisyo sa
Pebrero 2 sina Commissioners Lucenito
Tagle at Elias Yusoph kaya ang maiiwan
sa en banc ay apat na commissioner na
kinabibilangan nina Li, Al Parreno, Luie
Guia at Arthur Lim.
At dahil apat na lang ang matitirang
commissioner, sinabi ni Brillantes na
dapat din nilang talakayin ang bubuo ng
dalawang division ng Comelec.
Leslie Ann G. Aquino
Tulong sa OFWs ni King Abdullah,
pinahalagahan ng Palasyo
Malaking
tulong
ang
naipagkaloob sa mga overseas
Filipino worker (OFW) sa Middle
East ni King Abdullah, ang yumaong
hari ng Kingdom of Saudi Arabia
(KSA).
Ito ang nakapaloob sa pahayag
ni Pangulong Benigno S. Aquino
III sa pakikiramay ng gobyerno ng
Pilipinas sa mga naulila ng hari.
Inihalimbawa ni Presidential
Deputy Spokesperson Abigail Valte
ang naging tulong ng yumao para sa
kapakanan ng mga OFW, kabilang
ang pagbibigay ng clemency sa ilang
Si Alighieri
Enero 27, 1302 nang ipinatapon
ang makata at pulitikong si Dante
Alighieri (1265-1321) mula sa
Florence sa loob ng dalawang
taon, matapos siyang kasuhan
sa pagbebenta ng political posts.
Inatasan din siyang magmulta ng
5,000 lire, at pinagbawalan nang
maglingkod sa gobyerno habang
buhay. Nabalitaan ito ni Dante
habang siya ay nasa Siena.
Bago naparusahan, ipinag-utos
ni Dante ang pagpapatapon sa
kanyang mga kaaway sa pulitika,
at inakda ang “The Divine Comedy”
upang protektahan ang kanyang
pamilya sa mga pag-atake mula sa
iba’t ibang bayan.
Nagmula si Dante sa isang
simple at disenteng pamilya.
Binatilyo siya nang magsimulang
magsulat ng mga tula, at nagsilbing
inspirasyon
niya
ang
mga
kilalang makata. Mula 1302, ilang
lungsod at kastilyo ang naglaan
ng matutuluyan para sa kanya.
Noong 1310, idineklara ni Dante
ang pagdating ng tagapagligtas,
sa isang liham na para sa mga
Italyano.
Taong 1321 nang masawi siya
sa Ravenna dahil sa malaria.
MMDA, may 3 kondisyon
sa EDSA rehabilitation work
Acting chairman para sa Comelec, posible—Brillantes
Bunsod ng nakaambang pagreretiro
ni Commission on Elections (Comelec)
Chairman Sixto Brillantes sa Pebrero 2,
dapat mamili sa isa sa apat na nakaupong
commissioner ng poll body kung sino
ang tatayong acting chairman habang
hinihintay ang mapupusuan ni Pangulong
Benigno S. Aquino III bilang kapalit ni
Brillantes.
“Hindi natin inaasahan na magtalaga
agad ang Pangulo ng chairman. Una rito,
hindi niya maaaring gawin iyon habang
may sesyon ang Kongreso,” pahayag ni
Brillantes.
Aniya, posibleng magtalaga ang
Balitang Cute
Pinoy na nahatulan ng bitay.
Sinasabing mismong ang hari pa
ng Saudi ang nagbigay ng blood money
sa kaso naman ng OFW na si Rodelio
Celestino Lanuza upang mailigtas ito
sa parusang kamatayan.
Naging malaking tulong din ang
ginawa ni King Abdullah upang
maisaayos ang status ng ilang
manggagawang Pinoy na ilegal na
nagtatrabaho sa Saudi Arabia.
Sa ilalim umano ni King Abdullah
nabuo ng gobyerno ng Pilipinas at
Saudi ang Standard Employment
Contract na gumagabay sa mga
kontrata ng mga Pinoy domestic
worker, na sinundan ng paglagda
sa kasunduan sa domestic worker
recruitment.
Layunin ng kasunduan na
mabigyan ng proteksiyon ang mga
Filipino household service worker
sa kaharian ng Saudi.
Ang nasabing makasaysayang
okasyon ay hindi maaaring
makalimutan ng gobyerno ng
Pilipinas sa kabila ng pagpanaw
ng hari ng Saudi Arabia, ayon kay
Valte.
Beth Camia
Naglatag ng tatlong kondisyon ang
Metropolitan Manila Development
Authority (MMDA) kaugnay ng
P3.74-bilyon rehabilitasyon ng 23kilometrong EDSA upang hindi
maperhuwisyo ang mga motorista
sakaling ipatupad na ang proyekto sa
summer season.
Nangunguna sa mga kondisyon ang
pagbabalangkas ng epektibong traffic
management plan na dapat munang
aprubahan ng ahensiya, ayon kay
MMDA Assistant General Manager for
Operations Emerson Carlos.
Ayon sa Department of Public
Works and Highways (DPWH), planong
simulan ang proyekto sa first quarter
ng 2015.
Iginiit ni Carlos ang pagkakaroon
ng konsultasyon sa mga stakeholder na
maaapektuhan ng proyekto, na ibinitin
ni Pangulong Benigno S. Aquino III
noong 2013 dahil sa reklamo maging sa
ibang ahensiya ng gobyerno.
“Kailangan nating pulsuhan
ang mga stakeholder—motorista,
operator ng pampublikong sasakyan,
at pinakaimportante, mga commuter,”
sinabi ni Carlos sa panayam ng radyo
DzBB.
Ikatlo, sinabi ni Carlos na dapat
maghanda rin ng rerouting plan upang
magabayan ang mga motorista sa pagiwas sa trapiko.
“Hindi lang mahalaga ang traffic
simulation. Dapat iprisinta ang mga
plano sa DPWH at aprubahan ng
MMDA bago sila (kontratista) bigyan ng
kaukulang permit,” dagdag ni Carlos.
Ginawang
halimbawa
ng
opisyal ang planong ipatupad ang
pagkukumpuni ng Dario Bridge sa
EDSA, Quezon City noong Marso
2014.
“Maganda ang koordinasyon sa
proyekto, hindi apektado ang daloy
ng sasakyan. Ito ang model na gusto
naming makita para sa rehabilitasyon
ng EDSA,” ani Carlos.
Matatandaan na nagtayo ng isang
temporary bridge ang DPWH bunsod ng
pagsasara ng ilang lane ng Dario Bridge
upang madaanan ng mga motorista.
Anna Liza Villas-Alavaren
R360-M transaksiyon ng Philippine
Navy, kinuwestiyon ng CoA
May naaamoy na iregularidad ang
Commission on Audit (CoA) sa mga
transaksiyon ng Philippine Navy na
umabot sa P340 milyon, kabilang ang
kuwestiyonableng pagbili ng kagamitan
at air and sea assets ng hukbo.
Base sa 2013 annual audit report ng
PN disbursements, duda rin ang CoA sa
kinahinatnan ng R262.5-milyong pondo
na dapat itutustos sa rehabilitasyon ng
mga barko, eroplano at kagamitan ng
Navy command.
“Cash
advances
totalling
P340,407,490.54 granted to Special
Disbursing Officers were mostly used for
the procurement of goods and services
thru over the counter purchase contrary
to the provisions of COA Circular 97-002
dated February 10, 1997 and pertinent
provisions of RA 9184,” saad sa audit
report.
Nadiskubre rin ng mga state auditor
ang kinaugalian ng PN na maglabas ng
buwanang cash advance sa mga special
disbursing officer upang matugunan ang
kanilang operational requirements.
Karamihan sa mga ginastusan ay
mga regular na gamit at serbisyo para
sa regular na operasyon ng Navy.
Kabilang
sa
malalaking
pinagkagastusan ang supplies,
na pinaglaanan ng P113.8 milyon;
representation expenses, P26.89 milyon;
training expenses, P156.7 milyon; at iba
pang supplies at expenses, P30 milyon.
Sinabi ng CoA na dapat munang
idinaan ang pagbili ng mga supply sa
competitive bidding, gaya ng nakasaad
sa RA 9184 o Government Procurement
Reform Act upang matiyak na hindi
maaargabyado ang gobyerno sa mga
transaksiyon.
Ben F. Rosario
5
balita martes, enero 27, 2015
Binasted, nagtangkang magbigti
LUCBAN, Quezon – Gumamit ng alambre sa pagbibigti ang isang kawani ng gobyerno
matapos siyang makipag-inuman sa kanyang kaibigan sa birthday ng babaeng bumasted
sa kanya sa Barangay Ayuti sa bayang ito noong Linggo ng gabi.
Ayon kay Lucban Police Chief Insp. Reynaldo Kasilag, dahil sa maagap na
pagresponde ng mga kaibigan ay nailigtas ang buhay ng 26-anyos na binata na
nagtangkang magbigti.
Bandang 11:20 ng gabi nitong Linggo nang mamataan ng dalagang bumasted
sa biktima ang pagbibigti ng huli sa ikalawang palapag ng apartment at agad siyang
nakatawag ng saklolo.
Danny J. Estacio
Korean, dinukot sa Sibugay;
4 na kasamahan niya, nakatakas
Ni FER TABOY
Isang negosyanteng Korean ang
dinukot habang nakatakas naman
ang apat na kasama niya, kabilang sa
mga ito ang kanyang asawa, mula sa
kamay ng hindi nakilalang kidnapper
sa Barangay Surabay sa RT Lim,
Zamboanga Sibugay, noong Linggo
ng gabi.
Sa report ng RT Lim Police ay
kinilala ang biktimang si Nou Sung
Hong, 72, negosyante, ng Bgy. Surabay,
ng nasabing bayan.
Sinabi ng pulisya na dakong 9:30 ng
gabi nang pinasok ng may 10 armadong
lalaki ang bahay ng biktima.
Mabilis na naigapos ang mga paa
at kamay ng negosyante, gayundin ng
kanyang asawang si Hong Nwiseong
Lee, at sina Gobui Hong, Gesouk Park
at Kim Joeng Beom.
Nanghalay ng dalagita, arestado
PIITAN
Iniinspeksiyon ni
Pangulong Benigno
S. Aquino III ang
Zamboanga City
Jail nitong Linggo
bilang bahagi ng
paghahanda sa
pagpapaluwag ng
mga piitan
sa bansa. Nasa
Zamboanga City
Jail ang mga
high-risk inmate.
GIL NARTEA/
Malacañang
Photo Bureau
ANTIPOLO CITY - Kalaboso ang isang 46-anyos na lalaki matapos siyang
ireklamo ng panggagahasa sa isang 17-anyos na dalaga sa taniman ng munggo
sa Barangay Calawis, Antipolo City, Rizal.
Ayon sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office
director Senior Supt. Bernabe Balba, inaresto si Dolphy Villoren, may asawa,
ng Sitio Apia, Bgy. Calwis, Antipolo City, sa panghahalay sa dalagitang kanyang
kabarangay.
Lumitaw sa imbestigasyon ni PO1 Rubu Guadalupe na dakong 4:00 ng
hapon at namimitas ang dalagita ng munggo sa kanilang taniman nang biglang
lumapit si Villoren at niyakap at tinakot ang biktima hanggang sa halayin sa
mismong taniman.
Clemen Bautista
Davao Oriental, nilindol
Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao kahapon.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na dakong
8:17 ng umaga nang maramdaman ang pagyanig.
Naitala ng Phivolcs ang sentro ng pagyanig sa 15 kilometro sa timog-kanluran ng
Governor Generoso, Davao Oriental.
Aabot naman sa 24 na kilometro ang lalim ng pagyanig na tectonic ang
pinagmulan.
Rommel P. Tabbad
Ilang bayan sa Pampanga,
may brownout
Mawawalan ng kuryente ang ilang lugar sa mga bayan ng Apalit, San Simon,
Macabebe, Minalin, Masantol at Sto. Tomas sa Pampanga bukas, Enero 28, mula
12:00 ng tanghali hanggang 2:00 ng hapon.
Ayon kay Ernest Lorenz Vidal, ng Central Luzon Corporate Communications and Public
Affairs Office, ang brownout ay bunsod ng pag-aayos sa Mexico-PIMU 69KV Line.
Leandro Alborote
Nabatid na isinakay ang mga
biktima sa isang mini van pero
mapalad na nakatakas ang apat
makaraang magsitalon sa sasakyan.
Agad na nakapagsumbong
sa pulisya ang mga nakatakas na
biktima at naisagawa ng pulisya
ang follow-up operaton hanggang sa
matagpuan ang van sa Sitio Limono
sa Barangay Roxas, pero wala roon
ang negosyante.
50 sentimos, bawas-pasahe
sa Ilocos, CAR, Western Visayas
Nararamdaman na ang epekto ng
patuloy na pagbaba ng presyo ng mga
produktong petrolyo sa nakalipas na mga
buwan kaya naman tatlong rehiyon ang
inaasahang magpapatupad ng bawaspasahe sa jeepney.
Ito ay makaraang ihayag nitong Linggo
ng Land Transportation Franchising and
Regulatory Board (LTFRB) ang pag-apruba
sa 50 sentimos na bawas-pasahe sa Ilocos
Region, Cordillera Administrative Region
(CAR) at Western Visayas.
Sinabi ni Atty. Winston Ginez, LTFRB
chairman, na ang desisyon ay resulta ng
magkakasunod na public consultation sa
tatlong nabanggit na rehiyon ngayong
buwan.
Kaya mula sa P8.50 minimum na
pasahe sa Ilocos Region ay nasa P8 na lang
ito, habang P7.50 na lang ang dating P8
na pasahe sa Cordillera.
