Uploaded by missjamygdala

CRITIQUE painting

advertisement
1. Ano ang titulo ng sining biswal na ito?
Ang sining biswal na ito ay may titulong ‘One Spring Day at Rouge River’ (Isang
Araw ng Tagsibol sa Ilog ng Rouge).
2. Sino si Marissa Buyco-Corpus at paano nakaapekto ang mga nangyari sa buhay
niya para makalikha siya ng sining na ito?
Si Marissa Buyco-Corpus, liban sa pagiging artista ng biswal-sining ay isang ina,
manunulat, pinuno ng komunidad, at negosyante.
Si Marissa bilang artista ay isa sa mga miyembro ng Philippine Artists Group (PAG)
ng Canada, isang samahan ng mga migranteng Pilipino sa Canada na naglalayong
magtanghal ng pinakamahuhusay na sining-biswal, gumawa ng mas marami pang
eksibisyon nang may mataas na pamantayan at may tungkuling magsagawa ng mga
gawaing pansining sa propesyonal na pamamaraan.
Siya rin ay masugid na kolektor ng sining para sa sining. Hindi niya ito tinitingnan
na isang pagwawaldas ng pera. Para sa kanya ang sining ay isang mabuting investment.
Nagsimula siyang mahulog sa sining nang makatanggap siya ng isang scholarship sa
loob ng anim na buwan mula sa pamahalaang Dutch. Bumalik siya sa pag-aaral sa
Netherlands at nagkaroon ng pagkakataong bisitahin ang mga gallery ng sining sa
Europa sa paglalakbay niya. Nang masilayan niya ang Mona Lisa sa Louvre, mga gawa
nina Van Gogh, Monet, Rembrandt nang personal ay mas lalo niyang pinahalagahan ang
kagandahan at kamanghamanghang mga sining. Ang koleksyon niya ay makukulay na
landscapes at mga tema ng mag-ina. Kalaunan ang mga tanawin din sa kaniyang
paglalakbay ang kadalasang paksa ng kaniyang mga obra, kabilang na rito ang ‘One
Spring Day at Rouge River’.
3. Anu-ano ang ginamit niyang kagamitan upang mabuo ito?
Ang mga kagamitan niya ay oil acrylic bilang midyum upang ipinta ang nasabing
tanawin bilang kaniyang paksa.
4. Base sa mga simbolo o sa mga "signs" na nakikita mo sa larawan na ito. Ano
ang ibig sabihin ng larawan na ito? (Dapat iba ang sagot mo sa ibig pahiwatig ni
Buyco-Corpus sa kanyang sining)
Ang larawang ito ay nagpapakita ng mga palatandaan ng karikitan ng Rouge River
sa panahon ng tagsibol. Ang tagsibol ay panahon kung saan lubusang sumisikat ang
araw, nagkakakulay ang kaparangan, ang kabundukan ay muling nagkakaroon ng sigla,
ang mga puno ay muling nagkakaroon ng malalagong dahon at ang mga bulaklak ay untiunting namumukadkad. Ang Rouge River sa panahong ito ay kahali-halina na
napaliligiran ng mayayabong na puno at umuusbong na bulaklak. Sumasagitsit ang
preskong hangin buhat sa mga halaman kasabay ang marahang lagaslas ng tubig. Ang
larawan ay waring nagpapamalas ng musika sa pandinig bukod sa kagalakang biswal.
5. Ano ang kahulugan ng larawan na ito ayon kay Buyco-Corpus?
Ang akdang-biswal na ito ay maituturing ni Buyco-Corpus bilang sining para sa
sining (art for art’s sake). Ang terminong ito ay nangangahulugang paglikha ng sining
dahil ang sining ay mahalaga bahagi ng buhay ng tao. Ang konsepto na ang sining ay
hindi nangangailangan ng anumang paglilinaw o pagbibigay-katwiran. Hindi nito
kinakailangang maghatid ng anomang layunin, pagkat ang kagandahan mismo ng sining
ay sapat nang may katuturan. Samakatuwid, ang likhang sining mismo ay nagtataglay ng
halaga, dahil sa nilikha ito. Ang pilosopiyang sining para sa sining ay nagmula pa noong
ika-19 siglo mula kay Victor Cousin, isang pilosopo ng Pransya.
6. Ano ang mahihinuha mo mula sa kahulugan na nakuha mo sining na ito at sa
kahulugan ng sining na ginawa ni Buyco-Corpus? Pagsamahin ang dalawang
kahulugan at gawan ng hinuha.
Mahihinuha na malalim ang pagpapahalaga ni Buyco-Corpus sa sining dahil para
sa kanya ang tunay na sining ay kapaki-pakinabang batay sa internal nitong halaga, na
hindi ito kinakailangang langkapan ng malalim na layunin. Sapat na ang aesthetika,
pagpapahayag o di kaya ay kasiyahang pansarili mismo ng manlilikha. Siya rin ay mahilig
sa pagpinta ng mga tanawing nadaraan niya sa paglalakbay sa iba’t ibang bansa.
Halimbawa ng obra niyang may temang landscapes ang ‘One Spring Day at Rouge
River.’
Maaaring ang sining para kay Buyco-Corpus ay isang pagmulat sa kahalagahan
nito (awakening) na maihahalintulad sa mga halaman sa kasagsagan ng tagsibol sa Ilog
ng Rouge. Kagaya ng pag-usbong ng pagmamahal niya sa sining, nagsimula siya bilang
kolektor tungo sa pagiging manlilikha dahil naghahatid ito sa kanya ng purong kasiyahan.
Kung iuugnay sa kanyang pintang larawan, ipinahihiwatig na sumisibol sa loob ng isang
sining-biswal ang kagandahang dulot nito sa pandama. Maaaring marinig, mamasdan,
maamoy o mahawakan ang isang likhang-sining. Higit sa lahat, ito ay mahalagang
pagsipat sa paglago ng isang tao.
Mga Sanggunian
AtinitoAdmin. (n.d.). The Art and Science of Investing in Art. Atin Ito. Mula sa
https://www.atinitonews.com/2021/02/the-art-and-science-of-investing-inart
Marissa Buyco-Corpus. (n.d.). Philippine Artists Group of Canada PAG | Visual Artists
Toronto Canada. Mula sa https://philippineartists.com/marissa-buycocorpus/?fbclid=IwAR39V9sqCbJQO8UhNCa_DFHFfssGjbks-iu4FLZfX0GVCUaSHhAP_XGvcg
What Is Art For Art’s Sake (And Why You Should Adopt It As Your Artistic Credo).
(2020, November 17). Art by Ro. Mula sa https://artbyro.com/art-for-artssake/
Download