PAGTITIIS HANGGANG
MAANGKIN ANG LANGIT
HEBREO 12:1-3
HEBRO 12:1-3

“Yamang napapalibutan tayo, yamang
naliligid tayo ng makapal na saksi, mga
saksi na singkapal ng ulap, iwaksi natin,
itabi natin ang mga kasalanan at ang
anumang balakid na pumipigil sa atin,
mga pabigat na nagiging sagabal sa atin,
at tayo’y buong tiyagang magpatuloy sa
takbuhing nasa ating harapan.
 “Ituon
natin ang ating paningin kay
Jesus na siyang pinagmulan ng ating
pananampalataya, at siya ring
nagpapasakdal nito, na dahil sa
kagalakang naghihintay sa kanya, hindi
niya ikinahiya ang mamatay sa krus,
hindi niya inalintana ang kahihiyang
dala nito, at siya ngayon ay nakaluklok
sa kanan ng trono ng Diyos.

“Isip-isipin ninyo kung gaano ang tiniis
niyang paglaban ng mga makasalanan. Ito
ay upang hindi naman kayo manlupaypay
at panghinaan ng loob. At isip-isipin nyo
rin na sa inyong pakikipagtunggali sa
kasalanan ay hindi pa naman kayo
humahantong sa pagdanak ng inyong
sariling dugo…”
PASIMULA
“Kayat dahil napapalibutan tayo ng ganoon
kakapal na bilang ng mga saksi” (12:1a).
“Therefore, since we are surrounded by so
great a cloud of witnesses...”
 Ang mga saksing tinutukoy dito sa kapitulo
12 ay ang mga sumasampalataya na
nabanggit sa kapitulo 11. Sinasabing sila ay
nagmamasid habang ang kanilang kapwa
Cristiano ay nakikipagbuno sa ampiteatro
ng buhay.

Ang salitang “saksi” ay salin mula sa Griego
na “marturon,” siyang salita din kung saan
nanggaling ang salitang “martyr”!
Marturon> saksi > martyr.
 Ang mga martir na namatay sa kanilang
pananampalataya ay saksi din sa kanilang
pananampalataya!
 Si Abel, na pinatay ng kanyang kapatid na
si Cain, ang unang martir sa
pananampalataya.

Patay sila ngunit ang kanilang mga kaluluwa ay
buhay sa isang sulok ng mundo na kung tawagin
ay “Hades,” kung saan sila inilagay ng Panginoon
habang naghihintay ng pagbabangong muli.
 Buhay din sila sa ating isipan dahil sa
magandang halimbawa na kanilang ipinakita.
 Saksi sila sa mga paghihirap natin, sa mga
pagbagsak at pagbangon natin, sa mga pait na
tinamo natin, sa mga pagluha at paghikbi natin.





Ang nasasaisip ng manunulat ng aklat ng
Hebreo habang sinusulat niya ang talatang
ito ay ang mga sinaunang laro sa bansang
Italia.
Ang Olympic games sa Athens, Greece.
Ang mga bilanggo na nakikipag-away, o
nakikipagtunggali laban sa kapwa bilanggo.
Ang mga gladiator na nakikipagpatayan
upang aliwin ang mga taong nanonood.
 Masyadong
madugo ang mga laro ng
panahong yaon!
 Ang kapal sa dami ng taong
nanonood, nakaupo sa nakaikot na
mga upoan sa ampiteatro, kung saan
klarong klaro nilang nakikita ang mga
manlalarong nakikipagbuno,
nakikipag-away sa kapwa manlalaro.
 Noong
panahong ding yaon, ang
Cristianismo ay isang ilegal na relihiyon.
Pinipilit silang magsamba sa mga imahe
na hindi diyos, magsindi ng insenso at
mag-alay ng alay sa kanilang
emperador. Ang ayaw ay pinapatay.
 Bago sila papatayin pinapanood muna
sila habang nakikipag-away ng patayan
sa kapwa bilanggo.
Kung minsan po ang mga bilanggo’y
sinasagasaan ng chariot na hila ng mabibilis
na mga kabayo, hanggang sa mamatay.
 Kung minsan sila ay pinapakain ng buhay sa
mga gutom na leon!
 Ang larawang ito sa Hebreo 12 is a figurative
representation. It admonishes us to act as if
these ancient believers were in sight, and
were cheering us on.