Samantala, P7 na lang ang dating
P7.50 na minimum na pasahe sa Western
Visayas.
Gayunman, ayon kay Ginez, saklaw
lang ng bawas-pasahe ang unang apat
na kilometro sa Ilocos Region at
Cordillera, habang unang limang
kilometro naman ng biyahe sa Western
Visayas.
Ang pasahe sa susunod na
kilometro sa Ilocos at Cordillera ay
nasa P1.40 pa rin, habang P1.15 naman
sa Western Visayas.
Paiiralin pa rin ang 20
porsiyentong diskuwento sa pasahe
para sa mga estudyante, senior citizen
at may kapansanan, ayon kay Ginez.
Aaron B. Recuenco
PAGPAPASALAMAT SA ‘SUPER MALASAKIT’
Pope Francis, ‘superpope’ ng Tabon-Tabon, Leyte
Ni Leslie Ann G. Aquino
HALA BIRA, ILOILO! Sa saliw ng malakas na tugtog ng
tambol, ginagawa ng mga street dancer ang katutubong
sayaw ng mga Ati (Aeta) bilang pagbibigay-pugay kay
Santo Niño sa 2015 Dinagyang Festival sa Iloilo City
nitong Linggo.
TARA YAP
Nagpasa ng resolusyon ang
Sangguniang Bayan (SB) ng TabonTabon, Leyte na nagtaguri kay Pope
Francis bilang “Superpope.”
Inakda ni SB Member Nestor
Abrematea ang resolusyon na
nagpapahayag ng paghanga sa Santo
Papa na hindi ininda ang bagyong
‘Amang’ para maidaos ang misa kasama
ang mga sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’
nitong Enero 17.
Matatandaang sa kabila ng walang
tigil na ulan at malakas na hanging dulot
ng Amang ay bumisita at nagmisa pa rin
ang Papa sa Tacloban City at sa Palo nang
araw na iyon.
Napahanga rin si Fr. Eliseo “Bong”
Loreto, chief vicar ng St. Anthony of
Padua Parish sa Tabon-Tabon, sa tinawag
niyang “super malasakit” na ipinamalas
ng Santo Papa.
Kabilang ang nasabing simbahan
ng Tabon-Tabon sa mga istrukturang
matinding sinalanta ng bagyong Yolanda
noong Nobyembre 8, 2013.
Samantala, nagpasa rin ng resolusyon
ang Sangguniang Panlungsod ng
Tacloban, sa pangunguna ni Vice
Mayor Jerry “Sambo” Yaokasin, na
nagpapahayag ng labis na pasasalamat
kay Pope Francis sa pagbisita nito sa
Tacloban.
“Ito ang paraan ng pasasalamat
ng city government sa inspirasyong
idinulot ni Pope Francis sa mga biktima
ng Yolanda at sa ligaya at comfort
na ibinigay niya sa mga patuloy na
nagluluksa,” ani Yaokasin.
Sinabi
ni
Yaokasin
na
magpapadala siya ng kopya ng
resolusyon sa Vatican sa pamamagitan
ni Papal Nuncio Archbishop Giuseppe
Pinto at ni Palo Archbishop John Du.
6
Opinyon
martes, enero 27, 2015 balita
EDITORIAL
BULONG AT SIGAW
Ric Valmonte
GIBAIN ANG SK
M
AGHAHALALAN na naman sana ang Sangguniang Kabataan (SK) kung hindi
ipinagpaliban ng ating mga mambabatas. May panukalang batas na nakabimbin
daw na kailangang maipasa muna dahil naglalayon ito na malunasan ang hindi
magandang naranasan ng bayan sa SK. Hindi mo malalapatan ng lunas ang kasamaang
sumira na sa SK, anumang pagbabago ang gawin dito. Kung mahal natin ang kabataan, na
siyang inihabalin ni Pope Francis na dapat nating gawin sa kanila, gibain na ang SK.
Hindi naman eleksyon ng kabataan ang nangyayari kundi eleksyon ng matatanda.
Ginagawa lang nilang robot ang kabataan sa kanilang pamamaraan. Hindi bale sana kung
matino, malinis at parehas ang eleksiyong itinuturo nila sa kabataan. Ang problema, ang
masamang aspeto ng pulitika natin ang ipinagagawa nila, pandaraya, panlalamang at
paninirang puri. Malalaswa pa nga gaya nang dadalhin nila ang kabataan sa bahay-aliwan.
Paraan ito ng pamimili ng boto, bukod sa lantarang pagbibigay ng pera. Kaya, ang natalo
ay hindi matanggap ang kanilang pagkatalo. Kapag ang naglaban ay magkamaganak,
mahahati na ang kanilang angkan at panahon na lang ang magpapahilom ng napakalalim
na sugat na iniwan ng SK election.
Kaya tulad ng ibang mga eleksiyon na pinaiimbabawan ng mga trapo o tradisyonal
politicians, ang ibinubunga ng mga nahahalal na kabataan ay hindi iyong pinapangarap
na mangyari ng batas sa kanila. Ang layunin ng batas ay ihanda sila sa responsibilidad
bilang mga lider at pangkaraniwang mamamayan sa ikatitino ng ating pamayanan. Paano
mangyayari ito sa ating kabataan, eh mandaya at manlamang ang kanilang natututuhan
dahil ang mga ito ang itinuturo at ipinagagawa sa kanila ng mga nakatatanda para
magwagi sa halalan.
Ang batas ay may inilaan na pondo para matanganan ng mga opisyal ng SK at
magastos sa pagganap nila ng tungkulin. Bukod sa hindi maganda ito dahil ikinakalat
natin ang salaping dapat ay handang magamit sa pangunahing pangangailangan ng
bayan, sa iba napupunta. Dahil kaakibat ng itinuro sa kanilang masamang pamamaraan
ng pagkuha ng boto ay ang masamang paraan kung paano nila gagastusin ang perang
na sa kanilang kapangyarihan. Pangunahin na nga dito ay ang paggamit ng salapi para
mabawi ang nagastos nila sa kanilang kandidatura. May eskwelahan, simbahan at
komunidad na pwedeng maghanda sa kabataan para maging responsableng mamamayan
at lider. Hindi sila nawawalan ng ehemplo tulad ni Kristel Padasas.
M
DSWD, PINAGSAMA-SAMA
ANG STREET FAMILIES
ATAPOS isailalim ng Russia sa kapangyariyan ang Ukraine mula sa Ottoman Empire, naglakbay
si Empress Catherine II patungong Crimea noong 1787. Ang gobernador, si Grigory Potemkin, ay
nagtayo ng huwad na mobile villages sa baybayin ng ilog ng Dnieper upang mapaniwala ang empress
at kasamang grupo nitong mga ambasador na marami nang progreso ang natamo roon. Sa ngayon ang
terminong “Potemkin Village” ay nangangahulugan ng huwad na konstruksiyon, literal man o hindi,
upang itago ang hindi kaaya-ayang situwasyon.
Ang pagsasama-sama ba ng may 11,000 maralitang pamilya na walang tirahan at ang paglalakbay
ng mga ito lulan ng 14 na bus patungo sa isang resort sa Batangas upang alisin sila sa mga lansangan ng
Maynila sa panahon ng pagbisita ni Pope Francis ay isang pagsisikap na itago ang isang hindi kaaya-ayang
situwasyon? O iyon ba, tulad ng sinasabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)
ay nataon lang na alisin ang mga palaboy sa mga lansangan noong Enero 14-19 habang nasa bansa ang
Papa? Unang lumabas sa British na peryodikong Daily Mail ang artikulo tungkol sa pagsasama-samang
ito ng mga batang lansangan at inilipat sa ibang lugar “in a cynical drive to smarten up the Philippines”
upang maging mas presentable ang bansa sa Papa.
Agad namang pinasinungalingan ito ng Malacañang at DSWD, na ito ay isang proyekto ng pamahalaan
upang pagkalooban ang mga pamilyang walang tirahan ng libreng accommodations sa labas ng Maynila.
Bahagi ng oryentasyon, ayon kay DSWD Secretary Soliman, ay “to familiarize themselves with a room
with a door and toilets”. Dagdag pa ng Malacañang na dinala ang naturang mga pamilya sa isang resort
sa Batangas para sa isang pagsusuri upang maging bahagi sila ng Conditional Cash Transfer (CCT)
program.
Kalaunan, ang mga pamilya ang nagsabi mismo na mabuti ang kanilang kalagayan sa unang dalawa
o tatlong araw, ngunit lumala ang situwasyon hanggang sa puntong nagkaroon ng gulo at may kumuha
pa ng mga kutsilyo, at kinailangan pa ang pulisya upang ibalik ang kaayusan. Maraming bata ang nagsabi
na na-enjoy nila ang mga palaro at ang paglunoy sa swimming pool, at sinabi naman ng isang lalaking
vendor ng novelty items sa Roxas Blvd. na wala siyang kinita sa mga araw na dumating ang Papa.
Dahil sa insidente, nanawagan ang ilang kongresista upang ipa-audit ang pondo ng CCT na
nagkakahalaga ng P62 bilyon ngayong taon. Bukod sa tila paggamit nito upang itago ang hindi kaayaayang situwasyon ng mga batang lansangan mula sa Papa, ang ideya ng ganitong uri ng ayuda na bilyunbilyong piso ang halaga ay kinuwestiyon.
Ang ilan sa mga paliwanag ng Malacañang at DSWD ay mahina – tulad ng nanunuyong pahayag ni
Secretary Soliman na nais lamang ng DSWD na sanayin ang street families sa paggamit ng mga silid at
palikuran. At sa pahayag na dinala sila sa resort sa Batangas upang pag-aralan ang posibleng pagkabilang
nila sa CCT program, hindi nangangailangan iyon ng isang linggong pananatili sa isang resort.
Walang duda na may ilang opisyal ang nagtatangka ng isang Potemkin solution dito upang itago
ang hindi kaaya-ayang katotohanan na ang mga lansangan ng Metro Manila ay puno ng maralitang
mamamayan na walang mga tahanan. Ngunit kung ang insidenteng ito ang magpapakilos sa gobyerno
upang harapin ang problema ng kahirapan at magkaroon ng matibay at gumaganang solusyon, magagamit
ito sa tamang paraan.
balita martes, enero 27, 2015
GINTONG BUTIL
Opinyon
SENTIDO KOMUN
KAILANGAN MO RING
BUMABA
NABAHIRAN
Sis. VVP
Celo Lagmay
N
OONG dalagita pa ako sa maliit
na isla ng Dumaguete na aking
sinilangan, mayroon akong karanasang
hindi ko kailanman malilimutan.
Nagkaroon ako ng pagkakataong
umakyat ng bundok sa pagsama ko sa
aking mga kuya. Habang nagtatayo sila
ng aming sisilungan, umakyat pa ako
sa mas mataas na bahagi ng bundok na
hindi naman kalayuan sa kanila. Doon,
wala akong narinig ni anumang ingay.
Sariwa at malamig na hangin ang aking
nalanghap at waring napakalapit ng aking
mukha sa kulay asul na kalangitan.
Nahiga ako sa damuhan at
pinagmasdan ko ang kalangitan. Nakita
ko ang mga ulap na waring naglalayag
sa kulay asul na karagatan, at sa mura
kong isip, lumikha iyon ng mga hugis.
Doon sumagi sa aking gunita ang
mapagmahal na Diyos. Nakatira nga
ba Siya roon sa kalawakang aking
minamasdan? Paslit pa nga ako noon
upang isipin ang kaluwalhatian ng
Diyos sa Kanyang kaharian. Ngunit
ang nadama kong pag-iisa sa tuktok ng
bundok, na malayo sa ingay ng madla,
iyon ang isang pagkakataon na makasama
ang Dakilang Diyos. Sa mga sandaling
iyon, parang ayaw ko nang umalis sa
aking kinaroroonan. Nilabanan ko ang
pagsunod sa tawag ng aking kuya at
ginusto ko pa yatang painitin ang ulo
niya kaysa bumaba ako mula sa tuktok
ng bundok.
Maaalala mo rin sa Mabuting Aklat
ang parehong reaksiyon ni Pedro nang
makita niya ang pagbabagong-anyo ni
Jesus mula sa tuktok ng bundok. Hindi
ako magtataka kung bakit gusto niyang
manatili roon. Gayong mas kagila-gilalas
ang naranasan ni Pedro sa tuktok ng
bundok kaysa akin, alam kong dapat
akong tumugon sa tawag ng aking kuya.
Tulad ni Pedro, kailangan kong bumaba
mula sa bundok at magbalik sa lambak
nang may bagong sigla, may bagong
pag-asa.
Minsan, narinig kong sinabi ng isang
pari sa kanyang sermon, na wala aniyang
kahulugan ang bundok kung wala ang
mga lambak at kailangan nating magbalik
sa realidad matapos makaranas tayo ng
kagila-gilalas na karanasan.
Kung pagod ka na sa paghahanapbuhay, sinasabi marahil ng Panginoon sa
iyo na “Halika, magpahinga ka muna”.
Ngunit kung nasa tuktok ka ng bundok,
huwag kang manatili roon. Nais kumilos
ng Diyos sa pamamagitan mo para sa
iyong kapwa.
B
AGAMAT
maaaring
nakakukulili na, hindi dapat
palalampasin ang nagbigaydungis sa maalab na pagsalubong
kay Pope Francis. Dahil sa
paghahangad na maikubli sa
pansin ng ating panauhin, inipon
ang mamaralitang pamilya
kasama ang street children at
dinala sa isang marangyang
resort sa Batangas.
Totoo na hindi maitatago
ang kahirapan, pero bakit ito ay
itinago sa panahon ng pagbisita
ng Papa?
