Uploaded by ESPINOLA Ruth Erika

Dagli...

advertisement
Krazy
“Gising na! 6 AM na gising naaaaaa!” sigaw ko
“Arghhh five minutes” sagot naman nya
Nakaraan ang limang minuto
“bangon na dyan 6:05 na gising naaaaa!”
“Ang ingay naman ang aga agaaa”
Aba eh yun ang role ko sa mundo gisingin ka shonga!
“Gising naaaaaaaaaaa” aking patuloy na sigaw.
“Punyeta naman di manahimik eh!” at kanya akong sinamaan ng tingin at pinatay
Ikaw ang nagset ng time tas ako sisishin mo eh, ginawa ko lang naman role ko bilang alam clock hmp!
Miss Perfect
Maputing muka na di kakinisan, maliit na ilong, manipis na kilay at may kaitman ang labi. Hindi sya
kagandagan sa aking paningin. Gusto kong ipagsigawan ang lahat ng kapintasan sa kanyang muka.
Kung makapang lait sya sa iba gamit ang kanyang matalim na dila, hindi nya ba nakikita ang kanyang
itsura? Madalas ay naririnig ko syang tinatawanan ang ibang tao patungkol sa kanilang itsura. Minsan
naman ay nakikita ko syang nandidiri sa iba.
Sa tinagal ng panahon ay ngayon ko lang napagtanto ang mga ganitog bagay. Kapag ang katotohanan
ang ihaharap sa kanya sya ay nakapikit ngunit wala namang mintis ang kanyang panglalait.
Sa aking pagkainis sa aking mga naisip ay dali dali kong inayos ang aking gamit at nagabalak na umalis sa
silid. Ngunit bago iyon, pinasadahan ko muli ang aking sarili sa salamin at tuluyan nang umalis.
Pagsamo
Patuloy ang paglabas ng dugo mula sa aking mga sugat na natatamo.
Nag iiwan ng mga marka mula sa sakit na aking nararamdaman.
Ang matalim na blade ay patuloy sa paghiwa sa aking balat.
Walang tigil ang paglabas ng aking dugo.
Malalim ang aking paghinga, habang iniisp na maalis rin ang sakit na aking nararamdaman.
“Aray puta ang sakit” aking nasambit nang ako’y mahiwa nanaman.
“Next time bibili nalang ako ng wax strips, ang hirap magshave bwiset!”
Activity
“Isang binatilyong lalaki ang namataang nalunod sa Tunasan River. May malaking hiwa sa kanyang leeg
at gaya ng limang lalaking namatay rin sa ilog na ito ay may markang “H” ang kanila palad sa pormang
baybayin” Iyan ang bumungad sa umaga ni Heaven.
“Mabuti naman at nakabihis ka na, mahuhuli ka na sa klase mo. Magbreakast ka na” turan ng kanyang
ina.
“May class mass kasi kami ma, nga pala baka malate ako ng uwi mamaya may group activity kasi kami”
pagpapalam niya.
“Hay nako siguraduhin mo lang na may kasama kang uuwi at wag masyadong mag-pagabi. Hindi kita
pagbubuksan ng gate sige ka” sermon sakaniya ng kanyang ina.
“Yes po, opo. Pasok na ako” walang ganang sagot niya dahil sa isip nito ay hindi naman sila papatayin ng
walang dahilan.
“Sunod sunod ang paglitaw ng mga bangkay mula sa Tunasan River. Ngayong umaga ay may namataan
nanamang binatilyong lalaki na may markang “H” at may hiwa sa leeg” balita na nagmula sa TV.
“Grabe na talaga ang nagyayari sa mundo, paano na ang mga pag-asa ng bayan. Kaya ikaw Heaven wag
ka nang pagala gala sa gabi, kababae mong tao eh” umagang sermon ng ina ni Heaven
Hindi nalang siya kinibo nito at nagpatuloy sa pagkain dahil mahuhuli na ito sa klase.
“kamusta naman yung activity nyo, natapos na ba, hindi na kita papayagang umuwi lagi ng gabi”
“Yes ma tapos na, last activity narin naman yun this month” sagot ni Heaven “Nakaanim na ako eh”
dagdag pa niya at pilyang ngumiti.
“Kapapasok lang na balita! Labindalawang lalaki natagpuang walang mga mata at ang kanilang mga
palad ay may markang “H” sa porma rin ng baybayin. Ineembistegahan pa ng mga pulis kung iisa lang
ang taong sangkot sa patayang ito at sa mga bangkay sa Tunasan River.”
“At may nanalo na! Sabi ko naman sayo anak hindi mo ako mahihigitan eh” mayabang na turan ni Headi
sa kanyang anak.
Happy Love
Eto nanaman si Jake, walang kamintis mintis.
Sa araw araw na ginawa ng Diyos, hindi nya nakakalimutan ang mga bulaklak at tsokolate.
Dahan dahan syang lumapit mula sa kanyang kotse. Hayyy ang gwapo di nakakasawang tignan.
Nang sya’y makalapit ay isang matamis na ngiti ang agad niyang binigay at inabot ang bulaklak at
tsokolate.
Araw araw nalang akong kinikilig di na tama to.
Pati pag hugas ng plato nakangiti ako, kahit sa paglilinis ng CR naka ngiti rin ako!
Sino ba namang hindi kikiligin kung tuwing umaga sya ang bubungad sayo at ang bango bango pa!
Agad akong kumaway sa aking kapitbahay na si Katrina nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanilang
dalawa at bumalik na sa pagwawalis sa aming bakuran.
Lady in Blue
“Napakahayop mo Robeto, matagal mo na pala akong niloloko! Iharap mo sakin yang babae mo. Gago
ka, walang hiya, hayop!” bulalas ni Solidad sa kanyang asawa.
“Wag mo na gawing big deal to, kasama ko ang business partner ko dito may babae rin sya. Dinamay nya
lang ako. Ikaw lang naman ang mahal ko at saka nakilala ko lang yun sa isang club” Depensa ni Roberto
sa kanyang asawa.
“At talaga namang nagpauto ka sa mayabang na Alfredo nayun, club kamo pwes dalhin mo ako roon!”
galit na turan ni Solidad.
“Nasan sya dyan” tanong ni Solidad “Naka-blue na swimsuit” kanyang sagot sa asawa.
“At ang kay Alfredo?” wika ni Solidad “Nasa gilid naka green na swimsuit” agad na sagot ni Reberto
“Mas maganda yung atin” Mayabang na wika ni Solidad na may ngiti sa labi.
Download