 Kung
sila’y naghirap noon at nanalo sa
laban, tayong naghihirap ngayon ay
mananalo din sa ating laban sa buhay.
 Ano ang mga bagay na dapat gawin
upang makakasiguro tayo sa
pagkapanalo natin?
OUTLINE

(1) ITABI NATIN ANG MGA PABIGAT AT ANG
PAGKAKASALANG BUMIBITAG SA ATIN, 12:1b.

(2) TAKBUHIN NATIN NG MAY PAGTITIIS ANG
TAKBUHING INILAGAY SA HARAPAN NATIN,
12:1c.

(3) PAGMASDAN NATIN SI JESUS NA SIYANG
NAGTATAG AT NAGPASAKDAL SA ATING
SIMULAIN, 12:2a.
(1) ITABI NATIN ANG MGA PABIGAT AT ANG
MGA KASALANANG BUMIBITAG SA ATIN, 12:1b.
Ang salitang “pabigat”—ὄγκον sa
lenguaheng Griego—ay isang bagay na
may bigat na inilalagay sa bingwit, kung
tayo’y mamimingwit ng isda.
 Ang salitang “ONGKON” ay ginamit din ng
mga classical writers to refer to anything
na namamaga, namumula, tumor, kanser
or anything na nagbibigay ng mabigat na
karamdaman. “ONGKON,” pabigat.

Ang anumang bagay na may kabigatan ay sagabal
sa pagtakbo. Inaalis ito, winawaksi, tinatapon.
 Alam nyo naman kung anong klaseng mga
kasuotan ang pinapasuot sa mga tumatakbo.
Magaang sapatos. Damit na magaan, at dikit sa
katawan.
 Sa sinaunang Olympic games sa Athens, Greece,
ang mga runners ay tumatakbo na walang saplot!
 Iyan ang pinagmulan ng konseptong “Oblation
Run” na ginagawa sa University of the Philippines
taon-taon.

Sa isang Cristiano, dapat niyang alisin ang
anumang bagay na nagiging sagabal sa
kanyang pagtakbo upang maangkin nya
ang putong ng buhay.
 Ang pabigat, o bigat na dapat alisin, ay
hindi pare-pareho sa bawat Cristiano.

Sa iba, ito’y ang kanyang pagiging
mapagmataas.
 Ang kanyang pagiging makamundo.
 Ang kanyang galit at di-pagtitimpi.
 Ang kanyang isip na marumi.
 Ang kanyang pusong hindi maawain.
 Ang kanyang pagiging maramot.
 Ang kanyang ugali na makasarili.

 Ang
kanyang pagiging mayabang.
 Ang kanyang pagiging mapagkukunwari.
 His being critical of other people, his
fault-finding attitude at iba pa.
 Mga laro sa internet na nakakaadik, at
mga activities and diversions, and movies
na nakakaubos ng ating oras upang hindi
na magsamba.
Ang pagmamahal sa dating buhay na hindi
maiwan-iwan kahit na ito’y mali.
 Malimit nyong marinig ang awit na: “Laki sa
layaw, laki sa layaw, Jeproks!”
 Buhay na makasalanan. Nahuli si Dindo
Fernando na nakipagkita sa dating karelasyon. Sagot niya: “Minsan lang ako
nagkamali.”
 Tanong ni Hilda Koronel: “Gaano ba kadalas
ang minsan?”

Ang mga anak na drug addict, pasaway, na
naging pabigat sa magulang, sa komunidad
at sa bansa.
 Ang ating special attachment sa mga
trabahong hindi banal, sa mga kaibigang
hindi banal, sa mga bagay na hindi banal.
 Whatever it may be, we are exhorted to lay
all these pabigat aside.
 Masyado silang mabigat, hindi tayo
makakalipad!