Walang
kagatul-gatol
ang pahayag ng isa sa mga
pinagbuhay-marangya
sa
Batangas: Para kaming ikinubli
sa Papa.
May matuwid ang naturang
street children. Hindi ba sila ang
sinadya ni Pope Francis dito?
Lalo na nga ang mga biktima
ng kalamidad, tulad ng mga
sinalanta ng super-typhoon sa
Visayas. Maaaring malayo sa
plano ng Papa, pero marami
ang naniniwala na malayo sa
kanyang hinagap na masaksihan
ang ilang sektor ng sambayanan
ng sinasabing manhid sa
pagdamay sa mga nagdarahop,
lalo na ang ilang lingkod ng
bayan na nangungulimbat ng
biyaya na dapat tinatamasa ng
mga dukha.
Hindi ba paulit-ulit niyang
sinasabi: Tutulan at lipulin ang
katiwalian?
Hindi lamang miminsang
pilit itinago ang karalitaan.
Nang minsang tayo ay dinalaw
ng isa pang Papa, pinaganda ang
mga ruta na kanyang binagtas.
Maliwanag na ikinukubli
sa kanyang paningin ang
naglipanang mga pulubi at ang
mga barung-barong na nakatirik
sa mga sidewalk at estero.
Isa
itong
malaking
pagkukunwari.
Hindi na sana dapat pang
mabahiran ang makasaysayan,
banal at maalab na pagtanggap
sa kanya.
SANDALI LANG
PANGARAP NA NATUPAD
Heb 10:1-10 ● Slm 40 ● Mc
3:31-35
Dumating ang ina ni Jesus at ang
kanyang mga kapatid; nakatayo sila
sa labas at ipinatawag siya. Nakaupo
si Jesus at napapaligiran ng mga tao
nang may magsabi sa kanya: “Nasa
labas ang iyong ina at mga kapatid;
hinahanap ka nila.” At sinabi ni Jesus:
“Sino ang aking ina at mga kapatid?”
At pagtingin niya sa mga nakaupo sa
paligid niya ay kanyang sinabi: “Narito
ang aking ina at mga kapatid. Mga
kapatid ko at ina rin ang sumusunod
sa kalooban ng Diyos.”
PAGSASADIWA
Sino ang aking ina at mga kapatid? ●
Ginamit lamang ni Jesus ang tagpong
ito para ituro ang isang katotohanan
– na “Blood is not thicker than
water”. Sa mata ng Diyos, lahat ay
magkakapamilya, subalit may iisang
kailangan – ang gawin ang kalooban ng
Diyos. Kapamilya ka kapag ginagawa
mo ang kalooban ng Diyos. At ano nga
ba ang pangunahing kalooban ng
Diyos? Ang magmahalan tayo. Kaya
tama ngang sabihin na kapamilya ka
kung gagawin mo ang kalooban ng
Diyos, dahil pagmamahalan ang naguugnay sa mga magkakapamilya; at
nakabatay ang pagmamahalang
ito sa pag-ibig ng Diyos, isang pagibig na handang magpatawad at
mangalaga. Pumili ka ng isang tao na
naglilingkod sa iyo, ang guwardiya
ninyo o kasambahay at bigyan mo
siya ng isang bagay na sa tingin mo
kailangan niya. Ito ang kongkretong
paggawa ng kalooban ng Diyos.
“ S I M B A H AY 2 0 1 5 ” S T.
PAULS Philippines, 7708
St. Paul Rd., San Antonio
Village, 1230 Makati City,
Tel. No. 895-9701; FAX:
895-7328; Email: books@
stpauls.ph; Website:
http://www.stpauls.ph.
NEWSKOPO
WALANG SILBI
Vivi Patron
Eddie Damian
ARITO ang ikatlong bahagi
ng ating paksa tungkol sa mga
palatandaan na nagtatagumpay ka
na sa buhay. Ipagpatuloy natin...
● Malaya mong nagagawa ang
iyong hilig. – Hindi ka tuod. Hindi
ka estatwa. At lalong hindi ka rin ka
kanal na hindi na dumadaloy ang
tubig. Alam mong mayroon kang
maiaambag sa daigdig. May taglay
kang talento at galing. Sapagkat
alam mo ang iyong kakayahan,
gumagawa ka ng paran upang lalo
kang maging mahusay sa larangang
iyong nakahiligan.
● Mayroong mga bagay na iyong
pinananabikan. – Kung wala kang
pinananabikan sa iyong buhay,
unti-unti nang namamatay ang
iyong loob. Ang matatagumpay
na tao ay lumilikha ng kanilang
aasintahin – bagay na kanilang gusto
o nakahiligang gawin. Hinahayaan
nilang pangunahan ng pananabik
ang kanilang buhay.
● May mga pangarap kang
natupad. – Kahit bahagi na ng
buhay ang kabiguan, hindi ka
bumitiw sa iyong mga goal at mga
pangarap hanggang hindi mo ito
natutupad. Sapagkat nakatikim
ka ng tagumpay, hindi ka titigil
hanggang makamit mo pa ang mas
maraming tagumpay.
● May malasakit ka sa iba. – Ang
taong walang malasakit ay katulad
ng isang bangkay. Katumbas ng
pagmamalasakit ang paghahasik
ng pag-ibig at positibog enerhiya sa
daigdig. Alam ito ng matatagumpay
na tao. Mahal nila ang kanilang
kapwa na parang kapamilya.
● Handa kang magmahal. - Ang
pag-ibig ay pakikipagsapalaran, at
kung minsan, nakakatakot. Ngunit
kailangan nating umibig, at ang
nakakatakot lang ay ang tanggihan
ang iniaalok nating pagmamahal.
Kung bukas ang iyong puso para
magmahal at handa kang mahalin
ng iba, nagtagumpay ka na.
● Wala kang pakialam kung ano ang
iniisip ng iba. – Alam mong hindi mo
mapasasaya ang lahat ng tao. Alam
mo rin na ang mga pamantayang
ginagamit ang mga lipunan para
husgahan ang mga tao ay hindi
makatotohanan. Kaya manatiling
totoo sa iyong sarili at tuparin ang
iyong mga responsibilidad.
Tatapusin bukas.
MAHIGIT 30 ● Nagkaroon kamakalawa
ng sagupaan ang mga miyembro ng Special
Action Force (SAF) at Bangsamoro Islamic
Freedom Fighters (BIFF, isang breakaway
group ng MILF na tumatanggi sa prosesong
pangkapayapaan) sa Maguindanao.
Kinumpirma ng mga lokal na awtoridad
na mahigit 30 pulis ng SAF ang namatay
habang lima naman ang nalagas sa BIFF.
Mas marami kung gayon ang puwersa
ng BIFF. Kasunod ito ng pambobombang
naganap sa lungsod ng Zamboanga gamit
ang isang car bomb kung saan dalawa
katao ang namatay at 54 ang sugatan
ngunit wala namang umako ng krimen.
Magpahanggang ngayon, sinisikap ng mga
awtoridad na bawiin sa lugar ang bangkay
ng mga pulis. May nakapag-ulat na isang
tagapagsalita ng Bangsamoro Islamic
Armed Forces, walong pulis ang nabihag ng
BIFF. Misyon kasi ng SAF na hanapin ang
bomb experts na nagngangalang Zulkifli bin
Hir mula Malaysia at isang nagngangalang
Basit Usman. Iniulat na nasukol ang mga
pulis bunga na rin ng kakapusan ng
bala at armas. Hindi na matatapos ang
ganitong situwasyon sa bahaging iyon ng
Mindanao hanggang hindi nareresolba
ang problema sa katiwalian ng ating mga
opisyal. Magtataka ka rin na sa dinamirami
ng mga pagsasanay na sinuong ng ating
sandatahang lakas, pati na ang pagbili ng
mamahalin at magagarang armas, hindi
nagawang ipagtanggol ng mga namatay
ang kanilang sarili. Bakit matagumpay
ang katiting na BIFF na magsagawa ng
opensiba? Dapat napaghandaan ng SAF
ang worst scenario.
***
CHICKEN ● Ang manok ay natural na
matatakutin. Kahit kaluskos lang ng kung
anong bagay na malapit rito, agad itong
umiiwas dahil takot nga. Sa American
slang, ‘chicken’ ang tawag sa isang taong
duwag; at ito ito ang inilarawan ni Top Rank
chief executive Bob Arum kay undefeated
American boxer Floyd Mayweather na
nambibitin ng kumpirmasyon nito sa
nalalapit na laban nito sa ating Pambansang
Kamao Manny Pacquiao. Giit ni Arum na
pumayag na sila sa lahat ng kondisyon ni
Mang Floyd ngunit naghahanap lamang
ito ng maidadahilan para hindi matuloy
ang basagan ng mukha nina Pacman sa
Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas,
Nevada. Ani Arum, wala namang ibang
dapat sisihin kung bakit hindi matuluytuloy ang sagupaan kundi si Mang Floyd.
“Mayweather is not a boxer,” ani Arum,
“because he’s a chicken”. Tama rin naman
dahil puro putak na lang ang narinig natin
kay Mang Floyd.
N
MABUTING BALITA
7
INTERESADO KAMING BUMILI NG CORNER LAND NA MAY GUSALI SA METRO MANILA AT SA MGA PROBINSIYA NA ANGKOP
PARA SA MANILA BULLETIN BRANCHES, MAGPADALA LAMANG NG INYONG OFFER SA MANILA BULLETIN, P.O. BOX 769, MANILA
8
balita martes, enero 27, 2015
DINDO M. BALARES, EDITOR
Showbiz atbp.
Miss Colombia, itinanghal
na Miss Universe 2015
S
MISS UNIVERSE 2015 Si Miss Colombia Paulina
Vega ang kinoronahan bilang bagong Miss Universe sa
63rd annual pageant sa Miami, Florida nitong Linggo,
Enero 25, 2015.
AP/WILFREDO LEE
Ni TESSA DISTOR at AP
nagtanghal ang mga singer na sina Nick
Jonas at Prince Royce. Nagsilbing mga hurado
sina Kristin Cavallari, Emilio Estefan, Nina
Garcia, DeSean Jackson, William
Levy, Manny Pacquiao, Louise Roe at Lisa
Vanderpump.
Matapos ang pageant, nagpaskil ng
balita
9
BRET JACKSON, NAKAKAINTRIGA ANG POST
MJ LASTIMOSA, ‘DI PUMASOK SA TOP 5
I Miss Colombia Paulina
Vega ang kinoronahang 2015 Miss
Universe, sa 63rd annual pageant
na ginanap sa Florida International
University sa Doral City, Florida,
kahapon.
Si Miss USA Nia Sanchez, 24, ang
first runner-up. Sinundan siya ni Miss
Ukraine Diana Harkusha. Si Miss
Netherlands Yasmin Verheijen ang
nasa ikatlong puwesto. At fourth
runner-up naman si Miss Jamaica Kaci
Fennell.
Tinalo ni Vega ang 87 kandidata
mula sa iba’t ibang bahagi
ng mundo.
Sinabi ni Vega, 22, estudyante
ng business administration mula sa
Barranquilla, Colombia, na ang mga
patimpalak bago ang Miss Universe
ang una niyang sinalihan. Sinabi
rin niya na ipagpapatuloy niya ang
kanyang pag-aaral sa Colombia
matapos ang kanyang reign.
“It will be a dream come true to
represent the woman of today. A
woman that not only cares about being
beautiful and being glamorous, but
also cares about being a professional,
intelligent, hard-working person,” sabi
ni Vega nitong unang bahagi ng
linggo nang talakayin ang papel ng
magwawagi sa pageant ngayong
taon.
Samantala, si Sanchez ay
may fourth-degree black belt sa Tae
Kwon Do at nilibot ang bansa para
turuan nito ang mga bata. Nagpahayag
siya na mahalaga ang kakayahan
ng kababaihan na ipagtanggol ang
kanilang sarili laban sa mga krimen.
“It’s just something that’s so
prevalent in our society and why not
empower women to take control of
a dangerous situation into their own
hand,” ani said.
Si Miss Nigeria Queen Celestine ang
nanalong Miss Congeniality; si Miss
Puerto Rico Gabriela Berrios ay Miss
Photogenic; at si Miss Indonesia Elvira
Devinamira, ang nag-uwi ng Best in
National Costume Award.
Ang pambato ng Pilipinas na
si Mary Jean Lastimosa ay nakapasok
sa final 10 kasama sina Miss
Venezuela Migbelis Lynette
Castellanos, Miss Spain Desire
Cordero, Miss ArgentinaValentina
Ferrer, at Miss Australia Tegan
Martin. Ang Today Show personality na
si Natalie Morales ang host ng show.
Si Miss Colombia ay kinorohanan
ni outgoing Miss Universe, Gabriela
Isler ng Venezuela. Kabilang sa mga
martes, enero 27, 2015
mensahe si MJ sa kanyang Instagram at
nagpasalamat sa mga sumuporta sa
kanya. “So proud to be a Filipino!
Man, cant express how grateful I am to
everyone! Im filled with love right now!
Love you all! Godbless us! Mabuhay!”
saad ni MJ.
Andi at Jake,
nagkabalikan na naman
M
UKHANG hindi nga
kayang i-resist ni Andi
Eigenmann si Jake
Ejercito dahil nagkabalikan na
raw sila at magkasama sila sa
Singapore, sabi ng mga taong
malapit sa dalawa.
Naalala namin tuloy si Bret
Jackson na kamakailan lang ay
nagpahayag pa na hindi na raw
magkakabalikan sina Andi at
Jake dahil iyon daw ang sabi ng
aktres.
Bukod dito ay okay ang
relasyon nila ni Andi maski na
hindi pa sila officially on pero
masaya sila kapag magkasama
sila bukod pa na sabay nilang
sinalubong ang Bagong Taon.
Sabi ito ni Bret sa presscon
ng bagong programa ng TV5
na Trippin’ In Love or Fallin’ In
Love episode ng Wattpad nang
tanungin namin tungkol sa plano
ni Jake na pakikipagbalikan kay
N
Ni REGGEE BONOAN
Andi at Jake
Andi.
“I think that people get that
misinterpreted,” sabi ni Bret. “I
don’t think he’ll say that he has
a plan to get back with her, he
actually need or fear the things
he said. I don’t think he has a
plan to get back with her. And
if he does, it’s up to Andi in the
end, di ba? Its’ up to her, it doesn’t
matter kung may plano ka (Jake),
it doesn’t mean you’re going to get
back together.”
Pero heto, marami ang nagulat
sa post ni Bret sa kanyang Twitter
account noong Sabado ng gabi na,
“Liar Liar Pants On Fire at Cheater
Cheater Pumpkin Eater.”
Sino kaya ang sinasabihan
ni Bret ng ganito? Eksena kaya
ito sa Wattpad episode nila ni
Eula Caballero na may titulong
Trippin’ In Love or Fallin’ In Love
dahil nag-post din siya ng tungkol
sa taping?
Sabi pa ng mga kaibigan nina
Jake at Andi, hindi sila nagpakuha
ng litrato na magkasama na
naka-post, pero iisa naman ang
background ng litrato nila kaya
kumpirmadong magkasama
talaga sila.
Galing sa relasyon kay Jake,
papunta sa isa pang Jake?
AKITANG magkasama sa
Valkyrie Club sa Bonifacio
Global City, Taguig si Jake
Cuenca at ang ex-girlfriend ni
Jake Ejercito na si KC del Rosario.
Matatandaang si KC ang dahilan
kaya nagwawala kamakailan si
Andi Eigenmann at nagpahayag
na hinding-hindi na siya
makikipagbalikan sa anak ni
Manila Mayor Joseph Ejercito
Estrada.
Pero kamakailan lang ay
naghiwalay na sina Jake Ejercito at
KC at nagpahayag ang binata na
babalikan niya si Andi.
At dahil nakitang nagka-
clubbing sina Jake Cuenta at KC
ay may obserbasyon ang netizens,
‘mahilig pala sa Jake si KC, ang
haba ng hair niya, huh.’
Nagtanong kami sa kaibigan
nina Jake Cuenca at KC kung
sila na. “Nope! They’ve been
friends, ‘tagal na. ‘Tagal na namin
nakakasama si Jake (Cuenca) and
he already posted photos with KC
before pa.”
Sabinaminnabakakasingayon
lang binigyan ng kahulugan ang
pagsasama nina Jake Cuenca at
KC kasi nga single na ang dalaga.
“Puwede,” tipid na sabi ng
kaibigan ng dalawa.
P e r o
knowing
Jake Cuenca
(kailangang
buuin ang
pangalan para
hindi malito
ang readers)
kapag parati
n i y a n g
kasama ang
Jake
isang babae
ay nade-develop kaagad siya
kaya huwag na tayong magtaka
kung isang araw ay nililigawan
o girlfriend na niya si KC del
Rosario.
Reggee Bonoan
Mahusay na aktor,
inalat sa nilipatang network S
IMULA nang lumipat sa
ibang TV network ang
mahusay na aktor ay nawalan
na siya ng endorsements
at sponsorship maski na
may regular shows siya sa
nilipatan niya.Nagtataka
naman kami kung bakit
nawala, eh, network lang
naman ang naiba sa mahusay
na aktor kaya nag-usisa kami,
at nalaman namin na ibinase
sa survey ng ad agency.
Kuwento sa amin ng mayari ng clothing apparel na
nag-i-sponsor sa mahusay na
aktor, “Mahina kasi ang bago
(TV network), mas malakas
ang dati.”
“Nu’ng kinuha namin siya
bilang endorser, hindi naman
siya masyadong nakatulong
sa sales, but since may regular
shows siya sa (TV network),
hinabol na lang namin ang
mileage, pero nitong lumipat
na siya sa kabilang network,
siguro hindi na namin siya
kailangan kasi hindi ganu’n
kalakas ang mileage, maski sa
ibang bansa hindi napapanood
ang mga show, kilala lang ng
mga tao sa ibang bansa ‘yung
mga lumang artista. Hindi ko
naman puwedeng damitan
‘yung mga lumang artista. We cater young stars, not the
old ones.”
Naawa kaming bigla sa
mahusay na aktor dahil kaya
nga siya lumipat sa ibang
network ay para mapansin
siya kasi kokonti lang ang
artista ng nilipatang network
kumpara sa pinanggalingan,
pero ang ending nawalan pa
tuloy siya ng sponsorships at
TVC.
--Reggee Bonoan
8
balita martes, enero 27, 2015
DINDO M. BALARES, EDITOR
Showbiz atbp.
Miss Colombia, itinanghal
na Miss Universe 2015
S
MISS UNIVERSE 2015 Si Miss Colombia Paulina
Vega ang kinoronahan bilang bagong Miss Universe sa
63rd annual pageant sa Miami, Florida nitong Linggo,
Enero 25, 2015.
AP/WILFREDO LEE
Ni TESSA DISTOR at AP
nagtanghal ang mga singer na sina Nick
Jonas at Prince Royce. Nagsilbing mga hurado
sina Kristin Cavallari, Emilio Estefan, Nina
Garcia, DeSean Jackson, William
Levy, Manny Pacquiao, Louise Roe at Lisa
Vanderpump.
Matapos ang pageant, nagpaskil ng
balita
9
BRET JACKSON, NAKAKAINTRIGA ANG POST
MJ LASTIMOSA, ‘DI PUMASOK SA TOP 5
I Miss Colombia Paulina
Vega ang kinoronahang 2015 Miss
Universe, sa 63rd annual pageant
na ginanap sa Florida International
University sa Doral City, Florida,
kahapon.
Si Miss USA Nia Sanchez, 24, ang
first runner-up. Sinundan siya ni Miss
Ukraine Diana Harkusha. Si Miss
Netherlands Yasmin Verheijen ang
nasa ikatlong puwesto. At fourth
runner-up naman si Miss Jamaica Kaci
Fennell.
Tinalo ni Vega ang 87 kandidata
mula sa iba’t ibang bahagi
ng mundo.
Sinabi ni Vega, 22, estudyante
ng business administration mula sa
Barranquilla, Colombia, na ang mga
patimpalak bago ang Miss Universe
ang una niyang sinalihan. Sinabi
rin niya na ipagpapatuloy niya ang
kanyang pag-aaral sa Colombia
matapos ang kanyang reign.
“It will be a dream come true to
represent the woman of today. A
woman that not only cares about being
beautiful and being glamorous, but
also cares about being a professional,
intelligent, hard-working person,” sabi
ni Vega nitong unang bahagi ng
linggo nang talakayin ang papel ng
magwawagi sa pageant ngayong
taon.
Samantala, si Sanchez ay
may fourth-degree black belt sa Tae
Kwon Do at nilibot ang bansa para
turuan nito ang mga bata. Nagpahayag
siya na mahalaga ang kakayahan
ng kababaihan na ipagtanggol ang
kanilang sarili laban sa mga krimen.
“It’s just something that’s so
prevalent in our society and why not
empower women to take control of
a dangerous situation into their own
hand,” ani said.
Si Miss Nigeria Queen Celestine ang
nanalong Miss Congeniality; si Miss
Puerto Rico Gabriela Berrios ay Miss
Photogenic; at si Miss Indonesia Elvira
Devinamira, ang nag-uwi ng Best in
National Costume Award.
Ang pambato ng Pilipinas na
si Mary Jean Lastimosa ay nakapasok
sa final 10 kasama sina Miss
Venezuela Migbelis Lynette
Castellanos, Miss Spain Desire
Cordero, Miss ArgentinaValentina
Ferrer, at Miss Australia Tegan
Martin. Ang Today Show personality na
si Natalie Morales ang host ng show.
Si Miss Colombia ay kinorohanan
ni outgoing Miss Universe, Gabriela
Isler ng Venezuela. Kabilang sa mga
martes, enero 27, 2015
mensahe si MJ sa kanyang Instagram at
nagpasalamat sa mga sumuporta sa
kanya. “So proud to be a Filipino!
Man, cant express how grateful I am to
everyone! Im filled with love right now!
Love you all! Godbless us! Mabuhay!”
saad ni MJ.
Andi at Jake,
nagkabalikan na naman
M
UKHANG hindi nga
kayang i-resist ni Andi
Eigenmann si Jake
Ejercito dahil nagkabalikan na
raw sila at magkasama sila sa
Singapore, sabi ng mga taong
malapit sa dalawa.
Naalala namin tuloy si Bret
Jackson na kamakailan lang ay
nagpahayag pa na hindi na raw
magkakabalikan sina Andi at
Jake dahil iyon daw ang sabi ng
aktres.
Bukod dito ay okay ang
relasyon nila ni Andi maski na
hindi pa sila officially on pero
masaya sila kapag magkasama
sila bukod pa na sabay nilang
sinalubong ang Bagong Taon.
Sabi ito ni Bret sa presscon
ng bagong programa ng TV5
na Trippin’ In Love or Fallin’ In
Love episode ng Wattpad nang
tanungin namin tungkol sa plano
ni Jake na pakikipagbalikan kay
N
Ni REGGEE BONOAN
Andi at Jake
Andi.
“I think that people get that
misinterpreted,” sabi ni Bret. “I
don’t think he’ll say that he has
a plan to get back with her, he
actually need or fear the things
he said. I don’t think he has a
plan to get back with her. And
if he does, it’s up to Andi in the
end, di ba? Its’ up to her, it doesn’t
matter kung may plano ka (Jake),
it doesn’t mean you’re going to get
back together.”
Pero heto, marami ang nagulat
sa post ni Bret sa kanyang Twitter
account noong Sabado ng gabi na,
“Liar Liar Pants On Fire at Cheater
Cheater Pumpkin Eater.”
Sino kaya ang sinasabihan
ni Bret ng ganito? Eksena kaya
ito sa Wattpad episode nila ni
Eula Caballero na may titulong
Trippin’ In Love or Fallin’ In Love
dahil nag-post din siya ng tungkol
sa taping?
Sabi pa ng mga kaibigan nina
Jake at Andi, hindi sila nagpakuha
ng litrato na magkasama na
naka-post, pero iisa naman ang
background ng litrato nila kaya
kumpirmadong magkasama
talaga sila.
Galing sa relasyon kay Jake,
papunta sa isa pang Jake?
AKITANG magkasama sa
Valkyrie Club sa Bonifacio
Global City, Taguig si Jake
Cuenca at ang ex-girlfriend ni
Jake Ejercito na si KC del Rosario.
Matatandaang si KC ang dahilan
kaya nagwawala kamakailan si
Andi Eigenmann at nagpahayag
na hinding-hindi na siya
makikipagbalikan sa anak ni
Manila Mayor Joseph Ejercito
Estrada.
Pero kamakailan lang ay
naghiwalay na sina Jake Ejercito at
KC at nagpahayag ang binata na
babalikan niya si Andi.
At dahil nakitang nagka-
clubbing sina Jake Cuenta at KC
ay may obserbasyon ang netizens,
‘mahilig pala sa Jake si KC, ang
haba ng hair niya, huh.’
Nagtanong kami sa kaibigan
nina Jake Cuenca at KC kung
sila na. “Nope! They’ve been
friends, ‘tagal na. ‘Tagal na namin
nakakasama si Jake (Cuenca) and
he already posted photos with KC
before pa.”
Sabinaminnabakakasingayon
lang binigyan ng kahulugan ang
pagsasama nina Jake Cuenca at
KC kasi nga single na ang dalaga.
“Puwede,” tipid na sabi ng
kaibigan ng dalawa.
P e r o
knowing
Jake Cuenca
(kailangang
buuin ang
pangalan para
hindi malito
ang readers)
kapag parati
n i y a n g
kasama ang
Jake
isang babae
ay nade-develop kaagad siya
kaya huwag na tayong magtaka
kung isang araw ay nililigawan
o girlfriend na niya si KC del
Rosario.
Reggee Bonoan
Mahusay na aktor,
inalat sa nilipatang network S
IMULA nang lumipat sa
ibang TV network ang
mahusay na aktor ay nawalan
na siya ng endorsements
at sponsorship maski na
may regular shows siya sa
nilipatan niya.Nagtataka
naman kami kung bakit
nawala, eh, network lang
naman ang naiba sa mahusay
na aktor kaya nag-usisa kami,
at nalaman namin na ibinase
sa survey ng ad agency.
Kuwento sa amin ng mayari ng clothing apparel na
nag-i-sponsor sa mahusay na
aktor, “Mahina kasi ang bago
(TV network), mas malakas
ang dati.”
“Nu’ng kinuha namin siya
bilang endorser, hindi naman
siya masyadong nakatulong
sa sales, but since may regular
shows siya sa (TV network),
hinabol na lang namin ang
mileage, pero nitong lumipat
na siya sa kabilang network,
siguro hindi na namin siya
kailangan kasi hindi ganu’n
kalakas ang mileage, maski sa
ibang bansa hindi napapanood
ang mga show, kilala lang ng
mga tao sa ibang bansa ‘yung
mga lumang artista. Hindi ko
naman puwedeng damitan
‘yung mga lumang artista. We cater young stars, not the
old ones.”
Naawa kaming bigla sa
mahusay na aktor dahil kaya
nga siya lumipat sa ibang
network ay para mapansin
siya kasi kokonti lang ang
artista ng nilipatang network
kumpara sa pinanggalingan,
pero ang ending nawalan pa
tuloy siya ng sponsorships at
TVC.