Isang preacher ang naging pabigat sa
kongregasyon. He was advised na umalis na.
Ayaw niyang umalis. Bakit? Ang kanyang
bahay ay nakatirik sa lupa ng church, at ang
lupa ng church ay nasa kanyang pangalan!
Kung minsan po ang ating mga ari-arian,
bahay, lupa, negosyo, pera ay naging pabigat
na sa buhay Cristiano, na hindi naman dapat.
 Nagiging
pabigat din po ang ating
pagiging hindi sensitibo sa kalagayan at
sa kahirapang dinadanas ng ating mga
kapatid.
 Totoo nga naman. Hindi po madaling
unawain ang kahirapan kung tayo po ay
napapalibutan ng karangyaan.


Ibinenta ni Peter Waldo, isang mayamang
Pranses, ang kanyang mga ari-arian at ibinili
ng pagkain para sa mga mahihirap. Si Peter
Waldo po ang lider ng iglesia ng Panginoon
diyan sa Pransya, 12th century AD.
Bago ako umalis ng LCC, pinamigay ko ang
aking mga aklat, gamit, at mga damit sa mga
estudyante! Ang naiwan sa akin ay mga
shorts. Bigat kasi!



Listen to the story of Sister Godelia
Sabal:
Naging pabigat sa kanya ang asawang
lasenggo, sugarol, nanakit sa kanya at sa
kanyang mga anak. Noong akmang itatapon
na siya nito sa bintana, nagpumiglas siya,
tumakbo, at nakipaghiwalay na.
Kung hindi pa raw siya nakipaghiwalay, ay
hindi ko siya mababautismohan!


Listen to the story of Aldous
Echegoyen:
Kay kapatid na Aldous Echegoyen, ang
trabahong mataas ang sweldo ay malaking
sagabal! Ito ang naging dahilan upang hindi
siya makapagsamba! Umalis siya doon,
nagtayo ng munting negosyo at naging
preacher ng De Castro church.
(2) TAKBUHIN NATING MAY PAGTITIIS ANG
TAKBUHING INILAGAY SA HARAPAN NATIN, 12:1c.



Ang bawat isa na naging kasapi ng iglesia ay
kasali sa takbuhing ito, ayaw man niya o hindi.
This race is for the strong, not the strong in
legs, but the strong in heart.
Para po tayong lumilipad papunta sa langit.
Kung ang isang elese o propeller ng eroplano
ay tumigil na sa pag-ikot habang nasa
himpapawid, ito ay babagsak. Kung ang isang
Cristiano ay huminto na, siya rin ay babagsak.
Ang payu po sa isang Cristiano ay ang
huwag tumigil sa pagsasampalataya sa
Panginoon. Sabi nga ng isang bantog na
pulitiko, “Kung ayaw nyong sumunod sa
utos ko, pupulotin kayo sa kangkongan!”
 Kung tayo’y titigil sa ating
pananampalataya sa Diyos, saan naman
kaya tayo pupulotin?


APOCALIPSES 21:8. “Ngunit sa mga
duwag, sa mga hindi nananampalataya,
mga karumaldumal, sa mga mamamataytao, mga mapakiapid, mga mangkukulam,
mga sumasamba sa diyus-diyosan, at sa
lahat ng mga sinungaling, ang kanilang
bahagi ay ang lawa na nagliliyab sa apoy
at asupre, na siyang ikalawang
kamatayan.”


Ang payu po sa isang Cristiano ay ang huwag
tumigil sa pagsisilbi sa Panginoon, at ang
pagsasamba sa kanya.
HEBREO 10:25. “Huwag kaligtaan ang
pagdalo sa ating mga pagtitipon gaya ng
ginagawa ng ilan, kundi palakasin ang loob
ng isa’t isa lalo na ngayong nakikita nating
malapit na ang pagdating ng Panginoon.”
Ang payu po sa isa Cristiano ay ang
huwag tumigil sa paggawa ng mabuti sa
kanyang kapwa.
 GALACIA 6:9. “Kaya’t huwag tayong
magsawa sa paggawa ng mabuti; dahil
kung hindi tayo magsawa, tayo’y mag-aani
sa takdang panahon.”