--Reggee Bonoan
10 Showbiz
martes, enero 27, 2015
balita
Marc Nelson at Rovilson Fernandez,
magiging hosts ng ‘Asia’s Got Talent’
I
Ni James Christian Makalintal, trainee
SA sa pinakabagong aabangan
ngayon sa Asya ang Asia’s Got Talent.
Ang Asia’s Got Talent ay bersiyon
ng regional franchise ng Got Talent na
binubuo ng iba’t ibang bansang may
sariling prangkisa ng naturang show na
nagpapamalas sa kakayahan ng bawat
contestant sa pagkanta, pagsayaw,
magicians, komedyante at iba’t ibang
klase pa ng pagtatanghal. Walang
pinipiling edad ang nasabing talent
competition dahil gaano ka man katanda
o kabata basta’t may talento kang
ipapakita ay maaari kang sumali.
Ipapalabas ang Asia’s Got Talent
sa Marso ng 2015 sa halos 20 bansa sa
Asya. Ang Asia’s Got Talent ay sixtythird-version ng franchise. Matapos
itong mabili ng AXN Asia ay agad
namang inilabas ng AXN ang ilan sa
mga kilalang tao na magiging bahagi
ng palabas bilang judges kasama ang
award-winning composer and music
producer na si David Foster, ang dating
miyembro ng Spice Girls na si Melanie
C, Indonesian singer na si Anggun at
ang nagbabalik na miyembro ng F4, ang
Taiwanese-American singer-actor na si
Vanness Wu.
Malaking karangalan naman para
sa ating bansa ang balita na dalawa
sa kilalang celebrity hunks, host at
models ang magiging parte ng Asia’s Got
Talent bilang hosts. Hindi maitago ang
Marc at Rovilson kasama ang ‘Asia’s Got Talent’ judges
excitement ng dalawa nang malaman
nila na sila ang napili ng AXN Asia na
maging host matapos ang matagumpay
nilang laban sa Amazing Race sa
ikalawang puwesto. Ito ay sina Marc
Nelson at Rovilson Fernandez.
Naging parte ang dalawang celebrity
hunks at bestfriends ng Amazing
Race Asia na umabot sa ikalawang
puwesto at naging malaking ring balita
dahil sa matagumpay at maayos na
pagrerepresenta sa bansa.
Nitong Enero 24, 2015 nalaman ng
dalawa na sila ang magsisilbing host
ng nasabing patimpalak at agad naman
itong tinanggap at ipinagpasalamat.
Ayon sa post ni Marc Nelson
sa kanyang Instagram account: @
marcnelson, “At long long last the secret
is out! Sorry to keep you all in the dark for
so long, but I’m very happy to announce
that my good buddy Rovilson and I are
the hosts of the Biggest Talent Show in
the World... Asia’s Got Talent! woohoo!!
We just wrapped judges auditions and
they were awesome! So privileged to be
working alongside our amazing judges
Melanie C, Van Ness Wu, Anggun and
David Foster. It’s going to be epic.”
SUNDAN sa p. 11
Xian Lim, kakabugin ang
ibang actors sa bagong proyekto
H
INDI man diretsahang
naipaliwanang ni Xian Lim ang
pagkatanggal niya sa Bridges, inamin
naman niya na nang mabasa niya ang
script ng naturang ABS-CBN project
ay agad niyang naisip na mas bagay
kay Paulo Avelino ang role na unang
inialok kay John Lloyd Cruz pero
napunta nga sa kanya.
“Nang mabasa ko ang script, eh,
mas bagay talaga kay Paulo ang role.
Good thing naman, eh, ibinalik ng Dos
ang tambalang KimXi,” paiwas na
sagot ni Kian sa ipinatawag na prescon
ng Paddington. Nawala man sa kanya ang Bridges
ay marami naman ang nagsasabi
na higit na bongga ang kapalit na
proyekto niya tulad nga ng Paddington.
Mas kakabugin niya ang ilan sa mga
kapwa niya aktor sa Dos sa first project
niya sa taong ito.
Siya lang naman ang napiling
official voice sa pelikula ng sikat na sikat
na bear mula sa United Kingdon, huh!
Ang naturang proyekto ay produced ni
David Heyman na siya ring producer
ng Harry Potter at siya ring pumili
kay Xian. Kaya sa pagpapalabas ng
Paddington dito sa Pilipinas ay ang
boses ni Xian ang maririnig.
“Nakaka-enjoy. A different
experience. Iba ‘yung pakiramdam,”
excited na pahayag ng actor.
Ayon pa sa actor, first time na
gagamitin ang boses niya sa animated
character pero with flying
colors ay nagawa niya.
“When they presented
the project to me, they
asked if I would rather
have a British accent or an
American accent. We just
added a touch of British.
“May coach provided
and nagulat ang coach.
Akala niya nakapag-dub
na ako ng maraming
beses dahil madali kong
nasundan, it takes a bit of
practice rin,” sabi ni Xian. Mapapanood sa mga
sinehan dito sa Pilipinas
ang pelikulang Paddington
simula sa February 11.
Ang Captive Cinema ang
local distributor nito.
Hindi nag-audition si
Xian. Nakita siya ng local
distributor at ipina-approve
sa producer ng pelikula at
wala silang naging objection
sa boses ng aktor. Si Xian ang mas
ginusto ng producer kaysa dalawang
kilala at kasamahang aktor ng Dos na
talagang nangarap na masungkit ang
naturang proyekto.
11
balita MARTes, enero 27, 2015
Buhok ni Lincoln,
Banta sa mga Muslim sa US,
tumindi dahil sa ‘American Sniper’ naisubasta ng $25,000
W
ASHINGTON (AFP)
– Tumitindi ang banta
sa mga Muslim sa Amerika
kasunod
ng
pagpapalabas
ng
pelikulang
American
Sniper, saad sa liham ng isang
American-Arab organization sa
direktor ng pelikula na si Clint
Eastwood at sa bida nitong si
Bradley Cooper.
Sa open letters na inilabas
sa unang bahagi ng linggong
ito, sinabi ng AmericanArab
Anti-Discrimination
Committee (ADC) na tumaas
ang bilang ng mararahas na
pagbabanta sa mga Muslim
dahil sa pelikula, na kuwento
ng isang Amerikanong sniper
noong Iraq war.
“A majority of the violent
marc nelson . . .
mula sa pahina 10
Halos hindi naman makapaniwala
si Rovilson Fernandez na makakasama
niya ang ilan sa pinakamagagaling sa
kanilang mga larangan, at ayon sa
kanya, “It’s Happening. I’m proud
and honored to be co-hosting with my
bro @marcnelson, the “Biggest Talent
Show in the World” Asia’s Got Talent.
We are blessed to have onboard as
judges, @melaniecmusic,@_________
___v____________ ,@anggun_cipta &
the legendary@officialdfoster! Such a
dynamic and absolutely entertaining
team to watch! Dozens of countries
represented and mind-boggling acts
that will tug at all your emotions.
Trust me. THANK YOU to all who
helped us get here. We are forever
grateful(Serena we did it!) “Asia’s
Got Talent... The Biggest Talent Show
In The World!” Coming soon,” ani
Rovilson.
Noong nakaraang taon pa nag-
threats we have seen over the
past few days are (a) result of
how Arab and Muslims are
depicted in American Sniper,”
saad sa liham ng ADC.
Sinabi
ng
grupo
na
tumanggap ito ng daan-daang
mararahas na mensahe mula
sa mga nanood ng pelikula,
karamihan sa mga ito ay sa
pamamagitan ng social media.
Ipinabatid na ng ADC sa
Federal Bureau of Investigation
(FBI) at sa lokal na pulisya ang
mga pagbabanta at hiniling
kina Clint at Bradley na
kondenahin ang mararahas na
salitang ginamit ng filmgoers
laban sa mga Muslim.
“Your visibility, influence,
and connection to the film
would be a tremendous
force in drawing attention
to and lessening the serious
dangers facing the respective
communities,”
saad
pa
sa liham na pirmado ng
presidente ng ADC na si
Samer Khalaf.
Ipinalabas ngayong Enero,
ang American Sniper ay batay
sa tunay na kuwento ng
Amerikanong sundalo na si
Chris Kyle na lumaban sa
digmaan sa Iraq.
Umani ng anim na Oscar
nominations ang pelikula
at nagbunsod ng debate
sa Amerika kaugnay ng
pagsalakay sa Iraq at sa
pagsasalarawan
sa
mga
beterano sa popular culture.
umpisa ang auditions para sa Asia’s
Got Talent at ilan rin sa nakatawag
pansin ay ang audtition ni Rodfil
Obeso mula sa YouTube sensation
duo na Moymoy Palaboy. Ang talent
show na ito ay napapanood sa mga
bansa sa Asya na unang pagpapalabas
nito tulad ng Singapore, Pilipinas,
Korea, Thailand, Vietnam, Indonesia,
at India pati na rin sa Canada at
China. Ang nasabing Got Talent
franchise ay binuo ni Simon Cowell
ng SYCOtv Company at Fremantle
Media.
MADALI
SAGOT
KAHAPON
D
ALLAS (AP) – Isang koleksiyon
ng memorabilia ni Abraham
Lincoln, na kinabibilangan ng
ilang hibla ng buhok ng pinaslang
na presidente, ang naibenta ng
mahigit $800,000 sa isang subasta
sa Dallas nitong Linggo.
Umabot sa $803,889 (P35.4
milyon) ang bid para sa koleksiyon
ni Donald P. Dow, at doble ito sa
inasahan, ayon kay Eric Bradley,
tagapagsalita ng Heritage Auctions
na nakabase sa Dallas.
Sinabi ni Greg Dow na ang
kanyang ama, na pumanaw limang
taon na ang nakalilipas, ay labis
na nahumaling sa mga insidente
ng pagpatay sa mga pangulo ng
bansa.
Ang ilang hibla ng buhok,
na kinuha ni Surgeon General
Joseph K. Barnes ilang minuto
makaraang mabaril si Lincoln ni
John Wilkes Booth, ay naibenta ng
$25,000 (P1.1 milyon).
Ang liham ni Booth noong
1861 para sa isang kaibigan na
pinagyayabangan niya ng kanyang
career at kahalagahan bilang aktor
ay nabenta ng $30,000 (P1.32
milyon).
“The public was so disgusted
by Booth’s atrocity that most all
letters, signatures and documents
mentioning him were destroyed
after Lincoln’s death, making
any that survive 150 years later
exceedingly rare and valuable,” sabi
ni Don Ackerman, Consignment
Director for Historical Americana
ng Heritage Auctions. “The Dow
Collection gave us a unique
perspective of the assassination
and I doubt we’ll ever see a
grouping like this outside of a
museum setting.”
12 Libangan
(Ika-91 labas)
A
no bang nangyari at hinuli ka ng mga
pulis?” Tanong ni Mang Teroy kay Aurelio
na punong-puno ng pangamba at pag-aalala.
“Tiyo Teroy, hindi ko ho malaman kung
bakit ako ang napagbintangang nagnakaw ng
mga mahahalagang bagay at kasangkapan sa
paaralan. Ngunit huwag kayong maniwala,
hindi ko magagawa ang krimeng ibinibintang
sa akin!” Mangiyak-ngiyak na paliwanag ni
Aurelio.
“Naniniwala akong isang napakalaking
pagkakamali ang pagturo sa iyong salarin.
Alam kong hindi mo magagawa ang krimeng
ibinibintang!” Sagot ni Mang Teroy na
damang-dama sa tinig ang malaking awa sa
pamangkin.
“Tiyak na may tao o mga taong may
“
ESTELLA DEL MUNDO’S
HUL
martes, enero 27, 2015
lihim na galit sa iyong gusto kang ipakulong
sa kasong gawa ng iba at sa ibinintang sa
iyo.” Dagdag ni Mang Teroy na minsan pa,
ipinahayag ang hindi paniniwala sa krimeng
ibinibintang sa pamangkin.
“Wala ho akong nakagalit sa unibersidad.
At kung may kaugnayan sa trabaho ko ang
kasong ito lalong malabo dahil ginagampanan
ko ng wasto at tama!” Sagot ni Aurelio. “Kaya
ho, litong-lito ako kung bakit nangyari ang
ganito sa akin!”
“Wala ho akong maisip na dahilan. . .”
Dagdag niyang tuluyang napahagulhol ng
iyak. “Kayo na ho ang bahalang magparating
kina itay at inay sa nangyari sa akin!”
Nang makauwi sa bahay, masinsinang
kinausap ni Mang Teroy ang asawang si
Aling Liway sa problemang kinakaharap
ng pamangkin. At tulad niya, hindi rin
makapaniwala ang asawa sa krimeng
ibinibintang kay Aurelio kaya labis ang
pagtataka at kung anu-anong hinala ang
nabuo sa isip. May matibay na batayan
ang paniniwala ni Aling Liway na walang
kasalanan ang pamangkin ng asawa dahil
halos limang taon na itong naninirahan sa
kanilang bahay wala siyang nabalitaan o
nalamang ginawang labag sa batas. Hindi
ito nakikisama o nakikipagbarkada sa mga
tambay sa kanilang lugar na walang magawa
sa buhay kaya madalas nasasabit sa away at
iba pang paglabag sa batas. Tuwina, matapos
ang trabaho at pasok sa unibersidad bilang
working student, umuuwi si Aurelio at hindi
na lumalabas upang magtambay. At matapos
tumulong sa iba’t-ibang gawaing bahay,
inaasikaso naman ang pag-aaral sa pagnanais
matapos ang kursong pinag-aaralan magiging
kasangkapan upang matupad ang mga
pangarap sa buhay.
“Baka may nakaaway siya sa
unibersidad?” Tanong ni Aling Liway na
punong-puno ng pagkabahala.
“Malabo ang bagay na ‘yan. . .” Sagot
ni Mang Teroy. “Alam naman nating hindi
palaaway si Aurelio at walang gustong
gawin sa buhay kung hindi makatapos ng
pag-aaral!”
“O, baka may naiinggit sa kaniya at
nais siyang palitan
sa trabaho!” Wika
uli ni Aling Liway
na tumutulong sa
asawang makakuha ng
kasagutan sa nangyari
kay Aurelio.
“Lalong malabo
ang anggulong ‘yan.
. .” Paliwanag ni
Mang Teroy. “Hindi
masasabing malaking
biyayang kaiinggitan ang
pagiging working student niya sa unibersidad
dahil pinagpapaguran niya ito!”
“Kung gayon, sino ang tao o mga taong
may kagagawan ng kasong kakaharapin
ng pamangkin mong gawa-gawa at walang
katotohanan?” Tanong ni Aling Liway na tulad
ng asawa, hindi makapaniwala sa nangyari kay
Aurelio.
“Wala akong maisip na taong puwedeng
paghinalaan sa naganap na ito kay Aurelio.”
Sagot ni Mang Teroy. “Pero tiyak, malalaman
din natin ang tao o mga taong nasa likod ng
pangyayaring ito sa darating na panahon!”
“Paano natin ipapaalam kay Damian at
Gonding ang nangyari sa kanilang anak?”
Wika ni Aling Liway na tinutukoy ang ama at
ina ni Aurelio. “Kailangan nilang malaman sa
Palaisipan
ni Nonie V. Nicasio
SCOPE
balita
R.V. VILLANUEVA
lalong madaling panahon ang nangyari upang
matulungan si Aurelio?”
“Kung sa sulat, aabutin ng mahigit isang
Linggo bago nila malaman ang nangyari
kay Aurelio. Kung sa telegrama, tiyak na
maghahanap sila ng karagdagang paliwanag!”
Paliwanag ni Mang Teroy.
“Anong plano mo?” Tanong ni Aling
Liway.
“Uuwi ako sa probinsya. . .” Sagot ni Mang
Teroy. “Personal kong ibabalita kina Damian at
Gonding ang nangyari kay Aurelio!”
(Itutuloy)
ni Boy A. Silverio
ARIES [Mar 21 - Apr 19]
Ipagmalaki mo ang iyong work at maging
proactive sa iyong decisions. Be sure na
makukuha mo ang iyong gusto.
TAURUS [Apr 20 - May 20]
Bigyan mo ng emphasis ang mga
magagawa mo for others at maaalis ang
mga balakid sa iyong daraanan.
Sagot Kahapon
Sosyalan
GEMINI [May 21 - Jun 21]
Makatutulong ang pagkukuwento mo sa
iba ng iyong goals dahil magsisikap kang
marating iyon the soonest.
CANCER [Jun 22 - Jul 22]
Protektahan mo ang iyong personal
connection sa iyong significant someone.
Puwede na ang changes na gusto mo.
LEO [Jul 23 - Aug 22]
Huwag mahiyang magtanong. Alisin ang
confusion upang maging malinaw ang
gagawin mong decision.
VIRGO [Aug 23 - Sep 22]
While bata pa ang taon, it’s wiser na
gumawa ng savings plan. By the end of
the year, malaki ang iyong protection.
LIBRA [Sep 23 - Oct 22]
It’s a good day para mag-isip ng unique
way to handle any difficult situation. Yes,
may solution ang problema mo.
SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]
Mag-ingat sa iyong reactions. Hayaan mong
gabayan ka ng iyong intuition. Huwag
ituloy ng plan kung may duda ka.
SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]
Isang mabilis na maneuver ang
makatutulong sa iyong makakuha ng
prime position. Surprise your superiors.
CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]
Mag-focus ka sa iyong goals, hindi sa
ginagawa ng iyong mga kasama. Huwag
aksayahin ang oras sa pag-aalala.
AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]
Gawin mo na ang changes na based sa
iyong feeling. Mayroon kang magandang
idea na kailangan nag i-expand.
PISCES [Jan 20 - Feb 18]
Upang hindi ka maabala in this cycle,
better na gawin mong tama ang isang
endeavor the first time around.
PAHALANG
pinaigsi
29. Din
1. Baho
31. Tawag sa
4. Peste sa bahay
kapatid na
7. Ano
babae
8. Panali
32. Termino sa
sa sugat
boksing
11. Daglat ng
34. Binti ng
Illinois
hayop
12. Tawag sa
35. Anunsiyo
banal
36. Ahas na
14. Dukha
nanglilingkis
15. Ngalan ng
37. Pinausukanglalaki
isda
16. Hulapi
17. Paos
PABABA
21. Tawag sa guro
23. Brand ng gatas 1. Nasyon
ng sanggol
2. Dati
24. Saklob
3. Instrumentong
26. Simbolo ng
musikal
pilak
4. Katutubo
27. Palangga,
5. Likido sa
LAMAN LUPA
katawan
6. Peste
9. Uri ng dugo
10. Uncle ng Kano
13. Angat
16. Propyedad
18. Pantukoy
19. Los Angeles
20. Amoy ng
sunog na
sinaing
22. Ingay ng daga
24. Puga
25. Paaralan ng
militar
26. Wari
28. Daras
30. Saka
31. Uri ng prutas
33. Tulang
pamuri
34. Samahan
sa paaralan
PAHALANG
24. Oo sa
Kapampangan
25. University of
Wales
26. Halimbawa, ikli
28. Wika
30. Bagyo
32. Bubungan
33. Handaan
35. Pelikulang
“Mister __”
36. Talim, bakal
37. Putok ng baril
7. Lalaking artista
8. Tangkad
1. Rangya
9. Sara
4. Unat ng lukot
10. Mikhail ng chess
9. Gapos
12. Sapal ng tubo
10. Balak
18. Nakaw
11. Itulak
19. Isilya
13. Dagta
(sa trapiko)
14. Magkapatid na
21. Sungayang
halos sabay
salagubang
isinilang
22. Sira ang
15. Marami ng el
pagkain
16. Magkasunod
25. Bayarin
na letra sa
26. Impis
Abakada
PABABA
27. Partisyon
17. Sabaw ng
sa sinehan
sinaing
1. Danas
28. Madaliang
18. Kalookan Institute 2. Putahe
pag-alis ‘pag
20. Sinumpong ng 3. Pansamantalang
inulit
sakit
tahi
29. Tago ng pera
23. Chemical
4. B sa Abakada
31. Tawag-knight
symbol ng
5. Pantukoy
34. Magkasunod
Arsenic
6. Atungal (x 2)
na letra
ni Roni Santiago
Belated happy 11th
Wedding Anniversary to Kris
& Faye who celebrated last
January 26, 2015. We hope
that your strong, sweet and
soothing bond of togetherness
and its freshness will continue ‘til eternity.
Greetings from Tsitin & Tintsi.
To all those willing to text a lonely guy like
me, usap tayo. Kelangan ko ng kausap. I’m Ian,
35, nurse. I need someone to talk to, 30-40
years old. – 0933-7120775
Hanap ako ng ka-text, girl, 22 years old
pataas. Kahit single mom okay lang. Mark nga
pala from Ilocos Sur. – 0936-3866120
Hi. Si John Lawrence po ako, 23, tagaValenzuela. Sa lahat ng bigo, tara move on
na tayo. Basta 18-30 years old. Salamat sa
makakapansin, sana i-text n’yo ako. – 09091366426
Naghahanap ako ng text mate. Karen Joy
Santos here. – 0933-5830832
Good day! I’m Joan Bolivar from Bacolod
City. I’m looking for male text mate, ‘yung
mabait at hindi sinungaling at siyempre ‘yung
mapagkakatiwalaan. – 0949-6457014
Hi there! I’m Kaira Pilares, 12 years old.
I’m looking for a text mate, boy or girl, basta
12 years old pataas at ‘yung mabait lang, ha?
Text lang kayo sa 0946-9056978.
“Two things are
infinite: the universe
and human
stupidity; and I’m
not sure about the
the universe.”
—Albert Einstein
“I have the simplest
tastes. I am
always satisfied
with the best.”
—Oscar Wilde
“How can a woman
be expected to
be happy with a
man who insists
on treating her
as if she were a
perfectly normal
human being.”
—Oscar Wilde
“A woman in love
can’t be reasonable-or she probably
wouldn’t be in love.”
—Mae West
Libu-libong guro na mawawalan
ng trabaho, ipinaglaban ng KWF
Ni MEL ALJON A. MONTESA, trainee
Naniniwala ang Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) na ang hakbang
ng Commission on Higher Education
(CHEd) na pag-alis sa mga subject na
may kaugnayan sa Filipino sa mga
kolehiyo at unibersidad ay hindi
magiging makatarungan sa kapakanan
ng mga guro sa tersiyarya.
Ipinipilit ng komisyon na dapat
isaalang-alang ng CHEd ang karapatan
ng mga gurong mawawalan ng trabaho,
at itaguyod ang wikang Filipino sa mga
nasa kolehiyo. Nagpadala na ng liham
ang National Artist at Tagapangulo ng
komisyon na si Virgilio S. Almario noong
Disyembre kay CHEd Commissioner
Patricia B. Licuanan kaugnay ng usapin.
Laman ng liham ni Almario ang mga
tanong tungkol sa mga nakahandang
hakbang ng CHED para “tupdin ang
mandato ng 1987 Konstitusyon na
mapalaganap ang wikang Filipino at
maipagamit ito bilang wikang panturo sa
mga kolehiyo at unibersidad” at sinabing
“pakinggang mabuti ng inyong Komisyon
ang kasalukuyang karaingan ng mga guro
sa Filipino at ang nakikinitang masamang
epekto ng CMO No. 20 sa buhay ng libolibong guro.”
Ito ang naging hakbangin ng KWF
makaraang maglabas ng pahayag ang
CHEd noong Nobyembre 27, 2014 na
maninindigan ito sa pagpapatupad ng
CHEd Memorandum Order No. 20,
series of 2013. Ang naging hakbang ng
komisyon ay bunsod ng pagbabago
sa sistema ng edukasyon sa bansa,
partikular ang Kto12, na naglalayong
isama ang mga general education subject
sa kurikulum ng senior high school.
Bagamat nagbukas ito ng
pagkakataon para baguhin ng CHED
ang kasalukuyang general education
curriculum, ang memo na ito naman
ang magiging dahilan sa pagkawala ng
trabaho ng libo-libong guro sa kolehiyo
at unibersidad simula 2016 dahil sa
pagkakatanggal ng mga subject na
itinuturo.
Ayon kay Almario, noon pa man ay
nagsisikap na ang KWF na magsimula
ng isang talakayan kasama ang CHEd
tungkol sa Filipino sa kolehiyo at
inaasahang masisimulan na ito.
14 Sports
martes, enero 27, 2015
2019 FIBA BASKETBALL WORLD CUP
FIBA Evaluation Commission
team, dumating na sa bansa
Dumating sa bansa ang
tatlo-kataong FIBA Evaluation
Commission
team
na
magsasagawa ng inspeksiyon sa
mga venue at magdedesisyon sa
kapasidad ng bansa na makapaghost ng 2019 FIBA Basketball
World Cup.
Magkahiwalay na lumapag
ng Pilipinas mula sa kanilang
flights ang tatlong miyembro ng
FIBA Evaluation Commission,
ayon kay SBP Executive Director
Sonny Barrios, na sina sports
director Lubo Kotleba, director
general for media and marketing
Frank Leenders at events director
Predrag Bogosavljev.
Darating din si Patrick Bauman
ang secretary-general ng FIBA sa
Huwebes para kausapin ang tatlo
hinggil sa kanilang evaluation
at posibleng magsagawa pa sila
ng courtesy call kay President
Benigno Aquino III.
Naging punong-abala na
sa nakaraang 2013 FIBA Asia
Championship
at
muling
magiging host ng 2015 SEABA
Under 16 tournament, ang
qualifier para sa FIBA Asia U16
Championship, nag-bid ang
bansa para mapasakamay ang
FIBA World Championship
kung saan ay makakatunggali
nila ang China, Turkey, Qatar, at
pinagsamang grupo na mula sa
Germany at France.
Ang
FIBA
Evaluation
Commission ay magsasagawa ng
inspeksiyon sa may 55,000-sitting
capacity na Philippine Arena sa
Bocaue, Bulacan at Smart Araneta
Coliseum ngayong umaga.
Posible din silang bumisita
sa EDSA Shangri-La at Sofitel
na potensiyal na gawing event
hotels bago bumisita sa Mall of
Asia Arena, ang pinagdausan
ng FIBA Asia Championship
kung saan ay makakaranas sila
ng Filipino fan reaction sa laro
para sa pagbubukas ng PBA
Commissioner’s Cup sa tapatan
ng Barangay Ginebra San Miguel
at Meralco.
Magtutungo din ang grupo sa
Cebu bukas na sakay ng private jet
ni SBP president at Smart/PLDT
chairman Manny V. Pangilinan
para naman sa inspeksiyon ng
itatayong sports facility ng SM
Group doon.
Matapos ang panaghalian,
babalik sila sa Manila upang
saksihan ang gagawin namang
presentasyon sa Solaire Hotel
bago ang kanilang private dinner
kasama ng top SBP executives sa
pangunguna ni Pangilinan.
Mayroon ding dinner na
magaganap at inihanda ni Foreign
Affairs Secretary Alberto del
Rosario para kay Baumann sa
Huwebes.