2 CORINTO 9:6.“Tandaan ninyo ito: Ang
naghahasik ng kaunti ay mag-aani ng
kakaunti; ang naghahasik ng marami ay
mag-aani ng marami.”
 Kung ang isang tao’y wala itinanim,
mayroon ba siyang aanihin? Wala po.
 Kung ang isang tao’y tumigil na sa
pagtatanim, mero pa po ba siyang
aanihin? Wala din po!

Tingnan natin ang halimbawa nitong isang Kano na
nagtanim upang maipangaral ang ebanghelyo sa Asia
Ang pangalan niya ay George, at isinilang siya
noong ika-20 ng Hunyo, taong 1886.
 Ang kanyang lolo ay galing sa Inglatiera, at ang
kanyang ama ay isinilang sa Montgomery
County, Illinois.
 Ang kanyang inang si Mary ay Baptist, at ang
kanyang amang si John ay Episcopal, ngunit
nang kanilang narinig ang tungkol sa tunay na
iglesia diyan sa isang liblib na lugar sa Kansas,
sila ay naging Cristiano, members of the Church
of Christ.

In short, si George, tulad ng kanyang ama
at ina at mga kapatid, ay naging Cristiano
din.
 Noong 1903, si George ay nag-aral sa
Parson’s Business College, gumradwet,
nagtrabaho bilang empleyado sa isang gas
company, then bilang stenographer sa
isang mayamang negosyante, then bilang
book keeper sa isang company.

Nag-asawa si kapatid na George sa edad na 23,
kumita ng 12 dollars per week, ngunit hindi niya
ito mapagkasiya sa kanyang pamilya.
 Bagong labas lang yong sasakyang Model T
Ford, yong karag-karag na sasakyang gawa ni
Henry Ford. So brother George started a
business supplying parts for the model T Ford,
like the windshield, tail lights, mirrors, light
bulbs, spare tires, bumpers, speedometers,
spark plugs. Ang kanyang initial capital, 5
dollars, pambayad sa stamps.




Kumita si kapatid na George, at ang kanyang nagiisang store ay naging marami, at by the time he
was 25, naging milyonaryo na siya. Ang kanyang 5
dollars na initial capital naging millions.
Sa Los Angeles, CA, siya’y naging elder ng
Inglewood church, at naging supporter ng missions.
Noong 1928 si brother George Benson, ang unang
misyonero ng church na napunta sa Pilipinas, ay
nangaral sa Mindoro, at si kapatid na George ang
sumuporta sa pangangailangan ni brother George
Benson. In short, sinuportahan ni George si George!
Si George Benson ay bumalik sa China noong
1929. Sinuportahan naman ni kapatid na George
ang misyonerong si Henry G. Cassel na nangaral
din dito sa Pilipinas.
 Noong si brother Kenneth Wilkey ay naging
director ng PBC Baguio, itong si kapatid na
George ay sumuporta din sa kanya.
 Si brother George ang prime mover upang
masuportahan ang gawain ng PBC sa Pilipinas,
bilang isang elder ng Inglewood church.

Utang po nating malaki sa Panginoon kung bakit
naipangaral ang ebanghelyo sa Pilipinas noong
panahong yaon. Utang din po natin sa kapatid
na George na dahil sa kanyang malaking
pagmamahal sa mga Asians ay sumuporta ng
mga missions dito.
 Ang kapatid na George ay siya ring nagtayo ng
isang university sa California, na kung saan
gumradwet ang maraming Cristiano.

Ang tinutukoy kong George ay si George
Pepperdine, ang founder ng Pepperdine
University sa Los Angeles, CA.
 When someone asks him kung bakit malaki
siyang magbigay sa missions, ang sagot niya’y
ganito: “Sa aking pagbibigay, ako’y gumagamit
ng malaking pala. Bigay ako ng bigay. Ngunit sa
aking likuran, mayroong isang bigay din ng
bigay sa akin, at ang kanyang ginagamit na pala
lalong mas malaki!”