Huling idinaos sa bansa ang
FIBA World Championship noong
1978, kung saan ay ginanap ang
mga laro sa Araneta Coliseum at
Rizal Memorial Coliseum na dito
ay nagkampeon ang koponan
ng Yugoslavia, sa pamumuno
ni Drazen Dalipagic, kontra sa
dating Soviet Union via overtime
sa finals, 82-81.
Ang lahat ng final bids ay
isusumite sa Abril 30 sa FIBA
Central Board na siyang bubusisi
at mag-aaral sa lahat ng mga
proposal bago desisyunan ang
pagpili sa mananalong bid sa
kanilang pulong sa Hunyo.
Marivic Awitan
Ronda Pilipinas, susuyurin
ang mga batang siklista
Susuyurin ng Ronda Pilipinas
2015 na iprinisinta ng LBC ang 17
rehiyon sa Pilipinas sa paghahanap
ng mga bagong talento na hangad
gawing kampeon na tulad nina
Reimon Lapaza at Mark Galedo
upang mapalakas ang pambansang
koponan na isabak sa internasyonal
na mga torneo.
Sinabi ni Ronda Pilipinas
Executive Project Director Moe Chulani
na target nilang maibigay sa mga lokal
na siklista ang pambihirang tsansa na
makapaghanap-buhay, maliban sa
oportunidad na maging miyembro
ng national team, taunang karera na
suportado ng LBC at itinataguyod
din ng major sponsor na MVP Sports
Foundation.
Ang edisyon ng karera ay halos
ng mga miyembro ng kasalukuyang
national team na sina Galedo, Ronald
Oranza, Rustom Lim at George Oconer
kung saan ay pawang produkto
sila ng Ronda Pilipinas na siyang
pinakamalaki at pinakamayamang
karera sa Pilipinas at Asya kung saan
ay may basbas ito ng PhilCycling.
“We want Ronda to be a vehicle
for our Filipino cyclists especially the
Ni Angie Oredo
young and talented ones while giving
them a chance to make a living,”
sinabi ni Chulani. “But of course,
the main goal is to help the country
harness these young talents and train
them to be world-class international
competitors.”
Kaya naman sa unang
pagkakataon, sa nakalipas na limang
edisyon ng karera ay nagdesisyon
ang Ronda organizers na magsagawa
ng qualifying leg sa Luzon, Visayas
at Mindanao na magsisimula sa
Mindanao qualifying round sa Pebrero
8 at 9 sa Butuan City, Cagayan de Oro,
Tubod sa Lanao del Norte at Dipolog.
Mula sa Dipolog, tutulak ang
Ronda caravan patungong Negros
para sa Visayas qualifying leg simula
Pebrero 11 at 12 sa Dumaguete, Sipalay
at Bacolod bago bumalik sa Norte para
sa eliminasyon sa Luzon sa Pebrero 15
at 16 na gaganapain sa Antipolo City
at Tarlac City.
Mahigit 100 riders ang papasok sa
tatlong qualifying races para makasikad
sa championship round sa Luzon kung
saan ay makakasama nila ang seeded
na sina 2014 Ronda Pilipinas champion
na si Lapaza ng Butuan City at Galedo
at Ronald Oranza na Asian Cycling
Championship-bound national team
at ang siyam kataong composite na
European team na binubuo ng Danish
cyclists para pag-agawan ang top purse
na P1 milyon mula sa LBC.
Hangad naman ni Ronda
administration director Jack Yabut
ang malaking pangangailangan para
hikayatin ang mga bata ngunit puno ng
talento na Junior riders na may edad 17
hanggang 18 upang makalahok.
“We’re trying to lure young talents
particularly the 17-18 age group. Of
course, if they join, they will have
their own specific rules to protect them.
Overall, we want to unearth the talent
out there,” sinabi ni Yabut sa karera
na iprinisinta ng LBC at suportado
MVP Sports Foundation kasama ang
Maynilad, NLEX, Standard Insurance,
Petron, Greenfield City, Viking Rent A
Car at Radio1 Solutions at sanctioned
ng PhilCycling na pinamumunuan ni
Tagaytay City Congressman Abraham
“Bambol” Tolentino.
UP, nagsolo pa rin sa liderato
Nakapuwersa ang University of
Philippines (UP) ng 2-2 draw kontra
sa Ateneo de Manila University
(ADMU) upang manatiling nasa
liderato ng ikalawang round ng UAAP
Season 77 men’s football tournament
sa Moro Lorenzo Football Field.
Nakasilip ng break ang Fighting
Maroons matapos maka-goal ang
kanilang striker na si Jin Montemayor
sa 56th minute na nagbigay sa kanila
sa 2-1 kalamangan.
Nakuha namang tumabla ng Blue
Eagles may 4 na minuto ang nakalipas
sa pamamagitan ni Emilio Acosta.
Una nang nakaiskor ang Ateneo sa
pamamagitan ni Wilson Montemayor
sa drilling 18th minute bago nakatabla
ang UP kasunod ang goal ni Jose Anton
Yatco, makalipas ang 2 minuto.
Sa FEU-Diliman pitch, tumapos
din sa draw ang laban ng defending
champion Far Eastern University (FEU)
at De La Salle sa iskor na 1-1.
james . . .
mula sa pahina 16
BINUKSAN noong Sabado ni Filsports Basketball Association (FBA)
Commissioner Vince Hizon ang 1st conference ng liga sa pagitan ng Malolos
Mighty Bulsu at Pampanga Foton Tornadoes sa Malolos Sports Gym. Dumalo sa
opening ceremonies sina Senator Sonny Angara, dating Ginebra star Robert “Dodot”
Jaworski, SBP’s Bernie Atienza, Malolos Mayor Christian Natividad, Marikina Mayor
Del de Guzman, FBA president Robert Sombillo at league operations head LJ
Serrrano para sa non-professional league grassroots program ng Malolos.
balita
’I want him to miss tonight’s
game too,’’ sabi ni Brooks na natatawa
bago ang opening tip. ‘’I want every
advantage I can get. He’s not missing
it, is he?’’
Ang matchup sa pagitan ng
dalawang MVP ng NBA, at mga
koponang inaasahang maglalaban para
sa titulo, ay mayroong playoff-like vibe.
Naglaro sa unang pagkakataon
na wala ang reigning MVP na si
Paolo Bugas na hindi na makababalik
hanggang matapos ang season dahil
sa tinamong ACL injury, nakalamang
ang Tamaraws makaraang ma-foul si
Jess Melliza sa loob ng box at nakaiskor
sa pamamagitan ng spot kick sa 84th
minute.
Nakuha namang tumabla ng Green
Booters sa 89th minute kasunod ang
goal ni Chuckie Uy.
Dahil sa panalo, mayroon
na ngayong natipong 17 puntos
ang UP, angat ng 1 puntos sa
pumapangalawang La Salle habang
pumangatlo ang Ateneo na may 15
puntos.
Sa iba pang laro, nagtapos din
sa 1-1 draw ang laban ng National
University (NU) at University of the
East (UE) sa Moro Lorenzo Football
Field habang nanaig naman ang
University of Santo Tomas (UST)
kontra sa Adamson, 4-1.
Tabla sa ngayon ang NU at ang UE
na may 14 puntos para sa ikaapat na
puwesto, ngunit angat ang una sa goal
difference habang nakatipon naman
ang UST ng 9 puntos para umangat sa
5th spot.
Samantala, sa women`s division,
tinalo ng FEU ang UST, 1-0, habang
nauwi ang laban ng Ateneo at La Salle
sa scoreless draw.
Sa pagbubukas naman ng aksiyon
sa juniors division, inilampaso ng
defending champion FEU-Diliman
ang UST, 10-0, habang nakaungos
naman ang La Salle-Zobel laban sa
Ateneo, 3-2.
Marivic Awitan
Ang dalawang koponan ay naglaro na
tila wala nang bukas. Mayroon ding
highlight-reel worthy dunks, hard
fouls, at trash talking.
Si Waiters ay binulyawan nang
siya ay pumasok bilang sub sa first
quarter. Hindi nagustuhan ng fans
ng Cavs ang kanyang mga naging
komento kamakailan na hindi niya
gaanong nahahawakan ang bola nang
siya ay nasa Cleveland pa.
‘’I didn’t pay any mind to that,’’ ani
Waiters, na niyakap si James pagkatapos
ng laro. ‘’It is what it is. Boos, no boos. I
can’t focus on that kind of stuff.’’
Resulta ng ibang laro:
Miami 96, Chicago 84
Atlanta 112, Minnesota 100
New Orleans 109, Dallas 106
Indiana 106, Orlando 99
LA Clippers 120, Phoenix 101
Toronto 114, Detroit 110
Washington 117, Denver 115 (OT)
Golden State 114, Boston 111
Standings:
UP 17 pts., DLSU 16, ADMU
15, FEU 14, NU 14, UST 9,
UE 3, AdU 0.
Sports 15
balita martes, enero 27, 2015
PVF Executive Board, iniluklok
Hindi umano nakatataas ang
ipinapatupad na batas sa bansa ng
Philippine Olympic Committee
(POC).
Ito ang nagkakaisang sinabi ng mga
miyembro ng Philippine Volleyball
Federation (PVF) na nagsidalo at
isinagawa ang pinakaaasam na
lehitimong eleksiyon noong Linggo
ng hapon sa Alano Hall sa Philippine
Navy Golf Club kahit na walang
representante ang POC.
Nahalal ang siyam na katao na
bubuo sa Executive Board mula sa
dumalong 42 mga miyembro sa unang
general assembly ng asosasyon sapul
noong 2010 na inaasahang ookupahan
naman ang iba’t ibang komisyon na
napag-usapan sa pagpupulong bago
isinagawa ang eleksiyon.
Muling nakasama sa ibinotong
opisyales si Edgardo Cantada, na una
nang iniluklok bilang PVF Chairman
sa unang pagpupulong noong Enero
7, sa nine-man board na dinaluhan
ng mga personahe na mula sa dating
dalawang nag-aagawang paksiyon sa
volleyball.
Pagbobotohan naman ng mga
inihalal sa board ang kanilang
magiging opisyal na posisyon bilang
bagong opisyales ng asosasyon na
bubuuin ng presidente, chairman, at
secretary general.
Nahalal din sa PVF board na
magsisilbi sa loob ng dalawang taon
(2015-16) ang iniupo noon na PVF
president na si Karl Chan, dating
PAVA president Victorico Chavez,
Roger Banzuela, Ricky Palou at dating
national team member at broadcaster
Mozzy Ravena.
Nakasama din sa board, na muling
magsasagawa ng kanilang eleksiyon sa
Disyembre 2016, ang sports journalist
na si Al Mendoza, Arnel Hajan at si
Mariano Diet See.
Nakuha ni Chan ang
pinakamalaking bilang ng boto na
42, kasunod si Cantada (41), ikatlo si
Banzuela (41), ikaapat si Palou (38),
ikalima si Chavez (36), ikaanim si Hajan
(35), ikapito si Mendoza (34), ikawalo si
See (33) at ikasiyam si Ravena (23).
Itinuloy ng PVF ang kanilang
eleksiyon kahit na walang opisyal
ng POC na mag-oobserba na isang
requirement para sa lahat ng national
sports association’s na miyembro ng
natatanging
Angie Oredo
Puso, naging puhunan ni Rieta
Puso.
Ito ang naging bentahe para sa
nakamit na tagumpay ng University
of Perpetual Help ni coach Sandy Rieta
sa katatapos na 90th NCAA juniors
volleyball tournament kung saan ay
winalis nila ang Lyceum para maangkin
ang titulo sa FilOil FLying V Arena sa
San Juan City.
``Wala akong maisip na salita kung
paano idi-described ‘yung nagawa
namin kundi, puso,” ayon kay Rieta
kasunod ng kanilang 25-15, 25-23, 2519 panalo sa Game Two laban sa Junior
Pirates.
Dahil sa panalo, naputol na rin
ang kanilang dinaanang apat na taong
pagka-uhaw sa titulo.
Bukod dito, nakamit din nila
ang ikapitong pangkalahatang
kampeonato sa juniors division upang
pumangalawa sa San Sebastian College
(SSC) na mayroong 15.
At ang pinakamahalaga sa lahat
ay ang tagumpay nilang maibangon
ang kanilang unibersidad mula sa
kabiguang nalasap ng kanilang men`s
at women`s team na kapwa nabigong
ipagtanggol ang kanilang mag titulo.
Marivic Awitan
cycling . . .
mula sa pahina 16
ex-champion na si Paquito Rivas at mga
dating tanyag at mahuhusay na siklista na
sina Juancho Ramores at Cornelio Baylon
na kapwa nagsimula sa kanilang pagiging
siklista sa Palarong Pambansa noong nasa
high school pa lamang sila mula dekada
70’s hanggang 80’s.
Nangako naman sina Danao City
Administrator Oscar “Boying” Rodriguez,
ang PhilCycling Technical Commission
head, na hikayatin nila ang kanyang mga
kababayan sa Cebu na suportahan ang
kampanya na maibalik ang cycling sa
Palaro kasabay ang paglikha ng mountain
bike program na angkop sa mga kabataang
nasa elementarya at high school.
Bahagi sa kalendaryo ng Palaro ang
cycling noon bago ito natigil ng apat na taon
mula noong 1984 hanggang 1987 sanhi sa
nangyaring EDSA revolution.
Ngunit nang ibalik ang Palaro noong
1988, nawala ito sa hanay ng mga regular
event sa Lucena City.
Marivic Awitan
“Cycling is no longer just a sport or a
hobby or a form of physical fitness—it is an
advocacy to help save the environment,”
pahayag ni Tolentino.
Gagawin ng PhilCycling ang kanilang
representations sa mga bagay na nabanggit
kina Department of Education (DepEd)
Secretary Bro. Armin Luistro at Assistant
Secretary Tonisito Umali na siya ring Palarong
Pambansa Secretary General.
“The campaign to use the bicycle,
practically every day—as a mode of
transportation to and from the work place and
schools—has gone global and almost every
country in the world is one in promoting the
bicycle to help halt global warming,” pahayag
naman ni Lina.
Nagsimula ang kanilang adhikain na
maibalik ang cycling sa Palaro kay dating Tour
champion Modesto Bonzo ng Pangasinan
na sinuportahan naman ng kanyang kapwa
6TH LE TOUR DE FILIPINAS 2015
Mga banyagang koponan,
darating na sa Biyernes
Darating ang lahat ng 13 foreign
squads, 11 continental at dalawang
national teams, sa Biyernes salawang
araw bago isagawa ang ika-6 edisyon
ng Le Tour de Filipinas na papadyak sa
scenic at challenging roads sa Bataan sa
kapital ng Balanga.
Unang darating para sumabak sa
karera na iprinisinta ng Air21 at copresented ng MVP Sports Foundation
at Smart ay ang Navitas Satalyst
Racing Team ng Australia, susundan
ng Pishgaman Yzad Pro Cycling Team
ng Iran, ang CCN Cycling Team ng
Brunei, ang Kazakshtan National Team
at ang Team Novo Nordisk ng US,
ang unang professional cycling team
na kinabibilangan ng mga siklista na
mayroong Type 1 Diabetes.
Ang iba pang koponan ay ang
Taiwan’s RTS Santic Racing Team at
Attaque Team Gusto, Thailand’s Singha
Infinite Cycling Team, Indonesia’s
Pegasus Continental Cycling Team,
Malaysia’s Terengganu Cycling Team,
Japan’s Bridgestone Anchor Cycling
Team, Iran’s Tabriz Petrochemical
Team at ang Uzbekistan National Team
na magsisidaratingan din sa nasabing
araw.
Makikipagsabayan sila kontra sa
local squads na 7-Eleven-Road Bike
Philippines at ang PhilCycling’s National
Team sa Pebrero 1 hanggang 4 sa UCI
Asia Tour race na kaakibat ng Victory
Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk
Pharmaceuticals Phils. at Canon bilang
major sponsors.
Ang mga koponan ay dadalhin bago
ang unang bugso ng karera sa Balanga sa
Biyernes. Ang cyclists ay magkakaroon
ng isang araw na pagsasanay sa Sabado
kung saan ang organizing Ube Media
ay magsasagawa ng Team Managers
meeting na pangungunahan ni Le
Tour organizer Donna Lina at UCI
International Commissaire Peter
Tomlinson ng Australia.
Papadyak ang Le Tour bilang kicks
off ng UCI’s Asia Tour 2015 calendar at
magmamarka sa ika-60 taon ng multistage road racing sa bansa.
Magsisimula ang karera sa Pebrero
1 kung saan ay babaybay sa 126-km
Balanga-Balanga (Bataan) Stage One,
sususndan ng 153.75-km Balanga-Iba
(Zambales) Stage Two, 149.34-km IbaLingayen (Pangasinan) Stage Three at
ang 101-km Lingayen-Baguio City Stage
Four.
WVL 19th Season, umarangkada na
Taglay ang pinakamalaking
roster ng players na binuo sa
volleyball league, dadalhin
ng BEST Center Women’s
Volleyball League (WVL) ang
kanilang ika-19 season sa mas
maigting na labanan.
Mahigit sa 800 players mula sa
71 koponan ang sasabak sa WVL,
dinala ang event bilang isa sa
pinakamalaking youth volleyball
tournaments sa bansa.
Nasa ilalim ng pamumuno ni
league commissioner Florentino
“Kid” Santos, ang interschool
tournament ay aarangkada sa
developmental at competitive
matches sa Metro Manila para sa
mga kabataang volleyball players
na may edad 9 hanggang 16 na
mula Enero hanggang marso.
Bilang
recipient
ng
prestihiyosong
Philippine
Sportswriters
Association
(PSA) Hall of Fame Award, ang
WVL ang magkakaroon ng 13
schools na sasabak sa 13-Under
Developmental Division, 7 sa
13-Under Competitive Division,
29 sa 17-Under Developmental
Division at 22 sa 17-Under
Competitive Division.
Noong nakaraang taon,
tinanghal na kampeon ang Hope
Christian High School at Colegio
de San Agustin, Makati sa 17Under at 13-Under Competitive
Divisions, ayon sa pagkakasunod.
Muling magbabalik sa liga
upang idepensa ang kanilang
mga korona ay ang 13-Under
Developmental Division champions
na Escuela de Sophia of Caloocan, Inc.
at 17-Under Development Division na
La Consolacion College.
Gumabay para sa 19th season ng
BEST Center’s WVL ay si Chris Sports
Marketing Manager Arleen Lindo, Milo
Sports Executive Robbie De Vera, BEST
Center President coach Nicanor Jorge,
at FEU Women’s volleyball players
Charmaine Simborio, Bernadeth Pons
at Genevieve Casugod.
Pinasinayaan din ng star players,
na mula sa Far Eastern University
(FEU) Women’s Volleyball Team,
Lady Tamaraws, ang season opening sa
pangunguna nina Genevieve Casugod,
Bernadeth Pons at Charmaine Simburio
sa Xavier School Gym sa San Juan
City kung saan ay inilahad din nila
ang mensahe ng encouragement sa
players, officials, at spectators.
Para
sa
karagdagang
impormasyon sa BEST Center
Women’s Volleyball League, bumisita
lamang sa BEST Center Inc. Facebook
page www.facebook.com/pages/
BEST-Center-Sports-Inc o tumawag
sa BEST Center Hotline, 411-6260 at
372-3066.
Nasa ika-36-taong selebrasyon
sa pakakaloob ng basketball legends,
ang Best Center ay ang pioneer
scientific sports clinic sa bansa at
napagkalooban ng Olympism Award
ng Philippine Olympic Committee
(POC), at iniluklok na Hall of Fame ng
Philippine Sportswriters Association
(PSA).
INILUNSAD nina (mula kaliwa) Chris Sports Marketing Manager Arleen Lindo,
Milo Sports Executive Robbie De Vera, BEST Center President coach Nicanor
Jorge, FEU Women’s Volleyball players Genevieve Casugod, Bernadeth Pons at
Charmaine Simburio ang pagbubukas ng Best Center 19th Season ng Women’s
Volleyball League.
Cycling event sa Palaro, isusulong ng PhilCycling
DENNIS R. IÑIGO, EDITOR
Taglay ang inspirasyon hindi lamang sa pagiging
competitive sa kanilang sport at malaking naitutulong
sa pagsalba sa kalikasan, isusulong ng pamunuan ng
PhilCycling ang pagbabalik ng event na cycling sa
taunang Palarong Pambansa sa sususnod na taon.
Sa isang resolusyon na nabuo sa kanilang nakaraang
board meeting, kaalinsabay sa pagsisimula ng ASEAN
Mountain Bike Cup Series sa Danao City, Cebu noong
nakaraang Sabado, napagkasunduan ng PhilCycling,
sa pangunguna nina chairman Bert Lina at president
Abraham “Bambol” Tolentino, na kailangang suportahan
ng Palarong Pambansa ang kanilang grassroots
development program na naglalayong makatuklas ng
mga kabataang talento at mga potensiyal na maging
miyembro ng national team.
Ngunit hindi lamang sa aspetong iyon nakatuon
ang layunin ng PhilCycling kundi maging sa iba pang
bagay na nagagawa at naitutulong ng cycling sa mga
mahiligin sa pagbibisikleta.
16
SUNDAN sa p. 15
martes, enero 27, 2015
balita
BABANGON
2015 PBA COMMISSIONER’S CUP
‘Run-and-gun’ ng Gin Kings, muling tututukan
Ni Marivic Awitan
Mga laro ngayon:
(MOA Arena)
4:15 p.m. Kia Motors
vs. Globalport
7 p.m. Meralco vs.
Barangay Ginebra
Maagang masusubukan
kung epektibo ba para sa
tropa ng pinakapopular
na ballclub ng liga, ang
Barangay Ginebra San
Miguel ang istilong `run-and
-gun` na ibinalik ng kanilang
balik-head coach na si Ato
Agustin sa pagsalang nila
ngayong gabi sa pagbubukas
ng 2015 PBA Commissioner’s
Cup sa MOA Arena sa Pasay
City.
Matatandaan na nangapa
nang husto ang Kings at
nahirapang mag-adjust sa
`triangle offense` na itinuro sa
kanila ng dating head coach
na si Jeff Cariaso na naging
susi upang hilingin ng mga
player ang pagpapalit dito at
pagbabalik ni Agustin.
Sa pangunguna ng import
na si Michael Dunigan,
umaasa ang supporters ng
Kings na aangat ngayon
ang kanilang koponan lalo
pa at nangako si Agustin na
sisikapin nilang i-maximize
ang talento, diskarte at bilis
ng kanilang mga guard
na sina LA Tenorio, Mark
Caguioa, Josh Urbiztondo at
Chris Ellis upang maibigay
nila nang husto sa kanilang
twin-tower na sina Japeth
Aguilar at Greg Slaughter
ang matinding laban.
Para naman sa tropa
ni coach Norman Black
na naunahan ng Kings sa
pagkuha sa serbisyo ni
Dunigan, ipaparada nila ang
import na si Joshua Davis na
dating kakampi ng NBA star
na si Khawi Leonard sa US
NCAA.
Magtutuos ang dalawang
koponan sa tampok na laro
sa ganap na alas-7:00 ng gabi
matapos ang pambungad na
salpukan sa pagitan ng Kia
Carnival at ng Globalport
sa ganap na alas-4:15 ng
hapon.
Inaasahang mabibigyan
ngayon ng atensiyon at
panahon
ng
kanilang
playing coach na si Manny
Pacquiao, at sa pamumuno
ng 7-foot-3 import na si
Peter John Ramos, ang
koponan upang maiangat ang
kanilang performance mula
sa pagtatapos na ika-11 sa
nakaraang Philippine Cup.
Para naman sa kanilang
katunggaling Globalport na
gagabayan pa rin ng interim
coach na si Eric Gonzales,
ipaparada nila ang dating
North Carolina State standout
at 23-anyos na NBA D-League
veteran na si CJ Leslie.
Samantala,
muling
mamimigay ang PBA bilang
kanilang pasasalamat sa
naging pagtangkilik ng fans
sa nakaraang Philippine Cup
ng mga libreng tiket para sa
general admission section ng
MOA Arena, bago magsimula
ang laro.
PILIT nilusutan
ni LeBron James
ng Cleveland
Cavaliers ang
depensa ni
Kevin Durant
ng Oklahoma
City Thunder sa
kanilang naging
laro kahapon
sa Quicken
Loans Arena
sa Cleveland,
Ohio. Bill Baptist/
NBAE via Getty
Images
James, nagtala ng 34 puntos sa Cavs
CLEVELAND (AP)– Ang sold-out arena
ay napuno ng 20,000 fans na suot ang kulay
gintong mga T-shirt.
Mayroong national TV audience,
dalawang high-profile teams at All-Stars na
nasa loob ng court.
Tila isang laro sa playoffs ang nangyari
ngayong Enero.
Naglaro si LeBron James na tila Hunyo
na. Umiskor si James ng 34 puntos, kabilang
ang unang walo sa fourth quarter kung
saan ay tinalo ng Cleveland Cavaliers ang
Oklahoma City Thunder, 108-98, kahapon
para sa kanilang ikaanim na sunod na
panalo.
Gumawa si James ng isang pares ng
3-pointer at isang fade-away jumper upang
bigyan ang Cavs ng 91-80 abante. Pagkatapos
nito, isinubo ng four-time MVP kay Kevin
Love ang bola para naman sa isang 3-pointer
sa huling 3:38 na tuluyung nagdispatsa sa
Thunder.
Matapos maging scoreless sa third
quarter, gumawa si James ng 12 sa fourth
upang mapanatili ang momentum ng Cavs.
‘’We’re a confident bunch,’’ sinabi ni
James. ‘’But for us, we’re a humble bunch.
It’s one game versus a very experienced team,
a very talented team, a very good team that’s
been together for a while. It shows that we
can match up with some of the high-caliber
teams.’’
Nagdagdag si Love ng 19 puntos at 13
rebounds, habang nag-ambag si Kyrie Irving
ng 21 at 14 ang nagmula kay J.R. Smith para sa
4-0 rekord ng Cavs sa kanilang bakuran. Ang
reserve na si Tristan Thompson ay humakot
ng 16 rebounds.
Naglista si Kevin Durant ng 32 kasama
ang siyam na assists habang 22 puntos
ang ibinigay ni Russell Westbrook para sa
Thunder, na 3-2 sa kanilang pinakamahabang
road trip ngayong season. Si Dion Waiters, na
nakuha mula sa Cleveland sa isang three-way
trade nitong buwan, ay nagdagdag ng 14,
ngunit nagkasya lamang ang Thunder sa 39
porsiyento at hindi nakakuha ng malalaking
shots nang kanilang kinailangan.
‘’We were a couple of possessions away
from really turning the game to a different
outcome,’’ lahad ni Thunder coach Scott
Brooks. ‘’Give them credit. They’re playing
good basketball right now and they have
three great players.’’
Hindi naglaro si James sa huling laro
ng Cleveland sa Oklahoma City noong
Disyembre 11 dahil sa sore left knee, at umasa
si Brooks na hindi niya muling makikita ang
No. 23.
SUNDAN sa p. 14
Download