Mga kapatid, huwag po tayong tumigil sa
paggawa ng mabuti.
 Each member here should have a part in
the conversion of every soul in this
congregation. You can do that by doing
the following:
 Pag-imbita sa iyong mga kaibigan o
kapitbahay upang magsamba dito, upang
maaralan siya ng inyong minister.

Pagbibigay kahit man lang isang basong tubig,
isang boteng Coke, isang tasang kape, isang
pirasong pan de sal, o kahit isang hamburgher
para sa inyong minister, sa inyong kapatid na
bagong bautismo, o sa mga kapatid na
nangangailangan.
 The church of Jesus is a family and we should
be helping one another, aiding one another,
looking at the welfare of one another.

Kung ano yong ugali natin dito sa mundo
ngayon, hindi kaya ganoon din ang
magiging ugali natin pagdating natin
doon?
 Kung tayo’y maramot dito at hindi
mapagbigay sa pangangailangan ng ating
kapwa, do you think makakapasok tayo
doon? Mag-isip-isip po tayo.

Alam ni kapatid na George Pepperdine na
ang pagmamahal sa yaman ay isang
malaking pabigat sa buhay Cristiano.
 Ang paraan po upang mawala ang pabigat
na iyan ay ang itakwil ang ating pagiging
maramot at magsimula tayong maging
mapagbigay.

“It is more blessed to give than to
receive” (ACTS 20:35).
 “Higit na mapalad ang magbigay kaysa
tumanggap” (GAWA 20:35).

(3) PAGMASDAN NATIN SI JESUS NA SIYANG
NAGTATAG AT NAGPASAKDAL SA ATING SIMULAIN,
12:2a.
 Ang
ibig sabihin nito, kopyahin natin
ang halimbawa Niya!
 Pagmasdan natin ang kabanalan ng
buhay niya, at pagsikapang maging
kagaya Niya.
 Pagmasdan
natin ang kanyang pagtitiis
habang dinadanas Niya ang hirap.
 Pagmasdan natin kung paano siyang
nagdusa, at kung paano siya
nangibabaw doon, at kung paano niya
nakuha at naangkin ang korona ng
buhay.
Pakinggan natin ang mga aral niya.
 Ang ating Panginoong Jesus mismo ang
nagsabi, “It is more blessed to give than
to receive” (ACTS 20:35).
 “Higit na mapalad ang magbigay kaysa
tumanggap” (GAWA 20:35).


Siya mismo ang nagsabi: “It is easier for a
camel to enter the eye of a needle than
for a rich man to enter the kingdom of
heaven” (LUCAS 18:25; MARCOS 10:25).
“SIYA ANG NAGTATAG AT NAGPASAKDAL
NG ATING PANANAMPALATAYA.”
Si Jesus ang una at katapusang halimbawa kung
paano ipinagkatiwala ang lahat ng sa kanya, ang
lahat ng mayroon siya, sa Diyos Ama.
 Ipinagkatiwala Niya sa Ama ang buhay Niya, ang
panahon Niya, ang oportunidad Niya, ang
pangarap Niya.
 Ang kanyang halimbawa ang pinakamalaki at
pinakakompletong maipakita upang sundin
natin.

“NA DAHIL SA KAGALAKANG INILAGAY SA KANYANG
HARAPAN, AY TINIIS NIYA ANG KRUS,” 12:2b.

Dahil sa kagalakang kanyang maaangkin,
ang uupo sa kanang kamay ng kanyang
Ama, at dahil naiisip Niya na ang kanyang
sakripisyong buhay ang siyang magliligtas
sa mundo, tiniis nya ang sakit at pait na
kasa-kasama sa plano ng pagtubos sa
makasalanang tao.
 Sa
kanyang pagkamatay ay para
bagang ipinagpalit Niya ang kanyang
sampung bilyong dolyar sa kanilang
sampung sentimo!
 Tanong ko sa sarili ko: Bakit
kailangang magdusa ang Diyos na
inosente sa walang kwentang taong
kagaya ko?
May kwenta ba ang buhay ng tao?
Ang phosphorus sa ating katawan ay
tamang-tama lang po sa isang kaha ng
posporo.
 Ang mantika sa ating katawan ay tamangtama lang po upang makagawa ng isang
baretang sabon-panlaba.
 Ang lead o tingga sa ating katawan ay
tamang-tama lang po sa isang bala ng
baril.

Ang asukal sa ating katawan ay tamangtama lang po upang makatimpla ng isa
tasang kape.
 All the rest of us is tubig. We are threefourths water!
 Nagkakaroon lang po tayo ng halaga dahil
pinahalagahan tayo ng Diyos, na ibinigay
ang kanyang buhay kapalit ng buhay
natin!

 Ang
tao sa loob natin ang siyang
mahalaga.
 Ang katawang lupa na ito ay hindi
makakapasok sa kalangitan.
 Ngunit ito’y papalitan, babaguhin,
upang maging karapatdapat sa buhay
sa dako pa roon.
“Hindi niya inalintana ang kahihiyan,”
12:2c.
 Kahihiyan
ang dala ng krus!
 Kung malaking kahihiyan ang mapugotan
ng ulo sa gilotina,
 Ang mabitay sa electric chair,
 Ang mamatay sa gas chamber,
 Ang mamatay sa lethal injection,
 Ang ang kahihiyan sa krus ay mas higit
pa!


Ang krus ay para sa mga kriminal, mga
magnanakaw, mga rebelde, mga rapists, mga
bayolenteng tao, mga bandido, mga nangaabuso sa kapwa tao, mga nagbebenta ng
kapwa tao, mga nagbebenta ng kanyang
laman at iba pa.
Ipapako nila ang isang kamay, at isa pang
kamay, at ang dalawang paa, at biglang
huhugotin ang krus paitaas! Nakakagulat,
nakakatakot, masakit!


Yong ibang ipinako doon ay hindi namamatay
kaagad. Tumatagal pa sila ng mga ilang
araw, exposed to the sun and to the rain.
At habang nakabitin siya doon, darating ang
buong komunidad. Makakarinig siya ng mga
insulto, ng pag-aalipusta. Hihingi siya ng
tubig na mainom, tatawanan nila siya. Kung
may magbibigay man, suka ang ipapainom
sa kanya. Lalo siyang uuhawin!
 Iyon
dati ang kahulogan ng krus.
 Ngayon, kung naiisip natin ang krus,
naiisip natin ang pinakamalaking biktima
ng krus, ang hindi makasalanang Anak
ng Diyos, na pinatay ng mga taong
makasalanan, na ang kanyang
kamatayan ang nagpabago ng kanilang
pagtingin sa krus, na ngayon ay
napapaikutan na ng kaluwalhatian.
“Nagtiis Siya ng gayong pagsalungat ng mga
makasalanan laban sa kanyang sarili,” 12:3a
Habang siya’y nakabitay doon sa krus, hindi niya
ginawa ang isumpa, murahin, o gantihan ang
mga makasalanang nagpako sa kanya. Pwede
siyang tumawag ng isang batalyon ng mga
anghel mula sa langit upang alisin siya sa krus,
at sunugin sa apoy iyong mga umalipusta sa
kanya, ang pumako sa kanya, ngunit hindi nya
ginawa!
 Tiniis nya maski pa yong mga pagkawala ng
hustisya sa mundo.

Ang kanyang pagtitiis ay halimbawa “upang
huwag tayong manghina o manlupaypay,” 12:3b

Ang kawalan ng hustisya sa mundo, ang
pananalo sa makamundong laban ng mga
taong masasama, ang magandang posisyong
naangkin ng iba dahil kasipsipan nila, at
kahusayan nila sa pulitika, dahil sa marami
silang kaibigang nasa mataas na posisyon, ay
dahilan kung minsan kung bakit ang taong
nagsisikap na mabuhay ng marangal ay
nanlulupaypay.
 Ngunit
alalahanin natin na ang Diyos ay
hindi bulag, siya ay hindi bingi. Naririnig
niya ang lahat. Nakikita niya ang lahat.
 Darating ang araw, darating ang
panahon na ang bawat isa’y mag-aani
ng kanyang itinanim!
Pakinggan po ninyo ang kuwento ito:
 Isang
matandang lalaki, may pamilya,
at nasa bingit ng kamatayan, ano pa
ba ang kanyang magagawa? Habang
naka-attached ang oxygen tank sa
kanyang ilong, dumating ang kanyang
pamangkin, dala-dala yong papeles
ng lupa nya, at pinipilit siyang
pumirma sa “Deed of Sale.”
 Ayaw
niyang pumirma, dahil ang lupa
na iyon ay kanyang pamana sa
kanyang mga anak na maliliit pa.
Gusto niyang magsalita, umiling ng
kanya ulo. Ngunit wala siyang lakas.
 Ikinuha siya ng ballpen; nanghihina
siya, at nabitawan nya ang ball pen.


Pinilit siyang ikabit ang thumb mark ng
kanyang daliri sa papeles. Ayaw nya.
Nagpumiglas siya. Ngunit wala siyang
magawa.
At ang kanyang pamangkin ay nakatawa pang
sinabi: “Magmula ngayon, Uncle, akin na yong
lupa mo. Di bale, ipapalibing naman kita. Ang
kabaong mo, P500. Ilang oras ka na lang.
Hindi na kita ipaiimbalsamo. Malaking gastos
yon.”
“Mag-iwan ako ng P500 kay Auntie, tulong ko
yon. Iyon lang po ang halaga ng limang
ektaryang lupa mo, Uncle: Isang libo. Salamat.”
At umalis na.
 Dumating ang kanyang asawa. Gusto niyang
sabihin ang pwersahang pagkuha ng kanyang
lupa, ngunit hindi siya makapagsalita. Tumulo na
lamang ang kanyang mga luha, at nalagutan
siya ng hininga.

Yumaman ang kanyang pamangkin dahil sa
lupang ninakaw niya. Naibenta ng sampung
milyon. Nagnegosyo. Ngunit pagkaraan ng
sampung taon, nagkasakit din ng kanser. At
bago namatay ay naikuwento pa sa kanyang
mga pinsan ang kasamaang ginawa niya.
 Ngayon ang kanyang auntie at ang kanyang
mga pinsan ay kasapi ng Mountain View church
of Christ sa Cebu. Ako mismo ang nagbautismo
sa kanila. Nagkaroon sila ng manang kailan man
ay hindi na mananakaw sa kanila!

CONCLUSION
So, mga kapwa Cristiano, sa gitna ng
maraming hirap na ating nararanasan
dahil sa ating pananampalataya sa kanya,
tiisin pa rin natin ang lahat.
 Tiisin natin ito dahil sa kaluwalhatian at
malaking gantimpalang kapalit nito.
 Ang kagalakan at ang kapanalunan ng
langit ay mapapasa-atin, magpatuloy
lamang tayo.





Sa ating pakikipagbuno sa kasamaan, huwag
tayong patalo.
Silang mga nauna sa atin, panalo sila.
Nakatingin sila sa atin. Let’s keep on.
Itapon ang anumang pabigat at kasalanang
kumakapit sa ating kaluluwa. And keep on.
Huwag tumingin sa kanan o sa kaliwa. Huwag
tumingin sa likod. Look up, look before you
and focus your eyes on Jesus. And keep on.
At para naman sa ating mga kaibigan: Ang
buhay Cristiano po ay siya pa ring
pinakamabuting buhay para sa lahat.
 Ang sagot po sa ating kawalan ay ang
pag-asang tayo ay magkakaroon ng mana
sa dako pa roon.
 Ang sagot po sa ating kahirapan sa mundo
ay ang kapahingahan pagdating ng
panahon.

Ang sagot po sa ating paghikbi ay ang
kagalakang madarama kung tayo’y nandoon na
kapiling Niya.
 Makakamit nyo rin po ang buhay na yaon, kung
kayo’y magsisimula sa panibagong buhay
ngayon.
 Kung kailangan niyo pong isuot si Cristo sa
pamamagitan ng bautismo, sabihin nyo lang po
at nakahanda kaming tumulong sa inyo.


MARAMING SALAMAT AT MAGANDANG
TANGHALI SA INYONG LAHAT!